Napaluhod naman sa gilid ng banig si Berting na sumunod kay Akesha hanggang silid. Hindi niya kayang tingnan ang naging epekto ng nagawa niya sa dalaga.Hindi naman niya ito sinasadya.“Baby Shark, alam kong malaki ang kasalanan ko pero sana paniwalaan mo naman ako na nagawa ko lang yun dahil sa nahihiya ako.Naduwag ako yun ang totoo""Halika pagsasampallin mo ulit ako sapakin mo ako balibagin mo ng kahit ano pero please wag kang umiyak ng ganyan. Ipinangako kong hindi na kita paiiyakin diba?" sabi ni Berting pero walang tugon mula kay Akesha."Baby shark.....tahan na, wag ka ng umiyak.Sorry na...sorry talaga.Balak ko naman sabihin na nataon lang na bumagyo.Promise cross my heart" Pero lalo lang talagang hindi tumigil ng pagiyak si Akesha kaya nilapitan na ito ni Berting at niyakap.Nagpapalag si Akesha at biglang bumalikwas ng bangon saka siya pinagsasampal ng paulit ulit hindi pa ito nakontento at kinuha pa ang bag nito at una at pinaghahampas din sa kanya saka nito isinigaw ang sali
Si Berting naman ay nanahimik na sa pangungulit, baka kailangan nga ni AKesha ng panahon para mapatawad siya sana lang huwag magtagal dahil mami miss niya ang mga halik nito.Mga halik na kung siguro hidi niya sinimulan ang kalokohang iyon sa bangka noong gabing madilim baka hindi galit si Akesha sa kanya ngayon. Bigla niya tuloy na miss ang dating Akesha na halos sambahin siya noon at gapangin.Kadalasan talaga nasa huli ang pagsisisi. Malalaman mo talaga ang halaga ng piso kapag tag sampong pisong coke di mo mabili dahil nueve lang ang pera mo. Malalaman mo rin na ang halaga ng pusang panay ang lingkis sayo na tinataboy mo kapag sinalanta ka na lamok sa binti.Nakaidlip na ang dalagang sinasamba niya ngayon. Nakakunot ang noo nito. Nangawit na rin si Berting sa pagkakaluhod kaya tumayo siya hindi para sumuko kundi para bantayan at kumutan ang asawang himbing na. Pinagmasdan ni Berting nag mukha ni Akesha, ang inosenting mukhang ilan ulit na lumuha dahil sa kanya.Nasaan na ang magin
Halos hindi malaman ni Berting kung papawisan ng malagkit o ibang malagkit ang lalabas. Hay, buhay ang hirap ng parolado. Isang oras ka na naman nito sa banyo Roberto Dela Cruz. Pabalik na ng bahay si Berting para isauli angTupperware na ginamit ng makarinig iiya ng malising na tinig.“Ting....!!" isang matining na sigaw ang nagpalingon sa kanya."A-Athena……!?gulat na kinusot ni Berting ang mga mata dahil baka namamalikmata siya. Pero totoong si Ahtena ang nakikita niya. "Teng..?!! k-kelan ka pa du...."naputol ang sasabihin ni Berting ng bigla siyang yakapin ni Athena."Miss na miss kita Ting, ang hirap mong kontakin eh" sabi ni Athena."T-teng, n-na miss din k-kita" sagot ni Berting at napayakap naman kay Athena para makabalance dahil sa pabiglang yakap ng kaibigan.Malaking babae si Athena kaya mabigat hindi katulad ni Akesha na saktong babaeng sukat lang kaya pag kumapit sa leeg niya kaya niyang iwasiwas."S-si..B-baby S-shark....." Biglang naalala ni Berting si Akesha at napating
Muli kapiling ang kanyang unan at apat na sulok ng kubo ay ibinuhos ni Akesha ang lahat ng luha ng sandaling iyon hanggang sa ang hinanakit at dalamhati ay naitulog na lamang niya."Sha... Ano ba tumigil ka ng kakalakad pwede ba?" ume echo pang sigaw ni Berting."Ano? bakit ako titigil?pag tumigil ba ako mahal mo na ako? Pag hininto ko ba ang paglayo magugustuhan mo na ako? Kapag sinunod kita pakakasalan mo na ba ako ? Yung totoong kasal ?Yung normal na kasal ha? Ha ? Sagot...!! Sigaw din ni Akesha."Huwag kang magbiro ng ganyang seryoso ako" Sabi ni Berting."Sino bang nagbibiro ha?" Luminga linga Akesha."Wala naman dito si Dolphy o si Babalo ah. Saka mabuti ngang magka loslos ka ng hindi ka na maghabol pa ng iba. Habol ka ng Habol sa taong di naman tumatakbo yun nga lang di sayo patungo ang lakad""Ano? May tililing ka na naman ba?sinusumpong ka ba ng pagkalukaret mo? Sabi kase sayo wag kang kakakain ng hilaw na bayabas eh" Sabi ni Berting."Tse! dyan ka magaling mang inis at mang
"H-hindi.....!! B-aby shark.... Ang Baby...shark ko" Sambit ni Berting na agad inihakbang ng malalaki ang mga paa at hinabol ang lalaki"H-hoy, S-Sino ka? ..sino ka bitawan mo siya. Bitawan mo si Akesha!!" Sigaw ni Berting na nakahanda na sanang e amba ang kanyang malulupet na suntok at flying kick. Sa kanyang isip ay binalikan ang eksena ni Coco Martin habang sinasapak ang mga kalabang pulis at doon siya kumha ng teknik.Paamba na ng malupitang suntok sana si Berting para ipagtanggol ang kanyang baby shark ng biglang may hinugot sa tagiliran ang lalaking matangkad. Saka mabilis na itinutok kay Berting ang baril. Galit ang mukha ng lalaki at sinabihan si Berting na huwag makialam."Oi, bosing.. baka pumutok yan.Masyado namang mainitin ang ulo mo eh pagusapan natin ito. Ibalik mo na sa akin yang biningwit mo hindi yan for sale bosing" Sabi ni Berting habang pinagiisipan kumg paano magigiliran ang lalaki para nasipa niya ng isahan at ng mabitawan nito ang baril. Gumala na rin ang paning
"Basta, huwag mo akong iiwan, okay na tanggap ko na. Kung tutuusin mas maige nga na ikaw din si shokoy, maige na din na kilala ko si Shokoy kase napagkakamalan na akong may saltik eh pati nanay mo lukaret na ang tingin sa akin" sabi ni Akesha."Naiisip ko lang na kung saka sakaling ibang lalaki nga pala si Shokoy talaga baka matagal na akong lumulutang sa dagat at hindi naman ako naalagaan.Kaya pala inaalagaan ako ni Shokoy kahit kakikilala ko pa lang sa kanya kase pala ikaw din pala yun" sabi ni Akesha."Totoo baby shark pinapatawad mo na ako?" Hindi makapaniwalang sabi ni Berting kaya inulit niyang tanungin para lang makasiguro."Bati na tayo, hindi ka na galit sa akin?" tanong muli ni Berting. Tumango tango si Akesha pero biglang pumatak ang luha ng maalala ang tagpong dinatna kina Berting kanina bago siya nakatulog at nanaginip ng masama."Oo bati na tayo, kahit alam kong masayangasaya ka ngayon. Salamat pa rin at naisingit mo ako sa oras mo. Pasensya na naabala ko kayo ni Athena
Bakit nga ba naging tanga siya noon. Bakit hindi niya napansin na ang labi ni Berting na nahalikan niya dito sa kubo noon at ang labi ni Shokoy ay iisa parehas mamasa masa. Ganun din ang paraan ng paghalik nito, Masuyo, magaan at may pag galang tulad din ng mga halik ni Shookoy noon gabing lasing siya pati noong gabing inabot sila ng bagyo sa laot. Naramdaman na niya ito noon gabi pa lang na iyon, nagkahinala na siya pero dahil marahil sa naiinis siya kay Berting noon ay binalewala niya ang natural instinct niya at tama pala siya.Nang maalala ang nagdaang bagyo biglang nanigas si Akesha. Hindi na siya papaya na magkaroon ulit ng hadlang, kahit lindol na ang dumating kahit lagablab ng lava ng bulkan kahit dumating pa ang mga envader na Alien and predator kahit si Kingkong pa yan o si Godzilla kahit sumugod pa lahat sa kubo nila ang mga zombie sa train to Busan wala siyang pakialam its now or never" bulong ni Akesha.Maisip pa lamang niya ang napanaginpan ay umaabot na hanggang dulo ng
“B-bay S-shark….” Yun na lamang ang nasabi ni Berting ng masilayan ang dalawang malusog na dibdib ni Akesha sa maliwanag na silid. Maginoo siya alam niya iyon at para sa kanyang isang bituin si Akesha na nasa pedestal na mahirap na ngang sungkitin ay mahirap pang angkinin. Pero naririto ang bituing marikit, isang hubad na binibining kayang ialay ang lahat sa kanya at oo hindi siya tanga. Maginoo siya pero medyo bastos.“A-keshaaaa..! halos manigas na lamang si Berting ng si Akesha na ang unang humalik sa kanya dahil hindi nga siya nakakilos agad dahil sa pagkatulala sa nakita ng ganun kaliwanag."Maginoo siya.. maginoo.. aaah.... hindi...mali.. medyo bastos pala” sigaw ng isipan ni Berting saka kinalawit ng mga braso ang batok ni Akesha at siniil ng mga halik niya ang dalagang sinasamba na niya ngayon.Ang basang labi ni Akesha ay naging katakam takam na parang minatamis na kondol na uunti- untiin mong tikman hanggang sa unti unti mo ng papapakin sa silongnl ng inyong tahanan. Ganun k
Matuling lumipas ang limang buwan. Halos bumaha ng alak na naman dahil nagpaluto si Berting sa kanyang ina ng masarap na pulutan. Simpleng nag celebrate lamang nila ang result ng ulta sound .Hindi pa man confirm ang kasarian ng kanyang anak ay confrim naman na kambal ang isisilang ni Akesha. Kaya maligayang maligaya si Donya Ysabel.Maayos ang takbo ng negosyo ng mga Del Valle at masagana ang naging pasok ng taon sa kanilang stocks. Naging sikat sa larangan ng business world ang kanyang mga apo lalo na at nakilala si Miguel Del Valle sa ibang bansa dahil sa pag venture niya sa larangan ng Airlines. Maliksi na at makulit ang panganay na Apo sa tuhod ni Donya Ysabel aty kahit paaano ay nakakapagpahinga na si Athena na ngayong ay abala sa bagong bukas nitong Sho p ng mga frozen sea foods.Tatahi tahimik naman si Elija habang abala sa kompanya habang may nakabuntot sa kanyang maganda babae at palaging nakapulupot sa kanya... si Anika.Samantalang si Phillip naman ay naging mainitin an
"Elija....Elija... bumangon ka nga bilis samahan mo ako" kalampag ni Berting sa pinto ng kapatid. Pupungas pungas naman nagbukas ng pinto si Elija na nakaboxer short lang."P*tcha..sino yang katabi mo..ay Sh*t yari na natuklaw na ang bibingka ni Anica" natotop ni Berting ang bibig niya."Psst! huwag kang maingay di ko pa tinuklaw. Ayaw pa niya. Nalasing lang kaya dito ko na pinagpahinga"sabi ni Elija."Promise di mo na touch. Di mo kinapa at sinalat- salat ul*l huwag ako" sabi ni Berting."Saan ba tayo pupunta?ang aga pa?" Iwas bigla ni Elija. Maaga ang board meeting natin bukas sa Delhan Airlines. May solusyun ka na ba sa sitwayun sa Textile manufaturing?""Wala at lalong wala akong maiisip kapag wala akong nakitang mais""Ang hirap palang maglihi ng mga misis. Buti na lang kapa pa lang ang nagagawa ko" sabi ni Elija."Ul*l pustahan tayo sa susunod didilaan mo na yan pupusta ako ng limang Milyon. Hindi mo makakayanan ang halimuyak kapag tinawag ka na ng sariwang bulaklak" nakangisi
Bagamat nakampante na sila na okay naman si Akesha at masayang masaya sila sa ibinalita ni Phillip ay pinayuhan pa in sila niPhillip na magpunta ng OB para magpacheck up para malaman na rin ugn ilang buwan ng buntis si Akesha at kugn akmsta ang bata sa tiyan nito. Sinabi kase ni Phillip na kadalaan kaya nawawalan ng malay ang mga buntis una ay dahil mababa ang dugo at ikalawa ay malapitn a sa stage ng paglilihin kaya posibleng nasa dalawang buwan o higit pa ang bata.Sinunod naman agad ito ni Berting Bago pumasok ng opisina ay inasikaso muna niya ang asawa. nangiyakan pa nga sila ng madalign araw ng magising ito at sahjini nniya ang dahilan kng bakit ito nawalan ng malay. masayang masaya ito at pianghahalikan pa siya habang walang hintng umiiyak dahil masaa daw ito. Kaya mahal na mahal ni Berting ang asawa napakabait at napakasimpleg babae lamang nito. Ayon sa Ob na nakausap nila ay dalawang buwan ng buntis ang asawa at healthy naman daw ang baby. Yugn nga lang ay mababa ang he
Dakong alas otso ng gabi ay nagpaalam na si Don Joaquin kay Donya Ysabel at nagsabi na rin ito na baka hindi makaluwas sa mga susunod na linggo dahil sa kinontak ito ng Kaklase nooon sa University of Santo Tomas si Manolo Esteban na may ari ng Hacienda Esteban sa Mindoro at meron daw silang bagong pagsasamahang negosyo. Magasana kase ang pataniman nito ng Mais at Saging ganin din ang kaniyogan nito. Hinahanda daw ito ni Senyor Manolo sa pagbabalik ng bunsong anak nitong si Terrence Esteban. na naging kaklase naman ni Askeha sa Amerika nang kumuha ng crash course ang anak niya sa business Administration. Samantala paakyat naman na si Donya Ysabel matapos ihatid sa labas ng pinto ang kaaalis lamang na kababata at matalik na kaibigan ng makatangap siya ng tawag. Napangiti si Donya Ysabel ng makita sa cellphone kung sino ang kanyang caller.Nakakatuwang sa edad niyang ito ay nagbabalik ang mga makalumang kaibigan minsan tulog napapaisip na siya kung malapit na ba siyang sunduin patungon
"Sorry apo its part of the plan. Kapag hindi ko kase ginawa yun tatakas ka at hindi mo gagawin ang obligasyun mo sa pamilya. Sa totoo lang nasaktan talaga ako ng hindi mo tanggapin na kami ang pamilya mo" sabi ni Donya Ysabel.Bigla namang nahiya si Berting, matagal na niyang piangsisihan ang nasabi ng iyon .Bugso lamang iykng ng ddin niya at sa takot di na baka dahol nfacsa dinukot at inilayo si yan ng kinilakbg ina aa mga Del valle ay maparusahan ito at hodi naman nua layanf msmgdusa ang babaeng kinlala nusng ina nan naigng napapakbuto sa kanya."Sorry po Lola bugso lamang iyon ng ng damdamin ko noon at tkaot nacrin na bala ilayo nyo aoo sa nanay Maribel "sabi ni Berting."Oo nga po Lola Ysabel bago pa man po siya lumabas ng hospital ay nasabi na niya sa akin na nahihiya siya sa mga sinabi niya sa inyo" sabi ni Akesha."Kaya nagdadalawang isip na ako nung kung aasabihin ko na ba ang totoo lo sasakyan ko pa rin" sabi ni Akesha."Love?don't tell me all this time alam mo ang lahat?""W
Samantala, Abala naman si Berting sa bagong mundong ginagalawan bagamat nahihirapan magadjust sa bagong buhay ay unti unti naman na niyang kinakaya sa tulong ng kanyang mapagmahal ba asawa. Nanibago man na halos hindi na niya makilala ang sarili sa salamin masasabi niyang mas maganda at kagalang galang ang version ni Roberto ngayon kesa sa dating shokoy lang sa dalampasigan. Sa tulong ni Miguel at kuya Elija niya ay unti uniti na niyang nakakabisado ang pasikot sikot ng negosyo ng mga Del Valle. Nagpadala rin ng tutor ang kanyng lola sa english para mahasa siya lalo na kapag magkakaroon ng corporate meeting. Marahil ay Del Valle nga talaga ang dugong nananalaytay sa kanya dahil sa loob lamang ng tatlong buwan ay mabilis siyang naka adopt at nakabisado niya ang mga pangalan at maging ang mga detalye ng produkto at ilang mahahalagang bagay sa sales nang kanilang negosyo. "Hi Love, kakauwi mo lang" tanong ni Akesha na nakaupo sa sofa habang nakasampa ang paa sa lamesita may katab
"Ah Jona paki ayos yung display ng pagkain sa labas para may nakakatakam. Palitan mo ng kulay red na lightning para mukhang fresh lahat kahit nga fresh naman talaga"sabi ng babsng maayoa na ang hitsura baging gupit at mamahalin ang blusang suot."Madam Maribel yun delivery po ng mga perishable ay ngayon na ang dating mapapaaga daw po dahil sa nagbabantang bagyo sa Calabarson" sabi ng isa sa kanyang tauhan sa restaurant sa bayan ng Palawan.Tulad ng pangako sa kanya ni Donya Ysabel bukod sa pinatawad siya nito sa malaking kasalanan ay tinulungan siya nitong makabangon sa kalungkutan. Eto raw ang parusa sa nagawa niyang pagtatago sa apo nito, ang parusa niya ay ang pamahalaan at palaguin niya ang restauran na pag aari ni Berting. Noong mga unang linggo ay natatawa si Aling Maribel dahil hindi naman kase mukhang parusa ang ibinigay sa kanya ng matandang donya. Oo Mapapagod siya at mape pressure pero isang buwan lang lumipas nakatanggap siya ng malaking halaga bilang allowance daw niya
Matapos makampante ng mga Del Valle sa pagkakahuli kay Felix Mondragon, unti unti na rin nawala ang trauma ni Akesha at nanunbalik na ang normal na pamumuhay ng mga ito. Isang linggo ang lumipas ay bumalik na rin sila sa Maynila. Parehong nanirahan sa mansion ng mga Del Valle sina Athena at Akesha na himalang magkasundong magkasundo na. Si Akesha na sng namahala sa negosyo ng kanyang ama bilang tagapagmanan ng Lazarabal Realties. Humingi naman muna nang paumanhin si Donya Ysabel sa ama ni Akesya na hindi pa makakatulong si Berting sa negosyo ng mga ito sa ngayon dahil kailangan munang ihulma si Berting bilang isang Del Valle para mapalakas ang estado nito sa nga share holders tulad ni Elija noon. Hindi naman nahirapan si Akesha dahil sa pagsulpot ni Dexter Hermosa. Ang bagong kanang kamay ng kanyang ama. Isa itong abogado na nerekomenda ni Attorney Elija mismo. Kaibigan itong matalik ni Elija noong kolehiyo. Ginawa itong katuwang ni Akesha sa opisina bukod sa ito rin ang abog
"Ano? may ganung uri ng sea shell? nakakakamatay agad. As in may lason?" biglang totoong natakot si Almira. Hindi pa siya pwedeng ma tsugi kailangan na niyang maghiganti saka ayaw niyang magkulay violet ang bangkay niya hindi maganda yun kapag nasa kabaong na " sabi ni Almira."Ano Bro, iwan muna nating si Miss General dito? parang may narinig akong kaluskos sa dako roon " sabi in ELija sabay kindat kay Phillip."Hoy Teka, bakit ninyo ako iiwan kung delikado pala yung nakasugat sa akin. Sabi nyo namumutla na ako bakit nyo ako iiwan? sabi ni Almira."Eh, sabi mo kase dapat nandito ka dahil isang kang pulis. Sabi mo huwang naming maliitin ang kakayanan mo. Matapang ka diba at dapat nandito ka para masabi namin na hindi namain nilagay ang batas sa kamay namin dahil may kasama naman kaming pulis ng hulihin namin ang gagong iyon nagkataon nga lang na nanlaban kaya kinulata namin. Ganun na lang ang sasabihin namin Miss Generel" sabi pa ni Phillip ."Teka, akala ko ba dadalhin mo ako sa Villa