Galit na galit si Walter, at may malupit na tingin sa kanyang mukha.“Oh?”“Edi bibigyan kita ng kalahating oras. Tawagan mo na ang sino mang kailangan mo. Tingnan natin kung ano talaga ang kakayahan niyo!” Ngumisi si Leon.Nasa isang lipunan sila na may batas. Kahit na bugbugin siya ng mga tauhan ni Walter, wala silang magagawa sa kanila. Pwede lang silang turuan ng leksyon ng mga ito.Gayunpaman, mukhang ayaw matuto ni Walter ng leksyon. Kung naalala ni Walter ang sama ng loob na ito at naghiganti siya sa susunod, ang sama ng loob ay baka mapunta rin sa pamilya ni Lily.Magiging malaking problema ito!Pambihira ang lakas niya, kaya hindi siya natatakot sa paghihiganti mula kay Walter, ngunit ang pamilya ni Lily ay mga normal na mamamayan lang. Hindi nila kakayanin ang paghihiganti ni Walter.Ang pinakamagandang paraan para harapin ito ay ang tawagin ni Walter ang lahat sa sandaling ito. Pagkatapos, matatalo na ni Leon si Walter hanggang si Walter ay mapuno ng takot at mawalan
“Sa tingin mo ba ay walang makakatalo sayo dahil lang may alam ka sa martial arts?! Kalokohan!” Nilait siya ni Rizzy.Kahit na nakita niya na mahusay makipaglaban si Leon, walang kwenta ito. Kung tumawag si Walter ng mas marami at mas malakas na mga tauhan, hindi kakayanin ni Leon ang dami ng tao.Bukod pa dito, ano naman kung masolusyonan talaga ito ni Leon ang problema.Hindi na kailangan ng lipunan ang martial arts. Ang pera ang tunay na kapangyarihan!Ang kahit sinong walang kapangyarihan o pera na tulad ni Leon ay makukulong lang kapag may aksidente siyang napilay sa mga kalaban niya!Sa huli, naisip niya na walang alam si Leon!“‘Yun ay…”Ang pamilya ni Lily ay tila nabuhusan ng malamig na tubig.Alam nila na tama si Rizzy. Walang kapangyarihan si Leon, hindi magiging madali para harapin nila ang problemang ito.Kapag hindi natapos ni Leon ang problema, mapupunta sa panganib ang sarili niya. Paano siya makakatulong sa pamilya nila?“‘Wag kayong mag alala, may paraan ako
”Dad, dumating na kayo!” Masayang lumapit si Duncan.Habang nakatingin sa pulang galos sa mukha ni Duncan, mukhang sinampal siya. Nagalit si Anthony, “Duncan, sino ang may lakas ng loob para sampalin ka?! Walang hiya sila!”“Siya ‘yun!” Tumuro ng galit si Duncan kay Walter.Pagkatapos ng ilang sandali ng pahinga, ang mga tauhan ni Walter ay hirap na tumayo.Hindi nila inaasahan na haharapin nila ang mga tauhan ni Anthony.“Turuan niyo sila ng leksyon!” Ang sigaw ni Anthony. Sumenyas siya sa mga tauhan niya na sumugod kay Walter at sa iba.“Anthony, ako si Walter!”“Binabalaan ko kayo, ang boss ko ay…” Nabigla si Walter. Bago pa niya masigaw ang pangalan ng boss niya, may isang lalaki na jumampas ng baseball bat sa ulo niya.“Sino si Walter? Hindi ko pa narinig ang pangalan niya dati!”“Bugbugin niyo sila!” Ang sabi ni Walter ng nanunuya.Hindi pa gaano kalaki si Walter sa underworld, at hindi siya gaanong sikat. Narinig niya na ang tungkol kay Anthony noon, ngunit hindi siya
“Aunt Serena, tara po sa labas,” Ngumiti si Rizzy at sinabi niya ito.Nagdalawang isip ng ilang sandali si Serena bago siya tumango. Pagkatapos, lahat sila ay naglakad palabas, kasama sina Leon at Lily.Nang makarating sila sa labas, inutusan ni Anthony ang mga tauhan niya para ihagis ang mga tauhan ni Walter sa sahig.Sa sandaling ito, bigla nilang narinig ang busina ng maraming kotse. May isang dosenang mga itim na Volkswagen ay lumapit. Mabilis silang huminto sa neighborhood, hinarangan nila ang entrance.Nang bumukas ang mga pinto, may tatlo o apat na dosenang mga lalaking may malupit ang itsura at nakasuot ng itim na suit ang naglakad palabas ng mga kotse.Nang makita ito, nabigla sina Anthony, Serena, at ang iba.“Mabuti ito! Dumating na ang mga tauhan namin!” Tuwang tuwa si Walter. Dumating na ang reinforcements niya!“Sino ang mga taong ito?!” Dumilim ang ekspresyon ni Anthony. May pagdududa sa mukha niya.“Dad, sila siguro ang reinforcements ni Walter!” Ang mabilis na
Alam ni Anthony ang tungkol sa mga koneksyon at kapangyarihan ni Leopard!Kung gusto siyang patayin ni Leopard, walang pinagkaiba ito sa pagpatay ng isang langgam!“Sino ka ba sa tingin mo? Walang hiya ka para kausapin ang tatay ko ng ganito. Gusto mo bang mamatay?!” Galit na galit si Duncan habang tumuro siya kay Leopard habang sumisigaw. Gusto niyang ipasikat ang kapangyarihan niya sa harap ng pamilya ni Lily!“Walang hiya! Tumahimik ka!” Namutla si Anthony at sinampal niya ng malakas si Duncan sa mukha.Pak!Narinig ng lahat ang sampal.Nabigla si Duncan. Hinawakan niya ang mukha niya habang tumingin siya sa tatay niya ng hindi makapaniwala, “Dad, b-bakit niyo ako sinampal?”“Ikaw dapat ang sinasaktan ko! Kilala mo ba kung sino ang taong nasa harap mo? Siya si Leopard ng Mistcloud Mountain!” Ang galit na sabi ni Anthony.“L-Leopard?” Nabigla si Duncan. Hindi niya pa nakilala dati si Leopard, ngunit narinig niya na ang reputasyon ni Leopard.Alam niya na si Leopard ang taong
Tutal, si Leopard ay tunay na makapangyarihan sa underworld. Isa siyang malupit na tao na marami nang pinatay. Kung ginalit nila si Leopard, hindi nila alam kung paano sila papatayin ni Leopard!“Mga tropa!”“Dalhin niyo sa labas ang dalawang ito. Sundin ang patakaran natin. Pareho silang puputulan ng isang binti bilang parusa!” Ang malamig na sinabi ni Leopard.Sa utos na ito, ang mga lalaki sa likod ay tinulak pababa sina Duncan at Anthony.“Leopard, ‘wag…”“Pakiusap, maawa ka…”Namutla sina Anthony at Duncan. Pilit silang nagmakaawa, ngunit nabigo sila.“Dalhin niyo na sila!” Malamig ang ekspresyon ni Leopard, at hindi siya nakumbinsi.May rason kung bakit may mga patakaran!Kahit na hindi niya alam ang nangyari sa pagitan nila Walter at Anthony, si Anthony ay parte pa rin ng underworld. Sinaktan ni Anthony ang mga tao ni Leopard ng walang permiso.Ito ay isang hamon sa kapangyarihan at awtoridad niya!Nagpapakita na ng awa si Leopard sa pagputol lang ng isang binti!“Le
Hindi nirerespeto ni Walter si Leon. Ano man ang mangyari, hindi it tatanggapin ni Leopard!“Leopard, nakakahanga ka kanina! Naliwanagan talaga ako!” Ngumisi si Leon, halata ang paghamak sa mga mata niya.Nanginig si Leopard habang mabilis siyang lumuhod sa harap ni Leon, “Mister Wolf, hindi ko alam na nandito kayo. Kung may nagawa akong mali, pagbigyan niyo ako.”Habang nakatingin sa eksena, natulala sina Bowden at Walter.Nabigla sina Anthony at Duncan.Kahit sina Lily, Rizzy, at ang iba ay nabigla sa nangyari!Walang umaasa na si Leopard, na siyang pinakamakapangyarihan sa lugar, ay luluhod kay Leon!A-Ano ang nangyari?Hindi kaya’t si Leon ay mas magaling pa kaysa kay Leopard?!Nabigla ang lahat habang nagkatinginan sila. Nakita nila na nabigla ang lahat.Si Rizzy ang pinaka nabigla sa lahat!Noong nakaraang isang buwan, si Leon ay maituturing na isang walang kwentang tao sa kumpanya ng mga Manson. Mababa ang tingin ng lahat kay Leon!Isang buwan lang ang lumipas, nagin
“Dalhin niyo na sila!” Ang malamig na sinabi ni Leopard. Pagkatapos nito, hinila ng mga tauhan niya ina Walter at Bowden na parang mga aso.Pagkatapos nito, lumuhod ulit si Leopard sa harap ni Leon habang nagmamakaawa siya, “Mister Wolf, marami akong mga tauhan, at hindi ko sila naturuan ng maayos, patawad…”“Pero, nangangako ako sa buhay ko na tumutupad ako sa patakaran. Sinisigurado ko na ang lahat ng ginagawa ko ay base sa konsensya ko…”“Patawad, maawa kayo. Bigyan niyo ako ng pagkakataon para magbago…”“Sigurado ka na tapat ka sa sinasabi mo sa akin?” Malamig ang tingin ni Leon kay Leopard.Mas lalong napressure si Leopard, ngunit tumingin pa rin siya sa mga mata ni Leon. Hindi siya umiwas ng tingin.Nang makita na tapat ang ekspresyon ni Leopard, tila hindi siya nagsisinungaling. Medyo nawala ang galit ni Leon, “Dahil tapat ka, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon!”“Pero, wala nang susunod!”“Mister Wolf, salamat. Salamat…”“Sisiguraduhin ko na kapag bumalik ako, tutur