Ramdam ko naman ang pagsisisi nya kaya ngumiti nalang ako at tinignan ang sarili sa salamin. "Ayos lang, basta ba hindi mo nakalimutan mga linya mo."
"Hindi mangyayari 'yun Sel."
Ilang sandali pagkatapos ng aking make up ay sinabihan na kaming mag warm up lalo na sa mga highlighted scenes.Hindi naging mahirap sa akin iyon dahil kahit noong nasa amerika pa ay kabisadong kabisado ko na ang mga linya ko para rito.
Pagkatapos ng mabilisang ensayo ay naghihintay nalang kami ng cue para sumalang sa entablado.
"Grabe hindi pa nagsisimula, andami nang bulaklak," bulalas ng kadarating lang na si Pat habang punong-puno ang kamay ng mga bulaklak.
"Sa akin lahat 'to?" hindi makapaniwala sa tanong.
"'Di naman obvious 'no ma'am? Malamang po, ano ba namang pakealam ko sa mga bulaklak at regalo ng iba eh ikaw ang alaga ko," walang hiya niyang sinabi. Oo nga naman Selene. Kaso lang ay hindi ako makapaniwala sa dami nito.
"Eh ang dami," pabulong kong sinabi.
"May mga sikat na artista na nagpadala ma'am! Taray, hindi natin inaasahan na sa paguwi mo rito ganto na ka ingay ang pangalan niyo!" dagdag niya.
Is that even a good thing? Well, this is Philippines. Theater is something old for this country. Hindi ito katulad ng mga pelikulang inaabangan at pinagpipilahan sa sinehan.
At isa pa, after the chaos I made that stained lalo na't Pilipinas 'to? This is something impossible.
But not counting on last night's event. Ang daming tao! Iniisip ko palang ulit ay parang susumpungin na ako sa kaba!
"Well, you earned your name hija. Sa mga taon ba namang pinaghirapan mo, isama mo na din ang kalat mo kagabi," pabirong saad ni Janine. Seeing her in a good mood after that night, sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong kalat? May nangyari?" pagsulpot ni Nathan sa usapin.
Bago pa makasagot si Janine ay tinawag na kami para maghanda na.
"Anong kalat? May nangyari sayo?" si Nathan habang pumupwesto na kami.
"Shh," at ngitian ko siya.
Sa bawat pag tapak ko sa entablado, damang dama ko pa rin kung ano ang pakiramdam sa unang pagkakataon. Kung gaano kalayang maglahad ng kwentong may pinagtagpi-tagping mga emosyon.
"Magaling ka naman Selene eh," pagaalo sa akin Lulu.
Makinis at mala porselanang balat, maitim at mahaba ang buhok, kulay kayumanggi at namumungay ang mga matang nakatingin sa akin.
I messed up the audition for drama club. Pangatlong beses ko na itong subok simula pa junior high at hanggang ngayon, wala pa rin.
"May mas magaling lang sa akin Lu, yung confident na humarap sa maraming tao at yung walang diperensya," pangaalo at the same time, pang iinsulto ko rin sa sarili ko habang pinupunasan ang luhang nagbabara sa mata ko.
"Don't say that!" pagalit na untag ni Lulu sa akin at tumulong sa pagpunas ng luha ko.
That's true anyway. Sa bawat estudyanteng nakikita kong maganda ang kinalabasan ng audition, mas lalo akong namamangha. Kabaliktaran nga lang sa nararamdaman para sa sarili, awa at simpatya.
"Magaling ka! Nakikita ko yun at ikaw ang number one para sa akin ano!" nginitian nya ako habang hinahagod ang likod ko.
Okay lang naman sa akin kahit sabihin na hindi talaga maganda ang naging performance ko. Eto lang talaga si Lulu, masyadong bine-baby ang nararamdaman ko, mas lalo lang tuloy ako naiiyak.
"Wala naman sigurong kapalit iyang pagpupuri mo sa akin ano?" nginitian ko siya habang nag aayos galing sa pag-iyak.
"Wala ano! Halika na't makita ka pa ng kuya mong umiiyak dyan, mapagalitan pa tayo!" pagmamadali nya sa akin.
The image of my brother with his narrowed eyes, kita ang dilim nito dahil sa nasagap na kapalpakang nagawa ng nakababatang kapatid. I imagine horror.
Iniisip ko palang ang nangyari kanina, parang gusto ko nalang magpakain sa lupa sa mga oras na ito.
"Kumusta?" seryosong tanong ni kuya isang umaga ng biyernes pagkatapos ng nangyaring audition sa school. Nasa terasa kami para mag almusal.
Napaangat ang tingin ko sakanya, "Hindi mo napanood?" pagtataka ko dahil ang sabi niya ay papanoorin nya ako.
"Pinatawag ako para sa incoming activity ng council, naging busy ako," tugon nya habang nagrereview para sa quizbee nila.
"Hmm, I see," na lamang ang nasabi ko at tahimik na kumagat sa tinapay.
Huminga akong malalim. Hindi alam kung matutuwa ba o malulungkot. Matutuwa dahil buti naman at hindi nya napanood kung hindi ay ikakahiya niya lang ako o malulungkot dahil hindi niya ako nasaksihan sa entablado.
Parang mas ikakalungkot ko ang masasabi niya sa aking mga insulto kapag napanood niya ang kahihiyan ko kaya parang...'wag nalang.
"So ano nga ang nangyari?"
Napangiwi ako sa pagpilit nyang sabihin ko ang nangyari. "Ah, well—"
"Kuya Vince!" pareho kaming napatingin sa gawi ng pintuan papasok sa loob.
Sashaying Eisa, kapatid ni Mom na kasing edad ko lang.
"I've been looking for you. Sasabay sana ako papuntang school, as in now na."
She's living with us since namatay na si Lolo and Lola at menor de edad pa kaya hindi pwede mag-isa sa bahay nila, kahit na paligiran ng gwardiya at kasambahay.
"Oh Ei, ang aga pa ah? Asan ang sasakyan mo?" tanong ni kuya. Ala sais y medya palang at naka ligo't bihis na sya.
"Well, nayupi yung hood ng car ko. Cris kase hindi nagiingat sa pag drive kaya dinala ko sa shop. Tsaka urgent yung pagpractice namin for fashion show, kailangan maaga andun na."
Binalingan ako ni kuya "Pero hindi pa nakakaligo si Selene. Hintayin nalang na'tin sya matapos para sabay-sabay na tayo."
Inunahan ko na si kuya dahil alam kong hindi sasang-ayon si Eisa.
"Hindi kuya ayos lang, mauna na kayo. Kailangan pang magrehearse ni Eisa at magrereview ka pa for quiz bee later."
Hindi pa nakakasagot si kuya ay agad na siyang hinila ni Eisa. "Great! Pumayag na siya kuya kaya sige na let's go!" at tuluyan nya ng nahila si kuya.
Nakasalubong nila si Manang na papunta sa gawi ko. Kita ang mga linya sa kanya nang kulubot na noo.
"Ano nanamang kaartehan ng tiyahin mo." Kunot noo nyang baling sa dalawang papalayo nang nakalapit na siya at nilalapag ang mainit na tsokolate na para sa akin.
Nginitian ko siya. "Kumain na po kaya 'yun?"
"Aba ewan ko sakanya! Ang aga aga maglagay ng kolorete sa mukha!"
"Manang, may fashion show pa po kase 'yun. Pambato sya ng batch namin at alam nyo na gustong papanalunin ni Mommy 'yun." Nagkibit balikat ako.
"Kaya nga mas nauna pang umalis ang Mommy mo," and she sighed.
"Ang hindi ko lang mawari ay kung bakit siya pa eh pwede namang ikaw."
Sa sinabi niyang iyon, tipid ko siyang nginitian. Sa nakita niyang ngiti ko, alam niya na ang pinapahiwatig ko.
"Anak, natututunan naman ang kumpyansa sa sarili. Pag mataas ang confidence, everything follows. Tsaka 'di hamak na mas talentado ka kesa sa tiyahin mong ubod ng arte." pagrereklamo niya.
Little did they know, hindi lang kumpyansa sa sarili ang pilit kinakaharap ko.
"Kumusta nga pala ang audition mo?"concern was written on her face.
"As usual," nagkibit balikat ako, bahagyang natawa. Ngunit pagkalumo ang ibinalik niya sa akin.
"Anak..."
"Basta po huwag nyo nalang ibanggit kay Daddy o Mommy, mapapahiya lang po ulit ako," this time, I gave her a genuine smile.
Manang Tasing will always be my go-to person, aside from Lulu of course.
"Oo nga pala, iniwan ka na ng dalawa. 'Di ko ba alam dyan sa kuya mo kung bakit nagsusunod sunuran sa Eisang 'yan. Paano ka papasok? Umalis na ang sasakyan ng Mommy mo, yung dalawa iniwan ka tapos maaga din pumasok ang Daddy mo."
"Umalis na po pala si Daddy? Balak ko pa naman sakanya sumabay. 'Di bale po magba bike nalang po ako."
Kahit nagdadalawang isip sa magiging kahihinatnan, sinunod ko ang plano ko.
"Ang bilis ano? Start na ng intrams ni wala nga akong naintindihan sa buong midterm." pag-inat ni Lulu para hindi antukin. Nag-lalakad kami sa hallway dahil pinadismiss na kami ng adviser namin para ienjoy ang intramurals. "Buti tapos na tayo sa requirements kung hindi maghahabol din tayo katulad ng iba." tinignan ko ang mga classroom sa gawing kaliwa at nakitang may mga estudyante pa din na gumagawa ng requirements na ihahabol. Naagaw pansin ko ang eroplanong papel na dumiretso sa labas ng classroom, kasabay ng dalawang lalaking naguunahan lumabas sa bintana, hinahabol ang eroplanong papel. Bumagsak sila sa hallway at sa gulat namin ni Lulu ay napahinto kami sa paglalakad para hindi matamaan ng dalawa. "Luilaine, pinapabiga
Nagvibrate ang cellphone ko sa isang tawag sa gitna ng tahimik na laban nila kuya. Kinalabit ko si Lulu at winagayway ang umiilaw kong phone. Tumango ito at lumabas na ako. "Mommy-" hindi pa ko natatapos bumati ay pinaulanan niya na ako ng tanong. "Where are you? I told you to be with your brother while he's on his quiz bee-" "Mom, I am here. He made it to the finals kaya po hindi pa po tapos. And besides, I will be here and support him with or without you telling me Mommy." I closed my eyes, trying to recall if I picked my words right. I heard Eisa in the background. "So you're telling me that this fashion show is cheap and unimportant!? Anong gusto mong palabasin ha Selene!?" I startled.
"Ako na bibili ng pagkain. Anong gusto mo ba? Ako mag kwek-kwek ako" ani Lulu habang nilalapag namin ang mga gamit namin dito sa usual spot naming damuhan ng field, malayo sa stage na pinagsisimulan na ng fashion show. "Fishball nalang Lu, ibabad mo sa suka ha? Tsaka juice, pomelo." Iniabot ko sakanya ang bayad. "Dito ka lang ah? Dito mo nalang tawagan sila tita at 'wag ka ng magligalig. Babalik din ako agad." pagbabanta niya tsaka siya umalis at nawala na sa dagat ng tao. Ang daming manonood. Sa bagay magkakalaban ang buong junior at senior high. Kahit na highschool department lang ang magkakalaban, andaming college students ang napapatigil at nakikinood sa on-going pageant. I personally haven't thought of joini
Matagal na namutawi ang mukha nung lalaking iyon sa akin. Ilang beses ba naman kaming nagkasalubong sa araw na 'to?"Oh, ba't ka andito?" gulat at tinuro pa ako ni Ate Rose, isa sa mga kasambahay namin."Huh? Baket ate?" last time I checked, bahay ko ito at parte pa naman ako ng pamilyang andito."Diba aalis kayo?"I furrowed my brows. Tinawag niya si Manang na lumabas galing kusina, gulat din sa pagpapakita ko."Selene, ba't andito ka pa?" kunot noo niyang bungad sa akin."Bakit Manang pinapalayas na po ba ako?" pagbibiro ko habang tinatanggal ang sapatos ko.
Dalawang araw ang nakalipas at namutawi na sa aking isipan ang hindi kilalang numero na nagtext. Baka nga tama si Lulu at wrong send lang ang taong iyon. Pero hindi siya tama sa parteng nasa likod ng mafia or serial killer iyon dahil kung oo ay hindi magdadaan ang dalawang araw na walang balitang may nahostage na estudyante sa abandonadong auditorium ng aming eskwelahan. "Tapos grabe, mahigit trentang katao yung napatay nung stalker na 'yun dahil lang sa obsession niya sa bidang babae." pagkekwento ni Lulu habang nagliligpit kami ng gamit. Mataman ko siyang binalingan. "Alam mo Lu, dalawang araw mo na kinekwento sa akin 'yan. You're planning to creep the hell out of me, won't you?" at inirapan siya. "Bakit, gumagana na?" tinignan
"Sorry kung pinakaba kita." at napahawak ito sa kanyang batok. Remembering that short happening, hindi ko pa rin mapigilang hindi kilabutan. "Sino naman kase ang may sira sa utak na ang unang bati mo sa kausap mo is 'natakot ba kita?'" I sarcastically told him. I can't help but to scoff. Kita ko sakanya ang gulat sa aking biglaang pagbulyaw. Maski ako ay nagulat nung narealize ko kung ano ba ang nasabi ko. "Woah." He raised his both hands in surrender. Hindi nakakatakas ang multo na ngiti sa kanyang labi. Napatuptop ako sa aking bibig na siyang mas nagpangisi sa lalaking nasa harap ko at bahagyang natawa sa reaksyon ko. "Sorry." all I can say after that spicy words. Didist
"Taray! Bago na screen protector, bago pa phonecase!" si Lulu at pumalakpak pa ng malakas. Ngumiwi lang ako sakanya dahil hindi ko na siguro kelangan sabihin sakanya na nagkita na kami nung inaakala niyang killer or mafia."Kita mo, sabi sayo eh! Mura lang sayo limang daan, gumastos ka pa ng doble para sa case. Nako echosera ka talaga Selene, kunwari hindi daw bibili 'di rin naman makatiis.""Ang aga aga Lu, ang ingay mo," irita kong sinabi sakanya. Hindi ko na pinatulan yung sinabi niya dahil hindi naman ako ang bumili nun.Daldal siya ng daldal hanggang sa nakapasok kami ng gate. Malapit na ang pagtatapos ng intrams ni hindi ko man lang naramdaman ang simula nun. Wala naman kase akong sinalihan na mga sports event at kung ano, yung audition lang para sa drama club kaso hindi na 'ko aasang pasok ako dun dahil sa kinalabasan ng gawa ko.Habang naglalakad kami ay hinatak ako ni Lulu patungong field. "Hoy Luilaine, mag attendance muna tayo!" sigaw ko sakanya."Wala naman si Sir, hayaan m
Buong maghapon ko inisip iyon. Maghapon ko inalala ang apelyido niya at kung paanong paraan ulit magtatagpo ang landas namin para naman mapasalamatan ko siya. "Cafeteria nalang tayo, for sure wala masyadong tao dun..." pag-aya ni Lulu. "Bakit? Laro ba ng basketball ngayon o volleyball naman?" "Ng football." That stopped me. Baka pwede roon ko nalang sabihin ang thank you ko? After the game kaya? "Hindi ba tayo manonood?" pagbabakasakali ko. Umupo kami sa isa sa mga libreng upuan ng cafeteria. Hindi punuan dahil nga siguro sa laro ng football. Masasabi kong kahit na mas sikat ang basketball at volleyball na laro, dito sa bayan
We're laughing so hard while drying ourselves here in the convenience store we usually go to. It's cold but my heart is warm.Is it still normal?Philip handed me the hot coffee he ordered from the counter. Ang init nito ay mas nagpawala sa lamig na naramdaman galing sa ulan.Looking outside, hearing the drops of rain, holding my cup of warm coffee together with the man I never knew I would be into.Yes, I can now completely admit how much I adore this man. I can freely tell that to myself, Lulu, or even my parents- except for him. Ang tapang kong sabihin sa ibang tao itong nararamdaman ko pero mismong sa kanya ay naduduwag ako.Ang hirap. Natatakot ako. Kahit na inamin n'ya na ang nararamdaman niya para sa akin, kahit na lakas loob niya nang hinarap ang mga magulang at kapatid ko, kahit na sinabi niyang nanliligaw at maghihintay siya. Bakit nahihirapan akong magsabi ng oo, na sinasagot na kita.Is it because of my unknown condition? "You're quiet, what are you thinking?"We’re wal
Binitawan niya ang reviewer niya sa physics. “Musta ka pala sa drama club?” she randomly asked. “’Di na kita madalas mapuntahan doon, you’re always busy with the club and your suitor.” She made a face. Napatigil ako sa ginagawa at napagtanto kung gaano na nga kami kadalas na magkasama ni Philip. He was already been introduced to my dad and kuya Vincent at dinner one night! Mom insisted that I should introduce him to dad as a suitor. It was freaking me out dagdagan pa when kuya heard about that dinner, ay hindi na pinalagpas iyon at umuwi ng maaga! Dad was cool about it. He was asking decent questions Philip and answered them politely. He was not too strict or annoyed by the fact that I brought home a man and introduced him as my first suitor. Unlike my brother on the other side of the table, with Eisa beside her who doesn’t care at all, was very serious and uncomfortable. Alam ko for sure na magkakilala sila, kaya hindi ko alam kung bakit ganto nalang ang itsura nya kay Philip. Mo
“Hijo, anong year mo nga ulit?” Sinagot naman ni Philip ang tanong ni mommy pagkatapos akong pagmasdan ng ilang segundo. Hindi pa naman siguro ako namumutla ano. “Second-year college po, Business Management.” Sumimsim ng tsaa si mommy, “I see, ka batch mo pala ang kuya niya, si Vincent.” Tumango siya at muli akong binalingan. ‘You okay?’ he mouthed and I nodded to assure him. ‘Wag ngayon please lang! Parang mas bumagal ang oras ng pagkain. Hindi ko alam kung ramdam nila ang tensyon o ako lang ang gumagawa noon. Philip was talking to my mother with outmost respect, I can sense that. Natapos nalang ang hapunan ay siya pa ring kaba ang meron sa dibdib ko. Nakapagpaalam na si Philip kela ate Rose at manang pati na rin sa kay Mommy. “Are you okay?” nagaalala kong bungad sakanya nang nasa labas na kami. Madilim na ang labas ng village kaya wala nang masyadong tao sa labas. Parang uulan pa ata. He smiled boyishly. “Of course. Ikaw, you look tense a while ago. You good?” Sa totoo la
“Mom!” napasigaw ako ng wala sa oras. Lumayo ako ng konti kay Philip at natatarantang puntahan ang nanay ko. She is looking sternly at me, looking through her lenses because of the man behind me. Nilingunan ko si Philip and I saw him bow slightly to my mom. “Good evening po, Mrs. Villareal.” My mom never changed her reaction but still acknowledged Philip. “Good evening to you, too.” Iniba ko ang usapan, para mawala sa paningin niya si Philip. “W-why are you here outside?” “I just got home too. Galing pa akong Bulacan and I brought home their famous bulalo, why don’t you ask him to join us.” and then looked at Philip. “Join us for dinner, hijo.” I looked at Philip. Pinanlakihan ko siya ng mata para sana ay makuha niya ang ipinapahiwatig ko. He glanced at me for a moment and answered my mom. “Sure po.” Napapikit ako ng wala sa oras. I want you to go Philip, at baka mainterrogate ka ng nanay ko! Pumasok na kami sa loob. Parang unang beses ni Philip sa bahay namin nang pinasadaha
We’re walking together with the beautiful sunset of Lingayen. Ang ihip ng hangin ang tumatama sa amin pareho pero parang mas presko kung siya ang tignan na kakatapos lang ng practice kesa sa akin. Habang tinititigan siya ay hindi ko maiwasang balikan ang inamin at gusto niyang mangyari sa harap rin ni Lulu. I have a lot of questions in mind. Pero I was scared to make a move and ask him things that are bothering me… Hindi namalayan na kanina pa pala rin siya nakatitig sa akin. I felt my face red. Nahiya tuloy akong ibalik ang tingin sa kaniya. Ngunit siguro dahil kuryoso sa naging pagtitig ko sakaniya, he stared as we continue to walk. Nako, hindi ko nga kaya itanong sa kaniya ang mga nasa isipan ko. I can’t even look at him now. “May I?” Hindi ko naintindihan iyon pero parang bulong ng malamyos na hangin ang rahan ng pagdulas ng kanyang kamay sa akin. He’s talking about our hands. Nagtanong ka tapos sinagot mo rin! Mababaliw ako sa mga ginagawa mo, Philip! "Why are you still
Pareho kaming napatingin ng tuluyan sa kay Philip. Hindi ko alam kung may mas lalakas pa ang kabog ng dibdib ko. He was looking at me intently kahit na si Lulu ang kausap niya, “Kung pwede bang ako ang maghatid sa kaibigan mo mamaya pag uwi?” Nakita ko ang unti unting pag ngiti ni Lulu. Muli kaming nagtagpo ng tingin ni Philip at mas nagpakabog ng dibdib ko ang dugtong niya sa sinabi. “At sa araw araw na rin.” Hindi nakayanan ang paimpit na tili ni Lulu nang nasa banyo na kami, kakatapos lang ng klase. Kahit na kanina pa ang paguusap na iyon ay hindi niya napigilang mapatili kahit sa gitna ng klase. Buti na nga lang at hindi siya napalabas ng genmath teacher namin. Kahit naman rin ako hindi ko makalimutan ang nangyari sa library. Mas tahimik nga lang ang reaksyong ibinibigay ko sa harap ni Lulu, dahil baka kung anong gawin niya sakin kung madulas ako at makwento ko pa ang nangyari kagabi. “Matuto ka na mag ayos ng sarili ah? Tapos ‘wag mo na ko lagi hintayin pag uuwi ka, deretso
I don’t know what I am doing. I thought of it as the last thing I can do for him at the moment, to give him comfort through this.I didn’t expect him to respond to my hug, but he did. “Ang tapang mo nga eh,” I whispered. I don’t have the strength to do anything but give him my comfort.“Hmm, sa lagay kong ‘to?” he asked.I nodded, alam kong hindi niya kita, pero ramdam nya. “Oo naman. Mas pinili ng asawa ni manang Tasing na iwan siya kesa ang lumaban at mag isip ng ibang paraan para sumaya silang dalawa. Kaya saludo pa rin ako sa’yo.”“Ikaw, kahit sa tagal nang mahirap makipagsapalaran, kahit hindi tama ang naisip mong solusyon o armas para lumaban, hanggang ngayon nandito ka pa rin. Kaya saludo ako sa’yo dahil matapang ka.”This time, hinarap ko siya. His eyes are full of awe.“So from now on, don’t give me reasons for you to do it again. You have a lot of reasons to live, and to live by it is to forgive yourself first before the people who have hurt you. Alam ko hindi madali but
Both of his hands are full of sliced cuts. May mga natuyong dugo pa, yung iba ay mga luma na na tila ba ay higit pa sa buwan ito kung pagmasdan. I can’t help my tears to fall as I reached for the kit to aid him. I can sense his panic while I still continue to aid him. “H-hey, why are you crying?” hindi makatatakas sa boses niya ang sakit, hindi ko alam para saan. But this broke my heart, into million pieces. I was silent while I do my job, even as he continues to wipe away my tears and continue to hush me. I am speechless. “Bakit hindi ko man lang napansin ‘to…” He moved closer. “Sel, it’s not your fault.” napapaos niyang kumbinsi sa akin. Walang gumanang pampakalama o pangungumbinsing okay lang siya dahil patuloy pa rin ako sa pag luha. I am so confused and guilty because of my selfishness. Bakit ko ba kasi siya laging hinahayaan na ako ang unahin niya? Bakit ang makasarili ko na hindi ko man lang siya natatanong kung kamusta nga ba talaga siya? Bakit sa tuwing magkakausap k
I heard him grin. “I will not hang up.”Dahil dun ay mas nagmadali akong magligpit ng gamit. Tapos na rin naman ako sa gawain ko kaya mabilis din akong nagpaalam sa mga kasamahan ko.“Bye po pres, thank you po!” hindi ko na narinig ang sagot ng presidente namin dahil sa pagmamadali ko.“Careful,” he chuckled on the other line. Naririnig siguro niya ang pagmamadali sa paghinga ko dahil sa pagtakbo. Inirapan ko siya kahit hindi niya ako nakikita.Nang sa wakas ay nakarating na ng guard house at nakita ko na siya ay sabay na naming pinatay ang tawag. Kapansin pansin ang tangkad niya sa mga iilang estudyanteng nasa eskwelahan pa. Pansin ko rin ang suot niyang jacket na puti, army green khaki shorts at vans na sapatos.Hingal na hingal pa ako at pilit lumunok at huminga, ngunit hindi ako nagdalawang isip na tumawid sa kabilang kalye kung saan nandun siya na pilyong nakangiti sa pagtawid ko. Pero nang sumagi sa isip ko