"Skylar, hindi dahil kinakampihan ko si Barbara. Sa totoo lang, mas mahalaga ka sa akin kaysa sa kanya. Pero limang taon na ang nakalipas, nangako ako kay Audrey na papakawalan si Barbara. Ayokong sirain ang pangako ko kay Audrey, kaya..." malungkot na sabi ni Jeandric."Ganoon na lang? Titiisin ko lahat ng sakit at lulunukin na lang ang lahat ng hirap?!" Galit na galit si Skylar. Kung ibang bagay lang ito, baka hindi na niya pinagtuunan ng pansin dahil pinsan ni Audrey si Barbara. Pero ang insidenteng ito ang sumira ng malaking bahagi ng buhay niya. Hindi lang niya natapos ang pag-aaral at nawalan ng tsansa na makahanap ng maayos na trabaho, kundi pati ang dangal at pagkatao niya ay labis na naapektuhan. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya malimutan ang araw na nilait siya ng mga kaklase. Pinagsabihan siyang mababa ang moral at bastos - pakawala. Hinagis nila ang mga gamit niya, pinunit ang kanyang damit at pinaalis siya sa eskwela. May ilang lalaking kaklase rin na nanood ng v
Chapter 33: Hinala"THEN TAKE it off. Tingin mo sinong natatakot sa gagawin mo, Skylar?" Desidido si Skylar sa banta kaya inabot niya ang zipper ng damit sa likod ng leeg niya at hinila pababa. Kitang-kita ang makinis niyang balat nang unti-unting lumilitaw dahil sa paghuhubàd niya ng damit. "Siraulo ka ba?!" Agad na lumaki ang mga mata ni Jaxon sa galit at mabilis na lumapit para pigilan siya. Lalo namang nasaktan si Skylar dahil sa matalas nitong boses. Tumingala siya at tinitigan si Jaxon, tapos ay bigla siyang umiyak. "Baliw ka talaga, Jaxon! Bakit mo ako sinisigawan..." Ang boses niyang puno ng hinanakit ay parang dagok sa puso ni Jaxon. "Tumigil ka nga!" Sigaw ni Jaxon, lalo pang nagalit dahil umiiyak siya. Gusto nitong paluin si Skylar para maramdaman nito kung ano talaga ang pagiging masungit. Pero mas lalo pang lumakas ang iyak ni Skylar. Namumula na ang mga mata niya habang bumubulong. "Ayoko tumigil... Buhatin mo ako... gaya ng dati..." Parang bata si Skylar na
"Gawin mo na lang ang inuutos ko. Ang dami mo pang sinasabi!" mariing sagot ni Jaxon na puno ng galit. Pagkatapos nito, agad niyang binaba ang tawag. Hindi naman niya gustong gawing komplikado ang lahat, pero ang problema, malinaw na ayaw ni Skylar magsalita tungkol sa nararamdaman nito. Kung gusto nitong magkwento, hindi sana ito umiiyak nang walang sinasabi. Mahimbing ang tulog ni Skylar, kaya hindi siya nagising kahit na nakarating na sila sa bahay. Dahan-dahang binuhat siya ni Jaxon papunta sa banyo. Tinanggal niya ang damit nitong amoy alak, hinugasan ang katawan niya gamit ang maligamgam na tubig at sabon, at pagkatapos ay inilagay siya sa kama at tinakpan ng kumot. Basa pa ang suot ni Jaxon habang nakaupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang bahagyang namumulang pisngi ni Skylar. Unti-unting nawala ang lamig sa kanyang mga mata, at yumuko siya para halikan nang marahan ang noo nito. "Good night," mahinang sabi niya, puno ng lambing. Kinabukasan, paggising ni Skyla
Chapter 34: Kapatid sa labasBAHAGYANG tumaas ang kilay ni Audrey. "Alam mo bang si Barbara ang nagpakalat ng pekeng malaswang video mo?" Tumango si Skylar. "Oh..." Tinanggal ni Audrey ang sunglasses nito, tumingala sa langit at huminga nang malalim. Sa tiyak na tono, nagsalita ito. "Ibig sabihin, alam mo rin na ako ang nag-utos kay Jeandric na humanap ng scapegoat para sa kanya." Bahagyang tumango si Skylar. Kumunot ang noo ni Audrey at tumingin nang diretso sa mga mata ni Skylar. "Galit ka ba sa akin?" Umiling si Skylar. "Pinsan mo siya kaya natural lang na protektahan mo siya." Napangisi si Audrey at isinuot muli ang sunglasses. "Kung ako lang, gusto ko na ngang patayin siya." Nanlaki ang mga mata ni Skylar sa narinig dahil hindi niya inaaasahan iyon kay Audrey. Laging nakakaalalay si Audrey kay Barbara na parang babysitter na nga ito kaya ang malaman pala na may may galit pala si Audrey na sobrang lalim kay Barbara ay kagulat-gulat. Habang naglalakad si Audrey papa
Tiningnan ng saleslady ang black card, bahagyang nanginig ang bibig nito at namula ang mukha sa kahihiyan. Napangiti si Skylar sa nakita at saka nagtanong. "Pwede mo na bang i-wrap ito para sa akin ngayon?" Nahihiya, tumango ang saleslady, nanginginig ang mga kamay habang kinukuha ang bracelet mula sa counter. Halos tumulo ang pawis nito sa noo sa kaba. Sa buong mundo, ang may hawak ng black card ay alinman sa mga sikat na personalidad o mga super wealthy people sa upper class. Alinman sa dalawa, hindi nito kayang bastusin o balewalain ang mga ito. Pero kanina, trinato nito nang masama ang may-ari ng black card na ito. Alam ng saleslady na literal na naghukay ito ng sarili nitong libingan. Habang nanginginig ang saleslady na kinukuha ang bracelet mula sa counter, pinilit nitong ngumiti at ipinaliwanag ang disenyo at craftsmanship ng bracelet kay Skylar, umaasa na makakabawi ito. Pero biglang sumulpot si Barbara. "Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ‘yan, akin na ang bracelet
Chapter 35: Bati na ba tayo o hindiINAKALA ni Skylar na na si Audrey ay magpapakita ng ugaling isang nakatatandang kapatid at papagalitan si Barbara. Sasabihin nito na masyado si Barbara na makasarili at walang alam at ang ganitong ugali ay sisira sa magandang reputasyon ng kanilang negosyo. Pero hindi ni Skylar inaasahan na ang unang magsasalita ay ang matangkad na lalaki sa tabi niya. Si Jaxon. "Audrey, I want this store." Hindi ito tanong kundi utos. "Sige, aasikasuhin ko ang mga papeles para sa transfer mamaya." Isang luxury shop lang iyon. Hindi pipiliin ng Lim family na kalabanin si Jaxon dahil sa ganitong maliit na bagay. Halos maiyak si Barbara sa galit. Hindi lang tindahan ang nawala rito pati na rin dignidad nito. "Manager," malamig na sinabi ni Jaxon, kasabay ng bahagyang pag-angat ng labi nito. Takot na lumapit ang manager. "Mr. J-Jaxon, ano po ang kailangan ninyo?" Tiningnan ni Jaxon si Barbara nang malamig. "Tandaan mo ang mukha niya. Huwag na huwag mo siy
"Hmm?" Nag-angat ng tingin si Audrey mula sa strawberry platter, may 47-carat pink diamond ring sa bibig nito. "Alam kong bad mood ka lately, pero hindi naman kailangang gumastos ng ganito kalaki." Napakamahal ng dessert na ‘to, parang ang pera ng Lim family galing lang sa hangin."Maikli lang ang buhay, kaya dapat mag-enjoy habang kaya pa. Kakainin at iinumin ko na ang gusto ko habang buhay pa ako. Kung hindi, baka patayin ako ni Barbara at ng anak niya balang araw tapos ni hindi ko man lang naranasan ang masarap na pagkain," ani Audrey na parang walang pakialam, habang pinupunasan ang pink na diamond ring, inilagay nito iyon sa kahon ng alahas at iniabot kay Skylar. "Ano 'to?" Medyo kumunot ang noo ni Skylar, hindi niya maintindihan kung ano na naman ang trip ni Audrey. "Kunin mo. Ibigay mo kay Terra bilang regalo sa kanyang ika-18th birthday." Mabilis na tumanggi si Skylar, iniiling ang ulo. "Hindi, sobrang mahal nito. Hindi ko pwedeng tanggapin." Pinaningkitan siya ng mat
Chapter 36: Pampataas TAHIMIK ang buong kwarto, parang maririnig mo kung may nahulog na karayom. Ang malamig na mga mata ni Jaxon ay kabaligtaran ng mainit-init pang pagkain sa mesa. Mahigpit nitong pinipigilan ang emosyon at nanatiling tahimik habang ang mga labi nito ay bahagyang nakatikom. Nakatayo si Skylar sa gilid, naghihintay ng sagot mula sa lalaki, habang ang orasan sa dingding ay nagpatuloy sa paggalaw. Tahimik si Jaxon nang matagal—sobrang tagal na parang masakit na sa puso ni Skylar. Nang halos sumuko na siya sa paghihintay, nagsalita si Jaxon sa malalim at magaan na tono. "Let's sit and eat." Iba ang boses ni Jaxon ngayon kumpara dati. Hindi ito matigas, hindi mataas ang tono at puno ito ng matagal nang inaasam ni Skylar na lambing. Tinitigan ni Skylar ang mukha ni Jaxon na bahagyang lumambot. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya, pero bigla siyang nagsalita, "Jaxon, ayoko nang maging asawa mo lang dahil sa kontrata. Ayoko nang maghiwalay t
[Trigger Warning: Some uncomfortable scene ahead]“Umakyat ka nga at tingnan mo kung gising na si Second Young Lady. Sabihin mong handa na ang almusal. Pababa mo na siya agad para mainit pa ang pagkain.”Pero hindi gumalaw ang kasambahay. Tiningnan muna si Beatrice, tapos mahina siyang nagsalita.“Sir, Ma’am… parang hindi po umuwi si Second Young Lady kagabi. Kaninang umaga habang naglilinis ako sa itaas, bukas ang pinto ng kwarto niya at wala siyang laman.”"Ano?! Hindi umuwi si Barbara kagabi?" Napalaking gulat ni Beatrice habang nakatingin kina Audrey at Harvey.Agad ding tumingin si Zedrick sa kanila ng seryoso: "Anong nangyari?""Huwag mo akong tanungin. Hindi ba't gusto n'yong ireto ako sa blind date ko? Siya ang kasama ko kagabi," sagot ni Harvey na patuloy lang sa pagkain na parang walang pakialam.Si Audrey naman, dahan-dahang ininom ang gatas sa kanyang tasa bago sumagot ng mabagal: "May sarili naman siyang paa. Kung gusto niyang tumakas kasama ang ibang lalaki at ayaw nang
Chapter 164: Kinahantungan ni BarbaraITO pala talaga ang pakay ni Jeandric.Biglang parang nadurog ang puso ni Audrey. Tinitigan niya si Jeandric nang malamig, kita sa mga mata niya ang konting panunuya. “Jeandric, akala ko mahal mo talaga ako, pero sa huli, katawan ko lang pala ang habol mo. Ang babaw ng pagmamahal mo.”Napangiti si Jeandric nang pilit, binuksan ang pinto ng kotse, at pilit siyang pinapasok. Mahina ang boses niya, may halong sakit na hirap mapansin. “Binigyan kita ng mas magandang option pero ayaw mo.”Tumalikod siya papunta sa driver’s seat. Medyo mabigat ang hakbang niya.Alam ng Diyos kung gaano niya gustong gawin kay Audrey ang ginawa ni Jaxon kay Skylar, ibigay ang buong mundo sa babae para mapasaya siya. Gusto niyang maranasan ni Audrey ang klase ng kaligayahan ni Skylar.Pero ayaw sa kanya ni Audrey. Kaya hindi niya kasalanan kung ganito.Pagkasakay sa kotse, hindi agad pinaandar ni Jeandric ang sasakyan. Tumingin lang siya sa unahan, seryoso ang mukha, at ti
Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Jun mula sa lugar na hindi nahahagip ng CCTV. Nakasuot din siya ng kumpletong disguise. Pinalitan niya ang plaka ng kotse ni Xalvien, tapos binuksan ang pinto at sumakay sa passenger seat.Ang bagong plaka ay kaparehong-kapareho ng kotse na madalas gamitin ni Zeyn kamakailan."Salamat, bro. Gabi na, tapos ginulo pa kita sa lambingan nyo ng girlfriend mo para lang tumulong sa misyon," sabi ni Xalvien sabay abot ng sigarilyo kay Jun."Salamat-salamat, wala ‘yan!" sagot ni Jun na seryoso ang tono. "Si Skylar ang nagbigay sa’kin ng panibagong buhay. Dati isa lang akong hampaslupa sa palengke, ngayon, daan-daang libo na ang sahod ko kada buwan. Tapos tinulungan pa niya kaming magkaayos ni Zandra. Ngayon, minsan nakakatulog na akong kayakap si Zandra. Lahat ‘yon dahil kay Skylar! Eh kahit utusan pa niya ako pumatay o magsunog, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan!"Pinindot ni Xalvien ang lighter, sinindihan ang sigarilyo ni Jun, at ngumiti."Sa tot
Chapter 163: Sleep with youSa HULI, sinunod ni Skylar ang utos ni Jaxon at inutusan si Xalvien na dalhin si Barbara sa northern district ng siyudad. Ang ganitong klaseng babaeng masama at ayaw magbago, kailangang pagbayarin ng matindi para matuto.Pagkababa ng tawag, umikot na si Skylar para bumalik at panoorin ang laban sa chess nina Jaxon at Jeandric, pero biglang nakita niya si Jeandric na ginulo ang lahat ng pyesa sa chessboard."Ayoko na, ayoko na, lagi na lang akong talo!" reklamo ni Jeandric habang masama ang tingin kay Jaxon. "Hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan minsan?""Eh, hindi naman nakakahiya matalo sa akin palagi sa chess," sagot ni Jaxon, habang kinawayan si Skylar para umupo sa kandungan niya. Niyakap niya ito sa baywang at parang nananadya pa, tumingin kay Jeandric gamit ang mapanuksong mga mata."Si Skylar at ako may second baby na, ikaw, ni hindi mo pa nga nahahawakan ang kamay ni Audrey, nakakahiya naman!"Biglang tumaas ang kilay ni Jeandric at sumagot nang may in
“Wag mo na akong bigyan ng maraming dahilan.” Tiningnan siya ni Jaxon ng masama gamit ang matalim niyang mga mata. “Sabihin mo na lang kung gusto mong gumimik!”Dahil diretsahan na ang sinabi ni Jaxon, wala na ring dahilan si Skylar para magsinungaling pa. Tumayo siya sa dulo ng paa at yumakap sa leeg ni Jaxon habang malambing ang boses.“Sige na mahal, wag ka na magalit. 40 days pa lang ‘yung baby, maliit pa lang na embryo. Pwede pa rin akong mamuhay ng normal. Basta hindi ako iinom at hindi mag-o-overwork sa galaw, okay lang ang baby natin.”“Ha!” Napangisi si Jaxon nang pilit at galit ang tanong niya, “So sa sinabi mong ‘yan, ibig sabihin ba sinayang ko lang lahat ng pagpipigil ko nitong mga araw na ‘to? Basta dahan-dahan lang, okay lang kahit sampung beses sa isang araw?”“Hindi naman imposible... basta gentle ka lang...” sabay yuko ni Skylar at marahang tinapik-tapik ang dibdib ni Jaxon gamit ang mga daliri. Malambing ang boses niya, halos parang bulong, at ‘yung kaunting hiya ha
Chapter 162: Mission UnaccomplishedANG pinaka-nakakatakot sa mundo ay hindi ang puso ng tao, kundi ang talino na gagamitin sa masama. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Zeyn, napagtanto ni Barbara na ang tanga-tanga niya noon. Hindi siya marunong dumiskarte. Palaging bara-bara ang galaw niya kaya siya palaging talo.Katulad ngayon, nang malaman niyang buntis si Skylar mula kay Audrey, ang una niyang naramdaman ay galit.Bakit siya laging naglalakad sa gilid ng bangin, laging takot na mawala ang pabor ng ama niyang si Zedrick, at baka ipadala na naman siya sa ibang bansa? Samantalang si Skylar at Jaxon ay masaya at mas lalong nagkakamabutihan. Hindi niya matanggap.Nangako siyang tatanggalin ang bata sa sinapupunan ni Skylar, para maranasan nitong muli ang sakit ng pagkawala ng anak! Pero ang unang ideyang pumasok sa isip niya ay haluan ng kung ano ang pagkain ni Skylar, katulad ng ginawa ng nanay niya noon tangkang patayin ang nanay at bunsong kapatid ni Audrey.Hindi niya inakala na
Makalipas ang limang segundo, hindi pa rin inaalis ni Audrey ang mukha niya sa tiyan ni Skylar.Nakayuko si Skylar habang pinagmamasdan ang tahimik na mukha ni Audrey. Habang tinitingnan niya ito, lalo siyang naaawa.“Audrey...” mahina niyang tanong, bahagyang nakataas ang pulang labi, “Talaga bang bibitawan mo na si Kris?”“Bakit? Ayaw mo ba akong bumitaw?” biglang tinaas ni Audrey ang ulo niya at ngumiti.“Uh…” Napaisip si Skylar, “Ayoko lang makita kang nahihirapan. Kung mahal mo pa rin si Kris at gusto mo pa ring ikaw ang mapangasawa niya, ‘wag ka muna sumuko. Baka sakaling, kung magtiyaga ka pa ng kaunti, makuha mo rin ang puso niya.”Napatingin si Audrey sa kanya na may gulat. Hindi niya inakala na hikayatin pa siya ni Skylar na ipaglaban ang pag-ibig.“Ang tanga mo talaga,” mapait na ngiti ni Audrey at marahang pinalo sa hita si Skylar. “Mahal ka ni Kris. Hindi ka ba natatakot na baka sa huli hindi ko pa rin siya makuha, tapos mainggit ako, masiraan ng bait, sisihin ka sa lahat
Chapter 161: Planong MiscarriageBUMABA ang ulo ni Barbara ayon sa direksyon ng tingin ni Zeyn, at nakita niyang nakatitig ito nang hayagan at puno ng pagnanasa sa hubog sa bandang itaas ng kanyang makitid na baywang. Imbes na mainis, ngumiti pa siya nang palihim sa tuwa.Si Zeyn ay kilalang personalidad sa hanay ng mga anak ng mayayamang pamilya, hindi lang dito sa bansa kundi pati sa abroad. Ang kagandahan niyang nakakuha ng atensyon ni Zeyn ay patunay na maganda talaga siya.Napansin ni Zeyn ang palihim na ngiti ni Barbara, kaya agad siyang ngumiti nang may halong paghamak.Maganda lang ito sa panlabas, pero wala namang laman. Para sa kanya, ang mga babaeng ganito, kahit gaano pa kaganda, ay hindi karapat-dapat mahalin nang totoo, panandalian lang sila; pampalipas oras.May halong kalokohan ang ngiti sa mata ni Zeyn habang lumapit siya kay Barbara. Tumigil siya sa tabi nito, tumingin sa unahan, itinaas ang kanyang braso at sinenyasan si Barbara na kumapit: "Tara na."Hindi tumanggi
Si Santi ay nagsabi na mayroon siyang magandang at malalim na relasyon sa kanyang mga magulang, pero puno ng pagdududa ang mga salita niya. Matapos mag-isip nang matagal, gumawa si Jaxon ng matapang na hula. Maliban na lang kung si Santi at ang kanyang ina na si Yssavel ay may hindi malamang kwento, halimbawa, isang magandang pagkikita sa isang araw ng isang partikular na buwan sa isang lugar na hindi alam ni Wallace. Nagkagustuhan sila, at pagkatapos… Pero bago pa lumalim ang hinala niya, agad niyang itinanggi ang sarili niyang iniisip. Imposible iyon. Mas hawig niya ang kanyang ama, mga 70% ang pagkakahawig at wala siyang kamukha kay Santi. Bukod pa rito, mahal na mahal ng kanyang ina ang kanyang ama, kaya imposibleng gawin niya ang isang ganoong bagay. Baka iniisip lang niyang masyado. Doktor si Santi, kaya maaaring nagkataon lang na nasa tabi ng kanyang ina nang siya ay ipanganak at tinulungan siyang manganak. At mula roon, sinabi niyang magkaibigan sila hanggang kamatay