Matagal na namutawi ang mukha nung lalaking iyon sa akin. Ilang beses ba naman kaming nagkasalubong sa araw na 'to?
"Oh, ba't ka andito?" gulat at tinuro pa ako ni Ate Rose, isa sa mga kasambahay namin.
"Huh? Baket ate?" last time I checked, bahay ko ito at parte pa naman ako ng pamilyang andito.
"Diba aalis kayo?"
I furrowed my brows. Tinawag niya si Manang na lumabas galing kusina, gulat din sa pagpapakita ko.
"Selene, ba't andito ka pa?" kunot noo niyang bungad sa akin.
"Bakit Manang pinapalayas na po ba ako?" pagbibiro ko habang tinatanggal ang sapatos ko.
"Ikaw'ng bata ka! Tumawag ang Mommy mo na hindi raw kayo rito mag maghahapunan."
"Hindi ko po alam yun ah?" inaalala kung may nasabi ba si Mommy o si Eisa nung tinawagan ako kanina.
"Hindi man lang ba kayo nagkita?"
"H-hindi po eh." maski ako parang imposible kung paniwalaan ang tugon.
"Hindi ka man lang ba tinawagan? Yung tiyahin mo, oh lalo na ang kuya mo hindi ka man lang ba sinabihan?" hindi makapaniwala si Manang.
Marahan kong kinuha ang basag kong cellphone sa bulsa ng P.e pants ko, pinindot ang power button at nakita ang mensahe galing lamang kay Lulu.
Lulu:
Nakauwi na ko, ikaw ba?
Walang tawag mula kay Mommy o kay Daddy. Wala ring mensahe mula kay Kuya o kay Eisa.
Sumulyap ako kay Manang at banayad siyang nginitian. "Baka kumakain na po yung mga 'yun."
"Nako, hindi pwede! Magpahatid ka kay Rolando at tatawagan natin ang Mommy mo. Hindi pwedeng—"
Bahagya ko siyang tinawanan sa pagiging agresibo niya. "Manang, 'wag na po! Okay lang." I clinged my arms to her old and rough one at ginaya siya sa kusina.
"Lutuan nyo nalang sana ako ng paborito ko, ayos lang po ba sainyo?" paglalambing ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Tinatanong pa ba 'yan? Oo naman! Halika ka rito at panoorin mo kong magluto ng paborito mo at hayaan mo sila kung kumakain na sila roon. Tandaan mo ang mga sikretong sangkap ko para pang mawala na ako, ikaw na magluluto para sa sarili mo." Mahinahon niyang sinabi.
Suminghap ako at tinignan siya ng masama. "Manang naman! 'Wag nga kayong magbiro ng ganyan!" imbis na dugtungan pa ang sinabi niya ay banayad na lamang niya akong tinawanan.
"You will live longer! Hanggang sa makikita mo kong nagpeperform sa stage. Paglulutuan at tuturuan mo pang magluto ang mga anak ko ng paborito ko." convincing her.
She laughed heartily. "Sana. Gusto kong makita kang magperform sa harap ng maraming tao. Gusto kong makita kang masaya sa mga ginagawa mo at sa mga tao sa paligid mo. Gusto ko pa makita ang magiging asawa at mga anak mo." She smiled genuinely.
Niyakap ko siya ng mahigpit. "You will Manang, I know that."
Ang hindi ko pag sama sa family dinner ay bahagyang nagpalungkot sakin. Pero mabilis na nawala ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyon at alaga sa akin ni Manang na tinuring ko ng Lola ko sa matagal na panahon na. Maski ang pag-alala roon sa lalaking ilang beses kong nakabunggo sa araw na ito ay panandalian ko nang nakalimutan.
"Ang kapal ng mukha niya. May gana pa siyang magpost sa i*******m ng family matters, hindi naman talaga siya belong." irap ni Lulu habang kumukopya sa assignment ko.
Hindi ko na pinatulan ang sinabi niya dahil busy ako. Hindi totoong hindi siya belong dahil kapatid siya ng Mommy ko at wala namang masama sa pag post niya nun sa social media pero wala akong panahon para sa usapang iyon.
Nasabi na rin naman nila Mommy kung bakit hindi nila ako nasabihan sa dinner na naganap.
"Naging busy ako sa mga nagpapakilala na mga scouts, pwede kase itong si Eisa ipasok sa modeling sabi nung isang judge. "sabi ni Mommy kanina nang umagahan.
"Sorry, empty batt ako kahapon." Si Kuya habang nagbabasa ng libro.
"Andaming kumausap sa Daddy mo about sa planta sa Pampanga at Olongapo, kaya no wonder hindi ka na natawagan o natext nun." tugon ni Mommy habang nakatingin kay Daddy na nasa balkonahe at may katawagan.
"Ikaw Ei, 'di mo man lang ba naalala tawagan o iwan ng text si Catherine?" taas kilay nang tinanong ni Kuya si Eisa na busy sa phone nya kakatext.
She startled when she heard kuya. "Hindi ko naalala, naging busy ako with friends." She said at bago bumalik ang tingin sa katext ay inirapan muna ako. Here we go again.
"Okay lang po, atleast you guys enjoyed. Especially Eisa, congrats sa first runner up mo. Ang laking tulong na sa batch na'tin nun." tipid ko siyang nginitian.
"Are you insulting me?" umahon siya sa kanyang kinauupuan.
Naalarma ako sa pagahon ng galit niya. Pero bago niya pa matuloy ang sasabihin ay inawat na siya ni Daddy. "Eisa will you stop that? Ang aga aga." He turned to me at namungay ang mga mata nito.
"I'm so sorry about yesterday, Cathy. Don't worry, we will set another dinner bago ako umalis ng bansa." then he kissed my forehead.Tipid ko nalang siyang nginitian dahil ayoko nang maalala at lumaki ang tampo ko over this and become petty.
The talk over breakfast did not last on my stomach dahil panibagong isipin ang nanguna sa akin.
"Alam mo dai, mayaman naman kayo. Executive Secretary ng Pilipinas ang nanay mo at kilala sa business world at man of power ang tatay mo, ang laki pa ng allowance mo. Siguro ang halagang limang daan ay hindi naman masakit sa bulsa ano?" hindi ko siya pinagtuunan ng pansin dahil sa pagtitig ko sa phone ko.
"Nakakabother tignan yung basag mong screen. Pagnakita ko lang talaga yung Joie na 'yun, sasakalin ko siya."
"Baliw 'to. Okay lang naman, hindi na kailangan." pertaining to my screen. Nasabi ko rin kase sakanya ang nangyari sa screen ko pero hindi na ang parteng pagoffer na magbayad nung lalaki sa auditorium na nakalimutan ko na ang pangalan.
"Ano ba 'yan?" mula sa pagkaka kunot noo galing sa pagtitig sa phone ko ay mas lalong nadepina ang pagsalubong ng kilay ko sa pag angat ng tingin kay Lulu.
Walang pag aalinlangan kong nilahad sakanya ang cellphone, tinanggap niya ito. "May nagtext kase, 'di ko kilala."
Kita rin dito ang pagiging hindi pamilyar sa numerong nakalagay. Nang wala nang nakitang interesting sa phone kong warak ay ibinalik niya na ito sa akin. "Baka wrong send lang 'yan. Mag ingat ka diyan, baka mafia boss 'yan tapos wanted 'yung hinahanap nila pero random number yung ibinigay at nasaktuhan ka." pagpapatuloy niyang pagbabanta.
"Kaka nood mo ng serial crimes 'yan..." at muling pinagmasdan ang text message.
Unknown:
Meet me up at Aristorium. Lunch break. today.
"Bakit kaya sa lumang auditorium ng Aristotle building pa, eh ang layo nun." I said nonchalantly.
"Kase nga mafia boss 'yan o kung hindi man edi serial killer sa tanghaling tapat! Kaya Aristorium yung napili para malayo sa mga tao. Maliblib na lugar ang usual na ginagamit ng mga 'yun para tago ang transaksyon. Tignan mo ang pormal pa ng pagkakatext." sunod sunod nyang paliwanag.
"Anong kinalaman sa kung paano magtext?" pagtataka ko sa kanya.
"Duh? Mayayaman ang mga tao under mafia organization. Kaya kung ako sa'yo hindi ko papansinin at iboblock ko 'yan. Ikaw pa napaglaruan ng serial killer, nako Sel!"
"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko." At ngumiwi sa kanya.
Hindi ko na lubusang naintindihan at nasundan ang mga sinasabi niya pero sinunod ko ang payo nito. Itinago ko sa aking bulsa ang warak kong phone at hindi na nagreply.
Nakakapagtaka lang kung bakit sa abandoned auditorium pa ng school na ito napili ng serial killer or mafia na 'yun makipag-kita sa taong hinahanap niya? Siguro para mangdamay pa ng mga estudyante ang mga tao sa likod nito at mang hostage.
At higit sa lahat, bakit nga ba ako nagpapaniwala sa Luilaine na 'to.
Dalawang araw ang nakalipas at namutawi na sa aking isipan ang hindi kilalang numero na nagtext. Baka nga tama si Lulu at wrong send lang ang taong iyon. Pero hindi siya tama sa parteng nasa likod ng mafia or serial killer iyon dahil kung oo ay hindi magdadaan ang dalawang araw na walang balitang may nahostage na estudyante sa abandonadong auditorium ng aming eskwelahan. "Tapos grabe, mahigit trentang katao yung napatay nung stalker na 'yun dahil lang sa obsession niya sa bidang babae." pagkekwento ni Lulu habang nagliligpit kami ng gamit. Mataman ko siyang binalingan. "Alam mo Lu, dalawang araw mo na kinekwento sa akin 'yan. You're planning to creep the hell out of me, won't you?" at inirapan siya. "Bakit, gumagana na?" tinignan
"Sorry kung pinakaba kita." at napahawak ito sa kanyang batok. Remembering that short happening, hindi ko pa rin mapigilang hindi kilabutan. "Sino naman kase ang may sira sa utak na ang unang bati mo sa kausap mo is 'natakot ba kita?'" I sarcastically told him. I can't help but to scoff. Kita ko sakanya ang gulat sa aking biglaang pagbulyaw. Maski ako ay nagulat nung narealize ko kung ano ba ang nasabi ko. "Woah." He raised his both hands in surrender. Hindi nakakatakas ang multo na ngiti sa kanyang labi. Napatuptop ako sa aking bibig na siyang mas nagpangisi sa lalaking nasa harap ko at bahagyang natawa sa reaksyon ko. "Sorry." all I can say after that spicy words. Didist
"Taray! Bago na screen protector, bago pa phonecase!" si Lulu at pumalakpak pa ng malakas. Ngumiwi lang ako sakanya dahil hindi ko na siguro kelangan sabihin sakanya na nagkita na kami nung inaakala niyang killer or mafia."Kita mo, sabi sayo eh! Mura lang sayo limang daan, gumastos ka pa ng doble para sa case. Nako echosera ka talaga Selene, kunwari hindi daw bibili 'di rin naman makatiis.""Ang aga aga Lu, ang ingay mo," irita kong sinabi sakanya. Hindi ko na pinatulan yung sinabi niya dahil hindi naman ako ang bumili nun.Daldal siya ng daldal hanggang sa nakapasok kami ng gate. Malapit na ang pagtatapos ng intrams ni hindi ko man lang naramdaman ang simula nun. Wala naman kase akong sinalihan na mga sports event at kung ano, yung audition lang para sa drama club kaso hindi na 'ko aasang pasok ako dun dahil sa kinalabasan ng gawa ko.Habang naglalakad kami ay hinatak ako ni Lulu patungong field. "Hoy Luilaine, mag attendance muna tayo!" sigaw ko sakanya."Wala naman si Sir, hayaan m
Buong maghapon ko inisip iyon. Maghapon ko inalala ang apelyido niya at kung paanong paraan ulit magtatagpo ang landas namin para naman mapasalamatan ko siya. "Cafeteria nalang tayo, for sure wala masyadong tao dun..." pag-aya ni Lulu. "Bakit? Laro ba ng basketball ngayon o volleyball naman?" "Ng football." That stopped me. Baka pwede roon ko nalang sabihin ang thank you ko? After the game kaya? "Hindi ba tayo manonood?" pagbabakasakali ko. Umupo kami sa isa sa mga libreng upuan ng cafeteria. Hindi punuan dahil nga siguro sa laro ng football. Masasabi kong kahit na mas sikat ang basketball at volleyball na laro, dito sa bayan
Hindi ko alam na matagal palang tumatak sa isip ni Lulu ang nangyari sa cafeteria. Tinanong niya kung paano at ilang beses kaming nagkabungguan ni Philip kaya ikinuwento ko na sa kanya ang lahat simula nung battle of the brains at kahit ang pagbili nito ng tempered glass ko at... ang phonecase.Kita sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. "All this time Selene..." hindi niya na nadugtungan ang sasabihin kaya nag sorry nalang ako dahil sa pagtatago ng kwento sa kanya."Pero hindi ko makakalimutan nung tinawag mo siyang kuya," hagalpak ng tawa ni Lulu rito sa kwarto ko."Shh, baka marinig ka ni kuya Vincent," pagtatakip ko sa bibig niya. It just dawned me kung gaano nga nakakahiya iyon. Bakit nga ba? Eh magkabatch sila ni kuya, natural lang naman siguro na tawagi
Pababa na kami nang dumeretso kami sa dining dahil nagsisimula na silang kumain, kahit wala pa ako. Scenario like this is not new anyway."Oh andito ka pala Luilaine, kumain muna kayo," pag ayaya ni Daddy. Nagmano ako at h*****k sa pisngi at sumunod si Luilaine upang mag-mano."Hindi na tito, hindi ko po kayo matatagalan—I mean hindi po ako pwede matagalan kase hinahanap na po ako sa bahay,"pagtatama niya kung hindi ko pa siya sinamaan ng tingin."Ganun ba? Sayang naman at nagluto pa naman ako ng marami kasi nandito ka. Oh sige magiingat ka hija, bumalik ka ulit next time," si Mommy."Kung makakayanan po ulit ng sikmura ko—w-will do tita, masarap luto nyo eh kaya babalik-balikan ko po talaga!" kinurot ko na
Simula nung gabing iyon, that call hunts me for almost two days. Ngayon, everytime na nagkakasalubong kami hindi lang tinginan ang nagagawa, nakukuha niya pang kawayan ako while I still feel awkward! Kaya hindi ko na iniisip kung ano ang itsura ko everytime na nagkakabatian kami.Natapos rin ang intramurals week at balik na sa gulo at ingay, hindi ng pang sports event kundi gulo at ingay sa reklamo tungkol sa sunod sunod na pending activities.Pangatlong araw palang ng finals ay mukhang pang hell week na ang datingan ko. Nag start na din ako mag-aral para sa exam na gusto ni Mommy na pageexaminin ko kahit na imposbileng makapasa. Simula palang ng umaga ay parang pang hapon na nang pumasok ako dahil bago pa ako makalabas ng bahay kanina ay pinagalitan pa ako ni Mommy.
Pang hapon na klase na pero hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanilang assembly. Tinitigan ko ang I.D. Ngayon ko lang naisipan tanggalin ang papel na tumatakip sa mukha niya. Nang tuluyan kong natanggal ang papel ay naramdaman kong pumula ang mukha ko. Havier, Philip Arthur B. 2nd Year College- Business Management Tinitigan kong muli ang mukha niya sa I.D. Nakaangat ang ulo nito at bahagyang nakatagilid pa. His thick brows were placed properly, complementing his whole face. His eyes are dark but his grin is telling otherwise, showing some portion of his white teeth. Making his dimples on the right cheek appear deeply. Every minute na mas tinititigan ko ito, mas lalo akong pinamumulahan. Little did I know, I am now memorizing every corner of his well-scupltured face. Parang walang mintis at pinagplanuhang mabuti ang bawat parte ng mukha niya. In my interactions with Philip, I am slowly mesmerized not just by his looks, but by his kindness. Tapos na ang klase kaya nakipag ki
We're laughing so hard while drying ourselves here in the convenience store we usually go to. It's cold but my heart is warm.Is it still normal?Philip handed me the hot coffee he ordered from the counter. Ang init nito ay mas nagpawala sa lamig na naramdaman galing sa ulan.Looking outside, hearing the drops of rain, holding my cup of warm coffee together with the man I never knew I would be into.Yes, I can now completely admit how much I adore this man. I can freely tell that to myself, Lulu, or even my parents- except for him. Ang tapang kong sabihin sa ibang tao itong nararamdaman ko pero mismong sa kanya ay naduduwag ako.Ang hirap. Natatakot ako. Kahit na inamin n'ya na ang nararamdaman niya para sa akin, kahit na lakas loob niya nang hinarap ang mga magulang at kapatid ko, kahit na sinabi niyang nanliligaw at maghihintay siya. Bakit nahihirapan akong magsabi ng oo, na sinasagot na kita.Is it because of my unknown condition? "You're quiet, what are you thinking?"We’re wal
Binitawan niya ang reviewer niya sa physics. “Musta ka pala sa drama club?” she randomly asked. “’Di na kita madalas mapuntahan doon, you’re always busy with the club and your suitor.” She made a face. Napatigil ako sa ginagawa at napagtanto kung gaano na nga kami kadalas na magkasama ni Philip. He was already been introduced to my dad and kuya Vincent at dinner one night! Mom insisted that I should introduce him to dad as a suitor. It was freaking me out dagdagan pa when kuya heard about that dinner, ay hindi na pinalagpas iyon at umuwi ng maaga! Dad was cool about it. He was asking decent questions Philip and answered them politely. He was not too strict or annoyed by the fact that I brought home a man and introduced him as my first suitor. Unlike my brother on the other side of the table, with Eisa beside her who doesn’t care at all, was very serious and uncomfortable. Alam ko for sure na magkakilala sila, kaya hindi ko alam kung bakit ganto nalang ang itsura nya kay Philip. Mo
“Hijo, anong year mo nga ulit?” Sinagot naman ni Philip ang tanong ni mommy pagkatapos akong pagmasdan ng ilang segundo. Hindi pa naman siguro ako namumutla ano. “Second-year college po, Business Management.” Sumimsim ng tsaa si mommy, “I see, ka batch mo pala ang kuya niya, si Vincent.” Tumango siya at muli akong binalingan. ‘You okay?’ he mouthed and I nodded to assure him. ‘Wag ngayon please lang! Parang mas bumagal ang oras ng pagkain. Hindi ko alam kung ramdam nila ang tensyon o ako lang ang gumagawa noon. Philip was talking to my mother with outmost respect, I can sense that. Natapos nalang ang hapunan ay siya pa ring kaba ang meron sa dibdib ko. Nakapagpaalam na si Philip kela ate Rose at manang pati na rin sa kay Mommy. “Are you okay?” nagaalala kong bungad sakanya nang nasa labas na kami. Madilim na ang labas ng village kaya wala nang masyadong tao sa labas. Parang uulan pa ata. He smiled boyishly. “Of course. Ikaw, you look tense a while ago. You good?” Sa totoo la
“Mom!” napasigaw ako ng wala sa oras. Lumayo ako ng konti kay Philip at natatarantang puntahan ang nanay ko. She is looking sternly at me, looking through her lenses because of the man behind me. Nilingunan ko si Philip and I saw him bow slightly to my mom. “Good evening po, Mrs. Villareal.” My mom never changed her reaction but still acknowledged Philip. “Good evening to you, too.” Iniba ko ang usapan, para mawala sa paningin niya si Philip. “W-why are you here outside?” “I just got home too. Galing pa akong Bulacan and I brought home their famous bulalo, why don’t you ask him to join us.” and then looked at Philip. “Join us for dinner, hijo.” I looked at Philip. Pinanlakihan ko siya ng mata para sana ay makuha niya ang ipinapahiwatig ko. He glanced at me for a moment and answered my mom. “Sure po.” Napapikit ako ng wala sa oras. I want you to go Philip, at baka mainterrogate ka ng nanay ko! Pumasok na kami sa loob. Parang unang beses ni Philip sa bahay namin nang pinasadaha
We’re walking together with the beautiful sunset of Lingayen. Ang ihip ng hangin ang tumatama sa amin pareho pero parang mas presko kung siya ang tignan na kakatapos lang ng practice kesa sa akin. Habang tinititigan siya ay hindi ko maiwasang balikan ang inamin at gusto niyang mangyari sa harap rin ni Lulu. I have a lot of questions in mind. Pero I was scared to make a move and ask him things that are bothering me… Hindi namalayan na kanina pa pala rin siya nakatitig sa akin. I felt my face red. Nahiya tuloy akong ibalik ang tingin sa kaniya. Ngunit siguro dahil kuryoso sa naging pagtitig ko sakaniya, he stared as we continue to walk. Nako, hindi ko nga kaya itanong sa kaniya ang mga nasa isipan ko. I can’t even look at him now. “May I?” Hindi ko naintindihan iyon pero parang bulong ng malamyos na hangin ang rahan ng pagdulas ng kanyang kamay sa akin. He’s talking about our hands. Nagtanong ka tapos sinagot mo rin! Mababaliw ako sa mga ginagawa mo, Philip! "Why are you still
Pareho kaming napatingin ng tuluyan sa kay Philip. Hindi ko alam kung may mas lalakas pa ang kabog ng dibdib ko. He was looking at me intently kahit na si Lulu ang kausap niya, “Kung pwede bang ako ang maghatid sa kaibigan mo mamaya pag uwi?” Nakita ko ang unti unting pag ngiti ni Lulu. Muli kaming nagtagpo ng tingin ni Philip at mas nagpakabog ng dibdib ko ang dugtong niya sa sinabi. “At sa araw araw na rin.” Hindi nakayanan ang paimpit na tili ni Lulu nang nasa banyo na kami, kakatapos lang ng klase. Kahit na kanina pa ang paguusap na iyon ay hindi niya napigilang mapatili kahit sa gitna ng klase. Buti na nga lang at hindi siya napalabas ng genmath teacher namin. Kahit naman rin ako hindi ko makalimutan ang nangyari sa library. Mas tahimik nga lang ang reaksyong ibinibigay ko sa harap ni Lulu, dahil baka kung anong gawin niya sakin kung madulas ako at makwento ko pa ang nangyari kagabi. “Matuto ka na mag ayos ng sarili ah? Tapos ‘wag mo na ko lagi hintayin pag uuwi ka, deretso
I don’t know what I am doing. I thought of it as the last thing I can do for him at the moment, to give him comfort through this.I didn’t expect him to respond to my hug, but he did. “Ang tapang mo nga eh,” I whispered. I don’t have the strength to do anything but give him my comfort.“Hmm, sa lagay kong ‘to?” he asked.I nodded, alam kong hindi niya kita, pero ramdam nya. “Oo naman. Mas pinili ng asawa ni manang Tasing na iwan siya kesa ang lumaban at mag isip ng ibang paraan para sumaya silang dalawa. Kaya saludo pa rin ako sa’yo.”“Ikaw, kahit sa tagal nang mahirap makipagsapalaran, kahit hindi tama ang naisip mong solusyon o armas para lumaban, hanggang ngayon nandito ka pa rin. Kaya saludo ako sa’yo dahil matapang ka.”This time, hinarap ko siya. His eyes are full of awe.“So from now on, don’t give me reasons for you to do it again. You have a lot of reasons to live, and to live by it is to forgive yourself first before the people who have hurt you. Alam ko hindi madali but
Both of his hands are full of sliced cuts. May mga natuyong dugo pa, yung iba ay mga luma na na tila ba ay higit pa sa buwan ito kung pagmasdan. I can’t help my tears to fall as I reached for the kit to aid him. I can sense his panic while I still continue to aid him. “H-hey, why are you crying?” hindi makatatakas sa boses niya ang sakit, hindi ko alam para saan. But this broke my heart, into million pieces. I was silent while I do my job, even as he continues to wipe away my tears and continue to hush me. I am speechless. “Bakit hindi ko man lang napansin ‘to…” He moved closer. “Sel, it’s not your fault.” napapaos niyang kumbinsi sa akin. Walang gumanang pampakalama o pangungumbinsing okay lang siya dahil patuloy pa rin ako sa pag luha. I am so confused and guilty because of my selfishness. Bakit ko ba kasi siya laging hinahayaan na ako ang unahin niya? Bakit ang makasarili ko na hindi ko man lang siya natatanong kung kamusta nga ba talaga siya? Bakit sa tuwing magkakausap k
I heard him grin. “I will not hang up.”Dahil dun ay mas nagmadali akong magligpit ng gamit. Tapos na rin naman ako sa gawain ko kaya mabilis din akong nagpaalam sa mga kasamahan ko.“Bye po pres, thank you po!” hindi ko na narinig ang sagot ng presidente namin dahil sa pagmamadali ko.“Careful,” he chuckled on the other line. Naririnig siguro niya ang pagmamadali sa paghinga ko dahil sa pagtakbo. Inirapan ko siya kahit hindi niya ako nakikita.Nang sa wakas ay nakarating na ng guard house at nakita ko na siya ay sabay na naming pinatay ang tawag. Kapansin pansin ang tangkad niya sa mga iilang estudyanteng nasa eskwelahan pa. Pansin ko rin ang suot niyang jacket na puti, army green khaki shorts at vans na sapatos.Hingal na hingal pa ako at pilit lumunok at huminga, ngunit hindi ako nagdalawang isip na tumawid sa kabilang kalye kung saan nandun siya na pilyong nakangiti sa pagtawid ko. Pero nang sumagi sa isip ko