Share

Chapter 01

last update Huling Na-update: 2022-08-09 12:33:51

A 100 Million Dollar Head

Mabilis ang mga hakbang ni Kayla nang maramdaman niyang may sumusunod sa kan’ya. Karga-karga ang apat na taong gulang na anak, tagaktak ang pawis niya habang tumatakbo papalayo.

Sa tuwing dumudoble ang takbo niya ay gano’n din ang mga sumusunod sa kan’ya. Hindi siya natatakot para sa sarili kung hindi para kay Nabi. Hindi niya nais na madamay ito sa buhay niya na kinagisnan niya.

“Aling Rosa, p’wede pabantay naman ako ni Nabi ko. Aalis lang ako saglit. Nakalimutan ko ang gatas niya sa grocery. Sayang naman ‘yon,” dahilan ni Kayla habang hinihingal.

“Oo naman. Bakit ka ba hinihingal? Gusto mo ng tubig?” alok ng matanda pero tinanggihan niya. Agad na ibinigay niya ang inaantok na si Nabi sa matanda.

“Mama…” tawag ni Nabi. Nakakapagsalita na nang maayos si Nabi at palatanong na bata.

Hindi naman siya nahihirapan sa pagpapalaki ng anak dahil hindi naman makulit ito. Sumusunod sa kan’ya at naglalaro lang sa gilid.

“Yes, baby. Babalik din si Mama.” Bago umalis si Kayla ay hinalikan pa niya ang ulo nito. “Alis na po ako, Aling Rosa. Bibilisan ko po.”

Matagal ng nangungupahan sa maliit na apartment ni Aling Rosa si Kayla kasama ang anak. Sa tuwing may lakad siya, ibinibilin niya rito si Nabi at mabait naman ito sa kanila.

Bumalik si Kayla sa maliit na eskinita kung saan sila dumaan kanina. Tahimik ang paligid animo’y walang nakamanman. She leaned on the cemented wall and waited for someone to reveal himself. Patay-sindi ang ilaw na siyang nag-iisang nagbibigay ng liwanag sa kinaroroonan niya.

“Don’t make me wait. Anong kailangan n’yo?” mariing tanong niya kahit wala siyang nakikita.

Limang lalake ang nagpakita sa harap niya at puro nakasumbrerong itim. Nilaro-laro ni Kayla ang sapatos niya sa lupa at naghihintay sa susunod na hakbang ng mga ito.

“Fabio calls for you, Veronica.”

Veronica. Matagal na niyang iniwan ang pangalang Veronica apat na taon na ang nakakaraan. Bakit hindi na lang siya hayaan ng mga ito mamuhay nang payapa?

She scoffed. “Sabihin mo kay Fabio, hindi na ako babalik.”

“H’wag niyo na po kaming pahirapan, Veronica. Hindi magugustuhan ni Fabio ang sagot mo,” pahayag ng isa.

“Wala akong pake.”

Aakmang aalis na si Kayla nang may narinig siya mula sa cellphone ng lalake. Boses ‘yon ni Nabi at Aling Rosa na nakikipag-usap. Agad na nilingon niya ito at hindi siya nagkakamali.

Sa video, kinakausap ni Fabio ang anak niya at si Aling Rosa. Naka-video call ito. Kumaway pa si Fabio sa screen nang makitang nababahala si Kayla.

Mula sa cellphone nagsalita si Aling Rosa. “Ano ka ba naman, Kayla? Hindi mo sinabing dadalaw pala ang uncle mo rito. Sana nakapaghanda ako.”

“Fabio!” tawag ni Kayla na may diin. Nanlilisik ang mga mata nito habang patawa-tawa lang si Fabio sa screen.

Pinatay ng lalaki ang video call at itinago sa bulsa.

“Sasama ako,” tanging sagot niya.

Subalit bigla na lamang tumakas si Kayla mula sa mga lalake pabalik sa apartment nila. Hindi niya hahayaang hawakan ni Fabio ang anak niya. Magkamatayan na ang lahat.

Sa hindi kalayuan, isang lalaki ang nag-aabang kay Kayla at nakatutok ang baril nito sa kan’ya. Hindi ito namalayan ni Kayla sanhi ng paghandusay niya sa kalsada nang naiputok ang gatilyo.

Akala niya katapusan na niya pero hindi pala bala ng baril ang tumama sa bandang tiyan niya. Isang syringe na may asul na likido at unti-unti hinihigop ang lakas ng katawan niya.

Lumapit ang lalaking bumaril sa kan’ya at binuhat siya pangkasal. Wala na siyang lakas upang manlaban.

“Kung hindi lang matigas ang ulo mo, hindi na sana tayo aabot pa sa ganito,” ani ng lalake habang maingat siyang pinasok sa isang van.

Nanlalabo ang mga mata ni Kayla pero kilalang-kilala niya ang boses nito.

“Sirius. My dearest cousin.”

Nagising si Kayla sa pamilyar na silid. Medyo maayos na ang kan’yang pakiramdam at nakakabawi na ng lakas. Naalala niya ang anak at agad nagtangkang umalis. Ngunit lumuwa sa silid sina Fabio at Sirius na may nakakalokong ngiti.

“Hindi ganito ang usapan natin, Fabio. Nasaan ang anak ko?” bungad na tanong niya.

Umupo si Fabio sa bakanteng upuan samantala humiga naman si Sirius sa kama. Tiningnan niya ang dalawa nang masama.

“Wala naman tayong usapan, Veronica. Tumakas ka sa puder ko at hindi na nagpakita. Nalaman ko na lang na nagpabuntis ka na pala,” paliwanag ni Fabio sa kan’ya. “Isa pa, I have sent you emails within that seven years pero wala pa rin akong balita sa ‘yo.”

“Is that why you sent those bastards to have me killed?” panunuya niya. “Muntik na akong mamatay at si Papa Andres no’n.”

“Sa maniwala ka man o sa hindi, it wasn’t me. Hinanap nga kita, bakit kita papatayin? Isa pa, ikaw lang ang makakadisiplina niyang si Sirius.”

“Ba’t naman ako nasali d’yan? Nanahimik ako rito, eh,” reklamo ni Sirius habang nakanguso.

Binato siya ni Fabio—ang kan’yang ama—ng alarm clock. Buti at mabilis siya naharang niya ng unan. Pero hindi siya nakatakas sa pagbato ni Kayla ng tsinelas.

“Ang tanda-tanda mo na, Sirius. Magseryoso ka. Ako napapahamak sa ginagawa mo, eh.”

Isang taon ang tanda ni Sirius kay Kayla pero para itong bata kung umasta. Napaka-clingy sa kan’ya at puro pambabae ang inaatupag.

Tumikhim si Fabio dahilan upang tumahimik silang dalawa. Inayos ni Sirius ang sarili dahil sa takot nito kay Kayla nang pinandilatan niya ng mata.

“I need you to do something.” Biglang naging seryoso ang paligid. “Matagal ka ng hindi nakapag-training pero alam kong hindi pa rin nawawala ang galing mo. You’re still the best mercenary among your batch.”

Tiningnan ni Fabio si Sirius na may pagkadismaya. “Hindi ko rin naman puwede ‘to ipagkatiwala sa pinsan mo dahil magaling lang ‘yan sa pakikipaglaban but never in tactics and strategies.”

“Hindi ko gagawin.” Agad na tanggi ni Kayla sa kan’ya. “May anak na ako, Fabio. Maayos na ang buhay ko kasama ang anak ko. Tahimik at may kalayaan.”

“Hindi ka nga makabayad ng kuryente at tubig. ‘Yong upa mo kay Aling Rosa, long overdue na. Ang liit din ng kinikita mo bilang waitress sa restaurant na ‘yon,” dagdag ni Sirius na parang secret agent. “Tell me… us the truth, naghihirap ka na ba?”

Nanlaki ang mata ni Kayla. “Sinusundan mo ba ako?”

Agad na ikinaila ni Sirius ang paratang niya. “Hindi, hindi, ah. Hindi naman masarap pagkain nila.”

“Walang hiya ka talaga!” Babatukan na sana ito ni Kayla pero sumigaw si Fabio.

“Puwede ba kayong dalawa. Magsitigil kayo!” suway nito.

Tumigil sila at nag-uunahan pang sisihin ang isa’t-isa. Sumasakit na ang ulo ni Fabio sa bangayan ng dalawa pero kailangan niyang magtimpi.

“Veronica…” tawag ni Fabio.

“It’s Kayla, Fabio. Kayla. Hindi na ako si Veronica,” pagtatama niya.

Veronica is a merciless mercenary among her batch. Dahil sa determinasyon niyang mabuhay upang mahanap ang gumawa noon sa pamilya niya, lagi siyang nangunguna sa lahat ng trainings. Siya rin ang pinapadala sa mga delikadong misyon. In return, she’ll get the 40% income and the rest will be sent to Fabio. Tumigil lamang siya nang gabing yaon.

“Kailanman hindi mo maaalis sa sistema mo si Veronica. Hindi ka makakatakas dahil matatagpuan at matatagpuan ka ng mga naghihiganti sa ‘yo dahil sa pagpatay mo sa kaibigan o kamag-anak nila.”

“Dead men tell no tales, Fabio. At  hindi ako natatakot.”

“What about Nabi? Gusto mo siyang protektahan, hindi ba? This is the last time I will ask your help. Pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin. Just three months, Kayla. Three months.”

Kumunot ang noo niya. “Sino ba ‘yan at bakit ang tagal ng three months? Is he Hulk?”

Dati tumatagal lang ang misyon niya sa tatlong araw. At nagagawa niya ‘yon nang walang palya. Wala siyang iniiwan na ebidensya at malinis siya magtrabaho.

Tumawa si Fabio sa kan’ya at umiling.

“Hindi ko rin alam kung bakit tatlong buwan. Kagaya ng dati, we don’t know our clients. And it’s written in the conditions that we are not allowed to ask questions about them. Tanging profile lamang ng gusto nilang protektahan at ipapatay ang binibigay nila. About this person I’m talking about, this is his profile.” Binigay ni Fabio ang isang envelop sa kan’ya.

“He is Leandro Gavincci. He is the most eligible bachelor and renowed businessman in the international market. No. 1 sa lahat ng ginagawa maging sa kaniyang firm. A civil engineer and built his own company at the age of 19.”

“That’s impossible. Gaano ba siya katalino?”

Binasa ni Kayla ang profile nito habang nagpatuloy sa pagbibigay ng ibang information si Fabio.

“However, he disappeared five years years ago for six to seven months at bumalik ng walang alaala kung saan siya galing. Himala at nabuhay pa siya sa dami ng kalaban niya sa business industry.”

Kumunot ang noo ni Kayla at naalala ang araw na ‘yon. Pilit niyang iwinawakli sa isip na magkaibang tao ang tinutukoy ni Fabio. Pero habang tumatagal, nanginginig ang daliri niya habang nagbabasa.

He can’t be.

Sa huling piraso ng papel ay may nakadikit na litrato. Nakasuot ng formal na tuxedo. Seryoso ang mukha. Hindi marunong ngumiti. Mababakas sa tindig nito kung paano siya pinalaki. Proud, confident, at matalim ang titig. He seemed like someone who is in control. His gaze is menacingly evil.

Hindi napansin ni Kayla na tumulo na ang kan’yang luha sa litrato. Hindi luha ng pangungulila kung hindi luha ng galit na matagal nang namumuo.

Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking tinulungan nila ni Andres sa Digos sa bingit ng kamatayan. Ang lalaking nagturo sa kan’ya kung paano umibig, mamuhay ng tahimik, at sa huli ay iniwan siyang luhaan. Si Carlos.

Liar. Traitor. Ito ang mga salitang nagdi-depina sa lalaki.

“Okay ka lang, Kayla?” tanong ni Sirius pero hindi niya pinansin.

“Kilala mo ba siya?” tanong naman ni Fabio.

“How much is he and where can I see him?” tanging tugon ni Kayla sa dalawa imbes na sumagot.

“A 100 million dollars… and your freedom.”

Kaugnay na kabanata

  • The Forgotten Wife of Gavincci    Chapter 02

    A Crack of an Egg Nakauwi si Kayla sa kan’yang apartment umaga na. Dali-dali siyang pumunta sa tindahan ni Aling Rosa upang makahingi ng tawad dahil inumaga na siya. “Aling Rosa, pasensya na at natagalan ako. Nagkaroon lang ako ng emergency,” pagsisinungaling niya. Ngumiti si Aling Rosa sa kan’ya habang masaya siyang sinalubong ng anak. “Mama,” sabi ni Nabi. Niyakap niya agad ang anak at hindi na bumitaw. Napatawa na lang siya rito. “Walang problema, Kayla. Nasabihan naman ako ng uncle mo na uumagahin ka. At saka h’wag mo ng problemahin ang renta mo dahil binayaran na niya.” “Po?” gulat na tugon ni Kayla. Ngumiti na lang siya kay Aling Rosa at nagpasalamat. “Maraming salamat po sa pagbabantay, Aling Rosa. Babawi po ako sa inyo.” “Pabili po, ” sigaw ng isang bata. Tumango-tango lang si Aling Rosa at pinagpatuloy ang ginagawa. Agad niyang pinagbilhan ang bata at umalis naman sina Kayla. MALIIT lang ang inuupahan nina Kayla na k’warto. Kasya lang sa kanilang dalawa. Dalawang buw

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • The Forgotten Wife of Gavincci    Chapter 03

    An Offer I Could Definitely Refuse Matapos magpadala ng invitation si Fabio para sa isang limited auction event, agad naghanda si Kayla at inayos ang gamit niya. Iniwan niya si Nabi kay Mona pansamantala. Mula sa malayong parte ng event nakapuwesto si Kayla. Suot ang itim na tight pants at jacket, tinatago niya ang sarili sa dilim. Maghahating-gabi na at papunta na sa huling item. They started the art auctions pero ang totoo ay ang tunay na auction magsisimula na. Agad na ginamit ni Kayla ang sniper nang tinawag si Leandro sa podium para magbigay ng speech. Nang kalabitin na niya ang gatilyo, may naramdaman siyang tumusok sa kan’yang tagiliran. Pinikit niya ang mata dulot ng sakit no’n at tinanggal. Isa itong syringe na may asul na likido. Hindi batid ni Kayla kung anong klase ‘yon pero nararamdaman na niya ang epekto. If she’s not mistaken, it’s a liquid for someone to feel high sexual tension. Unti-unting nanlalabo ang paningin ni Kayla hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng mala

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • The Forgotten Wife of Gavincci    Chapter 04

    Too Much Sweets Hurt Kayla asked for a week preparation to move in. Gusto niya munang ipaliwanag sa anak kung bakit aalis na naman sila sa tinutuluyan nila. “To daddy’s house?” tanong ni Nabi. Kayla smiled. “Nope. You can call him uncle. Hindi naman ‘yon ang daddy, eh. What will my Nabi do to if we’re at uncle’s house?” “I’ll behave.” “Very good. Now, go to sleep.” Nang nakatulog na si Nabi, napabuntong-hininga siya habang nakikipag-usap kay Mona. “Sigurado ka ba sa gagawin mo? Hindi mo kilala ang taong ‘yon,” may pag-aalangan na sabi ni Mona. “Kilala ko si Carlos, Mona.” “Pero hindi na siya ‘yong dating Carlos na kilala mo. He has changed. Hindi nga natin alam kung may asawa na.” “I need a bulletproof for my kid.” “Sana ‘di mo sinunog mga litrato niya. Eh hindi sana alam ko kung paano ka matutulungan.” “You’re his new executive assistant. That’s more than enough.” Maagang pumasok si Kayla sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Kasabay din niya ang paghatid kay Nabi sa A

    Huling Na-update : 2023-04-30
  • The Forgotten Wife of Gavincci    Chapter 05

    Mansion’s Secret“She can’t eat too much sweets.”Gustong magmura ni Kayla pero pinigilan niya ang sarili dahil kaharap niya ang anak. He grabbed Nabi from Kayla and let her sit on the swing.“Do you feel hurt? Are you dizzy?” Maging si Leandro ay nag-aalala na rin. Her mother used to have Congenital hyperinsulinism. “Let’s go to the hospital.”“No, she’s fine. Wala namang symptoms.” Agad kinuha ni Kayla ang glucometer sa bag niya and measured Nabi’s sugar.“See. It’s still normal.”Magmamatigas pa sana si Leandro nang tumunog ang telepono niya.“Diego…” panimula niya.“Your meeting with Velasco has been cancelled. Galit na galit ang matanda sa ginawa mo kanina sa restaurant.”“I’ll be there.”Tiningnan niya si Nabi at Kayla na nag-aasikaso ng umalis. Kitang-kita niya sa mukha ni Kayla ang pagod.“I’ll give you a ride.”“It’s fine, Mr. Gavincci. Malapit lang din naman ang bahay namin dito.”“I insist. Look at your shoes.“Hindi alam ni Kayla kung saan nakakuha ng seatbelt for kids si

    Huling Na-update : 2023-05-01
  • The Forgotten Wife of Gavincci    Prologue

    Mula sa munting butas ng pinto nakasilip ang mga inosenteng mata ni Kayla. Hindi niya mawari kung ano ang nangyayari sa labas matapos siyang pagbilinan ng ama na huwag lalabas kahit na anong mangyari.“Kayla, h’wag na h’wag kang lalabas ng pintong ito, maliwanag? Babalik ang daddy.”Impit at sigaw ang mga naririnig ni Kayla mula sa loob. Muli siyang sumilip at nakitang nakatutok ang baril ng binata sa ulo ng ama. Rinig niyang nagmamakaawa ito ngunit hindi man lang pinakinggan ng binata.Sa halip ay pinutok nito ang gatilyo dahilan upang bumagsak ang ama. Dumaloy ang dugo sa makintab na sahig habang nakatingin ang ama sa kinaroroonan niya.Napasinghap ang walong sampung taong gulang na si Kayla at tahimik na umiiyak. Biglang lumingon ang binata sa kinaroroonan niya at dahan-dahang naglakad. Malakas ang kabog ng dibdib ni Kayla habang papalapit ito.Maliliit na mata ngunit matalim ang titig. Tila wala itong sinasanto… kahit sino ka man. Subalit, tinawag ang binata ng kung sinuman sa lab

    Huling Na-update : 2022-08-09

Pinakabagong kabanata

  • The Forgotten Wife of Gavincci    Chapter 01

    A 100 Million Dollar Head Mabilis ang mga hakbang ni Kayla nang maramdaman niyang may sumusunod sa kan’ya. Karga-karga ang apat na taong gulang na anak, tagaktak ang pawis niya habang tumatakbo papalayo. Sa tuwing dumudoble ang takbo niya ay gano’n din ang mga sumusunod sa kan’ya. Hindi siya natatakot para sa sarili kung hindi para kay Nabi. Hindi niya nais na madamay ito sa buhay niya na kinagisnan niya. “Aling Rosa, p’wede pabantay naman ako ni Nabi ko. Aalis lang ako saglit. Nakalimutan ko ang gatas niya sa grocery. Sayang naman ‘yon,” dahilan ni Kayla habang hinihingal. “Oo naman. Bakit ka ba hinihingal? Gusto mo ng tubig?” alok ng matanda pero tinanggihan niya. Agad na ibinigay niya ang inaantok na si Nabi sa matanda. “Mama…” tawag ni Nabi. Nakakapagsalita na nang maayos si Nabi at palatanong na bata. Hindi naman siya nahihirapan sa pagpapalaki ng anak dahil hindi naman makulit ito. Sumusunod sa kan’ya at naglalaro lang sa gilid. “Yes, baby. Babalik din si Mama.” Bago umali

  • The Forgotten Wife of Gavincci    Prologue

    Mula sa munting butas ng pinto nakasilip ang mga inosenteng mata ni Kayla. Hindi niya mawari kung ano ang nangyayari sa labas matapos siyang pagbilinan ng ama na huwag lalabas kahit na anong mangyari.“Kayla, h’wag na h’wag kang lalabas ng pintong ito, maliwanag? Babalik ang daddy.”Impit at sigaw ang mga naririnig ni Kayla mula sa loob. Muli siyang sumilip at nakitang nakatutok ang baril ng binata sa ulo ng ama. Rinig niyang nagmamakaawa ito ngunit hindi man lang pinakinggan ng binata.Sa halip ay pinutok nito ang gatilyo dahilan upang bumagsak ang ama. Dumaloy ang dugo sa makintab na sahig habang nakatingin ang ama sa kinaroroonan niya.Napasinghap ang walong sampung taong gulang na si Kayla at tahimik na umiiyak. Biglang lumingon ang binata sa kinaroroonan niya at dahan-dahang naglakad. Malakas ang kabog ng dibdib ni Kayla habang papalapit ito.Maliliit na mata ngunit matalim ang titig. Tila wala itong sinasanto… kahit sino ka man. Subalit, tinawag ang binata ng kung sinuman sa lab

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status