Inabot ni Quinn ang kahon na naglalaman ng Eternal Ice kay Donald. Isa itong sacred relic ng Sage Lake Sect, na may kakayahang pahabain ang buhay ng isang ordinaryong tao kapag ininom ito.Naikwento na ni Drakon kay Donald ang tungkol dito noon at nagulat siya na ibinigay ito ni Quinn sa kanya.Tunay man ito o peke, ngumiti pa rin siya. “Salamat, Ms. Ocean. Well, hindi naman na kayo mga bata—panahon na para magpakasal kayo, pero may ibang mga bagay na kailangan nating unahin.”Biglang nagbago ang tono ni Donald habang nagsasalita siya, “May nang-api sa kapatid mo nitong nakaraan…”Itinaas ni Drakon ang isang kamay niya upang pigilan si Donald. “Wala kang dapat ipag-alala. Sinabi na sa’kin ni Viola—hindi nila alam kung anong makakabuti para sa kanila. Bumalik ako para pagbayarin sila at upang ipakita sa buong Riverton kung ano ang naghihintay sa mga taong mananakit sa pamilya ko.”Tuwang-tuwa si Donald sa matapang na deklarasyon ng kanyang anak. “Hahaha! Siguradong wala akong dapat
Hinawakan ni Frank ang kanyang pisngi, kung saan naiwan ang marka ng lipstick ni Helen, at nalalanghap niya ang matamis na amoy nito…Sa di kalayuan, sumimangot si Winter. “Uy, kakain ka ba? O lumabas na yung kaluluwa mo dahil sa halik na ‘yun?”"Ahem…"Umubo si Frank, hindi niya inakala na mangyayari sa kanya ang ganitong nakakailang na bagay.Gayunpaman, tiningnan niya ng masama si Winter. “Ano bang alam ng batang gaya mo?”“Twenty na ako.” Umirap si Winter, pinalaki din niya ang dibdib niya. “Tapos tinatawag mo pa rin ako na bata?”Tumawa si Frank. “Hindi ko makita na matanda ka na.”“Hoy!” Namula sa galit si Winter. “Virgin ka pa ba?”Naging interesado siya sa sarili niyang tanong, at hinila niya ang manggas ni Frank habang kinukulit niya siya, “Teka, virgin ka pa nga?”Namula si Frank at sumimangot siya. “Anong nakakatawa? Kailangan kong magpigil para sa training ko…”“Hahaha! Sabi mo e.” Nanginig si Winter sa sobrang kakatawa. “Tatlong taon kang kasal pero virgin ka pa
Bumili na si Jean Zims at ang iba pa ng handbag na ito, at matagal na itong gusto ni Winter, ngunit wala siyang pera para dito.Tumawa si Frank. “Walang problema. Habang nandito ka, tingnan mo na din kung may mga damit o gamit ka pa na kailangan. Pwede nating bilhin lahat ‘yun.”Agad na itinaas ni Winter ang kanyang mga kamay. “Hindi, ayos lang ako. Mahal ang mga gamit dito—sapat na sa’kin ang isang handbag.”Nahihiya siya na gumastos si Frank ng malaki para sa kanya. Kung sabagay, alam niya kung gaano kahirap kumita ng pera dahil tumutulong siya sa snackbar ng nanay niya mula pa noong bata pa siya.Gayunpaman, tila maliit na bagay lang ito para kay Frank. “Ayos lang ‘yun—masayang araw ‘to para sa’kin. Bibilhin natin ang anumang gusto mo.”Tuwang-tuwa siya na hindi mukhang pera si Winter kahit na lumaki siya sa hirap, bagaman si Carol Zims ang dapat niyang pasalamatan tungkol dito.“Oh, ayos lang talaga ako! May mga damit ako at nasa’kin naman na ang lahat ng kailangan ko ngayon—
Maging si Frank ay ibinaba ang kanyang tingin pagkatapos niya itong tingnan sandali, tahimik niyang hinimas ang kanyang ilong.Nakaturo si Aria sa isang itim na babydoll nightie na masyadong mahalay ang itsura kahit saan mo ito tingnan!Siniko siya ni Winter habang pabulong na nagreklamo, “Hindi ko pwedeng isuot ‘yun! Huwag na!”Suminghal si Aria. “Bakit hindi? Ayos lang naman ang itsura nito para sa’kin.”Agad na nagsalita ang retail assistant na kasama nila, “Tama ‘yun—ito ang latest addition namin, at maganda at komportable ang disenyo nito. Ako mismo bumili nito! Marami din kaming available size nito, bakit hindi mo ito subukan?”Humarap si Aria kay Winter. “Kita mo na? Makapal at makaluma ang mga pajama mo. Walang respetadong lalaki ang magiging interesado pagkatapos ka nilang makita na suot ‘yun. Sa nakikita ko, dapat bumili ka pa ng mas marami para masiguro mo na hindi nila aalisin ang mata nila sayo.”Naramdaman ni Winter na uminit ang mga pisngi niya.Noong sinulyapan n
Habang nakatayo si Winter sa harap ng salamin, patuloy niyang tinititigan at pinagmamasdan ang sarili niyang katawan.“Hmm… Hindi na masama.” Ngumiti siya at kontentong tumango, nagdesisyon siya na kunin ang bra na sinukat niya.Subalit, huhubarin na sana niya ito noong mapagtanto niya na hindi niya matanggal ang hook nito.Sinubukan niyang kapain ang hook, ngunit hindi niya ito matanggal.Nagsimula siyang mataranta noong sandaling iyon, ngunit habang sinusubukan niya itong tanggalin, lalo lang humigpit ang bra.Habang pinagpapawisan ang kilay niya, marahan niyang kinatok ang pinto.Si Frank, na nakatayo sa labas, ay nagtanong, “Oh? Ano ‘yun?”“Uh, Frank…” mahina niyang sinabi. “Nandyan pa ba yung retail assistant?”Tumingin si Frank sa paligid, ngunit hindi niya nakita ang retail assistant. “Wala. May problema ba?”Agad na nakaramdam ng hiya si Winter at bumulong siya, “E si Aria?”“Pumasok siya sa isa pang changing cubicle, at hindi pa siya lumalabas.”“Ano?!” Hindi makaim
Agad na idiniin ni Winter ang bra sa kanyang dibdib habang namumula siya.Hindi niya ito maaaring hayaang dumulas, at hindi rin maganda na hawakan niya ito ng matagal…Nanigas siya, nakatitig siya sa salamin at nakita niya na nakatitig sa kanya si Frank.Nang mapansin niya na hindi na maganda ang sitwasyon, agad na tumalikod si Frank, uminit ang katawan niya sa masikip na lugar.Napakamot ng ulo si Frank. “Kung ganun, lalabas na ako…”Bakit pa siya mananatili sa loob pagkatapos niyang tanggalin ang hook?Tumango si Winter, ngunit biglang lumabas si Aria mula sa kanyang cubicle noong sandaling iyon.Tumingin siya sa paligid ngunit hindi niya nakita si Frank o si Winter, nagtanong siya ng malakas sa sobrang pagtataka, “Hoy, Winter? Nasa loob ka ba?”Agad na hinawakan ni Winter ang braso ni Frank noong narinig niya ang boses ni Aria, at lumingon si Frank at nakita niya na umiiling si Winter.Ayaw niyang makita ni Aria na makita niya siya kasama ni Frank sa iisang cubicle—anong ma
Naramdaman ni Frank na may nakapatong sa kanya noong ipipikit na sana niya ang mga mata niya para matulog.Tumingin siya sa baba at nakita niya ang kamay ni Aria sa may hita niya, nakadiin sa kanya ang siko ni Aria habang nakasandal siya sa kanya.Tiningnan siya ng malamig ni Frank, ngunit nginitian ni Aria si Frank at tinanggal niya ang butones ng kanyang kolyar, dahilan upang makita ang kanyang dibdib.Magkapatong ang mga binti niya, nakahubad na ang mga stiletto niya habang kinukuskos niya ang kanyang thigh-high socks sa kanyang binti.At noong walang reaksyon si Frank, nagsimulang gumapang ang mga kamay ni Aria paakyat ng hita ni Frank… ngunit napigilan niya siya bago pa man maabot ni Aria ang kanyang sinturon.Sumimangot si Frank at sinabing, “Huwag mo akong hawakan.”Nginitian lamang siya ni Aria, bagama’t tumigil din siya pagkatapos siyang balaan ni Frank.Hindi nagtagal, nagtungo si Frank sa men’s room, balak niyang magbawas.Nang makakita siya ng pagkakataon, agad na s
Pagkatapos niyang makipagkasundo kay Frank, masayang umalis ng men’s room si Aria.Hindi interesado si Frank sa mga babaeng gaya ni Aria, at hindi ito dahil sa itsura niya, kundi dahil ito sa kahalayan niya at sa kagustuhan niyang gawin ang kahit ano para sa pera.Hiding-hindi magiging interesado si Frank sa kanya—malay ba niya kung kailan niya siya tatraydurin.Pagkatapos niyang pakalmahin ang sarili, lumabas siya at nakita niya si Aria na naghihintay sa labas.Sabay-sabay nilang pagbabalik, may nakita silang tao sa upuan ni Frank.Ito ay isang binata na nakadamit nang marangya, sinusubukang kausapin si Winter. "Hoy, mag-isa ka ba dito? Bakit hindi tayo mag-add sa WhatsApp?"Hindi man lang alam ni Winter kung kailan siya dumating at agad siyang kinawayan bilang pagtanggi. "Hindi, kasama ko ang kapatid ko.""Oh, ayos lang. Nandito ka naman para tumambay, di ba?" pinipilit ng kabataan.Nahihiyang tumango si Winter, at tumawa siya. "Naku, nakalimutan kong banggitin—ang kapatid ko
Ang mga babae ay nakaramdam ng paghamak kay Winter habang hindi nila alam kung saan sila dapat mag-intern.Nang marinig ni Frank ang kanilang pag-uusap, nakita siya ni Jessica at nag-double take. "Hey, hindi ba't kapatid ni Winter 'yan?"Gayunpaman, hindi nagtagal ay siya'y nagbiro. "Talagang ginawa mo ang lahat para lang makakuha ng trabaho ang kapatid mo!""Oo nga, ipinadala mo siya na parang regalo sa kama ng isang matandang lalaki… Wala nang hihigit pa sa iyong tiyaga."Ang pang-aasar ay nag-iwan kay Frank na nalilito, bagaman agad niyang napagtanto na nagkamali sila ng pagkakaintindi habang patuloy silang nagkukwentuhan.Si Winter ay talagang may kakayahang maging pinuno ng Zamri Hospital—sa katunayan, sapat na sapat ang kanyang kasanayan sa medisina, at hindi niya kailangang gumamit ng anumang hindi kanais-nais na paraan.Habang nanatiling nagdududa ang mga babae sa kabila ng mga sinabi ni Frank, hinila lang sila ni Frank para makita si Winter upang siya na mismo ang magsab
May isa lamang porsyentong tsansa si Gus na mabuhay, pero may isang bagong graduate na inakalang kasintahan ni Gene na nagtagumpay sa tsansang iyon?!Grabe, kaya na ngang makipag-usap ng lalaki ngayon!Pakiramdam ni Paco na parang gumuho ang kanyang mundo, na parang ang mga dekadang kaalaman niya sa medisina ay walang halaga sa ilang mga bata.Sa paligid niya, ang kanyang mga katulong ay nakatitig sa gulat.Hindi nagawa ni Paco! Ano ang nagbigay sa kanilang dalawa ng karapatan na magtagumpay?Posible bang mas magaling pa ang kanilang mga kasanayan sa medisina kaysa kay Paco kahit na mas kulang sila sa karanasan?"Alam mo ba ang pangalan na Frank Lawrence?"Si Gus ay sumagot kay Winter at Jean Zims, kahit na nakapikit pa rin ang kanyang mga mata."Frank Lawrence?"Nagpalitan ng tingin sina Winter at Jean."Siya ang kapatid ko," sagot ni Winter."Siya ang aking mentor," sabay na sinabi ni Jean.Tumango si Gus at huminga ng malalim. "Kung ganun siya nga talaga ‘yun… Muli niya
"Oh! Dumating sila para kay Winter." Ngumiti ang katulong."Siguro balak nilang hingin sa kanya ang internship, dahil bagong talagang siyang pinuno ng ospital natin at lahat."Pumihit si Paco kay Winter noon din, ang kanyang titig malamig habang malamig na sumagot, "Ano bang akala mo sa ospital namin?! Hindi ito lugar para sa mga batang nagmamadaling umakyat sa ranggo. Lumayas ka dito!""Ano? Humihingi ba kami ng pahintulot na manatili?" Tina ay nagmaktol sa paghamak at lumingon muli upang umalis matapos magbigay ng malamig na titig kay Winter."Sandali…"Sinubukan ni Winter na magsalita, pero sobrang pagod niya mula sa operasyon na halos hindi siya makapagbigkas ng isang pantig.Patuloy na nagalit si Paco sa kanya noon, "Sabi ko, chief, sapat na ang binigay mong gulo sa akin para sa isang araw, kaya ipaalam mo sa utak mo—ospital ito, hindi lugar para kay Gene Pearce na magtago ng mga kalaguyo!"Pagkatapos, itinuturo si Gus Zeller sa trolley bed, sumigaw si Paco, "Tingnan mo ang
"Phew…"Matapos ang mahigit apat na oras na operasyon, bumagsak si Winter sa isang upuan, ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo."Okay ka lang ba, Winter?" tanong ni Jean habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Winter.Umiling si Winter. "Ang laki ng pagkadismaya ko…""Oo nga…" buntong-hininga ni Jean, nilingon ang lalaki sa surgical table na kakatatapos lang operahan, habang nilingon siya at si Winter. "Okay lang—ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.""Alam ko." Nagsalita si Winter nang may lungkot.Di nagtagal, si Gus Zeller ay inilipat sa isang wheel bed at itinulak palabas ng silid ng operasyon."Hahaha! Ang sakit na nito… Tingnan mo lang ang mukha niya, parang nabigo siya.""Hehe. Mga batang mayabang, sabi ko sa'yo. Ayos lang, isang tagapaglingkod ng Soranos ang namatay sa kanilang surgical table… talagang magagalit ang mga Sorano.""Eh, hindi naman kasalanan natin 'yan. Abangan na lang natin kung paano ito magiging."Nagkunot-noo si Winter nang marinig niya ang mga tao, pe
At kapag nalaman ng mga Sorano na babae ni Gene Pearce ang nag-opera sa kanilang retainer, mas mabilis na babagsak si Winter.Ito ang patibong na inihanda ni Paco para kay Winter—katapusan na niya, gawin man niya ito o hindi.Ngumisi siya, dahil naniniwala siya na imposible para kay Winter na mailigtas ang buhay ni Gus Zeller.Bago dumating si Winter, sinuri na niya si Gus—bali-bali ang mga buto sa buong katawan niya at naputol ang isang braso niya, habang dumudugo naman ang mga organs niya.Maging ang pagtibok ng puso niya ay lubhang napakahina.Para kay Paco, kahit na marami na siyang karanasan, dinaig pa ni Gus yung nasagasaan ng tren.Isa siyang patay na naglalakad, at hindi magiging maganda ang mga bagay para sa sinumang tatanggap sa kaso niya.At nagkataon namang magagamit ito ni Paco laban sa bago niyang chief, na kasisimula pa lang ng kanyang unang araw sa trabaho.“Gaano man kakakaiba ang sitwasyon, ang pagliligtas sa buhay ng pasyente ang prayoridad natin,” sabi ni Wi
Bagaman nangangahulugan iyon na hindi kayang hawakan ni Winter ang mga komplikadong kaso at hindi niya kayang linangin ang mga pill, ang kanyang kaalaman sa mga acupoint, masahe, at kasanayan sa acupuncture ay kayang hawakan ang karamihan sa lahat, kahit na hindi ito kasing epektibo ng kay Frank.Pagkatapos ng lahat, ang mga tao tulad ni Frank na nagmaster sa parehong martial arts at medisina ay isang pambihira.Sa kabilang banda, nagulat si Paco na kinuha ni Winter ang scalpel nang walang kaalam-alam, ngunit hindi nagtagal ay tumatawa na siya kasama ang kanyang mga katulong.Ang surgical wing ay isang lugar ng kaseryosohan, at sinisira nila ito."Sandali, chief." Ngumisi si Paco habang lumalapit kay Winter."Hindi ko naman sinasadyang maliitin ka, pero kakagraduate mo lang sa unibersidad at hindi ka pa nakapag-internship. Ito ang unang beses mong humawak ng scalpel, tama ba?"Tumango si Winter nang mahinahon at hindi nagalit."Pfft…"Pinigilan ni Paco ang pagtawa, habang ang kany
Pareho nang higit-kumulang na napagtanto nina Vicky at Helen na ang pagpapanatili ng spiritron vein ay hindi naman talaga mabuti para sa kanila, lalo na't nagdudulot ito ng walang katapusang mga problema.Ang pagkaligaw sa oras ay, mula sa isang pananaw, ang matalinong hakbang.Naiintindihan ni Frank kung ano ang iniisip ni Silverbell.Tanging isang malaking organisasyon tulad ng Martial Alliance at ang kanilang mga tagasuporta ang may lakas na mapanatili ito—ang pagbibigay kay Frank sa kanyang kasalukuyang estado ay makakasama sa kanya sa halip."Ano ang gagawin natin ngayon, Frank?" tanong ni Vicky nang may pag-aalala."Umupo at huwag gumawa ng kahit ano," sabi ni Frank matapos mag-isip ng matagal tungkol dito, lumingon sa pagitan nina Vicky at Helen."Kung may makakahanap ng eksaktong lokasyon ng spiritron vein, problema na nila iyon at hindi natin. Ang lungsod ng Zamri ay gulo na dahil sa spiritron vein, kaya hindi pa panahon para tayo ang magpakita. Sa puntong ito, ang pinakama
Samantala, sa isang conference room sa tuktok ng Lanecorp Tower, nakasimangot sina Vicky at Helen.Pagkatapos ng lahat, pareho silang may mga espada na nakatutok sa kanilang mga makikinis na leeg."Ano'ng ginagawa mo, Silverbell?!" sigaw ni Helen."Heh. Nagulat ako... may isang malapit na tao na nakapagpalusot sa akin." Tumatawa si Vicky, pero ang kanyang mga mata ay kumikislap ng malamig."Pasensya na, ladies," si Silverbell ay nakadamit ng puti tulad ng dati, hawak ang kanyang espada sa isang kamay at isang nagniningning na alahas na kahawig ng isang anting-anting sa kanyang kabila.Iyon ang spiritron vein na binanggit ni Helen sa phone.Nang bumalik sila, Vicky, at Silverbell sa Lanecorp Tower, isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na nag-aabang ang sumugod sa kanila.At nang kinuha ng mga lalaking nakasuot ng itim ang spiritron vein at ibinigay ito kay Silverbell, napagtanto nina Vicky at Helen na sila ay niloko.Kahit na siya ang kaibigan ni Frank mula pagkabata at l
Sa isip na iyon, tumingin si Frank pataas at sumigaw, "Sir, wala sa akin ang spiritron vein, pero alam ko kung nasaan ito. Hinihiling ko ang iyong pag-unawa bilang aking senior na bigyan ako ng pabor na palayain ang aking pamilya, at dadalhin kita kung nasaan ito!"Tumahimik ang paligid ng sirang templo sa mga salita ni Frank, habang nag-iisip ang taong nagkukubli sa mga anino.Di nagtagal, muling nagsalita ang kanyang matandang boses."Sige. Dahil isa kang tao ng mga prinsipyo, may tiwala ako sa iyo."Lumabas siya mula sa mga anino, isang matandang lalaki na may kulay-abong buhok at may bakal na maskara na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha ang naglakad palabas.Ang kanyang ekspresyon ay malamig, at may dala siyang kwintas ng mga butil ng dasal sa isang kamay.Tumigil ang tibok ng puso ni Frank nang makita niya siya—ang nakakatakot na presyon na ipinapakita ng lalaking iyon ay malinaw na nagpapakita na siya ay Transcendentrank!Hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni