Hindi nagsayang ng oras si Frank at tinawagan niya si Glen para makatipid sa oras at makapagluto ng mas maraming herbal bath extract. Halatang nakita na ni Glen ang panloloko sa kanya at wala nang tyansang magkasundo pa ang pamilya niya at ang mga Lionheart. Dahil dito, boto na siya kay Frank sa mapapangasawa ni Vicky, hindi kay Titus. Ang totoo, hindi siya nagdalawang-isip na magpadala ng napakaraming likas na yaman mula sa ipon niya, at hindi siya nagkulang sa mga herb na isandaang taong gulang. Maging si Frank ay namangha—talagang mayaman ang mga Turnbull kagaya ng inaasahan. Noong nasa Riverton siya noon, kinailangan niyang maghintay nang matagal para lang makahanap ng isa, pero maraming hawak na ganito si Glen. Gayunpaman, kahit na nagpadala rin ng maraming herbs ang Loggins Apothecary para tulungan rin si Frank, hindi ito makapantay sa Hale Marrow na nagkataong nakuha niya sa auction.Kahit na ganun, sapat na ito pansamantala. Sa gabing iyon, sumakay si Frank sa isan
Nagpatuloy si Kat, “Hindi ko talaga naiintindihan to, pero ang nanay ko ang catalyst para sa incubation technique. Ang dugo ko, na ang sinasabing pamana ng nanay ko, ay may pampalagong epekto para sa mga halamang gamot. Ang totoo, hindi ko to dapat malalaman dahil masyado akong pinoprotektahan ng tatay ko, pero hindi rin ako sigurado kung gagana ito dahil siya ang nagsabi nito.”May napagtanto si Frank pagkatapos ng mabilis na paliwanag ni Kat—kaya pala napakaingat ni Nash kay Kat, at kung bakit mayroon siyang seal sa katawan niya. Kahit na ganun, umiling siya. “Alam ko kung anong sinasabi mo, pero dapat na ang mga herb ko sa ngayon, wag kang mag-alala—”Bago siya nakatapos, dumampot si Kat ng isang kutsilyo at tinusok ang daliri niya. Tumulo ang mapulang dugo mula rito. “Anong…”Napabuntong-hininga si Frank sa determinadong mukha niya. “Pasaway ka talaga…”“Oh, tama na yang pagpapanggap mong malakas,” seryosong sabi ni Kat. “Narinig ko kay Vicky na mayroon kang herbs, pero hin
Gayunpaman, naglagay lang si Frank ng isang patak ng dugo ni Kat at tumindi ang lapot nito nang sobra-sobra. Bigla na lang, para bang nasa higit 500 taon na ang mga sangkap na ginamit niya. Ang medicinal value ng herbal bath extract ay kapantay na ng sa herbal extract na nagawa niya mula sa Hale Marrow noon. Ang totoo, maging ang kakayahan ni Frank ay lalakas kapag ininom niya ang extract na ito, na lalong magpapakapal sa pure vigor niya!“Grabe…” Nanigas si Frank, hindi niya kayang kumalma pagkatapos ng mahabang sandali. Nakakatakot ang lakas ng bisa ng dugo ni Kat… Isa siyang naglalakad at nagsasalitang panacea spirit!Hindi na nakakagulat ngayon kung bakit sobrang pinoprotektahan ni Nash si Kat… maging kay Frank mismo. At kapag nalaman ng Hundred Bane Sect ang tungkol kay Kat, magiging katapusan na niya dahil ikukulong nila siya at paduduguin nang parang inahin.Kahit na ganun, nakahinga nang maluwag si Frank—gamit ng garapon ng dugo ni Kat, pwede siyang gumawa ulit ng he
Maging si Fleur Lang ay hindi napigilang magreklamo, “Bakit mo sinisigawan ang mga bata sa sandaling umuwi sila? Sila ang kailangan mong asahan pagkatapos mong magretiro.”“Hah! Aasa ako sa kanila?!” Malakas na sigaw ni Mark. “Mas gugustuhin ko pang dumampot ng ligaw na hayop! Gaano karaming pera ba ang ibinigay ko sa dalawang walanghiya na'to? Nangako silang may mararating sila, at hindi lang sila pumalpak, mas lalo pa silang lumala!”“Sobra naman na yan, Papa,” sagot ni Clark nang magkasalubong ang kilay. “Sobra na?!” Tumawa si Mark, pagkatapos ay pinalo nang pagkalakas-lakas ang mesa. “Sige, nasaan ang tig-500 milyong dolyar na binigay ko sa inyo para maging investment? Dali—sabihin niyo sa'kin kung anong nagawa niyo sa mga nagdaang taon. Susumpain ko ang kamangmangan ko kapag may naibigay kayo sa'kin, ayos ba yun?!”Parehong yumuko sina Clark at Gable na hiyang-hiyang sumagot. Lalo na't sinayang nila ang milyones na binigay sa kanila ng tatay nila, kung kaya't kinailangan n
Habang sumama ang ere ng hapunan, magsisimula na sanang sumigaw si Mark nang tumayo si Helen. Hawak ang baso ng wine niya sa pagitan ng mga daliri niya, matatag at determinado ang mga mata niya nang nagsalita siya, “Mga mahal kong tito—naiintindihan ko kung bakit niyo kayang pagdudahan ang tagumpay ng iba. Lalo na't pareho kayong walang kwenta at kumbinsido kayong ganun rin ang iba. Hindi ako natatakot na amining utang ko ang tagumpay ko sa asawa kong si Frank Lawrence, pero kahit na ganun, hindi ako susuko hindi kagaya niyong dalawa.”Parehong sumimangot sina Clark at Gable habang nagpatuloy si Helen na matahin sila. “Ibig kong sabihin, naubos niyo ang lahat ng pera ni granduncle, pagkatapos uuwi kayo nang parang kayo pa rin ang may-ari ng bahay na'to? Babae ako, pero kahit papaano ay alam kong mahiya at aminin ang sarili kong pagkukulang sa halip na gumamit ng mahihinang pang-iinsulto o personal na atake.”Pagkatapos, lumingon siya kay Luna at bahagyang ngumiti. “Ikaw naman, dapa
Hindi iniwasan ni Clark o ni Gable si Luna nang nakita nila siya. Sa katotohanan, nilapitan pa siya ni Gable at nagtanong, “Ayaw ko rin kay Helen, tama?”Nabigla sandali si Luna, ngunit hindi nagtagal ay sumama ang mukha niya. “Oo.”Palagi niyang itinuturing na mas mababa sa kanya si Helen, at ubos na ubos na ang pasensya niya nang naalala niya kung gaano kayabang si Helen kanina. Ang gusto niya lang ay isang oportunidad para maipahayag ito!Nagkatinginan naman sina Clark at Gable at nakita nila ang tuwa sa mga mata ng isa't-isa. Hindi mo palaging makukuha ang gusto mo, pero kapag sinubukan mo, minsan makukuha mo ang kailangan mo!Pinag-uusapan pa lang nila kung anong gagawin nila kay Helen, pero kulang sila ng susing parte—isang bagay o tao para mabigla si Helen. Basta’t ‘maglaho’ si Helen, mauuwi rin sa magkapatid ang farm. Matagal na nila itong gustong makuha, at kinaayawan nila ang tatay nila sa pagdadamot nito sa kanila. Kung binigay lang ng gurang na iyon ang lupa
Nagpatuloy sa pagiging sulsol si Gable. “Makinig ka, Luna. Kahit na hindi kami maging head ng pamilya ng Tito Clark mo, mas magandang ikaw ang mamuno kaysa hayaan natin si Helen!”“Tama! Meron ka ring kandidasiya bilang susunod na head ng Lane Family, at sinusuportahan ka ni Madam Lang. Tiyak na lamang ka kaysa kay Helen, at kapag naglaho siya kasabay nun…” hinto ni Clark habang babungkit ang mga mata niya sa isang tusong ngisi. “Ako ang magiging head ng pamilya…” bulong ni Luna sa sarili niya, kumislap ang mga mata niya sa sabik habang nagmamalaki siyang ngumiti. “Tama!” Tumango si Gable habang sinasang-ayunan ang ambisyon niya. “Susuportahan ka namin ng Tito Clark mo!”“Tama,” patuloy ring binobola ni Clark si Luna. “Kapag nabura na natin si Helen, babawiin natin ang kontrol sa pamilya natin!”Ang totoo, hindi talaga kailangang mag-alala nina Clark at Gable—matagal nang kinakaayawan ni Luna si Helen, pero kinimkim niya lang ito dahil wala siyang pagkakataon. Ngayong binigyan
Pagkatapos ng sandaling pag-aalinlangan, tinawagan ni Luna ang mga tito niya. “Natawagan ko na si Helen. Kailangan niyo lang kayang hintayin sa daan.”“Hindi, hindi pwede yan.” Tumawa si Gable sa kabilang linya. “Tiyak naman hindi mo iiwan sa'min ang maduming trabaho habang wala kang gagawin?”Kumunot ang noo ni Luna. “Anong ibig sabihin niyan?”“Wala naman.” Tumatawa pa rin si Gable. “Basta, wag kang mag-alala—kailangan mo lang kaming samahan, at wala kang kailangang gawin. Ayaw lang naming talikuran mo kami at magsabi ka kay Lolo mo, di ba?”Huminto si Luna, pero di nagtagal ay napagtanto niyang ang ibig sabihin lang ni Gable ay kailangang naroon siya. Ibig sabihin nito ay magkakasama sila, at ayaw lang ng mga tito niya na traudurin niya sila. Ang totoo, nakahinga siya nang maluwag dahil inisip niyang gusto ni Gable na siya mismo ang pumatay kay Helen. Mas maganda pa nga kung makikita niyang mamatay si Helen… o magmakaawa sa kanya. Dahil dito, pumayag siya sa hiling ng tito
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,
Sumugod sa Sorano Estate at pinilit silang humingi ng tawad? Kahit mga bata ay di maniniwala sa ganitong pantasya!“Titignan natin!” Madilim na ngumiti si Cid kay Frank. Suminghal naman si Frank—hindi niya pipigilan si Cid kung talagang gusto niyang mamatay, at hindi rin naman siya obligadong pigilan siya. Hindi nagtagal, bumalik si Victor nang may dalang isang tray ng tsaa at magalang itong nilapag sa mesa niya. Gayunpaman, bago niya ito maisalin, tumakbo si Cid papunta sa kanya at tinuro si Frank. “V-Victor, ininsulto ng batang yan ang pamilya mo! Kailangan mo siyang turuan ng leksiyon!”“Talaga?”Tumingala si Victor at mahinang nagtanong, “At ano namang sinabi niya?”“Sabi niya…”Mukhang tuwang-tuwa si Cid habang lumunok siya. “Sabi niya nakaaway niya ang mga Sorano, pagkatapos, sumugod siya sa Sorano Estate sa Morhen, sinaktan si Willy Sorano, at pinilit ang main family na humingi ng tawad.”"Hah!" Dumura si Cid nang may huwad na galit. “Hindi man lang niya tinignan a
Habang aligaga si Victor na kumpirmahin ang pagkatao ni Frank sa labas ng pinto, nakangiwi si Cid sa isang sulok sa loob ng opisina ni Victor. Nakatitig pa rin siya kay Helen sa gulat. “M-Magkasabwat kayo ni Victor, ano?”“Ni Victor?” Nagtaka si Helen—ito ang unang beses niyang makita ang may-ari ng Victorget, kaya paano siya makikipagsabwatan sa kanya?Lumingon siya kay Frank na natatawang nakangiti kay Cid. “Kung talaga isang siyang Sorano, malamang ay narinig na niya ako… At kung talagang totoo iyon, katapusan mo na.”“Ano?! Imposible!” Sigaw ni Cid nang nakaturo kay Helen habang nagreklamo siya, “Head ka lang ng Lane family, isang pamilyang may katamtamang kayamanan mula sa Southstream!”Pagkatapos, tinuro niya si Frank. “At isa ka lang pinabangong security guard! Paano ka nagkaroon ng koneksyon sa mga Sorano ng Morhen?!”Nagtataka ring lumingon si Helen kay Frank at bumuntong-hininga siya habang nagpaliwanag siya, “Nakaaway ko ang mga Sorano. Nang pinadala ni Nash Yego ang