Chapter 136: PDABIGLANG napatingin si Skylar sa harapan.Hindi kalayuan, may isang itim na kotse na lumabag sa traffic rules at tumawid sa red light. Mabilis itong papalapit sa sasakyan nila.Lumaki ang mga mata ni Skylar, bakas ang takot sa mukha niya. Agad niyang kinabig ang manibela gamit ang dalawang kamay para umiwas.BLAG! Pero huli na.Malakas na yumanig ang katawan ni Skylar sa loob ng sasakyan. Sa sobrang pag-aalala kay Terra, mabilis siyang yumakap dito at itinago ang ulo ng kapatid sa dibdib niya para protektahan.Nanigas si Terra, namutla, at nanlaki ang mga mata. Nakabuka ang bibig niya pero walang lumalabas na boses. Natatakot siya. Akala niya, patay na siya.Makalipas ang ilang segundo, may kumatok sa bintana ng sasakyan.Lumingon si Skylar.Sa labas, may isang traffic police na nakasuot ng uniporme, mukhang nag-aalala at nagsasalita habang nakatingin sa kanya."Miss, ayos lang ba kayo? Kaya niyo bang buksan ang pinto? Kung hindi, babasagin ko ang bintana!"Parang nab
May isang taong nakatago sa dilim… pinapanood siya, ginugulo ang buhay niya at maaaring gusto siyang patayin.Pero ang mas nakakatakot, wala siyang ideya kung sino ito at kung bakit siya ang pinupuntirya.Tinitigan ni Skylar ang papalayong lalaki at biglang natauhan. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at kinunan ng litrato ang likuran nito. Kahit mahirap gamitin ang isang larawan ng likod para kilalanin ang isang tao, mas mabuti na ito kaysa sa wala siyang kahit anong ebidensya.Matapos kunan ng litrato, agad siyang nagpadala ng message kay Julia sa Telégram, hinihiling dito na bumalik mula sa Metro para tulungan siyang imbestigahan ang nangyari. Ayaw niyang guluhin si Jaxon at mas lalong ayaw niyang ipaalam ito sa kanya hangga’t hindi pa malinaw ang buong sitwasyon, ayaw niyang mag-alala ito para sa kanya.Ilang sandali lang, isang puting Rolls-Royce Phantom ang huminto sa gilid ng kalsada. Bumukas ang pinto at bumaba si Jaxon, dumiretso kay Skylar. Sumunod naman si Wallace mula sa d
Chapter 137: Mang-aagawNANLAKI ang mata ni Skylar, hindi makapaniwala sa nangyayari.Ang bilis ng pangyayari, pakiramdam niya ay parang nawala siya sa sarili. Parang umiikot ang mundo, hindi na niya alam kung anong araw na ba ngayon.Pumikit siya, hinawakan ang leeg ni Jaxon at buong puso siyang tumugon sa halîk nito.Si Terra naman ay napatitig lang sa dalawa, nagulat at hindi handa sa panonood ng napakalaking PDA na nasa harap niya. Samantala, itinutok ng mga reporter ang kanilang camera sa dalawa at walang tigil sa pagpindot ng shutter. Ang headline ng balita ay sigurado na.Habang lumalalim ang halik, unti-unting naramdaman ni Skylar na parang nauubusan na siya ng hangin. Para bang kinukuha ni Jaxon ang lahat ng oxygen sa kanya. Ramdam niya ang pagkapuno ng dibdib at baga niya, pakiramdam niya ay sasabog na siya. Namula ang kanyang maputing mukha, kumunot ang noo niya at marahang pinalo ang dibdib ni Jaxon, nagrereklamo sa hindi komportableng pakiramdam.Gusto pa sanang pahabain
"Kuya Jun, hindi sumasagot si Juju sa tawag. Pakisilip mo nga sa labas kung andiyan na siya. Kung hindi mo siya makita, magpadala ka ng ilang tao para hanapin siya mula dito hanggang sa airport. Siguraduhin mong mahahanap siya."Tahimik lang si Jun. Hindi ito tumingin sa kanya. Nakaupo ito nang diretso, nakakunot-noo, nakapulupot ang mga braso sa dibdib at nakatitig sa isang plato ng salmon na parang wala sa sarili.Para bang iniwan na nito ang kanyang kaluluwa at hindi niya narinig ang sinabi ni Skylar.Sa sandaling ito, ang tanging iniisip ni Jun na kinakausap ni Skylar ay si Zandra. Ilang araw na siyang ginugulo nito sa bahay niya. Isang oras lang ang nakalipas, nakahiga pa ito sa kama niya, nagpapacute at nanunukso.Bigla siyang nag-init sa kawalan ng silbi. Alam niyang mahal pa rin siya ni Zandra tulad ng dati at alam din niyang hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya rito. Pero may napakalaking hadlang sa pagitan nila, ang estado nila sa buhay. Hindi pumayag ang mga magulang
Chapter 138: Pantay ang estado pagdating sa pagmamahalLABIS ang pagsisisi ni Jun. "Pasensya na, Julia. Baka kasi sinabi ko sa kanya na ikaw ang girlfriend ko ngayon para lang tanggihan siya at mapilit siyang sumuko sa akin. Kaya si Zandra galit na galit siya sa’yo nang makita ka niya."Walang masabi si Julia kundi ang ibuka ang bibig. Ganito pala ang pakiramdam ng nadadamay kahit wala kang ginagawa."Jun, lumabas ka! Julia, lumabas ka rin! Mga wala kayong hiya! Lumabas kayo! Alam kong nandiyan kayo sa loob!"Lasing si Zandra. May hawak itong bote ng alak habang nakaupo sa may pinto ng silid at sumisigaw nang paos ang boses.Napuno ng inis si Julia. Naka-cross arms siya habang nakasandal sa upuan at padarag na tumingin kay Jun."Hindi ko na problema ‘yan, ikaw na bahala diyan.""Pasensya na, ilalayo ko na siya." Tumayo si Jun, halatang nahihiya.Biglang tumayo si Skylar at hinawakan ang braso niya. "Huwag ka nang lumabas, ako na bahala."Nagulat si Jun at napaupo ulit."Sige."Mas mabu
"Jun! Kung tunay kang lalaki, lumabas ka ngayon at halikan mo ako!""Tama! Kuya Jun! Kung tunay kang lalaki, lumabas ka na at halikan si Zandra!"Sumabay si Skylar sa sigaw ni Zandra. Para siyang nakainom ng energy drink sa sobrang tuwa. Sa tingin ng iba, parang nasisiraan siya ng ulo, pero sa loob niya, siya ang pinakakalmado sa lahat. Alam niya ang ginagawa niya. Gusto niyang pag-ayusin sina Zandra at Jun.Talaga bang kailangan magkapantay ang estado ng dalawang tao para lang magkasama sila?Ano ‘yun? Kalokohan! Lumang paniniwala ‘yan na pumipigil sa kalayaan ng mga tao! Ngayon, babaliin niya ang luma at makitid na paniniwalang ito!Ipapakita niya sa lahat, lalo na sa matatandang makaluma ang pag-iisip, na kahit hindi pantay ang estado ng dalawang tao, basta tunay ang pagmamahalan nila, maaari silang mabuhay nang masaya."Katulad ng unang beses… bigyan mo ako ng anak, Jun?" Paulit-ulit na umikot sa utak ni Jun ang mga salitang iyon. Parang sasabog ang ulo niya. Pakiramdam niya, hind
Chapter 139: XalvienMATAPOS maihatid sina Zandra at Jun sa hotel, nagkaroon ng tahimik na hapunan sina Skylar at Julia. Matagal na rin silang hindi nagkikita, kaya marami silang napag-usapan. Bukod dito, kailangan din nilang pag-usapan kung paano matutulungan sina Zandra at Jun, pati na rin ang pagsisiyasat at paghahanap sa lalaking nagpakalat ng malaswang litrato ni Skylar sa forum ng paaralan ni Terra at ang nangyaring aksidente sa sasakyan.Matapos maisaayos ang lahat, tinaas ni Skylar ang kamay niya para tingnan ang oras. Halos alas-diyes na ng gabi, pero ni hindi man lang siya tinawagan ni Jaxon para pauwiin siya.Dinala siya ni Julia pauwi. Pagkauwi, naligo siya at humiga sa sofa sa sala, paulit-ulit na nagpapalit ng TV channels.Lumipas ang oras, at madaling araw na. Nangangalay na ang mga mata niya sa pagkapuyat. Tinakpan niya ang bibig at muling napabuntong-hininga habang inaantok na. Napatingin siya sa wall clock at biglang nawala ang antok niya. Napakunot ang noo niya.Mas
"Kung ayaw mong sapilitan kitang iuwi para pamahalaan ang negosyo ng pamilya, mas mabuti pang makisama ka na lang."Matapos sabihin ang mga salitang iyon, inilabas ni Jaxon ang isang bungkos ng litrato mula sa kanyang briefcase at ibinato ito sa harap ni Jetter Dawson.Malamig ang ekspresyon ni Jetter Dawson nang ibaba niya ang tingin sa mga litrato. Nakita niya ang mga kuhang mainit na naghahalikan sa publiko sina Skylar at Jaxon. Malinaw na ang mga litratong ito ang magiging headline ng iba’t ibang balita sa mga news websites at media apps."Ang babaeng nasa litrato ay ang asawa ko, si Skylar Aquino. Kinuha na namin ang marriage certificate namin. Pero may matinding galit si Mommy sa kanya, kaya hindi siya madaling papayag sa kasal namin. Kailangan ko ng kakampi.""Kaya ngayon, may dalawa ka lang na pagpipilian. Una, maghanap ka ng babaeng pakakasalan mo at magka-anak ka agad, para payagan ni Mommy na magsama kami ni Skylar. Ang pinakagusto niya ngayon ay makita kang nag-aasawa at n
Hindi naglakas-loob si Barbara na magtagal sa pintuan ng kwarto ni Audrey, kaya agad siyang tumalikod at umalis. Pagkaalis ni Barbara, malakas na isinara ni Jeandric ang pinto, dahilan para lumabas ang malakas na tunog na umalingawngaw sa buong bahay. Sa sobrang lakas, kahit si Harvey na nasa kabilang kwarto ay naramdaman ang kanyang galit. Tahimik ang buong silid, dahilan para makaramdam si Audrey ng bigat sa dibdib. Lumapit siya sa bintana, binuksan ito, at hinayaang pumasok ang malamig na hangin. Dumampi ito sa kanyang mainit na pisngi, at kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. "Pumunta ka sa bahay ko nang ganito kaaga, may mahalaga ka bang kailangang sabihin?" Bahagyang ngumiti si Jeandric, pero may kakaibang lungkot sa kanyang mga mata, parang pinaghalong pangungutya at kalungkutan. Lumapit siya sa bintana at tumayo sa tabi ni Audrey, nakatingin sa maulang tanawin sa labas. "Anong klaseng logic 'yan? Kailangan ba may mahalaga akong sasabihin bago kita bisitahin?" Ha
Chapter 155: Nalaman ni AudreyNGAYON ay November 1st. Pagkagising ni Audrey sa umaga, nakita niyang madilim ang langit sa labas ng bintana at tuloy-tuloy ang ulan. Dahil dito, parang lalo siyang nanghina pagkabangon. Nakarinig siya ng kalusko at may nag-iikot sa doorknob. Hindi ito bumukas dahil nakakandado ito mula sa loob. Mayamaya, narinig niya ang boses ng kanyang kapatid na si Harvey. "Audrey, ako 'to." Isinara ni Audrey ang bintana, lumakad papunta sa pinto, at binuksan ito. Nakita niya si Harvey na amoy halo ng pabango at alak. Napakunot ang kanyang noo. "Kuya, nagpunta ka na naman ba sa nightclub kagabi?" May bahid ng pagkadismaya sa kanyang boses. Naiinis siya, pero si Harvey, parang wala lang, kalmado pa rin ang tono ng pananalita. "Huwag kang mag-alala. Naging maingat ako, wala namang babaeng magpapakita rito para manggulo." Lalo pang kumunot ang noo ni Audrey at tinitigan niya ito. "Hindi ako nag-aalala kung may manggugulo rito. Ang ikinagagalit ko, si
Habang nagsisipilyo si Skylar, puno ng bula ng toothpaste ang kanyang bibig. Masama ang tingin niya sa lalaking nasa salamin, saka niya mabilis na binanlawan ang bibig para mawala ang bula. Pagkatapos, humarap siya at itinulak ito palayo."Paano mo nagawang sabihin 'yan? Tingnan mo ang ginawa mo sa akin! Paano ako makakatulog nang maayos kung ganyan ka ka-wild, ha?"Hinila ni Skylar pabukas ang kwelyo ng kanyang damit at itinuro ang kanyang makinis na balat.Puno ito ng maliliit na marka na kulay asul at lila, mga bakas ng ginawa ni Jaxon kagabi.Lalo na sa may dibdib at tadyang.Ang kulay at hugis ay talagang kakila-kilabot.Ngumiti lang si Jaxon at hindi man lang nag-alala sa galit niya. "Binigyan kita ng pagpipilian, pero hindi mo ginawa kaya kinailangan kong gawin ito sa sarili kong paraan.""Anong pagpipilian?" Galit na galit si Skylar na pakiramdam niya ay sasabog na siya. "Isang kamay, isang bibig, bastos at baliw ka talaga!""You dumb head, kung ang asawa mo hindi na maging pi
Chapter 154: KapilyuhanNANG marinig ni Skylar ang biro ni Jaxon at namula siya. Umubo siya nang mahina, itinulak siya palayo, at mabilis na lumayo. "Maliligo na ako, matulog ka na muna."Nakita ni Jaxon ang mabilis na pagtakbo niya palayo, at muling lumitaw ang pilyong ngiti sa kanyang labi."Asawa ko, may limang daliri ang asawa mo, alam mo ba?""At may paraan din para sumigaw nang malakas... For example, using my mouth...""Tumigil ka na!"Ayaw na ni Skylar pakinggan pa ang kanyang malalaswang biro kaya mabilis niyang isinara ang pinto.Pagtingin niya sa salamin at naalala ang sinabi ni Jaxon, hindi niya napigilang mag-isip ng kung anu-ano. Ang imahe ng mahahaba at matitikas nitong mga daliri ay umikot sa kanyang isipan.Isang kakaibang kiliti ang biglang gumapang mula sa kanyang dibdib pababa.Patay na.Napapikit siya, inipit niya ang kanyang mga hita, at pinukpok ang sarili sa noo."Skylar, napaka-walanghiya mo na talaga. Ang landi-landi mo!"Dahil lang sa sinabi ni Jaxon, nakara
Akala niya, si Santi ay isang simpleng doktor na magaling sa traditional medicine, pero hindi pala. Bukod sa pagiging malapit na kaibigan ng kanyang mga magulang na sinasabi nito, hawak rin nito ang 3% ng shares ng JZ Group! Mukhang kilalang-kilala rin nito si Yorrick na biological father ni Skylar. Napaka-misteryoso ng taong ito. Alam niyang ang JZ Group ay isang family business, at hindi basta-basta nagpapapasok ng ibang tao sa kanilang kumpanya. Maliban na lang kung may espesyal na koneksyon si Santi sa isa sa mga shareholder ng Lacson Family, kaya nito nakuha ang mga shares.Napaisip si Jaxon. Sino nga ba talaga si Santi?Narinig ni Zeyn ang sagot ni Santi, pero hindi siya nagulat dahil hindi ito ang unang beses na tinanggihan siya nito. Ngumiti lang siya."Uncle Santi, pareho pa rin ang sasabihin ko. Seryoso kaming mag-ama sa pagbili ng shares mo. Kung sakaling maisipan mong ibenta ito, laging bukas ang pinto namin para sa 'yo."Tumingin si Santi sa relo niya."Zeyn, gabi na. Ka
Chapter 153: Panggugulo ni ZeynNARINIG ni Jaxon ang tinig ni Zeyn, kaya lumingon siya rito. Nasa mukha niya ang katahimikan, pero ang mga mata niya ay malamig na nakatingin sa bagong dating na lalaki. Si Zeyn naman ay may bahagyang ngiti sa labi."Aba, anong pagkakataon naman ito, Mr. Larrazabal, Mrs. Larrazabal, nagkita na naman tayo," sabi ni Zeyn.Napatingin si Skylar kay Zeyn at nakita niyang hindi abot sa mata ang ngiti nito. Hindi niya itinago ang pagkainis sa lalaki. "Parang multo ka talaga, hindi ka nawala-wala."Imbes na magalit, mas lalo pang ngumiti si Zeyn."Uncle Santi, parang hindi ako gusto ng dalawang bisita mong bagong dating.""Ikaw naman ang unang hindi nagustuhan kami," sagot ni Jaxon nang may malamig na tingin.Hindi naman bobo si Santi, kaya agad niyang napansin ang tensyon sa pagitan ng tatlo. Itinuon niya ang paningin kay Skylar, na sa tingin niya ang may pinakamalaking posibilidad na magsabi ng totoo."Anong nangyari, hija?" tanong niya."Uncle Santi, bago ka
Totoo ba iyon? Napakunot ang noo ni Jaxon. Bakit hindi niya ito kailanman narinig mula sa kanyang mga magulang?Nararamdaman ni Jaxon na kung totoong matalik na kaibigan ng kanyang mga magulang si Dr. Santi, siguradong nabanggit na nila ito noon pa. Kung may nagkasakit sa kanilang pamilya, tiyak na ipapagamot nila ito kay Dr. Santi. Pero hindi iyon nangyari.Kailanman, hindi nabanggit ng kanyang mga magulang na mayroon silang kaibigang doktor na tanyag sa buong mundo."Young man, itong magandang babae na may magandang pangangatawan, asawa mo ba?" Ngumiti si Dr. Santi kay Skylar at sinuri siya ng mabuti."Hello, Uncle Santi, ako po si Skylar." Ngumiti si Skylar habang nagpapakilala. Ang pagtawag niya ng "Uncle Santi" ay tila nagpapatunay na totoo ngang kaibigan ng pamilya ni Jaxon ang doktor.Tila natuwa si Dr. Santi at pagkatapos ay tiningnan si Jaxon na may bahagyang pagkadismaya. "Mas mabait pa ang asawa mo kaysa sa 'yo."Hindi nagsalita si Jaxon, ngunit lalong humigpit ang kunot ng
Chapter 152: Uncle SantiNARAMDAMAN lang ni Skylar ang malamig na hangin na dumaan, ginulo ang kanyang buhok at tinakpan ang kanyang paningin. Napapikit siya at akmang aalisin ang buhok sa kanyang mga mata nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Jaxon."Wife, umalis ka diyan!"Napalingon si Skylar sa likod niya.Isang itim na Bentley Continental ang paparating sa kanya nang napakabilis, parang sasagasaan siya nang dire-diretso.Napanganga siya sa gulat at natulala sandali. Nang bumalik ang kanyang diwa at muntik nang lumundag para umiwas, biglang tumakbo si Jaxon at hinatak siya, itinulak siya pabagsak sa lupa. Gumulong sila ng ilang beses hanggang sa makarating sa damuhan sa tabi ng kalsada.Mahigpit siyang niyakap ni Jaxon, nakasandal ang mukha niya sa dibdib nito. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso nito, napakabilis, parang tambol. Alam niyang sobrang nag-alala at natakot ito."Hubby,huwag kang matakot, ayos lang ako..." Mahigpit niyang niyakap si Jaxon, ramdam ang init sa kan
Pagkatapos ng tanghalian, nagbasa muna ng libro si Skylar. Pero habang nagbabasa, bigla siyang nakaramdam ng matinding antok. Paulit-ulit siyang humihikab at kinukusot ang kanyang mga mata. Hindi na niya kinaya, kaya ibinaba niya ang libro at humiga sa kama para matulog.Nang magising siya, gabi na.Pagdilat ng mata niya, may narinig siyang kaluskos. Agad siyang bumangon at tumingin sa paligid. May isang maleta sa carpet ng kanilang walk-in closet. Si Jaxon, na naka-shirt lang, ay palakad-lakad sa loob habang kinukuha ang mga damit sa aparador at inilalagay sa maleta.Nagtaka siya at lumapit. "Hubby ko, bakit ka nag-iimpake? May business trip ka na naman?""Hindi," sagot ni Jaxon habang tumingin sa kanya. "Magbabakasyon tayo sa Denmark. Isasama kita."Hindi agad nakapag-react si Skylar. "Ha? Magbabakasyon? Paano naman ang trabaho ko?""Walang malaking problema sa kumpanya ngayon. Si Wallace ang magbabantay, kaya walang magiging aberya.""Oh, pero bakit sa Denmark? Sabi nila, nagyeyelo