Julia's POV
I opened my eyes and I immediately looked at the clock on my wall. I realized it's quarter to seven in the morning. I got up and looked at myself at the mirror at kitang-kitang namamaga pa ang mga mata ko because of crying and I went up to Shan's crub and saw that my baby is still sleeping.
I sat down and thought about last night. Hindi parin ako makaget-over and still masakit parin talagang tanggapin na ganito na yung naging kapalaran ko.
I know, Shan is really a mistake. In short, I am such a failure but also I have to prove to myself and to my family what I can do. I have to prove them that I am still worth it.
I went out of my room and called out my parents but no one answered. Nagtataka ako kung bakit napaka-tahimik ng bahay. Hindi ko rin naririnig ang maingay na boses at bunganga ni Mama ngayon.
Nang tumungo ako sa Kusina ay may nakita akong sticky-note na nakadikit sa refrigerator namin. Kinuha ko iyon at binasa,
Julia,
You're mom and I are out of town. Babalik kami para kunin yung mga ibang gamit and we'll be back on Sunday. Just, take care with my grandson and ikaw din, mag-iingat ka.
Love,
Daddy
So, that's why tahimik dahil wala pala sila ngayon and I don't know why pero nakaramdam din ako ng konting tuwa dahil wala si Mama ngayon. Walang sagabal sa buhay ko but still umaasa pa rin ako na balang-araw ay magkakaayos na kami ni Mama.
John's POV
"Nagkaholding hands pa nga kayo kagabi eh! What is the meaning of that, huh?!"
Umagang-umaga ay agad na tumawag si Derek at walang tigil sa pagtatanong. Sinabi ko lang naman sa kanya na siya ang bago naming kapit-bahay na naging kaibigan ko pero ayaw talagang maniwala.
"Hindi ko nga kasi namalayan na nahawakan ko na pala kamay niya. Hinila ko kasi siya e."
"Sus! Deny pa more! Sure kang wala kang nararamdaman na something sa kanya? Don't you find her attractive?"
Napa-irap ako sa kawalan at sinagot siya, "Well, to be honest, she's attractive but please, bruh. 'Wag na nating gawing complicated at walang malisya. Lia and I are just friends and para sa ikakatahimik ng kaluluwa mo, walang something. I just met her yesterday and she's just nice. Bawal bang makipag-close?"
"Halata ka na, bruh! May tawagan na agad kayo? May pa Lia-Lia ka pa. Ano tawag niya sayo? Johnny?" Tumawa naman siya pero tumahimik din nang naramdaman niyang sobrang corny ng joke niya, "Okay. Mag-se-seryoso na ako. To be honest, the first time I saw you two, I can say you two are a match. Nakikita kong perfect kayo sa isa't-isa kaso may problema nga lang. Baka unti-unting mahuhulog ka kay Julia at alam ng lahat kung gaano mo kamahal si Kate and to think kaka-move on mo palang. Halatang affected ka pa rin sa nangyari sa inyo. I'm just concerned kasi ayaw ko rin naman na darating sa panahon na magkakasakitan lang kayong dalawa."
Napatahimik naman ako dun. I've been wandering about this lately. Am I really developing a crush on our new neighbor who I just met yesterday? Napatungo ako sa bintana kung saan nakikita ko ang bahay nila na tahimik na animo'y walang tao.
"Bruh, hello? Andiyan ka pa ba?" Napabalik ako sa realidad nang kausap ko pa pala si Derek sa telepono, "Hay! Nawala ka pa sa sarili mo ah atsaka -- Hala! Yung mga customer ko pala!"
"Cute mo talaga, 'no? Inuna mo yung pagchi-chismis. Oo nga pala, may plano kami ni Lia mamaya. May da -- Magkikita kami ni Lia diyan," I said. Muntik ko ng masabi sa kanya na magde-date kami kahit hindi naman. Ano ba itong pinag-iisip ko?
"Okay. Mag --" Hindi ko na siya pinatapos at agad kong pinatay ang tawag.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko hudyat na may nag text kaya binasa ko yun:
From: Derek
I hate you bro! Binabaan mo ako ah! Bahala ka na nga tutal malaki ka na. See you later bruh! Enjoy sa date niyo!
I don't know but I just find myself smiling while reading his text.
Julia's POV
I was walking with the stroller with Shan as I went to John's house. I pressed the doorbell at pinagbuksan ako ni Tito Jonathan na halatang kakakain niya lamang dahil ngumunguya pa siya.
Mukhang nagulat pa nga siya dahil hindi niya siguro inaasahan ang pagdating ko, "Oh, anong ginagawa mo dito? Hinanap mo ba si --"
"ANDITO NA AKO!" Rinig kong sigaw ni John at kita kong dali-dali itong bumaba sa hagdanan, "Aalis kami ni Julia, Dad. Ako na bahala dito, kumakain ka don eh."
Napatawa naman si Tito at napa-iling, "Sige, malaki ka na eh. Mag-iingat kayo at babalik ako sa pagkain ko," Napatawa na din kami ni John nang umalis na si Tito sa harap namin.
"Akala ko doon na tayo magkita sa cafe?" Lumabas na din kami ng bahay niya at nakita niya din ang stroller ni Shan kaya nakita kong nasiyahan siya, "Aww. Sinama mo pala si Baby Shan."
"Naisip ko na sabay nalang tayong pupunta doon since magkapit-bahay naman tayo atsaka parehas lang tayo ng pupuntahan. About also kay Shan, I hope it's okay na isama ko siya? Bumalik kasi mga magulang ko sa Davao para kunin yung iba naming mga gamit."
"Okay lang, Lia! Ang cute-cute niya nga eh! Alam mo, kamukhang-kamukha mo siya pero parang hindi niya nakuha looks ng parents mo, sayo talaga eh," Titig na titig siya sa mukha ni Shan while nilalaro niya din at the same time.
May ibang features ang nakuha ni Shan sakin pero mas hawig na hawig niya yung daddy niya. Photocopy, kumbaga.
"Oo nga e. Hmm, tara na?" Pag-aaya ko sa kanya para mabawasan yung pagiging awkward na namumuo sa akin.
Tumango naman siya at naglalakad-lakad lang kami hanggang sa nagsalita din siya, "Alam mo ba, bagay na bagay si Shan at Faith paglaki nila. Tignan mo, mga 20 years after magiging couple sila then papatunayan nilang may forever sa mundo. Naku! Ako talaga ang mangu-nguna sa paggawa ng Aquino-Alvarez love team fanpage!" Binatukan ko naman siya.
"Baliw ka talaga. Paano kung iba ang gusto nila, diba? Atsaka walang forever sa mundo. Nagkakahiwalay din lahat."
Biglang nawala ang ngiti niya sa labi at napatango, "Sabagay, tama ka. Wala ngang forever kaya nga papasok na tayo dito sa Hugot Cafe eh."
Nakarating na pala kami sa Hugot Cafe parang napakabilis naman? Binuksan na ni John ang pintuan, "Welcome po --"
"Yeah yeah! Welcome din," Pagsingit naman ni John sa kanya at napangiti naman si Derek, "Paki sabi nga kay Tito na mag-hire na siya ng bago. Nakakaumay ka na kasi eh. Please lang po, wala ng thrill."
Biglang nawala ang ngiti ni Derek at sumimangot kay John, "Kayo lang pala yan. Dali and -- Uy, may baby pala!" Nagulat si Derek at itinuro si Shan na halatang na-cute-an sa itsura niya.
"May I introduce my Baby brother? His name is Shan Ralph Alvarez."
Nagulat naman siya pero natuwa din naman at inagaw si Shan, "I didn't know na may kapatid ka pala. Hindi mo sinabi may kapatid ka."
"I forgot, but eto na kilala mo na siya. Sinama ko lang kasi siya kasi wala 'yung parents ko."
"For your information, taken na si Shan," Pagsingit ni John. "Taken kay Faith," Nagkatinginan kami ni Derek at tumawa.
"Baliw ka talaga," Siniko ko siya at ginantihan niya naman ako pero I know katuwaan lang yun. Ngumiti naman ako at tinititigan ko siya sa mata at siya din. I feel the sparks again.
Biglang tumikhim si Derek kaya napabaling kami sa kanya, "Sige, maupo na kayo diyan at sa akin lang muna to si Shan," Tumango naman kami at umupo sa pwesto namin kagabi.
Derek's POV
Kahit kailan ang lakas ng trip nang dalawa yan. Mga denial!
As I was playing with this baby ay narinig kong tuunog 'yung bell hudyat na may pumasok sa shop. Napatingin ako at isang magandang babae ang pumasok, matangkad siya because of her heels, and together with her crop-top outfit with a pink pants.
"Hey babe," Bati ng babae at sabay halik sakin.
Yes, she's my girlfriend. Ang hot niya lang, diba? Description pa lamang iyon.
She was looking at me then smiled when she saw the baby, "Oh my gosh, Kaninong baby ba to? Ang cute!"
"Kapatid siya ni Julia," Binuhat niya naman ang baby at nakipaglaro sa kanya. Naaliw naman yung baby because he keeps on giggling.
Napatingin naman si Giselle sakin, "Who's Julia by the way?"
"She's new at our school and she's the one sitting over with John," I pointed at them.
Napatingin naman siya sa gawi nila John and napatango, "Siya 'yung transferee natin, diba?" Tumango naman ako at naisipan niya pang lumapit sa kanila.
Julia's POV
"Sino pala yan? Kaklase natin 'yan, diba?" Tanong ko kay John habang tinuro sa babaeng kakapasok lang sa cafe.
Tumango naman siya, "Yeah, siya si Giselle Perez and siya rin ang girlfriend ni Derek. She is also one of the most popular girl in school and also part of the cheerleading team. Alam mo, napakasungit niyan dati pero ngayon sobrang bait na niya simula nung naging sila ni Derek. Siguro nga napabago niya ugali nila," Sabi niya.
Bakit ba pinapaligiran ako ng mga taong involve sa cheerleading? Is it a sign na babalik ako sa pagiging isang cheerleader? Is it time for me to conquer my fears?
Lumapit naman sa table namin ang girlfriend ni Derek na ay ngiti sa kanyang mga labi, "Hi, ikaw 'yung transferee, diba? Ako nga pala si Giselle," Nakipag-hand shake pa siya sakin at inanggap ko naman iyon dahil napakabait ng itsura niya at magaan ang loob ko sa kanya.
"I'm Julia Alvarez."
"Ang cute naman ng kapatid mo," Sabi niya naman.
"Thank you. His name is Shan."
Tumango naman ito at bumaling kay John, "Hi John, parang one week kitang hindi nakita sa practice."
He shrugged. "Yeah, masama kasi pakiramdam ko 'nun eh. Yun na sana time ko para bumawi sa one month na namissed ko."
"Kaya nga e," Sabi ni Giselle at tumango pa, "I'm really sorry for what happened. Mabuti nga at nakapag-over ka na kay Kate at bumabalik ka na. Welcome back, Captain."
Biglang sumeryoso ang mukha ni John nung sinabi ni Giselle iyon at ngumiti naman din, "No problem, salamat talaga Giselle."
Pagkatapos ng konting usapan ay umalis na din si Giselle at bumalik sa kinaroroonan ni Derek at nagpatuloy sa paglalaro kay Shan.
I looked at John and I held his hand. Nagulat naman ito at napatingin sa akin, "Okay ka lang?" I said at tumango naman din, "Is it okay if I'll ask kung okay na ba puso mo ngayon?"
"Okay lang naman," Napaayos naman siya ng upo, "One month na kaya ang lumipas," Napatawa naman siya nun pero nagsalita ulit, "Pero ikeke-kwento ko nangyari. As you can see, six months mag-on kami ni Kate. Lahat-lahat ng pagmamahal ay ibinuhos ko sa kanya sa loob ng anim na buwan na 'yun."
"Tapos --"
"Bruh, ito ang drinks niyo," Singit ni Derek. Tumango naman siya at nilapag ang inumin. Hinintay niya munang makaalis si Derek.
Pag-alis niya ay nagsimula na naman siya sa pagkwento, "Tapos a few weeks before na naghiwalay kami ni Kate ay mararadaman mo ring masyadong cold na ang atmosphere. If you know what I mean."
"I --" Naputol na naman siya dahil biglang sumulpot si Derek.
"Ito yung foods niyo. Julia, may gatas ba diyan si Baby Shan? Umiiyak na kasi kapatid mo, nagugutom na ata," Sabi niya kaya kinuha ko yung bag ni Shan na nasa stroller at binigay kay Derek yung bag.
"Oh eto, nandyan na lahat and nakahanda na," Tumango naman siya at umalis na din. Napatingin naman ako ulit kay John para makinig, "Tapos?"
"I saw her somewhere sa school nun and --"
"Jul--"
"Pwede ba, Derek? 'Wag ka namang sulpot nang sulpot? Nag-uusap pa kasi kami eh palagi lang akong napuputol. Nakakabitin kaya magkwento," Biglang pagsalita ni John at sinamaan siya ng tingin.
Napatawa naman ako nun, ang cute niyang mainis. Yeah -- He is cute. Crush ko pa nga siya eh.
"Ay! Sorry bruh! Sige, last na to. Ibabalik ko lang yung bag, nakakahiya sayo ha. Usap na kayo diyan," At umalis na rin siya agad na tawang-tawa ang itusra kay John.
"Mabuti naman kung ganun," Napatawa naman ako sa kanya, "Saan na ba ako? Ah -- oo! So, diba nga nakita ko sila somewhere sa school, sa isang room ata 'yun sa Junior High Building then nalaman ko na sila pala talaga. Narinig kong nag I love you siya kay Kurt and that time nakipaghiwalay na rin siya agad kasi nga mahal na niya si Kurt, 'yung kaklase natin."
"OUCH," Sabi ko naman, "Grabe naman yun. Masakit talaga lalo na pag first love mo."
"Bakit? May boyfriend ka na ba dati?" Natahimik ako nung tinanong niya ako nun. Kung ano man ang nararamdaman niya siguro mas malala pa tong nararamdaman ko. He left me a big memories na araw-araw nakikita ko.
"Oo, pero dati na 'yun. Bigla niya lang akong iniwan. Three years din kami nung ex ko, tibay no?"
"Bagay sila ni Kate. Palaging nang-iiwan sa ere," Nag-angat ako nang tingin at tiningnan siya.
"Ikaw ba? Naka-move ka na kay Kate?"
"Hindi naman maiiwasan na maiisip mo parin ang memories naming dalawa pero syempre naman naka-move on na ako. Also, to tell you honestly, parang feeling ko okay na 'yung lahat e. I hate to admit pero kapag kasama kita nawawala yung lungkot ko."
Natigilan naman ako dun at napatingin sa kanya na puno nang pagtataka, "Huh? Ako?"
"Oo. Hindi ko alam, ang weird nga eh kasi kakakilala ko palang sayo and even kahapon when you introduced yourself, I felt something."
I smirked na tila kinabahan din, "Ang sabihin mo lang crush mo na ako or na love at first sight ka sakin," Pagbibiro ko pero seryoso niya lang akong tinitingnan.
"What if I'll tell you na crush nga kita? Not just that, love at first sight nga siguro."
Nanlalaki naman ang mga mata ko, "H-huh? Grabe ka kahapon lang kaya kita nagkakilala tapos ganun lang?"
"It's true. Hay, I don't even know why I'm saying this to you and hindi ako handa na sabihin sayo lahat nang to but can we go home now? I'm feeling tired. Nagpa-practice kasi kami ni Papa kanina ng basketball."
"Okay then. Tara, let's go," Tumayo na kami at inayos ang mga gamit namin ni Shan.
"Oh, aalis na kayo? Ang aga pa ah," Nagtatakang tanong ni Giselle.
"Kailangan eh marami pa pala akong gagawin," Sabi ko nalang sa kanila.
"Paano ba yan, Baby? You have to go na. Ba-bye!" Hinalikan pa siya ni Giselle sa pisngi atsaka ko nang kinuha si Shan.
Nag-paalam na kami kay Derek at kay Giselle bago kami umalis. Wala kaming kibuan ni John ngayon kasi hindi ko din alam kung anong sasabihin ko.
Julia's POVNot just long, we arrived at our house and when I'm to go inside, he suddenly held my hand."Lia," He said and napalingon naman ako sa kanya, "Para sabihin ko sayo, totoo lahat ang mga sinabi ko sa'yo."Wala na akong masabi and I sighed. He held my face at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Mas nilapit niya pa ang mukha niya and I see he closed his eyes. I don't know but I find myself closing my eyes too.The next thing I knew is namulat ko yung mata ko na halos magkadikit na ang labi namin nang natulak ko siya. I'm not rea
Julia's POVJust when I opened the front door, I saw my mom's angry face while carrying my baby in her arms."Where the heck were you?!"Galit na galit na tanong niya pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay.Nagulat naman ako sa tinanong niya at hindi mapigilan ang sarili ko sa pagsagot, "Sino ba naman kasing ina ang hindi sinusundo ang anak niya dun? Hindi mo manlang ako binigyan ng pera kanina."Agad niyang ibinigay si Shan sakin, "Ako na nga nag-alaga sa anak mo buong araw. Sigur
Julia's POVI looked at myself in front of the mirror as I was wearing my comfortable oversized blue-striped shirt, inserted with my guess ripped jeans with my chanel belt, and with a pair of white sneakers.I opened my phone and it's already quarter to seven and hindi pa dumating si John. Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Mama dahil busy pa siya. Syempre, I asked Papa about it and okay lang naman sa kanya.I got my small sling bag and also kinuha ko si Shan para ilabas sa kwarto. Bumaba naman ako upang salubungin nalang si John sa ibaba kung sakaling dumating na siya.
Julia's POVJohn drove me home quarter to ten in the evening and as he parked his car, I looked at him, "Maraming-maraming salamat sa gabing 'to, John. Aaminin ko na napakasaya ko at na-touch talaga ako sa sinabi mo kanina.""Wala 'yun. Sabi ko nga diba, para sayo ay gagawin ko?" "Grabe, that was breathtaking! And I've never experienced to be treated that way. Kaya nga napamahal ako sa'yo.""Mahal din kita," Dahan-dahan siyang yumuko and the next thing I knew is one inch nalan
Kate's POVI faked a smile when I saw the two famous couple in the campus. Ang cute, sarap nilang tirisin. Nag-holding hands pa sila. Naalala ko na dati ay ako naman yung ka-holding hands ni John, ngayon inagaw na siya ng iba.Napatakip ako ng tenga ko na may mga babaeng nagtitilian."OMG! Ang swerte talaga ni Julia na si John Aquino ang naging boyfriend nya!""OO NGA! Alam mo, nakita ko sila sa Hugot Cafe."
Julia's POVI kept on looking for Derek everywhere around the school. Napasok ko na lahat ng buildings sa school ngunit hindi ko pa rin siya mahanap. Hindi siya nag-practice kahapon sa basketball practice nila kaya hindi niya alam na nawawala ang necklace koI need to find him because he is the only one who knows my only top secret. Though, hindi niya alam ang tungkol sa necklace but I know that siya lang ang makakaintindi sa akin.Nag-aalala na ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang nawawalang necklace ko. Imposible namang naiwala ko 'yon dahil alam kong nasa bench lang iyon, unless someone took it.
Julia's POVI was listening to our Teacher's discussion when Queen called out to me, "Girl, ayos lang ba kayo ni John? Parang may something kasi, ayos lang ba kayong dalawa?" Mahinang bulong sa akin ni Queen habang kunwaring nakikinig kay Ma'am."Medyo nag-lie-low kaming dalawa and may problema lang talaga kami. Basta, it's a very long long story. Busy pa tayo ngayon kaya mamaya nalang tayo mag-kwentuhan," Nung sinabi ko yun ay napalaki ang mata ni Queen dahil sa gulat.Sino bang hindi magugulat doon? I mean, sobrang bilis nang pangyayari kasi e at biglaan. Parang kahapon lang, okay na okay pa kaming dalawa then ngayon,
John's POVIt's Saturday and I groan when I heard someone ringing at the door bell. Napatingin ako sa wallclock at napagtanto kong it's eight AM in the morning.Hindi ba nila alam na antok na antok pa ako at sinisira nila ang tulog ko! Wala pa naman sila Mama at Papa dahil pumunta silang Cagayan de Oro kanina pang madaling araw.Bumaba naman ako na may halong inis kasi sinisira ng bisitang 'to ang tulog ko. Nagulat ako nong pagbukas ko ng pinto ay si Kate pala 'yon."Hey, babyboy!" Hahalikan niya sana ako nang lumayo ako sa kan
Ciara's POV"So, hindi na ba talaga matutuloy ang JPIA?" tanong ko sa mga kasamahan ko sa banda. Nagti-tipon kami sa Accountancy Office dahil sa anunsyo ni Kuya Jay, at 'yon nga ang sinabi niya na hindi na matutuloy ang JPIA convention."Well, matutuloy pa naman 'yon," sagot naman ni Kuya Jay, "kaso, sobrang gulo na ang sched. Naiinis na rin ang heads ng school at si Father kaya magwi-withdraw na ang school na'tin.""Pero guys, hindi rin sayang 'yung binayad niyo," napalingon naman ako sa nagsalita na si ate Angeline, isa sa treasurer sa board ng JPIA committee. May kinuha naman siyang isang box at may ibinigay sa'min, "yan ang mga freebies para sa convention plus five-hundred pesos refund."Pagkatapos ng distribution sa mga freebies ay sabay-sabay na kaming lahat na lumabas and Kuya Jay spoked, "Paano ba 'yan, guys? Mukhang hindi na nga matutuloy.""Oo nga," tugon naman ni Kuya Josh at ngumiti sa'min, "pero salamat pa rin sa oras na inilaan niyo para sa band."Lumingon naman sa gawi
Ciara's POVNang matapos ang huling klase namin ay sabay na kaming lumabas kasama ng mga kaibigan ko nang namataan kong nasa labas ng hallway si Zam at tila ay inaabangan ako.Napalingon naman ako sa kanila Patrick at Patricia, "Mauuna na kayo at mag-uusap lang kami," sabi ko at kaagad naman silang tumango at lumisan.Tiningnan kong muli si Zam at nakita kong ngumiti siya sa'kin, "Uhh, Ciara? P-pwede ba tayong mag-usap?""Sige. Doon nalang tayo sa may milk tea shop at para makapag-usap tayo ng maayos," tumango naman siya sa'kin at sabay na kaming bumaba.Nakita ko pa sa may gate ang kambal kasama nina Angelo at Rafael. Kinawayan ko lamang sila at nagsenyales na hindi na ako makakasabay pa sa kanila.Pumasok naman kami sa milk tea shop at kaagad nag-order ng drink. Hindi naman tumagal ang paggawa dahil mabilis lamang nilang nagawa 'yon kaya kinuha na namin ang order namin at umupo sa may isang gilid.Bago ako magsalita ay pinangunahan niya ako nang hinawakan niya ang mga kamay ko, "Cia
Ciara's POVNag-daan ang isang linggo at wala akong kinakausap sa skwelahan, kahit sa bahay namin. Kahit mag-kapit-bahay lang kami ni Shan, hindi ko siya kinakausap, kahit makipag-kita man lang din.Alam ko gabi-gabi ay pumupunta siya sa bahay ngunit hindi ako lumalabas. Sa school naman ay wala akong kinakausap, except kay Patrick at Patricia. Sila lang ang palagi kong kinakausap at laking pasasalamat ko rin kay Patrick na sinasamahan niya ako lalo na noong panahong kailangan ko ng karamay at kaibigan.
Ciara's POVNakarating na kami ng Camella Homes nang bigla kong pinahinto si Patrick,"Pat, ayoko pang umuwi. Baka pwedeng sa playground muna tayo, if ayos lang sa'yo,"sabi ko nalang at napansin kong mag a-alas nuebe na rin ng gabi. Ayos lang kung iiwan man ako ni Patrick mag-isa, safe naman din ako doon."Sige. Sasamahan nalang kita, okay?"tumango naman ako at pinaharurot naman ang motor niya patungo sa playground.Bumaba naman ako at kaagad tumakbo papunta sa mga swings sa parke at umupo. Napatingin ako sa itaas at nakita kong medyo makulimlim na rin. Good timing, sasabayan ako ng gabing 'to.Umupo naman sa tabi ko si Patrick at binigay sa'kin ang isang milk tea na nasa supot at isang hotdog burger. Tinanggap ko naman 'yun at kinain at napa-buntong hininga na lamang.T
Shan's POVI watched Ciara turned her back at me at pumunta na kay Patrick. Hindi ko alam pero bumabalik na naman sa'kin ang nararamdaman ko dati noong nararamdaman ko kay Patrick. Alam ko na wala akong karapatan na magselos dahil may kasalanan din ako.I did forget our monthsarry, but it was because I was caught up hanging out at my father's place with his family at nang gabing 'yun ay nag group study kami sa bahay nila Zam para sa exam at research namin.Yeah, I am aware that I have less time with Ciara, but like she always said, naiintindihan niya ako. Akala ko ay okay lang sa kanya, but turns out that hindi pala. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta na sa bahay ng isang kaklase ko para tapusin ang group research namin na ipapasa na sa susunod na araw. Pagkababa ko sa kotse ay nadatnan ko naman si Zam na nakangiti sa'kin,&nb
Ciara's POVWeeks passed, still the same. Sobrang busy pa rin namin, pati na rin sina Shan. Minsan ay nag-aaway na kami pero dala lang talaga sa stress namin 'yun kaya ganun. Minsan, pinagseselosan ko na si Zam. OA na kung OA pero alam ko na may mali sa babaeng 'yun.Ngayon ay nag-meeting kami para sa upcoming big project namin sa Contemporary World sa global exhibit. Mamaya rin ay magkita-kita kaming mga ka-bandmates dahil mamaya ang first meeting para sa planning namin since months nalang ay gaganapin na ang ARC JPIA convention.Oh, di ba? Stressed na stressed na ako. Stressed na ako sa pag-aaral, sa relasyon ko kay Shan, at sa pamilya ko. Nakauwi na si dad last last week lang galing Manila, though nakakasama ko sila palagi ngunit pakiramdam ko ay malayo ang loob ko sa kanila.Pakiramdam ko ay may problema sila ni mommy ngayon na ayaw nilang sabihin sa'k
Ciara's POVAs I went inside our home, nakita ko na nakarating na pala si mommy dahil nasa sofa ang kanyang bag na dinala niya kanina sa trabaho.Kinuha ko naman ang bag niya at umakyat na rin ako para ibigay sana sa kanya ang bag nang biglang narinig ko na may kausap siya sa telepono niya at tila ay galit na galit pa siya."OH? Tapos ano?!"singhal niya. Sinilip ko pa siya mula sa pinto at may katawag pala siya,"Talagang pumunta ka pa d'yan sa Manila para makipag-kita sa kanya, ano?!"Sa pagkakaalam ko ay nasa Manila ngayon si daddy dahil sa kanyang trabaho. Hindi kaya si daddy ang kausap ni mommy ngayon? Pero, bakit parang galit na galit si mommy? Nag-aaway kaya sila?"I don't care about it! Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit kailangan mo pang makipag-kita sa ka
Ciara's POVPagkatapos ay saktong pag-alas tres na ay doon na kami sumunod sa CBE building para sa Cost Accounting namin na subject. Kasabay ko naman si Patty sa paglakad kaya tinanong ko naman siya kung sino ang magiging instructor namin."Si Sir Linnux Razi daw e. Kilala mo ba 'yun?""Linnux, hmm ... oh yeah! Siya 'yung instructor na nag-orientation sa'tin noon,"sabi ko naman sa kanya,"Siya pa naman ang crush ng halos lahat ng senior natin.""Gaano ba ka-pogi si sir?"biglang tanong ni Patrick na siyang inaakbayan pa si Angelo."Secret ..."sabi ko nalang at naglalakad na kami patungo sa room namin. Wala pa naman ang instructor kaya nagsi-upo lang kami at nag-ce-cel
Ciara's POVKatatapos lang ng second subject namin. After our session sa opisina nina Rafael ay saktong pag quarter to nine ay tumawid na kami sa kabilang building and super nakakainis dahil talagang nagklase ang professor namin! Palibhasa, major subject naman din.Nang nag 10:30 AM ay may klase rin kami at pati na rin sina Shan at Zam, bale break time nila ang pang-first na subject namin. Sa second subject ay nag-discuss konti about contemporary arts and such, since ang subject namin is The Contemporary World, but maaga lang din naman kaming natapos.