Nabasag ang mga pintuang gawa sa salamin ng clubhouse nang dumating ang mga elite ng Flying Sword Sect dala ang mga espada nila.Mabilis nilang pinalibutan si Frank at ang iba pa, habang tuwang-tuwa namang sinigawan ni Jan si Frank, “Katapos mo na, hayop ka! Nandito na ang daddy ko!”“Pu*angina mo.”Nang makita ni Frank na dumadaldal pa rin si Jan, sinampal niya si Jan sa mukha, dahilan upang tumalsik ang dalawa sa mga ngipin ni Jan!Di kalaunan, nagbigay daan ang mga apprentice ng Flying Sword Sect para kay Kuno, na nakatitig kay Frank, Vicky, at Yara, at pagkatapos ay tumingin siya sa kanyang anak na nakaluhod sa sahig.Dahil alam niyang nabigo ang plano niya na siraan si Frank, nagdesisyon siya na wala nang rason para magtago pa sila.“Pakawalan mo ang anak ko, Frank,” ang kalmado niyang sinabi.Ayaw niyang galitin si Frank, dahil alam niya na papatayin ni Frank kahit na sino kapag ginalit nila siya ng husto.Gayunpaman, suminghal sa galit si Frank. “Bakit ko naman gagawin ‘
Sumimangot si Robert, nagulat siya na ginalit nang husto ni Frank ang Flying Sword Sect.Gayunpaman, nilakasan ni Robert ang loob niya at sinabing, “Mr. Yaffe, pwede ba akong humingi ng pabor sayo at hayaan mong mabuhay si Mr. Lawrence?”Tumingin ng masama sa kanya si Kuno. “Hayaan siyang mabuhay? Hindi, governor, gumagawa na ako ng pabor para sayo sa pakikipag-usap ko sayo ngayon. Tapos gusto mo siyang mabuhay? Hindi pwede.”Tumawa si Robert. “Sige, sige… Pero, taliwas sa iniisip ng karamihan, isang mahalagang tao si Mr. Lawrence—magbabayad ka kapag tinuloy mo ang pagpatay sa kanya. Kabilang dito ang mga Turnbull, ang Flora Hall, ang pamilya ko, ang Skyblade Dojo, si Gerald Simmons… napakaraming tao ang may utang na loob kay Mr. Lawrence. Ikinalulungkot ko na may masasabi sila kapag pinatay mo siya.”Kumunot ang noo ni Kuno. “Pinagbabantaan mo ba ako?”“Hindi, nagkakamali…” Agad na itinaas ni Robert ang mga kamay niya. “Binibigyan lang kita ng suhestiyon—tapusin natin ‘to sa maka
Inilabas ni Kuno ang kanyang espada, humiwa siya na para bang hiniwa niya ang hangin, na nagdulot ng malalakas na hangin.Inilagay lamang ni Frank ang mga kamay niya sa likod niya, at mabilis niyang iniwasan ang mga pag-atake ni Kuno.Tila dumudulas lang sa balat niya ang bawat pag-atake ni Kuno at nagmimintis, habang tahimik siyang nakatayo ng parang isang tumbler.Habang patuloy na nagmimintis ang espada ni Kuno sa kabila ng lakas at pag-asinta niya kay Frank, nagsimulang mataranta si Kuno—masyadong mabilis si Frank!Biglang sumigaw si Jan, “Huwag mo siyang pagbigyan, Dad! Patayin mo na siya!”“Tumahimik ka!” Sumigaw sa galit si Kuno—alam niya ang gagawin niya!Hindi napigilang tumawa ni Frank. “‘Yun na ‘yun? ‘Yun na yung swordcraft ng Flying Sword Sect?”“Walang hiya ka… Ang lakas ng loob mo na maliitin kami!” Tumalim ang mga mata ni Kuno, naipon ang vigor niya sa mga pulso niya noong sandaling iyon.Pagkatapos, nang manginig ang kanyang mga pulso, winasiwas niya ang kanyang
Maging si Robert ay natulala kay Frank at hindi siya makapaniwala. “Diyos ko… Hanggang saan ba matatapos ang potensyal ng taong ‘to?”“Diyos ko…” Napalunok si Yara sa tabi niya, makikita ang inggit sa mga mata niya. Nabigla din si Vicky. Yung totoo, kailangan baguhin ng paulit-ulit ang opinyon niya kay Frank dahil sa mga ginagawa niya! Doon iginalaw ni Frank ang isa niyang paa paharap, at para bang nag-teleport siya sa harap ni Kuno sa sumunod na sandali. Crack!"Argh!"Sinubukang lumaban ni Kuno, ngunit tinamaan na ng palad ni Frank ang balikat niya, at nabasag ang kanyang collarbone! Habang nagngingitngit ang mga ngipin ni Kuno, namilipit ng husto ang kanyang mukha, at tiningnan siya ng malamig ni Frank. “Talo ka na. Papatayin mo ba ang sarili mo, o ako ba ang gagawa nun para sayo?” Hinihingal si Kuno, hindi siya makapaniwala na natalo siya ng isang bata na nasa twenties pa lang! At dahil nagsanay siya ng martial arts ng tatlumpung taon, hindi siya babagsak ng ganun
Habang hindi gaanong malinaw ang sinasabi ni Hans, alam ni Robert na si Frank ang nagpadala ng anonymous tip.Gayunpaman, tumango siya agad at hindi na siya nagtanong pa. “Magaling ang ginawa niyo, colonel. May maitutulong ba ako sa inyo?”Nagsalita si Hans, “Arestuhin niyo ang lahat ng miyembro ng Flying Sword Sect. Ako ang mamamahala sa interrogation.”“Syempre naman.” Tumango si Robert at tumalikod siya upang sabihan ang mga tauhan niya na tulungan ang mga sundalo ni Hans na isakay ang mga miyembro ng Flying Sword Sect sa mga truck.Noong tinulak ng dalawang mga sundalo si Kuno sa lupa habang pinoposasan nila siya, nagalit siya, “Sandali lang! Ako ang chief ng Flying Sword Sect! Sino ba kayo? Hindi niyo ako pwedeng arestuhin! Wala kayong karapatan!”Ngayon lang siya nakaranas ng ganitong kahihiyan!Subalit, sumimangot lamang si Hans sa pagsigaw niya, at bigla niya siyang sinuntok sa sikmura.Namula ang mukha ni Kuno habang tumirik naman ang kanyang mga mata, at naramdaman niy
Naging interesado si Hans sa mga sinabi ni Robert, dahil laging napapaligiran ng magagandang babae si Frank.“Oh, talaga?” Bumulong siya at tumingin siya sa kanila Vicky at Yara, na parehong nakapaligid kay Frank.Kung magiging maayos ang lahat, maaaring maging father-in-law ni Frank si Robert.At dahil dito, umayos ang pagtrato ni Hans kay Robert.“Ganun ba.” Tumawa si Hans. “Well, mariing ibinilin ni Mr. Lawrence na huwag kaming magsasalita tungkol sa pagkatao niya… pero pwede kitang bigyan ng hint.”Natuwa si Robert. “Syempre naman, colonel. Makikinig ako.”“Alam mo ba ang tungkol sa Mystic Sky Sect, na mula sa South Sea?”Kinamot ni Robert ang ulo niya, nag-alinlangan siya sandali bago siya sumagot, “Narinig ko na ang pangalan na ‘yun, pero wala akong alam tungkol sa kanila.”Narinig niya na isa silang sinaunang sect—na higit na mas malakas kaysa sa Flying Sword Sect.Bumuntong hininga si Hans. “Kung ganun, hayaan mong ipaliwanag ko sayo sa simpleng paraan—kapag ibinaba ni
Nang dismayadong bumuntong hininga si Robert, naisip ni Yara na may katwiran ang mga sinabi niya.Anong malay niya kung talagang may pag-asa siya?-Samantala, sinabi ni Vicky kay Frank habang nagmamaneho siya na, “Marami pa talaga akong hindi alam tungkol sayo, Frank.”Ngumiti si Frank. “Ano pa bang kailangan kong itago sayo?”“Huwag mo akong simulan. Alam mo kung sino si Hans Schnee at kung ano ang posisyon niya. Bakit ganun na lang ang pagrespeto niya sayo?”“Iniligtas ko ang tatay niya dati,” sagot ni Frank.“Hindi ako naniniwala sayo.”Nagkibit balikat si Frank. “Wala akong magagawa diyan.”Gustong suntukin ni Vicky ang mukha ni Frank noong sandaling iyon. “Sige, huling tanong na lang—kaya mo bang labanan ang mga elite ng Morhen?”“Sino, yung mga mahihinang ‘yun? Walang laban sa’kin ang Four Families ng Morhen kapag gamit ko ang buong lakas ko,” ang kampanteng sinabi ni Frank.“Hindi ba parang sumusobra ka na?” Muli siyang tiningnan ni Vicky ng may pagdududa.Ang main
Ngumiti si Vicky. “Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ginagawa ni Frank ang lahat para lang iligtas ka—napakadali mong maniwala.”Napahinto si Helen. “Anong sinasabi mo?”“Wala naman.” Nabagot sa kanya si Vicky. “Sinasabi ko lang na kahit kailan hindi ako naging sugar mommy ni Frank.”“Talaga?” Malinaw na duda si Helen sa sinabi niya. “Kung ganun bakit lagi kang nasa tabi niya at tinutulungan mo siya?”“Hanga lang ako sa prinsipyo at karakter niya.” Ngumiti si Vicky, nakatukod ang baba niya sa kanyang mga kamay habang pinagmamasdan niya si Helen. “Sinabi ko na sayo—mas magaling siya kaysa sa iniisip mo. Hindi mo lang talaga napansin ‘yun.”Pagkatapos, tumayo si Vicky, at sinabing, “Kung wala ka nang ibang sasabihin, Ms. Lane, kailangan ko nang umalis.”“Huwag mo nang guguluhin ulit si Frank,” ang agad na sinabi ni Helen.“Haha!” Tumawa si Vicky ng may sama ng loob. “Hiniwalayan mo na siya, Ms. Lane—malaya siyang pumili kung sino ang gusto niyang makasama. Yung totoo, dapat si