Nahirapang tumingala si Frank habang lumampas ang pulang leon sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niya ang nangyari. Si Damon, na madaling tumalo sa kanya at gumamit ng nakakatakot na technique kay Godwin, ay hawak ngayon sa leeg, habang sumisipa sa ere ang mga paa niya. Isa itong napakasimpleng atake, ngunit parang hindi man lang gumamit si Godwin ng kahit isang patak ng vigor. “Anong…” Napabulong si Frank nang hindi makapaniwala. “Manood kang maigi ngayon, bata,” kalmadong sabi ni Godwin. “Ito ang tinatawag na Lioncrusher—tinuro ito ng lolo mo sa'kin, at ginagamit ito mismo para durugin ang mga Lionheart.”Sa kabilang banda, nagsimulang tumirik ang mga mata ni Damon habang nanlaban siya, pakiramdam niya ay patuloy na kinukuryente ang katawan niya. “Alam ko kung anong sasabihin mo.” Tumawa si Godwin. “Bakit ito tinawag na Lioncrusher, di ba?”Humingal si Damon. “Hindi ka mangangahas…”Splat!Bigla na lang, lumobo nang parang lobo ang katawan ni Damon bago sum
Nakahinga nang maluwag si Vicky nang lumitaw si Frank, ngunit kaagad siyang sinigawan nina Jet at ng iba pang Turnbull blackguards. “Anong ginagawa mo, Frank Lawrence?!”“Bakit di mo prinotektahan si Ms. Turnbull?! Anong ginagawa mo roon nang mag-isa?!”Nagulat si Frank sa mga akusasyon nila at kumulo ang vigor niya, na nagpabilis sa dugo niya at napaubo siya ng dugo dahil dito. “Ayos ka lang ba, Frank?!” Nagmadali ang natakot na si Vicky sa tabi niya bago lumingon kina Jet at iba pang Turnbull blackguards nang nakatitig nang masama. “Gaano karaming beses ko bang sasabihin sa'yo?!” sigaw niya. “Lumalaban si Frank sa pinakamagagaling ng mga Lionheart, at wala sa inyo ang tumulong sa kanya! Tapos ngayon sisigawan niyo siya pagkatapos niyang manalo?!”“Patawarin mo ko, Ms. Turnbull, pero ang kaligtasan mo ang prayoridad namin,” sagot ni Jet habang nakakunot ang noo at halatang nainis na buhay pa si Frank. Ang totoo, medyo naramdaman ni Frank ang dismaya niya nang lumabas siya n
“Hay, mga walang kwenta…” Bumuntong-hininga si Vicky nang bigla niyang naalala ang lahat ng sinabi sa kanya ni Sif sa baba. “Hindi mangangahas ang mga gurang ng Turnbull family laban sa'ming mga Lionheart! Tinignan ko na ang pamilya mo—wala sa kanila ang may pakialam kung mamamatay ka rito. Ang pakialam lang nila ay ang protektahan ang pinakamamahal nilang kayamanan, habang nabubuhay sa takot sa araw na sugurin sila ng mga Lionheart!”Dumugo ang puso ni Vicky habang tumawa siya sa naisip niya—paanog naging ganito kakitid ang pananaw ng pamilya niya?Walang katapusang pagkokompromiso at hindi pagharap sa mga kalaban nila, lahat ng ito ay para lang sa pagiging makasarili nila. Ano pala iyon kundi parang pagbibigay sa mga kalaban nila ng taling ipambibigti sa kanila?Wala silang naramdaman kahit na nabuking ang mabangis na ambisyon ni Titus, sa halip ay nabubuhay sila nang isa-isang araw. Kagaya nito, hindi sila nagpakita ng kahit na anong pagpapasalamat kahit na iniligtas sila ni
Nagpatuloy na sumigaw si Sif, “Ikaw, si Vicky Turnbull… Ang lahat ng nasa paligid mo! Wala sa kanila ang matitira, isinusumpa ko yan!”Nainis si Frank sa banta niya at lumingon siya para sigawan si Jet, “Narinig mo yun, di ba?! Hindi ba dapat pinoprotektahan ng mga blackguard ang Turnbull family?! Pinagbabantaan silang saktan ni Sif, tapos tatayo ka lang diyan?! Wala bang lukot ang utak mo?!”Gayunpaman, nanatiling hindi kumikilos si Jet. “Personal mong hinanakit yan laban kay Ms. Lionheart. Pasensya na at nagkamali ka kung binabalak mong gamitin kami laban sa kanya.”“Bwisit!” Galit na sumigaw si Frank. Wala siyang ibang gustong gawin kundi hulihin ang Turnbull blackguards at sunugin sila. “Hindi kayo manlalaban kahit na tinutok na ng kalaban ang kutsilyo sa leeg niyo?! Kailan pala kayo kikilos—pagkatapos nila kayong saksakin at maghingalo?!”Hindi natinag si Jet sa mga salita niya at umiling pa nga ito. “Sinusunod ng blackguards ang utos ng Turnbull family—hindi ikaw, na isang ta
“Manahimik ka!”Muntik nang pumiyok si Sif sa suhestyon ng bodyguard niya at tinuro ang paparating na mga sanggano. “Mukha bang hindi nila ako sasaktan? Alam mo kung anong mangyayari kapag iniwan mo ko!”Sumama ang ekspresyon ng bodyguard sa banta ni Sif. Makakatakas talaga siya kung hindi dahil sa pabigat na si Sif. Natural na hindi rin siya mangangahas na iwan si Sif dahil kamatayan ang magiging kapalit nito kahit na hindi patayin ng mga sanggano si Sif. Habang mabangis na sumugod ang mga sanggano sa kanila, nakita niyang hindi rin siya makakaligtas dito. Tinibayan niya ang sarili niya at binunot ang sandata niya. Kamatayan rin naman ang naghihintay sa kanya—kaya bahala na!Natural na giniling siya ng mga sanggano sa isang iglap. Bigla na lang, huminto ang ilang kotse sa malapit at tumalon palabas sina Jet at ang Turnbull bodyguards. Lumingon sila nang narinig nila ang kaguluhan. “A-Anong nangyayari rito?!” Sigaw ni Jet. “Wala ka nang kinalaman rito! Layas!” Sigaw ka
“Hux… Wag na lang.”Ngumisi si Frank—nakikita niya talagang handa nang tumakas si Hux. “Hindi mo to pagsisisihan.”“Oh, sana nga.” Pilit na ngumiti si Hux bago tumakas kasama ng mga tao niya. Naiwan sina Jet at ang Turnbull blackguards at ang natira sa mga labi ni Sif at ng mga bodyguard niya. Sumugod si Jet papunta kay Frank sa sandaling iyon at hinablot niya si Frank sa kwelyo habang sumigaw siya, “Sino ang mga taong yun?! Sabihin mo sa'kin, ngayon din!”Hindi siya magugulat kung sa kanila ng Turnbull blackguards napupunta ang sisi sa pagkamatay ni Sif, dahil walang sinomang maniniwalang biglang papatayin si Sif Lionheart ng ilang siyang napadaan. Baka nga lalo lang silang makumbinsing ang Turnbull blackguards ang gumawa nito, at walang dudang naipit sila rito. Wala sa kanila ang makakapagpaliwanag sa mga sarili nila lalo na kapag tinanong sila ng Turnbull elders!"Hahaha…"Sa kabilang banda, masayang tinawanan ni Frank ang natatarantang mukha ni Jet habang umiiling. “Sanay
Bilang head ng Turnbull family, nakikita ni Glen ang binabalak ng mga elder at executive ng pamilya niya. Dahil mga negosyante sila, wala silang intensyong makipaggiyera sa mga Lionheart, gusto lang nilang protektahan ang pera at estates nila. Kahit na hindi maiiwasan ang giyera, susubukan nilang patagalin ito sa abot ng makakaya nila. Hindi kagaya nila, naintindihan na ni Glen na hindi ito naiiba sa dahan-dahang pagkamatay, pero ganun lang talaga kabulok ang mga elder at executive na iyon. Mas gugustuhin nilang mamatay kaysa mawalan ng pera, at ganito ang pagiging kurakot ng mga negosyante. “Makakaalis ka na,” sabi ni Glen habang binubugaw si Jet. “Ako nang bahala.”Yumuko si Jet at tumalikod para umalis habang bumalik naman si Glen sa upuan niya at huminga nang malalim. Walang-wala na nga sa katwiran ang mga Lionheart, pero nagkakagulo pa rin ang pamilya niya. Masyado silang aligagang lahat na unahin ang kayamanan nila at hindi nila kayang huminto sandali para magkaisa l
Samantala, sa Lionheart Residence sa Morhen, naglakad-lakad si Titus hawak ang isang libro at binibigkas ang nilalaman nito. Ito ang parusang sinentensya sa kanya ng tatay niya—kailangan niyang kabisaduhin ang limampung libro ng ancient scriptures bago makaalis sa kwarto niya. At tinanggap ni Titus ang parusa nang walang reklamo. “Masamang balita, Mr. Lionheart!”Bigla na lang, tumakbo papasok sa study niya si Luigi, na isa sa mga alalay ng pamilya niya, habang natatarantang sumisigaw. Gayunpaman, naghintay lang si Titus hanggang sa matapos siya sa bersong binabanggit niya bago lumingon sa wakas kay Luigi. “Ano yun?”Kumpara sa natatarantang reaksyon ni Luigi, nanatiling walang pakialam si Titus. Hindi mabasa ang iniisip niya. “Sir, nakatanggap kami ng balita mula sa mga Sorano,” malungkot na sabi ni Luigi. “Napatay si Lady Sif sa Jundo Showtown!”“Napatay?” Kuminang nang malamig ang mga mata ni Titus habang tumingin siya kay Luigi. “Sabihin mo sa'kin ang lahat ng nangyari
“Kung ganun, kayo ang may gusto nito!”Kuminang nang malamig ang mga mata ni Frank habang umatake rin siya gamit ng nakaunat na palad niya, at nadurog kaagad ang kamao ni Vin. "Huh?!"Malinaw na naramdaman ni Frank na nabasag ang mga buto niya at nakatulala siyang tumitig sa palad niya habang sumigaw si Vin. Hindi naman siya masyadong gumamit ng lakas, di ba?Binalak niyang gamitin ang palad niya para salagin ang paparating na suntok ni Vin, bago niya suntukin at during ang ulo ni Vin sa isang suntok para mapatay siya. Natural na hindi niya inasahang madudurog ng palad niya ang kamao ni Vin, nang parang giniling!Ang totoo, sa sobrang gulat niya ay natulala siya sa kinatatayuan niya, nakalimutan niyang ipagpatuloy ang atake niya at hindi siya nahimasmasan. “Pareho lang ang pure vigor ko, kaya ang lakas lang ng katawan ko ang nagbago. Anong nangyayari rito?!”Doon sumigaw si Mos, “Anong ginawa mo?!”Bumagsak ang ekspresyon niya nang nakita niyang nadurog ni Frank ang kamao n
Napakunot din ang noo ni Larry sa tanong ng Hansen brothers, at lumingon siya kay Peter. “Sigurado ka bang siya si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Oo!”Nakatitig ang mga mata ni Peter kay Frank habang ngumisi siya. “Wag kang mag-alala, Mr. Jameson. Makikilala ko siya kahit saan.”“Siguraduhin mo lang, kundi ay malalaman mo kung anong mangyayari.” Malamig na tumawa si Larry. Napangiwi si Peter sa sandaling iyon ngunit mabilis siyang ngumiti nang nambobola. “Anong sinasabi mo, Mr. Jameson? Bakit ako magsisinungaling sa'yo? Ibig kong sabihin, may utang pa akong ninety million dollars sa'yo! Hindi ako magsisinungaling sa'yo kahit na ibig sabihin nito ay isusuko ko ang Lanecorp bilang collateral, di ba?”Narinig nila si Frank kahit na napalibutan siya—mukhang trinaydor ni Peter sila ni Helen dahil sa utang niya kay Larry. Basura…” Sumama ang ekspresyon niya. Para bang mas mababa pa sa tao ang pamilya ni Helen, at balak nilang ubusin ang pera niya. “Nasaan si Helen?” T
Tumalon si Peter palabas ng kotse sa sandaling iyon nang sumisigaw habang tumakbo siya papunta sa isang abandonadong pabrika. “Mr. Jameson! Mr. Jameson! Nadala ko na si Frank Lawrence—sabihan mo ang mga tao mong patayin siya!”"Hehe…"Isang lalaking nasa animnapung taong gulang ang lumabas mula sa pabrika kagat ang isang tabako sa bibig niya at nakasuot ng isang pinstripe suit. Kaagad siyang nakilala ni Frank—si Larry Jameson ito. Kausap niya si Helen noon sa Zamri lease bid, at kasama niya si Juno noon. Naalala rin ni Frank na sinabi ni Helen na isa siya sa Three Bears ng Zamri. At ngayon, bumuga ng usok si Larry habang pinanood niyang bumaba si Frank, nang tumatawa. “Ikaw alam si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Tama ka.” Naglakad si Frank at tumayo sa harap ni Larry habang umiiling kay Peter na mabilis na nagtago sa likod ni Larry. “Akala ko inayos mo na ang sarili mo pagkatapos mong umalis sa Riverton, pero lumalabas na nakakadiri ka pa rin pala.”“Nakakadiri? D
Sumigaw si Frank, “Nasaan ang kapatid mo, Peter Lane?!”Nang napatalon at muntik mabitawan ang phone niya, sumama ang ekspresyon ni Peter nang nakita niyang si Frank iyon. “Malay ko! Wag mo kong tanungin!” Naiinis na sigaw ni Peter at bumalik siya sa laro niya. Nainis si Frank habang nanood siya, lalo na't dahil nakapatong ang paa niya sa mesa ni Helen. Nag-iwan ng marka ang mga sapatos niya sa dokumento sa ibaba nito. "Mr. Lawrence?" Pumasok si Lily sa sandaling iyon at napansin niya si Frank. Siya ang sekretarya ni Helen na lumipat mula sa Lane Holdings ng Riverton, at hinila niya si Frank sa tabi habang bumulong siya, “Nawala ang phone ni Ms. Lane kagabi, at hindi namin ito mahanap magdamag. Kakaalis niya lang papunta sa ospital para bisitahin ang nanay niya, at sinabihan niya akong ipaalam ito sa'yo pag bumalik ka nang wala siya.”Nakinig si Frank, ngunit napansin niyang nakasilip si Peter sa kanya. Nang lumingon siya kay Peter, bumalik si Peter sa phone niya at dumal
Pagod si Frank nang umalis siya sa cafe at nagpasyang tatanggihan na niya si Helen kapag may iba pa siyang ganitong pakiusap sa hinaharap. Kahit na ganun, tinitigan niya ang itim na Maserati convertible na nakaparada sa labas habang umalingawngaw ang mga salita ni Juno sa isipan niya: “Walang maitutulong sa'yo kung magiging kalaban mo ako. Tanggapin mo ko nang parang isang mabuting bata, at ibibigay ko sa'yo ang impormasyon sa Draconia na gusto mo. Tanggapin mo ang impormasyong ito bilang pagpapakita ng sinseridad ko—mayroong hindi tapos na construction project na nasa labasan ng Zamri. Gayunpaman, pwede mong sabihin si Ms. Lane na kunin ito, dahil babawiin ito ng gobyerno para gibain sa susunod na ilang araw. Sa mga panahong iyon, lalaki nang sampung beses ang halaga nito!”Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tanong ni Frank. Misteryosong ngumiti si Juno sa kanya. “Sikreto yan, maliban na lang kung umoo ka…”Dahil dito, pagkaalis niya sa cafe kinuha ni Frank ang phone niya
Sinara niya ang laptop at tinitigan nang masama ni Frank si Clarity. “Ano ba talagang gusto mo?!”“Wala. Gusto kita, yun lang!” Ngumiti si Clarity at mas lalong nainis si Frank. "Hmph." Hindi siya pinansin ni Frank at tumalikod para umalis. “Hoy, teka!”Hinablot ni Clarity ang braso niya at mapagpaumanhing ngumiti. “Kalma ka lang. Hindi mo ba gustong malaman kung sino ako, Donn Lawrence?”“Ano?!” Lumingon si Frank. “Alam mo ang pangalan ko?! Magsalita ka! Sino ka?!”“Ano…”Misteryosong umiling si Clarity. “Isa akong palaboy kagaya mo.”Pinagana ni Frank ang Five-Peat Archaeus niya sa sandaling iyon at handang umatake—dahil tumanggi siyang magtino nang nagpakabait siya, kailangan niya lang magpakatatag!Pero kahit na umatras si Clarity, makarisma siyang nakangiti. “Oh, kalma ka lang! Gaano ba kaiksi ang pasensya mo? Pwes, dahil gusto mo talagang malaman, siguro pwede kong sabihin sa'yo… Marami akong pangalan, kaya alin ang dapat kong sabihin sa'yo? Oh, tama.”Bigla na lang
Gayunpaman, narinig ni Helen ang malanding boses ni Clarity sa kabilang linya at sumigaw siya, “Ano?! Anong ginagawa mo diyan, Frank?”“Sandali, ikaw yun?!”Napangiwi si Frank nang naalala niya—kaya pala pamilyar si Clarity sa kanya. Siya ang kasama ng isa sa mga importanteng taong dumalo sa bid event sa Zamri!Inimbitahan niya siya sa masquerade ball, pero hindi niya ito inisip dahil hindi siya interesado. At ngayon, nagpakita talaga siya rito sa Morhen…“Ano bang gusto mo?” sigaw niya nang nakatitig nang masama kay Clarity habang nasalo niya ang paa niya. Napabulalas si Clarity. “Oh, nasasaktan ako… Hindi naman sa ayaw ko, pero talaga bang gagawin natin to sa harapan ng napakaraming tao?”Habang tumuro siya, lumingon si Frank para makita ang ibang panauhing dumating sa cafe at nakatitig sa kanila. Mukha talagang naglalandian sila habang hawak ni Frank ang binti niya. “Tsk, tsk… Mga baboy talaga ang mga lalaki ngayon…”“Hala, sa pampublikong lugar pa talaga? Napakabastos
Nakadagdag lang sa karisma ni Clarity ang nunal sa ilalim ng mata niya. Ang totoo, maraming lalaki ang hindi makakatiis sa kanya. “Anong problema, Frank?” Para bang naramdaman ni Helen na may mali sa screen at bahagyang kumunot ang noo niya. “Wala lang.” Umiling si Frank nang nag-aalangang bumitaw kundi ay tiyak na magseselos at magkakamali ng akala si Helen. Ngunit sa kanila ng kaba niya, hindi siya sasayaw sa tono ni Clarity. Naintindihan niyang habang mas maganda ang babae, mas lalo silang mapanganib. Kagaya nito, tiyak na may binabalak siya kapag mukha siyang intresado sa isang tao. At nilinaw ng pagpunta sa kanya ni Clarity nang dalawang beses na hindi ito nagkataon lang, at may binabalak siya. Samantala, binuksan ni Helen ang presentation file sa kabilang linya at pinakilala ang proyekto nang may propesyonal na script. “Ms. Clarity, gumuhit kami ng mga plano at blueprint para sa resort na hinihiling mo. Tignan niyo…”Inabot nang mas mababa sa sampung minuto ang u
Umubo si Helen at nagsabing, “Ipapadala ko sa'yo ang address. Pwede ka nang pumunta roon. Tandaan mo, pipirma ka ng kontrata, pero pagkatapos lang ng video conference. Naiintindihan mo?”“Oo,” tango ni Frank, pagkatapos ay lumingon sa mapayapang mansyon at bumuntong-hininga. Lumabas na bumiyahe siya nang ganito kalayo para ang sa tsaa…Kahit na ganun, hindi siya nagpaligoy-ligoy at nagmaneho papunta sa address na binigay sa kanya ni Helen sakay ng Maybach niya. Nang pumasok siya sa itinakdang café kalahating oras ang nakalipas, nakita niya ang isang pamilya na mukha roon at nagulat siya. “Ikaw yung nasa Waver Street…”Si Clarity nga iyon. Nakasuot siya ng hapit na itim na palda at blouse na may mababang kwelyo at eleganteng umiinom ng kape niya. Ngumiti ang mga pulang labi niya nang nakita niya si Frank, tapos dinilaan niya ang mga daliri niya habang makarisma siyang nagsabi, “Nagulat akong ang aga nating nagkita, pogi.”Hindi napaatras si Frank, kundi nagulat lang siya. Tu