"Heh."Walang takot na suminghal si Frank sa kabila ng banta ni Sif, at hinawakan pa nga niya ang mga binti niya. “Anong ginagawa mo—argh!!!”Inisip sandali ni Sif na pagsasamantalahan siya ni Frank, ngunit binali ni Frank ang mga binti niya nang napakadali at namilipit siya sa sakit. “Hindi ka na makakatakas ngayon,” masamang ngiti ni Frank habang pinakita ang maputing ngipin niya.Naintindihan na ni Sif ang takot sa sandaling iyon habang nakalupasay siya sa lapag. Nanood siya habang iniwan siya ni Frank at naglakad siya papunta kay Vicky. Gusto niya siyang murahin, ngunit sa sobrang sakit ay hindi niya nagawa. Ang naisip niya lang ay mas malakas pala si Frank kumpara sa inakala niya, at kakaunting tao lang sa pamilya niya ang kayang magpabagsak sa kanya…At hindi pa siya pwedeng mamatay dito!Habang pinagngitngit niya ang ngipin niya, nagsimula siyang gumalang sa hagdan gamit ng buong lakas niya. Pinalakas siya nang naisip niyang dapat siyang tumakas. At kapag nagawa n
Nang nakitang hawak ni Damon si Vicky, hindi nagdalawang-isip si Frank. “Sige.”Nabigla si Damon sa mabilis na sagot niya. “Sigurado ka ba, bata? Talaga bang nakikinig ka sa sinasabi ko?”Sa kabila ng walang pakialam na ekspresyon niya, nakatitig ang mga mata niya kay Frank, na para bang binabasa niya kung ano ba talagang nasa isip ni Frank. “Oo, pero may kondisyon ako,” sabi ni Frank at tinuro niya si Vicky. “Hindi ako interesado sa problema ng mga Turnbull, ngunit hindi dapat abalahin ng mga Lionheart ang pamilya ni Vicky sa Riverton.”“Sige.” Tumango si Damon, ngunit hindi nagtagal ay suminghal siya. Naningkit ang mga mata niya at ni Frank habang binabasa ang intensyon ng isa't-isa. Ginagamit lang ni Damon si Vicky para ibahin ang atensyon ni Frank at maghanap ng pagkakataon, habang sumagot lang si Frank sa kagustuhan niyang mabawi si Vicky. Para kay Frank, nakikita niyang higit pa sa inaasahan ang matandang lalaki, at ang katotohanang mabilis niyang tinanggap ang pakiusa
Tumawa si Damon. “Hah! Pare-pareho lang ang mga pangalan. Mga patnig lang yan. Pero nandito ka ngayon, isa ka na lang Birthright rank. Hindi ka na talaga kasing galing ng noon!”“Hindi ikaw ang magpapasya niyan.” Ngumisi si Frank nang may pulang mga mata—hindi siya pwedeng magtimpi laban sa kalabang mas mataas sa kanya nang isang buong ranggo, kundi ay mamamatay siya. “Sige.” Ngumiti si Damon. “Mukhang handa kang ibuwis ang buhay mo… Pero isa kang malaking tinik sa tagiliran naming mga Lionheart, tatapusin na kita ngayon din. Tandaan mo—kapag nagtanong ang kamatayan, si Damon Lionheart ang naghatid sa'yo!”Bigla na lang, isang bugso ng bayolenteng pure vigor ang sumabog mula sa kanya, at muntik matumba si Frank. “Ito pala ang kapangyarihan ng peak Ascendant rank…?” Bulong ni Frank sa sarili niya. Kahit na si Ciril Janko ay nasa peak Ascendant rank din, nilabanan siya ni Frank sa hindi pangkaraniwang sitwasyon, at hindi pa binuhos ni Ciril ang lahat. At ngayong kaharap ni Fran
Isang matandang lalaking nakasuot ng military uniform ng Draconia ang lumabas mula sa kadiliman at tumawa nang paos. “Hehehe…”“Ano…” Bumangon si Frank kahit na masakit ang mga basag na tadyang niya dahil nakilala niya ang matandang iyon. Siya ang taray ni Frank, na sinasamba at hinahangaan sa buong Draconia, ang tinik sa lalamunan ng Talnam—ang Lord of the Southern Woods!“Anong ginagawa mo rito?!” Nataranta si Damon, na natakot pa nga habang tinitigan niya ang hile-hilerang medalyang nakasabit sa jacket ni Godwin Lawrence. Talagang pambihirang makitang kumibo ang isang peak Ascendant rank nang ganito, lalo na't napakayabang niya nang una siyang nagpakita. At isa rin siyang lalaking may hindi mapagkakailang lakas!“Hehe. Naglalakad-lakad lang ako bago ako mamatay,” kalmadong sabi ni Godwin nang may maliit na ngiti sa mga labi niya na para bang inaalala niya ang nakaraan kasama ng isang kaibigan. Nagpatuloy na umatras si Damon hanggang sa naramdaman niyang sumandal ang likod
Nahirapang tumingala si Frank habang lumampas ang pulang leon sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niya ang nangyari. Si Damon, na madaling tumalo sa kanya at gumamit ng nakakatakot na technique kay Godwin, ay hawak ngayon sa leeg, habang sumisipa sa ere ang mga paa niya. Isa itong napakasimpleng atake, ngunit parang hindi man lang gumamit si Godwin ng kahit isang patak ng vigor. “Anong…” Napabulong si Frank nang hindi makapaniwala. “Manood kang maigi ngayon, bata,” kalmadong sabi ni Godwin. “Ito ang tinatawag na Lioncrusher—tinuro ito ng lolo mo sa'kin, at ginagamit ito mismo para durugin ang mga Lionheart.”Sa kabilang banda, nagsimulang tumirik ang mga mata ni Damon habang nanlaban siya, pakiramdam niya ay patuloy na kinukuryente ang katawan niya. “Alam ko kung anong sasabihin mo.” Tumawa si Godwin. “Bakit ito tinawag na Lioncrusher, di ba?”Humingal si Damon. “Hindi ka mangangahas…”Splat!Bigla na lang, lumobo nang parang lobo ang katawan ni Damon bago sum
Nakahinga nang maluwag si Vicky nang lumitaw si Frank, ngunit kaagad siyang sinigawan nina Jet at ng iba pang Turnbull blackguards. “Anong ginagawa mo, Frank Lawrence?!”“Bakit di mo prinotektahan si Ms. Turnbull?! Anong ginagawa mo roon nang mag-isa?!”Nagulat si Frank sa mga akusasyon nila at kumulo ang vigor niya, na nagpabilis sa dugo niya at napaubo siya ng dugo dahil dito. “Ayos ka lang ba, Frank?!” Nagmadali ang natakot na si Vicky sa tabi niya bago lumingon kina Jet at iba pang Turnbull blackguards nang nakatitig nang masama. “Gaano karaming beses ko bang sasabihin sa'yo?!” sigaw niya. “Lumalaban si Frank sa pinakamagagaling ng mga Lionheart, at wala sa inyo ang tumulong sa kanya! Tapos ngayon sisigawan niyo siya pagkatapos niyang manalo?!”“Patawarin mo ko, Ms. Turnbull, pero ang kaligtasan mo ang prayoridad namin,” sagot ni Jet habang nakakunot ang noo at halatang nainis na buhay pa si Frank. Ang totoo, medyo naramdaman ni Frank ang dismaya niya nang lumabas siya n
“Hay, mga walang kwenta…” Bumuntong-hininga si Vicky nang bigla niyang naalala ang lahat ng sinabi sa kanya ni Sif sa baba. “Hindi mangangahas ang mga gurang ng Turnbull family laban sa'ming mga Lionheart! Tinignan ko na ang pamilya mo—wala sa kanila ang may pakialam kung mamamatay ka rito. Ang pakialam lang nila ay ang protektahan ang pinakamamahal nilang kayamanan, habang nabubuhay sa takot sa araw na sugurin sila ng mga Lionheart!”Dumugo ang puso ni Vicky habang tumawa siya sa naisip niya—paanog naging ganito kakitid ang pananaw ng pamilya niya?Walang katapusang pagkokompromiso at hindi pagharap sa mga kalaban nila, lahat ng ito ay para lang sa pagiging makasarili nila. Ano pala iyon kundi parang pagbibigay sa mga kalaban nila ng taling ipambibigti sa kanila?Wala silang naramdaman kahit na nabuking ang mabangis na ambisyon ni Titus, sa halip ay nabubuhay sila nang isa-isang araw. Kagaya nito, hindi sila nagpakita ng kahit na anong pagpapasalamat kahit na iniligtas sila ni
Nagpatuloy na sumigaw si Sif, “Ikaw, si Vicky Turnbull… Ang lahat ng nasa paligid mo! Wala sa kanila ang matitira, isinusumpa ko yan!”Nainis si Frank sa banta niya at lumingon siya para sigawan si Jet, “Narinig mo yun, di ba?! Hindi ba dapat pinoprotektahan ng mga blackguard ang Turnbull family?! Pinagbabantaan silang saktan ni Sif, tapos tatayo ka lang diyan?! Wala bang lukot ang utak mo?!”Gayunpaman, nanatiling hindi kumikilos si Jet. “Personal mong hinanakit yan laban kay Ms. Lionheart. Pasensya na at nagkamali ka kung binabalak mong gamitin kami laban sa kanya.”“Bwisit!” Galit na sumigaw si Frank. Wala siyang ibang gustong gawin kundi hulihin ang Turnbull blackguards at sunugin sila. “Hindi kayo manlalaban kahit na tinutok na ng kalaban ang kutsilyo sa leeg niyo?! Kailan pala kayo kikilos—pagkatapos nila kayong saksakin at maghingalo?!”Hindi natinag si Jet sa mga salita niya at umiling pa nga ito. “Sinusunod ng blackguards ang utos ng Turnbull family—hindi ikaw, na isang ta
Splat!Muli, hindi ginamit ni Frank ang pure vigor niya. Sumipa lang siya, na humiwa sa katawan ni Vin sa dalawa. Namutla sina Larry, Peter, at iba pa nang tinitigan nila ang mga piraso ng laman at dugong nagkalat sa paligid. “Tao… ba siya?!” Bulong ni Larry, bago siya lumingon para titigan nang masama si Peter. Masasampal niya nang dalawang beses si Peter—anong kampon ng kamatayan ang dinala ni Peter sa pintuan niya?Hindi… Sinadya bang dalhin ni Peter si Frank para patayin siya?!“Ako… Imposible yan…” Halos maiyak si Peter at bumagsak siya sa lapag. Nanginig siya na para bang may humigop sa lahat ng lakas niya. Kapag hinabol siya ni Frank, tiyak na mapapatay siya!Lalo na sa ginawa niya at sa lahat ng insultong binato niya kay Frank, parang gusto niyang sampalin ang sarili niya roon. “A-Anong dapat kong gawin?” bulong niya, sabay desperadong naghanap ng ideya para makaligtas sa kabila ng gulat niya. Doon niya nakitang nakatitig sa kanya nang galit na galit si Larry.
Sa sandaling iyon mismo, nakumbinsi ang lahat na natalo si Frank at dumudugo nang parang baboy, hanggang sa isang mahinang ubo ang narinig sa gitna ng humuhupang usok. “Guh… Takbo, Vin…”“Ano?!” Nanlaki ang mga mata ni Vin habang nakaluhod siya sa isang tuhod, hawak ang sugat niya kung nasaan ang kamay niya noon. Narinig niya bang sabihan siya ng kapatid niyang tumakbo?Anong nangyayari rito?!Sa loob lang ng ilang segundo, tuluyang humupa ang usok at sa wakas ay nakita ni Vin kung anong nangyari: tahimik pa ring nakaunat ang braso ni Frank, na ginamit niya para suntukin si Mos tagos sa dibdib niya!Ang totoo, nakabitin lang ang bangkay ni Mos sa braso ni Frank. Walang kabuhay-buhay ang mga braso at ulo niya habang nalagutan siya ng hininga. “Ano?!” Namutla si Vin—napatay ang kapatid niya sa isang simpleng suntok?!“Huh?!” Nabigla rin si Peter. Alam niyang martial artist si Frank, at sinabihan siya ng iba na malakas siya kahit na matagal siyang nawala sa Riverton. Kung kay
“Kung ganun, kayo ang may gusto nito!”Kuminang nang malamig ang mga mata ni Frank habang umatake rin siya gamit ng nakaunat na palad niya, at nadurog kaagad ang kamao ni Vin. "Huh?!"Malinaw na naramdaman ni Frank na nabasag ang mga buto niya at nakatulala siyang tumitig sa palad niya habang sumigaw si Vin. Hindi naman siya masyadong gumamit ng lakas, di ba?Binalak niyang gamitin ang palad niya para salagin ang paparating na suntok ni Vin, bago niya suntukin at during ang ulo ni Vin sa isang suntok para mapatay siya. Natural na hindi niya inasahang madudurog ng palad niya ang kamao ni Vin, nang parang giniling!Ang totoo, sa sobrang gulat niya ay natulala siya sa kinatatayuan niya, nakalimutan niyang ipagpatuloy ang atake niya at hindi siya nahimasmasan. “Pareho lang ang pure vigor ko, kaya ang lakas lang ng katawan ko ang nagbago. Anong nangyayari rito?!”Doon sumigaw si Mos, “Anong ginawa mo?!”Bumagsak ang ekspresyon niya nang nakita niyang nadurog ni Frank ang kamao n
Napakunot din ang noo ni Larry sa tanong ng Hansen brothers, at lumingon siya kay Peter. “Sigurado ka bang siya si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Oo!”Nakatitig ang mga mata ni Peter kay Frank habang ngumisi siya. “Wag kang mag-alala, Mr. Jameson. Makikilala ko siya kahit saan.”“Siguraduhin mo lang, kundi ay malalaman mo kung anong mangyayari.” Malamig na tumawa si Larry. Napangiwi si Peter sa sandaling iyon ngunit mabilis siyang ngumiti nang nambobola. “Anong sinasabi mo, Mr. Jameson? Bakit ako magsisinungaling sa'yo? Ibig kong sabihin, may utang pa akong ninety million dollars sa'yo! Hindi ako magsisinungaling sa'yo kahit na ibig sabihin nito ay isusuko ko ang Lanecorp bilang collateral, di ba?”Narinig nila si Frank kahit na napalibutan siya—mukhang trinaydor ni Peter sila ni Helen dahil sa utang niya kay Larry. Basura…” Sumama ang ekspresyon niya. Para bang mas mababa pa sa tao ang pamilya ni Helen, at balak nilang ubusin ang pera niya. “Nasaan si Helen?” T
Tumalon si Peter palabas ng kotse sa sandaling iyon nang sumisigaw habang tumakbo siya papunta sa isang abandonadong pabrika. “Mr. Jameson! Mr. Jameson! Nadala ko na si Frank Lawrence—sabihan mo ang mga tao mong patayin siya!”"Hehe…"Isang lalaking nasa animnapung taong gulang ang lumabas mula sa pabrika kagat ang isang tabako sa bibig niya at nakasuot ng isang pinstripe suit. Kaagad siyang nakilala ni Frank—si Larry Jameson ito. Kausap niya si Helen noon sa Zamri lease bid, at kasama niya si Juno noon. Naalala rin ni Frank na sinabi ni Helen na isa siya sa Three Bears ng Zamri. At ngayon, bumuga ng usok si Larry habang pinanood niyang bumaba si Frank, nang tumatawa. “Ikaw alam si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Tama ka.” Naglakad si Frank at tumayo sa harap ni Larry habang umiiling kay Peter na mabilis na nagtago sa likod ni Larry. “Akala ko inayos mo na ang sarili mo pagkatapos mong umalis sa Riverton, pero lumalabas na nakakadiri ka pa rin pala.”“Nakakadiri? D
Sumigaw si Frank, “Nasaan ang kapatid mo, Peter Lane?!”Nang napatalon at muntik mabitawan ang phone niya, sumama ang ekspresyon ni Peter nang nakita niyang si Frank iyon. “Malay ko! Wag mo kong tanungin!” Naiinis na sigaw ni Peter at bumalik siya sa laro niya. Nainis si Frank habang nanood siya, lalo na't dahil nakapatong ang paa niya sa mesa ni Helen. Nag-iwan ng marka ang mga sapatos niya sa dokumento sa ibaba nito. "Mr. Lawrence?" Pumasok si Lily sa sandaling iyon at napansin niya si Frank. Siya ang sekretarya ni Helen na lumipat mula sa Lane Holdings ng Riverton, at hinila niya si Frank sa tabi habang bumulong siya, “Nawala ang phone ni Ms. Lane kagabi, at hindi namin ito mahanap magdamag. Kakaalis niya lang papunta sa ospital para bisitahin ang nanay niya, at sinabihan niya akong ipaalam ito sa'yo pag bumalik ka nang wala siya.”Nakinig si Frank, ngunit napansin niyang nakasilip si Peter sa kanya. Nang lumingon siya kay Peter, bumalik si Peter sa phone niya at dumal
Pagod si Frank nang umalis siya sa cafe at nagpasyang tatanggihan na niya si Helen kapag may iba pa siyang ganitong pakiusap sa hinaharap. Kahit na ganun, tinitigan niya ang itim na Maserati convertible na nakaparada sa labas habang umalingawngaw ang mga salita ni Juno sa isipan niya: “Walang maitutulong sa'yo kung magiging kalaban mo ako. Tanggapin mo ko nang parang isang mabuting bata, at ibibigay ko sa'yo ang impormasyon sa Draconia na gusto mo. Tanggapin mo ang impormasyong ito bilang pagpapakita ng sinseridad ko—mayroong hindi tapos na construction project na nasa labasan ng Zamri. Gayunpaman, pwede mong sabihin si Ms. Lane na kunin ito, dahil babawiin ito ng gobyerno para gibain sa susunod na ilang araw. Sa mga panahong iyon, lalaki nang sampung beses ang halaga nito!”Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tanong ni Frank. Misteryosong ngumiti si Juno sa kanya. “Sikreto yan, maliban na lang kung umoo ka…”Dahil dito, pagkaalis niya sa cafe kinuha ni Frank ang phone niya
Sinara niya ang laptop at tinitigan nang masama ni Frank si Clarity. “Ano ba talagang gusto mo?!”“Wala. Gusto kita, yun lang!” Ngumiti si Clarity at mas lalong nainis si Frank. "Hmph." Hindi siya pinansin ni Frank at tumalikod para umalis. “Hoy, teka!”Hinablot ni Clarity ang braso niya at mapagpaumanhing ngumiti. “Kalma ka lang. Hindi mo ba gustong malaman kung sino ako, Donn Lawrence?”“Ano?!” Lumingon si Frank. “Alam mo ang pangalan ko?! Magsalita ka! Sino ka?!”“Ano…”Misteryosong umiling si Clarity. “Isa akong palaboy kagaya mo.”Pinagana ni Frank ang Five-Peat Archaeus niya sa sandaling iyon at handang umatake—dahil tumanggi siyang magtino nang nagpakabait siya, kailangan niya lang magpakatatag!Pero kahit na umatras si Clarity, makarisma siyang nakangiti. “Oh, kalma ka lang! Gaano ba kaiksi ang pasensya mo? Pwes, dahil gusto mo talagang malaman, siguro pwede kong sabihin sa'yo… Marami akong pangalan, kaya alin ang dapat kong sabihin sa'yo? Oh, tama.”Bigla na lang
Gayunpaman, narinig ni Helen ang malanding boses ni Clarity sa kabilang linya at sumigaw siya, “Ano?! Anong ginagawa mo diyan, Frank?”“Sandali, ikaw yun?!”Napangiwi si Frank nang naalala niya—kaya pala pamilyar si Clarity sa kanya. Siya ang kasama ng isa sa mga importanteng taong dumalo sa bid event sa Zamri!Inimbitahan niya siya sa masquerade ball, pero hindi niya ito inisip dahil hindi siya interesado. At ngayon, nagpakita talaga siya rito sa Morhen…“Ano bang gusto mo?” sigaw niya nang nakatitig nang masama kay Clarity habang nasalo niya ang paa niya. Napabulalas si Clarity. “Oh, nasasaktan ako… Hindi naman sa ayaw ko, pero talaga bang gagawin natin to sa harapan ng napakaraming tao?”Habang tumuro siya, lumingon si Frank para makita ang ibang panauhing dumating sa cafe at nakatitig sa kanila. Mukha talagang naglalandian sila habang hawak ni Frank ang binti niya. “Tsk, tsk… Mga baboy talaga ang mga lalaki ngayon…”“Hala, sa pampublikong lugar pa talaga? Napakabastos