"No...!!!!"Sabay sabay namang sigaw ng tatlong Del Valle. Unang sumugod si Phillip pero nauhan siya ni Miguel na nasa kanang bahagi.Si Elija na may tama sa binti ay hindi inalintana ang sugat at nakirambol na din.Literal na pinagsasapak at kinulata ng tatlo si Felix.Dinampot ni Miguel ang baril na nabitawan ng lalaki at handa na sanang itutok kay Felix at kalabitin ng natigilan ito dahil sumigaw si Akesha."Miguel..Miguel...si Berting tulungan nyo si Berting" Sigaw ni Akesha na dinaluhan ang bumagsak na asawa.Nang marinig naman ng tatlo ang malakas na sigaw nang nagpapanic na si Akesha ay sabay sabay na lumingon ang mga ito sa kinaroroonan ni Berting saka iniwan ang pinagsasapak na si Felix sa buhanginan. Walang alam ang tatlo na may tama sa pagitan ng hita si Felix ng mga sandaling iyon. Sakto namang nakarinig sila ng malalakas na tunog ng makina at mga yabag na mabilis na nagsitalon sa tubig."Berting....!! sabay sabay sigaw nina Miguel, Elija at Phillip. Pinagkaguluhan na nan
"Wait asan..Asan ang tama mo bunso?" Takang tanong ni Miguel na hinanap ang tama ng bala ni Berting. Kasalukuyan silang nagtataka na hindi makita ang tama ng bala sa katawan ng kapatid nang may lumapit na dalawang pulis."Sir, na clear na namin ang area at hindi namin mahanap sir ang salarin.Nakuha na po namin ang isang baril malapit sa kinabagsakan ng biktima. Pero bukod po sa kanila sir ay wala ng ibang tao sa Villa""Ano...! Nakatakas si Felix? Imposible yan wala siyang ibang dadaanan kungdi sa karagatan. Hanapin nyo baka nagtatago lang ang lintek na yun. Magiingat kayo" bilin pa ni Luther."Nasan ang suspek kung walang tama ang pamangkin mo insan, ibig sabihin yung suspek ang tinamaan? Pero nasaan ang suspek at sino ang bumaril sa suspek kung hindi isa sa inyo?" nagtatakang tanong ni Luther."Oo nga ano..?Aaah baka si..." Hindi naituloy ni Miguel ang sasabihin dahil siniko na siya ni Phillip saka pinadilatan at nagets naman agad ito ni Miguel."Baka baril lang din ng hay*p na sal
“Oh bakit ka sa akin nakatingin Akesha? tanungin mo tatay namin kung paano nangyari?” biro ni Miguel.“Ano ba Miguel, seryoso nga? hindi nga Pangungulit ni Akesha.“Totoo ang narinig mo Akesha” singit ni Athena na naroon na pala. "Kapatid ni Miguel sa ama si Berting kaya pala kung medyo naging tisoy si Berting at walang nunal ay hawig sa ama ni Miguel”Paliwanang nito.“What..? I mean paano nangyari yun. I mean bakit? aah sorry sa mga tanong ko?” Naguguluhan pa ring sabi ni Akesha.“Si Berting ay kakambal ni Elija. Ang kambal ay anak ng ama ni Miguel sa unang girlfriend nito. Nagkahiwalay ang tatay ni Miguel at nanay nina Elija at Berting dahil ipinakasal ang ama nila sa iba, sa nanay ni Miguel. Matanda ang kambal kay Miguel ng dalawang taon kaya kuya ang tawag ni Miguel sa dalawa. Sa kambal naman ay si Berting ang bunso ang itinakas ng secretary ng ama nina Miguel na in love naman dito. Ang nagtakas na iyon ang kinikilalang ina ni Berting ngayon.“What……………!!! isang Del Valle ang
Saktong pag tayo naman ni Berting ay siyang pagpasok ng mga doctor at ilang nurse kasama ang isang lalaki na nakita niya noong kasal nina Miguel at Teng. Kaya nahawakan si Berting ni Miguel at hindi tuluyang nakaalis."Bunso...! nice bro buti magaling ka na?kambal nga tayo.Ikaw sa tagiliran ako sa binti. Etong dalawa ito tag isang balikat dapat eh" biro ni Elija sabay turo kina Phillip. Naka sakay sa wheel chair si Elija at nakabenda na ang binti. Masigla ang hitsura ng mukha nito kahit pa nga naka hospital gown."Hoy Bro magtigil ka nga parang di ka galing ng operating room ah" sabi ni Miguel."Sus, sisiw, panis lang mga Bro. Malayo sa bituka. Ang worry ko lang baka Himatayin si Mariz kapag nalamang nagkapeklat ako sa binti.Eh di nga ako pinadadapuan ng lamok nun noh""Sino si Mariz!?" nakataas ang kilay na tanong ni Phillip."Hindi mo kilala si Mariz Racal?" Sabi ni Miguel."Yung small girl na syota ni Rico ng River Maya" dagdag pa ni Miguel."Love, iba yun. Hindi siya yun. Ang Mar
Pagkatapos sumalisi sa banyo ay paunti unti lumakad ito hanggang makarating sa lobby. Mabuti na lang at hindi na siya maputla.Maige iyon para ang iisipin ng mga naroon ay gumagala lang siya at nagpapahangin. Hinintay nito na maging abala ang guard para nakasalisi siya. Dumating ang sandaling hinihintay nito.Naging abala ang guard sa entrance dahil may pumasok na pasyeste na biglang nagsuka sa harap nito.Agad inaalalayan ng guard ang pasyente at nagtawag ng nurse at medic sa loob. Kinuha ng taong nagaabang ang pagkakataong iyon para humalo sa nagkakagulo at kunwari ay nakikiusisa lang hanggang sa tuluyan na niyang naihakbang palabas ng pinto ang mga paa.Mabilis ang ginawa nitong mga hakbang at agad gumilid sa gusali at doon pumara ng dumaang tricycle.Mabilis ang takbo ng sasakyan kasing bilis ng tahip ng dibdib nito. Kailangan niyang makarating agad mapapahamak ito kapag hindi niya nakita agad. Lito ang isipan pero hindi hahayaan ni Berting na mapahamak ang inang nagtaguyod sa kany
Agad sumakay si Berting sa tricycle at muling nagpahatid sa hospital na pinanggalingan. Magtutuos sila ng mga Del Valle. Balewala sa kanya ang apelyido.Hindi niya pinangarap mapabilang sa mayayamang angkan. Masaya na siya sa pangingisda at sa piling ni Akesha."Talaga ba Cardo? Hoy baka nakakalimutan mo Juan Dela Cruz alyas Magtanggol. Kamakailan lang ay nakilala mo ang beyanan mo at nalaman mong anak mayaman si Baby Shark.Kaya ka ligtas ngayon dahil isa kang Del Valle"usog ng sarili din niya."Dahil kung isa ka lamang mangngisda na nag aala machete sa karagatan malamang pataba ka na ng mga Dugong sa alim ng tubig. Sa tingin mo ba kung isa ka lamang amoy alamang ay uubra ka sa ama ni Akehsa ha?" sita ng isip ni Berting sa nagmamarakulyo niyang isipan. Sa pagkarealize na iyon ng sitwasyun ay natamilmil si Berting."Oo nga pala, nasan na nga pala ang beyanan ko. At mayaman nga pala ang napangasawa niya.Nakaramdam ng insecurities si Berting ng maalala ang katotohanang nalaman bago pa
"Sabihin mo na? si Don Joaquin ba? " Tanong ni Berting.Pikon na siya sa paligoy ligoy na kausap. Hindi man niya nais pagbintangan ang beyanan ay ito lamang ang posibleng gumawa nito."Tama ba ang hinala niya? Hindi nga ba siya gusto ng ama ni Akesha kaya ba wala ito sa hospita kanina? Hindi man lang ito concern sa naging sitwasyun ni Baby Shark?""Teka ipatutumba ba ako nito para maglaho sa buhay ng anak nito? Pero...."Teka..teka isa akong Del Valle..Del Valle ako baka hindi pa alam ng komontak sa inyo.Tawagan nyo kakausapin ko" sabi ni Berting na hindi kinakitaan ng takot."Wala kaming paki kung sino ka. Ang misyon namin ay kunin ka at ipalapa ka sa mga buwaya" sagot ng lalaki."Ano pogi? bababa ka ba dyan o dadaanin ka namin sa dahas at pasasabugin ko ang utak nito ng maging sisig na lang" Ipakausap ninyo muna sa akin ang boss nyo."Makikipag bargain ako " Pangungulit ni Berting.Para kasing hindi masasamng tao ang kausap niya dahil ang totoong kalaban at goons tulad sa mga kalaban
Patungo na sa bahay ng kanyang bagong misyon si Almira ng makita niya ang kanyang subject na lumabas ng bahay nito. May hawak itong bato at parang wala sa sariling naglalakad at patungo ito sa dalampasiganAng misyun niya ay bantayan ito at subaybayan pero wala sa misyun niya ang ito ay lapitan o kaya ay pakialaman. Ang utos sa kanya ng kanilang VIP client ay subaybayan lang ito at mag report sa kanya araw araw.Luminga linga si Almira. At inalam kung may ibang tao.Nang mapagtantong sila lamang ang naroon ng sandaling iyon ay napanatag ang dalaga. Nakita ni Almira ang isang bangkang nakadaong kaya doon niya napiling umupo o kahit makasandal lamang. Sapat ang layo noon para mabantayan niya ang subject.Mukha kasing naiisipan ng binabantayan niya ang maligo sa dagat.Kung sabagay sa alinsangan ng maghapon kanina ay kahit naman siya ay maaakit magtampisaw Napakaganda ng dapit hapon, nakakaaliw nga namang lumangoy kapag ganito ang kapaligiran.Tahimik ang Baryo Bacawan. Sa madaling araw la