Share

Take 2

Author: Julya
last update Last Updated: 2021-05-25 11:56:47

"Ang bilis ano? Start na ng intrams ni wala nga akong naintindihan sa buong midterm." pag-inat ni Lulu para hindi antukin.

Nag-lalakad kami sa hallway dahil pinadismiss na kami ng adviser namin para ienjoy ang intramurals.

"Buti tapos na tayo sa requirements kung hindi maghahabol din tayo katulad ng iba." tinignan ko ang mga classroom sa gawing kaliwa at nakitang may mga estudyante pa din na gumagawa ng requirements na ihahabol. 

Naagaw pansin ko ang eroplanong papel na dumiretso sa labas ng classroom, kasabay ng dalawang lalaking naguunahan lumabas sa bintana, hinahabol ang eroplanong papel. Bumagsak sila sa hallway at sa gulat namin ni Lulu ay napahinto kami sa paglalakad para hindi matamaan ng dalawa.

"Luilaine, pinapabigay ni Winston oh!" tumayo at iniabot ito ng lalaking tumatawa pa sa nangyari.

Tanned skin at may katangkaran. Magulo ang ayos ng buhok na sa tingin ko'y galing sa pag gulong nilang dalawa ng kasama nya. Malalim at misteryoso ang mga mata na kasalungat naman sa binibgay nyang ngiti gamit ang manipis at mamula nyang labi na naging dahilan ng pagsilay ng malalim na dimple sa kanang pisngi. 

Nilahad nya kay Lulu ang eroplanong papel habang ito ay hinihingal galing sa pag dagan sakanya ng kasamahan nya.

"Hoy, wag!" pag pupumigil ng kasama niya.

Habang nginingtian nyang nakakaloko si Lulu, hawak hawak pa din ang papel ay nahagip nya ang mata ko at unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. 

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang tingin nya sa akin. Naudlot lamang ito nang sinakal syang pabiro ng kasama nya. Walang hiya ko din siyang tinititigan sa kuryosidad.

"Teka Win—ano ba!" pagpupumiglas nya habang pahapyaw na tingin sa gawi ko. 

They both stopped nang nagsalita si Lulu. "Sorry kuya Winston pero hindi ko matatanggap 'yan." At nauna ng maglakad. 

Gulat ang makikita sa mukha naming tatlo sa biglaang pagtaray ni Lulu. Ilang segundo ang lumipas nang nabalik kami sa realidad sa paglingon ni Lulu at tawag. "Sel, tara na ano ba!"

Sa pagkabalisa ko napatingin ako sa lalaking kanina pa siguro nakatingin din sa akin at 'di man lang natinag sa pagtingin ko pabalik.

Napasinghap ako "Sorry po!" sa pagmamadali ko, I slightly bowed at them on behalf of Lulu's disrespect and went to her immediately. I heard some 'aww' from the back, guessing from the classmates of that Winston.

"Ba't ba ang tagal mo sumunod? Daldal ako ng daldal andun ka pa pala!" pagsabog ni Lulu.

"Lulu kabastusan yung ginawa mo kanina! Kawawa yung Winston, huy!" hinihingal kong untag sakanya. 

"Dai kung hindi ko naman gusto, why would I bother accept it? Eroplanong papel, really?" pagtataray nya.

"At least show some appreciation! At anong masama sa eroplanong papel? Ang cute kaya, laman nun letters 'no!" pangungumbinsi ko na parang hindi niya alam na letters ang laman nun.

"Wala akong pake Selene. Alam mo namang senior natin 'yun. Kadiri kaya magboyfriend ng mas matanda sayo."

Nagulat ako ng nalamang senior pala namin ang mga iyon?

"Senior na'tin sila?"

"Sophomore din 'yun! Ka-batch ng kuya mo, di kaklase."

Nangilabot ako, "Nasa college department na pala tayo, ang layo na ng nilakad natin! Baka makita pa tayo ng college professors dito, masita tayo!" bulong ko kay Lulu at dali dali siyang hinila.

"Tsaka for sure trip lang nila 'yang kanina dahil alam nilang graduating from SHS palang ako. Kaya ikaw, 'wag ka magpapaloko sa mga tactics ng senior!" pangangaral niya sa akin, hindi man lang napansin ang pagmamadali ko.

Kilala si Lulu kahit graduating SHS palang dahil ginawa siyang model ng school since junior high at sumikat siya dahil siya ang tinaguriang face of the campus. In fact siya nga dapat ang pambato ng batch namin kaya lang ayaw niya dahil inaamin niyang mahina daw siya sa academics. Tinawanan ko na lamang siya sa pagsusungit nya at nagpatuloy kami sa  mabilis na paglakad palabas.

"Antagal naman magsimula." hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Ngayon na gaganapin ang battle of the brains na sinalihan ni kuya. Siya ang pambato ng Sophomore ng college department. Apat per year-college students ang maglalaban-laban. 

"Ba't nga ba tayo nandito sa dulo Selene? Wala na nga akong marinig oh!" pagrereklamo pabalik ni Lulu. Andito kami sa pinaka dulo ng auditorium dahil mahirap na at baka masita kami. 

"Lu konting tiis lang 'to, gusto ko lang makita si kuya manalo." I smiled looking at the stage as I saw my brother entered and bowed to the crowd. 

"Bakit may mga senior high dito? Hindi naman sila" napatigil ito sa pagsasalita kaya nilingon ko siya pagkatapos pagmasdan ang kapatid ko. 

Mula sa gulat na ekpresyon ay bigla itong tumili na naging dahilan ng pagkurot ko sa braso nya. Tumingin ako sa paligid at nakitang may iilang napatingin na sa gawi namin dahil sa ginawa ni Lulu.

Hinila ko siya at binulungan "Ano ba Lu! Tumahimik ka nga, baka makita na nila tayo at yung suot nating P.e!" madiin kong tugon sa kanyang namamangha pa ding ekspresyon. 

"Sel, magpeperform ng sayaw yung troupe na kasali yung crush ko! Andito yung crush kong grade 11!" pagkontrol niya sa tili nya. 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ayaw mo nga ng taong mas matanda sayo pero nagmumukha ka namang pedo niyan."

Inirapan niya ako "Jameson is just my age, Sel."

"At si Kuya Winston ay gurang na nasa 40s na at hindi mo kayang pagbigyan, ganun?" I sarcastically told her. 

Inirapan niya lang ulit ako at tinuon na ang pansin sa stage kung saan naghahanda na ang troupe ng ka-senior namin para magsayaw na kasama ang Jameson na crush niya.

"Ang gulo mo." tinuon ko na lang din ang mata ko sa stage. 

I actually don't know what's wrong with age gap. Ewan ko lang sa katabi ko.  I mean age doesn't really matter, for me though. Kaya nananawagan ako kay Choi Seungcheol, pwede pa tayo humabol. 

The lights dimmed, senyales na magsisimula na. The dance troupe started to groove to give the audience entertainment before the most awaited brain battle. Kaya masasabi ko din na entertained na entertained nga ang katabi ko dahil hindi ko na siya makausap ng maayos. Kaya imbes na istorbohin siya ay pinanood ko nalang din ang nasa stage. 

Habang tulala ay may napansin akong grupo ng mga estudyante sa bandang kaliwang unahan ng auditorium at nagtatawanan. Ibinalik ko ang tingin ko sa nagsasayaw  at inakalang ito ang tinatawanan nila. 

Wala namang nakakatawa dahil ni isang pagkakamali ay walang makita sakanila. Sa totoo nga nito ay naka place pa sila sa isang national tournament na mahirap ang labanan kaya binaling ko ulit ang tingin ko sa mga estudyanteng nagtatawanan at nalaman kung bakit halos makuha nila ang atensyon ng audience dahil sa ingay nila.

Hindi ko napigilang mapangiti sa lalaking nakatayo sa babang gilid ng stage kung saan nakaharap ang mga nagtatawanang estudyante na sa tingin ko'y mga kaklase at kaibigan niya. He's trying to do the moves of the people dancing on stage, in a funny way. Nag acrobatics pa siya at nagkunwaring ininda ang balakang dahil naman pala sa isang professor na nagbigay warning sakanya na nagudyok sakaniyang umupo sa upuan.

Hindi maalis ang tingin at ngiti ko na mas kinagulat ko at hindi na napigilan ang mahinang tawa dahil sa pagtayo niya pagkatapos tumalikod ng professor at nagsimula siyang magkunwari bilang interpreter! Humalagpak sa tawa ang mga nakakita sa auditiorium na ako din mismo ay tinakpan na ang bibig para hindi marinig ang tawa ko.

"What's funny?" kunot noong tanong ni Lulu at tinignan na din ang kanina ko pa tinatawanan. Nakita kong may dala ng arnis ang professor na kanina pa siya binibigyang warning kaya napilitan itong umupo bago pa siya mahambalos nito. Hindi na nawala ang light atmosphere na binigay ng lalaking iyon na imbis na sa dance troupe naaliw ay sa lalaking hindi mawala ang ngisi dahil sa kwelang pinakita. 

Nang mas lumiwanag dahil sa ilaw hudyat na tapos na ang sayaw ay humalikipkip si Lulu at sinabing "Kaya naman pala. Si Philip nanaman." sinabi niya iyon na para bang sanay na sanay na siya. 

Binalingan ko ang lalaki at napagtuonan kong pamilyar ito.

"Ah, si paper airplane,"  I said out loud.

"Paper airplane?" kunot noo ni Lulu.

Liningon ko siya. "Yung lalaking nagpaabot ng eroplanong papel galing sa kaibigan niyang tinangihan mo?" tinagilid niya ang ulo niya. 

"Grabe ka naman Lu, kanina lang nangyare 'yun! Kay kuya Winston, diba?"

Nang biglang sumagi sa isip niya at inirapan niya ako. "And so? Whatever Sel. Magsisimula na yung quizbee, we should shut up."

Pinagkibit balikat ko iyon at 'di napigilang ibalik ang tingin sa lalaki. Nakatayo nanaman ito at nakikipagtawanan ng nahagip niya ang mata ko. Kumunot ang noo niya at hindi matatago ang unti-unting gulat na naipakita niya. Iniwas ko ang tingin ko, imposible namang ako ang tinitignan niya o dikaya ang makita niya pa ako dito sa malayo.

Hindi kaya nagulat siya dahil pamilyar ako sakaniya o alam niyang senior high ako at nagtataka kung bakit ako nandito?

Sa takot na mahuli ay yumuko ako ng konti at tinuon ang atensyon ko sa kuya kong kakalabas lang ulit ng stage. At nagsimula na ang laban.

Related chapters

  • The Endless Spotlight   Take 3

    Nagvibrate ang cellphone ko sa isang tawag sa gitna ng tahimik na laban nila kuya. Kinalabit ko si Lulu at winagayway ang umiilaw kong phone. Tumango ito at lumabas na ako. "Mommy-" hindi pa ko natatapos bumati ay pinaulanan niya na ako ng tanong. "Where are you? I told you to be with your brother while he's on his quiz bee-" "Mom, I am here. He made it to the finals kaya po hindi pa po tapos. And besides, I will be here and support him with or without you telling me Mommy." I closed my eyes, trying to recall if I picked my words right. I heard Eisa in the background. "So you're telling me that this fashion show is cheap and unimportant!? Anong gusto mong palabasin ha Selene!?" I startled.

    Last Updated : 2021-05-25
  • The Endless Spotlight   Take 4

    "Ako na bibili ng pagkain. Anong gusto mo ba? Ako mag kwek-kwek ako" ani Lulu habang nilalapag namin ang mga gamit namin dito sa usual spot naming damuhan ng field, malayo sa stage na pinagsisimulan na ng fashion show. "Fishball nalang Lu, ibabad mo sa suka ha? Tsaka juice, pomelo." Iniabot ko sakanya ang bayad. "Dito ka lang ah? Dito mo nalang tawagan sila tita at 'wag ka ng magligalig. Babalik din ako agad." pagbabanta niya tsaka siya umalis at nawala na sa dagat ng tao. Ang daming manonood. Sa bagay magkakalaban ang buong junior at senior high. Kahit na highschool department lang ang magkakalaban, andaming college students ang napapatigil at nakikinood sa on-going pageant. I personally haven't thought of joini

    Last Updated : 2021-05-27
  • The Endless Spotlight   Take 5

    Matagal na namutawi ang mukha nung lalaking iyon sa akin. Ilang beses ba naman kaming nagkasalubong sa araw na 'to?"Oh, ba't ka andito?" gulat at tinuro pa ako ni Ate Rose, isa sa mga kasambahay namin."Huh? Baket ate?" last time I checked, bahay ko ito at parte pa naman ako ng pamilyang andito."Diba aalis kayo?"I furrowed my brows. Tinawag niya si Manang na lumabas galing kusina, gulat din sa pagpapakita ko."Selene, ba't andito ka pa?" kunot noo niyang bungad sa akin."Bakit Manang pinapalayas na po ba ako?" pagbibiro ko habang tinatanggal ang sapatos ko.

    Last Updated : 2021-05-30
  • The Endless Spotlight   Take 6

    Dalawang araw ang nakalipas at namutawi na sa aking isipan ang hindi kilalang numero na nagtext. Baka nga tama si Lulu at wrong send lang ang taong iyon. Pero hindi siya tama sa parteng nasa likod ng mafia or serial killer iyon dahil kung oo ay hindi magdadaan ang dalawang araw na walang balitang may nahostage na estudyante sa abandonadong auditorium ng aming eskwelahan. "Tapos grabe, mahigit trentang katao yung napatay nung stalker na 'yun dahil lang sa obsession niya sa bidang babae." pagkekwento ni Lulu habang nagliligpit kami ng gamit. Mataman ko siyang binalingan. "Alam mo Lu, dalawang araw mo na kinekwento sa akin 'yan. You're planning to creep the hell out of me, won't you?" at inirapan siya. "Bakit, gumagana na?" tinignan

    Last Updated : 2021-06-03
  • The Endless Spotlight   Take 7

    "Sorry kung pinakaba kita." at napahawak ito sa kanyang batok. Remembering that short happening, hindi ko pa rin mapigilang hindi kilabutan. "Sino naman kase ang may sira sa utak na ang unang bati mo sa kausap mo is 'natakot ba kita?'" I sarcastically told him. I can't help but to scoff. Kita ko sakanya ang gulat sa aking biglaang pagbulyaw. Maski ako ay nagulat nung narealize ko kung ano ba ang nasabi ko. "Woah." He raised his both hands in surrender. Hindi nakakatakas ang multo na ngiti sa kanyang labi. Napatuptop ako sa aking bibig na siyang mas nagpangisi sa lalaking nasa harap ko at bahagyang natawa sa reaksyon ko. "Sorry." all I can say after that spicy words. Didist

    Last Updated : 2021-06-17
  • The Endless Spotlight   Take 8

    "Taray! Bago na screen protector, bago pa phonecase!" si Lulu at pumalakpak pa ng malakas. Ngumiwi lang ako sakanya dahil hindi ko na siguro kelangan sabihin sakanya na nagkita na kami nung inaakala niyang killer or mafia."Kita mo, sabi sayo eh! Mura lang sayo limang daan, gumastos ka pa ng doble para sa case. Nako echosera ka talaga Selene, kunwari hindi daw bibili 'di rin naman makatiis.""Ang aga aga Lu, ang ingay mo," irita kong sinabi sakanya. Hindi ko na pinatulan yung sinabi niya dahil hindi naman ako ang bumili nun.Daldal siya ng daldal hanggang sa nakapasok kami ng gate. Malapit na ang pagtatapos ng intrams ni hindi ko man lang naramdaman ang simula nun. Wala naman kase akong sinalihan na mga sports event at kung ano, yung audition lang para sa drama club kaso hindi na 'ko aasang pasok ako dun dahil sa kinalabasan ng gawa ko.Habang naglalakad kami ay hinatak ako ni Lulu patungong field. "Hoy Luilaine, mag attendance muna tayo!" sigaw ko sakanya."Wala naman si Sir, hayaan m

    Last Updated : 2021-10-18
  • The Endless Spotlight   Take 9

    Buong maghapon ko inisip iyon. Maghapon ko inalala ang apelyido niya at kung paanong paraan ulit magtatagpo ang landas namin para naman mapasalamatan ko siya. "Cafeteria nalang tayo, for sure wala masyadong tao dun..." pag-aya ni Lulu. "Bakit? Laro ba ng basketball ngayon o volleyball naman?" "Ng football." That stopped me. Baka pwede roon ko nalang sabihin ang thank you ko? After the game kaya? "Hindi ba tayo manonood?" pagbabakasakali ko. Umupo kami sa isa sa mga libreng upuan ng cafeteria. Hindi punuan dahil nga siguro sa laro ng football. Masasabi kong kahit na mas sikat ang basketball at volleyball na laro, dito sa bayan

    Last Updated : 2021-10-23
  • The Endless Spotlight   Take 10

    Hindi ko alam na matagal palang tumatak sa isip ni Lulu ang nangyari sa cafeteria. Tinanong niya kung paano at ilang beses kaming nagkabungguan ni Philip kaya ikinuwento ko na sa kanya ang lahat simula nung battle of the brains at kahit ang pagbili nito ng tempered glass ko at... ang phonecase.Kita sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. "All this time Selene..." hindi niya na nadugtungan ang sasabihin kaya nag sorry nalang ako dahil sa pagtatago ng kwento sa kanya."Pero hindi ko makakalimutan nung tinawag mo siyang kuya," hagalpak ng tawa ni Lulu rito sa kwarto ko."Shh, baka marinig ka ni kuya Vincent," pagtatakip ko sa bibig niya. It just dawned me kung gaano nga nakakahiya iyon. Bakit nga ba? Eh magkabatch sila ni kuya, natural lang naman siguro na tawagi

    Last Updated : 2021-10-30

Latest chapter

  • The Endless Spotlight   Take 28

    We're laughing so hard while drying ourselves here in the convenience store we usually go to. It's cold but my heart is warm.Is it still normal?Philip handed me the hot coffee he ordered from the counter. Ang init nito ay mas nagpawala sa lamig na naramdaman galing sa ulan.Looking outside, hearing the drops of rain, holding my cup of warm coffee together with the man I never knew I would be into.Yes, I can now completely admit how much I adore this man. I can freely tell that to myself, Lulu, or even my parents- except for him. Ang tapang kong sabihin sa ibang tao itong nararamdaman ko pero mismong sa kanya ay naduduwag ako.Ang hirap. Natatakot ako. Kahit na inamin n'ya na ang nararamdaman niya para sa akin, kahit na lakas loob niya nang hinarap ang mga magulang at kapatid ko, kahit na sinabi niyang nanliligaw at maghihintay siya. Bakit nahihirapan akong magsabi ng oo, na sinasagot na kita.Is it because of my unknown condition? "You're quiet, what are you thinking?"We’re wal

  • The Endless Spotlight   Chapter 27

    Binitawan niya ang reviewer niya sa physics. “Musta ka pala sa drama club?” she randomly asked. “’Di na kita madalas mapuntahan doon, you’re always busy with the club and your suitor.” She made a face. Napatigil ako sa ginagawa at napagtanto kung gaano na nga kami kadalas na magkasama ni Philip. He was already been introduced to my dad and kuya Vincent at dinner one night! Mom insisted that I should introduce him to dad as a suitor. It was freaking me out dagdagan pa when kuya heard about that dinner, ay hindi na pinalagpas iyon at umuwi ng maaga! Dad was cool about it. He was asking decent questions Philip and answered them politely. He was not too strict or annoyed by the fact that I brought home a man and introduced him as my first suitor. Unlike my brother on the other side of the table, with Eisa beside her who doesn’t care at all, was very serious and uncomfortable. Alam ko for sure na magkakilala sila, kaya hindi ko alam kung bakit ganto nalang ang itsura nya kay Philip. Mo

  • The Endless Spotlight   Take 26

    “Hijo, anong year mo nga ulit?” Sinagot naman ni Philip ang tanong ni mommy pagkatapos akong pagmasdan ng ilang segundo. Hindi pa naman siguro ako namumutla ano. “Second-year college po, Business Management.” Sumimsim ng tsaa si mommy, “I see, ka batch mo pala ang kuya niya, si Vincent.” Tumango siya at muli akong binalingan. ‘You okay?’ he mouthed and I nodded to assure him. ‘Wag ngayon please lang! Parang mas bumagal ang oras ng pagkain. Hindi ko alam kung ramdam nila ang tensyon o ako lang ang gumagawa noon. Philip was talking to my mother with outmost respect, I can sense that. Natapos nalang ang hapunan ay siya pa ring kaba ang meron sa dibdib ko. Nakapagpaalam na si Philip kela ate Rose at manang pati na rin sa kay Mommy. “Are you okay?” nagaalala kong bungad sakanya nang nasa labas na kami. Madilim na ang labas ng village kaya wala nang masyadong tao sa labas. Parang uulan pa ata. He smiled boyishly. “Of course. Ikaw, you look tense a while ago. You good?” Sa totoo la

  • The Endless Spotlight   Take 25

    “Mom!” napasigaw ako ng wala sa oras. Lumayo ako ng konti kay Philip at natatarantang puntahan ang nanay ko. She is looking sternly at me, looking through her lenses because of the man behind me. Nilingunan ko si Philip and I saw him bow slightly to my mom. “Good evening po, Mrs. Villareal.” My mom never changed her reaction but still acknowledged Philip. “Good evening to you, too.” Iniba ko ang usapan, para mawala sa paningin niya si Philip. “W-why are you here outside?” “I just got home too. Galing pa akong Bulacan and I brought home their famous bulalo, why don’t you ask him to join us.” and then looked at Philip. “Join us for dinner, hijo.” I looked at Philip. Pinanlakihan ko siya ng mata para sana ay makuha niya ang ipinapahiwatig ko. He glanced at me for a moment and answered my mom. “Sure po.” Napapikit ako ng wala sa oras. I want you to go Philip, at baka mainterrogate ka ng nanay ko! Pumasok na kami sa loob. Parang unang beses ni Philip sa bahay namin nang pinasadaha

  • The Endless Spotlight   Take 24

    We’re walking together with the beautiful sunset of Lingayen. Ang ihip ng hangin ang tumatama sa amin pareho pero parang mas presko kung siya ang tignan na kakatapos lang ng practice kesa sa akin. Habang tinititigan siya ay hindi ko maiwasang balikan ang inamin at gusto niyang mangyari sa harap rin ni Lulu. I have a lot of questions in mind. Pero I was scared to make a move and ask him things that are bothering me… Hindi namalayan na kanina pa pala rin siya nakatitig sa akin. I felt my face red. Nahiya tuloy akong ibalik ang tingin sa kaniya. Ngunit siguro dahil kuryoso sa naging pagtitig ko sakaniya, he stared as we continue to walk. Nako, hindi ko nga kaya itanong sa kaniya ang mga nasa isipan ko. I can’t even look at him now. “May I?” Hindi ko naintindihan iyon pero parang bulong ng malamyos na hangin ang rahan ng pagdulas ng kanyang kamay sa akin. He’s talking about our hands. Nagtanong ka tapos sinagot mo rin! Mababaliw ako sa mga ginagawa mo, Philip! "Why are you still

  • The Endless Spotlight   Take 23

    Pareho kaming napatingin ng tuluyan sa kay Philip. Hindi ko alam kung may mas lalakas pa ang kabog ng dibdib ko. He was looking at me intently kahit na si Lulu ang kausap niya, “Kung pwede bang ako ang maghatid sa kaibigan mo mamaya pag uwi?” Nakita ko ang unti unting pag ngiti ni Lulu. Muli kaming nagtagpo ng tingin ni Philip at mas nagpakabog ng dibdib ko ang dugtong niya sa sinabi. “At sa araw araw na rin.” Hindi nakayanan ang paimpit na tili ni Lulu nang nasa banyo na kami, kakatapos lang ng klase. Kahit na kanina pa ang paguusap na iyon ay hindi niya napigilang mapatili kahit sa gitna ng klase. Buti na nga lang at hindi siya napalabas ng genmath teacher namin. Kahit naman rin ako hindi ko makalimutan ang nangyari sa library. Mas tahimik nga lang ang reaksyong ibinibigay ko sa harap ni Lulu, dahil baka kung anong gawin niya sakin kung madulas ako at makwento ko pa ang nangyari kagabi. “Matuto ka na mag ayos ng sarili ah? Tapos ‘wag mo na ko lagi hintayin pag uuwi ka, deretso

  • The Endless Spotlight   Take 22

    I don’t know what I am doing. I thought of it as the last thing I can do for him at the moment, to give him comfort through this.I didn’t expect him to respond to my hug, but he did. “Ang tapang mo nga eh,” I whispered. I don’t have the strength to do anything but give him my comfort.“Hmm, sa lagay kong ‘to?” he asked.I nodded, alam kong hindi niya kita, pero ramdam nya. “Oo naman. Mas pinili ng asawa ni manang Tasing na iwan siya kesa ang lumaban at mag isip ng ibang paraan para sumaya silang dalawa. Kaya saludo pa rin ako sa’yo.”“Ikaw, kahit sa tagal nang mahirap makipagsapalaran, kahit hindi tama ang naisip mong solusyon o armas para lumaban, hanggang ngayon nandito ka pa rin. Kaya saludo ako sa’yo dahil matapang ka.”This time, hinarap ko siya. His eyes are full of awe.“So from now on, don’t give me reasons for you to do it again. You have a lot of reasons to live, and to live by it is to forgive yourself first before the people who have hurt you. Alam ko hindi madali but

  • The Endless Spotlight   Take 21

    Both of his hands are full of sliced cuts. May mga natuyong dugo pa, yung iba ay mga luma na na tila ba ay higit pa sa buwan ito kung pagmasdan. I can’t help my tears to fall as I reached for the kit to aid him. I can sense his panic while I still continue to aid him. “H-hey, why are you crying?” hindi makatatakas sa boses niya ang sakit, hindi ko alam para saan. But this broke my heart, into million pieces. I was silent while I do my job, even as he continues to wipe away my tears and continue to hush me. I am speechless. “Bakit hindi ko man lang napansin ‘to…” He moved closer. “Sel, it’s not your fault.” napapaos niyang kumbinsi sa akin. Walang gumanang pampakalama o pangungumbinsing okay lang siya dahil patuloy pa rin ako sa pag luha. I am so confused and guilty because of my selfishness. Bakit ko ba kasi siya laging hinahayaan na ako ang unahin niya? Bakit ang makasarili ko na hindi ko man lang siya natatanong kung kamusta nga ba talaga siya? Bakit sa tuwing magkakausap k

  • The Endless Spotlight   Take 20

    I heard him grin. “I will not hang up.”Dahil dun ay mas nagmadali akong magligpit ng gamit. Tapos na rin naman ako sa gawain ko kaya mabilis din akong nagpaalam sa mga kasamahan ko.“Bye po pres, thank you po!” hindi ko na narinig ang sagot ng presidente namin dahil sa pagmamadali ko.“Careful,” he chuckled on the other line. Naririnig siguro niya ang pagmamadali sa paghinga ko dahil sa pagtakbo. Inirapan ko siya kahit hindi niya ako nakikita.Nang sa wakas ay nakarating na ng guard house at nakita ko na siya ay sabay na naming pinatay ang tawag. Kapansin pansin ang tangkad niya sa mga iilang estudyanteng nasa eskwelahan pa. Pansin ko rin ang suot niyang jacket na puti, army green khaki shorts at vans na sapatos.Hingal na hingal pa ako at pilit lumunok at huminga, ngunit hindi ako nagdalawang isip na tumawid sa kabilang kalye kung saan nandun siya na pilyong nakangiti sa pagtawid ko. Pero nang sumagi sa isip ko

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status