(TFD) Chapter 11Humina ang signal kaya nawala ang mga kausap niya. Tumayo si Neth at itinaas kung saan-saan ang hawak na phone para lang makasagap ng signal.Tumigil ang duyan na kinauupuan ko dahil si Neth ang nagtutulak nito kanina. Pwede ko naman itulak, kaya lang nahihiya naman akong gumalaw dahil nasa gilid ko si Silas."What have you been studying online?"Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang gilid ng inuupuan kong duyan na bakal. Pagilid kong sinulyapan ang ginagawa niya. Bigla na lang kasi siyang nagtanong. May naganap na pagtatalo sa pagitan namin pero kung magtanong siya ngayon, parang hindi nangyari iyon.Pinitik niya sa malayong parte ng lupa ang upos ng sigarilyo na mayroon pang baga. Umikot pa iyon bago tuluyang bumagsak sa lupa. Pinagmasdan niya ang ibinato niya na upos at hindi ako agaran na nilingon. Gilid lang ng panlalaking itsura niya ang kita ko. Natatamaan siya ng ilaw ng poste na nasa itaas kung saan siya nakasandal.His lips were red and wet. Ka
(TFD) Chapter 12I sat comfortably in the front seat. Nasa labas pa si Silas at nagpapaalam ng maayos sa mga Lolo at Lola niya. Si Neth nasa dating pwesto niya sa backseat ng sasakyan, tulog na naman.Pabalik na kami sa Manila at mahabang biyahe ang tatahakin. Napa-iwas ako ng tingin sa pagyayakapan nina Silas at Elle. That's fine. They are friends, right? What? If they are more than friends, that's fine too.Yumapos ang babae sa kanya. Umikot ang mga kamay nito at pumulupot sa bewang ni Silas papunta sa likod. Wala sa sariling humigpit ang hawak ko sa seatbelt lalo na nang makita ko ang pagbaba ng labi ni Silas para sa malambing na halik sa tuktok ng buhok ni Elle bilang pamamaalam.May kung anong namuo sa tiyan ko at pinanlamigan ako ng sikmura.I see, he has a soft spot for her. Mas malambing pa siya rito kaysa sa mga kapatid niya. May pagkakatulad ang ugali nila ni Laura kaya hindi niya malalambing ng ganito. At si Neth naman ay pinakabunso kaya takot sa kanya.I don't know. They
(TFD) Chapter 13Mabilis kaming nakauwi sa bahay nila dahil sa bilis ng patakbo ni Silas. Walang nagsalita kahit nang makababa na kami sa sasakyan at makapasok sa mga kwarto namin.Sandali akong natulala sa dingding ng kwarto. Hindi ako nagpalit ng damit o naglinis ng katawan. Masiyado akong tinatamad na kumilos ngayon. Hindi naman din kasi ako nanlalagkit dahil nakaligo ako kanina bago kami bumiyahe pauwi.Nagising ako kinabukasan sa isang katok. Nasilip ko ang bintana, hindi pa tirik ang araw pero maliwanag na. Ginamit kong panuklay sa buhok ang mga daliri at tumayo para makita kung sino ang nasa labas.Napagbuksan ko ang nakatayo na si Silas at bihis na bihis. Amoy din ang panlalaking shower gel niya at basa pa ang buhok."Mag-ayos ka na. Ihahatid na kita."Iyon lang ang sinabi niya pagkasilip ko at umalis kaagad sa aking harapan. Hindi ko pa kaagad isinara ang pinto, tiningnan ko pa ang likod niya na papalayo. Nagbuntong-hininga ako at pumasok na sa loob para makapag-ayos katulad
(TFD) Chapter 14Hindi siya bumaba sa tanghalian. Wala pa sila Lolo at Lola dahil nagpaiwan. Si Neth naman, nag-enroll din. Tinanghali siya ng gising kaya ngayon lang siya makakapunta sa school. Kung maaga siya sana naisabay na namin siya kanina. Pwede naman siyang gisingin ni Silas gaya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ginawa."Wala kang gana?" Si Laura.Kaming dalawa lang ang nasa hapag. Hindi ko napansin na pinaglalaruan ko na pala ang pagkain na nasa pinggan."Hindi naman... May...gana naman..."Hindi ko alam kung paano sasagot. Maliit na lang akong ngumiti kay Laura at nagpatuloy sa pagkain. Nakakahiya kung iiwan ko siya sa hapag at sasabihin na wala akong gana. Nakikitira na nga lang ako mag-iinarte pa ba ako sa pagkain? Sa tuwing susubo ako, napapatingin ako sa pintuan ng kusina. Inaabangan ko kung papasok ba si Silas kahit wala naman akong naririnig na bumababa sa hagdan."Nakapag-enroll ka na?"Uminom ako ng tubig at tumango, napapasulyap pa rin sa pintuan ng hapa
(TFD) Chapters 15"Nasaan ang Kuya mo?"Kaliligo ko lang at pababa sa hagdan nang pumasok si Penny. Ang mabilis na takbo ko sa hagdan ay naging mabagal. She's holding a blue tupperware. Pagkain siguro dahil maayos ang pagkakahawak niya at nag-i-ingat na hindi matapon."Nasa kwarto niya si kuya. Ano 'yang dala mo?"Naninimbang ang tingin ko kay Neth nang lumapit siya para makiusyuso sa dala nito. Pagkabukas niya, nalaman ko na ulam nga ang laman. Malayo pa kasi ako, amoy na.Bakit kailangan pa niyang magdala? Eh may pagkain naman dito?Nagpresinta pa naman akong magluto kanina ng pang-hapunan. Umakyat lang ako para maligo pero naibasta ko na ang mga sangkap ng lulutuin ko sa kusina kanina pa. Hindi na pwedeng hindi ko lutuin iyon."Kuya! Nagdala si Penny ng ulam!" Sabay dala ni Neth sa kusina nang pagkain na hawak na niya.I tilted my neck to see Silas, he is behind me. Nagkatinginan kami pagkatingala ko. Pababa rin siya sa hagdan. Humarap ako sa hagdan at naghintay sa dulo hanggang sa
(TFD) Chapter 16"Kumain na tayo. Nakapagluto na ako," pinasadahan niya ng tingin ang manipis na dress na pantulog ko. "May mga bisita ako sa ibaba. Huwag kang bababa na ganyan ang suot mo."Ibinagsak ko ang tingin sa aking pantulog. Kagigising ko lang nang kumatok siya. Kahit madalas akong tanghaliin, wala siyang reklamo. Siya ang sumusundo sa akin sa agahan, tanghalian, merienda, at sa gabi'y ako naman ang madalas na magluto. Pagkatapos ng hapunan, sabay kaming naglilinis ng pinggan."Sige. Maliligo muna ako..."Tinitigan niya ako. Tumango siya at saka niya isinara ang pinto. Hindi ako kaagad bumaba dahil nakakahiyang humarap sa ibang tao na kagigising lang. Nagawa ko pang maligo ng mabilisan at nagbihis ng maayos na damit para hindi mapagalitan ni Silas.Pababa pa lang ako sa hagdan nakakarinig na ako ng mga tawanan at usapan. Maingay sila. Marahan ang hakbang ko habang nakikita ang mga tao na nasa kusina."Si Michelle lang naman ang panggulo rito!" Natatawa ang isang lalaki at iti
(TFD) Chapter 17I smiled when I heard him laughed. I wonder how a piece of banana made us reconcile. Simula kasi nang araw na asarin niya ako naging maayos na ang pakikitungo niya. O siguro rin nagsimula noong unang beses na biniro niya akong nanunuod ako ng bold. We're okay as long as I don't touch him and that's totally fine with me.Sa araw na ito, nasa sala kaming lahat. Nasa madalas niyang pwesto si Silas. Ako, si Neth, at Laura ay nasa mahaba na sofa. Nakahiga si Neth at nasa hita ko ang ulo niya. Ang mga paa niya naman ay na kay Laura. We were watching a comedy show. Nanunuod kami pero hindi ako sa pinapanuod nangingiti kung hindi sa malakas na tawa ni Silas."Totoo bang bakla iyan, Kuya?" Si Neth na natatawa rin. Ang likot niya habang nakahiga sa sofa."No. He's just acting."Siya ang pinapanuod ko imbis na ang tv. Abala siya sa panunuod subalit sa tuwing nararamdaman ang titig ko'y nililingon niya ako. Sa pagbaling niya, iyon ring pagbaling ko sa tv para hindi ako mahuli.He
(TFD) Chapter 18"Ate Laura!"Patakbo akong lumapit. Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa pagtawag ko. Nagtatanong ang mga mata niya kung ano ang kailangan ko."Athena! May kailangan ka?" Nakangiti na tanong niya.Hawak ko ang isang litrato. Dalawang babae at isang lalaki ang nandoon."Kuya mo ba siya?" Turo ko sa lalaki na nasa litrato.Inagaw niya iyon sa aking kamay at tiningnan. Napangisi siya at napatingin sa paligid. Tumigil ang tingin niya sa madilim na parte ng mansion at ibinalik ang tingin sa akin."Oo. Gusto mo siyang makilala?""Sana... Kaya lang palagi siyang wala rito!" Nakalabi na reklamo ko at pinaglaruan ang ribbon sa suot ko na puting dress.Gusto kong makilala ang lahat ng kamag-anak namin at gusto ko ring maging malapit sa kanila. Isa na lang ang hindi ko nakikilala. Kilala ko siya sa mga litrato at kwento pero hindi ko pa siya kilala dahil hindi pa kami nagkikita sa personal."Kasama namin siya kapag nagpupunta rito. Pinapalapit siya sa 'yo ng mga matatanda pero ay
"I'm flying! We're flying!"Nagpunas ako ng luha na nasa gilid na ng aking mga mata. Naiiyak ako katatawa. Bago ako tumungo sa kusina, naghahabulan lang sila sa madamo at patag na hardin namin. Ngayon naman ay ginawa na niyang dumbbell ang kambal sa magkabilang braso niya. Ang mga merienda nila ay nasa lamesa na at kalalapag ko lang ngunit walang pumansin ni isa sa kanila dahil abala sa paglalaro."Savannah! Silverio! That's enough! Eat your snack first!"Tumayo ako at lumapit. Kinuha ko ang babae namin at pilit pinapabitiw sa braso niya."Mom! I'm still playing!" She complained and almost crying.Natawa si Silas at siya na ang kusang lumakad patungo sa mesa kung nasaan ang inihanda kong snacks nila."What did I tell you?" Silas asked our twin. They both pouted then looked at me."A happy mommy is a happy life!" They answer in sync.Napangiti ako at umirap kay Silas. Sinunod nila ako nang muli ko silang pinababa. Nakasimangot nilang kinain ang sandwich. Nakatayo ako sa gilid ng dalawa
Silvanus POV 04"If something bad happens to Athena, I will kill you all! I will hunt you all! I will kill you!"I glared angrily at Greg. Ganoon rin sa ibang mga pumigil sa akin kanina. Pinagtulungan nila ako para hindi ko mapigilan si Athena. I know that that was the right thing to do. Pero hindi ako ganoon kabuting tao para gawin palagi ang tama.Kung ako ang masusunod, ilalayo ko siya rito at hahayaan ko silang lahat. Dahil nangako ako. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit ano ang mangyari. Na kahit ano ang isakripisyo ko. Na kahit ano ang maging kapalit, hindi ko siya ibibigay.Pero paano at ano ang gagawin ko kung siya na ang kusang sumama? I am willing to be called heartless just so I can protect her. While she sacrificed herself, so she could protect them.Pagka-alis ni Athena doon pa lang nila ako nagawang bitiwan. I went to my car but before I could get inside, they are already holding me again. I need to chase her. Kahit mag-isa lang ako, kukunin ko siya pabalik. Bakit pinip
Silvanus POV 03Wala akong tigil sa kabubuhat ng kahit anong equipment sa loob ng kwarto ko para lang mapagod at pagpawisan. Isang araw pa lang para na akong mababaliw sa amoy niya. Ang dalas kong magmura sa isip lalo na't alam kong nasa katabing kwarto ko lang siya."Shit!" I exhaled heavily and stopped lifting the dumbbell.Nakahubad akong nagtungo sa kwarto niya dahil hindi ko na matiis. Kahit isang silip lang. Kahit hindi ko siya mahawakan.Napatayo siya mula sa pagkakaupo, nagulat dahil sa biglang pagpasok ko. Tinigasan ko ang anyo habang naglalakad palapit sa kanya. Itinatago ko na kinakabahan ako lalo na at nakatitig siya sa hubad at pawisan kong katawan."What's that?" I asked, looking at the notebook on her study table. Nilapitan ko iyon at binuksan. Kung babasahin ko, malalaman ko ang laman ng notebook. Kaya lang...nawala roon ang atensyon ko dahil nakatitig si Athena sa katawan ko habang nasa malapit ako.Kahit malamig ang hangin na nanggagaling sa labas ng kanyang bintana
Silvanus POV 02She's almost thirteen and I was seventeen when we were kidnapped.Akala ko malakas na ako para maprotektahan siya. Ngunit wala akong binatbat sa mga dumukot sa amin. They are many and bigger than me. They have guns, I don't have. They are trained, I'm not.I tried to protect her with just my fists. I shouted at her to run. When I saw that she had escaped, I was relieved. Napanatag ako nang makalayo na siya. Kahit pa may posibilidad na sa kalsada mismo ay patayin nila ako dahil sa paglaban na ginawa ko sa kanila. Hindi ko iyon ininda. Hindi na iyon pumasok sa isip ko. Hindi ko na naisip ang kaligtasan ko, ang kanya na lang."Bakit hindi na lang natin patayin ito! Hindi naman ito ang kailangan natin!"Huling sigaw at tadyak bago ako tinutukan ng baril. Nakapikit na ang isang mata ko at alam ko na ilang suntok na lang ay bibigay na ang katawan ko."Mas malaki ang makukuha natin kung kasama iyan! Bugbugin niyo na lang at huwag niyo munang papatayin!"Nakita ko siya na naka
Silvanus POV 01"Who is she?"I was fourteen years old when I first saw her. Nakikipaglaro siya sa ibang mga bata na kamag anak namin. Kauuwi lang namin galing sa Manila at naimbitahan kami ni Uncle na dumalo sa salo-salo sa mansion nila."Agatha's daughter," sagot ni Lolo na katabi ko sa pabilog na lamesa."Ate Agatha? I thought their daughter died with them in States?" Nagtataka na tanong ko.Namatay si Ate Agatha na pinsan ko at ang asawa niya sa ibang bansa. Naging sikreto iyon sa karamihan dahil alam ni Uncle na mayroon nagpapatay sa anak niya. Patago ang pag-i-imbestiga at paghahanap sa tao na may gawa."Nakaligtas ang anak nila. Pagkatapos ng isang taon. Dumating ang yaya ni Agatha na si Lupe at mayroon bitbit na bata.""What? After a year? Are you sure she's Ate Agatha's daughter?""Si Lupe ang may dala at hindi kung sino sino lang," sabi niya at para bang sapat na iyon na dahilan.I shrugged my shoulders. Lolo has a point. Matagal nang taga-silbi si Manang Lupe ng mga Alvarez
(TFD) Chapter 70This is the last chapter of The Forbidden Desires. Thanks for reading!(Silvanus Pov)The lump on my throat and the hallow part on my chest. The more I tried to move my hand to find her the more I choke.I opened my eyes to make sure if I'm alone then I closed them again tightly when I saw nothing. It's only darkness and my dark quiet room couldn't calm me.Marahas na dumapo ang reyalidad sa aking pisngi upang sampalin ako at gisingin sa katotohanan pagkatapos ko siyang subukang hanapin sa tabi ko.I opened my eyes and stared at the other side of my bed. I woke up alone again...Because she's gone... She left me...Ilang beses na nga bang ganito?Sa tuwing magigising ako'y kinakapa ko pa rin ang kama kahit alam ko naman na wala akong katabi.Huminga ako ng malalim at umupo sa dulo ng kama. Napatitig ako sa kawalan at napahilamos ng mukha. Matagal na rin pero hindi ako masanay na wala siya.Parang kahapon lang ang mga nangyari. Kung dati'y sa tuwing gigising ako ay bi
(TFD) Chapter 69Pagkalapit ng mga kaibigan niya'y saglit lang silang nag-usap. Lumapit sila sa mga militar na dumating. Naghanda na silang lahat dahil nasabihan na sila kung anong oras ang magiging pagsugod ni Madrina rito.They signaled the spy as they get ready. Naging seryoso silang lahat habang nagsusuot sa katawan ng body armor. Sinusuotan ako ni Silas nang magawi ang mata ko kina Elle at Kade. Mukhang nagtatalo ang dalawa dahil ayaw nitong paghawakin si Elle ng baril. Ganoon din si Lucienne. Nagbuntong-hininga na lang si Lucas at hindi na nakipagtalo."Don't move forward and just stay close to me! You are pregnant for fucking sake, Elle!" Sa huli, si Elle rin ang nasunod.Nilingon ko si Silas at hindi pa ako nakakapagsalita'y umiling na siya at pinanlalakihan ako ng mga mata. He might thought I will ask him for a gun too? But I had no intention of holding one again. Even though I didn't kill Madrina's men, it made me afraid to hold a gun. Sumama ako dahil ayokong mabaliw sa pag
(TFD) Chapter 68Pinanuod ko si Grandpa at ang mga taga hacienda na pumasok sa loob ng mga sasakyan na naka-abang. Silas told me that it's better to be safe and hide them somewhere that no one could touch them. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumakay na rin ako sa sasakyan niya.Kapuputok pa lang ng araw at nasa labas ng bintana ang tingin ko. Kahit alam kong may naka-abang na gulo mamaya ay positibo ang araw ko. They are ready and I know everything will fall in their plan.Ang tinahak namin ay sementadong daan. Parang nasa magandang probinsya ang tanawin noong una hanggang sa tumambad ang malaki at mataas na bundok.It looks scary but at the same time it looks amazing. Para itong nakahimlay na babae. Nakapikit, nakabaluktot, at nakatagilid. Her eyes, nose, and lips are visible. Para itong didilat ano mang oras at tatayo para salubungin kami. Even the shape of her fingers are noticeable."She's beautiful," namamangha kong anas."Do you like her?" He asked me seriously."Of c
(TFD) Chapter 67Nagmistulang escort namin ang mga military aircraft na kasabay namin lumipad. Nagamot na ang sugat ni Silas ngunit hindi pa niya maigalaw ng maayos ang braso niya. Mabuti na lang at daplis lang. Natakot lang ako kanina dahil maraming dugo ang humalo sa tubig nang mabaril siya.Kahit maingay ay nakatulog ako dahil na rin sa pagod. Naka-unan ako sa walang sugat na braso ni Silas. Tulog rin siya at nakapag-pahinga na kahit sandali. Sabay lang kaming nagising nang lumapag ang chopper sa isla. Hindi naging hadlang ang sugat niya sa isang kamay para maalalayan akong bumaba.Mayroon isang chopper na kasabayan naming lumapag. Kasama iyon sa mga pumunta at tumulong na makuha si Silas. May lalaking lumapit kay Silas mula roon na kakaiba ang kulay ng mga mata. Napatitig ako dahil naghahalo ang amber at kulay lila roon. Aakalain na contact lens kung hindi matititigan ng mabuti."Lucas," ngisi ni Silas nang tapikin siya nito sa balikat.Maamo ang mukha ng lalaki nang nginitian ako