Parang hindi siya takot mamatay, parang gusto pa nga niyang mamatay.Doon natauhan si Skylar. Agad niyang binitiwan si Xenara at malamig na tinitigan ito."Gusto mong pilitin akong patayin ka. Gusto mong gamitin ang ganitong paraan para mapagbintangan ako ng pagpatay. Kapag nagawa mo iyon, siguradong kamumuhian ako nang todo ng mga magulang ni Jaxon at hinding-hindi na nila ako matatanggap, tama ba?"Biglang nagbago ang ekspresyon ni Xenara. Mabilis na nawala ang kumpiyansa sa kanyang mukha, napalitan ng pagkadismaya at kawalan ng tiwala."Imposible! Ang galing kong magtago. Halos malunod ka na sa galit kanina! Paano mo nalaman ang plano ko?"Ngumiti si Skylar, puno ng pang-uuyam ang kanyang mga mata. Tumayo siya at lumayo kay Xenara."Xenara, kung ikukumpara ka sa mga totoong artista, kulang pa rin ang galing mo sa pag-arte."Kung kanina lang ay pumalag at sumigaw si Xenara habang sinasakal siya, at kung wala siyang misteryosong ngiti sa kanyang mga mata, baka tuluyan na ngang napata
Chapter 132: TagapaligoSA HARAP ng pagtatanong ni Jaxon, biglang nag-iba ang ugali ni Xenara kumpara sa pakikitungo niya kay Skylar.Dahan-dahan siyang lumabas mula sa yakap ni Darcey, puno ng pag-asa ang mga mata habang hinahanap ang malamig na tingin ni Jaxon, at maingat na nagtanong, "Kuya, kung sabihin kong hindi ko ginawa ‘yon, maniniwala ka ba sa akin?"Saglit siyang tinitigan ni Jaxon nang walang emosyon, bago malamig na nagsalita mula sa kanyang manipis na labi."Iimbestigahan ko itong mabuti, at umaasa akong totoo ang sinabi mo."Ibig sabihin, hindi siya basta-basta maniniwala. Binibigyan lang niya si Xenara ng pagkakataong magsabi ng totoo. Kapag nalaman niyang nagsisinungaling ito, haharapin ni Xenara ang mga magiging consequences.Hindi naman bobo si Xenara kaya naintindihan niya agad ang babala sa tono ng boses ni Jaxon. Mapait siyang ngumiti at muling ibinaon ang mukha sa dibdib ni Darcey."Let's go."Tumango nang bahagya si Darcey, tumingin saglit kay Jaxon bilang pama
Matalim ang mukha ni Jaxon, seryoso ang bawat salita.Natigilan si Skylar. Ibig sabihin, handa si Jaxon itakwil ang sarili niyang pamilya para sa kanya. Parang masama pakinggan, pero sa totoo lang, nasisiyahan siya roon. Naluha siya, suminghot, at niyakap si Jaxon."Ayoko namang magkasira kayo ng pamilya mo dahil sa akin, ayoko ring matawag kang walang utang na loob. Kung kailangang magbayad ni Xenara sa mga kasalanan niya, ako na ang bahala. Simula't sapul, hindi naman maganda ang tingin sa akin ng mga magulang mo. Isang kasalanan na madagdag, wala namang magbabago."Pagkatapos niyang magsalita, may biglang bumagsak sa sahig. Mahina lang ang tunog, parang damit o tuwalya. Bigla siyang nakaramdam ng lamig.Napatingin si Skylar pababa.Nakahandusay sa paanan niya ang isang damit, walang iba kundi ang kanyang nightgown!"Jaxon!" Napapikit siya sa inis, ayaw na niyang makita ang walang-hiya at makapal na mukhang lalaki sa harap niya. Pinipigil ang galit, nagtanong siya, "So, lahat ng si
Chapter 133: UsapanSA PAGHAHAMBING, mas nakakatakot ang sobrang seryoso na mukha ni Jaxon kaysa sa matinding galit sa mga mata ni Jeandric."Jeandric, kung alam mo ang mabuti sa 'yo aalis ka na ngayon din. Hindi mo ba alam na istorbo ka?!"Alam ni Skylar na ayaw makipaglaban ni Jaxon kay Jeandric.Pero hindi iyon pinansin ni Jeandric. Mabilis siyang lumapit at biglang sumuntok papunta sa mukha ni Jaxon.Nakita ni Jaxon ang paparating na suntok. Ang kanyang matatalim na mata ay bahagyang nanliit at biglang may emosyong dumaan doon na kinalamig ng ekspresyon nito. Bahagyang inikot ni Jaxon ang katawan niya, itinagilid ang ulo at iniwasan ang suntok ni Jeandric.Kasabay nito, mabilis niyang hinawakan ang pulso ni Jeandric gamit ang mahaba niyang braso, inikot ang katawan niya at inihagis si Jeandric nang malakas sa sahig gamit ang isang over-the-shoulder throw.Pero hindi basta sumusuko si Jeandric. Hinawakan nito ang dibdib nito, huminga nang malalim, saka itinukod ang mga kamay sa sah
"Huwag kang mag-alala. Kilala natin si Barbara. Alam nating hindi siya magpapaka-simpleng ‘anak’ lang ng Lim family. Matagal na siyang nagpaplano at hindi papayag na wala siyang kapangyarihan. Hintayin lang natin. Hindi magtatagal, ipapakita rin niya ang totoong motibo niya. At kapag dumating ang araw na ‘yon, saka natin siya labanan.""Oo," tumango si Audrey. "Wala na tayong ibang magagawa sa ngayon."Matapos inumin ang fish soup, nagkwentuhan pa sandali sina Skylar at Audrey hanggang sa makatulog ito.Tiningnan ni Skylar ang mahimbing na mukha ni Audrey, ngumiti, at umiling. Tumayo siya, inayos ang kumot nito, at lumabas ng kwarto matapos sabihin sa nurse na bantayan si Audrey hanggang maubos ang gamot sa dextrose.Pagkalabas niya ng kwarto at bago pa maisara ang pinto, narinig niya ang kalabog ng mga bagay na nababasag mula sa kabilang kwarto, kasabay ng malakas na pagtatalo.Sa boses pa lang, halata niyang sina Barbara at Xenara ang nag-aaway.Kumunot ang noo ni Skylar at tahimik
Chapter 134: Nakipag-awayKALALABAS pa lang ni Skylar ng ospital nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang hindi pamilyar na numero ang naka-display. Nang sinagot niya ito, boses ni Zandra ang narinig niya."Ano? Ikaw ang teacher ni Terra?" Nanlaki ang mata ni Skylar sa gulat. "Huwag mo akong niloloko! Hindi ngayon April Fool's Day!"Naiinis si Zandra. Nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. "Skylar, may master’s degree ako! Bakit hindi ako pwedeng maging teacher?! Sa tingin mo ba, wala akong alam o sadyang masama lang ang ugali ko? Ha?!""Syempre masama ang ugali mo! Kailangan pa bang itanong ‘yan? Sa asal mong parang ikaw lang ang laging tama, wala kang pakialam sa iba, at hindi mo sinusunod ang kahit anong patakaran, anong klaseng teacher ka? Baka puro pasaway ang maging estudyante mo!"Umiling si Skylar habang natatawa. Hindi niya maintindihan kung anong pumasok sa isip ng paaralan at tinanggap nilang maging teacher si Zandra. Lumaki itong mayaman, palaging matigas ang ulo
Tumayo si Terra mula sa likuran ni Skylar, hindi na niya kayang tiisin ang lahat."Tita, wala ka na bang hiya? Ang anak mo ang nagsimula ng gulo ngayon, hindi ako!""Siya ang humila sa akin pababa ng hagdan, hindi ako!""Hindi nagdugo ang ulo ko dahil naawa sa akin ang Diyos. Pero ‘yung anak mong si Faisal, ayan ang napala niya! Kahit pa mamatay siya sa operasyon ngayon, kasalanan niya ‘yon at deserve niya ‘yon!"Sa narinig, nagpanting ang tenga ng ina ni Faisal sa galit. Nanginginig siya mula ulo hanggang paa. Itinuro niya si Zandra at sumigaw,"Narinig mo ‘yon?! Ang anak ko nasa operating room, hindi pa alam kung mabubuhay o mamamatay, pero itong batang ‘to, hindi man lang nagsisisi! Sinusumpa pa niya ang anak ko na mamatay! Ganyan ba ang tinuturo mo sa estudyante mo, Teacher Zandra?"Gusto sanang pakalmahin ni Zandra si Mrs. Hernandez, pero nainis siya sa tono nito."Mrs. Hernandez, anong ibig mong sabihin? Sinisisi mo ako na hindi ko tinuturuan nang maayos ang mga estudyante ko? K
Chapter 135: Hindi ka mahalNAG-INIT ang ulo ni Terra nang maalala niya ang dahilan ng away nila ni Faisal. Matindi ang tingin niya kay Mrs. Hernandez bago sumagot kay Skylar."Hindi ko alam kung sino ang nag-upload ng mga hubad mong larawan sa forum ng eskwelahan natin. Moderator si Faisal Hernandez ng forum na ‘yon. Pero imbes na burahin ang post, siya pa ang nanguna sa pagkomento ng mga bastos na salita. Ang sabi niya, may natural kang malaking dibdib at bilugang pwet at balang araw, gusto ka raw niyang matikman!" galit na turan ni Terra, nagtaas baba ang dibdib nito sa galit. "...Nagalit ako kaya pinilit ko siyang burahin ang post at humingi ng public apology. Pero tumanggi siya at sinabi ang kung anu-anong pang-insulto sa akin. Halos pareho ng sinabi ni Mrs. Hernandez kanina, na wala akong kwenta at hindi ako bagay sa St. Martha's College.""Dahil doon, sinabihan ko siyang inutil at pabigat. Sabi ko, pinalayas na siya ng pamilya Hernandez at wala siyang kakayahang mabuhay nang m
At bukod pa roon, may kalayaan si Kris na pumili para sa sarili niya, at wala siyang karapatang makialam.Biglang ngumiti si Kris, pero may pait sa kanyang ngiti. Tapos seryoso siyang nagtanong, "Skylar, kung si Jaxon ang kaharap mo ngayon, sasabihin mo rin ba ang parehong bagay sa kanya? Kahit pa maging magkalaban kayo sa negosyo, magiging ganyan ka pa rin ba sa kanya katulad ng pakikitungo mo sa akin?""Hindi."Nang makita ni Kris ang diretsahan at siguradong sagot ni Skylar, parang bigla siyang nakaramdam ng lungkot at kawalan ng pag-asa."Bakit?"Si Kris kasi ay tipo ng tao na hindi sumusuko hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya. Palagi niyang iniisip na may espesyal siyang lugar sa puso ni Skylar. Kahit hindi siya ang lalaking pinakamahal niya, dapat man lang ay isa siyang kaibigang mahalaga sa babaeng mahal niya. Gusto niyang malaman kung ano ang naging pagkukulang niya, bakit parang bigla na lang wala na siyang halaga kay Skylar bilang kaibigan.Itinaas ni Skylar
Chapter 169: PagsukoNAGKITA sina Skylar at Kris sa tanghali, sa isang simpleng kainan malapit sa dati nilang high school.Ang lugar ay maliit lang, halos wala pang 60 square meters ang sukat at may tatlong palapag lang. Pangkaraniwan lang ang kalinisan, pero sobrang dami ng tao at patok ang negosyo.Noong high school pa siya, madalas kumain si Skylar dito kasama ang mga roommate niya, pero ang mga kagaya nina Jaxon, Audrey, at Jeandric na galing sa mayayamang pamilya ay siguradong hindi pupunta sa ganitong lugar.Kaya nung makita niyang dito siya inimbita ni Kris sa Telegràm, medyo nabigla siya.Pareho kasi sina Kris at Jaxon, parehong galing sa maykayang pamilya, kaya mahirap isipin na papatol si Kris sa ganitong simpleng kainan.Sa mga taon na wala si Skylar sa Metro, sobrang nagbago na ang lugar. Maging itong restaurant ay na-renovate na rin at mas maayos na ang itsura.Nag-aalala si Kris na baka hindi mahanap ni Skylar ang lugar, kaya hinintay niya ito sa labas. Napakagwapo niya
“Hayop ka! Walang hiya ka! Anong lakas ng loob mong pumasok sa kuwarto ko habang natutulog ako!”“Aray! Aray! Audrey! Tama na! Ang sakit! Masakit talaga! I'm living good because of this face! Tama na, please!”Tinaas ni Jeandric ang mga kamay para takpan ang mukha niya habang paatras nang paatras.Sobrang galit ni Audrey na parang gusto na niyang sumuka ng dugo. Lumapit siya at hinawakan ang kwelyo ng damit ni Jeandric, mariing tumingin sa kanya at galit na sumigaw, “Sabihin mo ang totoo! Anong ginawa mo kagabi?! May nakita ka bang hindi dapat makita?! O may nahawakan ka bang hindi mo dapat hawakan?! Sabihin mo na! Bilis! Kung hindi, papatayin talaga kita!”Matagal na ring hindi nakita ni Jeandric si Audrey na ganito kataray. Simula nang pilit niya itong hinalikan dati, palaging iniiwasan siya ni Audrey. Kahit magkasama sila sa harap ng iba, laging malamig at pormal ang trato nito sa kanya.Ngayon lang ulit niya naramdaman ang pagiging totoo ni Audrey, ‘yung totoo niyang ugali noong m
Chapter 168: Drey at JeandricNASUGATAN si Audrey kaya madaling madali na umalis si Jeandric. Pagkaalis niya ng bahay, dumiretso agad si Jeandric sa airport at sumakay sa private plane niya papunta kay Audrey. Bandang alas-dos y medya ng madaling araw, lumapag ang eroplano ni Jeandric sa lungsod ng lugar kung nasaan ang babae. May mga tao na mula sa branch ng Larrazabal Corporation sa siyudad na iyon na naghihintay na sa labas ng airport na may dalang sasakyan.“Kumusta na ang imbestigasyon? Paano nasugatan si Audrey?” Tanong agad ni Jeandric sa taong sumalubong sa kanya.“Sabi po, may shooting sa isang scenic area. May eksenang may away at kailangan mag-harness. Ayaw daw po ni Miss Audrey gumamit ng double. Sa mismong eksena, aksidente niyang nasugatan ang braso niya. Nilapatan naman agad ng lunas at hindi naman daw po malala.”Kahit ganun, halatang hindi mapakali si Jeandric. Nakasimangot siya habang naglalakad papunta sa sasakyan. Agad namang binuksan ng kasama niya ang pinto. P
Bubukas na sana ang bibig ni Yssavel para magsalita, pero inunahan siya ni Skylar na may malamig na tono."Ms. Yssavel Larrazabal, tinitiis lang kita ngayong gabi dahil nanay ka ni Jaxon at nirerespeto kita bilang nakatatanda. Pero kung patuloy kang magiging hindi makatarungan sa mga susunod na araw, hindi ako magdadalawang-isip na putulin ang ugnayan namin sa pamilya ninyo ni Jaxon. Sa totoo lang, sa estado namin ngayon, pera at kapangyarihan, kahit umalis kami sa pamilya Larrazabal, kayang-kaya pa rin naming manguna sa mundo ng negosyo."Biglang dumilim ang mukha ni Yssavel at hindi siya nakapagsalita agad.Bago siya bumalik ng Pilipinas, pinaimbestigahan niya si Skylar. At totoo ngang hindi dapat maliitin ang kayang gawin ni Skylar sa larangan ng negosyo.Nang makita ni Skylar na hindi na kasing tapang si Yssavel katulad ng dati, nagbago siya ng paksa."Pero syempre, kung tatanggapin mo kami ni baby, ako at si Jaxon ay magiging masunurin at magalang sa 'yo. Kung magiging masaya at
Chapter 167: Pag-alis sa bahayANG biglaang pagbalik ni Yssavel sa Pilipinas ay ikinagulat nina Skylar at Jaxon.Lalo na si Skylar dahil nang magtagpo ang tingin nila ni Yssavel, biglang bumigat ang pakiramdam niya at parang awtomatiko siyang pumadyak pababa, gustong bumaba mula sa pagkakabuhat ni Jaxon.Pero hindi niya inaasahan na lalo pang hinigpitan ni Jaxon ang pagkakayakap sa kanya sa baywang at binti, para pigilan siyang makababa sa likuran nito. Nagulat si Skylar at napatingin kay Jaxon, halatang hindi niya inaasahan ang ginawa nito.Mayamaya, narinig niya ang mahinang boses ni Jaxon sa taas ng ulo niya, parang musikang marahan at malamig."Wag kang gagalaw."Sanay si Skylar na maging dominante si Jaxon. Dati, kapag ganito magsalita si Jaxon, nainis lang siya, pero ngayon, iba ang naramdaman niya. Para bang naging malambot ang puso niya at uminit ang pakiramdam. Parang ang sinabi ni Jaxon ay isang paalala na kahit bumalik si Yssavel, hindi magbabago ang pagmamahal nito sa kan
May isang binatang naka-itim na leather jacket na nakakita kay Skylar at dahil maganda ito, pumwesto siya sa likod niya nang parang manyakis, nakatitig dito na parang gutom na gutom.Lantaran ang malaswang tingin ng lalaki kay Skylar. Halatang-halata sa mukha niya ang pagnanasa at parang gusto na nitong lamunin si Skylar ng buo.Saktong nag-stop ang bus dahil sa pulang ilaw sa harap, at sinamantala ng manyakis ang pagkakataon. Nagkunwaring nadapa siya dahil sa preno ng driver at sinadyang bumagsak kay Skylar. Pero bago pa siya tuluyang makalapit, may mabilis na kumilos, isang matipuno at matigas na braso ang biglang yumakap kay Skylar at mabilis siyang pinapunta sa kabilang pwesto.Hindi agad naintindihan ni Skylar ang nangyari, pero naramdaman niyang may malakas na presensyang parang galit na mula kay Jaxon.Sino na namang malas ang nagpagalit kay Jaxon?Napatingin si Skylar sa paligid, lumabas mula sa pagkakayakap ni Jaxon, at sinundan ang tingin nito. Doon niya nakita ang isang lal
Chapter 166: PagsakayANG APOY ng galit, sa bilis na kayang makita ni Skylar ng kanyang sariling mga mata, ay kumalat sa madilim at malalalim na mata ni Jaxon.Mabilis ang pagkalat ng apoy, parang gustong sunugin siya hanggang sa maging abo.'Naku, mali na naman ang nasabi ko.'Medyo nagsisi si Skylar habang dinidilaan ang natirang alamang sa mangga na nasa gilid ng kanyang labi, saka nagsalita nang may paninindigan. "Haynaku! Simula nang matikman kita, wala nang ibang lalaki sa paningin ko!"Punong-puno ng galit si Jaxon. Pero nang marinig ang sinabi niya, unti-unting nawala ang malamig at kontroladong galit at unti-unting ngumiti ang kanyang manipis na labi: "Totoo ba 'yan?"Agad na tinaas ni Skylar ang kamay at nanumpa: "Nangangako ako sa anak natin sa tiyan ko! Kung nagsisinungaling ako, sana paglabas niya wala siyang balls at maging babae siya!"Sa narinig niyang panunumpa ni Skylar gamit ang bata sa tiyan, napuno ng linya sa noo si Jaxon. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o
"Ay grabe, si Jaxon pala, kagaya rin ng boyfriend ko! Kapag naghahalikan, mahilig ding ilagay ang kamay sa likod! Ang sweet nila sobra, sana ako na lang si Skylar!"Nang marinig 'yon, agad na itinulak ni Skylar si Jaxon at inayos ang suot niyang damit habang nakayuko.Pagkatapos ay tumingin siya kay Jaxon nang masama at siniko niya ito. Agad niyang tinakpan ang kalahati ng mukha niya gamit ang kamay at ngumiti nang pilit habang lumalabas ng elevator. “Excuse me po, makikiraan lang.”Sumunod si Jaxon sa kanya palabas ng elevator at tumayo sa gitna ng hallway, pinagmamasdan ang mabilis na pagtakbo ni Skylar papunta sa direksyon ng doktor. Napangiti siya ng pilyo, tingnan lang natin kung maglalakas loob ka pang humiling ng ibang lalaki sa susunod!"Ay grabe, ngumiti si Jaxon! Totoo ba ‘to?!"Isang babaeng kilig na kilig ang agad na kinuha ang cellphone niya para kuhanan ng litrato si Jaxon.Alam kasi ng lahat na si Jaxon ay kilalang cold and serious sa mga tao. Sa mga litrato sa business