Ngumiti si Drake sa kahilingan ni Vicky. “Syempre naman.”Natigilan si Vicky na napakadali niyang tanggapin, gaya ng idinagdag ni Drake, "Kung manalo kami, ibibigay mo sa amin ang lahat ng shares ng Grande Pharma. May problema ka ba diyan?""Syempre hindi." Umiling si Vicky. "At kapag nanalo kami, hinding-hindi na kami guguluhin ng pamilya mo. Natural, we'll welcome you kung willing kang magnegosyo.""Sure. Tuloy na ba tayo sa ring?" Napangiti si Drake.Naramdaman na ni Vicky na may mali sa misteryosong ngiti niyang iyon ngunit hindi niya magawang ilagay ang kanyang daliri sa kung ano.Hulaan na kailangan lang niyang maghintay at makita ...-Napagtanto na lamang ni Vicky na ang mga Chandler ay nag-imbita ng maraming bigwig sa Riverton upang manood ng laban. Lahat sila ay nakatitig sa mga Chandler at sa grupo niya pagkapasok na pagkapasok nila sa hall."Hoy, sino sa tingin mo ang mananalo?""Hindi ako sigurado... ngunit sana ay gawin ng mga Turnbull.""Ano? Ano kayang maganda
Nung sinabi niya ang mga salitang iyon, hinanda ni Will ang kanyang technique at sinugod si Yara. Hinanda ni Yara ang kanyang Boltsmacker kasabay nito, at nagsalpukan ang kanilang kamao, at nagpalitan ng ilang dosenang suntok sa loob ng ilang segundo!Habang tumitindi ang laban, ang mga manonood sa paligid ay naghiyawan dahil sa pananabik. “Hindi ko inakala na tatagal yung dalaga laban kay Wilf!”‘Ibang klase talaga ang dalagang anak ng gobernador…”Ang totoo ay nagpupuyos sa galit si Wilf—mas matanda siya kay Yara at isang lalaki! Ang katunayan na tumagal si Yara sa kanilang laban ay nakakahiya para sa kanya!Balak niya sana itong talunin sa isang atake lang at hindi niya inaasahan na ganun pala kalakas si Yara at may pambihirang teknik.Gayunpaman, bente anyos pa lang siYara at wala pa gaanong karanasan sa pakikipaglaban.Nung sinadya ni Wilf na ibaba ang kanyang depensa, hindi nakakagulat na sinunggaban ito ni Yara, na naging dahilan para matawa si Wilf. “Marami ka pang d
”Nangyari pa ang bagay na to…”Pati ang mga manonood ay napatulala dahil sa nangyari.Samantala, nanlaki ang mga mata ni Vicky dahil hindi ito makapaniwala sa nangyari. “Anong ginagawa mo, Mr. Lepley?”“Wala, sumuko lang naman ako.” Nagkibit balikat si Boran. “Binayaran kita ng tatlumpung milyon para lumaban para sa amin!” Galit na sigaw ni Vicky. ‘At sumuko ka lang ng ganun?!”Tumawa si Boran humalukipkip. “Oo nga, pero binayaran ako ng limampung milyon ng mga Chandler—kaya natural lang na nasa panig nila ako. Bakit hindi mo na lang dagdagan ng dalawang milyon ang bayad mo sa akin? Sinusumpa ko na magiging patas ako kapag ginawa mo yun.”“Napakasama mo!” Sigaw ni Vicky habang dinuduro ang mukha nito. Kumbinsido siya na sinusunod ni Boran ang mga prinsipyo ng martial arts, ngunit ayun pala ay nagkamali siya ng tingin dito! “Hahaha!!!” Tumawa ng malakas si Drake dahil dito. “Isa na namang puntos para sa aking grupo, Ms. Turnbell! Sumuko na rin pati ang kampyon mo… Meron ka pa
Sa mga oras na iyon, hawak na ni Frank si Boran sa pulso nito, na pumigil dito! “Yan lang ba ang kaya mo?” Dahan dahan na tingin sa kanya ni Frank ng may pang mamaliit. “Ano?” Sabi ni Boran, at biglang namutla ang kanyang mukha. ‘Isa itong tradisyon—ang mga traydor ay dapat na pahirapan ng husto, kagaya mo,” sigaw ni Frank. At pagkasabi niya nito, hinampas niya ang kanyang palad sa braso ni Boran. Malinis na nahiwa ang braso ni Boran, at tumagas ang dugo mula rito na parang isang geyser!“Argh!!!” Sumigaw si Boran—hindi dapat ganito ang mga mangyayari!Subalit, hindi natapos si Frank doon. Hinawakan niya si Boran sa balikat at dinurog ang buto nito ng pinong pino bago ito sinipa palabas ng ring!Ang buong palitan na iyon ay hindi man lang nagtagal ng halos tatlong segundo, pati na rin ang kaswal na pagbato ni Frank sa putol na braso ni Boran sa lapag! Patuloy sa pagsigaw si Boran habang nakahawak sa nagdurugo niyang balikat, “Ibalik mo ang braso ko… Ibalik mo ito sa ak
Mabilis na itinaas ni Drake ang kanyang mga kamay para harangin ang sipa gamit ang lahat ng vigor na meron siya, ngunit sa loob ng ilang segundo, naramdaman niya ang isang malakas na shockwave na bumura sa kanyang vigor! Nawalan ng pakiramdam ang kanyang mga braso mula sa atake, at nahirapan siyang tumayo habang gumegewang paatras at nalaglag palabas ng ring!May mahinang kalabog nang malaglag siya sa lapag, at naiwan si Drake na nakatulala sa may kisame, habang kasing puti naman ng papel ang mukha. Naramdaman niyang umakyat ang kanyang dugo mula sa kanyang bibig at pakiramdam niya’y susuka siya ngunit nagawa niyang pigilan ang kanyang sarili sa tamang oras, at napakalma ang nagwawala niyang mga meridians. “Ayos ka lang ba, sir?!” Pati si Wilf at ang iba pang mga Chandlers ay namutla, sa takot nung nakita nila kung paano pinatalsik ni Frank ang kanilang elder palabas ng ring sa isang sipa lang!Napalunok si Drake nang maramdaman niya na paakyat ang kanyang dugo sa kanyang la
Napalingon ng dalawang beses si Drake at sinabi, ‘Ano naman ang gusto mo?”Malakas na sinabi ni Frank, “Gumastos si Vicky ng tatlumpung milyong dolyar para sa laban na ito. Bayaran nyo siya.”Halos lumundag palabas ng kanyang dibdib ang puso ni Vicky dahil sa sinabi ni Frank—ang mga Chandlers ay hindi papayag sa ganitong di-makatwiran na kondisyon! Kung anupaman, dapat ay masaya na siya dahil mawawala na sa kanyang landas ang mga Chandlers!Hindi na nakakapagtaka, sumabog sa galit si Wilf. “Sumosobra ka na!”‘Tama na!’Sigaw ni Drake sa kanya. “Tatlumpung miyon lang naman iyon. Magbabayad ako.”Napatigil sila Vicky at Yara pagkatapos, at ganun na din ang nangyari sa kanila Wilf at sa iba pang mga bigatin. “Sir… Hindi ba’t parang sobra na yan?” Nag-aalangan na tanong ni Wilf.Tiningnan ng masama ni Drake si Wilf at sinabi, “Inuutusan mo ba ako kung ano ang dapat gawin?”“Urk… Hindi, syempre hindi.”“Pwes tumahimik ka.”At doon, mabilis na inutusan ni Drake ang isa sa kanyang m
Natural, inisip nila Vicky, Yara, at Cliff na puno ng kayabangan ang mga sinabi ni Frank.Binalaan ni Cliff si Frank. "Hindi mo dapat maliitin ang mga Skyrank elite, Mr. Lawrence. Siguro nga nasa fifty years old na ang mga nakilala ko na nasa Skyrank, pero kayang sumira ng mga bundok ang lakas nila. Hindi na sila mga karaniwang martial artist sa puntong iyon.”Natawa lang si Frank. “Salamat sa payo mo." Yung totoo, mauunawaan ni Cliff na ang mga Skyrank elite ay mas mababa kaysa kay Frank kung nakilala niya si Frank noong nasa peak form niya siya.Maya-maya lang, iniwan ni Vicky ang grupo at umuwi na siya pagkatapos niya silang kausapin.Bagama’t bodyguard niya si Frank, hindi siya nagtatrabaho sa ganoong kapasidad ng higit pa sa ilang araw.-Samantala, sa may Riverton International Airport, si Donald Salazar, ang kanyang pamilya, at si Jaud White ay kanina pa naghihintay sa may checkpoint.Ngayong araw uuwi sa Riverton ang panganay niyang anak, at itinuturing siya ni Donald
Inabot ni Quinn ang kahon na naglalaman ng Eternal Ice kay Donald. Isa itong sacred relic ng Sage Lake Sect, na may kakayahang pahabain ang buhay ng isang ordinaryong tao kapag ininom ito.Naikwento na ni Drakon kay Donald ang tungkol dito noon at nagulat siya na ibinigay ito ni Quinn sa kanya.Tunay man ito o peke, ngumiti pa rin siya. “Salamat, Ms. Ocean. Well, hindi naman na kayo mga bata—panahon na para magpakasal kayo, pero may ibang mga bagay na kailangan nating unahin.”Biglang nagbago ang tono ni Donald habang nagsasalita siya, “May nang-api sa kapatid mo nitong nakaraan…”Itinaas ni Drakon ang isang kamay niya upang pigilan si Donald. “Wala kang dapat ipag-alala. Sinabi na sa’kin ni Viola—hindi nila alam kung anong makakabuti para sa kanila. Bumalik ako para pagbayarin sila at upang ipakita sa buong Riverton kung ano ang naghihintay sa mga taong mananakit sa pamilya ko.”Tuwang-tuwa si Donald sa matapang na deklarasyon ng kanyang anak. “Hahaha! Siguradong wala akong dapat
Habang umaasang tumingin sa'kin si Peter, nilapag niya ang phone at bumuntong-hininga. “Kalimutan na natin yun. Binenta ko ang lupang iyon, at ayoko nang makuha ito ulit, dahil—”Limang bilyon ang pinag-uusapan natin dito, Tita Gina!” Sigaw ni Cindy sa sandaling iyon, na nakakaalam sa nangyari, ngunit masyado lang talagang makapal ang mukha niya. “Sa limang bilyon, pwede nating gawin ang kahit na anong gusto natin habangbuhay! Hingiin mo na lang yun kay Frank—ibibigay naman niya yun sa'yo para kay Helen, eh. Alam mo kung gaano niya kagustong magyabang sa harapan niya.”Nagsimulang matinag si Gina sa sandaling iyon. Kagaya ng sabi ni Cindy, limang bilyon ito—ano pa bang gugustuhin niya sa buhay pagkatapos nun?Sa kabilang banda, initsa ni Peter ang sarili niya sa kama ni Gina at nagsimulang umiyak, “Ma, kailangan mong mabawi ang lupang yun mula kay Frank, kundi ay mamamatay ako!”Napatalon sa gulat si Gina. “Ano? Mamamatay ka?”Si Cindy, na nakita na ang binabalak ni Peter, ay ma
Sabi ni Gina pagkatapos, “Sasama ka sa'kin sa Lanecorp. Magmakaawa tayo at luluhod sa kanya para tulungan ka. Wag mo lang banggitin ang lupang iyon…”“Hindi mangyayari yan!” Biglang nagwawalang sumigaw si Peter. “Patayin niyo na lang ako! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magmakaawa kay Frank!”“Pero…” Nag-alangan si Gina sa katigasan ng ulo ng anak niya. Nagsalita si Cindy sa sandaling iyon. “Ano ka ba, Tita Gina, sa huli, pera lang ang gusto ni Kit Jameson. Dapat kang mag-isip ng plano para mabawi ang lupang yun mula kina Frank at Helen, pagkatapos, babayaran natin si Mr. Jameson para mabawi si Peter. Pagkatapos nun, pwede nating paghatian ang pera—yun lang yun!”Mabilis na sumang-ayon si Peter, na biglang hindi na umiiyak habang ngumisi siya. “Iba ka talaga Cindy! Ang talino mo!”Umirap si Cindy sa sandaling iyon. “Hey. Sabi ng handa akong saktan kanina.”“Ang lupa? Pero…” Halatang nag-aalangan si Gina. “Pag-isipan mo to, Tita Gina.” Nagpatuloy si Cindy na tuksuhin siya.
Tinaas ni Cindy ang lahat ng daliri niya habang sumigaw siya, “Sampung beses, Tita Gina! Hindi, baka higit pa nga! Binenta natin to ng limandaang milyon, pero ngayon, nagkakahalaga na ito ng limang bilyon! Limang bilyon, Tita Gina!”Nang marinig ang numerong iyon, nanigas si Gina matapos niyang mapaupo, at hindi siya nakapagsalita. “Dali… Dali!” sigaw niya pagkatapos tumulala nang matagal, sabay iniunat ang kamay niya kay Cindy. “Ibigay mo sa'kin ang phone ko. Tatawagan ko si Frank!”“Sige!”Talagang sabik na sabik si Cindy—tiyak na makakakuha siya ng parte kapag mabawi ni Gina ang lupang iyon. Gayunpaman, nang nakuha ni Gina ang phone niya at tinignan ang contact list niya para hanapin ang pangalan ni Frank, nanigas siya bago niya siya natawagan. “Anong problema, Tita Gina? Tawagan mo siya!” Sigaw ni Cindy, na halatang mas kabado kaysa kay Gina. Ganun rin si Peter, na pinilit si Gina sa sandaling iyon, “Tawagan mo siya, Ma. Bakit ka nagdadalawang-isip?”“Ako…”Natulala si
Nagpatuloy na magyabang si Peter, “Hayaan mo siyang kumapit kay Frank kung gusto niya. Mamalasin din sila sa huli at magmamakaawa sa paanan natin!”“Tama! Talagang nagtitino na ang anak ko!”Nakahinga nang maluwag si Gina na marinig ang mga salitang iyon, ngunit kaagad na nailang ang mukha niya. “Kahit na ganun… Naibenta ko na ang lupang yun.”“Ano?!”Tumalon si Peter nang parang pusang naapakan ang buntot. “Ma… Ano? Nabenta mo na yun kaagad?! Sino namang bibili nun sa'yo?!”Naiilang na napakamot ng ulo si Gina, naramdaman niya ang konsensya niya dahil sa reaksyon ng anak niya. “Medyo nag-alala ako pagkatapos ka naming hindi matawagan, kaya binenta ko to kay Frank.”“Kay Frank?! Binenta mo to kay Frank?!”Para bang sasabog si Peter. Kahit na ganun, kumapit siya sa huling pag-asa niya at pinilit na ngumiti habang kalmadong nagtanong, “Magkano mo to binenta sa kanya?”“Limandaang milyon.” Nakangisi si Gina habang tinaas niya ang mga daliri niya. “Ayos lang, Peter. Gusto niyang
Nanlumo ang mukha ni Gina sa sandaling nakita niya si Peter, at sumigaw siya, “Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong ipakita ang mukha mo rito!”Talagang pinasakay siya ni Peter. Napakasama na siguro ng nangyari sa kanya kung hindi binili ng talunang si Frank ang bulok na lupa sa mga kamay ni Gina. Ang habulin ng mga loan shark at mawala ang Lane Manor? Naisip pa lang ito ni Gina ay napangiwi na siya. Nanginig siya sa galit habang tinitigan niya nang masama ang may gawa nito at dinuro si Peter habang sumigaw siya, “Walanghiya kang basura ka! Balak mo bang ipapatay ang nanay mo?! Tapos ang kapal pa rin ng mukha mong pumunta rito?!”“Ano ka ba, Ma. Sobra naman yan.” Kinamot ni Peter ang ulo niya ay mapagpaumanhing ngumiti. Sinubukan niyang ilagay sa mesa ni Gina ang mga bouquet na binili niya, ngunit hinawi niya ito. Nalaglag ang mga bulaklak habang sumigaw siya, “Layas! Ayaw kitang makita! Wala akong anak na lalaki—hindi yung sinusubukang lokohin pati ang sarili niyang nanay!”Nanl
Halatang sinusubukang umiwas ni Peter sa responsibilidad. Gayunpaman, tumayo si Kit, naglakad papunta kay Peter, at hinablot siya sa kwelyo habang sumigaw siya, “Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito! Niloko mo ang nanay mo gamit ng lupang yun para makuha ang pera niya—tignan mo ang nangyari! Binigyan mo lang sila ngayon ng pera!” Binato niya si Peter sa sofa at sumigaw, “May tatlong araw ka. Bawiin mo ang lupang iyon sa kung magkano mo ito ibinenta, kundi ay pupugutan kita ng ulo!”"Security!"Habang hinampas ulit ni Kit ang mesa niya, bumukas ang mga pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang maskuladong bodyguard na may taas na dalawang metro habang tinuro ni Kit si Peter at sumigaw, “Iitsa niyo siya palabas!” “Masusunod, Mr. Jameson,” sagot ng mga bodyguards, pagkatapos ay dinampot si Peter nang parang pusa at initsa siya sa kalsada. “Sumosobra na kayo!” Sumigaw si Peter habang bumangon siya, pinaglaban ang damit niya, at sumigaw sa opisina ng Zomber Group, “Paano ko nam
Pagkatapos ay iniabon ni Frank si Winter mula sa bathtub at nilagay siya sa kama. Pwede niya siyang iwan nang ganyan, pero nang makitang malalim ang tulog niya at basang-basa siya, sumuko siya pagkatapos ng mahabang pagdadalawang-isip. Tiyak na magkakasipon siya kapag nagpatuloy siyang matulog nang ganito, at wala siyang malalaman dahil tulog siya. Pinunasan siya ni Frank, pagkatapos ay kumuha ng damit mula sa damitan niya at tinulungan siyang magbihis. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin, pero nakita pa rin naman niya. Nakakailang ito, pero natapos niya ito sa huli at nakahinga nang maluwag habang tumakas siya mula sa kwarto ni Winter. -Natakot din si Frank na manatili sa Skywater Bay dahil magiging nakakailang ang sitwasyong paggising ni Winter, kung kaya't tumakas siya ng Riverton pagsapit ng gabi. Sa sumunod na araw, nagpakita siya sa opisina ng Lanecorp sa Zamri at maagang pumasok sa trabaho. Kahit na ganun, bilang head ng health and security department ng
“Nadroga ka. Magtiis ko na lang muna—tutulungan kita pag-uwi natin.”Pinagngitngit ni Frank ang ngipin niya para tiisin ang lambot habang nakatuon ang mga mata niya sa daan. “Oh… Sige…” umungol si Winter habang maamo siyang tumango. Nang nakauwi na sila sa wakas sa Skywater Bay, dinala niya si Winter sa kwarto niya. Mabuti na lang at walang ibang tao sa mansyon. Aligaga si Carol Zims sa snackbar niya, habang bumalik sina Noel York at Kat Yego sa opisina ni Noel pagkatapos ng perfomance nila sa convocation at hindi pa sila nakakauwi. Isa itong pambihirang pagkakataon…Sinampal ni Frank ang sarili niya at mapait na tumawa—pambihirang pagkakataon?! Ano yun?!Hinanda niya ang pampaligo, tinunaw niya ang antidote dito at pinalakas ang solusyon gamit ng pure vigor niya. Hindi nagtagal, isang sariwang bango ang nagmula sa bathtub. “Sige na, Winter. Ngayon—”Lumingon si Frank, ngunit nakita niya si Winter na nakasuot lang ng underwear at parang lasing na nakangiti sa kanya n
"Frank…"Biglang lumapit si Winter kay Frank, sabay sumandal sa kanya at kumapit sa braso niya habang hiningal at nagmakaawa, “K-Kalma ka lang, Frank… Magkakaproblema ka… kapag pinatay mo siya—”Bago pa siya nakatapos, pumikit ang mga mata niya at bumagsak siya sa lapag nang walang malay. "Winter!"Nang makitang mawalan ng malay si Winter, walang oras si Frank para kay Bill—initsa niya siya, pagkatapos ay binuhat niya si Winter at pumikit para pakiramdam siya. Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng apoy na nagsisimula sa loob ng katawan niya at nagtaka siya sa umpisa. Kahit na ganun, bigla niyang naalalang pinilit siya ni Bill na uminom ng wine, na nilagyan siguro ng gamot na nagpapasabik sa katawan. “Hayop ka!”Nakikita ni Frank kung anong binabalak ni Bill at kaagad siyang nagalit. Ngunit sa dami ng mga nanonood sa kanila, hindi niya pwedeng gamutin si Winter dito at napilitan siyang pakawalan si Bill. Kahit na ganun, habang dala niya si Winter palabas ng hall, inapakan n