John's POV
Early in the morning, here I am walking down the halls while listening to my favorite song and artist. Napapikit ako at tila dinadama ko ang emosyon sa kantang Ulan ni Cueshé, napaka-broken talaga ng lyrics.
Habang naglalakad ako ay napatingin-tingin din ako sa paligid ko na kung saan ay kakaunti lang ang nakikita kong mga kapwa kong estudyante na animo'y kakapasok lang sa paaralan. Ang iba naman sa kabilang building ay abala naman para sa kanilang Physical Education na subject dahil sa sinusuot nilang P.E Attire.
Kung tutuusin, sobrang aga pa lang naman talaga. Malamang ang iba ay tulog pa o 'di kaya ay kumakain pa ng almusal ang ibang estudyante.
Tinignan ko ang oras sa relo ko at napagtanto kong alas singko kwarenta-otso pa ng umaga. Alas sais magsisimula ang klase namin dahil na rin sa kakulangan ng mga classroom para sa aming mga Senior High sa isang Public School sa Butuan City.
Patuloy lang ako sa paglakbay at nang patungo na sana ako ng gate patungong Senior High Building ay nahagilap ko sa kabilang silid ang girlfriend kong si Kate.
Akala ko namalik-mata lang ako pero sigurado ako sa nakikita ko na siya nga iyon, ang girl friend ko at kasama niya pa ang isa naming kaklaseng lalaki na si Kurt.
Hindi ko alam na magkaibigan pala sila talaga kasi bihira lang naman silang nag-uusap sa room, pwera nalang na magkasabay sila palaging pumasok at late pa sila ng ilang minuto kung pumasok.
Wala na nga kaming komunikasyon ni Kate dahil sobra rin ako naging abala sa Basketball Team namin habang si Kate naman ay abala rin sa Cheerleading Team.
Balak ko silang sundan at gulatin nang napahinto ako ng marinig ko ang salitang binitawan ni Kate.
"Mahal na mahal kita, Kurt. Pasensya ka na at ganito pa ang sitwasyon natin ngayon."
Napahawak ako sa dibdib ko na parang tinusok ng isang daang karayom dahil sa rebelasyong natuklasan ko. Ang sakit-sakit pala talaga kung matuklasan mong niloloko ka lang ng babaeng minahal mo, babaeng pinagkatiwalaan mo.
Hindi na ako nagda-dalawang isip at sinalubong ko sila, "Hi, Kate."
Napalingon si Kate sabay panlalaki ng mga mata niya at tila nanginginig sa takot nang makita ako, "John," Napatawa siya ng marahan ngunit hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ko, "Anong ginagawa mo dito?"
"Hindi ba't ako dapat ang magtatanong n'yan sayo?" Malamig na tanong ko sa kanya, "Ano ang ginagawa mo dito kasama ang lalakeng 'yan?"
"Wala naman," Napapikit siya sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko ngunit marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya na ikinagulat niya.
"Kate, alam ko na ang lahat, narinig ko na sinabi mo," Tugon ko kasabay na pagtulo ng luha ko, "Kayo naman pala ni Kurt, it means wala na tayo, hindi ba?"
"I'm sorry, John pero si Kurt na ang nilalaman ng puso ko ngayon. Patawarin mo ako."
Napatango na lamang ako at ngumiti ng peke, "Sana maging masaya kayo."
Tumalikod na ako at nag-simulang humakbang paalis pero sa bawat hakbang ko ay tila para akong namatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN
Bakit kaya halos lahat ng babae ang hilig magpasakit?
Now I know kung bakit LADIES FIRST ang naging tawag sa kanila at dahil pala sila ang unang nagpapasakit.
Nakakawalang-gana pang pumasok pag-nakikita ko lang naman ang pagmu-mukha ng dalawang iyon sa kahit saang sulok ng eskwelahan. Syempre, magkaklase pa kaming tatlo.
It's Thursday evening and as usual ay nasa harap ako ng laptop ko para tapusin ang essay na gagawin namin. Ayaw na ayaw kasi ng teacher namin na naka-hand written at dapat encoded ang mga essays.
Sa sobrang lutang ko, mag-i-isang oras ng nakabukas lang ang laptop pero wala pa akong nasimulan sa mga balak kong gawin.
Mag-iisang buwan na din simula nung naghiwalay kami ni Kate at hindi naging madali sa'kin 'yun.
Maraming nagbago sa'kin tulad ng napabayaan ko na ang sarili ko, kahit activities ko sa school. Pumapasok nga ako sa paaralan ngunit para naman akong zombie sa itsura ko na halos walang tulog at kain.
Buhay nga ako, pero patay ang puso.
Isang buwan na rin akong hindi dumalo sa basketball practice namin alam ko na hindi rin naman ako makakapag-focus lalo na't makikita't makikita ko lang si Kate doon kasama ang Cheerleading Squad.
Ang daming tanong sa isipan ko, "Am I not enough?"
Baka nga ay hindi ako importante para kay Kate tapos ako lang ang nag-sa-sayang ng oras sa relasyon namin. May pa flex-flex pa ako sa social media, maghihiwalay rin pala.
Biglang may kumatok ng pinto kaya tumayo ako para maibuksan 'yon. Napagtanto kong si Mama pala 'yon.
"Bakit, ma? Anong kailangan mo?"
"Hindi ka na naman kasi kumakain kaya dinalhan kita ng pagkain," Napatingin ako sa hawak niyang tray na may lamang mga pagkain at isang basong tubig.
Napangiti naman ako at kinuha iyon, "Sige po, kakain na lang ako dito. May ginagawa pa kasi ako."
Ngumiti rin siya pabalik, "Kumain ka ng marami. Nag-alala na rin kasi ako sayo at baka magkasakit ka. Hindi ka na kumakain at lumalabas sa kwarto mo simula noong nangyari sa inyo ni Kate," Napabuntong hininga si Mama kaya inilapag ko muna ang tray sa mesa at niyakap siya.
"Huwag ka mag-alala, ma at aayusin ko na ang buhay ko ngayon. Salamat sa pagti-tiis sa akin."
"Syempre naman, anak kita e. Atsaka nga pala," Kumalas naman siya sa yakapan session namin at nagsalita, "May bago tayong mga kapit-bahay at napakabait nila. Naging kaibigan ko na nga si Judy at bukas ng gabi ay dito sila magha-hapunan kasama ang buong pamilya niya."
"I guess inimbita mo sila, 'no?"
"Oo, atsaka gusto ko rin na makilala sila ng husto. Nabalitaan ko nga rin na 'yung anak nilang babae na ka-batch mo pa nga at sa Agusan High rin pala papasok. Bukas nga siguro papasok na yun."
"Bukas na papasok agad? Biyernes na kasi e, parang ang lugi naman nun."
"Hayaan mo na basta nabalitaan ko lang din naman," sabi ni Mama at inayos ang sarili niya bago tumungo sa pinto, "Inaantok na ako. Kumain ka ng marami at huwag mong kalimutan ang mga bilin ko. Good night!"
Napailing na lamang ako nung nakalabas na siya ng kwarto ko. If I know sinadya ni Mama na imbitahin sila para lang makisalo sa kanila.
Isang buwan na rin akong hindi masyado lumalabas at nakiki-bonding sa kanila pero sigurado na rin ako na aayusin ko na ang buhay ko. One month is enough for the pain she caused me.
Bumalik ako sa harap ng laptop at nagsimula ng mag-trabaho habang kinain 'yung mga pagkaing pinadala ni Mama.
Nang makaramdam ako ng antok ay na-desisyunan ko muna na mag-lakad lakad sa kwarto ko at baka may mga bago pa akong madiskubre sa paligid.
Tumungo ako sa may bintana ko and in the first time sa isang buwan ay binuksan ko na rin ang mga kurtina at bintana ko.
Napatingin ako sa kalangitan at kitang-kita ko ang ganda ng mga bituin at saktong napatingin ako sa kabilang bahay katabi namin.
Napatingin ako sa kabilang bahay nang may nakita akong may nakabili na pala dito. Sila ata 'yung bagong kapit-bahay na kwento ni Mama dahil sa mga package at kahon na hindi pa nabubuksan.
Nakita ko naman sa bintana nila na may mag-asawa ata and I find them sweet and happy. Sa tapat naman ng bintana ko ay mayroon ding isang malaking bintana na may kuna, ibig sabihin ay may sanggol sila sa pamilya.
"Siguro maging maayos din ang dinner na 'to bukas," Sabi ko sa sarili ko at isinara ko na ang kurtina sabay ligpit ng mga pinagkainan ko para hugasan sa kusina.
Nang paakyat na ako ay hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina.Ayoko mang aminin, pero I think I'm attracted to that girl who passed from that window while carrying a baby.
x x x x x
"Hay naku," Mahinang sambit ng bestfriend kong si King Solomon. Kahit kailan ay napaka-tamad nito sa pag-aaral pero may angking talino rin naman si King at naipapasa niya naman ang mga grades niya.
"Kung kailan Biyernes na, ang dami pa ring homeworks. Napaka-unfair, diba, bruh?" Dagdag niya at hinawakan habang kinalabit ako ngunit tiningnan ko lang siya.
"Oo nga pala, broken ka pa," Naririnig ko na namang nagreklamo nang may narinig akong isang matinis na boses, "Tumahimik ka nga King Solomon! Panay reklamo ka na naman! Atleast, hanggang eleven lang tayo dito. Hindi gaya sa ibang strands eh whole day sila! Kaya, shut up ka na!"
"Ikaw yung shut up diyan. Epal ka Queen, hindi kaya kita ina-ano ikaw yung ano ng ano diyan. A-anuhin na talaga kita!"
"Wow! Umiirap ka na pala sa'kin ngayon, ha! Yari ka sa'kin!"
Nakita kong kumuha siya ng isang ballpen at ibinato 'yon kay King hanggang natamaan siya sa noo, "Headshot!"
"Aray! Ang sakit! Ikaw talagang babae ka! Eto naman sayo!"
Gumanti naman ang best friend ko gamit ang notebook niya at sapul sa mukha ni Queen, "AYAN! F******K"
"NAKAKAINIS KA, KING!"
"MAS NAKAKAINIS KA! GUMANTI LANG KAYA AKO!"
Napatawa ako nang makita ko ang mga itsura nila na parang magpatayan na sa sobrang inis. Umagang-umaga pa lang pero napaka-haggard na ng itsura nila.
Nagtataka ako kasi naka-nga-nga sila at tila namangha kaya napahinto rin ako, "Anong nangyare sa inyo? Natulala na naman kayo sa kagwapuhan ko."
"Oh my gosh! Tinawanan tayo ni John! Hoy, classmates! Masaya na si John!" Nabigla ako nung biglang sumigaw si Queen at napatingin lahat ng mga kaklase ko pati na rin 'yung ibang estudyante na tambay sa labas ay napatingin din dito.
"Hoy, kailangan ipagsigaw? Parang baliw naman 'tong babaeng 'to," sabi ni King kay Queen at bigla-bigla na lamang umakbay sakin at sabay yakap pa sakin na tila parang kakabalik ko lang sa pag-aaral, "Welcome back, John Aquino! Wow, nabalik ka na sa dati. Ang mga ekspresyon mo! Hindi ka na ba broken?"
Hinampas ko bigla ang braso niya at napatawa, "Ano ka ba, forever broken na lang ba ako? Ganun ba 'yon? Atsaka ikaw Queen, tigilan mo na nga si King. Sige ka, magkakatuluyan talaga kayo n'yan."
Nanlaki naman ang mga mata ni Queen at napatawa naman kami ulit ni King, "Hinay-hinay lang bruh, 'wag mo biglain at baka mas lumaki pa itong mga mata ni Queen."
"Sama niyo talaga pero masaya pa rin ako at bumalik na ang dating John at --"
Hindi natapos ni Queen ang nais niyang sabihin nang pumasok ang kaklase naming hingal na hingal sa kakatakbo. "ANDITO NA SI MAAM!"
Parang dinaanan ng bagyo ang classroom namin nang biglang nagsi-takbuhan ang kapwa ko kaklase patungo sa pwesto nila.
Napatingin ako sa relo ko at sakto namang six thirty na ng umaga.
Pumasok na ang Teacher namin at bumati, "Good morning, everyone. Did you bring all of your assignments?" Tanong ni Ma'am at sumagot naman lahat ng oo pati na rin si King na mukhang walang assignment ay nakiki-oo na rin.
"Good! Before we start may bago pala tayong --" Biglang may pumasok sa room na halatang nagmamadali dahil sa itsura nilang dalawa.
"Maam, we're late and we're sorry. Na traffic po kasi kami sa daan and wala kaming service ngayon," Pag-papaliwanag ni Kate.
Nagkatinginan kami ni King. May na-ta-traffic bang maaga pa? Hindi naman ma-traffic dito sa Butuan. Sino bang niloko nila?
"Alam mo kung ano naiisip ko? Pasalamat ako na naghiwalay kayo n'yan. Magpapaliwanag na nga, hindi pa kapani-paniwala."
"Sinabi mo pa, dude. Wala kaya tayo sa Davao or Manila para ma-traffic."
Napatingin kami ulit sa instructor nang magsalita ito, "That's all right. That happens all the time naman, diba? It's okay kakasimula pa lang din naman," Pinakita niya pa 'yung orasan niya sa iPhone 11 pro niya at binigyan ng isang ngiti. Ngiting-plastik, of course.
Kung normal lang naman sila na estudyante ay paniguradong minus sa puntos na 'yun dahil may points kami during attendance ngunit anak ng Prinicipal si Kate kaya natatakot ang mga guro sa kanya.
Agad naman silang umupo sa kanilang upuan sa kabilang hanay. Sikat rin pala si Kurt sa school dahil isa itong football player at kilala rin ito dati noong Junior High palang kami dahil sa pagiging chick-boy nito.
Si Kate naman ay anak ng Principal kaya hindi na bago kung bakit siya ang naging Head Team Leader ng cheerleading team.
"Aquino!" Nagitla ako nung nabanggit ang pangalan ko, "Himala naman at hindi ka na-late!" Narinig kong sabi ng instructor namin ngunit na-pako ang tingin ko sa isang babae na tila transferee at nahihiya pa samin.
Napalunok ako at hindi ko magawang maalis ang tingin ko sa kanya. Para sa akin, isa siyang anghel na sobrang inosente at nakakasilaw.
Aside from that, she seems so familiar to me. I guess, she's our new neighbor kasi sabi ni Mama na ngayong araw papasok and hindi ko makakalimutan ang mukhang anghel na nakita ko kagabi.
Napukaw na naman ang atensyon ko nang tinawag ulit ako kung tinanong kung okay lang ba daw ako, "Yeah," Sabi ko naman at napabalik naman ang tingin ko sa babae at balik sa instructor, "It's better early para walang ma-miss."
"Titig na titig si Aquino sa transferee natin," Napalingon naman kaming lahat sa nagsasalitang Kurt, "Maganda rin naman siya, attracted na 'yan!"
"Quiet, class!" Napabalik ang attention namin sa kanya at nagpapatuloy naman ito sa pagsasalita and I kept my eyes stuck on to her, "Transferee pala siya from Davao and siya na bahalang magpakilala sa inyo."
Ngumiti siya sa aming lahat. Ang ganda ng mga ngiti niya at tila parang nakakahawa.
"Hello everyone, my name is Julia Alvarez and it's nice meeting you all."
She smiled at us at nang napatingin siya sa akin ay ngumiti ito. Hindi ko alam pero napangiti rin ako pero agad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya.
Julia's POVI am standing in front of some few unknown and unfamiliar faces, which is my new classmates and I can't help but to feel nervous. Hindi ko pa kasi nararanasan ang pabago-bago ng lugar at mas lalong hindi uso sa paaralan namin ang magpapakilala sa harapan. Well, technically, magpapakilala ako since I am new in this school and I am new in this kind of environment.I grew up in Davao City but recently lang kaming lumipat sa Butuan City. The reason is may mga hindi magagandang nangyayari doon kaya kami lumipat dito sa Butuan at tinitiis nalang na magpakilala sa harap ng aking mga bagong kaklase.Tinititigan at inaalala ko ang mga bagong mukha ng
John's POVWhile I'm here waiting for Julia, I can't stop thinking about her. Naisip ko na okay din pala siyang kasama and I think napaka-bait niya. To be honest, nung makasama ko siya ay nahihiya ako kasi pag-tumititig ako sa mga mata niya ay parang may kuryente na hindi ko maintindihan.Habang kasama ko siya ay tila nakakalimutan ko din ang sakit na idinulot ni Kate, para bang hindi ako nanggaling sa isang matinding break-up.Napatingin ako sa pinto at napaayos ako ng tayo nung nakita kong lumabas na si Julia at lumapit naman din siya sakin,"Pasensya na at natagalan ako, pinaghintay pa kita. Ano, tara na?"Pag-aaya ni
Julia's POVI opened my eyes and I immediately looked at the clock on my wall. I realized it's quarter to seven in the morning. I got up and looked at myself at the mirror at kitang-kitang namamaga pa ang mga mata ko because of crying and I went up to Shan's crub and saw that my baby is still sleeping.I sat down and thought about last night. Hindi parin ako makaget-over and still masakit parin talagang tanggapin na ganito na yung naging kapalaran ko.I know, Shan is really a mistake. In short, I am such a failure but also I have to prove to myself and to my family what I can do. I have to prove them that I am still worth it.
Julia's POVNot just long, we arrived at our house and when I'm to go inside, he suddenly held my hand."Lia," He said and napalingon naman ako sa kanya, "Para sabihin ko sayo, totoo lahat ang mga sinabi ko sa'yo."Wala na akong masabi and I sighed. He held my face at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Mas nilapit niya pa ang mukha niya and I see he closed his eyes. I don't know but I find myself closing my eyes too.The next thing I knew is namulat ko yung mata ko na halos magkadikit na ang labi namin nang natulak ko siya. I'm not rea
Julia's POVJust when I opened the front door, I saw my mom's angry face while carrying my baby in her arms."Where the heck were you?!"Galit na galit na tanong niya pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay.Nagulat naman ako sa tinanong niya at hindi mapigilan ang sarili ko sa pagsagot, "Sino ba naman kasing ina ang hindi sinusundo ang anak niya dun? Hindi mo manlang ako binigyan ng pera kanina."Agad niyang ibinigay si Shan sakin, "Ako na nga nag-alaga sa anak mo buong araw. Sigur
Julia's POVI looked at myself in front of the mirror as I was wearing my comfortable oversized blue-striped shirt, inserted with my guess ripped jeans with my chanel belt, and with a pair of white sneakers.I opened my phone and it's already quarter to seven and hindi pa dumating si John. Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Mama dahil busy pa siya. Syempre, I asked Papa about it and okay lang naman sa kanya.I got my small sling bag and also kinuha ko si Shan para ilabas sa kwarto. Bumaba naman ako upang salubungin nalang si John sa ibaba kung sakaling dumating na siya.
Julia's POVJohn drove me home quarter to ten in the evening and as he parked his car, I looked at him, "Maraming-maraming salamat sa gabing 'to, John. Aaminin ko na napakasaya ko at na-touch talaga ako sa sinabi mo kanina.""Wala 'yun. Sabi ko nga diba, para sayo ay gagawin ko?" "Grabe, that was breathtaking! And I've never experienced to be treated that way. Kaya nga napamahal ako sa'yo.""Mahal din kita," Dahan-dahan siyang yumuko and the next thing I knew is one inch nalan
Kate's POVI faked a smile when I saw the two famous couple in the campus. Ang cute, sarap nilang tirisin. Nag-holding hands pa sila. Naalala ko na dati ay ako naman yung ka-holding hands ni John, ngayon inagaw na siya ng iba.Napatakip ako ng tenga ko na may mga babaeng nagtitilian."OMG! Ang swerte talaga ni Julia na si John Aquino ang naging boyfriend nya!""OO NGA! Alam mo, nakita ko sila sa Hugot Cafe."
Ciara's POV"So, hindi na ba talaga matutuloy ang JPIA?" tanong ko sa mga kasamahan ko sa banda. Nagti-tipon kami sa Accountancy Office dahil sa anunsyo ni Kuya Jay, at 'yon nga ang sinabi niya na hindi na matutuloy ang JPIA convention."Well, matutuloy pa naman 'yon," sagot naman ni Kuya Jay, "kaso, sobrang gulo na ang sched. Naiinis na rin ang heads ng school at si Father kaya magwi-withdraw na ang school na'tin.""Pero guys, hindi rin sayang 'yung binayad niyo," napalingon naman ako sa nagsalita na si ate Angeline, isa sa treasurer sa board ng JPIA committee. May kinuha naman siyang isang box at may ibinigay sa'min, "yan ang mga freebies para sa convention plus five-hundred pesos refund."Pagkatapos ng distribution sa mga freebies ay sabay-sabay na kaming lahat na lumabas and Kuya Jay spoked, "Paano ba 'yan, guys? Mukhang hindi na nga matutuloy.""Oo nga," tugon naman ni Kuya Josh at ngumiti sa'min, "pero salamat pa rin sa oras na inilaan niyo para sa band."Lumingon naman sa gawi
Ciara's POVNang matapos ang huling klase namin ay sabay na kaming lumabas kasama ng mga kaibigan ko nang namataan kong nasa labas ng hallway si Zam at tila ay inaabangan ako.Napalingon naman ako sa kanila Patrick at Patricia, "Mauuna na kayo at mag-uusap lang kami," sabi ko at kaagad naman silang tumango at lumisan.Tiningnan kong muli si Zam at nakita kong ngumiti siya sa'kin, "Uhh, Ciara? P-pwede ba tayong mag-usap?""Sige. Doon nalang tayo sa may milk tea shop at para makapag-usap tayo ng maayos," tumango naman siya sa'kin at sabay na kaming bumaba.Nakita ko pa sa may gate ang kambal kasama nina Angelo at Rafael. Kinawayan ko lamang sila at nagsenyales na hindi na ako makakasabay pa sa kanila.Pumasok naman kami sa milk tea shop at kaagad nag-order ng drink. Hindi naman tumagal ang paggawa dahil mabilis lamang nilang nagawa 'yon kaya kinuha na namin ang order namin at umupo sa may isang gilid.Bago ako magsalita ay pinangunahan niya ako nang hinawakan niya ang mga kamay ko, "Cia
Ciara's POVNag-daan ang isang linggo at wala akong kinakausap sa skwelahan, kahit sa bahay namin. Kahit mag-kapit-bahay lang kami ni Shan, hindi ko siya kinakausap, kahit makipag-kita man lang din.Alam ko gabi-gabi ay pumupunta siya sa bahay ngunit hindi ako lumalabas. Sa school naman ay wala akong kinakausap, except kay Patrick at Patricia. Sila lang ang palagi kong kinakausap at laking pasasalamat ko rin kay Patrick na sinasamahan niya ako lalo na noong panahong kailangan ko ng karamay at kaibigan.
Ciara's POVNakarating na kami ng Camella Homes nang bigla kong pinahinto si Patrick,"Pat, ayoko pang umuwi. Baka pwedeng sa playground muna tayo, if ayos lang sa'yo,"sabi ko nalang at napansin kong mag a-alas nuebe na rin ng gabi. Ayos lang kung iiwan man ako ni Patrick mag-isa, safe naman din ako doon."Sige. Sasamahan nalang kita, okay?"tumango naman ako at pinaharurot naman ang motor niya patungo sa playground.Bumaba naman ako at kaagad tumakbo papunta sa mga swings sa parke at umupo. Napatingin ako sa itaas at nakita kong medyo makulimlim na rin. Good timing, sasabayan ako ng gabing 'to.Umupo naman sa tabi ko si Patrick at binigay sa'kin ang isang milk tea na nasa supot at isang hotdog burger. Tinanggap ko naman 'yun at kinain at napa-buntong hininga na lamang.T
Shan's POVI watched Ciara turned her back at me at pumunta na kay Patrick. Hindi ko alam pero bumabalik na naman sa'kin ang nararamdaman ko dati noong nararamdaman ko kay Patrick. Alam ko na wala akong karapatan na magselos dahil may kasalanan din ako.I did forget our monthsarry, but it was because I was caught up hanging out at my father's place with his family at nang gabing 'yun ay nag group study kami sa bahay nila Zam para sa exam at research namin.Yeah, I am aware that I have less time with Ciara, but like she always said, naiintindihan niya ako. Akala ko ay okay lang sa kanya, but turns out that hindi pala. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta na sa bahay ng isang kaklase ko para tapusin ang group research namin na ipapasa na sa susunod na araw. Pagkababa ko sa kotse ay nadatnan ko naman si Zam na nakangiti sa'kin,&nb
Ciara's POVWeeks passed, still the same. Sobrang busy pa rin namin, pati na rin sina Shan. Minsan ay nag-aaway na kami pero dala lang talaga sa stress namin 'yun kaya ganun. Minsan, pinagseselosan ko na si Zam. OA na kung OA pero alam ko na may mali sa babaeng 'yun.Ngayon ay nag-meeting kami para sa upcoming big project namin sa Contemporary World sa global exhibit. Mamaya rin ay magkita-kita kaming mga ka-bandmates dahil mamaya ang first meeting para sa planning namin since months nalang ay gaganapin na ang ARC JPIA convention.Oh, di ba? Stressed na stressed na ako. Stressed na ako sa pag-aaral, sa relasyon ko kay Shan, at sa pamilya ko. Nakauwi na si dad last last week lang galing Manila, though nakakasama ko sila palagi ngunit pakiramdam ko ay malayo ang loob ko sa kanila.Pakiramdam ko ay may problema sila ni mommy ngayon na ayaw nilang sabihin sa'k
Ciara's POVAs I went inside our home, nakita ko na nakarating na pala si mommy dahil nasa sofa ang kanyang bag na dinala niya kanina sa trabaho.Kinuha ko naman ang bag niya at umakyat na rin ako para ibigay sana sa kanya ang bag nang biglang narinig ko na may kausap siya sa telepono niya at tila ay galit na galit pa siya."OH? Tapos ano?!"singhal niya. Sinilip ko pa siya mula sa pinto at may katawag pala siya,"Talagang pumunta ka pa d'yan sa Manila para makipag-kita sa kanya, ano?!"Sa pagkakaalam ko ay nasa Manila ngayon si daddy dahil sa kanyang trabaho. Hindi kaya si daddy ang kausap ni mommy ngayon? Pero, bakit parang galit na galit si mommy? Nag-aaway kaya sila?"I don't care about it! Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit kailangan mo pang makipag-kita sa ka
Ciara's POVPagkatapos ay saktong pag-alas tres na ay doon na kami sumunod sa CBE building para sa Cost Accounting namin na subject. Kasabay ko naman si Patty sa paglakad kaya tinanong ko naman siya kung sino ang magiging instructor namin."Si Sir Linnux Razi daw e. Kilala mo ba 'yun?""Linnux, hmm ... oh yeah! Siya 'yung instructor na nag-orientation sa'tin noon,"sabi ko naman sa kanya,"Siya pa naman ang crush ng halos lahat ng senior natin.""Gaano ba ka-pogi si sir?"biglang tanong ni Patrick na siyang inaakbayan pa si Angelo."Secret ..."sabi ko nalang at naglalakad na kami patungo sa room namin. Wala pa naman ang instructor kaya nagsi-upo lang kami at nag-ce-cel
Ciara's POVKatatapos lang ng second subject namin. After our session sa opisina nina Rafael ay saktong pag quarter to nine ay tumawid na kami sa kabilang building and super nakakainis dahil talagang nagklase ang professor namin! Palibhasa, major subject naman din.Nang nag 10:30 AM ay may klase rin kami at pati na rin sina Shan at Zam, bale break time nila ang pang-first na subject namin. Sa second subject ay nag-discuss konti about contemporary arts and such, since ang subject namin is The Contemporary World, but maaga lang din naman kaming natapos.