Chapter 35: Bati na ba tayo o hindiINAKALA ni Skylar na na si Audrey ay magpapakita ng ugaling isang nakatatandang kapatid at papagalitan si Barbara. Sasabihin nito na masyado si Barbara na makasarili at walang alam at ang ganitong ugali ay sisira sa magandang reputasyon ng kanilang negosyo. Pero hindi ni Skylar inaasahan na ang unang magsasalita ay ang matangkad na lalaki sa tabi niya. Si Jaxon. "Audrey, I want this store." Hindi ito tanong kundi utos. "Sige, aasikasuhin ko ang mga papeles para sa transfer mamaya." Isang luxury shop lang iyon. Hindi pipiliin ng Lim family na kalabanin si Jaxon dahil sa ganitong maliit na bagay. Halos maiyak si Barbara sa galit. Hindi lang tindahan ang nawala rito pati na rin dignidad nito. "Manager," malamig na sinabi ni Jaxon, kasabay ng bahagyang pag-angat ng labi nito. Takot na lumapit ang manager. "Mr. J-Jaxon, ano po ang kailangan ninyo?" Tiningnan ni Jaxon si Barbara nang malamig. "Tandaan mo ang mukha niya. Huwag na huwag mo siy
"Hmm?" Nag-angat ng tingin si Audrey mula sa strawberry platter, may 47-carat pink diamond ring sa bibig nito. "Alam kong bad mood ka lately, pero hindi naman kailangang gumastos ng ganito kalaki." Napakamahal ng dessert na ‘to, parang ang pera ng Lim family galing lang sa hangin."Maikli lang ang buhay, kaya dapat mag-enjoy habang kaya pa. Kakainin at iinumin ko na ang gusto ko habang buhay pa ako. Kung hindi, baka patayin ako ni Barbara at ng anak niya balang araw tapos ni hindi ko man lang naranasan ang masarap na pagkain," ani Audrey na parang walang pakialam, habang pinupunasan ang pink na diamond ring, inilagay nito iyon sa kahon ng alahas at iniabot kay Skylar. "Ano 'to?" Medyo kumunot ang noo ni Skylar, hindi niya maintindihan kung ano na naman ang trip ni Audrey. "Kunin mo. Ibigay mo kay Terra bilang regalo sa kanyang ika-18th birthday." Mabilis na tumanggi si Skylar, iniiling ang ulo. "Hindi, sobrang mahal nito. Hindi ko pwedeng tanggapin." Pinaningkitan siya ng mat
Chapter 36: Pampataas TAHIMIK ang buong kwarto, parang maririnig mo kung may nahulog na karayom. Ang malamig na mga mata ni Jaxon ay kabaligtaran ng mainit-init pang pagkain sa mesa. Mahigpit nitong pinipigilan ang emosyon at nanatiling tahimik habang ang mga labi nito ay bahagyang nakatikom. Nakatayo si Skylar sa gilid, naghihintay ng sagot mula sa lalaki, habang ang orasan sa dingding ay nagpatuloy sa paggalaw. Tahimik si Jaxon nang matagal—sobrang tagal na parang masakit na sa puso ni Skylar. Nang halos sumuko na siya sa paghihintay, nagsalita si Jaxon sa malalim at magaan na tono. "Let's sit and eat." Iba ang boses ni Jaxon ngayon kumpara dati. Hindi ito matigas, hindi mataas ang tono at puno ito ng matagal nang inaasam ni Skylar na lambing. Tinitigan ni Skylar ang mukha ni Jaxon na bahagyang lumambot. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya, pero bigla siyang nagsalita, "Jaxon, ayoko nang maging asawa mo lang dahil sa kontrata. Ayoko nang maghiwalay t
Hindi inaasahan ni Skylar ang tanong na iyon, kaya sandaling natulala siya. Pagkatapos ng ilang segundo, pinilit niyang ngumiti para itago ang kaba. "Oo, para masaktan tayo pareho."Tinitigan ni Jaxon ang tila walang pakialam na ngiti ni Skylar, biglang lumamig ang mga mata nito at mapait na ngumisi. "Kung ako sa'yo, tigilan mo na ang pag-aaksaya ng oras." "Ano'ng ibig mong sabihin? Niloloko mo ba ako?" galit na tanong ni Skylar habang mahigpit na kumakapit sa gilid ng mesa. Ang sabi nito, payag na itong ligawan niya?! "Ang ibig kong sabihin, kahit bigyan kita ng pagkakataong habulin ako, malabo mo akong maabot, lalo na ang iwanan ako, Skylar." Tumayo si Jaxon at tinitigan siya mula sa taas habang nakatingin sa maputlang mukha ni Skylar. "Kaya kung ako sa'yo, gawin mo na lang ang trabaho mo bilang isang contractual wife at kalimutan ang mga bagay na hindi kailanman magiging sa'yo. I won't belong to you. Keep that in mind." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Skylar. Naw
Chapter 37: Ang naglagay ng drógaNABUHUSAN ng tubig si Jeandric sa mukha. Hindi pa siya nakakaranas ng ganitong kahihiyan dati. Galit na galit siya, parang gusto niyang manakit. Pero bago pa man siya makapagsalita, inunahan na siya ni Jaxon at malamig ang boses na nagsalita. "Kung uulit ka pang lokohin ako ng ganitong klaseng biro, susunod sulfuric acid na ang ibubuhos ko sa 'yo." Sa sobrang galit ni Jeandric, nagtaas baba ang dibdíb niya. Sa isip niya, "Ano ba 'to? Sino bang in-offend ko? Kung alam ko lang, hindi ko na sana tinulungan si Skylar bilang middleman." Dahil sa kalokohan ni Jeandric, nawala ang gana ni Jaxon na kumain. "Ano ba ang kailangan mo at iniwan mo pa ang trabaho mo para pumunta rito at istorbohin ako?" Napangiwi si Jeandric, kumuha ng ilang tissue para punasan ang basa niyang mukha at matagal na tumahimik bago sumagot. "Sabi ni Skylar, nag-away daw kayo at ilang araw na kayong hindi nagkikita. Kaya pinapakiusap niya na kumbinsihin kitang magpakita na sa ka
Lumabas sina Jaxon at Jeandric at nang makita ang dami ng tao sa paligid, nainis si Jaxon. "Kuya, sino kaya ang babaeng iyon? Bakit ganun na lang ang reaksyon ni Skylar?" tanong ni Jeandric. Hindi sumagot si Jaxon. Sa halip, tinawagan niya si Wallace para humingi ng karagdagang tao para tumulong kay Skylar. Pagkatapos ng tawag, lumingon siya pero wala na si Jeandric.Ang pagiging isang reporter ay hindi lang tungkol sa pagpupuyat at pagsusulat ng mga articles. Kailangan din ng lakas at tibay ng loob na mas mataas kaysa sa karaniwan, para masabing magaling ka. Ang reporter na palihim na kumuha ng litrato nina Jaxon at Jeandric sa kanilang "sweet moment" ay huminto sa isang eskinita sa likod ng isang mataas na gusali matapos umiwas sa tao at lumiko sa kung saan-saan. Habang tinitingnan ang mga litrato sa kanyang cellphone, hindi niya maiwasang mapangiti. Alam niyang may hawak na siyang pambato para makapasok sa malaking media company. "Matagal na tayong hindi nagkikita," bigla
Chapter 38: BabaeHINDI tanga si Skylar. Napansin niyang sinabi ni Linda ang "nag-utos sa amin" imbes na "utos ko," na ibig sabihin, ang taong nag-utos kay Linda na lagyan siya ng dróga noong gabing iyon ay hindi ang dating boss ng kumpanya, kundi ibang tao. "Sino?" tanong niya habang naningkit ang mga mata na puno ng lamig at seryosong titig. "Ako," sagot ng isang malalim at malakas na boses mula sa eskinita ang narinig niya. Nagulat si Skylar at napatingin sa pinanggalingan ng boses, hindi makapaniwala sa nakita. "J-Jeandric?" Naglakad si Jeandric papalapit sa kanya, walang pang-itaas. Kitang-kita ang dragon tattoo sa dibdîb at braso nito na tila kumikislap sa init ng araw, nagbibigay ng kakaibang takot at misteryo. Pinikit ni Skylar ang kanyang mga mata nang ilang beses, umaasang nagkakamali lang siya ng nakikita. Ngunit ang Jeandric sa harap niya, pati ang tattoo nito, ay tila ibang tao—isang hindi niya lubos na kilala. Huminto si Jeandric sa harap niya at malamig na
Nainip na si Skylar. Tumingin siya kay Jaxon, kita sa mga mata niya ang frustration. "Jaxon, kung tunay kang lalaki, sagutin mo ako nang direkta. Tigilan mo na ang pag-aari sa katawan at puso ko pero hindi mo ako kayang mahalin nang buo."Gustong-gusto na ni Jaxon sakalin si Skylar. Ang babaeng ito, talaga namang walang utang na loob. Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa niya para kay Skylar nitong mga nakaraang araw? Tahimik na tinitigan ni Skylar ang mukha ni Jaxon habang mahigpit na nakalapat ang kanyang mga labi. Huminga siya nang malalim nang ilang beses at sa huli’y ibinaba na lang ang tingin niya nang may halong pagkadismaya. Takot siyang kung magpapatuloy siyang tumitig dito, hindi niya mapipigilan ang sarili na sugurin ito at kalmutin ang napakaguwapong mukha nito. Ang biyahe nila ay isang malaking pahirap. Matapos ang ilang liko na halos ikahilo niya, huminto rin ang sasakyan sa harap ng isang maliit na European-style na villa. Pagkababa niya ng sasakyan, agad siy
Chapter 205: Nahuli naMAKALIPAS ang dalawang oras, lumabas si Skylar mula sa banyo na nakabalot lang sa tuwalya. Nakita niya si Jaxon na nakatayo sa harap ng bintana, may hawak na baso ng red wine at pinagmamasdan ang liwanag ng buwan. Galit na galit siya. Sinabi niya na nga na buntis siya kaya dapat dahan-dahan lang at huwag masyadong madalas. Pero parang nagwala si Jaxon na parang lalaking ilang daang taon nang hindi nakatikim ng 'karne'. Kahit mas magaan na ang pwersa niya kumpara noon, doble naman ang tagal, kaya masakit ang bewang at likod ni Skylar at nangangatog ang mga binti niya. Mas grabe pa kaysa dati."Itong lalaking 'to!"Masamang tiningnan ni Skylar si Jaxon at pabulong na minura siya sa isip. Hawak-hawak ang masakit niyang bewang, binuksan niya ang kumot at humiga sa kama. Pagkahiga pa lang niya, tumunog ang cellphone sa tabi ng kama.May Telegràm message mula kay Julia. "Sky."Nakapikit si Skylar at napakunot ang noo. Gusto sana niyang sabihin kay Julia na ang hinaha
Chapter 204: ResultaTUNGKOL sa aksidente limang taon na ang nakalipas, matagal nang pinaghihinalaan nina Skylar at Jaxon na sinadya ng isang tao ang pagtulak sa kanya sa kalsada para mabangga ng sasakyan. Simula noon, pinahanap at pinaiimbestigahan na nila ang taong iyon.Sa kasamaang palad, wala sa sarili si Skylar noong oras na 'yon kaya hindi niya nakita ang itsura ng nagtulak sa kanya. Ang mga CCTV naman sa magkabilang kalsada, awtomatikong nade-delete ang mga recording tuwing ikapitong araw. Pagkatapos ng limang taon, wala nang natitirang original na video na maaaring gamiting ebidensya. Sina Wallace at Julia ay nakahanap ng ilang saksi noon sa aksidente, pero lahat sila nagsabi na masyado nang matagal at hindi na nila maalala.Ngayon, may isang tao na tila may malinaw na alaala tungkol sa aksidente, kaya biglang nagkaroon ng pag-asa si Skylar. Masaya siyang tumingin palayo sa karatula sa kalsada, ngumiti sa babae, at nilahad ang kamay nang magiliw."Hello, ako si Skylar, boss a
Chapter 203: Dating aksidenteNAGHIHINTAY sina Jaxon at Skylar kay Yssavel sa ward. Pero pagkatapos ng mahabang paghihintay, nakatanggap sila ng tawag mula kay Xalvien na nasa gate ng ospital at nakita niyang tinulungan ni Yssavel si Barbara na makaalis.Pagkababa ng tawag, biglang naging seryoso at madilim ang mukha ni Skylar. Tumingin siya kay Jaxon, diretso sa malalalim niyang mata, at malamig ang boses habang nagsalita."Si Yssavel mismo ang tumulong kay Barbara na makatakas sa ospital. Una si Xenara, tapos ngayon si Barbara, lahat ng gustong pumatay sa akin, kinampihan niya. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Kaya sa susunod na makipagbanggaan ako sa kanya, huwag mo akong pipigilan, kundi makikipag-divorce ako sa'yo."Hindi siya nagbibiro tungkol sa divorce. Seryoso si Skylar. Para sa kanya, kung kakampihan pa rin ni Jaxon si Yssavel, ibig sabihin hindi niya kayang magpakatino at hindi na siya karapat-dapat pagkatiwalaan.Tumingin si Jaxon palabas ng bintana, hindi siya sumagot.Akala
Chapter 202: KapahamakanPAGKAALIS ni Audrey mula sa opisina ni Dr. Leo, hindi siya nag-stay sa labas para makinig sa usapan nila, at hindi na rin siya lumingon pabalik. Nilabas niya agad ang cellphone niya at tumawag habang naglalakad."Sa loob ng kalahating araw, gusto kong malaman kung may anak sa labas si Wallace at sino-sino ang doktor ng nanay ko na nagsagawa para sa private DNA test nitong mga nakaraang araw, pati na rin ang mga resulta ng mga test. Kung hindi niyo mahahanap, mag-empake na kayo at umalis. Hindi ko kailangan ng inutil sa kumpanya ko."Pagkatapos ibigay ang utos sa tauhan niya, sanay na niyang chineck ang mga unread na text message. May 33 lahat, at 32 dito galing kay Jeandric na paulit-ulit humihingi ng tawad dahil muntik nang lumampas sa linya ang nagawa nito kagabi.Mabilis lang na tinignan ni Audrey ang mga messages at pagkatapos ay dinelete lahat nang walang ekspresyon sa mukha.Yung natira, si Xenara ang sender, at isang sentence lang ang laman.Audrey. Na
Chapter 201: DNA "BAKIT ako nandito..." Natigilan sandali si Audrey, pero agad din siyang nagbalik sa wisyo at sinabi sa mahinahong boses, "Nagising na ang mama ko."Totoo naman ito. Wala na sa panganib si Madison at nailipat na siya mula sa ICU papunta sa VIP luxury ward katabi ng kwarto ni Yssavel."Ang galing naman! Kanina pa ang sama ng pakiramdam ko buong umaga, buti na lang may magandang balita rin pala." Hindi napansin ni Skylar ang kakaibang reaksyon ni Audrey. Dahil sa balitang ligtas na si Madison, tuwang-tuwa siya na parang nanalo ng lotto. Napangiti si Audrey ng alanganin at tumingin kay Jaxon."Ikaw naman? Anong ginagawa mo sa ospital? Check-up mo ba ngayon?""May sakit ang mama ko.""Ha? May sakit si Tita?" Nanlaki ang mga mata ni Audrey sa gulat, sabay tanong, "Kailan pa? Grabe ba?""Nagka-false alarm lang." Maikli ang sagot ni Jaxon."Buti naman kung ganun." Lumihis si Audrey para pagbigyan sila. "Since dinalaw mo si Tita, hindi na kita iistorbohin. Babalikan ko na la
Chapter 200: GantiANG HINDI alam ni Barbara, mula pa kanina ay pinagmamasdan na siya ni Skylar, kahit pa parang hindi siya napapansin nito.Kung alam mong may kalaban kang gustong pumatay sa’yo at hindi ka pa rin mag-iingat, isa kang tanga.Tumakbo si Barbara papalapit kay Skylar, mabilis ang mga hakbang at kumikislap sa araw ang hawak niyang kutsilyo.Lalo siyang lumalapit, tatlong metro na lang ang pagitan nila. Dalawang hakbang na lang, itataas niya ang kutsilyo at susugod; patay na dapat si Skylar.Sakto namang napadaan si Skylar sa tabi ng kotse, at sa rearview mirror, nakita niya ang masama at mayabang na mukha ni Barbara. Napangisi siya nang may halong pang-aasar.Plano niya sana na pag sumugod na si Barbara, iiwas siya, pababagsakin ito nang paharap sa semento, tapos sasakyan, hahablutin ang buhok at sasampalin katulad ng ginawa niya kay Yssavel. Pero hindi niya inakalang may biglang makikisawsaw.“Barbara, anong balak mong gawin?” malamig na boses ng lalaki ang narinig.“Bit
Chapter 199: RecordingGUSTONG-GUSTO na ni Xenara malaman ang sagot. Napangisi si Skylar at ngumisi nang masama."Heh... anong ibig mong sabihin? Eh di..."Tumigil sandali si Skylar, hinabaan pa ang huling salita para asarin ang lahat at mas lalong naging tensyonado ang paligid. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang maayos pa ring nakaupo si Yssavel sa sofa, tuwid ang likod. Kalmado lang ang mukha niya, parang walang kaba. Ni hindi nanginginig ang kamay niyang humawak ng tasa ng tsaa. Parang matibay na bundok ang pagkakapanatag niya, walang makikitang bahid ng kaba o problema."Ano nga? Skylar, sabihin mo na!" sigaw ni Xenara, halatang hindi na makapaghintay."Eh di..." Hindi inalis ni Skylar ang tingin kay Yssavel habang dahan-dahang binigkas ang mga salita kay Xenara. "Eh di hindi anak ng ninang mo si Jaxon. Anak siya ng ninong mo sa ibang babae..."Pagkarinig ni Yssavel nun, bahagyang tumigil ang kilos niya habang umiinom ng tubig. Napangiti si Skylar.Mukhang hindi ininda ni Y
Chapter 198: PagsisinungalingKINABUKASAN, personal na pinangunahan ni Jaxon ang grupo pabalik sa Metro. Sina Skylar, Jaxon, at Terra ay magkasamang sumakay sa isang sasakyan gaya ng dati. Si Xalvien ang nagmamaneho. Ang ilang kasamang bodyguard ay nasa ibang sasakyan, habang sina Audrey at Jeandric naman ay magkasama sa isa pang sasakyan. Pero napilitan lang si Audrey na sumakay dahil pinilit siya ni Jeandric, wala siyang ibang magawa.Bukod kina Jeandric at Audrey, walang ibang nakakaalam kung ano ang nangyari sa loob ng kwarto kagabi. Pero pag-alis nila pauwi ng siyudad, napansin ni Skylar na may malalim na kiss mark sa leeg ni Audrey at may apat na malinaw na gasgas sa mukha ni Jeandric, halatang galos galing sa kalmot habang may ginagawa silang masama.Tahimik lang si Terra buong biyahe. Matanda na rin siya kaya alam niyang may nangyari kina Jeandric at Audrey kagabi. Kahit hindi man sila nag-séx, siguradong may yakapan, halikan, dikitan, at siguro kung ano pang bagay ang ginawa
Chapter 197: NalamanITO ang unang beses na namasyal si Audrey na silang dalawa lang ni Jaxon. Medyo kinakabahan siya. Dati, si Skylar lang ang may pribilehiyong ganito. Hindi niya inakalang magkakaroon siya ng pagkakataong maging masayang babae na sinusundan ni Jaxon at tinutulungan pa siyang magbitbit ng mga pinamili.Medyo mabilis ang tibok ng puso niya habang hinihipo ang hanay ng malamig na sabitan ng damit. Lutang siya at hindi man lang niya napapansin kung anong klase ng mga damit ang nasa harap niya.Bigla siyang naging sobrang thankful kay Jeandric dahil dinukot siya mula sa party at biglang nawala, na siyang naging dahilan kung bakit siya hinanap ni Jaxon. Kung hindi dahil doon, baka hindi niya maranasan ang mamili ng damit kasama si Jaxon na parang totoong magkasintahan.Si Jaxon na sumama sa kanya sa ilang tindahan at ginugol ang halos kalahating oras para bumili ng autumn clothes at thermal pants, ay halatang hindi ganoon kasaya tulad niya."Audrey, meron ba talagang gust