Walang kaalam-alam ang mga miyembro ng Martial Alliance kung anong pinag-uusapan nina Frank at Silverbell, pero narinig nila ang huling parte kung saan pumayag si Silverbell sa pakiusap ni Frank na protektahan si Walter nang dalawang araw. Imposible ito sa kapangyarihang mayroon ang mayor ng Morhen. Minolestiya ang anak niya sa harapan ng publiko, at hindi siya maghihintay ng dalawang para maghiganti!Baka nga patayin si Walter sa sandaling ipadala nila siya sa bahay ng mayor. Kahit na may pagrespeto at awtoridad sa posisyon ni Silverbell, bilang guardian ng Morhen—ang puso ng Draconia—isa lang siyang pinabangong bodyguard. Paparusahan rin siya kapag ininsulto niya ang mayor ng Morhen, kung kaya't mabilis siyang pinigilan ng mga miyembro ng Martial Alliance. “Hinding-hindi, Lady Silverbell!”“Iinsultuhin mo ang mayor ng Morhen kapag ginawa mo yan… Masisira ang kinabukasan mo!”Gayunpaman, mas alam ni Silverbell higit sa kahit na sino ang magiging kapalit kapag prinotektahan
Matapos ang mga salitang iyon, lumingon si Glen kay Jet at nagsabing, “Tawagin mo ang blackguards at pumunta kayo sa Waver Street kasama ni Frank. Kailangan nating maging seryoso tungkol dito.”Mas gusto ni Frank na magtrabaho nang mag-isa, ngunit hindi siya pamilyar sa Morhen at kinailangan niyang pumayag sa suhestiyon ni Glen. Hindi nagtagal, nagtipon na ang blackguards at umalis. Gayunpaman, napakalayo ng Waver Street mula sa Turnbull Estate, at gabi na sa oras na dumating sila. Isa talaga itong masiglang lugar kung saan malayang nakikipagsalamuha ang mga tao, ang iba pa nga ay may ginagawa na sa eskinita. Narinig sa bawat isang sulok ang mga mura, kasayahan, at kantyawan, at para bang naliligaw si Frank. Humiwalay siya kina Jet bago naglakad sa kalsada kagaya ng napagkasunduan. “Uy, pogi. Gusto mo ba akong samahan?” Isang babaeng may pansining kasuotan ang nangibabaw sa daan, na kumindat kay Frank habang may hawak na sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri. “Pasok ka
Kahit na ganun, aaminin ni Frank na kahit na nakatago ang mukha niya, ang katawan ng babaeng ito ay kayang makalamang kina Helen at Vicky. Nakadekwatro ang mahahaba at mapuputing binti niya sa ilalim ng mesa habang patag ang nakalabas na tiyan niya at makinis ang balat niya. Kahit ang lakad niya ay magpapainit na sa ibabang bahagi ng lalaki at walang pangkaraniwang lalaki ang kayang tiisin ang karisma niya—mahuhulog sila sa kanya agad-agad. Gayunpaman, kahit na mahilig sa babae si Frank at hindi pinigilang magtagal ang titig niya sa kanya, wala siyang pwedeng sayanging oras ngayon, lalo na't hindi sigurado ang kung ligtas si Vicky. “Ano ba. Alam kong marami kang tanong, pero dapat mo tong inumin kundi ay hindi ako sasagot.”Tumingin ang babae sa baso ng wine na iniabot niya kay Frank habang lumitaw ang mapanganib na pagnanasa sa mga mata niya. Bigla na lang, para bang napuno ng mistikal na kapangyarihan ang boses niya nang inulit niya, “Uminom ka.”Iniunat ni Frank ang kamay
“Huminahon ka. Bantayan mo ang sinasabi mo, Clarity,” mahinang sabi ng lider. “Si Ms. Lionheart ay isang heiress ng direktang lahi. Magdurusa ka sa mga bastos na salita mo kapag narinig ng mga Lionheart ang sinabi mo.”Sa ikinagulat niya, para bang walang pakialam si Clarity. “Heh…” Suminghal siya, sabay kinawayan siya sa inis. “Tama na yan. Maganda ang timpla ko, kaya hindi ko pa dadamdamin ang pagpasok niyo. Gayunpaman, gusto ko ang lalaking ito, at nagpasya akong walang pwedeng humawak sa kanya basta't nasa Waver Street siya. Ngayon, lumayas na kayo.”“Ano?” Nagdalawang-isip ang lider, na halatang natakot kay Clarity. Bakit pa sila magtitinginan ng mga tao niya at halatang nag-aalangan tungkol sa susunod nilang hakbang?"Hah!"Lumapit ang isa sa mga tauhan—na nasa peak Birthright rank—habang nakaturo kay Clarity nang sumigaw siya, “Talnamese ka, kaya wag kang magpumilit! Makukuha namin si Frank Lawrence, at walang pwedeng tumanggi sa mga Lionheart!”“Oo nga! Kung gusto mo
Pagkatapos ay nagpasa si Clarity ng papel kay Frank, at may dala ring natatanging pabango ang maliit na piraso ng papel. “Heto ang address,” sabi niya. Pumunta ka roon at ikaw mismo ang tumingin, pero depende ito sa kakayahan mo kung mahahanap mo ang kailangan mo.”“Bakit mo ko tinutulungan?” Tanong ni Frank habang nakatitig nang malamig at nagdududa kung talagang gusto lang ba talaga siya nito. “Oh, bakit ayaw mong maniwala sa'kin? Matagal na panahon na kitang mahal,” mapang-akit na tumawa si Clarity. “Natural na baka may hingiin akong pabor sa'yo sa hinaharap… Kaya pwede mo tong isipin na investment ko, Mr. Lawrence. Isipin mo na lang na may utang na loob ka sa'kin.”Sandaling nanahimik si Frank bago nagtanong, “Sigurado ka ba talagang ibabalik ko ang pabor na'to?”“Hehe. Tumutupad ka sa pangako mo, pogi. Alam ko yun higit sa kahit na sino.”“Hmm. Kung ganun…”Dinampot ni Frank ang baso ng wine at ininom ito. “May utang na loob ako sa'yo ngayon at babayaran ko yan sa ibang
Malamig na sinigawan ni Frank ang Turnbull blackguards, “Pinadala kayo rito, kaya dapat niyong sundin ang sinabi sa inyo ng mga Turnbull. Wala akong pakialam kung anong opinyon niyo sa'kin, pero ang plano ko ang pinakamaganda sa sitwasyong ito. Kaya maliban na lang kung meron kayong mas magandang plano, manahimik kayo at gawin niyo ang sinabi sa inyo!” Kahit na nagdala ng maraming reklamo mula sa Turnbull blackguards ang pag-uugali ni Frank, nanatiling nakatitig si Jet at matatag na nagsabing, “Naniniwala akong may katwiran sa sitwasyong ito ang plano ni Mr. Lawrence. Marami tayo, at mas madaling maghanap kung maghihiwa-hiwalay tayo.”“Pero…”“Walang pero-pero,” sabi ni Jet nang nawala ang pagkakakunot ng noo nang mahina niyang sinabi, “Malapit dito ang address. Kung mas mabilis nating mahahanap ang ebidensya, mas mabilis din nating matutulungan si Mr. Lawrence. Tumitig siya nang seryoso kay Frank at nagtanong, “Tama ba ako?”“Tama.” Tumango si Frank. “Mabuti. Tara na!” Kumawa
“Bitawan niyo siya.” Kumaway si Sif para senyasan ang mga bodyguard na pakawalan si Vicky.Gayunpaman, masyadong malinaw ang lamang niya at hindi manlalaban si Vicky maliban na lang kung tanga siya. At kagaya ng inasahan ni Sif, hindi nangahas si Vicky at sa halip ay tinitigan niya nang maigi si Sif. “Wag mo kong tignan nang ganyan ngayon, Vicky.” Ngumiti si Sif. “Binabayaran ko lang ang kahihiyang pinagdaanan ko sa kamay ng pamilya mo.”“Kahihiyan? Anong kahihiyan ang sinasabi mo?” Tumawa nang malamig si Vicky. “Sa pagkakaalala ko, maliban sa kinulong ka namin, binigyan ka namin ng pinakamagandang pagtrato at binigay namin ang bawat pangangailangan mo.”“Yun na nga! Kinulong mo ako, at isa iyong insulto para sa'kin at sa mga Lionheart!” Sigaw ni Sif, ngunit mabilis na kumalma ang ekspresyon niya. “Hindi dapat nagkaganito ang lahat, Vicky. Dapat naging sister-in-law kita… May magandang tyansa talaga tayong maging pamilya.”“Kalimutan mo na yan.” Suminghal si Vicky. “Nagpapangg
Malinaw na determinado si Sif na ipahiya si Vicky. Kahit na hindi kumilos si Vicky, nanatili siyang walang pakialam. “Ayos lang kung hindi mo to gagawin nang mag-isa. Marami akong oras… pero gaano karaming beses kaya ng pagpapahirap ang kakayanin ng tatay mo?”Pagkatapos, lumingon siya sa mga bodyguard niya at nagtanong, “Jimmy, totoo ba ang sabi nila, na magaling daw talaga ang Martial Alliance sa pagpapahirap? Simple lang ang pagtatanggal ng kuko… Binubuhusan nila ng alak ang mga mata nila at nilalatigo ang mga biktima nila… Oh, nakakatakot!”“Oo, Ms. Lionheart.” Ngumiti si Jimmy. “Sa lahat ng martial artists na meron sila, kaya nilang tiyaking magpapatuloy na humihinga ang pakay nila hanggang sa gusto nila. Hahayaan niya talaga ang tatay niyang mamatay sa isang libong sugat—”“Tumigil kayo!” Sumigaw si Vicky. Nakikita niya pa rin ang mabuting ngiti ng tatay niya sa isipan niya at kilala niya ang tatay niya—hindi siya kailanman naging manyak, at tiyak na napagbintangan lang siya
Sa isip na iyon, tumingin si Frank pataas at sumigaw, "Sir, wala sa akin ang spiritron vein, pero alam ko kung nasaan ito. Hinihiling ko ang iyong pag-unawa bilang aking senior na bigyan ako ng pabor na palayain ang aking pamilya, at dadalhin kita kung nasaan ito!"Tumahimik ang paligid ng sirang templo sa mga salita ni Frank, habang nag-iisip ang taong nagkukubli sa mga anino.Di nagtagal, muling nagsalita ang kanyang matandang boses."Sige. Dahil isa kang tao ng mga prinsipyo, may tiwala ako sa iyo."Lumabas siya mula sa mga anino, isang matandang lalaki na may kulay-abong buhok at may bakal na maskara na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha ang naglakad palabas.Ang kanyang ekspresyon ay malamig, at may dala siyang kwintas ng mga butil ng dasal sa isang kamay.Tumigil ang tibok ng puso ni Frank nang makita niya siya—ang nakakatakot na presyon na ipinapakita ng lalaking iyon ay malinaw na nagpapakita na siya ay Transcendentrank!Hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni
Agad na nakarating ang kotse ni Frank sa labas ng Zamri, at hindi siya nagtagal sa paghahanap ng sirang templo.Gayunpaman, hindi pa siya nakapasok nang maramdaman niya ang malupit na presensya ng kamatayan, na nagpatunog ng lahat ng alarma sa kanyang isipan.Kung tama ang kutob niya, ang mga taong bumihag kina Nash at Carol ay siya ang target mula pa sa simula… O ang spiritron vein, kung tutuusin.Naramdaman ni Frank ang panghihinayang nang maisip niya iyon—napakalaking bagay ng spiritron vein na iba't ibang pangunahing faction sa bansa ang kumikilos.Mga martial elites na nag-cultivate ng mag-isa, mga pangunahing sekta… pati mga opisyal ng gobyerno tulad ng alkalde ng Morhen ay nasasangkot sa labanan na ito.At kung maabot siya ng Cloudnine Sect, maabot din siya ng iba.Habang si Frank at ang Lanecorp ang nagiging sentro ng bagyo, kahit ang mga nasa anino ay darating o magmamasid upang makita kung paano magpapanatili ang mga bagay.Ang pagkakaroon ng spiritron vein ay maaaring
Kung tutuusin, tila inaasahan na ni Sienna ang tugon na iyon mula kay Frank, at siya ay ngumiti."Sa ganang iyon, ako'y magpapakumbaba.""Oo."Pinanood ni Frank si Sienna habang umaalis, malalim ang iniisip dahil pinapaalala nito kay Frank ang maraming bagay.Maraming panganib ang nagkukubli sa Draconia, at tiyak na makakakuha siya ng malaking atensyon pagkatapos niyang patayin si Kilian Lionheart.At si Sienna ay nagbigay pa ng pahiwatig na ang mga pangunahing manlalaro ay handa nang kumilos laban sa kanya.Habang hindi natatakot si Frank, nag-aalala pa rin siya na baka kumilos sila laban sa mga tao sa paligid niya.Kahit na pumasok sa kanyang isipan ang ideya, tumunog ang kanyang phone.Sumagot siya kay Kat Yego na sumisigaw, "Master Lawrence! Masama ito… may dumukot sa tatay ko at kay Madam Zims!""Ano?!"Sa tabi niya, tumalon si Winter sa kanyang mga paa sa takot, dahil si Madam Zims ang kanyang amang inang si Carol.Alam nila na si Carol at ang ama ni Kat na si Nash Yego a
Nagpumiglas si Winter at umupo sa tabi ni Frank matapos itong magpaliwanag, at tinupi niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib habang hinihintay niyang makita kung sino ang darating na kagandahan."Greetings, Mr. Lawrence."Isang ginang na nakadamit nang maayos sa isang konserbatibong damit ang pumasok, binati si Frank ng isang ngiti.Medyo natulala sandali si Frank—napakaganda ng kanyang mukha, ang kanyang mga kilos ay banayad at elegante, at may isang nunal sa kanyang mukha na nagbigay sa kanya ng isang napakagandang anyo.Bukod sa kanyang malambot na anyo, walang lalaking makaalis ng tingin sa kanyang kapansin-pansing cleavage."Wow… ang ganda-ganda mo…"Kahit si Winter ay napapanga at humihingal sa ganda sa kabila ng kanyang inggit kanina."Hehe. Salamat." Tumango ang babae bago humarap kay Frank."Mr. Lawrence, ako si Sienna Noirot, pangalawang nakatatanda ng Hall of Flowers, isang denominasyon ng Cloudnine Sect. Nang marinig ko ang iyong mga kamakailang tagumpay, nagpunt
Humarap si Frank kay Chelly, na nakayuko, at kay Stella, na nagbigay sa kanya ng taimtim na nagmamakaawang tingin.Huminto siya, nilingon ang kanyang ulo at inihayag, "Ang buong alitang ito sa pagitan natin ay pinasimulan ng mga Bearson!"Sa mga salitang iyon, umalis siya sa entablado kahit na umubo siya ng dugo, na nagtatapos sa mataas na labanan sa Zamri Square na may isang pambihirang baluktot ng kwento.Ang madla ay tiyak na hindi nasiyahan sa mediocre na pagtatapos, lalo na pagkatapos na ang laban ay pinasikat ng napakalaking publicity!Hindi ito laban ng mga martial elites, kundi isang kakaibang pagtatanghal sa entablado.Gayunpaman, ang nasabing produksyon ay nagdala pa rin ng malubhang mga kahihinatnan.Para sa mga Favonis, si Jaden ay nanatiling walang malay, ang kanyang kapalaran ay hindi alam habang si Stella at ang iba pa ay dinala siya pabalik sa Norsedam.Habang nananatili pa rin ang kanyang pwesto bilang pangalawa sa Skyrank, bumagsak ang kanyang reputasyon, tulad
"Akala mo ba na kaya mong labanan ang Lionhearts at Volsung Sect ng mag-isa?!"Si Kilian Lionheart ay malamig na nagmura, "Sumuko ka na! Ang kapangyarihan ni Simon Lionheart ang namumuno sa lupang ito, at ikaw ay magiging pira-piraso kung siya mismo ang makialam!""May sampung segundo ka," simpleng bulong ni Frank, walang emosyon habang pinupunasan ang dugo sa sulok ng kanyang labi.Gayunpaman, halatang hindi nag-aalala si Kilian sa banta ni Frank at patuloy na pinapaniwalaan siya, "Dapat kang lumuhod sa akin, Frank Lawrence! Aaminin kong kahanga-hanga ka, at baka patawarin ko ang iyong mga pagkakamali, kahit na imungkahi pa ang isang lugar para sa iyo sa Volsung Sect!""Ang Volsung Sect ay sa huli ay maghahari sa Draconia at sa buong mundo!"Ang landas ng martial arts ay simula pa lamang… Wala kang ideya kung saan talaga patungo ang landas na ito!Ngayon, ibaba mo ako at yumuko sa akin, at sasabihin ko sa iyo ang pinakamalaking lihim na hindi kailanman nasabi—""Ubos na ang oras."
"Oof!"Hindi na tumatawa si Kilian.Hindi niya naramdaman ang anumang pahiwatig ng purong lakas na nagmumula sa kamao ni Frank—iyon ay nangangahulugang ginagamit ni Frank ang purong pisikal na lakas upang sirain ang kanyang carapace armor, habang pinapapalayas siya na parang isang laruan!"H-Hindi posible! Paano magagawa ito ng isang Birthright rank… hindi, baka nag-improve siya? Pero hindi ito dapat nangyayari kahit na nag-improve siya—"Bago pa man makabawi si Kilian, naramdaman niyang may malaking kamay na humahawak sa kanyang leeg, pinapahirapan siya.Sa kanyang mga meridiano, ang kanyang dalisay na sigla ay biglang huminto.Masakit na masakit, pero hindi niya maipapahayag ang kanyang purong lakas para lumaban kahit gusto niya.Kahit na nagsimula nang mag-ikot ang mundo sa paligid niya, napagtanto niyang hindi rin niya kayang talunin si Frank sa purong pisikal na lakas, dahil hindi niya talaga maalis ang mahigpit na pagkakahawak ni Frank sa kanyang leeg!At sa mismong sandal
"Ito ang Soulbleeder—isang espesyalidad ng Hundred Bane Sect na mabibili sa black market.”Tumingala si Frank, kumikislap ang kanyang mga mata habang pinupunasan ang mantsa ng dugo sa sulok ng kanyang mga labi.Nawala ang ngiti sa mukha ni Kilian noon din—paano nalaman ni Frank ang pangalan ng lason?!Ito ay isang lihim na mahigpit na itinagong kahit sa black market, at halos walang nakakaalam nito.Kahit si Kilian mismo ay nalaman ito sa pamamagitan ni Troy!"Hehe… blargh!"Ngumisi si Frank kahit na sumuka siya ng isa pang bungkos ng dugo."Naguguluhan ka ba kung bakit alam ko? Well, yan ang tanong na kailangan mong itanong sa isang tiwaling tao sa Hundred Bane Sect na aking pinatay. Iniwan niya ang isang kopya ng Hundred Bane Anthology, kaya walang anumang bagay sa imbentaryo ng Hundred Bane Sect ang magiging epektibo laban sa akin.""Talaga?"Kumambyo si Kilian at sumulyap sa paligid niya at ngumisi kay Frank nang makita niyang nag-aalab ang lakas ni Frank sa kanyang katawan."Hi
Gayunpaman, ang halakhak ni Kilian ay agad na naging malakas at masayang tawanan."Hahaha! Nakuha ko na!""Ano'ng nangyari sa kanya, Ginoong Lionheart?" nagtanong si Troy nang may pag-aalala, dahil abala si Kilian sa pagtawa at hindi makasagot sa kanyang tanong.Hehe… Sinubukan ng batang iyon na maging matalino, pero siya mismo ang napahamak!Ngumiti si Kilian kahit na pinapanood niyang humihingal si Frank."Ang kanyang sigla ay sumalpok sa kay Jaden nang harapin niya ang suntok ni Jaden, at ang lason na nagsimula nang kumilos sa loob ng katawan ni Jaden ay nakaapekto rin sa kanya! Ang lason na ginamit mo ay idinisenyo laban sa mga martial elite na may purong sigla, hindi ba?""Oo, tama." Tumango si Troy, nalilito pa rin."Well, bagay na bagay yan." Kilian ay nagmura nang masama."Hindi naisip ni Frank na siya rin ay maaapektuhan kung ang lasong lakas ni Jaden ay umabot sa kanya!""Hahaha! Ang galing niyan!" Kumislap ang mga mata ni Troy.Wala siyang ideya kung ano ang sinasabi ni K