Nang maihatid nila si Irish sa Malakanyang ay kitang-kita ni Daniel ang mabilis at patagong paghalik ni Kurt sa labi ni Irish. Noon ay hindi na siya nakadiskarte para pigilan pa iyon. May kung ano siyang naramdaman inis. Hindi na niya nagugustuhan ang nangyayari. Kailangan niyang gumawa ng paraan para matigil na ang lahat ng ito. Ngunit paano? Mukhang nahihirapan na siyang mapaamo pa si Irish. Bumabalik na ito sa dating mataas nitong estado.Pagpasok ni Irish sa Malakanyang ay ang Mommy lang niya ang noon ay masayang sumalubong sa kaniya. Niyakap siya nito nang mahigpit na mahigpit. Noon lang niya naramdaman ang saya na makitang muli ang Mommy niya. Parang ang lahat ng pinagdaanan niyang pangungulila sa baryo ay tuluyang napawi sa pagkasabik na ipinakita ng isang ina sa katulad niyang nawalay ng isang buwan. Katulad ng kaniyang inaasahan wala na naman ang Daddy niya to welcome her. Nasa labas ng bansa ang Daddy niya para sa Asean Summit at mamayang madaling araw pa o bukas ng umaga pa
Huminga ng malalim si Daniel. Kung magiging Bodyguard siya ni Irish, mas mababantayan niya ito. Magagawan niya pa ng paraan na ilayo ito kay Kurt."Okey lang sir. Sa ngayon, kailangan pa ng bagong PSG ni Ma’am Irish ang training."Lihim na natuwa si Irish. Hindi pa siya tapos kay Daniel. Nakakakita pa kasi siya ng pag-asa at habang naroon pa ang pag-asang iyon, gusto pa niyang ilaban ang kaniyang nararamdaman. Si Daniel din naman ay urong sulong pa. Naiintindihan naman niya ito kung nalilito pa. Hangga't hindi pa naman siya kasal kay Janna, may pag-asa pang sila ang magkakatuluyan at kung bibitaw siya ngayon, ibig sabihin ay isinusuko na niya ang kaniyang pagmamahal. Alam niya kung kailan sumuko at kung kailan niya ilalaban ang huling baraha. Sa ngayon, kainitan pa ng laban. Di pa siya handang maglet-go."Ano, Dad? Okey na ba?""Yes but in one condition.""I knew it, kapag nanghingi ako, laging may kapalit. What is that condition, Dad?""Stay here with us and cancel your plan to stay
"Dave, i think it's time for us to...""It's time for us to break-up!" Malinaw ang sinabing iyon ni Irish.Nanlaki ang mga mata ni Dave.Ngunit hindi na narinig ni Daniel pa iyon, hinila niya kasi agad si Daniel mula sa pagkakaupo nito kaya nagulat din si Irish sa mabilis na ginawang iyon ni Daniel. Iniharang ni Daniel ang katawan niya kay Irish."Anong ginagawa mo!" bulong ni Irish."May nakita akong pulang laser na tumama sa mismong dibdib mo. Kailangan na nating umalis dahil baka may nagtatangka sa buhay mo dito Ma’am!" tuloy ang pagdadrama niya. Ang mahalaga noon ay hindi matuloy si Irish sa pagproprose kay Dave."Laser? Nasaan?" Hindi magawang matakot ni Irish sa sinabing iyon ni Daniel. Halata kasi talaga sa mukha nito ang pagsisinungaling.Napakamot si Daniel."Basta. Nakita ko kanina!"Tumayo si Dave na namumula ang mukha sa galit. Hinawakan nito ang basong may lamang juice. Tumitig siya sa noon nakatayong si Irish sa likod ni Daniel. Walang balak si Daniel na iharap pa si Iri
"Tama, oh ano ngayon? Gusto mong solohin siya? Baka mas bagay sa'yong maging single. Konting-konti na lang di ko na natitiis pa ang lahat ng ito!""Ibig sabihin nakabuntot ang mga 'yan kahit saan tayo pupunta."Kaya nga bodyguard e! Tanga!""May problema ba sa kanila. Puwede ko naman silang palayuin sila sa atin kung naiilang ka.""Then, please! Utang na loob. Parang lahat ng sinasabi ko may nakikinig lalo na 'yang isang 'yan oh! Ang sama ng tingin eh!.""Huwag kang pumayag, Irish! Huwag mo akong paalisin dito! Bakit ba pinag-iinitan ako ng espasol na 'to e, nanahimik na nga kaming nakatayo.""Daniel, Christian, pwede bang lumayo muna kayo? Okey na kami dito." nakangiting pakiusap ni Irish sa kanila."Sigurado ka, Ma’am?" nagdadalawang isip na tanong ni Daniel."Oo, naman. Sigurado ako."Mabigat man sa loob ni Daniel ay lumayo sila ni Christian. Mula sa di kalayuan, kahit di na niya naririnig ang usapan ng dalawa ay parang may kung anong kurot sa dibdib niya na makitang masaya na sa i
"See, wala ka na naman sa sarili mo. Irish, anong nangyayari? Just please be honest, do you still love me?"Mabilis siyang tumango. "Yes! I still do, Bob.""Show it! Kasi hindi ko na maramdaman yun sa'yo ngayon.""Well, let me prove it to you. Bukas, out of town tayo. Let's go to the beach in Batangas?""I like that, but wait, don't tell me na kasama pa rin sila?" inginuso niya sina Christian at Daniel."Oo naman.""Damn it!" Huminga nang malalim si Kurt. Uminom ng tubig."Sa beach lang naman, we still have our privacy in our hotel room.""Hindi ba talaga puwedeng tayo lang?""Di ako papayagan ni Daddy na umalis na wala ang mga 'yan.""Talaga? Bakit noon pwede naman ah. Nakakatakas ka pa nga. Pero ngayon, napakarami nang arte. I don't intend to be inquisitive. Perhaps, more on curiosity, kailangan ba talaga dalawang guwapo ang bodyguard mo? Hindi ka ba nagkagusto man lang sa dalawang 'yan?""Come on Bob! Don't be ridiculous!" palusot niya dahil sa totoo lang kinabahan siya sa tanong n
Ano kayang naging buhay niya kung wala si Janna na siyang palaging nandiyan para sa kaniya? Masipag at mabait na babae, siya ang gumagawa sa lahat. Kaya nga kahit lumipat siya ng bahay, parang di pa rin niya naranasan yung hirap ng mabuhay mag-isa kasi si Janna ang nagluluto, naglilinis ng bahay o kaya naglalaba sa mga damit niya sa tuwing wala itong pasok o kahit anong oras na naiisipan nitong puntahan siya dahil may sarili naman din itong susi. Madalas nga kapag umuuwi siya galing sa trabaho ay naabutan na niya si Janna na nagluluto o kaya paggising niya ng umaga ay nakahanda na ang almusal niya. Ganoon siya kasuwerte dahil bukod sa maganda, mabait ay sobrang responsable pang babae. Hindi mahirap mahalin ang kagaya ni Janna kaya nga hindi niya iyon kayang iwan ng gano'n na lang. Hindi madali ang hinihingi sa kaniya ni Irish.Nagpadala siya ng good night text kay Irish kanina pero hindi man lang ito nagreply. Gusto niyang i-text siyang muli ngunit ayaw niyang magmukhang desperado. An
"I don't know!"Muling hinawakan ni Kurt ang kanyang malulusog at malalambot na dibdib.Hindi na lang sana nila papansinin ang nagba-buzzer ngunit sunud-sunod pa rin ang pagtunog nito."Fuck! Nabibitin ako ne'to!" singhal ni Kurt. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at naglakad papunta sa kama. Ibinagsak niya ang hubad na katawan.Nagdamit si Irish at sumilip siya sa pintuan. Nakita niyang si Daniel ang nandoon."Anong kailangan mo?" mabilis niyang tanong pagkabukas niya ng pintuan."I need to check your room, Ma’am. Gusto ko lang makasigurong ligtas kayo sa loob. No hidden cameras at walang bomba." Nilakasan niya iyon para marinig din ni Kurt."Are you crazy?" Naguguluhang tanong ni Irish. Hindi na niya naiitindihan si Daniel."Oo, kagabi pa ako nababaliw sa di ko maintindihang ginawa mo sa akin! Akala mo ba hahayaan kong may mangyari sa inyo ni Espasol?" iyon ang nasa isip ni Daniel ngunit hindi niya masabi."Ma’am, protocol ho iyan. Kung di ginagawa 'yan ng mga PSG mo dati, ibahin mo
"Lintik na! Nauubusan na ako ng pakulo para di sila matuloy! Letcheng buhay 'to! Di ba niya nararamdamang gumagawa talaga ako ng paraan para harangan sila? Napaka-insentive mo Irish!" isinuntok ni Daniel ang kamao niya sa nakabuka niyang palad.Dahan-dahan siyang naupo sa tapat ng nakasarang pintuan nina Irish. Nag-iisip kung anong palusot ang gagawin niya para di tuluyang mangyari ang iniisip niyang gagawin ng dalawa sa loob ng kuwarto. Kung nakikita lang siguro ni Christian ang pagkabalisa niya ngayon, paniguradong pagtatawanan siya no'n. Mabuti at pinauna niyang matulog at sa madaling araw ay si Christian naman ang magbabantay at siya naman ang matutulog.Ilang sandali pa ay kinukutuban na siyang may nangyayari na sa loob."Tang-ina! Ano ba itong naiisip kong panibagong palusot. Ambabaw lang! Saka yung idea na magsisinungaling ako at gagamitin ko pa ang pangalan ng Presidente! Bahala na!"Pipindutin pa lang sana niya ang buzzer ngunit natigilan muli siya. Masyadong mababaw ang dahi