Kagaya ng inaasahan, sumugod sina Gina at Jade sa mansyon ni Frank sa tuktok ng burol sa Skywater Bay kasama nina Cindy at ng boyfriend niyang si Hughie. Hindi sila makakapasok dapat, ngunit nagawang makausap ni Hughie ang security at dinala sila sa mansyon ni Frank. Nang pinindot nila ang doorbell, nagulat silang makitang ang nagtatakang si Winter ang sumagot sa pinto sa halip na si Frank. Tinulungan niya si Carol papunta sa bagong snackbar niya at nakasuot siya ng bear print apron dahil tiningnan niya si Carol na maghanda ng hapunan. “Sino ang hinahanap niyo?” Nagtatakang nagtanong si Winter. Hindi niya nakilala ang mga mukhang ito. Bago pa nakapagsalita si Jade, tumayo si Gina nang magkapatong ang mga braso sa harapan niya at bumunganga, “Sumosobra na talaga si Frank Lawrence, may puta pa pala siya! Basura talaga siya!”“Tinawag mo ba akong puta?” Nagulat si Winter na takang-taka. Snap!Kinunan ni Cindy si Winter ng larawan bago niya ito napansin, “Nakunan ko siya ng l
Sinigawan ni Jade si Winter sa sandaling iyon, “Hindi ganun si Frank?! Ano, gagamitin ko ba ang anak ko para siraan ang basurang kagaya niya?!”Kasabay nito, nagmadali si Carol para protektahan si Winter habang nagpatuloy na ngumiti sa galit na grupo. “Pakiusap, sigurado akong may hindi pagkakaunawaan rito—hindi ganun si Mr. Lawrence. Tatawagan namin siya ngayon din, at sigurado akong kaya niyang linawin ang hindi pagkakaunawaang ito.”“Dalian mo lang, kundi ay hihiwaan ko ang mukha ng putang to!” Suninghal si Jade habang bumunot siya ng isang switchblade, sabay itinutok ito sa harapan nina Carol at ng anak niya. “S-Syempre.” Pinunasan ni Carol ang dugo mula sa mga labi niya at mabilis na sinabihan si Winter, “Dali, tawagan mo na si Mr. Lawrence ngayon din.”“Ma…”“Basta dalian mo. Di ba may tiwala ka sa kanya?” Matatag na tanong ni Carol habang pinapanood nang maigi ang galit na grupo. “Oo…” Kahit na tiyak na hindi pagdududahan ni Winter si Frank, hindi niya siya gustong abala
“Iyon ang totoo…”Miserableng lumuha si Winter kahit nang dinampot niya ang phone niya. “Tanungin mo mismo si Helen kung di ka naniniwala sa'kin.”“Kasinungalingan!” Patuloy na nanggalaiti si Gina, pero natataranta na siya. Kilala niya ang anak niya higit sa kahit na sino—mas maagang umaalis para magtrabaho si Helen nitong mga nakaraang araw, kahit bago pa man sumikat ang araw. Inisip ni Gina ay tungkol ito sa trabaho, pero iyon pala ay pumupunta siya rito para kay Frank…Kahit na tumindi ang inis niya, natakot siyang ipagpatuloy ang isyu, sa halip, tinandaan niyang kailangan niyang tanungin ang anak niya sa susunod na magkita sila. “Hoy, natawagan mo na ba ang hayop na yun?” tanong niya. “Hindi pa… Hindi sumasagot si Frank. Sa tingin ko marami siyang ginagawa,” sagot ni Winter habang umiling kahit na tinitigan niya nang masama sina Gina at Jade. “Hah! Baka naman tumatakas siya sa mga kasalanan niya!” Malamig na tumawa si Cindy. Kasunod nito ay nagreklamo si Jade, “Ang h
Nagtaka si Helen. “Pero ano?”Tumingin si Chaz sa ibang mga apprentice na nagsasanay sa dojo at lumapit siya para bumulong sa tainga ni Helen, “Pero kasi… bilang isang miyembro ng Four Families ng Southstream at ang chief ng Seaham Martial Artist Association, natural na may ilang technique akong hindi tinuturo sa iba.”Nang nakita niya ang interes ni Helen, misteryoso siyang ngumisi. “Gagaling ka lang pagkatapos ng maraming taon kung gagamitin mo ang regimen na ginagamit ng ibang mga apprentice. Kaya mo bang maghintay nang ganun katagal?”Tumingin si Helen sa paligid. Nakita niyang marami ring apprentice ang sumailalim sa basic training at napansin niyang hindi siya naiiba sa kanila. Pagkatapos ay nagdagdag si Chaz, “Palagi kang maraming ginagawa sa trabaho—tiyak yan di mo kayang sumunod sa basic training nang maraming taon. Tara na, may sealed room dito. Ituturo ko sa'yo ang secret technique ng pamilya ko.”May katwiran ang sinabi ni Chaz, pero hindi ganun kaignorante si Helen.
Pagkatapos ay inutusan niya si Helen, “Sige, ikaw mismo ang lumapit!”Nagsimulang gumapang si Helen papunta kay Chaz. Ang isipan niya ay tuluyang kontrolado ng pagnanasa. Gayunpaman, kahit na nagpakita siya ng kaawa-awang pagkamasunurin, mayroong pananabik sa mukha niya habang nagmakaawa siya, “Frank… Frank… Pakiusap, Frank… Kasalanan ko ang lahat ng ito… Wag ka nang magalit sa'kin, okay?”"Frank… Frank Lawrence?!"Sumabog sa selos ang puso ni Chaz nang narinig niyang tinawag pa rin ni Helen ang pangalan ni Frank hanggang ngayon.-Nakasakay si Frank sa Maybach niya habang nagmamaneho sa Riverton Avenue pagkatapos tumakas sa ospital. Pabalik na siya sa Skywater Bay nang nakatanggap siya ng di inaasahang tawag mula kay Trevor Zurich. “Mr. Lawrence, nag-ulat ang mga tao naging nagbabantay kay Helen Lane na kasama niya si Chaz Graves at dumalo sila sa opening Ceremony ng Riverplex dojo… at tinuturuan niya siya ng martial arts.”Nagsalubong ang kilay ni Frank sandali, ngunit bu
Madilim ang mukha ni Frank. Naubos na ang pasensya niya nang sumigaw siya sa loob ng dojo. Natawag ng sigaw niya ang atensyon ng lahat at maraming apprentice ang nanood sa pagtataka. “Uy, isa ba tong hamon?”“Ang bastos naman. Ito pa lang ang unang araw natin.”“Manood ka lang—ang kalbong lalaki banda roon ay nagngangalang Francis. Isa siyang local martial elite at isang Earthrank!”“Earthrank? Anong ibig sabihin nun?”“Hindi talaga ako sigurado… Kailangan mo lang malaman na magaling sila.”“Tignan mo na lang ang humahamon, nakakaputi at napakapayat. Wala siyang laban kay Francis.”“Oo. Magiging masaklap ang kamatayan niya…”“Teka, di ba si Frank Lawrence yun?” Nakilala ng isa sa mga apprentice si Frank at mukha siyang nagtaka. “Anong ginagawa niya rito?”Iyon ay si Jean Zims, isang mabuting kaibigan ni Winter. Suot niya ang baseball cap niya at pinagpawisan ang pisngi niya kahit na nakatali ang buhok niya. Sa kabilang banda, kinilabutan ang apat na lalaki kahit na nakini
“Ikaw ang naghanap nito!”Sumugod kay Frank ang dalawa pang kaibigan ni Francis. Walang dahilan si Frank para magpigil kahit na wala siyang kailangang masyadong gawin laban sa mga mahihinang kagaya nila.Pak!Umalingawngaw ang dalawang nakakabinging sampal at nanatiling nakatayo si Frank, hawak pa rin ang kamao ng unang lalaki kahit na patuloy itong sumigaw. Sa kabilang banda, bumagsak sa lapag ang dalawang maskuladong coaches nang may malakas na kalabog. Bumagsak sila sa kaliwa at kanan ni Frank. “...Huh?” Nagulat ulit ang iba pang mga apprentice. Thud.Si Francis, na maraming nang naranasan para malamig kung kailan aatras, ay lumuhod nang malakas nang nakita niya ang kinalabasan ng sitwasyon. Habang hinahanda ang sarili niya, marespeto siyang sumaludo kay Frank nang nagsabi siyang, “Humihingi ako ng tawad kung napasama ko ang loob mo noon, sir… Isa ka bang Skyrank?”“Tatlo!”Naningkit ang mga mata ni Frank nang binanggit niya ang huling numero at kinilabutan si Fran
Nagpatuloy sa paghagulgol si Helen, "Mamamatay ako sa sobrang pagsisisi… Hindi dapat ako nakinig sa nanay ko… Nagmamakaawa ako sayo, Frank… Patawarin mo ako…”Nabawasan ang sama ng loob ni Frank.Isa siyang ice queen at girlboss, ngunit sa wakas ay ipinagtapat na ni Helen ang tunay niyang nararamdaman.Gayunpaman, biglang naalala ni Frank si Chaz at tumingin siya sa kanya ng malamig. “Hindi ba ipinagyayabang mo yung kasiyahan ni Helen kanina?”“Bwisit…” Nagmura si Chaz ng pabulong.Pinapalabas ng acupuncture technique na natutunan niya mula sa manggagamot sa Southdam ang pinakamatinding pagnanasa ng isang tao. Hindi nga lang niya inasahan na paulit-ulit na babanggitin ni Helen ang pangalan ni Frank noong ginamit niya ito sa kanya!Galit na galit siya—ayaw ng buong pamilya ni Helen kay Frank, kaya bakit gustong-gusto siya ni Helen?Sa kabila ng sama ng loob niya, nagpatuloy siya sa pagtawa, at dinuro pa niya si Frank. "Hehe… Mabuti pa huwag ka nang mangialam at ibaba mo na siya,
Habang umaasang tumingin sa'kin si Peter, nilapag niya ang phone at bumuntong-hininga. “Kalimutan na natin yun. Binenta ko ang lupang iyon, at ayoko nang makuha ito ulit, dahil—”Limang bilyon ang pinag-uusapan natin dito, Tita Gina!” Sigaw ni Cindy sa sandaling iyon, na nakakaalam sa nangyari, ngunit masyado lang talagang makapal ang mukha niya. “Sa limang bilyon, pwede nating gawin ang kahit na anong gusto natin habangbuhay! Hingiin mo na lang yun kay Frank—ibibigay naman niya yun sa'yo para kay Helen, eh. Alam mo kung gaano niya kagustong magyabang sa harapan niya.”Nagsimulang matinag si Gina sa sandaling iyon. Kagaya ng sabi ni Cindy, limang bilyon ito—ano pa bang gugustuhin niya sa buhay pagkatapos nun?Sa kabilang banda, initsa ni Peter ang sarili niya sa kama ni Gina at nagsimulang umiyak, “Ma, kailangan mong mabawi ang lupang yun mula kay Frank, kundi ay mamamatay ako!”Napatalon sa gulat si Gina. “Ano? Mamamatay ka?”Si Cindy, na nakita na ang binabalak ni Peter, ay ma
Sabi ni Gina pagkatapos, “Sasama ka sa'kin sa Lanecorp. Magmakaawa tayo at luluhod sa kanya para tulungan ka. Wag mo lang banggitin ang lupang iyon…”“Hindi mangyayari yan!” Biglang nagwawalang sumigaw si Peter. “Patayin niyo na lang ako! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magmakaawa kay Frank!”“Pero…” Nag-alangan si Gina sa katigasan ng ulo ng anak niya. Nagsalita si Cindy sa sandaling iyon. “Ano ka ba, Tita Gina, sa huli, pera lang ang gusto ni Kit Jameson. Dapat kang mag-isip ng plano para mabawi ang lupang yun mula kina Frank at Helen, pagkatapos, babayaran natin si Mr. Jameson para mabawi si Peter. Pagkatapos nun, pwede nating paghatian ang pera—yun lang yun!”Mabilis na sumang-ayon si Peter, na biglang hindi na umiiyak habang ngumisi siya. “Iba ka talaga Cindy! Ang talino mo!”Umirap si Cindy sa sandaling iyon. “Hey. Sabi ng handa akong saktan kanina.”“Ang lupa? Pero…” Halatang nag-aalangan si Gina. “Pag-isipan mo to, Tita Gina.” Nagpatuloy si Cindy na tuksuhin siya.
Tinaas ni Cindy ang lahat ng daliri niya habang sumigaw siya, “Sampung beses, Tita Gina! Hindi, baka higit pa nga! Binenta natin to ng limandaang milyon, pero ngayon, nagkakahalaga na ito ng limang bilyon! Limang bilyon, Tita Gina!”Nang marinig ang numerong iyon, nanigas si Gina matapos niyang mapaupo, at hindi siya nakapagsalita. “Dali… Dali!” sigaw niya pagkatapos tumulala nang matagal, sabay iniunat ang kamay niya kay Cindy. “Ibigay mo sa'kin ang phone ko. Tatawagan ko si Frank!”“Sige!”Talagang sabik na sabik si Cindy—tiyak na makakakuha siya ng parte kapag mabawi ni Gina ang lupang iyon. Gayunpaman, nang nakuha ni Gina ang phone niya at tinignan ang contact list niya para hanapin ang pangalan ni Frank, nanigas siya bago niya siya natawagan. “Anong problema, Tita Gina? Tawagan mo siya!” Sigaw ni Cindy, na halatang mas kabado kaysa kay Gina. Ganun rin si Peter, na pinilit si Gina sa sandaling iyon, “Tawagan mo siya, Ma. Bakit ka nagdadalawang-isip?”“Ako…”Natulala si
Nagpatuloy na magyabang si Peter, “Hayaan mo siyang kumapit kay Frank kung gusto niya. Mamalasin din sila sa huli at magmamakaawa sa paanan natin!”“Tama! Talagang nagtitino na ang anak ko!”Nakahinga nang maluwag si Gina na marinig ang mga salitang iyon, ngunit kaagad na nailang ang mukha niya. “Kahit na ganun… Naibenta ko na ang lupang yun.”“Ano?!”Tumalon si Peter nang parang pusang naapakan ang buntot. “Ma… Ano? Nabenta mo na yun kaagad?! Sino namang bibili nun sa'yo?!”Naiilang na napakamot ng ulo si Gina, naramdaman niya ang konsensya niya dahil sa reaksyon ng anak niya. “Medyo nag-alala ako pagkatapos ka naming hindi matawagan, kaya binenta ko to kay Frank.”“Kay Frank?! Binenta mo to kay Frank?!”Para bang sasabog si Peter. Kahit na ganun, kumapit siya sa huling pag-asa niya at pinilit na ngumiti habang kalmadong nagtanong, “Magkano mo to binenta sa kanya?”“Limandaang milyon.” Nakangisi si Gina habang tinaas niya ang mga daliri niya. “Ayos lang, Peter. Gusto niyang
Nanlumo ang mukha ni Gina sa sandaling nakita niya si Peter, at sumigaw siya, “Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong ipakita ang mukha mo rito!”Talagang pinasakay siya ni Peter. Napakasama na siguro ng nangyari sa kanya kung hindi binili ng talunang si Frank ang bulok na lupa sa mga kamay ni Gina. Ang habulin ng mga loan shark at mawala ang Lane Manor? Naisip pa lang ito ni Gina ay napangiwi na siya. Nanginig siya sa galit habang tinitigan niya nang masama ang may gawa nito at dinuro si Peter habang sumigaw siya, “Walanghiya kang basura ka! Balak mo bang ipapatay ang nanay mo?! Tapos ang kapal pa rin ng mukha mong pumunta rito?!”“Ano ka ba, Ma. Sobra naman yan.” Kinamot ni Peter ang ulo niya ay mapagpaumanhing ngumiti. Sinubukan niyang ilagay sa mesa ni Gina ang mga bouquet na binili niya, ngunit hinawi niya ito. Nalaglag ang mga bulaklak habang sumigaw siya, “Layas! Ayaw kitang makita! Wala akong anak na lalaki—hindi yung sinusubukang lokohin pati ang sarili niyang nanay!”Nanl
Halatang sinusubukang umiwas ni Peter sa responsibilidad. Gayunpaman, tumayo si Kit, naglakad papunta kay Peter, at hinablot siya sa kwelyo habang sumigaw siya, “Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito! Niloko mo ang nanay mo gamit ng lupang yun para makuha ang pera niya—tignan mo ang nangyari! Binigyan mo lang sila ngayon ng pera!” Binato niya si Peter sa sofa at sumigaw, “May tatlong araw ka. Bawiin mo ang lupang iyon sa kung magkano mo ito ibinenta, kundi ay pupugutan kita ng ulo!”"Security!"Habang hinampas ulit ni Kit ang mesa niya, bumukas ang mga pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang maskuladong bodyguard na may taas na dalawang metro habang tinuro ni Kit si Peter at sumigaw, “Iitsa niyo siya palabas!” “Masusunod, Mr. Jameson,” sagot ng mga bodyguards, pagkatapos ay dinampot si Peter nang parang pusa at initsa siya sa kalsada. “Sumosobra na kayo!” Sumigaw si Peter habang bumangon siya, pinaglaban ang damit niya, at sumigaw sa opisina ng Zomber Group, “Paano ko nam
Pagkatapos ay iniabon ni Frank si Winter mula sa bathtub at nilagay siya sa kama. Pwede niya siyang iwan nang ganyan, pero nang makitang malalim ang tulog niya at basang-basa siya, sumuko siya pagkatapos ng mahabang pagdadalawang-isip. Tiyak na magkakasipon siya kapag nagpatuloy siyang matulog nang ganito, at wala siyang malalaman dahil tulog siya. Pinunasan siya ni Frank, pagkatapos ay kumuha ng damit mula sa damitan niya at tinulungan siyang magbihis. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin, pero nakita pa rin naman niya. Nakakailang ito, pero natapos niya ito sa huli at nakahinga nang maluwag habang tumakas siya mula sa kwarto ni Winter. -Natakot din si Frank na manatili sa Skywater Bay dahil magiging nakakailang ang sitwasyong paggising ni Winter, kung kaya't tumakas siya ng Riverton pagsapit ng gabi. Sa sumunod na araw, nagpakita siya sa opisina ng Lanecorp sa Zamri at maagang pumasok sa trabaho. Kahit na ganun, bilang head ng health and security department ng
“Nadroga ka. Magtiis ko na lang muna—tutulungan kita pag-uwi natin.”Pinagngitngit ni Frank ang ngipin niya para tiisin ang lambot habang nakatuon ang mga mata niya sa daan. “Oh… Sige…” umungol si Winter habang maamo siyang tumango. Nang nakauwi na sila sa wakas sa Skywater Bay, dinala niya si Winter sa kwarto niya. Mabuti na lang at walang ibang tao sa mansyon. Aligaga si Carol Zims sa snackbar niya, habang bumalik sina Noel York at Kat Yego sa opisina ni Noel pagkatapos ng perfomance nila sa convocation at hindi pa sila nakakauwi. Isa itong pambihirang pagkakataon…Sinampal ni Frank ang sarili niya at mapait na tumawa—pambihirang pagkakataon?! Ano yun?!Hinanda niya ang pampaligo, tinunaw niya ang antidote dito at pinalakas ang solusyon gamit ng pure vigor niya. Hindi nagtagal, isang sariwang bango ang nagmula sa bathtub. “Sige na, Winter. Ngayon—”Lumingon si Frank, ngunit nakita niya si Winter na nakasuot lang ng underwear at parang lasing na nakangiti sa kanya n
"Frank…"Biglang lumapit si Winter kay Frank, sabay sumandal sa kanya at kumapit sa braso niya habang hiningal at nagmakaawa, “K-Kalma ka lang, Frank… Magkakaproblema ka… kapag pinatay mo siya—”Bago pa siya nakatapos, pumikit ang mga mata niya at bumagsak siya sa lapag nang walang malay. "Winter!"Nang makitang mawalan ng malay si Winter, walang oras si Frank para kay Bill—initsa niya siya, pagkatapos ay binuhat niya si Winter at pumikit para pakiramdam siya. Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng apoy na nagsisimula sa loob ng katawan niya at nagtaka siya sa umpisa. Kahit na ganun, bigla niyang naalalang pinilit siya ni Bill na uminom ng wine, na nilagyan siguro ng gamot na nagpapasabik sa katawan. “Hayop ka!”Nakikita ni Frank kung anong binabalak ni Bill at kaagad siyang nagalit. Ngunit sa dami ng mga nanonood sa kanila, hindi niya pwedeng gamutin si Winter dito at napilitan siyang pakawalan si Bill. Kahit na ganun, habang dala niya si Winter palabas ng hall, inapakan n