Nang makita ito, saglit na tiningnan ni Evan ang tourist information na nakapaskil sa tabi.Upang magpalipas ng oras habang nakakulong, nagbasa siya ng ilang libro tungkol sa mga hayop. Kaya’t may kauntinn siyang kaalaman sa mga katangian ng mga sea lion.Bagamat likas na maamo, may matindi silang pagkamakasarili sa kanilang teritoryo. Madali rin silang matakot sa mas malalaki o mas malalakas na nilalang. Hangga’t hindi sila ginagalit, malamang ay iiwas sila sa'yo. Pero kung ganito ang nangyari, hindi makagalaw ang bata, baka isipin ng mga itong kinakamkam nito ang kanilang teritoryo.Samantala, naramdaman ni Kenneth ang malamig na pawis sa kanyang palad nang makita niyang biglang nawala sa paningin niya si Evan. Kasabay nito ang sabay-sabay na sigawan ng mga tao sa paligid.Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, hinawakan ang railing, at tumingin sa ibaba. Sakto niyang nakita si Evan na maingat na bumagsak sa lupa mula sa pagtalon nito. Bahagyang nakakunot pa ang kanyang noo."Evan,
Para itong mabigat na suntok sa dibdib ni Evan na ngayon niya lang lakas loob na nailabas.Dahan-dahang binitawan ni Kenneth ang hawak niyang kamay ni Evan, saka sunod na umatras at halatang balisa.Sa isip kasi niya ay bumalik ang mga alaala ng kahapon. Ang eksena noon sa pasilyo ng ospital kung saan nakaluhod si Evan at may malaking tiyan. Ni hindi man lang niya ito nagawang lingunin noon.Nang maagang manganak si Evan at mawalan ng buhay ang kanilang anak, hindi pa doon nagtatapos ang kalbaryo ng babae sa kaniya dahil pinakulong niya pa ito. Hindi rin siya dumalaw kahit sa huling sandali bago ito tuluyang ilipat ng kulungan sa siyudad.Pagkatapos ng lahat ng mapait at masakit na nakaraan niya, narinig niyang tinanong siya nito kung tunay bang nagmamalasakit siya, kung iniintindi ba nito ang buhay o kamatayan niya.Muling bumukas ang sugat na hindi pa gumagaling. Ngunit ang sakit na naranasan ni Evan ay libo-libong beses na mas malala kaysa sa kahit anong dinanas ni Kenneth ngayon.
"Noted, Sir. Kindly wait to our executive lounge while we're preparing for madame’s demands." Kaniya-kaniyang alis ang mga salesgirl, tila nahihiya ngunit halata ang pagkadismaya dahil mukhang mahalaga pala sa tinitingalang si Mr. Huete ang babaeng kasama nito. Pinaupo nila si Evan sa sofa pero bumulong-bulong naman na may halong inggit. "Napakaswerte mo, Miss. Si Mr. Huete pa ang nagdala sa’yo dito para mamili ng damit. Hulaan namin, isa ka sa mayayamang babae niya ‘no?" Sa isip ni Evan, nagulat siya sa hula ng mga ito dahil hindi naman siya ganoon nag-ayos para sabihin ng mga itong mukha siyang mayaman. Kung mayroon mang dahilan kaya naririto siya sa harap nila, iyon ay dahil masyadong masakit na ang kanyang paa. Pinilit niyang ngumiti habang maayos na pinalayo ang mga tsismosa. Pinanood niya si Kenneth na nagtungo sa seksyon ng panlalaking damit, at saka palihim na yumuko para himasin ang kanyang nananakit na bukung-bukong. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, kung dahil b
Sa isang iglap, may humahagibis na sports car ang dumaan nang mabilis sa gitna ng mga sigawan ng mga tao. Bagama't nakailag si Evan, natamaan pa rin ng pinto ng sasakyan ang kanyang braso, na nagdulot ng matinding hapdi sa balat niya. Ang matinis na tunog ng preno ay pumunit sa hangin. Bumukas agad ang pinto sa driver's side, at mabilis na bumaba ang isang magandang babae na halatang nagpapanic. "Pasensya na, hindi ako gaanong pamilyar sa speed limits dito sa Batangas. Kailangan mo bang pumunta sa ospital?" Nakapikit si Evan saglit, saka tumingin nang diretso kay Lindsey na may halatang pag-aalala sa mukha. "Ikaw pala ‘yan." "Miss Villaflor!" Pekeng binigyan ni Lindsey ng nagugulat na ekspresyon si Evan. Tinakpan pa niya ang bibig gamit ang kanyang manipis at malambot na mga daliri para mas kaoani-paniwala. Sa huling segundo kanina, mabilis na nagbago ang desisyon niya. At sa tindi ng galit na nararamdaman niya kay Evan, iyon ang nagtulak sa kaniya na sadyang subukang bangg
"You are her teacher?" Agad na nagkaroon ng kaba si Katelyn at tinitigan ang mestisong binata na halos kasing-edad lamang ni Evan. May bahid ng pagdududa sa kanyang mga mata, hindi siya basta-basta nagpapadala sa kaakit-akit na itsura nito. "I’m aware that there seems to be some shady business in this bar, pero kung pinili mong kami ang puntiryahin, malaking pagkakamali mo 'yan." "No, no, no," sagot ng mestiso habang parang nag-iisip nang malalim. Sa wakas, iniunat niya ang kanyang daliri at tinusok ang pisngi ni Evan. "Evan, can you please open your eyes first? Just give me a second, patunayan mo lang na hindi ako manyak." Si Evan, na kalahati'y lasing at kalahati'y gising, ay naguluhan sa nangyayari. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata at tumitig sa gwapong mukha na malapit na malapit sa kanya nang puntong iyon. Noong una, ang mestisong binata ay tila taimtim na naghintay na makilala siya ni Evan. Ngunit nang tumagal, pinahid niya ang pawis sa noo at binigyan siya
Napangiti si Evan, ngunit halatang pilit. Hindi niya matiis na marinig ang sinuman na nagsasalita ng masama tungkol kay Kevin, kaya’t binitiwan niya ang ulo ni Chris na may halong inis. "Nagpapalagay ka lang, Teacher, puro ka talaga haka-haka! Tapos ang OA mo rin!" "Kahit haka-haka, pinag-isipan ko naman iyon nang mabuti. Kinonsidera ko ang ugali at istilo niya bago ako nagkonklusyon sa ganoon." Tumalikod si Chris pabalik sa kanyang sleeping bag na parang kampante, at naging mahina ang kanyang boses matapos isara ang zipper. "Kung hindi ka makatulog, isipin mo na lang kung paano ayusin ang disenyo na binigay ko sa’yo tatlong araw na ang nakaraan. Naniniwala ako sa kakayahan mo, Evan. Ciao!" Humiga muli si Evan sa kama, nag-aalangan at nag-iisip. Para pigilan ang sarili na maalala si Kevin, sinubukan niyang isipin ang disenyo na kasalukuyan niyang pinagkaka-abalahan ngayon. Bago pa sumikat ang araw, natapos na niya ang pangunahing konsepto nito. "Evan, gising na!" Dum
"Sino ang nagsabing palalayasin kita?" Mariing tanong ni Kenneth habang mahigpit na niyakap ang anak upang aliwin ito. Pagkatapos, tinignan niya si Ella nang puno ng pagdududa. Bagamat desidido na ang matanda, dapat ay manatiling lihim ang usaping ito kay Cheska. Kung walang nagbalita sa bata, paano niya nalaman ang tungkol sa planong pagpapadala sa kaniya sa ibang bansa? Napakapit nang mahigpit si Ella sa kaniang sarili, saka pilit na pinanatili ang inosente at nakakaawang ekspresyon sa kanyang mukha. "Nang ipinasabi ng matanda sa tagapamahala ang pinal na desisyon niya, iniwan ko si Cheska sa silid upang gawin ang kanyang assignment. Hindi ko naman akalaing palihim pala siyang sumunod sa’kin kaya narinig ang lahat." Sa puntong ito, tinakpan niya ang kanyang mga labi gamit ang kamay at pilit na pinigilan ang luha. Halata sa kanyang ekspresyon ang pagsusumamong kampihan siya ng lalaki sa puntong ito. "Kenneth, hindi ko kayang tanggapin ito. Kailangan ba talagang palayasin si Chesk
Mabilis at simple lang ang ginawa ni Cristopher pero masama ang kutob niya dahil sa tuso nitong pamamaraan. Halos hindi makapaniwala si Evan sa nangyari. Napatigil siya at parang nasamid, na para bang may masamang pangitain at hindi maganda ang magiging bunga ng halik kanina. Galit niyang sinumbatan si Chris. "Hindi na natin pag-uusapan kung maganda ba ang paraang ito o hindi, pero sana man lang sinabi mo muna sa akin para nakapaghanda ako nang maayos!" "Sandali lang." Galit ding sumagot si Chris, bahagyang yumuko papalapit kay Evan, itinuro ang kanyang mukha na parang ipinagmamalak. "Nakakalimutan mo yata kung sino ba ako. Ako si Chris, ang kilalang jewelry master. Napakaraming sikat na babae ang humihiling na mahalikan ko sila, pero binalewala ko lahat 'yon. Ikaw pa, na mas mababa kaysa sa mga iyon, ang nangangahas na insultuhin ang guro mo?" "Oo na, ikaw na ang pinakamagandang lalaki, okay?" Napilitang tumugon si Evan, iniunat ang isang daliri at marahang itinulak a
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin