Sa mga oras na iyon, hawak na ni Frank si Boran sa pulso nito, na pumigil dito! “Yan lang ba ang kaya mo?” Dahan dahan na tingin sa kanya ni Frank ng may pang mamaliit. “Ano?” Sabi ni Boran, at biglang namutla ang kanyang mukha. ‘Isa itong tradisyon—ang mga traydor ay dapat na pahirapan ng husto, kagaya mo,” sigaw ni Frank. At pagkasabi niya nito, hinampas niya ang kanyang palad sa braso ni Boran. Malinis na nahiwa ang braso ni Boran, at tumagas ang dugo mula rito na parang isang geyser!“Argh!!!” Sumigaw si Boran—hindi dapat ganito ang mga mangyayari!Subalit, hindi natapos si Frank doon. Hinawakan niya si Boran sa balikat at dinurog ang buto nito ng pinong pino bago ito sinipa palabas ng ring!Ang buong palitan na iyon ay hindi man lang nagtagal ng halos tatlong segundo, pati na rin ang kaswal na pagbato ni Frank sa putol na braso ni Boran sa lapag! Patuloy sa pagsigaw si Boran habang nakahawak sa nagdurugo niyang balikat, “Ibalik mo ang braso ko… Ibalik mo ito sa ak
Mabilis na itinaas ni Drake ang kanyang mga kamay para harangin ang sipa gamit ang lahat ng vigor na meron siya, ngunit sa loob ng ilang segundo, naramdaman niya ang isang malakas na shockwave na bumura sa kanyang vigor! Nawalan ng pakiramdam ang kanyang mga braso mula sa atake, at nahirapan siyang tumayo habang gumegewang paatras at nalaglag palabas ng ring!May mahinang kalabog nang malaglag siya sa lapag, at naiwan si Drake na nakatulala sa may kisame, habang kasing puti naman ng papel ang mukha. Naramdaman niyang umakyat ang kanyang dugo mula sa kanyang bibig at pakiramdam niya’y susuka siya ngunit nagawa niyang pigilan ang kanyang sarili sa tamang oras, at napakalma ang nagwawala niyang mga meridians. “Ayos ka lang ba, sir?!” Pati si Wilf at ang iba pang mga Chandlers ay namutla, sa takot nung nakita nila kung paano pinatalsik ni Frank ang kanilang elder palabas ng ring sa isang sipa lang!Napalunok si Drake nang maramdaman niya na paakyat ang kanyang dugo sa kanyang la
Napalingon ng dalawang beses si Drake at sinabi, ‘Ano naman ang gusto mo?”Malakas na sinabi ni Frank, “Gumastos si Vicky ng tatlumpung milyong dolyar para sa laban na ito. Bayaran nyo siya.”Halos lumundag palabas ng kanyang dibdib ang puso ni Vicky dahil sa sinabi ni Frank—ang mga Chandlers ay hindi papayag sa ganitong di-makatwiran na kondisyon! Kung anupaman, dapat ay masaya na siya dahil mawawala na sa kanyang landas ang mga Chandlers!Hindi na nakakapagtaka, sumabog sa galit si Wilf. “Sumosobra ka na!”‘Tama na!’Sigaw ni Drake sa kanya. “Tatlumpung miyon lang naman iyon. Magbabayad ako.”Napatigil sila Vicky at Yara pagkatapos, at ganun na din ang nangyari sa kanila Wilf at sa iba pang mga bigatin. “Sir… Hindi ba’t parang sobra na yan?” Nag-aalangan na tanong ni Wilf.Tiningnan ng masama ni Drake si Wilf at sinabi, “Inuutusan mo ba ako kung ano ang dapat gawin?”“Urk… Hindi, syempre hindi.”“Pwes tumahimik ka.”At doon, mabilis na inutusan ni Drake ang isa sa kanyang m
Natural, inisip nila Vicky, Yara, at Cliff na puno ng kayabangan ang mga sinabi ni Frank.Binalaan ni Cliff si Frank. "Hindi mo dapat maliitin ang mga Skyrank elite, Mr. Lawrence. Siguro nga nasa fifty years old na ang mga nakilala ko na nasa Skyrank, pero kayang sumira ng mga bundok ang lakas nila. Hindi na sila mga karaniwang martial artist sa puntong iyon.”Natawa lang si Frank. “Salamat sa payo mo." Yung totoo, mauunawaan ni Cliff na ang mga Skyrank elite ay mas mababa kaysa kay Frank kung nakilala niya si Frank noong nasa peak form niya siya.Maya-maya lang, iniwan ni Vicky ang grupo at umuwi na siya pagkatapos niya silang kausapin.Bagama’t bodyguard niya si Frank, hindi siya nagtatrabaho sa ganoong kapasidad ng higit pa sa ilang araw.-Samantala, sa may Riverton International Airport, si Donald Salazar, ang kanyang pamilya, at si Jaud White ay kanina pa naghihintay sa may checkpoint.Ngayong araw uuwi sa Riverton ang panganay niyang anak, at itinuturing siya ni Donald
Inabot ni Quinn ang kahon na naglalaman ng Eternal Ice kay Donald. Isa itong sacred relic ng Sage Lake Sect, na may kakayahang pahabain ang buhay ng isang ordinaryong tao kapag ininom ito.Naikwento na ni Drakon kay Donald ang tungkol dito noon at nagulat siya na ibinigay ito ni Quinn sa kanya.Tunay man ito o peke, ngumiti pa rin siya. “Salamat, Ms. Ocean. Well, hindi naman na kayo mga bata—panahon na para magpakasal kayo, pero may ibang mga bagay na kailangan nating unahin.”Biglang nagbago ang tono ni Donald habang nagsasalita siya, “May nang-api sa kapatid mo nitong nakaraan…”Itinaas ni Drakon ang isang kamay niya upang pigilan si Donald. “Wala kang dapat ipag-alala. Sinabi na sa’kin ni Viola—hindi nila alam kung anong makakabuti para sa kanila. Bumalik ako para pagbayarin sila at upang ipakita sa buong Riverton kung ano ang naghihintay sa mga taong mananakit sa pamilya ko.”Tuwang-tuwa si Donald sa matapang na deklarasyon ng kanyang anak. “Hahaha! Siguradong wala akong dapat
Hinawakan ni Frank ang kanyang pisngi, kung saan naiwan ang marka ng lipstick ni Helen, at nalalanghap niya ang matamis na amoy nito…Sa di kalayuan, sumimangot si Winter. “Uy, kakain ka ba? O lumabas na yung kaluluwa mo dahil sa halik na ‘yun?”"Ahem…"Umubo si Frank, hindi niya inakala na mangyayari sa kanya ang ganitong nakakailang na bagay.Gayunpaman, tiningnan niya ng masama si Winter. “Ano bang alam ng batang gaya mo?”“Twenty na ako.” Umirap si Winter, pinalaki din niya ang dibdib niya. “Tapos tinatawag mo pa rin ako na bata?”Tumawa si Frank. “Hindi ko makita na matanda ka na.”“Hoy!” Namula sa galit si Winter. “Virgin ka pa ba?”Naging interesado siya sa sarili niyang tanong, at hinila niya ang manggas ni Frank habang kinukulit niya siya, “Teka, virgin ka pa nga?”Namula si Frank at sumimangot siya. “Anong nakakatawa? Kailangan kong magpigil para sa training ko…”“Hahaha! Sabi mo e.” Nanginig si Winter sa sobrang kakatawa. “Tatlong taon kang kasal pero virgin ka pa
Bumili na si Jean Zims at ang iba pa ng handbag na ito, at matagal na itong gusto ni Winter, ngunit wala siyang pera para dito.Tumawa si Frank. “Walang problema. Habang nandito ka, tingnan mo na din kung may mga damit o gamit ka pa na kailangan. Pwede nating bilhin lahat ‘yun.”Agad na itinaas ni Winter ang kanyang mga kamay. “Hindi, ayos lang ako. Mahal ang mga gamit dito—sapat na sa’kin ang isang handbag.”Nahihiya siya na gumastos si Frank ng malaki para sa kanya. Kung sabagay, alam niya kung gaano kahirap kumita ng pera dahil tumutulong siya sa snackbar ng nanay niya mula pa noong bata pa siya.Gayunpaman, tila maliit na bagay lang ito para kay Frank. “Ayos lang ‘yun—masayang araw ‘to para sa’kin. Bibilhin natin ang anumang gusto mo.”Tuwang-tuwa siya na hindi mukhang pera si Winter kahit na lumaki siya sa hirap, bagaman si Carol Zims ang dapat niyang pasalamatan tungkol dito.“Oh, ayos lang talaga ako! May mga damit ako at nasa’kin naman na ang lahat ng kailangan ko ngayon—
Maging si Frank ay ibinaba ang kanyang tingin pagkatapos niya itong tingnan sandali, tahimik niyang hinimas ang kanyang ilong.Nakaturo si Aria sa isang itim na babydoll nightie na masyadong mahalay ang itsura kahit saan mo ito tingnan!Siniko siya ni Winter habang pabulong na nagreklamo, “Hindi ko pwedeng isuot ‘yun! Huwag na!”Suminghal si Aria. “Bakit hindi? Ayos lang naman ang itsura nito para sa’kin.”Agad na nagsalita ang retail assistant na kasama nila, “Tama ‘yun—ito ang latest addition namin, at maganda at komportable ang disenyo nito. Ako mismo bumili nito! Marami din kaming available size nito, bakit hindi mo ito subukan?”Humarap si Aria kay Winter. “Kita mo na? Makapal at makaluma ang mga pajama mo. Walang respetadong lalaki ang magiging interesado pagkatapos ka nilang makita na suot ‘yun. Sa nakikita ko, dapat bumili ka pa ng mas marami para masiguro mo na hindi nila aalisin ang mata nila sayo.”Naramdaman ni Winter na uminit ang mga pisngi niya.Noong sinulyapan n
Sa wakas, sumuko na si Kallum kay Helen. Kahit na malaking dahilan ang investment ni Gene sa tagumpay niya, naintindihan ni Helen na si Frank ang dahilan kung bakit kaya niyang maging chairwoman ng Lanecorp nang ganito kadali at ayusin ang lahat ng problemang kinaharap nila. Gayunpaman, hindi nagtagal si Frank sa Lanecorp. Nang makahinga nang maluwag matapos marinig na sumuko na si Kallum, kaagad siyang umalis. Sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho diretso sa Morhen. Halos maluha na si Susan Redford, ang nanay ni Vicky. “Frank… Hindi ako hinayaan ni Vicky na magsabi sa'yo kasi… kumplikado ito. Nilason si Walter at wala pa rin siyang malay, at hindi namin siya matanong kahit na gustuhin namin. At patuloy kaming ginagambala ng Martial Alliance na ibigay siya… Malapit nang sumuko ang mga Turnbull…”“Kalma ka lang, Mrs. Turnbull,” kalmadong sabi ni Frank habang hawak ang manibela sa isang kamay at ang phone niya sa kabila. “Nasaan si Vicky? Nasa Morhen siya ngayon, di ba?”“S
Tumango si Frank kay Will nang binigay niya sa kanya ang pill. “Magaling ang nagawa mo—kagaya ng pinangako ko, heto ang antidote. Aalisin nito ang lason sa katawan mo.”“Salamat, Mr. Lawrence,” sabi ni Will habang marespeto niya itong kinuha.Pagkatapos ay nagtanong si Frank, “Nakikita kong nagsanay ka rin sa martial arts, tama?”“Oh, uh…” Kinamot ni Will ang ulo niya sa hiya at naiilang na ngumiti. “Oo, pero isang basic na style lang kaya…”“Mabuti.” Binigyan siya ni Frank ng isa pang pill. “Isa tong Ichor Pill na magpapalakas sa vigor mo. Hindi ito milagroso, pero maganda rin ito. Inumin mo ito kapag nagsimula kang magsanay ulit, at magiging vigor wielder ka.”“Salamat, Mr. Lawrence!” Sabi ni Will habang masaya niyang tinanggap ang pill, nang may pasasalamat sa mga mata niya. Natural na natuto siya ng martial arts mula kay Sif, na walang pakialam dahil napatunayang mabagal siyang matuto. Para mas lalo pa siyang insultuhin, sinabi niya sa kanyang wala siyang ibang masisisi sa
Pagkatapos, biglang naningkit ang mga mata niya sa pagbabanta. “Kapag nalaman kong binastos mo uli si Mr. Lawrence o sumobra ka, kahit si Ms. Lane ay hindi ka mapoprotektahan mula sa'kin!”Pagkatapos nito, suminghal siya at umalis Nakahinga nang maluwag si Cindy pagkatapos niyang umalis at lumingon naman siya kay Frank. Handa na siyang tumingin nang masama kay Frank, ngunit mabilis siyang yumuko nang naalala niya ang babala ni Gene. “Umalis ka na. Walang lugar ang kumpanya para sa'yo, at wala nang makakapagligtas sa'yo kapag nangyari to ulit!”Pagkatapos ng malalamig na salitang iyon, hinabol ni Helen si Gene at naiwan si Frank kasama ni Will. Mukhang kabado si Will dahil kanina pa siya naghihintay na magsalita. “May mahalagang bagay kang dapat malaman, Mr. Lawrence.”“Mahalagang bagay?” Napahinto ang puso ni Frank dahil alam na niyang kumilos na si Sif Lionheart base lang sa ekspresyon ni Will. Pinasunod niya si Will sa opisina niya, at sa sandaling naupo sila, nagpaliwan
Kahit na paparusahan nang matindi ni Gene si Cindy kung naibang okasyon lang ito, nasa presensya siya ni Frank at nirespeto niya siya. Dahil dito, nagtanong siya, “Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin rito, Mr. Lawrence?”“Ako—”Bago pa nakapagsalita si Frank, bumukas ang pinto ni Helen, at nagmadaling lumabas si Helen matapos marinig ang kaguluhan sa hallway. Muntik na siyang mahimatay sa inis nang nakita niya si Cindy—paanong naroon pa siya at nagdala ng mas marami pang gulo para a kanya?Kahit na ganun, hindi niya hahayaang magkamali siya sa presensya ng iba, at tumango siya kay Frank. “Nakabalik ka na.”Pagkatapos, lumingon siya kay Gene at nagtanong, “At sino naman ang ginoong ito?”Ngumiti naman si Gene. “Isang lalaking binayaran ni Frank para magpanggap na si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”Natulala si Helen sa kakaibang pagpapakilala, ngunit may talino siya para maintindihan ito pagkatapos tumingin kay Cindy. “Urgh, malas ka talaga…”Nakahilo
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na
Kahit na ganun, habang nakatulala si Gene, mukhang sanay na rito si Frank habang nakatayo siya sa tabi ni Gene. “Wag mo siyang isipin. Payaso lang siya.”Hindi pinansin ni Frank si Cindy. Handa siyang lampasan siya at pumunta sa opisina ni Helen kasama ni Gene. “Hoy, hoy, hoy. Teka.”Biglang lumapit si Cindy at humarang sa daraanan ni Gene. “May problema ba?” Tanong ni Gene, na nailang sa pagkamuhi sa mga mata ni Cindy. Siya ang pinakamayamang tao sa east coast—wala pang trumato sa kanya nang ganito noon!“Huhulaan ko. Dahil inimbitahan ka ni Frank, ibig sabihin nito ay ikaw si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast?”“Oo, ako nga.” Kalmadong tumango si Gene. Kumunot ang noo ni Frank at sinigawan si Cindy, “Umayos ka, Cindy! Wag ka nang gumawa ng gulo!”“Imposible! Ako, gumagawa ng gulo?”Ngumisi si Cindy, at tinitigan niya si Gene habang pinapatunog ang dila niya. “Sa totoo lang, hindi mo ba kayang kumuha ng propesyonal? Napakaputla ng bayarang aktor mo na p
Napangiti si Gene nang nahimasmasan siya. “Ang isang talentong kagaya mo… Ang head ng health and safety department? Sobra namang…”Kung iisipin, sa kakayahan ni Frank, dapat ay isa siyang board member na personal na may parte sa polisiya ng kumpanya. Pero head lang siya ng health and safety department? Sa madaling salita, isang pinabangong security guard? Nabigla talaga rito si Gene!“Hehe…” Tumawa lang si Frank, nang hindi galit at hindi nagpaliwanag. Habang medyo emosyonal, lumingon si Gene kay Frank at binigyan siya ang matapat na alok. “Mr. Lawrence, bakit di ka na lang sumali sa Pearce Group a halip na maging security guard dito? Maghahanda ako ng posisyong nababagay sa'yo, kasama ng isang lugar sa board bilang policy makers sa Pearce Group. Magtiwala ka sa'kin—mas magiging maliwanag ang kinabukasang aasahan mo kasama ko.”Umiling si Frank. “Masyado kong mahal ang kalayaan ko at ayaw na ayaw kong madamay sa masalimuot na usapan ng malalaking kumpanya.”“Higit pa roon…” H
Bubuksan pa lang ni Helen ang pinto ng opisina niya at papasok nang sumigaw si Cindy, “Hah! Wag kang masyadong mayabang, Helen! Distraksyon lang ang lahat ng ginawa mo kanina—tama ako, ano? Hindi niyo kayang kunin ni Frank ang mga loteng iyon mula kay Gene Pearce, ano?” Huminto si Helen sa paglalakad at lumingon para titigan nang namumuhi si Cindy. “Mali ka. Naniniwala akong makukuha talga ni Frank ang lupang kailangan ng Lanecorp. Nangako siya sa'kin, at hindi niya ako ipapahiya.”“Hah! Ikaw na nagsabi! Kung ganun, mananatili ako rito!” Nagmamatigas na sigaw ni Cindy. “Tingnan natin kung anong magagawa ni Frank… At ano namang gagawin mo kapag di niya nagawa?”“Bababa ako bilang boses chairwoman ng Lanecorp.” Suminghal si Helen at pumasok sa opisina niya. “Hahaha! Sige… sabi mo, eh!” Tumawa si Cindy at naramdaman niyang umakyat ang dugo sa utak niya. Dahil iniwan siya ni Will, naniwala siyang dinidiin ni Helen ang sugat niya sa pagpapalayas sa kanya pabalik ng Riverton, at wala
Nang bumalik si Helen sa Lanecorp, nakita niyang nag-iimpake si Cindy at handa nang umalis, ngunit dumada muna siya sa bawat isang empleyado sa malapit. “Bakit di niyo hulaan kung anong nangyari pagkatapos makinig ng pinsan ko sa mahal niyang asawa at pumunta sa Drenam Limited? Sabi niya ibibigay ni Gene Pearce ang limang loteng nakuha niya sa bid, pero anong nangyari? Hindi man lang iyon alam ng valet niya! Oh, para silang sinampal sa mukha bang dumating kami roon!“Tsk, tsk… Nakita niyo sana ang mukha nina Helen at Frank… Napakalungkot ng mukha nila! Oh, ang sakit ng tiyan ko kakatawa! Isipin niyo yun—si Gene Pearce ang pinakamayamang tao sa east coast! Bakit siya makikinig kay Frank? Sino ba siya sa tingin niya?”“Oh siya, aalis na ako.” Tumawa siya habang inimpake niya ang lahat ng gamit niya at nagsimulang umalis. “Pwede kayong manatili rito habang pinapabagsak nina Helen at ng ex-husband niya ang kumpanya niyo!”Kahit na ganun, nakasalubong niya si Helen, na narinig ang laha