"Hayaan mo na siya sa itaas, Kuya! Kasi wala nga siyang ibang gagamitin na kwarto!"
Tiningnan ako ni Laura pero na kay Silas ang tingin ko. Binubuksan niya ang mga kwarto at iniinspeksyon ng mabuti kung pwede niya bang magawan ng paraan ang isa roon para mailipat ako ng kwarto.Ang kwarto ko na katabi ng kwarto niya ay malinis at kumportable. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya ako roon."That floor is mine-""Sayo iyon dati. Solo mo kasi wala naman tayong ibang kasama sa bahay. Sila Lolo at Lola mas gusto rito sa second floor para hindi mahirapan mag-akyat baba at ganoon din kami ni Gineth. Wala kang kasama sa itaas kaya si Athena na lang."Iritado niyang sinuklay pataas ang buhok niya at nilingon ako. Napaatras ako at bahagyang itinago ang sarili sa hamba ng pinto. Nasa loob siya at si Laura ng kwarto na marumi at maalikabok. Pati ang pintura nito sa dingding ay kailangan ayusin. Nag-iwas ako ng tingin at nasalo ng door knob na sira ang mga mata ko."Aayusin ko ito at ililipat ko siya rito pagkatapos! Ayokong may kasama sa itaas!" Naglakad siya palapit sa pinto at nilagpasan ako.Nanatili sa door knob ang tingin ko pagkaraan niya. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata na palaging madilim at masungit kahit wala pa naman akong ginagawa."Pagpasensyahan mo na si Kuya, ha?""Ginagamit niya ba ang lahat ng kwarto sa itaas?" Nagtataka na tanong ko kasi sobra ang pagtutol niya na doon ako matulog."Oo ginagamit niya ang iba pero 'yung tinutulugan mo walang gumagamit."Nag-aalangan niya ako na tiningnan. Tinitigan niya ako na naninimbang kung dadagdagan pa ba ang sasabihin niya.Ang dami ng kwarto sa itaas. Tinutulugan niya ba lahat 'yon? Baka naman tambakan niya o taguan ng mga importante na gamit?"Okay," sagot ko na lang at ayoko naman din na magtanong pa.Inipit ko sa ilalim ng aking tainga ang buhok na kumawala at humarang sa pisngi ko. Nakatitig siya pero hindi naman nagsalita. Kumurap ako at tipid na ngumiti. Handa na akong bumalik sa itaas nang hawakan niya ako sa braso at pigilan sa pagtalikod sa kanya."Kung sakali na may marinig ka huwag mo na lang pansinin..."Seryoso ang mga mata niya. Marinig saan? Ngumiti siya kaya maliit din ako na ngumiti at tumango kahit hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin.Marahan ang hakbang ko sa hagdan paakyat at iniisip na magagalit siya kung mag-iingay ako. Sandali akong tumigil nang nadaanan ko ang kwarto niya. Bakit kaya ayaw niya na narito ako sa tabi niya? Siguro nasanay siya na mag-isa sa floor na ito? At ano naman ang sinabi ni Laura na maririnig ko rito?Tiningnan ko ang mga ibang kwarto. Apat ang kwarto rito. Ang dalawa'y gamit namin. Ang isa'y katapat ng kwarto namin at ang isa pa ay nasa dulo ng pasilyo na medyo malayo sa tatlong kwarto.Pumasok ako sa sariling kwarto at nahihiwagaan sa sinabi ni Laura at sa akto ni Silas nang makita ako.Kinabukasan maaga akong nagising dahil nasanay sa probinsiya na maaga pa lang ay nasa labas na at nangangabayo o kaya ay nanunuod sa mga nagpapaanak sa baka.Malungkot akong nagbuntong hininga habang nakatanaw sa hagdan pababa. Nami-miss ko na ang hacienda. Nasanay ako sa amoy ng probinsya at ang malamig na hangin na sinasalubong ako sa tuwing mabilis ang patakbo ko kay Avery. Isa siyang babaeng breed na Arabian horse. Kulay puti at sa akin lang maamo. Isang araw pa lang ako rito'y nakakaramdam na ako ng pangungulila. Dapat siguro pinilit ko talaga si Lolo na doon na lang ako maghihintay sa kanya.Sa kakaisip ko, hindi ko napansin na nasa huling baitang na ako. Kamuntikan na akong matapilok sa huling baitang kung hindi lang ako napakapit sa leeg ng lalaki na nasa harapan ko. Napapikit ako ng mariin dahil nalula ako sa huling baitang na hindi ko naapakan.Ang mainit na hininga nang kayakap ko ay tumatama sa aking leeg. Ang braso niya'y nasa bewang ko at mukhang napahawak din sa akin para pigilan ang pagtumba ko.Nanlaki ang mga mata ko pagkadilat nang makita na wala siyang suot na damit pang-itaas. Mabilis akong lumayo para lang bumalandra si Silas na salubong ang kilay."Watch your step next time," he said, annoyed.Napalabi ako. "Sorry."Bumaba ang iritado na tingin niya sa labi ko. Ang kamay ko'y nanatili sa leeg niya at ang braso niya ay nakapaikot pa rin sa bewang ko papunta sa aking likod.Natulala siya sandali. Kumurap siya at umiwas bago niysa ako mabilis na binitiwan para umakyat sa itaas. Sinundan ko siya ng tingin dahil sa bigat ng mga paa niya. Sa una ay humahakbang lang siya pero nang muli niya akong lingunin at makita na nakatingin ako, tumakbo siya paakyat."Hija? Nandiyan ka pala!""Good morning po," bati ko sa lola nila at tuluyan nang bumaba sa hagdan."Tawagin mo na lang kami na Lolo at Lola dahil apo ka na rin naman namin. Si Gineth at Laura ay Tita mo. Si Silas naman ay Tito mo pero halos mga magkakaedaran lang naman kayo kaya kahit Ate at Kuya na lang ang itawag mo sa kanila.""Okay po Lola," magalang na sagot ko.Nginitian niya ako at isinama sa hapag na mayroon nang nakahain na mga pagkain. Ang aga rin pala nila mag-ayos dito. Nakakahiyang hindi man lang ako nakatulong."Pupuntahan niyo po ba ang rest house ni Tita Sena?"Pagkalapit ko sa hapag narinig ko na nagtanong ni Gineth. Ngumiti si Laura sa akin at itinuro ang pwesto kung saan ako uupo."Babalik kami. Magtatagal kasi si Mr. Miller at ang anak niya na babae," sagot ng Lola niya.Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero sa ayos ng dalawang matanda mukhang aalis sila."Pupuntahan din yata ni kuya si Elle. May training sila sa likod," si Laura.Muntik na ako mapasinghap nang mapasulyap kay Silas na kauupo lang sa tabi ko. Hindi ko siya narinig na bumaba sa hagdan kahit ang paglapit niya sa hapag kainan hindi ko naramdaman. Nahihiwagaan ako na napatitig sa kanya, para siyang hangin lang na dumaan."Pupuntahan mo si Elle, Kuya? Sasama ako!"Malaki ang ngiti ni Neth at nagpapacute kay Silas para isama siya. Nakatitig ako sa kanya at naghihintay din sa isasagot niya sa kanyang kapatid. Habang nasa kanya ang tingin, napapaisip ako. Pwede rin kaya akong sumama?Siguro naramdaman niya na nakatitig ako. Tumikhim siya at nilingon ako. Hindi ako nag-iwas ng tingin at ngumiti pa sa kanya. Gusto ko sana sumama kaya lang ang suplado ng mga mata niya kaya hindi ako makapagsalita."Kuya, sasama ako!" Pangungulit ni Gineth.Hindi ako kumuha ng pagkain kaagad. Hinarap ko muna si Silas nang nakangiti at nagbabaka-sakali na isama niya kami ni Neth."Kung sasama si, Gineth, pwede rin ba ako sumama?"Nabitin sa pagsubo si Silas. Salubong ang kilay niya at masungit. Pati ang mga labi mariin ang pagkakasara. Napakurap ako at nagtataka kung bakit ang lamig niyang makitungo sa akin. Sa pananalita at tingin niya'y parang iniiwasan niya ako o ayaw niya na narito ako. Pagilid niya akong binalingan."Hindi mo kami tauhan. Hindi lahat ng gusto mo masusunod sa pamamahay ko."Napasinghap ako. Namilog ang mga mata ko at napaiwas ng tingin dahil napahiya. Hindi ko naman siya inutusan, nagtanong lang ako kung pwede akong sumama."Apo, huwag mo pagsalitaan si Athena ng ganyan," marahan na saway ng Lola niya.Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanila. Sa halip ay nagsimula na lang akong kumuha ng mga pagkain kahit sumama ang loob ko sa paratang niya. Narinig ko si Neth na gustong sumama kaya nagtanong lang ako. Pwede niya naman sabihin na hindi pwede. Hindi naman ako magpupumilit kung aayaw siya."Dapat lang para malaman niya na ako ang masusunod dahil sa akin siya pinagkatiwala ng Lolo niya."Dumiin ang hawak ko sa mga kubyertos. Tama nga ako na masama ang ugali niya. Dapat talaga nagpumilit ako kay Lolo na ayoko sumama kay Silas.Natahimik silang lahat. Sa nakikita ko, siya ang nasusunod dito sa lahat ng bagay at lahat ng desisyon niya'y nirerespeto ng mga tao rito kahit nang dalawang matanda. Naunang tumayo ang Lolo't Lola nila at nagpaalam na mauuna nang umalis.Tinulungan ko si Laura na magligpit ng mga pinggan. Hindi ako nakatulong sa pagluluto kanina kaya ngayon sa paglilinis ng pinggan na lang ako tutulong. Nakaupo pa si Silas kahit tapos na siyang kumain. Nagkatinginan kami nang kinuha ko sa lamesa ang pinggan niya na wala nang laman. Ang baso'y hawak niya. Umiinom siya habang nakatingin sa akin. Palaging madilim ang mata. Nag-iwas ako at nagmadali na lang na dinala ang mga pinggan sa lababo."Kaya ko na 'to!" Si Laura na nakangiti at inaawat ang kamay ko."Tulungan na kita. Hindi ko kasi alam na maaga kayo'ng nagluluto kaya hindi ako nakatulong kanina.""Ang ganda ng mga kamay mo. Baka masugatan ka sa pagsasabon."Napalabi ako at nai-angat ang aking dalawang palad. Sobrang puti ng mga balat ko kaya nakikita ang mga maliliit na ugat at parang ang sensitibo kong tingnan. Pero ang totoo sanay ako sa mga gawain."Nagluluto ako at naghuhugas ng pinag-kainan sa hacienda. Tumutulong ako sa gawaing bahay."Napangiti si Laura at naging interesado sa mga sinasabi ko. Sinulyapan niya si Silas at nakangisi na ibinalik sa akin ang tingin."Kung ganoon hindi ka palautos sa tauhan ninyo?" Malakas na tanong niya na parang pinaparinggan ang kapatid.Hindi pa umaalis si Silas kaya medyo natakot ako. Kapatid niya ang nagpaparinig pero ramdam kong sa akin siya galit na nakatingin. Umiling ako at inabot na ang gagamitin na sabon sa paglilinis."Kapag kaya ko ako na ang gumagawa. Naglilinis din ako ng kwadra at nagpapaligo ng kabayo. Tinuturuan din ako na magpaanak ng mga baka."Nanlaki ang mga mata niya't tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Parang namamangha sa mga narinig."Hindi halata sayo! Kung titingnan ka kasi para kang prinsesa sa isang malayong kaharian! Na hindi kailangan kumilos dahil maraming taga-silbi!"Natawa ako sa sinabi niya. Marami na ang nakapagsabi sa akin ng ganyan. Kagaya ng sinabi niya'y iyan din ang unang sinabi sa akin ng mga tauhan sa hacienda. Na hindi raw ako dapat hinahayaan sa mga mabibigat na gawain pero nasanay na sila sa pangungulit ko at lahat sila'y naging kaibigan ko na rin. Para na lang kaming pantay pantay at hindi ako ang apo na magmamana sa buong hacienda. Kahit ganoon, hindi na mawawala sa kanila ang paggalang sa akin kaya may limitasyon kapag kasama ko sila.Pagkaakyat sa kwarto ko'y tumanaw ako sa bintana. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok pero iba pa rin ang hangin ng hacienda. Pumikit ako at hinayaan ko na tangayin ng hangin ang aking mahabang buhok. Itim na itim ang aking buhok at kulot ang bandang dulo. Gumuhit ang ngiti sa mapupulang labi ko na kakulay ng pulang rosas nang makiliti ang pisngi ko dahilan ng mahahaba kong pilikmata. Makapal din ang itim na kilay ko at ang mga mata ko ay kakulay ng gabi. Dahil sa sobrang puti ng aking balat at ang ilan sa mga katangian ko ay madalas akong maihalintulad sa isang karakter ng prinsesa sa libro.Hindi mo kami tauhan. Hindi lahat ng gusto mo masusunod sa pamamahay ko.Naging mababaw ang ngiti ko nang maalala ang galit at malamig na mga salita ni Silas. Bakit siya pumayag sa kagustuhan ni Grandpa na sa kanya ako tumira pansamantala gayong nakikita ko sa kanya na hindi niya ako gusto?Unang araw pa lang ramdam na ramdam ko na ang pagka-ayaw niya sa akin. Bumuntong-hininga ako. Marahan akong dumilat at napatingin sa ibaba. Naroon siya at nakatingala na pinagmamasdan ako. Mayroon hawak na sigarilyo at nakasandal sa bato na dingding ng bakuran nila. Mariin ang tingin niya sa akin habang ibinubuga niya ang puting usok sa mapulang labi niya.I tied my hair in a messy bun while typing my report on my laptop. Bakasyon ngayon pero nag-iwan si Mrs. Monte ng mga gagawin ko na makakatulong para sa susunod na pasukan.Umikot ang silya na kinauupuan ko dahil sa gulat nang biglaan na bumukas ang pintuan sa kwarto ko. Napatayo ako nang makita si Silas na pumasok at walang suot sa pang-itaas na damit. I couldn't help but to stare at his body. His hair was damp as his toned stomach with eight pack abs shone because of sweat.May pag-iingat akong tumayo at lumapit sa kanya. Kahit hindi ako nakapag-lock ng pinto sana hindi siya basta basta pumapasok. I'm actually a bit childish when I was in the province but after he brought me here I become more cautious to how should I act. Nagiging maingat ako sa ipapakita na ugali dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pakiramdam ko kasi kung hindi ako aayos sa kagustuhan niya mapagsasabihan niya ako at mapapagalitan. Parang matang lawin ang mga mata niya na madalas ko mahuli na nakatanaw s
Nakatitig ako kay Silas na hindi nawawala ang ngisi habang kausap ang babae. Nakapangalumbaba ako at nakalabi. Iniisip ko na talagang napilitan lang siya na kunin ako dahil sa pakiusap ni Lolo. Na kahit anong gawin ko, siguro hindi niya ako magugustuhan.Iniwas ko ang tingin sa kanila para tingnan ang mga kasama ko sa lamesa. Patago akong huminga ng malalim at hindi mapigilan na balikan sila ng tingin. Naibaba ko ang aking kamay at naalis sa pagpapangalumbaba nang matanaw ko na naglalakad silang dalawa palabas papunta sa likod bahay."Pamangkin nila iyan, si Athena."Inalis ko ang tingin kay Silas nang marinig ko ang sinabi ni Lola sa Tatay nang babae na kasama ni Silas ngayon."Pamangkin nila?" Napangiti ako nang titigan ako ng lalaki na kausap nila."Oo. Ang Mama kasi ni Athena ay pinsan nina Gineth, Laura at Silas. Ang Lolo ni Athena na nag-aalaga sa kanya ay pinsan ang Tatay nila Silas," paliwanag ng lola nila.Pati ako napapatango dahil nalaman ko kung paano kami naging magkamag-
I stepped back when he stopped in front of me. Tumigil lang ako sa pag-atras nang maramdaman ko ang pader sa aking likod. Nasa gilid ang tingin ko at wala sa kanya. Gusto ko na lang pumalit sa kinalalagyan ng halaman na nasa gilid ko o di kaya'y lamunin na lang ng lupa."Do you know that it's not right to hide and secretly listen between two person's conversation?""I'm not hiding!" I looked up at him and it was too late to regret what I had just said.Umangat ang gilid ng labi niya para sa isang ngisi at ipinatong ang isang kamay sa pader, sa ibabaw ng ulo ko. Nagbaba ako ng tingin nang inilapit niya ang kanyang mukha para matitigan ako."Oh..." Sarkastiko ang tunog niya. "You are not hiding? So, you mean you admit you overheard our conversation?"Napapikit ako ng mariin at hindi nakapagsalita. Dapat talaga dumiretso na lang ako sa kusina! Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at bigla akong tumigil para makinig sa usapan nila!"Don't scare her!"My eyes flew open. The woman behin
Sobrang bored na bored na ako at nami-miss ko pa ang probinsya. Wala na kami sa bahay nila sa Manila at tingin ko nasa malayo rin kami na probinsya ngayon. Masiyado nga lang liblib at parang nakakatakot maglakad lakad ng mag-isa sa kakahuyan bago makalabas sa kalsada. Ibang iba sa kinalakihan ko na probinsya. Magiliw ang mga tao roon at marami ang pwede na mapagkaabalahan.Tingnan ko pa lang ang mga nagtataasan na mga puno rito'y pakiramdam ko na napapaligiran kami ng mababangis na hayop. Hindi naman ito mukhang bakasyunan. Mas nagmumukha pa itong taguan dahil sobrang layo ng kalsada at mga bahay. Nasa gitna pa ng kakahuyan na kahit madalas mag-praktis sila Silas sa likod ay walang makakarinig na ibang tao."Lalabas ka ba, Kuya?"Nasira ang pag-iisip ko nang maamoy ang kaaya-ayang bango ni Silas. It must be his shower gel. Hindi raw kasi ito gumagamit ng pabango ayon sa mga kapatid niya kapag nagk-kwento. Nasa likod pa siya kaya hindi ko siya nakikita kung hindi naaamoy ko lang."Mang
Napasinghap ako sa lamig ng hangin. Kulang na lang umusok ang bunganga ko. Nakasuot pa naman ako ng manipis na puting dress at umabot lang iyon sa ibabaw ng tuhod ko. Ang kulay puti ko na damit ay halos maging kakulay na ng balat ko.Itinaas ko ang dalawang palad at itinapat iyon sa labi ko para saluhin ang mainit na buga ng aking hininga. Pagkatapos ay pinagkuskos ko ang mga iyon para maibsan ang lamig.My lips are getting redder from the cold. I lick my lips from time to time to prevent it from dryness. Dahil sa lamig ay natutuyo ang labi at lalamunan ko. Ilang minuto na kami na naglalakad sa kakahuyan pero hindi pa sila tumitigil para manguha ng kahoy. Hindi naman malakas ang hangin pero sobrang lamig. Siguro dahil sa mga puno? Mayroon pang araw na sumisilip sa mga dahon pero malamig pa rin ang paligid. Nasa unahan si Silas at si Elle na kaibigan niya. Kami ni Neth ay nasa likuran at nahuhuli.The curly tips of my hair swayed as I let it fall on my back, it was touching my lower ba
(TFD) Chapter 09"Napagalitan ako ni kuya kanina nang mawala ka! Dapat hindi ka umalis kasi alam ko ang daan pabalik!" Nakasimangot si Neth sa akin."Pasensya na. Nalibang ako sa pagtingin sa mga puno..." Nahiya ako bigla. Nasermunan siya dahil sa akin."Hindi ka ba nasaktan? Mabuti at nahanap ka ni kuya! Pagkatalon niya pababa sa puno ikaw kaagad ang hinanap niya! Muntik na akong umiyak habang nagpapaliwanag na nawawala ka!"Umiling ako at hinaplos ang tuktok ng buhok ko kung saan ko naramdaman ang ahas kanina."Hindi naman ako nasaktan...""Makinig ka kasi kay kuya! Natakot ako nang sinigawan mo siya kanina! Alam mo ba na kami ni Ate Laura hindi namin iyan ginagawa sa kanya?"Tumango ako at ngumiti. Dinirekta ko ang tingin kay Silas na nasa harapan. Nasa likuran ulit kami ni Neth ngayong papauwi na. Hindi ko alam ang daan kaya hindi ko magawang manguna.Ang mga nakuha na kahoy ay nasa tulak tulak ni Silas na wheelbarrow. Ang isang kutsilyo na mayroon ahas ay nasa ibabaw ng mga kahoy
(TFD) Chapter 10"Bakit ganyan ang itsura mo? Ano ang nangyari sa 'yo?" Salubong sa akin ni Gineth pagkapasok ko sa loob. "Hindi ka nakita ni Ate Elle? Pinapatawag ka at si Kuya Silas ni Lola dahil kakain na."Sinuklay ko ng mga daliri ang buhok ko at mariin na kinagat ang ibabang labi. Bakit ba pagdating kay Silas ang bilis ko magalit. Hindi naman ako ganito, ngayon lang. Siguro dahil ngayon ko lang din naman kasi naranasan ang makipagsagutan at makipagsigawan. Baka ganito talaga ako magalit at hindi ko lang alam."Kuya!"Napapikit ako ng mariin nang marinig si Neth na tinawag ang kuya niya. Sa likod ko siya nakatingin at mukhang nasa loob na rin sina Silas at Elle. Narinig ko ang mahina na tawa ni Elle nang lagpasan kami ni Silas. Kahit ang kapatid niya'y hindi niya pinansin. Walang lingon likod siyang nagtungo sa kwarto niya."Maliligo raw saglit. Magpapalamig," si Elle kay Neth.May kahulugan akong sinulyapan ng babae na natatawa bago siya dumiretso sa kusina. Sinundan ni Neth ng
(TFD) Chapter 11Humina ang signal kaya nawala ang mga kausap niya. Tumayo si Neth at itinaas kung saan-saan ang hawak na phone para lang makasagap ng signal.Tumigil ang duyan na kinauupuan ko dahil si Neth ang nagtutulak nito kanina. Pwede ko naman itulak, kaya lang nahihiya naman akong gumalaw dahil nasa gilid ko si Silas."What have you been studying online?"Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang gilid ng inuupuan kong duyan na bakal. Pagilid kong sinulyapan ang ginagawa niya. Bigla na lang kasi siyang nagtanong. May naganap na pagtatalo sa pagitan namin pero kung magtanong siya ngayon, parang hindi nangyari iyon.Pinitik niya sa malayong parte ng lupa ang upos ng sigarilyo na mayroon pang baga. Umikot pa iyon bago tuluyang bumagsak sa lupa. Pinagmasdan niya ang ibinato niya na upos at hindi ako agaran na nilingon. Gilid lang ng panlalaking itsura niya ang kita ko. Natatamaan siya ng ilaw ng poste na nasa itaas kung saan siya nakasandal.His lips were red and wet. Ka
"I'm flying! We're flying!"Nagpunas ako ng luha na nasa gilid na ng aking mga mata. Naiiyak ako katatawa. Bago ako tumungo sa kusina, naghahabulan lang sila sa madamo at patag na hardin namin. Ngayon naman ay ginawa na niyang dumbbell ang kambal sa magkabilang braso niya. Ang mga merienda nila ay nasa lamesa na at kalalapag ko lang ngunit walang pumansin ni isa sa kanila dahil abala sa paglalaro."Savannah! Silverio! That's enough! Eat your snack first!"Tumayo ako at lumapit. Kinuha ko ang babae namin at pilit pinapabitiw sa braso niya."Mom! I'm still playing!" She complained and almost crying.Natawa si Silas at siya na ang kusang lumakad patungo sa mesa kung nasaan ang inihanda kong snacks nila."What did I tell you?" Silas asked our twin. They both pouted then looked at me."A happy mommy is a happy life!" They answer in sync.Napangiti ako at umirap kay Silas. Sinunod nila ako nang muli ko silang pinababa. Nakasimangot nilang kinain ang sandwich. Nakatayo ako sa gilid ng dalawa
Silvanus POV 04"If something bad happens to Athena, I will kill you all! I will hunt you all! I will kill you!"I glared angrily at Greg. Ganoon rin sa ibang mga pumigil sa akin kanina. Pinagtulungan nila ako para hindi ko mapigilan si Athena. I know that that was the right thing to do. Pero hindi ako ganoon kabuting tao para gawin palagi ang tama.Kung ako ang masusunod, ilalayo ko siya rito at hahayaan ko silang lahat. Dahil nangako ako. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit ano ang mangyari. Na kahit ano ang isakripisyo ko. Na kahit ano ang maging kapalit, hindi ko siya ibibigay.Pero paano at ano ang gagawin ko kung siya na ang kusang sumama? I am willing to be called heartless just so I can protect her. While she sacrificed herself, so she could protect them.Pagka-alis ni Athena doon pa lang nila ako nagawang bitiwan. I went to my car but before I could get inside, they are already holding me again. I need to chase her. Kahit mag-isa lang ako, kukunin ko siya pabalik. Bakit pinip
Silvanus POV 03Wala akong tigil sa kabubuhat ng kahit anong equipment sa loob ng kwarto ko para lang mapagod at pagpawisan. Isang araw pa lang para na akong mababaliw sa amoy niya. Ang dalas kong magmura sa isip lalo na't alam kong nasa katabing kwarto ko lang siya."Shit!" I exhaled heavily and stopped lifting the dumbbell.Nakahubad akong nagtungo sa kwarto niya dahil hindi ko na matiis. Kahit isang silip lang. Kahit hindi ko siya mahawakan.Napatayo siya mula sa pagkakaupo, nagulat dahil sa biglang pagpasok ko. Tinigasan ko ang anyo habang naglalakad palapit sa kanya. Itinatago ko na kinakabahan ako lalo na at nakatitig siya sa hubad at pawisan kong katawan."What's that?" I asked, looking at the notebook on her study table. Nilapitan ko iyon at binuksan. Kung babasahin ko, malalaman ko ang laman ng notebook. Kaya lang...nawala roon ang atensyon ko dahil nakatitig si Athena sa katawan ko habang nasa malapit ako.Kahit malamig ang hangin na nanggagaling sa labas ng kanyang bintana
Silvanus POV 02She's almost thirteen and I was seventeen when we were kidnapped.Akala ko malakas na ako para maprotektahan siya. Ngunit wala akong binatbat sa mga dumukot sa amin. They are many and bigger than me. They have guns, I don't have. They are trained, I'm not.I tried to protect her with just my fists. I shouted at her to run. When I saw that she had escaped, I was relieved. Napanatag ako nang makalayo na siya. Kahit pa may posibilidad na sa kalsada mismo ay patayin nila ako dahil sa paglaban na ginawa ko sa kanila. Hindi ko iyon ininda. Hindi na iyon pumasok sa isip ko. Hindi ko na naisip ang kaligtasan ko, ang kanya na lang."Bakit hindi na lang natin patayin ito! Hindi naman ito ang kailangan natin!"Huling sigaw at tadyak bago ako tinutukan ng baril. Nakapikit na ang isang mata ko at alam ko na ilang suntok na lang ay bibigay na ang katawan ko."Mas malaki ang makukuha natin kung kasama iyan! Bugbugin niyo na lang at huwag niyo munang papatayin!"Nakita ko siya na naka
Silvanus POV 01"Who is she?"I was fourteen years old when I first saw her. Nakikipaglaro siya sa ibang mga bata na kamag anak namin. Kauuwi lang namin galing sa Manila at naimbitahan kami ni Uncle na dumalo sa salo-salo sa mansion nila."Agatha's daughter," sagot ni Lolo na katabi ko sa pabilog na lamesa."Ate Agatha? I thought their daughter died with them in States?" Nagtataka na tanong ko.Namatay si Ate Agatha na pinsan ko at ang asawa niya sa ibang bansa. Naging sikreto iyon sa karamihan dahil alam ni Uncle na mayroon nagpapatay sa anak niya. Patago ang pag-i-imbestiga at paghahanap sa tao na may gawa."Nakaligtas ang anak nila. Pagkatapos ng isang taon. Dumating ang yaya ni Agatha na si Lupe at mayroon bitbit na bata.""What? After a year? Are you sure she's Ate Agatha's daughter?""Si Lupe ang may dala at hindi kung sino sino lang," sabi niya at para bang sapat na iyon na dahilan.I shrugged my shoulders. Lolo has a point. Matagal nang taga-silbi si Manang Lupe ng mga Alvarez
(TFD) Chapter 70This is the last chapter of The Forbidden Desires. Thanks for reading!(Silvanus Pov)The lump on my throat and the hallow part on my chest. The more I tried to move my hand to find her the more I choke.I opened my eyes to make sure if I'm alone then I closed them again tightly when I saw nothing. It's only darkness and my dark quiet room couldn't calm me.Marahas na dumapo ang reyalidad sa aking pisngi upang sampalin ako at gisingin sa katotohanan pagkatapos ko siyang subukang hanapin sa tabi ko.I opened my eyes and stared at the other side of my bed. I woke up alone again...Because she's gone... She left me...Ilang beses na nga bang ganito?Sa tuwing magigising ako'y kinakapa ko pa rin ang kama kahit alam ko naman na wala akong katabi.Huminga ako ng malalim at umupo sa dulo ng kama. Napatitig ako sa kawalan at napahilamos ng mukha. Matagal na rin pero hindi ako masanay na wala siya.Parang kahapon lang ang mga nangyari. Kung dati'y sa tuwing gigising ako ay bi
(TFD) Chapter 69Pagkalapit ng mga kaibigan niya'y saglit lang silang nag-usap. Lumapit sila sa mga militar na dumating. Naghanda na silang lahat dahil nasabihan na sila kung anong oras ang magiging pagsugod ni Madrina rito.They signaled the spy as they get ready. Naging seryoso silang lahat habang nagsusuot sa katawan ng body armor. Sinusuotan ako ni Silas nang magawi ang mata ko kina Elle at Kade. Mukhang nagtatalo ang dalawa dahil ayaw nitong paghawakin si Elle ng baril. Ganoon din si Lucienne. Nagbuntong-hininga na lang si Lucas at hindi na nakipagtalo."Don't move forward and just stay close to me! You are pregnant for fucking sake, Elle!" Sa huli, si Elle rin ang nasunod.Nilingon ko si Silas at hindi pa ako nakakapagsalita'y umiling na siya at pinanlalakihan ako ng mga mata. He might thought I will ask him for a gun too? But I had no intention of holding one again. Even though I didn't kill Madrina's men, it made me afraid to hold a gun. Sumama ako dahil ayokong mabaliw sa pag
(TFD) Chapter 68Pinanuod ko si Grandpa at ang mga taga hacienda na pumasok sa loob ng mga sasakyan na naka-abang. Silas told me that it's better to be safe and hide them somewhere that no one could touch them. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumakay na rin ako sa sasakyan niya.Kapuputok pa lang ng araw at nasa labas ng bintana ang tingin ko. Kahit alam kong may naka-abang na gulo mamaya ay positibo ang araw ko. They are ready and I know everything will fall in their plan.Ang tinahak namin ay sementadong daan. Parang nasa magandang probinsya ang tanawin noong una hanggang sa tumambad ang malaki at mataas na bundok.It looks scary but at the same time it looks amazing. Para itong nakahimlay na babae. Nakapikit, nakabaluktot, at nakatagilid. Her eyes, nose, and lips are visible. Para itong didilat ano mang oras at tatayo para salubungin kami. Even the shape of her fingers are noticeable."She's beautiful," namamangha kong anas."Do you like her?" He asked me seriously."Of c
(TFD) Chapter 67Nagmistulang escort namin ang mga military aircraft na kasabay namin lumipad. Nagamot na ang sugat ni Silas ngunit hindi pa niya maigalaw ng maayos ang braso niya. Mabuti na lang at daplis lang. Natakot lang ako kanina dahil maraming dugo ang humalo sa tubig nang mabaril siya.Kahit maingay ay nakatulog ako dahil na rin sa pagod. Naka-unan ako sa walang sugat na braso ni Silas. Tulog rin siya at nakapag-pahinga na kahit sandali. Sabay lang kaming nagising nang lumapag ang chopper sa isla. Hindi naging hadlang ang sugat niya sa isang kamay para maalalayan akong bumaba.Mayroon isang chopper na kasabayan naming lumapag. Kasama iyon sa mga pumunta at tumulong na makuha si Silas. May lalaking lumapit kay Silas mula roon na kakaiba ang kulay ng mga mata. Napatitig ako dahil naghahalo ang amber at kulay lila roon. Aakalain na contact lens kung hindi matititigan ng mabuti."Lucas," ngisi ni Silas nang tapikin siya nito sa balikat.Maamo ang mukha ng lalaki nang nginitian ako