May nararamdaman nga ba si Kenneth para sa kanya? O ang tinatawag ng kaniyang lola na "nararamdaman" ay ang pagbalewala sa kanyang dignidad at kagustuhan? O baka naman yung paulit-ulit na pilitin siya, ang sabihing gusto niyang magsimulang muli habang pinagpapatuloy ang relasyon kay Ella kaya tuluyan niya nang nabuntis ito? Baka nga feelings na ring matatawag ang pagiging manhid nito at walang pakialam sa sakit na naidudulot nito sa kaniya. Pinigil ni Evan ang sarili, kinagat ang kanyang labi, at nanatiling tahimik sa kabila ng sinasabi ng matanda. Ngunit sa kanyang isipan, matindi ang pagtutol niya sa hangarin nito, ayaw lang talaga niyang sumama ang loob nito sa kaniya. "Kung ayaw mo pang makita si Cheska sa ngayon, naiintindihan iyon ni lola," sabi ng matanda, "kaya nagkasundo muna kami ni Stephanie na kapag bumalik siyang muli sa ibang-bansa, isasama na niya si Cheska upang mag-aral sa ibang lugar. Kapag lumaki na ang anak mo kay Kenneth at may isip na, saka mo na lang siya p
“No, baby. Okay lang ako, isa pa, matanda na ako kaya hindi na ako iiyak nang basta-basta. Strong yata si Vanvan.” Marahan niyang niyakap ang batang tila isang anghel na pilit na ngumingiti sa pagsisinungaling niya. “Hmm, hindi ba sabi ng teacher, bawal daw humalik ng palihim sa mga babae? Gusto mo bang kilitiin kita?” “Haha, nakakakiliti, Vanvan! Tigilan mo na po!” Humagalpak ng tawa si Ashton habang napapilipit ang katawan. Tagumpay namang nabago ni Evan ang usapan pero may biglang naalala ang bata kaya binigyan niya ng mukhang kunwaring nagtatampo si Evan. “Vanvan, bakit hindi ka na po umuuwi nitong mga nakaraan sa house namin? Hindi na rin po dumadaan si Uncle Jaxon para sunduin ako. Hindi mo na po ba ako love? O nami-miss man lang?” Habang sinasabi iyon, pilit niyang tinatago ang kunwari’y tampo. Pero kahit gaano katalino si Ashton, lima pa lang siya. Sa harap ni Evan na mahal niya at malapit sa kanya, hindi niya napigilang ipakita ang lungkot na matagal niyang kiniki
Sa hapag-kainan, kanina pang nakaupo ang matanda sa pangunahing upuan. Nang makita ni Kenneth si Evan na papalapit, maginoo niyang hinila ang isang upuan para dito at iniayos ang kanyang upuan sa tabi niya. Bahagyang ngumiti si Evan sa matanda kahit may halong alinlangan dahil nasa harap na naman pala niya si Kenneth. Nang ngitian siya nito pabalik, ibinaling naman niya ang tingin sa iba at tahimik na tinanggap ang alok ni Kenneth. Sa mahabang hapag-kainan na halos may pagkakatulad sa estilo ng pang-palasyo dahil sa laki at haba, nagtama ang tingin nina Evan at Lindsey. Saglit lang iyon bago niya iniiwas ang mga mata. "Miss Greece, ikaw na ang napiling fiancée ni Kevin kaya umaasa ako na ituring mo na ang sarili mo na parang nasa bahay lang. Walang kang dapat ikabahala sa pamamahay ko dahil lahat dito ay winewelcome ka sa pamilya," sabi ng matanda kay Lindsey na bisita. Ngumiti naman ang babae pabalik sa init ng pagtanggap sa kaniya ng ina ni Kevin. Pagkatapos kay Kevin, tumi
Matapos sabihin iyon, parang lumugso ang damdamin ni Evan. Marahil, kamumuhian na siya ni Kevin dahil dito.Bahagyang tinaas ni Kevin ang kanyang kilay, ibinaba ang tingin kay Evan na tila pilit na iniiwasan siyang tingnan. Ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha ay nagbigay-diin sa pagkasuya niya sa sobrang paggalang ni Evan. "The transaction is cancelled, is this your own idea, Evan?""Oo," sagot ni Evan. Naramdaman niya ang pait sa kanyang dila, ngunit matapang siyang tumango. Para bang natatakot siyang magsisi kung tatagal pa siya ng isang segundo. "Napakarami mo na pong ginawa para sa akin, pero wala pa akong naibabalik na kahit ano. Pasensiya kana. Ngayong tapos na yung kasunduan natin, hindi mo na kailangang maging mabait pa sa akin, Uncle."Noon, habang siya'y nahihibang dahil sa matinding lagnat, nakaluhod siya sa tabi ni Kevin at binitiwan ang parehong salita.Sanay na si Kevin sa pagiging magalang ni Evan sa kanya, ngunit hindi niya matiis ang pagiging sobrang pormal
Nang makita ito, saglit na tiningnan ni Evan ang tourist information na nakapaskil sa tabi.Upang magpalipas ng oras habang nakakulong, nagbasa siya ng ilang libro tungkol sa mga hayop. Kaya’t may kauntinn siyang kaalaman sa mga katangian ng mga sea lion.Bagamat likas na maamo, may matindi silang pagkamakasarili sa kanilang teritoryo. Madali rin silang matakot sa mas malalaki o mas malalakas na nilalang. Hangga’t hindi sila ginagalit, malamang ay iiwas sila sa'yo. Pero kung ganito ang nangyari, hindi makagalaw ang bata, baka isipin ng mga itong kinakamkam nito ang kanilang teritoryo.Samantala, naramdaman ni Kenneth ang malamig na pawis sa kanyang palad nang makita niyang biglang nawala sa paningin niya si Evan. Kasabay nito ang sabay-sabay na sigawan ng mga tao sa paligid.Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, hinawakan ang railing, at tumingin sa ibaba. Sakto niyang nakita si Evan na maingat na bumagsak sa lupa mula sa pagtalon nito. Bahagyang nakakunot pa ang kanyang noo."Evan,
Para itong mabigat na suntok sa dibdib ni Evan na ngayon niya lang lakas loob na nailabas.Dahan-dahang binitawan ni Kenneth ang hawak niyang kamay ni Evan, saka sunod na umatras at halatang balisa.Sa isip kasi niya ay bumalik ang mga alaala ng kahapon. Ang eksena noon sa pasilyo ng ospital kung saan nakaluhod si Evan at may malaking tiyan. Ni hindi man lang niya ito nagawang lingunin noon.Nang maagang manganak si Evan at mawalan ng buhay ang kanilang anak, hindi pa doon nagtatapos ang kalbaryo ng babae sa kaniya dahil pinakulong niya pa ito. Hindi rin siya dumalaw kahit sa huling sandali bago ito tuluyang ilipat ng kulungan sa siyudad.Pagkatapos ng lahat ng mapait at masakit na nakaraan niya, narinig niyang tinanong siya nito kung tunay bang nagmamalasakit siya, kung iniintindi ba nito ang buhay o kamatayan niya.Muling bumukas ang sugat na hindi pa gumagaling. Ngunit ang sakit na naranasan ni Evan ay libo-libong beses na mas malala kaysa sa kahit anong dinanas ni Kenneth ngayon.
"Noted, Sir. Kindly wait to our executive lounge while we're preparing for madame’s demands." Kaniya-kaniyang alis ang mga salesgirl, tila nahihiya ngunit halata ang pagkadismaya dahil mukhang mahalaga pala sa tinitingalang si Mr. Huete ang babaeng kasama nito. Pinaupo nila si Evan sa sofa pero bumulong-bulong naman na may halong inggit. "Napakaswerte mo, Miss. Si Mr. Huete pa ang nagdala sa’yo dito para mamili ng damit. Hulaan namin, isa ka sa mayayamang babae niya ‘no?" Sa isip ni Evan, nagulat siya sa hula ng mga ito dahil hindi naman siya ganoon nag-ayos para sabihin ng mga itong mukha siyang mayaman. Kung mayroon mang dahilan kaya naririto siya sa harap nila, iyon ay dahil masyadong masakit na ang kanyang paa. Pinilit niyang ngumiti habang maayos na pinalayo ang mga tsismosa. Pinanood niya si Kenneth na nagtungo sa seksyon ng panlalaking damit, at saka palihim na yumuko para himasin ang kanyang nananakit na bukung-bukong. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, kung dahil b
Sa isang iglap, may humahagibis na sports car ang dumaan nang mabilis sa gitna ng mga sigawan ng mga tao. Bagama't nakailag si Evan, natamaan pa rin ng pinto ng sasakyan ang kanyang braso, na nagdulot ng matinding hapdi sa balat niya. Ang matinis na tunog ng preno ay pumunit sa hangin. Bumukas agad ang pinto sa driver's side, at mabilis na bumaba ang isang magandang babae na halatang nagpapanic. "Pasensya na, hindi ako gaanong pamilyar sa speed limits dito sa Batangas. Kailangan mo bang pumunta sa ospital?" Nakapikit si Evan saglit, saka tumingin nang diretso kay Lindsey na may halatang pag-aalala sa mukha. "Ikaw pala ‘yan." "Miss Villaflor!" Pekeng binigyan ni Lindsey ng nagugulat na ekspresyon si Evan. Tinakpan pa niya ang bibig gamit ang kanyang manipis at malambot na mga daliri para mas kaoani-paniwala. Sa huling segundo kanina, mabilis na nagbago ang desisyon niya. At sa tindi ng galit na nararamdaman niya kay Evan, iyon ang nagtulak sa kaniya na sadyang subukang bangg
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Evan nang marinig ang sinabi ni Stephanie.Noong nakaraang buwan, ang inhibitor na labis niyang kailangan ay sinimulang gawin at pagbutihin sa ibang bansa bago dalhin sa loob ng bansa.Sinabi sa kanya ni Ate Sophie na ang lahat ng gastusin ay sagot ng kanyang lola. Noong una, naniwala siya at iniisip na kaunting injection lang naman iyon. Kaya kahit gaano pa kamahal, hindi aabot sa daan-daang milyon.Pero ngayong pinag-iisipan niya ito nang mas mabuti, naisip niya, Kung walang buong pondo, anong laboratoryo ang gagastos ng ganito kalaki para sa isang produkto na wala namang tiyak na kita sa merkado?Iniwasan ni Kevin ang gulat na tingin ni Evan at ngumiti."Sister-in-law, that's my money. Kung paano ko ito gustong gastusin ay sarili kong desisyon. I don't think I have the responsibility to tell you my personal wealth, right?"Bahagyang nanghina ang balikat ni Stephanie, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kevin. Pero kahit pa pilit niyang itin
Bago pa magawa ni Kenneth ang anumang ikagugulat ng lahat, mabilis na inalalayan ni Evan si Chris, ang kanyang malalabong mata ay puno ng matinding galit habang matalim siyang tumitig kay Kenneth."Kenneth!"Huling beses niyang nakita si Evan na ganito katatag ay sa maliit nilang apartment noon.Noong panahong iyon, ginagawa niya ito upang protektahan si Kenneth, pero ngayon, ibang lalaki na ang kanyang pinagtatanggol.Tinitigan siya ni Kenneth, at ang malamig niyang ngiti ay unti-unting naging malupit.Bago pa man siya magsawa sa larong ito, mayroon nang ibang lalaki si Evan?How could he let this happen?He won't let Evan let go from his grasp. Hinding-hindi mangyayari iyon.Habang iniisip ni Kenneth kung paano niya muling makokontrol si Evan, biglang tumunog ang musika na hudyat ng pagtatapos ng pagtitipon.Dahan-dahang nagsimulang maghiwa-hiwalay ang mga bisita. Ang karamihan ay nanatili sa bulwagan, habang ang ilan ay sumakay ng elevator patungo sa meeting room sa 18th floor.Mul
Sa engrandeng mid-year party ng Huete Group, lumabas si Evan na napakaganda at elegante sa kanyang mamahaling damit. Mapayapang kasama niya si Christopher Greece, nakayuko paminsan-minsan habang may mahinhing ngiti sa labi. Panaka-naka rin itong nakikipag-usap sa bawat direktor.Marahil upang mas maging bagay sila ni Evan, nagpalit si Chris ng kasuotan na kapareho ng kulay ng kanyang suot. Sa kanyang gwapong mukha, nagniningning ang isang maliwanag at maaliwalas na ngiti sa lalaki. Kitang-kita kung gaano niya ine-enjoy ang sandali habang magkahawak-braso silang naglalakad.Samantala, hindi maipaliwanag ni Kenneth ang nararamdaman niya. Marahil ay nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Evan. Dahil nang una niyang makita ang kanyang payat at eleganteng pigura, napahinto siya nang hindi namamalayan, hindi man lang narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng mga nasa paligid."Huwag kang mag-alala, pamangkin kong Kenneth, susuportahan ka namin sa eleksyong ito.""Tama! Si Kenneth ay isa
"Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo." Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita. "Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo. Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas.""Hindi sapat 'yan." Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki
Mabilis na hinawakan ng nurse dalaga at malambing na sinabihan ito. "Gwen, bagong pasyente ito. Dito lang siya na-assign sa kwarto mo, kaya tabi ang kama niyo. Hindi siya ang ate mong si Bernardita Paranal."Pagkarinig sa pangalang iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Evan. Sandaling lumiwanag ang kanyang mga mata ngunit unti-unting nagdilim muli.Minsan nang sinabi ng kanyang tiyuhin na ang huling balita tungkol kay Bernard Paranal ay nasa isang mental hospital siya. Pero sa dami ng taong may ganoong pangalan sa mundo, hindi na siya dapat umasa sa ganito kalabong lead."Hindi, ang natutulog sa kama na ito ay si Ate Bernardita!" Matigas ang ulo ng batang si Gwen. Mahigpit niyang hinila ang kumot ni Evan at tumitig sa kanya gamit ang malalaki niyang mata, tila nagtataka. "Ate, bakit hindi mo ako kinakausap?"Napabuntong-hininga ang nurse, tila wala nang balak makipagtalo pa sa isang pasyenteng wala sa sarili. Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Gwen at pasimpleng sinabihan ito. "Si
Anuman ang mangyari, kasalanan ni Ella kung bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon. Tinanggap lang niya ang bunga ng sarili niyang mga ginawa. Wala itong kinalaman kay Evan.Nanginginig ang kamay ni Kenneth habang pinipirmahan ang dokumento ng patient's waiver para sa kritikal na kondisyon ni Ella. Matapos nitong paalisin ang doktor, agad siyang bumaling kay Evan at matalim siyang tinitigan. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita ni bahagyang pagsisisi o pagkabalisa sa mukha nito.Sa sumunod na segundo, gamit ang matinding lakas, hinatak niya si Evan mula sa sahig at itinapon ito nang malakas sa harap ng pintuan ng operating room. Itinutok niya ang daliri sa kanya at galit na galit na sumigaw."Evan! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Malapit nang mamatay si Ella, lumuhod ka ngayon din!"Mabilis na bumangon si Evan, mariing itinuwid ang leeg, at matalim siyang tinitigan. Parang matutulis na kutsilyo ang kanyang tingin na tila tumatarak sa laman ni Kenneth."Kenne
"Hoy, parang hindi ka na isang tunay na master ng alahas sa mga sinasabi mo." Hindi alam ni Evan kung matatawa o maiiyak sa sinabi ni Chris. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito. "Baguhan pa lang ako sa industriyang ito. Hindi ko kayang dalhin ang pangalan mo bilang master ko. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makabili ng regalo." "Huwag mo akong utuin." Saglit na nag-isip si Chris. "Wait! As far as I know, may natitira pa akong kwintas na hindi naibenta sa jewelry exhibition dito sa siyudad. I can give it to you as temporary solution." Ang mga alahas na idinisenyo at ginawa mismo ni Chris ay palaging nauubos sa mga foreign design exhibitions, duda tuloy siya sa sinasabing iyon ng guro. Siguradong ang regalong ito ay akma sa estado ng kaniyang Lola, pero napakalaking pabigat naman nito sa bulsa ni Evan dahil hindi basta-basta ang mga dinesenyo ni Chris na pang-international level. Nakita ni Chris ang pag-aalinlangan sa mukha ni Evan kaya't bahagya siyang ngu
Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n
Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n