Hindi napigilan ni Helen na bumuntong-hininga nang palihim sa kadaldalan ng nanay niya—paano niya ito ipapaliwanag?Kahit na ganun, nanatiling kontrolado ang ekspresyon niya habang naiilang siyang nagsabi, “Usapin ito ng pamilya ko, Chaz.”“Kung ganun, di ako magtatanong,” sabi ni Chaz na maginoong ngumiti. “Oh, at wag kang mag-alala—tumawag na ako ng isang sikat na Seaham healer. Papunta na siguro siya rito at tutulong na pagalingin si Luna.”“Talaga? Salamat, Chaz!” Sabi ni Helen sa gulat at mabilis niya siyang pinasalamatan.“Bakit nagiging pormal ka na naman? Ang problema mo ay problema ko rin, ok?” Nanatiling nakangiti si Chaz.“Mismo! Tignan mo kung gaano kagaling si Mr. Graves, at siya rin ang chief ng Seaham Martial Artist Association!” Lumitaw si Gina mula sa kung saan at binola si Chaz sa pinakamalakas na boses na magagawa niya. “Helen, dapat maging mas mabuti ang pagkakaibigan niyo at kalimutan mo na ang basura mong dating asawa.”“Hmph. Hindi man lang nararapat ang ba
Nagpatuloy na dumada si Gina, “Ipinahamak ni Frank si Helen nang napakaraming beses, at muntik pang masira ang mukha niya noon! Kung tuturuan siya ni Mr. Graves, hindi siya madaling mapapahamak!”“Sigurado yun.” Mapait na tumawa si Chaz bago tinanong si Helen, “Ano? Wala ka bang gagawin ngayong araw?”Tatanggi sana si Helen nang bigla niyang naalala kung paano siya nadukot nang pagkarami-raming beses at kung paanong kailangan siyang iligtas ni Frank.Naisip niya rin si Vicky Turnbull na nakangiti sa kanya nang tuwang-tuwa. Narinig niyang dating eksperto sa martial arts si Vicky pero nawala ang cultivation niya dahil sa sakit. Pero ngayong gumaling na nang tuluyan si Vicky, sandali na panahon na lang bago bumalik ang cultivation niya. Habang lalo itong inisip ni Helen, mas lalo siyang hindi napakali. At dahil maambisyon siya, seryoso siyang tumango kay Chaz. “Interesado ako. Sana maturuan mo ko nang ilang bagay—sa ganitong paraan, kapag napahamak ako ulit, hindi na ako magiging
Naramdaman ni Frank ang lungkot sa mga salita ni Henry sa kaunting pag-uusisa lang. “Wag mong sabihin yan, Lolo. Tinawagan mo ko para tulungan si Luna, di ba?”“Hindi ko gustong madamay, at mas alam ko kung anong ugali nina Jade at ng anak niya. Pero…”Huminto si Henry at bumuntong-hininga nang matagal. “Isipin mo na lang na huling pabor ko na'to mula sa'yo, at hindi na ako maghahangad ng iba pa…”“Anong sinasabi mo?!” Sumama ang mukha ni Frank at nanginig ang mga daliri niya sa phone niya nang bumuntong-hininga siya. “Hindi ako mabubuhay ngayon kung hindi dahil sa'yo.”“Pasensya ka na talaga, Frank…”Nasaktan si Frank na marinig ang nanginginig at luhaang boses sa kabilang linya. “Wag kang mag-alala, Lolo—ililigtas ko si Luna, at wag mong sabihing ito na ang huli. Hindi babagsak ang pamilya mo basta't buhay ako.”Gayunpaman, tahimik siyang umupo sa drawing room pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay nakita siya ni Winter na nakaupo pa rin roon nang bumalik siya mula sa campus. N
Sumigaw si Jade, “Mahina ang bato ng anak mo! Ganun din ang buong pamilya mo!”Nang walang masabi at galit na galit, nagsimulang umalis ang lalaking nakaitim. Kahit na sinabihan siya ni Chaz na pumunta mula sa malayong Seaham, maiistroke siya sa sandaling tiisin niya ang isang bastos na kagaya ni Jade nang isa pang segundo. “Kumalma kayo.” Mabilis siyang pinigilan ni Gina na mapaumanhing ngumiti nang nakita niyang sumama ang sitwasyon. “Masyado lang nag-aalala ang kamag-anak ko sa anak niya. Pakiusap, subukan niyong tulungan si Luna para kay Mr. Graves—gagantimpalaan namin kayo nang malaki kapag gumaling siya.”Medyo kumalma ang lalaking nakaitim nang nabanggit si Chaz at ang gantimpala, pagkatapos ay tumango siya. “Kumuha pala kayo ng drakeroot. Kailangan mo lang itong dalhin sa'kin, at mapapagaling ko siya.”Bumuntong-hininga si Gina. “Pasensya ka na, pero mukhang hindi namin kayang makakuha—”“Iyon ay dahil ginamit ni Frank Lawrence ang nag-iisang nahanap namin!” Sumingit si
Kagaya ng inaasahan, sumugod sina Gina at Jade sa mansyon ni Frank sa tuktok ng burol sa Skywater Bay kasama nina Cindy at ng boyfriend niyang si Hughie. Hindi sila makakapasok dapat, ngunit nagawang makausap ni Hughie ang security at dinala sila sa mansyon ni Frank. Nang pinindot nila ang doorbell, nagulat silang makitang ang nagtatakang si Winter ang sumagot sa pinto sa halip na si Frank. Tinulungan niya si Carol papunta sa bagong snackbar niya at nakasuot siya ng bear print apron dahil tiningnan niya si Carol na maghanda ng hapunan. “Sino ang hinahanap niyo?” Nagtatakang nagtanong si Winter. Hindi niya nakilala ang mga mukhang ito. Bago pa nakapagsalita si Jade, tumayo si Gina nang magkapatong ang mga braso sa harapan niya at bumunganga, “Sumosobra na talaga si Frank Lawrence, may puta pa pala siya! Basura talaga siya!”“Tinawag mo ba akong puta?” Nagulat si Winter na takang-taka. Snap!Kinunan ni Cindy si Winter ng larawan bago niya ito napansin, “Nakunan ko siya ng l
Sinigawan ni Jade si Winter sa sandaling iyon, “Hindi ganun si Frank?! Ano, gagamitin ko ba ang anak ko para siraan ang basurang kagaya niya?!”Kasabay nito, nagmadali si Carol para protektahan si Winter habang nagpatuloy na ngumiti sa galit na grupo. “Pakiusap, sigurado akong may hindi pagkakaunawaan rito—hindi ganun si Mr. Lawrence. Tatawagan namin siya ngayon din, at sigurado akong kaya niyang linawin ang hindi pagkakaunawaang ito.”“Dalian mo lang, kundi ay hihiwaan ko ang mukha ng putang to!” Suninghal si Jade habang bumunot siya ng isang switchblade, sabay itinutok ito sa harapan nina Carol at ng anak niya. “S-Syempre.” Pinunasan ni Carol ang dugo mula sa mga labi niya at mabilis na sinabihan si Winter, “Dali, tawagan mo na si Mr. Lawrence ngayon din.”“Ma…”“Basta dalian mo. Di ba may tiwala ka sa kanya?” Matatag na tanong ni Carol habang pinapanood nang maigi ang galit na grupo. “Oo…” Kahit na tiyak na hindi pagdududahan ni Winter si Frank, hindi niya siya gustong abala
“Iyon ang totoo…”Miserableng lumuha si Winter kahit nang dinampot niya ang phone niya. “Tanungin mo mismo si Helen kung di ka naniniwala sa'kin.”“Kasinungalingan!” Patuloy na nanggalaiti si Gina, pero natataranta na siya. Kilala niya ang anak niya higit sa kahit na sino—mas maagang umaalis para magtrabaho si Helen nitong mga nakaraang araw, kahit bago pa man sumikat ang araw. Inisip ni Gina ay tungkol ito sa trabaho, pero iyon pala ay pumupunta siya rito para kay Frank…Kahit na tumindi ang inis niya, natakot siyang ipagpatuloy ang isyu, sa halip, tinandaan niyang kailangan niyang tanungin ang anak niya sa susunod na magkita sila. “Hoy, natawagan mo na ba ang hayop na yun?” tanong niya. “Hindi pa… Hindi sumasagot si Frank. Sa tingin ko marami siyang ginagawa,” sagot ni Winter habang umiling kahit na tinitigan niya nang masama sina Gina at Jade. “Hah! Baka naman tumatakas siya sa mga kasalanan niya!” Malamig na tumawa si Cindy. Kasunod nito ay nagreklamo si Jade, “Ang h
Nagtaka si Helen. “Pero ano?”Tumingin si Chaz sa ibang mga apprentice na nagsasanay sa dojo at lumapit siya para bumulong sa tainga ni Helen, “Pero kasi… bilang isang miyembro ng Four Families ng Southstream at ang chief ng Seaham Martial Artist Association, natural na may ilang technique akong hindi tinuturo sa iba.”Nang nakita niya ang interes ni Helen, misteryoso siyang ngumisi. “Gagaling ka lang pagkatapos ng maraming taon kung gagamitin mo ang regimen na ginagamit ng ibang mga apprentice. Kaya mo bang maghintay nang ganun katagal?”Tumingin si Helen sa paligid. Nakita niyang marami ring apprentice ang sumailalim sa basic training at napansin niyang hindi siya naiiba sa kanila. Pagkatapos ay nagdagdag si Chaz, “Palagi kang maraming ginagawa sa trabaho—tiyak yan di mo kayang sumunod sa basic training nang maraming taon. Tara na, may sealed room dito. Ituturo ko sa'yo ang secret technique ng pamilya ko.”May katwiran ang sinabi ni Chaz, pero hindi ganun kaignorante si Helen.