Saktong pag tayo naman ni Berting ay siyang pagpasok ng mga doctor at ilang nurse kasama ang isang lalaki na nakita niya noong kasal nina Miguel at Teng. Kaya nahawakan si Berting ni Miguel at hindi tuluyang nakaalis."Bunso...! nice bro buti magaling ka na?kambal nga tayo.Ikaw sa tagiliran ako sa binti. Etong dalawa ito tag isang balikat dapat eh" biro ni Elija sabay turo kina Phillip. Naka sakay sa wheel chair si Elija at nakabenda na ang binti. Masigla ang hitsura ng mukha nito kahit pa nga naka hospital gown."Hoy Bro magtigil ka nga parang di ka galing ng operating room ah" sabi ni Miguel."Sus, sisiw, panis lang mga Bro. Malayo sa bituka. Ang worry ko lang baka Himatayin si Mariz kapag nalamang nagkapeklat ako sa binti.Eh di nga ako pinadadapuan ng lamok nun noh""Sino si Mariz!?" nakataas ang kilay na tanong ni Phillip."Hindi mo kilala si Mariz Racal?" Sabi ni Miguel."Yung small girl na syota ni Rico ng River Maya" dagdag pa ni Miguel."Love, iba yun. Hindi siya yun. Ang Mar
Pagkatapos sumalisi sa banyo ay paunti unti lumakad ito hanggang makarating sa lobby. Mabuti na lang at hindi na siya maputla.Maige iyon para ang iisipin ng mga naroon ay gumagala lang siya at nagpapahangin. Hinintay nito na maging abala ang guard para nakasalisi siya. Dumating ang sandaling hinihintay nito.Naging abala ang guard sa entrance dahil may pumasok na pasyeste na biglang nagsuka sa harap nito.Agad inaalalayan ng guard ang pasyente at nagtawag ng nurse at medic sa loob. Kinuha ng taong nagaabang ang pagkakataong iyon para humalo sa nagkakagulo at kunwari ay nakikiusisa lang hanggang sa tuluyan na niyang naihakbang palabas ng pinto ang mga paa.Mabilis ang ginawa nitong mga hakbang at agad gumilid sa gusali at doon pumara ng dumaang tricycle.Mabilis ang takbo ng sasakyan kasing bilis ng tahip ng dibdib nito. Kailangan niyang makarating agad mapapahamak ito kapag hindi niya nakita agad. Lito ang isipan pero hindi hahayaan ni Berting na mapahamak ang inang nagtaguyod sa kany
Agad sumakay si Berting sa tricycle at muling nagpahatid sa hospital na pinanggalingan. Magtutuos sila ng mga Del Valle. Balewala sa kanya ang apelyido.Hindi niya pinangarap mapabilang sa mayayamang angkan. Masaya na siya sa pangingisda at sa piling ni Akesha."Talaga ba Cardo? Hoy baka nakakalimutan mo Juan Dela Cruz alyas Magtanggol. Kamakailan lang ay nakilala mo ang beyanan mo at nalaman mong anak mayaman si Baby Shark.Kaya ka ligtas ngayon dahil isa kang Del Valle"usog ng sarili din niya."Dahil kung isa ka lamang mangngisda na nag aala machete sa karagatan malamang pataba ka na ng mga Dugong sa alim ng tubig. Sa tingin mo ba kung isa ka lamang amoy alamang ay uubra ka sa ama ni Akehsa ha?" sita ng isip ni Berting sa nagmamarakulyo niyang isipan. Sa pagkarealize na iyon ng sitwasyun ay natamilmil si Berting."Oo nga pala, nasan na nga pala ang beyanan ko. At mayaman nga pala ang napangasawa niya.Nakaramdam ng insecurities si Berting ng maalala ang katotohanang nalaman bago pa
"Sabihin mo na? si Don Joaquin ba? " Tanong ni Berting.Pikon na siya sa paligoy ligoy na kausap. Hindi man niya nais pagbintangan ang beyanan ay ito lamang ang posibleng gumawa nito."Tama ba ang hinala niya? Hindi nga ba siya gusto ng ama ni Akesha kaya ba wala ito sa hospita kanina? Hindi man lang ito concern sa naging sitwasyun ni Baby Shark?""Teka ipatutumba ba ako nito para maglaho sa buhay ng anak nito? Pero...."Teka..teka isa akong Del Valle..Del Valle ako baka hindi pa alam ng komontak sa inyo.Tawagan nyo kakausapin ko" sabi ni Berting na hindi kinakitaan ng takot."Wala kaming paki kung sino ka. Ang misyon namin ay kunin ka at ipalapa ka sa mga buwaya" sagot ng lalaki."Ano pogi? bababa ka ba dyan o dadaanin ka namin sa dahas at pasasabugin ko ang utak nito ng maging sisig na lang" Ipakausap ninyo muna sa akin ang boss nyo."Makikipag bargain ako " Pangungulit ni Berting.Para kasing hindi masasamng tao ang kausap niya dahil ang totoong kalaban at goons tulad sa mga kalaban
Patungo na sa bahay ng kanyang bagong misyon si Almira ng makita niya ang kanyang subject na lumabas ng bahay nito. May hawak itong bato at parang wala sa sariling naglalakad at patungo ito sa dalampasiganAng misyun niya ay bantayan ito at subaybayan pero wala sa misyun niya ang ito ay lapitan o kaya ay pakialaman. Ang utos sa kanya ng kanilang VIP client ay subaybayan lang ito at mag report sa kanya araw araw.Luminga linga si Almira. At inalam kung may ibang tao.Nang mapagtantong sila lamang ang naroon ng sandaling iyon ay napanatag ang dalaga. Nakita ni Almira ang isang bangkang nakadaong kaya doon niya napiling umupo o kahit makasandal lamang. Sapat ang layo noon para mabantayan niya ang subject.Mukha kasing naiisipan ng binabantayan niya ang maligo sa dagat.Kung sabagay sa alinsangan ng maghapon kanina ay kahit naman siya ay maaakit magtampisaw Napakaganda ng dapit hapon, nakakaaliw nga namang lumangoy kapag ganito ang kapaligiran.Tahimik ang Baryo Bacawan. Sa madaling araw la
"Haaah!" habol hiningang balikwas ni Berting ng magising. Biglang nag flash back sa kanya ang naganap lalo na ng may nagtakip sa bibig niya at nawalan siya ng malay. Biglang tumayo si Berting at iginala ang paningin. Ngunit taliwas sa inaasahan niyang bodega o kaya ay madilim na warehouse na karamihang pinagdadalhan ng mga bida sa pelikula na kinikidnap.Isang magarang silid ang namulatan ni Berting at naka aircon pa. Lalo lang napagtanto ni Berting na kilala siya ng dumukot sa kanya. Mabilis na nagtungo sa pinto si Berting at agad na pinihit ang seradura pero nakalock ito. Pinagpapalo ni Berting ang pinto at sumigaw at binulabog kung sino man ang tao sa labas ng pinto."Buksan nyo ang pinto...Hoy buksan nyo ito! huwag kayong mga duwag" sigaw ni Berting habang kinakalampag ang pinto."Buksan nyo na to sabi eh! gigibain ko ang pintong ito kahit gaano pa ito kamamahalin.Magigiba ko to!!Bilsan nyo buksan nyo na ang pinto mga walang hiya kayo" sigaw pa rin nito na hindi nga tinitigilang
"Deal? ano to Donya Ysabel drug dealer kayo? Takang tanong ni Berting."Lola, iho lola nga sing kulit ka ng ama mo eh.Saka anong Drug dealer?"Nalilitong biglang tanong ni Donya Ysabel."Basta, palabasin nyo na ako dito.Kailangan kong makita ang nanay ko. Sige sabihin na nating mali ang ginawa niya. Sabihin na nating niloko niya akala. buong buhay ko pero Donya Ysabel minahal ako ng nanay ko at inalagaan. Pwede niya akong saktan, ipamigay din o ibenta na lang. Pero hindi niya ginawa. Naging makasarili siya dahil nasaktan siya pero kasabay nun ay pinarusahan din niya ang sarili niya.Namuhay siyang magisa malayo sa kinagisnan niyang buhay. Naghirap at gumapang sa gutom pero ni minsan hindi niya ako ginamit para manghuthot sa inyo para sa kasaganaan. Isa lang ang naging mali niya, Ang nagmahal sa hindi tamang tao" sabi ni Berting."At tulad ng nasabi ko na Donya Ysabel, hindi ko pagpapalit ang aking ina para sa kasaganaan ng apelyido nyo. Itakwil nyo na ako kung ibig ninyo pero hindi ako
“Sigurista ka talaga. Isa ka ngang Del Valle. Oh, eto ang source ko na may kumuha nga sa nanay mo at ang sasakyang iyan sa pagkakalam ko ay naka rehistro sa mga Larazabal.Kaya alam ko na nasa kama ni Joaquin ang nanay mo. Kaya kailangan nating magmadali at unahan si Joaquin" sabi pa nito.“Sige Donya Ysabel gagawin ko ang gusto ninyo. Pakiusap lang tulungang nyong maging safe ang nanay ko” sabi ni Berting.“Lola Apo.. Lola.. dapat mo ng praktisin tawagin ako nyan kung gusto mong mapabilis ang pagkikita nyong magina” sabi ni Donya Ysabel.“Oho Lola Ysabel. Opo La…” pagsuko ni Berting na umaasang iyon na nga ang tamang gawin. Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang matanda at lumabas ng pinto.Naiwang naka tulala si Berting.Lingid kay Berting bago nagtungo si Donya Ysabel sa kinarorooonan ng Apo ay nang galing na ito sa isang villa kung saan naroon ang una niyang pakay. "Good morning Donya Ysabel" bati ni Almira. Umaga pa lang ay tumawag na ito na darating at kakausapin ang binabantayan ni