Matalim ang mukha ni Jaxon, seryoso ang bawat salita.Natigilan si Skylar. Ibig sabihin, handa si Jaxon itakwil ang sarili niyang pamilya para sa kanya. Parang masama pakinggan, pero sa totoo lang, nasisiyahan siya roon. Naluha siya, suminghot, at niyakap si Jaxon."Ayoko namang magkasira kayo ng pamilya mo dahil sa akin, ayoko ring matawag kang walang utang na loob. Kung kailangang magbayad ni Xenara sa mga kasalanan niya, ako na ang bahala. Simula't sapul, hindi naman maganda ang tingin sa akin ng mga magulang mo. Isang kasalanan na madagdag, wala namang magbabago."Pagkatapos niyang magsalita, may biglang bumagsak sa sahig. Mahina lang ang tunog, parang damit o tuwalya. Bigla siyang nakaramdam ng lamig.Napatingin si Skylar pababa.Nakahandusay sa paanan niya ang isang damit, walang iba kundi ang kanyang nightgown!"Jaxon!" Napapikit siya sa inis, ayaw na niyang makita ang walang-hiya at makapal na mukhang lalaki sa harap niya. Pinipigil ang galit, nagtanong siya, "So, lahat ng si
Chapter 133: UsapanSA PAGHAHAMBING, mas nakakatakot ang sobrang seryoso na mukha ni Jaxon kaysa sa matinding galit sa mga mata ni Jeandric."Jeandric, kung alam mo ang mabuti sa 'yo aalis ka na ngayon din. Hindi mo ba alam na istorbo ka?!"Alam ni Skylar na ayaw makipaglaban ni Jaxon kay Jeandric.Pero hindi iyon pinansin ni Jeandric. Mabilis siyang lumapit at biglang sumuntok papunta sa mukha ni Jaxon.Nakita ni Jaxon ang paparating na suntok. Ang kanyang matatalim na mata ay bahagyang nanliit at biglang may emosyong dumaan doon na kinalamig ng ekspresyon nito. Bahagyang inikot ni Jaxon ang katawan niya, itinagilid ang ulo at iniwasan ang suntok ni Jeandric.Kasabay nito, mabilis niyang hinawakan ang pulso ni Jeandric gamit ang mahaba niyang braso, inikot ang katawan niya at inihagis si Jeandric nang malakas sa sahig gamit ang isang over-the-shoulder throw.Pero hindi basta sumusuko si Jeandric. Hinawakan nito ang dibdib nito, huminga nang malalim, saka itinukod ang mga kamay sa sah
"Huwag kang mag-alala. Kilala natin si Barbara. Alam nating hindi siya magpapaka-simpleng ‘anak’ lang ng Lim family. Matagal na siyang nagpaplano at hindi papayag na wala siyang kapangyarihan. Hintayin lang natin. Hindi magtatagal, ipapakita rin niya ang totoong motibo niya. At kapag dumating ang araw na ‘yon, saka natin siya labanan.""Oo," tumango si Audrey. "Wala na tayong ibang magagawa sa ngayon."Matapos inumin ang fish soup, nagkwentuhan pa sandali sina Skylar at Audrey hanggang sa makatulog ito.Tiningnan ni Skylar ang mahimbing na mukha ni Audrey, ngumiti, at umiling. Tumayo siya, inayos ang kumot nito, at lumabas ng kwarto matapos sabihin sa nurse na bantayan si Audrey hanggang maubos ang gamot sa dextrose.Pagkalabas niya ng kwarto at bago pa maisara ang pinto, narinig niya ang kalabog ng mga bagay na nababasag mula sa kabilang kwarto, kasabay ng malakas na pagtatalo.Sa boses pa lang, halata niyang sina Barbara at Xenara ang nag-aaway.Kumunot ang noo ni Skylar at tahimik
Chapter 134: Nakipag-awayKALALABAS pa lang ni Skylar ng ospital nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang hindi pamilyar na numero ang naka-display. Nang sinagot niya ito, boses ni Zandra ang narinig niya."Ano? Ikaw ang teacher ni Terra?" Nanlaki ang mata ni Skylar sa gulat. "Huwag mo akong niloloko! Hindi ngayon April Fool's Day!"Naiinis si Zandra. Nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. "Skylar, may master’s degree ako! Bakit hindi ako pwedeng maging teacher?! Sa tingin mo ba, wala akong alam o sadyang masama lang ang ugali ko? Ha?!""Syempre masama ang ugali mo! Kailangan pa bang itanong ‘yan? Sa asal mong parang ikaw lang ang laging tama, wala kang pakialam sa iba, at hindi mo sinusunod ang kahit anong patakaran, anong klaseng teacher ka? Baka puro pasaway ang maging estudyante mo!"Umiling si Skylar habang natatawa. Hindi niya maintindihan kung anong pumasok sa isip ng paaralan at tinanggap nilang maging teacher si Zandra. Lumaki itong mayaman, palaging matigas ang ulo
Tumayo si Terra mula sa likuran ni Skylar, hindi na niya kayang tiisin ang lahat."Tita, wala ka na bang hiya? Ang anak mo ang nagsimula ng gulo ngayon, hindi ako!""Siya ang humila sa akin pababa ng hagdan, hindi ako!""Hindi nagdugo ang ulo ko dahil naawa sa akin ang Diyos. Pero ‘yung anak mong si Faisal, ayan ang napala niya! Kahit pa mamatay siya sa operasyon ngayon, kasalanan niya ‘yon at deserve niya ‘yon!"Sa narinig, nagpanting ang tenga ng ina ni Faisal sa galit. Nanginginig siya mula ulo hanggang paa. Itinuro niya si Zandra at sumigaw,"Narinig mo ‘yon?! Ang anak ko nasa operating room, hindi pa alam kung mabubuhay o mamamatay, pero itong batang ‘to, hindi man lang nagsisisi! Sinusumpa pa niya ang anak ko na mamatay! Ganyan ba ang tinuturo mo sa estudyante mo, Teacher Zandra?"Gusto sanang pakalmahin ni Zandra si Mrs. Hernandez, pero nainis siya sa tono nito."Mrs. Hernandez, anong ibig mong sabihin? Sinisisi mo ako na hindi ko tinuturuan nang maayos ang mga estudyante ko? K
Chapter 135: Hindi ka mahalNAG-INIT ang ulo ni Terra nang maalala niya ang dahilan ng away nila ni Faisal. Matindi ang tingin niya kay Mrs. Hernandez bago sumagot kay Skylar."Hindi ko alam kung sino ang nag-upload ng mga hubad mong larawan sa forum ng eskwelahan natin. Moderator si Faisal Hernandez ng forum na ‘yon. Pero imbes na burahin ang post, siya pa ang nanguna sa pagkomento ng mga bastos na salita. Ang sabi niya, may natural kang malaking dibdib at bilugang pwet at balang araw, gusto ka raw niyang matikman!" galit na turan ni Terra, nagtaas baba ang dibdib nito sa galit. "...Nagalit ako kaya pinilit ko siyang burahin ang post at humingi ng public apology. Pero tumanggi siya at sinabi ang kung anu-anong pang-insulto sa akin. Halos pareho ng sinabi ni Mrs. Hernandez kanina, na wala akong kwenta at hindi ako bagay sa St. Martha's College.""Dahil doon, sinabihan ko siyang inutil at pabigat. Sabi ko, pinalayas na siya ng pamilya Hernandez at wala siyang kakayahang mabuhay nang m
Lumapit siya sa pagitan nina Skylar at Kris, itinaas ang mukha at halos mapasigaw, "Grabe ka, Kuya! Anak ng direktor ng Education Bureau ang inoperahan mo, tapos ginawa mo siyang test subject?! Paano kung namatay siya? Papatayin ako ng pamilya nila!"Pero ngumiti lang si Kris. "Pero napatunayan ko na magaling ako. Naging matagumpay ang operasyon, kaya wala silang dahilan para patayin ka.""Heh..."Mula sa gilid, umismid si Zandra. Nilagay niya ang kamay sa dibdib at lumapit, nakatingin kay Kris, saka kay Skylar."Sa pagkakaalam ko, nag-resign ka sa neurosurgery at lumipat sa OB-GYN dahil sa unang pasyente mong namatay sa ilalim ng scalpel mo. Dahil doon, nagkaroon ka ng trauma at hindi mo na ginusto pang humawak ng brain surgery ulit.""Binasag mo ang routine mo at tinulungan si Faisal Hernandez sa operasyon ngayon. Una, para hamunin ang sarili mo, at pangalawa, para tulungan si Skylar. Natatakot ka na kapag namatay si Faisal, gagawa ng gulo ang pamilya niya sa magkapatid, tama ba?"H
Chapter 136: PDABIGLANG napatingin si Skylar sa harapan.Hindi kalayuan, may isang itim na kotse na lumabag sa traffic rules at tumawid sa red light. Mabilis itong papalapit sa sasakyan nila.Lumaki ang mga mata ni Skylar, bakas ang takot sa mukha niya. Agad niyang kinabig ang manibela gamit ang dalawang kamay para umiwas.BLAG! Pero huli na.Malakas na yumanig ang katawan ni Skylar sa loob ng sasakyan. Sa sobrang pag-aalala kay Terra, mabilis siyang yumakap dito at itinago ang ulo ng kapatid sa dibdib niya para protektahan.Nanigas si Terra, namutla, at nanlaki ang mga mata. Nakabuka ang bibig niya pero walang lumalabas na boses. Natatakot siya. Akala niya, patay na siya.Makalipas ang ilang segundo, may kumatok sa bintana ng sasakyan.Lumingon si Skylar.Sa labas, may isang traffic police na nakasuot ng uniporme, mukhang nag-aalala at nagsasalita habang nakatingin sa kanya."Miss, ayos lang ba kayo? Kaya niyo bang buksan ang pinto? Kung hindi, babasagin ko ang bintana!"Parang nab
Chapter 203: Dating aksidenteNAGHIHINTAY sina Jaxon at Skylar kay Yssavel sa ward. Pero pagkatapos ng mahabang paghihintay, nakatanggap sila ng tawag mula kay Xalvien na nasa gate ng ospital at nakita niyang tinulungan ni Yssavel si Barbara na makaalis.Pagkababa ng tawag, biglang naging seryoso at madilim ang mukha ni Skylar. Tumingin siya kay Jaxon, diretso sa malalalim niyang mata, at malamig ang boses habang nagsalita."Si Yssavel mismo ang tumulong kay Barbara na makatakas sa ospital. Una si Xenara, tapos ngayon si Barbara, lahat ng gustong pumatay sa akin, kinampihan niya. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Kaya sa susunod na makipagbanggaan ako sa kanya, huwag mo akong pipigilan, kundi makikipag-divorce ako sa'yo."Hindi siya nagbibiro tungkol sa divorce. Seryoso si Skylar. Para sa kanya, kung kakampihan pa rin ni Jaxon si Yssavel, ibig sabihin hindi niya kayang magpakatino at hindi na siya karapat-dapat pagkatiwalaan.Tumingin si Jaxon palabas ng bintana, hindi siya sumagot.Akal
Chapter 202: KapahamakanPAGKAALIS ni Audrey mula sa opisina ni Dr. Leo, hindi siya nag-stay sa labas para makinig sa usapan nila, at hindi na rin siya lumingon pabalik. Nilabas niya agad ang cellphone niya at tumawag habang naglalakad."Sa loob ng kalahating araw, gusto kong malaman kung may anak sa labas si Wallace at sino-sino ang doktor ng nanay ko na nagsagawa para sa private DNA test nitong mga nakaraang araw, pati na rin ang mga resulta ng mga test. Kung hindi niyo mahahanap, mag-empake na kayo at umalis. Hindi ko kailangan ng inutil sa kumpanya ko."Pagkatapos ibigay ang utos sa tauhan niya, sanay na niyang chineck ang mga unread na text message. May 33 lahat, at 32 dito galing kay Jeandric na paulit-ulit humihingi ng tawad dahil muntik nang lumampas sa linya ang nagawa nito kagabi.Mabilis lang na tinignan ni Audrey ang mga messages at pagkatapos ay dinelete lahat nang walang ekspresyon sa mukha.Yung natira, si Xenara ang sender, at isang sentence lang ang laman.Audrey. Na
Chapter 201: DNA "BAKIT ako nandito..." Natigilan sandali si Audrey, pero agad din siyang nagbalik sa wisyo at sinabi sa mahinahong boses, "Nagising na ang mama ko."Totoo naman ito. Wala na sa panganib si Madison at nailipat na siya mula sa ICU papunta sa VIP luxury ward katabi ng kwarto ni Yssavel."Ang galing naman! Kanina pa ang sama ng pakiramdam ko buong umaga, buti na lang may magandang balita rin pala." Hindi napansin ni Skylar ang kakaibang reaksyon ni Audrey. Dahil sa balitang ligtas na si Madison, tuwang-tuwa siya na parang nanalo ng lotto. Napangiti si Audrey ng alanganin at tumingin kay Jaxon."Ikaw naman? Anong ginagawa mo sa ospital? Check-up mo ba ngayon?""May sakit ang mama ko.""Ha? May sakit si Tita?" Nanlaki ang mga mata ni Audrey sa gulat, sabay tanong, "Kailan pa? Grabe ba?""Nagka-false alarm lang." Maikli ang sagot ni Jaxon."Buti naman kung ganun." Lumihis si Audrey para pagbigyan sila. "Since dinalaw mo si Tita, hindi na kita iistorbohin. Babalikan ko na la
Chapter 200: GantiANG HINDI alam ni Barbara, mula pa kanina ay pinagmamasdan na siya ni Skylar, kahit pa parang hindi siya napapansin nito.Kung alam mong may kalaban kang gustong pumatay sa’yo at hindi ka pa rin mag-iingat, isa kang tanga.Tumakbo si Barbara papalapit kay Skylar, mabilis ang mga hakbang at kumikislap sa araw ang hawak niyang kutsilyo.Lalo siyang lumalapit, tatlong metro na lang ang pagitan nila. Dalawang hakbang na lang, itataas niya ang kutsilyo at susugod; patay na dapat si Skylar.Sakto namang napadaan si Skylar sa tabi ng kotse, at sa rearview mirror, nakita niya ang masama at mayabang na mukha ni Barbara. Napangisi siya nang may halong pang-aasar.Plano niya sana na pag sumugod na si Barbara, iiwas siya, pababagsakin ito nang paharap sa semento, tapos sasakyan, hahablutin ang buhok at sasampalin katulad ng ginawa niya kay Yssavel. Pero hindi niya inakalang may biglang makikisawsaw.“Barbara, anong balak mong gawin?” malamig na boses ng lalaki ang narinig.“Bit
Chapter 199: RecordingGUSTONG-GUSTO na ni Xenara malaman ang sagot. Napangisi si Skylar at ngumisi nang masama."Heh... anong ibig mong sabihin? Eh di..."Tumigil sandali si Skylar, hinabaan pa ang huling salita para asarin ang lahat at mas lalong naging tensyonado ang paligid. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang maayos pa ring nakaupo si Yssavel sa sofa, tuwid ang likod. Kalmado lang ang mukha niya, parang walang kaba. Ni hindi nanginginig ang kamay niyang humawak ng tasa ng tsaa. Parang matibay na bundok ang pagkakapanatag niya, walang makikitang bahid ng kaba o problema."Ano nga? Skylar, sabihin mo na!" sigaw ni Xenara, halatang hindi na makapaghintay."Eh di..." Hindi inalis ni Skylar ang tingin kay Yssavel habang dahan-dahang binigkas ang mga salita kay Xenara. "Eh di hindi anak ng ninang mo si Jaxon. Anak siya ng ninong mo sa ibang babae..."Pagkarinig ni Yssavel nun, bahagyang tumigil ang kilos niya habang umiinom ng tubig. Napangiti si Skylar.Mukhang hindi ininda ni Y
Chapter 198: PagsisinungalingKINABUKASAN, personal na pinangunahan ni Jaxon ang grupo pabalik sa Metro. Sina Skylar, Jaxon, at Terra ay magkasamang sumakay sa isang sasakyan gaya ng dati. Si Xalvien ang nagmamaneho. Ang ilang kasamang bodyguard ay nasa ibang sasakyan, habang sina Audrey at Jeandric naman ay magkasama sa isa pang sasakyan. Pero napilitan lang si Audrey na sumakay dahil pinilit siya ni Jeandric, wala siyang ibang magawa.Bukod kina Jeandric at Audrey, walang ibang nakakaalam kung ano ang nangyari sa loob ng kwarto kagabi. Pero pag-alis nila pauwi ng siyudad, napansin ni Skylar na may malalim na kiss mark sa leeg ni Audrey at may apat na malinaw na gasgas sa mukha ni Jeandric, halatang galos galing sa kalmot habang may ginagawa silang masama.Tahimik lang si Terra buong biyahe. Matanda na rin siya kaya alam niyang may nangyari kina Jeandric at Audrey kagabi. Kahit hindi man sila nag-séx, siguradong may yakapan, halikan, dikitan, at siguro kung ano pang bagay ang ginawa
Chapter 197: NalamanITO ang unang beses na namasyal si Audrey na silang dalawa lang ni Jaxon. Medyo kinakabahan siya. Dati, si Skylar lang ang may pribilehiyong ganito. Hindi niya inakalang magkakaroon siya ng pagkakataong maging masayang babae na sinusundan ni Jaxon at tinutulungan pa siyang magbitbit ng mga pinamili.Medyo mabilis ang tibok ng puso niya habang hinihipo ang hanay ng malamig na sabitan ng damit. Lutang siya at hindi man lang niya napapansin kung anong klase ng mga damit ang nasa harap niya.Bigla siyang naging sobrang thankful kay Jeandric dahil dinukot siya mula sa party at biglang nawala, na siyang naging dahilan kung bakit siya hinanap ni Jaxon. Kung hindi dahil doon, baka hindi niya maranasan ang mamili ng damit kasama si Jaxon na parang totoong magkasintahan.Si Jaxon na sumama sa kanya sa ilang tindahan at ginugol ang halos kalahating oras para bumili ng autumn clothes at thermal pants, ay halatang hindi ganoon kasaya tulad niya."Audrey, meron ba talagang gust
Chapter 196: Natagpuan"NABALITAAN kong may sakit si Barbara kaya dumalaw ako."Pumunta si Xenara para makita si Barbara at hindi na niya itinago ang dahilan niya."Salamat, Miss Xenara sa pagbisita mo kay Barbara kahit na may nangyari sa kanya."Taimtim ang pasasalamat ni Beatrice at talagang na-appreciate niya ang pagdating nito.Simula nang kumalat ang video ni Barbara kasama ang ilang lalaki sa Northern District, bumagsak nang husto ang reputasyon niya.Katulad ng nangyari noon kay Skylar, halos lahat ng dati niyang kaibigan ay umiwas na sa kanya. Pati mga katulong sa bahay ay palihim na nagkakalat ng tsismis. Kaya bihira na lang ang tulad ni Xenara na may lakas ng loob na dalawin siya."Auntie Beatrice, huwag na po kayong maging pormal sa akin. Magkaibigan kami ni Barbara. Nangyari sa kanya ito, kaya natural lang na dalawin ko siya," maayos na sagot ni Xenara."Sino naman ito?" Ngumiti si Beatrice at tumingin sa lalaking katabi ni Xenara. Matangkad ito, may suot na salamin, mukha
Chapter 195: BakasyonHABANG nagdadalawang-isip si Skylar kung dadalhin ba niya si Terra para hanapin sina Audrey at Jeandric, sina Audrey at Jeandric naman ay nakaupo sa tabi ng apoy habang kumakain ng inihaw na kamote. First time ni Audrey kumain ng ganitong simpleng pagkain.Dahil maitim ang balat ng inihaw na kamote, naging maitim din ang kamay niya pagkatapos hawakan ito. Nangamot pa siya sa mukha kaya mukha na siyang pusang itim. Malamig ang ihip ng hangin dahil rainy season at lumilipad ang buhok ni Audrey habang nakaupo siya sa lupa. Sa kahit anong anggulo mo tingnan, parang isa siyang pulubi na ilang araw nang pagala-gala at hindi nakakain ng maayos.Pero kahit ganito ang itsura niya, para kay Jeandric, si Audrey pa rin ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya.Tinitigan niya ito nang may pagmamahal, at nang matapos kumain si Audrey ng kamote, tinanong niya ito ng mahinahon, “Busog ka na ba? Gusto mo pa?”Nilunok ni Audrey ang huling subo, bumuntong-hininga