Halata sa mukha ni Evan na tensed na siya pero nilampasan niya lang si Kenneth.Mabilis siyang lumapit, yumuko, at niyakap ang maliit na bata. Matatalim ang tingin niyang parang mga kutsilyo. "Kenneth, subukan mo lang siyang saktan ulit, lalabanan kita hanggang sa huli."Ang tingin niya kay Kenneth ay parang humaharap sa isang malaking kalaban, dahilan upang matigilan at manlamig ang galaw ng lalaki.Habang nakayuko si Kenneth at tinitingnan ang magkasabay na mahigpit na yakap ng dalawa, hindi niya maiwasang isipin: Paano kaya kung hindi namatay ang anak namin limang taon na ang nakalipas? Ano kaya ang itsura ng eksenang ito ngayon?Ngunit tapos na ang nakaraan. Ang patay ay hindi na maibabalik.Sa kabila nito, alam niyang may kabutihan pa rin si Evan. Basta magsikap si Cheska sa pagiging mabait at magpakita ng inosente at kaibig-ibig, naniniwala siyang hindi ito kayang tiisin ni Evan. Hindi rin niya kayang balewalain ang bata nang tuluyan.Batay sa nalalaman ni Kenneth, hindi naging
Dumaan ang tingin ni Kevin sa ulo ni Evan, bago siya lumapit sa kama ni Cheska. Mula sa itaas, sinuri niya ang reaksyon ng bata.Bagamat pilit na hindi gumagalaw, kitang-kita ang butil ng malamig na pawis na tumutulo sa noo ni Cheska. Ang mga kamay at paa nitong nakatago sa ilalim ng kumot ay bahagyang nanginginig.Halos mapaiyak na si Cheska nang sa wakas ay inalis ni Kevin ang mabigat niyang tingin. Tumigil siya saglit at tila may hinanap.Dahil sa personal na ugali, bihira siyang magdala ng anumang alahas sa katawan. Ngunit sa pagkakataong ito, walang pag-aalinlangan niyang tinanggal ang isang napakaganda at intricately crafted na tie clip. Ibinuka niya ang kanyang palad at inilatag ito sa harap ni Cheska.Sa ilalim ng maluho at mainit na ilaw ng kristal na lampara, sumilay ang liwanag mula sa brilyante at tumama sa nanginginig na mga pilikmata ni Cheska."Kung magigising si Cheska ngayon, mapupunta ito sa kanya," ani Kevin na nakangiti, ang mababa at magnetikong boses niya'y tila
Sa di kalayuang daanan, ilang daang metro ang layo, biglang napahatsing si Evan.Lumingon si Kevin sa kanya. Sa isang maginoong kilos, hinubad niya ang suot na coat at mahinahong isinuklob iyon sa mga balikat ni Evan, dumaan pa ito kay Ashton.Ang tela, na may init mula sa katawan ng lalaki, ay malambot at komportable—kabaligtaran ng malamig at matigas na ugali na madalas niyang ipinapakita.Nahihiyang tumanggi si Evan, lalo na’t naroon si Ashton. Kaya’t bahagya siyang tumango kay Kevin bilang pasasalamat. Hinawakan niya ang harapan ng coat gamit ang kanyang mahahabang daliri, sinisikap panatilihin ang init na iyon nang mas matagal.Waring walang pakialam si Kevin sa pasasalamat ni Evan, ngunit may kaunting banayad at malalim na ngiti sa kanyang maiitim na mga mata.Pagdating sa pribadong tirahan ni Kevin, tinulungan ni Evan si Ashton, na labis ang saya, na magbabad sa maligamgam na tubig. Pagkatapos, sinuotan niya ito ng pajama. Sumunod na siya ang naligo, gamit ang banyo sa kwarto n
"Hindi ako makatulog," ani ng lalaki, ang kanyang boses ay mababa at waring tinatantsa ang mood ni Evan.Nais sanang umiwas ni Evan sa tanong na iyon ng lalaki, ngunit tila natuyo ang kanyang bibig at walang salitang nais lumabas dito.Bigla na lamang bumagsak ang isang manipis na kumot mula sa ulunan niya at pumatong sa kaniyang balikat para mabalot ang kaniyang katawan.Dumaan si Kevin sa likod ni Evan, ang kaniyang matikas na bawat hakbang ay mas lalong nagdedepina ng espesyal na presensiya nito."Sumunod ka sa akin. I'll show you something."Naguguluhan man at nahihiya, wala na ring nagawa si Evan kung hindi ang sumunod sa lalaki.Dinala siya sa isang napaka-laking game room na pag-aari ni Kevin, nakatago ito sa basement ng villa na iyon. Kung hindi pa dahil kay Kevin, hindi malalaman ni Evan na mayroong ganoon ang bahay.Nang mapindot ang switch ng ilaw, bumungad ang iba’t ibang arcade machines na nakalagak roon, dalawa rito ay kilalang-kilala ni Evan dahil mga collector's editio
Nabigla si Evan sa sariling iniisip at bahagyang iminulat ang mga mata, saka napangiti ng mapait, parang pinagtatawanan ang sarili dahil sa naisip.Bukod sa malamang na tinitingnan lang siya ng tiyuhin niya bilang bata na kailangan pa niyang alagaan, ang masalimuot na ugnayan nila ni Kenneth na hindi pa nalulutas ay matagal nang nag-alis ng kakayahan niyang magmahal muli.Dahil dito, kahit gaano pa kaakit-akit si Kevin, nagagawa pa rin niyang panatilihin ang kaunting kalma at linaw ng isip.Lumipas ang araw na binigyan siya ni Lola ng pahinga, sa oras ng trabaho, muli niyang inihanda ang sarili para magpakita sa sekretarya ni Kenneth, sa teritoryo ni Ella.Mukhang nagbigay ng utos si Kenneth para maiwasan ang mas malking gulo dahil si Ella ay nag-file ng isang linggong sick leave. Kaya’t sa unang pagkakataon simula nang pumasok sa kompanya, walang asungot na Ella ang umabala sa kaniya kinaumagahan.Gayunpaman, napansin niyang may kakaibang ngiti ang mga empleyado tuwing tumitingin sil
Matapos ang paalala ni Evan, biglang naalala nga ni Kenneth ang rule na sinusunod sa company cafeteria nila.Unti-unting bumaba ang tensyon sa paligid nila, si Evan ay napabuntong-hininga na lang sa kinahantungan ng argumento ni Kenneth. Bahagyang binaba pa ni Evan ang kanyang mata para hindi na masalubong ang matatalim pa ring tingin sa kaniya ng lalaki. Hindi na talaga nag improve ang ugali nito."Kung wala ng iba, mauuna na ako," sabi niya."Sinabi ni lola kaninang umaga na napanaginipan niya si lolo. Pupunta siya sa templo para magdasal at magsindi ng insenso mamaya. Kailangan mong sumama sa kanya," sabi ni Kenneth. Matagal nang debotong Buddhist si Lola kaya normal na sa kanila ang pamahiing ganoon.Nang hapon iyon, wala na ring nagawa si Evan kung hindi ang pilit na sumama sa sasakyan ni Kenneth para sa kapakanan ni Lola. Dumating silang dalawa sa kanilang destinasyon, pero tahimik sila buong biyahe at walang sinuman ang nais gumawa ng usapan.Ang destinasyon nila ay may kalayua
"Huwag niyo pong sabihin 'yan, lola," mahina ngunit puno ng damdaming sagot ni Evan.Namumula ang kanyang mga mata habang pinipigil ang luha."Si Cheska ay bata pa. Hindi pa niya naiintindihan na ginagawa niyo ito para sa kanyang ikabubuti. Balang araw, mauunawaan din niya ang lahat ng inyong pagsisikap para mapalaki siya ng maayos, magalang, at klase ng babae na maipagmamalaki ng pamilyang Huete."Humugot ng malalim na buntong-hininga ang matandang babae sa sinabing iyon ni Evan."Sabi nga nila, makikita na ang ugali ng isang bata sa murang edad. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito si Cheska. Hindi lang siya kasing-bait mo noong bata ka, kahit si Kenneth na pasaway noong lima siyang taon, hindi naging ganito kalala ang ugali at mga gusto na nakakasama naman sa iba."Habang sinasabi ito ng matanda, tila biglang bumigat ang hangin."Sa huli, kahit anong gawin ko o natin, iba pa rin talaga ang tunay na anak. Isa na akong taong halos kalahati na ang katawan sa lupa. Kung mabigyan man
Nakatayo si Kevin sa may pintuan, pinapanood mula sa malayo ang pagiging malapit nina Ashton at Evan. Sa kanyang mga mata, iba ang mga ngiti at halakhak na ipinapamalas ni Ashton kapag si Evan ang kasama nito. Hindi man niya sabihin sa bata pero alam niya na pilit itong nagpapaka mature sa harap niya, pero kapag kasama si Evan, nagiging makulit at malambing ito na normal lang naman sa mga batang nasa edad niya. Maingat na hinubad ni Ashton ang kanyang sapatos, saka umakyat sa kama. Mahinahon siyang umupo sa tabi ni Evan, hawak ang isang libro mula sa kanyang schoolbag. "Gusto mo po bang basahan rin kita ng kuwento, Vanvan? Ano pong gusto mong basahin ko? Magaling daw po akong story teller sabi ni teacher!" Yumakap si Evan sa malambot na katawan ng bata. May bahagyang panginginig ang boses nito habang sumasagot dahil bahagya siyang nanggigil ditong yakapin. "Kahit ano Ashton, ayos lang." Tahimik na nagpapasalamat siya sa malasakit ng bata sa kaniya. Pakiramdam niya’y napakah
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Evan nang marinig ang sinabi ni Stephanie.Noong nakaraang buwan, ang inhibitor na labis niyang kailangan ay sinimulang gawin at pagbutihin sa ibang bansa bago dalhin sa loob ng bansa.Sinabi sa kanya ni Ate Sophie na ang lahat ng gastusin ay sagot ng kanyang lola. Noong una, naniwala siya at iniisip na kaunting injection lang naman iyon. Kaya kahit gaano pa kamahal, hindi aabot sa daan-daang milyon.Pero ngayong pinag-iisipan niya ito nang mas mabuti, naisip niya, Kung walang buong pondo, anong laboratoryo ang gagastos ng ganito kalaki para sa isang produkto na wala namang tiyak na kita sa merkado?Iniwasan ni Kevin ang gulat na tingin ni Evan at ngumiti."Sister-in-law, that's my money. Kung paano ko ito gustong gastusin ay sarili kong desisyon. I don't think I have the responsibility to tell you my personal wealth, right?"Bahagyang nanghina ang balikat ni Stephanie, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kevin. Pero kahit pa pilit niyang itin
Bago pa magawa ni Kenneth ang anumang ikagugulat ng lahat, mabilis na inalalayan ni Evan si Chris, ang kanyang malalabong mata ay puno ng matinding galit habang matalim siyang tumitig kay Kenneth."Kenneth!"Huling beses niyang nakita si Evan na ganito katatag ay sa maliit nilang apartment noon.Noong panahong iyon, ginagawa niya ito upang protektahan si Kenneth, pero ngayon, ibang lalaki na ang kanyang pinagtatanggol.Tinitigan siya ni Kenneth, at ang malamig niyang ngiti ay unti-unting naging malupit.Bago pa man siya magsawa sa larong ito, mayroon nang ibang lalaki si Evan?How could he let this happen?He won't let Evan let go from his grasp. Hinding-hindi mangyayari iyon.Habang iniisip ni Kenneth kung paano niya muling makokontrol si Evan, biglang tumunog ang musika na hudyat ng pagtatapos ng pagtitipon.Dahan-dahang nagsimulang maghiwa-hiwalay ang mga bisita. Ang karamihan ay nanatili sa bulwagan, habang ang ilan ay sumakay ng elevator patungo sa meeting room sa 18th floor.Mul
Sa engrandeng mid-year party ng Huete Group, lumabas si Evan na napakaganda at elegante sa kanyang mamahaling damit. Mapayapang kasama niya si Christopher Greece, nakayuko paminsan-minsan habang may mahinhing ngiti sa labi. Panaka-naka rin itong nakikipag-usap sa bawat direktor.Marahil upang mas maging bagay sila ni Evan, nagpalit si Chris ng kasuotan na kapareho ng kulay ng kanyang suot. Sa kanyang gwapong mukha, nagniningning ang isang maliwanag at maaliwalas na ngiti sa lalaki. Kitang-kita kung gaano niya ine-enjoy ang sandali habang magkahawak-braso silang naglalakad.Samantala, hindi maipaliwanag ni Kenneth ang nararamdaman niya. Marahil ay nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Evan. Dahil nang una niyang makita ang kanyang payat at eleganteng pigura, napahinto siya nang hindi namamalayan, hindi man lang narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng mga nasa paligid."Huwag kang mag-alala, pamangkin kong Kenneth, susuportahan ka namin sa eleksyong ito.""Tama! Si Kenneth ay isa
"Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo." Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita. "Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo. Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas.""Hindi sapat 'yan." Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki
Mabilis na hinawakan ng nurse dalaga at malambing na sinabihan ito. "Gwen, bagong pasyente ito. Dito lang siya na-assign sa kwarto mo, kaya tabi ang kama niyo. Hindi siya ang ate mong si Bernardita Paranal."Pagkarinig sa pangalang iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Evan. Sandaling lumiwanag ang kanyang mga mata ngunit unti-unting nagdilim muli.Minsan nang sinabi ng kanyang tiyuhin na ang huling balita tungkol kay Bernard Paranal ay nasa isang mental hospital siya. Pero sa dami ng taong may ganoong pangalan sa mundo, hindi na siya dapat umasa sa ganito kalabong lead."Hindi, ang natutulog sa kama na ito ay si Ate Bernardita!" Matigas ang ulo ng batang si Gwen. Mahigpit niyang hinila ang kumot ni Evan at tumitig sa kanya gamit ang malalaki niyang mata, tila nagtataka. "Ate, bakit hindi mo ako kinakausap?"Napabuntong-hininga ang nurse, tila wala nang balak makipagtalo pa sa isang pasyenteng wala sa sarili. Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Gwen at pasimpleng sinabihan ito. "Si
Anuman ang mangyari, kasalanan ni Ella kung bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon. Tinanggap lang niya ang bunga ng sarili niyang mga ginawa. Wala itong kinalaman kay Evan.Nanginginig ang kamay ni Kenneth habang pinipirmahan ang dokumento ng patient's waiver para sa kritikal na kondisyon ni Ella. Matapos nitong paalisin ang doktor, agad siyang bumaling kay Evan at matalim siyang tinitigan. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita ni bahagyang pagsisisi o pagkabalisa sa mukha nito.Sa sumunod na segundo, gamit ang matinding lakas, hinatak niya si Evan mula sa sahig at itinapon ito nang malakas sa harap ng pintuan ng operating room. Itinutok niya ang daliri sa kanya at galit na galit na sumigaw."Evan! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Malapit nang mamatay si Ella, lumuhod ka ngayon din!"Mabilis na bumangon si Evan, mariing itinuwid ang leeg, at matalim siyang tinitigan. Parang matutulis na kutsilyo ang kanyang tingin na tila tumatarak sa laman ni Kenneth."Kenne
"Hoy, parang hindi ka na isang tunay na master ng alahas sa mga sinasabi mo." Hindi alam ni Evan kung matatawa o maiiyak sa sinabi ni Chris. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito. "Baguhan pa lang ako sa industriyang ito. Hindi ko kayang dalhin ang pangalan mo bilang master ko. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makabili ng regalo." "Huwag mo akong utuin." Saglit na nag-isip si Chris. "Wait! As far as I know, may natitira pa akong kwintas na hindi naibenta sa jewelry exhibition dito sa siyudad. I can give it to you as temporary solution." Ang mga alahas na idinisenyo at ginawa mismo ni Chris ay palaging nauubos sa mga foreign design exhibitions, duda tuloy siya sa sinasabing iyon ng guro. Siguradong ang regalong ito ay akma sa estado ng kaniyang Lola, pero napakalaking pabigat naman nito sa bulsa ni Evan dahil hindi basta-basta ang mga dinesenyo ni Chris na pang-international level. Nakita ni Chris ang pag-aalinlangan sa mukha ni Evan kaya't bahagya siyang ngu
Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n
Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n