All Chapters of The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5): Chapter 1 - Chapter 10

75 Chapters

The Forbidden Desires 01

"Are you sure he's my uncle?"Nilingon ko ulit ang lalaki na walang emosyon ang mga mata kahit narinig ang itinanong ko."Yes Athi... Why? Do you have any doubts?""I just thought he's too young, Grandpa.""He's five years older than you. Don't you like that? I'm sure you two will get along."Malalim ang mga mata ng lalaki at matalas kung tumingin. Nakatingin pero hindi nagsasalita. Nakasandal siya sa hamba ng pinto ng mansion ni Grandpa. Naghihintay sa paglapit ko para makaalis na kami dahil pansamantala akong titira sa kanila."I don't think so..."Sigurado na narinig ako ng lalaki pero wala pa rin nagbago sa reaksyon niya. He is like a living statue, observing me emotionless.I don't think I would like to stay with him for long. I'm a bit childish. Maybe because I grew up with my grandfather who was willing to gave me everything I like, everything I want, and treating me like a fragile glass. They spoiled me for everything but they didn't tolerate me when it comes about a bad manne
last updateLast Updated : 2023-08-22
Read more

The Forbidden Desires 02

"Malapit na ba?He just nodded his head. He never spoke to me again. I pouted and remained silent as well. It's strange but I'm completely comfortable even if he doesn't talk. I feel like I'm used to him being like this.Hindi niya ipinaliwanag kung paano kami nagkita at hindi ko talaga siya maalala. Pumikit ako at inisip ang mga nangyari ten years ago kagaya ng mga sinasabi niya.Pilit kong inalala kahit sumasakit ang ulo ko. Malabo, iyon ang naunang pumasok sa isipan ko. It's weird but I don't know what happened ten years ago. My memories from those times were clouded.Dumilat ako at tinitigan siya. Hindi ko talaga maalala na nagkita na kaming dalawa.Naging malikot ang mga mata ko nang makalabas kami sa probinsya. Maraming sasakyan at maraming tao sa kalsada. Laking rancho ako kaya nabibigla ako sa mga naglalakihan na building na nadadaanan namin.Nawala ang buong atensyon ko sa kanya dahil naging abala ang mga mata ko sa labas."Nag-aaral ka pa?"Nagulat ako nang magsalita siya. T
last updateLast Updated : 2023-08-22
Read more

The Forbidden Desires 03

"Hayaan mo na siya sa itaas, Kuya! Kasi wala nga siyang ibang gagamitin na kwarto!"Tiningnan ako ni Laura pero na kay Silas ang tingin ko. Binubuksan niya ang mga kwarto at iniinspeksyon ng mabuti kung pwede niya bang magawan ng paraan ang isa roon para mailipat ako ng kwarto.Ang kwarto ko na katabi ng kwarto niya ay malinis at kumportable. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya ako roon."That floor is mine-""Sayo iyon dati. Solo mo kasi wala naman tayong ibang kasama sa bahay. Sila Lolo at Lola mas gusto rito sa second floor para hindi mahirapan mag-akyat baba at ganoon din kami ni Gineth. Wala kang kasama sa itaas kaya si Athena na lang."Iritado niyang sinuklay pataas ang buhok niya at nilingon ako. Napaatras ako at bahagyang itinago ang sarili sa hamba ng pinto. Nasa loob siya at si Laura ng kwarto na marumi at maalikabok. Pati ang pintura nito sa dingding ay kailangan ayusin. Nag-iwas ako ng tingin at nasalo ng door knob na sira ang mga mata ko."Aayusin ko ito at il
last updateLast Updated : 2023-08-22
Read more

The Forbidden Desires 04

I tied my hair in a messy bun while typing my report on my laptop. Bakasyon ngayon pero nag-iwan si Mrs. Monte ng mga gagawin ko na makakatulong para sa susunod na pasukan.Umikot ang silya na kinauupuan ko dahil sa gulat nang biglaan na bumukas ang pintuan sa kwarto ko. Napatayo ako nang makita si Silas na pumasok at walang suot sa pang-itaas na damit. I couldn't help but to stare at his body. His hair was damp as his toned stomach with eight pack abs shone because of sweat.May pag-iingat akong tumayo at lumapit sa kanya. Kahit hindi ako nakapag-lock ng pinto sana hindi siya basta basta pumapasok. I'm actually a bit childish when I was in the province but after he brought me here I become more cautious to how should I act. Nagiging maingat ako sa ipapakita na ugali dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pakiramdam ko kasi kung hindi ako aayos sa kagustuhan niya mapagsasabihan niya ako at mapapagalitan. Parang matang lawin ang mga mata niya na madalas ko mahuli na nakatanaw s
last updateLast Updated : 2023-08-22
Read more

The Forbidden Desires 05

Nakatitig ako kay Silas na hindi nawawala ang ngisi habang kausap ang babae. Nakapangalumbaba ako at nakalabi. Iniisip ko na talagang napilitan lang siya na kunin ako dahil sa pakiusap ni Lolo. Na kahit anong gawin ko, siguro hindi niya ako magugustuhan.Iniwas ko ang tingin sa kanila para tingnan ang mga kasama ko sa lamesa. Patago akong huminga ng malalim at hindi mapigilan na balikan sila ng tingin. Naibaba ko ang aking kamay at naalis sa pagpapangalumbaba nang matanaw ko na naglalakad silang dalawa palabas papunta sa likod bahay."Pamangkin nila iyan, si Athena."Inalis ko ang tingin kay Silas nang marinig ko ang sinabi ni Lola sa Tatay nang babae na kasama ni Silas ngayon."Pamangkin nila?" Napangiti ako nang titigan ako ng lalaki na kausap nila."Oo. Ang Mama kasi ni Athena ay pinsan nina Gineth, Laura at Silas. Ang Lolo ni Athena na nag-aalaga sa kanya ay pinsan ang Tatay nila Silas," paliwanag ng lola nila.Pati ako napapatango dahil nalaman ko kung paano kami naging magkamag-
last updateLast Updated : 2023-08-22
Read more

The Forbidden Desires 06

I stepped back when he stopped in front of me. Tumigil lang ako sa pag-atras nang maramdaman ko ang pader sa aking likod. Nasa gilid ang tingin ko at wala sa kanya. Gusto ko na lang pumalit sa kinalalagyan ng halaman na nasa gilid ko o di kaya'y lamunin na lang ng lupa."Do you know that it's not right to hide and secretly listen between two person's conversation?""I'm not hiding!" I looked up at him and it was too late to regret what I had just said.Umangat ang gilid ng labi niya para sa isang ngisi at ipinatong ang isang kamay sa pader, sa ibabaw ng ulo ko. Nagbaba ako ng tingin nang inilapit niya ang kanyang mukha para matitigan ako."Oh..." Sarkastiko ang tunog niya. "You are not hiding? So, you mean you admit you overheard our conversation?"Napapikit ako ng mariin at hindi nakapagsalita. Dapat talaga dumiretso na lang ako sa kusina! Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at bigla akong tumigil para makinig sa usapan nila!"Don't scare her!"My eyes flew open. The woman behin
last updateLast Updated : 2023-08-30
Read more

The Forbidden Desires 07

Sobrang bored na bored na ako at nami-miss ko pa ang probinsya. Wala na kami sa bahay nila sa Manila at tingin ko nasa malayo rin kami na probinsya ngayon. Masiyado nga lang liblib at parang nakakatakot maglakad lakad ng mag-isa sa kakahuyan bago makalabas sa kalsada. Ibang iba sa kinalakihan ko na probinsya. Magiliw ang mga tao roon at marami ang pwede na mapagkaabalahan.Tingnan ko pa lang ang mga nagtataasan na mga puno rito'y pakiramdam ko na napapaligiran kami ng mababangis na hayop. Hindi naman ito mukhang bakasyunan. Mas nagmumukha pa itong taguan dahil sobrang layo ng kalsada at mga bahay. Nasa gitna pa ng kakahuyan na kahit madalas mag-praktis sila Silas sa likod ay walang makakarinig na ibang tao."Lalabas ka ba, Kuya?"Nasira ang pag-iisip ko nang maamoy ang kaaya-ayang bango ni Silas. It must be his shower gel. Hindi raw kasi ito gumagamit ng pabango ayon sa mga kapatid niya kapag nagk-kwento. Nasa likod pa siya kaya hindi ko siya nakikita kung hindi naaamoy ko lang."Mang
last updateLast Updated : 2023-08-30
Read more

The Forbidden Desires 08

Napasinghap ako sa lamig ng hangin. Kulang na lang umusok ang bunganga ko. Nakasuot pa naman ako ng manipis na puting dress at umabot lang iyon sa ibabaw ng tuhod ko. Ang kulay puti ko na damit ay halos maging kakulay na ng balat ko.Itinaas ko ang dalawang palad at itinapat iyon sa labi ko para saluhin ang mainit na buga ng aking hininga. Pagkatapos ay pinagkuskos ko ang mga iyon para maibsan ang lamig.My lips are getting redder from the cold. I lick my lips from time to time to prevent it from dryness. Dahil sa lamig ay natutuyo ang labi at lalamunan ko. Ilang minuto na kami na naglalakad sa kakahuyan pero hindi pa sila tumitigil para manguha ng kahoy. Hindi naman malakas ang hangin pero sobrang lamig. Siguro dahil sa mga puno? Mayroon pang araw na sumisilip sa mga dahon pero malamig pa rin ang paligid. Nasa unahan si Silas at si Elle na kaibigan niya. Kami ni Neth ay nasa likuran at nahuhuli.The curly tips of my hair swayed as I let it fall on my back, it was touching my lower ba
last updateLast Updated : 2023-08-30
Read more

The Forbidden Desires 09

(TFD) Chapter 09"Napagalitan ako ni kuya kanina nang mawala ka! Dapat hindi ka umalis kasi alam ko ang daan pabalik!" Nakasimangot si Neth sa akin."Pasensya na. Nalibang ako sa pagtingin sa mga puno..." Nahiya ako bigla. Nasermunan siya dahil sa akin."Hindi ka ba nasaktan? Mabuti at nahanap ka ni kuya! Pagkatalon niya pababa sa puno ikaw kaagad ang hinanap niya! Muntik na akong umiyak habang nagpapaliwanag na nawawala ka!"Umiling ako at hinaplos ang tuktok ng buhok ko kung saan ko naramdaman ang ahas kanina."Hindi naman ako nasaktan...""Makinig ka kasi kay kuya! Natakot ako nang sinigawan mo siya kanina! Alam mo ba na kami ni Ate Laura hindi namin iyan ginagawa sa kanya?"Tumango ako at ngumiti. Dinirekta ko ang tingin kay Silas na nasa harapan. Nasa likuran ulit kami ni Neth ngayong papauwi na. Hindi ko alam ang daan kaya hindi ko magawang manguna.Ang mga nakuha na kahoy ay nasa tulak tulak ni Silas na wheelbarrow. Ang isang kutsilyo na mayroon ahas ay nasa ibabaw ng mga kahoy
last updateLast Updated : 2023-08-30
Read more

The Forbidden Desires 10

(TFD) Chapter 10"Bakit ganyan ang itsura mo? Ano ang nangyari sa 'yo?" Salubong sa akin ni Gineth pagkapasok ko sa loob. "Hindi ka nakita ni Ate Elle? Pinapatawag ka at si Kuya Silas ni Lola dahil kakain na."Sinuklay ko ng mga daliri ang buhok ko at mariin na kinagat ang ibabang labi. Bakit ba pagdating kay Silas ang bilis ko magalit. Hindi naman ako ganito, ngayon lang. Siguro dahil ngayon ko lang din naman kasi naranasan ang makipagsagutan at makipagsigawan. Baka ganito talaga ako magalit at hindi ko lang alam."Kuya!"Napapikit ako ng mariin nang marinig si Neth na tinawag ang kuya niya. Sa likod ko siya nakatingin at mukhang nasa loob na rin sina Silas at Elle. Narinig ko ang mahina na tawa ni Elle nang lagpasan kami ni Silas. Kahit ang kapatid niya'y hindi niya pinansin. Walang lingon likod siyang nagtungo sa kwarto niya."Maliligo raw saglit. Magpapalamig," si Elle kay Neth.May kahulugan akong sinulyapan ng babae na natatawa bago siya dumiretso sa kusina. Sinundan ni Neth ng
last updateLast Updated : 2023-08-30
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status