"Shokoooy ...shokoy ko gumising ka..gising ka kapag hi9d ka gising hindi na kita patitikimin ng lasoy hanang buhay.Lumaban ka lintek ka, hahambaluson kita.Itutuloy mo pa ang pagmukbang...Shokoy.. gising... gising""Shokoy ano ba gumising ka isa....Dalawa.. tatlo... Ay gumising ka sabi eh" Malakas na sampal ni Akesha ang nagpadilat sa diwa ni Berting pero tubig at paninikip ng paghinga ang namulatan niya. Parang narinig niya si Akesha at sinampal pa nga siya. Ginising siya ni Akesha. Tinutulungan siya ni Akeaha na lumaban pa.Tama...tama mahal ko lalaban ako" Sabi ni Berting na lumakas muli ang loob at pinilit na wag antukin."Laban Roberto Dela Cruz na lahi ni Magtanggol at pinsan ni Panday.Isa kang batang quiapo at hindi patitibag. Malakas ka at matapang. Hindi bat superhero ka ni Akesha?"Ako si Superman pag kasama kita ngunit kung lalayo ka sino ako wooohooo" kinanta pa ni Berting ang lyrics ng awitin ni Rey Valera para malibang at maibsan ang lamig. Saka buong lakas na inangat ang
Agad niyang sinilip kung nasa sala si Berting pero as usuall wala na naman ang anak na binata. Kaya walang choice ang ina ni Berting kundi puntahan si Akesha kahit kakatapos pa lamang ng malakas na ulan at hangin. Nagaalala siya para sa dalaga. Hindi rin inya maipaliwanag kung bakit magaan ang loob niya sa babae mas gusto niya ito kesa kay Athena at hindi niya masabi ang dahilan.Marahil bilang babae ay ramdam kase niya ang pakiramdam ng naghahabol at nagmamahal ng walang kapalit. Minsan kase siyang napunta sa ganun sitwasyun at ang naging epekto nito sa mentalidad at pagkatao niya ay ayaw na niyang maalala pa at ayaw niyang maranasan ito ni Akesha o ng kanyang anak mismo.Mabilis silang tumakbo sa dalampasigan ni Caloy at inabutan nga nilang parang nagdedeliryo si Akesha. Panay ang tawag nito ng shokoy at sinasabing ang salitang asawa ko..para itong nahihibang. Sinalat pa niya kung mataas ang lagnat ng dalaga pero malamig naman ito maputla ang labi ni Akeaha at kulubot ang mga palad.
Samantala….Puno naman ng kaba at pagaala si Akesha. Natatandaan na niya na nagpaalam si Shokoy sa kanya na aalis at babalik sa dagat. Hindi na lamang niya narinig ang kasunod pang sinabi nito dahol sa anotk niya at pagod. Pero sigurado siya nakita niyang tumakbo si Shoky sa dagat ng gabing iyon.“Hindi.. Hindi.. Oh, Shokoy .. Hindi..! Anong nangyari…? Anong nangyari?" tanong ni Akesha na lumapit sa tubig at tinatanaw ang karagatan at nagbabakasakaling makitang naroon lang si Shokoy. Pero pumutok na ng liwanag, umaga na at kagabi pa sa tubig ang asawa niya.Tumakbo si Akesha sa tubig at walang pakialam na nagsisisigaw doon.“Shokooooy…!!! Shokooooy….!!nasaan ka asawa ko? Shokooooy…. Nasaan ka? Please sumagot ka..Sumagot ka please..” Sigaw ni Akesha na ikinagising ni Berting.“Baby Shark…..!” sambit in Berting na napabalikwas ng bangon.Nagtaka pa siyang nasa bangka pa rin siya.“Shokoooy………. Nasaan ka? Iniwan mo na ba ako? Bakit? Sabi ko wag mo akong iiwan hindi ba? Sabi mo di mo na ako
Napaluhod naman sa gilid ng banig si Berting na sumunod kay Akesha hanggang silid. Hindi niya kayang tingnan ang naging epekto ng nagawa niya sa dalaga.Hindi naman niya ito sinasadya.“Baby Shark, alam kong malaki ang kasalanan ko pero sana paniwalaan mo naman ako na nagawa ko lang yun dahil sa nahihiya ako.Naduwag ako yun ang totoo""Halika pagsasampallin mo ulit ako sapakin mo ako balibagin mo ng kahit ano pero please wag kang umiyak ng ganyan. Ipinangako kong hindi na kita paiiyakin diba?" sabi ni Berting pero walang tugon mula kay Akesha."Baby shark.....tahan na, wag ka ng umiyak.Sorry na...sorry talaga.Balak ko naman sabihin na nataon lang na bumagyo.Promise cross my heart" Pero lalo lang talagang hindi tumigil ng pagiyak si Akesha kaya nilapitan na ito ni Berting at niyakap.Nagpapalag si Akesha at biglang bumalikwas ng bangon saka siya pinagsasampal ng paulit ulit hindi pa ito nakontento at kinuha pa ang bag nito at una at pinaghahampas din sa kanya saka nito isinigaw ang sali
Si Berting naman ay nanahimik na sa pangungulit, baka kailangan nga ni AKesha ng panahon para mapatawad siya sana lang huwag magtagal dahil mami miss niya ang mga halik nito.Mga halik na kung siguro hidi niya sinimulan ang kalokohang iyon sa bangka noong gabing madilim baka hindi galit si Akesha sa kanya ngayon. Bigla niya tuloy na miss ang dating Akesha na halos sambahin siya noon at gapangin.Kadalasan talaga nasa huli ang pagsisisi. Malalaman mo talaga ang halaga ng piso kapag tag sampong pisong coke di mo mabili dahil nueve lang ang pera mo. Malalaman mo rin na ang halaga ng pusang panay ang lingkis sayo na tinataboy mo kapag sinalanta ka na lamok sa binti.Nakaidlip na ang dalagang sinasamba niya ngayon. Nakakunot ang noo nito. Nangawit na rin si Berting sa pagkakaluhod kaya tumayo siya hindi para sumuko kundi para bantayan at kumutan ang asawang himbing na. Pinagmasdan ni Berting nag mukha ni Akesha, ang inosenting mukhang ilan ulit na lumuha dahil sa kanya.Nasaan na ang magin
Halos hindi malaman ni Berting kung papawisan ng malagkit o ibang malagkit ang lalabas. Hay, buhay ang hirap ng parolado. Isang oras ka na naman nito sa banyo Roberto Dela Cruz. Pabalik na ng bahay si Berting para isauli angTupperware na ginamit ng makarinig iiya ng malising na tinig.“Ting....!!" isang matining na sigaw ang nagpalingon sa kanya."A-Athena……!?gulat na kinusot ni Berting ang mga mata dahil baka namamalikmata siya. Pero totoong si Ahtena ang nakikita niya. "Teng..?!! k-kelan ka pa du...."naputol ang sasabihin ni Berting ng bigla siyang yakapin ni Athena."Miss na miss kita Ting, ang hirap mong kontakin eh" sabi ni Athena."T-teng, n-na miss din k-kita" sagot ni Berting at napayakap naman kay Athena para makabalance dahil sa pabiglang yakap ng kaibigan.Malaking babae si Athena kaya mabigat hindi katulad ni Akesha na saktong babaeng sukat lang kaya pag kumapit sa leeg niya kaya niyang iwasiwas."S-si..B-baby S-shark....." Biglang naalala ni Berting si Akesha at napating
Muli kapiling ang kanyang unan at apat na sulok ng kubo ay ibinuhos ni Akesha ang lahat ng luha ng sandaling iyon hanggang sa ang hinanakit at dalamhati ay naitulog na lamang niya."Sha... Ano ba tumigil ka ng kakalakad pwede ba?" ume echo pang sigaw ni Berting."Ano? bakit ako titigil?pag tumigil ba ako mahal mo na ako? Pag hininto ko ba ang paglayo magugustuhan mo na ako? Kapag sinunod kita pakakasalan mo na ba ako ? Yung totoong kasal ?Yung normal na kasal ha? Ha ? Sagot...!! Sigaw din ni Akesha."Huwag kang magbiro ng ganyang seryoso ako" Sabi ni Berting."Sino bang nagbibiro ha?" Luminga linga Akesha."Wala naman dito si Dolphy o si Babalo ah. Saka mabuti ngang magka loslos ka ng hindi ka na maghabol pa ng iba. Habol ka ng Habol sa taong di naman tumatakbo yun nga lang di sayo patungo ang lakad""Ano? May tililing ka na naman ba?sinusumpong ka ba ng pagkalukaret mo? Sabi kase sayo wag kang kakakain ng hilaw na bayabas eh" Sabi ni Berting."Tse! dyan ka magaling mang inis at mang
"H-hindi.....!! B-aby shark.... Ang Baby...shark ko" Sambit ni Berting na agad inihakbang ng malalaki ang mga paa at hinabol ang lalaki"H-hoy, S-Sino ka? ..sino ka bitawan mo siya. Bitawan mo si Akesha!!" Sigaw ni Berting na nakahanda na sanang e amba ang kanyang malulupet na suntok at flying kick. Sa kanyang isip ay binalikan ang eksena ni Coco Martin habang sinasapak ang mga kalabang pulis at doon siya kumha ng teknik.Paamba na ng malupitang suntok sana si Berting para ipagtanggol ang kanyang baby shark ng biglang may hinugot sa tagiliran ang lalaking matangkad. Saka mabilis na itinutok kay Berting ang baril. Galit ang mukha ng lalaki at sinabihan si Berting na huwag makialam."Oi, bosing.. baka pumutok yan.Masyado namang mainitin ang ulo mo eh pagusapan natin ito. Ibalik mo na sa akin yang biningwit mo hindi yan for sale bosing" Sabi ni Berting habang pinagiisipan kumg paano magigiliran ang lalaki para nasipa niya ng isahan at ng mabitawan nito ang baril. Gumala na rin ang paning