Home / Romance / The End Of Us (Taglish) / Chapter One : The Start

Share

The End Of Us (Taglish)
The End Of Us (Taglish)
Author: airawrites

Chapter One : The Start

Author: airawrites
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

PILIPINAS YEAR 2022

ENERO

"Hey! Wake up!" Nagulat at nasanggi ni Calista ang kanyang notebook sa desk nang bigla siyang sigawan ng kaklase at kaibigan niyang si Serene, lalo na nang patunugin pa nito ang dalawang daliri upang kuhanin ang kanyang atensyon.

Napasandal si Calista sa kanyang upuan at kunot-noong napatingin kay Serene. "Dilat ang mga mata mo pero para kang tulog dahil sa lalim nang iniisip mo."

Napabuntong hininga na lamang si Calista at iniwas ang tingin sa kaibigan, habang iniisip kung sasabihin niya ba kay Serene ang gumugulo sa isipan niya o mananatili na lamang tahimik dahil baka pagtawanan lamang siya nito kapag sinabi niya ang dahilan kung bakit lumilipad ang isip niya.

Napailing na lamang si Serene, sanay na siya sa katahimikan ni Calista, pero ang hindi siya sanay ay sa kinikilos nito ngayon na parang may pino-problema.

Nasa loob sila ngayon ng classroom, break time na at sila na lang ang naiwan sa loob. Hindi niya maiwanan si Calista kahit ang sikmura niya ay kumakalam na, siya lang kasi ang tanging kaibigan nito sa loob ng classroom at nababahala siya sa kinikilos ng kaibigan.

Mabait si Calista, bukod pa doon ay maganda ang maamo niyang mukha. Mahaba ang pilik mata, itim na itim ang maiksi nitong buhok na hanggang leeg lamang, singkit ang mga mata, maliit at may katangusan ang ilong nito, sadyang ang kanyang ganda ay kahali-halina. 'Yon nga lang ay sobrang siyang mahiyain at hindi pala-ngiti kaya madalas ay hindi siya nilalapitan ng mga tao dahil madalas ay tango at ngiti lang ang binibigay niya sa kanila kapag susubukan siyang kausapin. Hindi rin siya malapitan ng mga manliligaw niya dahil prangka siya at mabilis mag-turn down ng lalaki kapag hindi niya ito gusto.

"Cali, hindi ako sanay na ganyan ka. Tell me! What's bothering you?" Muling tanong ni Serene.

Calista bit her lower lip at muling ibinaling ang atensyon kay Serene, muli siyang napatitig sa asul na asul nitong mga mata, ito ang pinaka-gusto niyang bahagi ng mukha ni Serene. Madalas pagkamalan na may lahing American or other western countries si Serene dahil sa hindi Asian ang features ng mukha nito, pero mas hindi makapaniwala ang mga tao sa tuwing sasabihin ni Serene na pilipinong tunay siya at walang ibang lahing banyaga.

"Naniniwala ka ba sa multo?" Nag-aalangang tanong ni Calista at nilakihan pa ng kaunti ang kanyang mga mata at ngumiti nang pilit.

Serene blinked her eyes several times na parang hindi alam ang dapat i-react, pero maya-maya lamang ay napatawa ito nang malakas at napapalakpak pa hanggang sa humawak na ito sa tiyan at sumandal sa upuan. Napawi naman ang ngiti sa labi ni Calista at tuluyan nang napakunot, iniisip na nababaliw na ang kaibigan.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Mahinahong tanong ni Calista. Dahan-dahang pinakalma ni Serene ang sarili at pinunasan pa ang mga mata dahil sa sobrang pagtawa niya ay muntikan na siyang lumuha.

They are really total opposites, masiyahin at madaldal si Serene habang si Calista naman ay tahimik at hindi madaldal sa iba kapag hindi niya ito kaibigan. Nagkakilala lang naman sila noong first day of class nila as freshmen in architecture, parehas silang late at hindi alam kung saan ang room 13, Serene approached her first at tinanong siya about dito at nagulat na lamang sila parehas nang malaman na same pala sila ng room, kaya ang ending sabay nilang hinanap iyon, at kalaunan ay naging magkaibigan.

Serene flipped her brown hair na dumapo sa kanyang mukha. "Eh paano naman kasi, kanina ka pa parang wala sa sarili tapos, tungkol lang pala sa multo ang iniisip mo." Muling tumawa si Serene pero nang mapansin niyang seryoso na ang mukha ng kaibigan ay tumigil na siya sa pagtawa. "Hindi nga, seryoso ka? Multo talaga iniisip mo?" Nanlalaki ang mga mata ni Serene as she leaned forward sa desk ng kaibigan.

Dahan-dahang tumango si Calista, kahit ang totoo ay hindi lang naman iyon ang bumabagabag sa kanyang isipan.

"Nakakita ka ng multo? Ako kasi hindi pa." Giit ni Serene. Mukha namang hindi lulong sa bisyo ang kaibigan niyang si Calista kaya mas pinili niya na lang paniwalaan ito.

"Hindi ko alam kung mga multo ba ang mga nakita ko, but what I'm going to tell you are only truths." Tumango naman si Serene sa kanya and prompted her to continue.

"Paano kasi, a week ago dalawang beses na akong may nakitang lalaki na naglalakad sa hallway ng second floor which is doon located ang kwarto namin, patingin-tingin siya sa walls kahit wala namang nakalagay doon, o 'di naman kaya'y sa sala may mga nakikita akong taong nakaupo pero bigla silang mawawala everytime I try to take a second glimpse."

"Tapos this morning mas lalo akong naniniwala na hindi ako namamalikmata lang. Kasi when I went to our kitchen para maghanda ng breakfast nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng kakaibang attire, para siyang pang-maid pero mas pina-luxurious tingnan. She's cooking in our stove, tapos it's like she's humming, sobrang gulat na gulat ako and I felt like I was frozen in place. Pero biglang pumasok sa kitchen yung kapatid kong si Althea, tinatawag niya ako, sabay kaming napalingon no'ng babae kay Althea, but Althea's eyes widen at parehas silang dalawa na napatili nang malakas. But biglang nawala yung babae, hindi namin alam kung saan siya nagpunta, ngayon tuloy hindi kami mapakali ni Althea. We're both convinced na may multo sa bahay." Nang matapos magkwento si Calista ay laking pagtataka niya nang matulala si Serene sa mga mata niya. Napanganga pa ito at parang hindi makapaniwala, naisip niya na baka nagulat din ang kaibigan niya sa kwinento niya.

"G-Grabe, Calista. That was the first time na narinig kitang magsalita nang napakahaba." Tinakpan ni Serene ang bunganga niya at napangiwi na lamang si Calista dahil kahit kailan talaga ay hindi siya siniseryoso nito. "But, tumayo ang mga balahibo ko sa kwento mo!" Serene exclaimed and even raised her arms para ipakita sa kaibigan na tumayo nga ang mga balahibo niya.

Calista sighed, "alam kong mahirap paniwalaan but it's true. Kami lang tatlo ng lola at ng kapatid ko sa bahay, minsan lang bumibisita si Nanay Francisca, which is my lola's friend, dahil may katandaan na rin ito, pati na rin mga cousins ko dahil busy sa studies and works. We don't have any maids pero may taga-linis kami ng bakuran, which is si Mang Yulo. Pero may kwinento rin siya sa'kin na madalas ay may nakikita siyang babae na nakatayo sa balcony, sabi niya kamukhang kamukha ko raw, binati niya pa nga raw at inasar dahil naka-suot daw ng luxurious na gown dahil wala namang event, pero hindi raw siya pinansin nito, akala niya ako 'yon pero sinabi kong hindi ako ang nakita niya, at isa pa, bakit naman ako magsusuot ng gown, 'di ba? Naisip ko tuloy baka may doppleganger na ako ngayon. Sobrang nakakatakot." Calista shuddered habang inaalala ang kwento sa kanya ni Mang Yulo na taga-linis nila ng malawak nilang bakuran at isa ring hardinero nila.

Malaki, malawak, at maraming kwarto kasi ang kanilang bahay na ang style ay panahon pa ng kastila. Ipinamana ito sa kanya ng kanyang lolo na ama ng kanyang ina bago ito pumanaw. Hindi niya tunay na kapatid si Althea, inampon lamang ito ng kanyang grand aunt na ang ngalan ay Hiraya, o ang kapatid ng kanyang lola, pero parang isang biological grandmother na rin ang turing niya rito dahil ito ang nag-alaga sa kanya nang mamatay ang kanyang ina nine years ago dahil sa sakit na leukemia.

Meanwhile, hindi pa rin makapaniwala si Serene na naging makwento ngayon ang kanyang kaibigang si Calista dahil kahit mag-iisang taon na silang magkakilala ay kapag nagkukwento ito ay hindi ganoon kahaba. Pero hindi rin siya makapaniwala sa ikwinento ng kaibigan; kahit kailan ay hindi pa siya nakakakita ng multo pero may kakaiba ring kaganapan ang nangyayari sa kanya these days kaya naman hindi niya mahusgahan ang kanyang kaibigan at sabihing namamalikmata lamang ito.

"Baka nga may multo sa bahay niyo, sobrang tanda na rin naman kasi ng bahay niyo tapos tatlo lang kayong nakatira. Baka yung mga dating nakatira sa bahay ninyo decades ago yung nagmu-multo. Baka may huli silang habilin na hindi natupad before sila nawala o 'di naman kaya'y humihingi sila ng tulong sa inyo."

Mas lalong kinabahan at natakot si Calista sa kwento ng kaibigan, parehas tuloy sila ngayong takot na takot sa mga naiisip. Magsasalita pa sana siya kaso may biglang kumatok sa room, pagkalingon nila ay nakita niya ang kaibigan ni Serene na ang ngalan ay Dylan.

"Serene, hindi ka pa ba susunod?" Tanong ni Dylan. Napabuntong hininga na lamang si Serene while Dylan waved at Calista nang mapansin niya ito.

Bahagyang ngumiti si Calista rito, gusto niya rin maging kaibigan ang mga kaibigan ni Serene, kaso hindi lang talaga siya komportable. Buong buhay niya kasi ay sanay siya na palagi lang siyang nasa loob ng bahay at ang pagkausap sa mga ibang tao ay sadyang nakaka-boring para sa kanya.

"Sige na, Serene, susunod na lang ako tapusin ko lang 'to." Calista gestured her paper on her desk.

Kahit ayaw man ni Serene na iwan ang kaibigan ay wala siyang nagawa kun'di tumayo at sumunod kay Dylan upang sumabay sa pagkain sa mga iba pa niyang kaibigan na naghihintay sa labas.

"Fine, basta umupo ka sa tabi namin ha?" Serene said. Tumango na lamang si Calista at kumaway rito at pinanood silang lumabas ng classroom hanggang sa mawala sila sa paningin niya.

Calista let out a deep sigh and rested her chin on top of her palm at napatingin na lamang sa bintana sa kanyang kaliwa kung saan matatanaw ang mga tao sa bleachers.

Muling dumapo sa isip niya ang babaeng nakita nila kanina sa kitchen, naisip niya na para talaga itong totoong tao. Dahil hindi naman ito nakasuot ng kulay puti at parang faded kagaya ng mga napapanood niya sa TV, ang kasuotan din ng babaeng nakita niya ay hindi kasuotan ng panahon ng mga kastila at kapanahunan noon. Kaya naisip niya na hindi ito multo nang nakaraang panahon, at ang nakakapagtaka para sa kanya ay kung paano ito sumigaw na parang nagulat na makita rin sila. Hindi niya maipaliwanag ang kakatwang nakita nila.

Napakagat muli siya sa kanyang ibabang labi, isa pa sa iniisip niya ay ang lalaking nakasuot palagi nang mahabang coat, at nakasuot ng sumbrero na akala mo ay dadalo siya sa isang royal events, or akala mo'y nawawalang prinsipe sa london. Hindi niya ma-explain ang outfit nito, minsan parang si Jose Rizal manamit, minsan parang isang may lahing dugong bughaw na galing sa Europe. Pero ang malinaw sa kanya ay ang mahaba nitong matingkad na brown na buhok na hanggang leeg katulad sa kanya, sobrang tangkad nito, matangos ang ilong, matangkad, at matikas ang pangangatawan.

Kahit isang hagip lamang ang kanyang pagsilay sa mukha ng lalaki ay hindi niya maiwasang maisip na may gwapo rin palang multo. Iyong lalaking iyon ang madalas niyang makitang naglalakad sa hallway ng second floor ng kanilang bahay habang tinitingnan ang mga dingding na nagtutuklapan na ang wallpaper, isang beses ay natanaw niya rin itong nakaupo sa sala na parang may hinihintay, napalingon ito sa kanya pero mabilis din itong naglaho.

Sa huli ay napasabunot na lamang si Calista sa kanyang buhok dahil hirap na siya sa pag-iisip kung ano nga ba ang mga nakikita nila ni Althea.

"CALISTA, pumalya ka ata sa pagdalaw kahapon ah? Mabuti na lang at dumalaw pa rin ang kapatid mong si Althea." Bati sa kanya ng nurse na ang ngalan ay Sarah, nasa 30's palang ito pero mukhang nasa 20's pa rin dahil sa baby face na mukha. Magkasundo silang dalawa dahil madalas ay ang nurse na iyon ang tao sa reception at ang dating nag-alaga kay lola Hiraya.

"Nagkaroon kasi kami ng isang biglaang exam sa isang subject bago umuwi." Nakangiting sagot ni Calista.

Malapit na mag-alas singko ng hapon nang makapunta siya sa hospital kung saan naka-admit ang kanyang lola Hiraya. Kada pagkatapos ng kanyang klase ay dumidiretso siya sa hospital, simula nang sabihin ng doctor na may taning na ang buhay ng kanilang lola at apat na buwan na lang ang meron ito, mas madalas na ang pagdalaw at pakikipag-video call nilang magkapatid dito, tini-treasure nila ang huling mga huling sandali ng matanda.

"O siya sige, hindi na kita iistorbohin, dumiretso ka na sa kwarto ng lola mo."

Tumango si Calista at ngumiti rito bago dumiretso sa loob ng elevator at pinindot ang level six.

Dala-dala ang basket ng iba't-ibang klase ng prutas ay nakangiti siyang naglakad palabas ng elevator at tinahak ang maliwanag na hallway; marami siyang nakakasalubong na mga nurses at mga pasyente.

Pumasok na siya sa loob ng kwarto ng kanyang lola Hiraya. Nadatnan niya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro, mahilig magbasa ng libro ang kanyang lola, madalas si Althea ang nagdadala ng libro sa kanilang lola dahil parehas mahilig magbasa ang dalawa.

"Lola!" Masiglang bati ni Calista.

Mabilis niyang ibinaba sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ng kanyang lola ang basket ng prutas at h******n ang lola niya na sobrang payat, at malalim na ang mga mata dala ng kanyang sakit. Nakasuot ito ng wig, dahil wala na itong buhok, at ayaw ng kanyang lola na makita ang sarili na wala ng buhok sa tuwing titingin ito sa salamim, kaya naman tuwing may okasyon ay nireregaluhan nila ito ng bagong wig.

"Apo ko! Na-miss kita kahapon hindi ka dumalaw." Hinalikan siya ng kanyang lola sa noo at pagkatapos ay umupo si Calista sa upuan sa tabi ng lola niya.

"Nagkaroon po kasi kami ng biglaang exam kaya hindi ako nakasabay kay Althea kahapon." Giit nito, ngumiti lang si Hiraya.

Hindi bakas sa matanda ang pag-inda nito sa sakit dahil mas nananaig dito ang positivity niya. At ayaw niyang nakikitang malungkot ang kanyang mga apo kapag nakikita siyang nanghihina.

"Ganoon ba? Kumusta naman kayo sa bahay at ang pag-aaral ninyo? Hindi kami masyado nakapag-kwentuhan ni Althea dahil sabay kaming nagbabasa nito." Tinaas ng kanyang lola Hiraya ang libro na genre ay romance. Napangiti naman si Calista dahil mukhang kinikilig pa ang lola habang iniisip ang mga pangyayari sa librong binabasa.

Pero agad ding napawi ang ngiti sa kanyang labi nang maalala ang mga nakita nila sa loob ng bahay. Iniisip niya kung sasabihin niya ba ito sa kanyang lola o hindi, ayaw niya rin kasing pag-isipin at pag-alalahanin pa ang kanyang lola.

"Calista? Anong bumabagabag sa'yo?" Calista blinked nang hawakan ni Hiraya ang kanyang kamay na nakapatong sa tabi ng matanda. Napa-kagat na lamang siya sa kanyang kuko sa kanyang kabilang kamay dahil hindi alam ang sasabihin.

"Hay nako, alam kong may malalim kang iniisip, madalas mong kagatin ang iyong mga kuko kapag may bumabagabag sa'yo."

Napalingon si Calista sa lola niya, tinaasan siya nito ng kilay, at alam niyang wala na siyang kawala pa.

Calista slumped her shoulders in defeat, naisip niya na sabihin or ikwento na lang sa kanyang lola ang mga kababalaghang nangyari sa kanila ng kanyang kapatid. Naalala niya rin kasi na mahilig magkwento ang kanilang lola noong mga bata pa sila tungkol sa mga bagay na hindi makatotohanan.

"G-Ganoon ba?"

Natigilan si Calista sa kakaibang reaksyon ng kanyang lola matapos niyang ikwento ang mga nakita niya sa loob ng bahay. She expected her lola to laughed at her and told her na imposible ang mga kwinento niya, ngunit masyadong gulat ang expression ng matanda.

"Naku lola, 'wag mo nang isipin 'yon baka namamalikmata lang kaming dalawa ni Althea." Pagbawi ni Calista, inayos niya ang kumot ng kanyang lola pero nanatiling tulala si Hiraya na nakapagpabahala sa kanya.

"Ano na nga ba ulit ang araw ngayon?" Biglang tanong ng kanyang lola, naguguluhan man sa reaksyon ng kanyang lola ay napalingon siya sa kalendaryo na nakasabit sa likod ng pintuan.

"Umm, Friday po ngayon, January 22."

"2022?" Pag-uulit ni Hiraya. Dahan-dahan namang napatango si Calista, naisip niyang nagiging makakalimutin na rin talaga ang lola niya.

"Sixty years na ang nakalipas..." Naguluhan si Calista sa sinabi ni Hiraya, tulala lamang ito sa nakapatay na TV na nasa harapan nila.

"Po? Ano pong ibig—" hindi na natapos pa ni Calista ang kanyang itatanong sa lola nang biglang bumukas ang pintuan ng silid ng kanyang lola at narinig ang malakas na iyak ng isang batang babae na nasa loob na ngayon ng silid.

"Ina! Ina! Nasaan ka—"

Isang batang babae na magulo ang buhok at may suot na malaking long sleeves shirt na kulay brown na hanggang tuhod nito at maraming tagpi-tagpi, ay napatigil sa pagsasalita nang makita sila. Nanlaki ang mga mata ng batang babae at nabitiwan nito ang kumpol na chrysanthemum na hawak nito at muling umiyak nang napakalakas.

"Teka! Sino ka? T-Tsaka, bakit ka umiiyak?" Takang tanong ni Calista, bigla siyang natigilan nang hawakan ng kanyang lola ang kanyang kamay. Napalingon siya rito, dahan-dahang bumabangon si Hiraya na ikinabahala ni Calista.

"Lola, wait!" Tumayo si Calista at inalalayan ang lola sa pag-upo, pero muli niyang narinig ang kalampag ng pinto at humina na ang iyak ng batang babae.

"S-Sundan mo siya, sundan mo ang bata!" Nagulat siya ng tinapik-tapik siya kanyang lola sa balikat. Magsasalita pa sana siya pero pinanlakihan siya ng mga mata ni Hiraya. "undan mo ang batang babae!" Nang dahil doon ay nag-panic si Calista at agad na tumayo pero napatigil siya nang makita ang mga bulaklak na nagkalat sa sahig na naiwan ng batang babae.

"Bilisan mo at habulin mo ang bata!" Sigaw muli ng kanyang lola.

Naguguluhan siya kung bakit sobrang interesado ang kanyang lola sa batang iyon. Ngunit naalala niya rin na sadyang mahilig sa mga bata ang kanyang lola dahil na rin siguro na hindi ito nagkaroon ng sariling pamilya, at naisip niya rin na baka naliligaw ang bata at kailangan nito ng tulong upang mahanap nito ang kanyang nanay.

Nagmamadali niyang kinuha ang mga bulaklak at mabilis na tumakbo at binuksan ang pintuan. Ngunit sa pagbukas niya ng pintuan ay ang pagbabago nang kapaligiran. Ang kulay puting hallway ay napalitan nang tila isang patay na malawak na hardin at nagtataasang bundok at mga puno at kahit saan siya tumingin ay puno iyon ng mga puntod na siyang nagbigay kaba sa kanyang puso.

Calista was taken aback at parang naging isang estatwa, iginala niya ang paningin sa kanyang paligid at doon nagsimula ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso after niyang ma-realized ang lahat.

Wala na siya sa loob ng hospital, nasa isa siyang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa mga bulaklak, habang naguguluhan sa mga nakikita.

"Sandali, bakit ka umiiyak?"

Natauhan si Calista at medyo nagulat pa siya na naigalaw niya na ang kanyang katawan nang marinig niya ang malalim na boses ng isang lalaki. Iginala niya ang kanyang paningin, may kalesa siyang napansin sa kalayuan sa tabi ng puno. Napansin niyang may isang matandang lalaki na nakatayo sa tabi ng kalesa habang hawak nito ang strap ng kabayo.

Lumingon siya sa kanyang kaliwa, ilang hakbang ang layo sa kanya ay nakita niya ang isang matangkad na lalaki na may kahabaan ang buhok, nakasuot ito ng isang simpleng kulay puting polo, at brown na pang-ibaba, kausap nito ang batang babae na nakita niya kaninang umiiyak. Walang ibang tao rito kun'di sila lamang at ang matandang lalaki sa kalayuan.

Nang umihip ang malakas na hangin ay nagsilaglagan ang mga patay na dahon galing sa mga puno, napalingon si Calista sa kalangitan, ngunit nang ibalik niya ang kanyang atensyon sa matipunong lalaki at sa batang babae, napansin niyang parehas na itong nakatitig sa kanya. Ilang hakbang ang layo ng mga ito sa kanya, pero sapat ito para maging malinaw lahat sa kanya ang isang bagay na kanyang napagtanto.

"Siya po at ang isang matandang babae ang nakita ko sa isang bahay na kulay puti, nagbago ang kapaligiran, hindi ko alam kung saan ako napunta. Pero sa aking palagay ay siya ay isang bruha, kinuha niya ang aking ina! Bigla pong nawala ang aking ina!" Humagulgol ang batang babae habang dinuduro siya nito. Habang napalunok naman sa pagtataka si Calista.

Dahan-dahang tumayo ang lalaki na nakaluhod sa tapat ng batang babae at naglakad papunta kay Calista. Kunot-noo ang seryoso nitong mukha habang nakatitig sa kanya.

Kada isang hakbang niya palapit ay humahakbang naman palayo si Calista. Muling humangin nang malakas, hindi na namalayan ni Calista na tinangay na ng hangin ang mga bulaklak sa kanyang mga kamay.

Napatigil siya nang makalapit sa kanya ang lalaki. Napahawak siya sa kanyang dibdib.

"H-Huwag kang lalapit!" Sigaw ni Calista at napaturo sa lalaki nang tuluyan na siyang ma-estatwa sa kinatatayuan. Tatlong hakbang, at doon naging malinaw sa lalaki kung saan niya nakita si Calista.

"Nakikilala kita, hindi ba ikaw ay si—" hindi natapos ng lalaki ang kanyang sinasabi nang mapagmasdan nito ang kasuotan ni Calista. Nakasuot si Calista ng loose long sleeves at boyfriend jeans. "Anong klaseng kasuotan iyan para sa isang prinsesa?" Tanong ng gwapong lalaki sa kanya, nag-krus ang mga kilay nito, nanlaki naman ang mga mata ni Calista at mabilis na umiling-iling habang ang kanyang mga balahibo ay nagtataasan sa takot.

"Ikaw yung lalaking multo sa bahay namin!" Takot na takot na sigaw ni Calista, at sa pagkurap ng kanyang mga mata ay ang pagbago ng kanyang kapaligiran.

Naging kulay puti muli ang paligid, bumalik ang mga nurse at pasyente sa hallway, habang siya ay nakatayo sa gitna ng hallway na parang isang rebulto. H******n niya ang kanyang sarili, akala niya patay na siya at nakapunta na sa langit.

"Tulong! Tulong! May isang babaeng duguan at nangingisay!" Doon natauhan si Calista, lalo na nang sunod-sunod ang tilian at sigawan galing sa iba't-ibang tao, pasyente man o staff ng ospital.

Naguguluhan man sa mga mabilis na pangyayari, agad siyang tumakbo at lumiko sa kanan kung saan nanggaling ang kaguluhan.

"Miss, please, ibaba mo ang hawak mong kutsilyo!" Sigaw ng isang guard, lahat ay nababahala.

Napalunok sa takot si Calista nang makita ang babaeng nakapusod ang buhok at nakasuot ng puting damit na maraming tagpi-tagpi, at paldang sobrang haba. Umiiyak ito at duguan ang kasuotan habang hawak-hawak ang kutsilyo sa kanyang palad, at sa harapan nito ay isang babaeng nakahandusay sa sahig habang nangingisay at may malaking hiwa sa leeg.

Si nurse Sarah ang nasa sahig! Mas lalong nabahala si Calista, hindi alam ang gagawin.

"Pakiusap, h-hindi ko ito ginustong gawin!" Sigaw ng babaeng may hawak ng mahabang patalim, nabitawan niya ang kutsilyo at napaluhod na lamang sa harapan ni nurse Sarah.

Kaagad kumilos ang mga guards at dinakip ang babae nang tuluyan na itong humagulgol. Napasigaw ang lahat ng biglang tumigil na sa pag-ngisay at paggalaw si nurse Sarah.

"Tabi! Tumabi kayo!" Sigaw ng isang doctor, habang ang mga nurse ay may dala-dalang stretcher or hospital bed at dali-daling kinarga ang wala ng buhay na si nurse Sarah.

"Wala akong kasalanan! Hindi ko alam ang aking nagawa!" Napalingon si Calista sa babaeng pumatay kay nurse Sarah, nagpupumiglas ito habang hinihila ng mga gwardya palabas ng ospital.

Tuluyan nang napaluha si Calista habang nanginginig ang kanyang mga tuhod dahil wala na ang kaibigan niyang si nurse Sarah.

Ang kanyang isipan ay punong-puno ng mga tanong, kung paanong nagbago bigla ang kanyang kapaligiran at nakita ang lalaking multo na gumagala sa loob ng kanilang bahay at kung bakit kamukhang-kamukha ni nurse Sarah ang babaeng pumatay sa kanya.

Related chapters

  • The End Of Us (Taglish)   Chapter Two : Losing Control

    PILIPINAS YEAR 2022ENERO"Hija, Diyos ko po, ayos ka lang ba?" Nabalik sa wisyo at bahagyang naigalaw na muli ni Calista ang kanyang katawan ng may isang matandang babaeng pasyente ang lumapit at humawak sa kanyang braso.Sunod-sunod ang pagkurap ng kanyang mga mata habang nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa mga luha niyang patuloy na bumubuhos. "A-Ayos lang po ako." Garalgal ngunit magalang na sagot ni Calista sa matanda."Sigurado ka ba? Sobrang putla mo—teka sandali, sasabihan ko ang apo ko na tumawag ng—" hindi na pinatapos pa ni Calista ang matandang babae sa pagsasalita dahil mabilis siyang yumuko rito at naglakad papalayo. Dahil sa pagkataranta at gulat dala ng mga pangyayari ay hindi na niya natingnan pa sa mukha ang matanda at nakapag-paalam nang maayos.Maingay pa rin sa bawat paligid ng hospital, sadyang nagkakagulo sila sa nangyaring krimen kanina, at nagkaroon ng aberya sa mga pasyenteng bagong dating pa lamang. "S

  • The End Of Us (Taglish)   Chapter Three: Family Dinner

    PILIPINAS 2022 (ALTERNATE WORLD)[ CALISTA| ENERO ]Everything is dazzling white, but in the middle of nowhere is the woman who looked exactly like me, she's beaming while waving her hand at me na para bang hinihila ako sa hindi ko malamang lugar. She's now wearing a white dress and she looks peaceful, without even a stain of blood from the cause of what I did to her. Hindi ko alam kung bakit ko siya nakikita ngayon, or kung bakit walang katapusan na kulay puti ang nakikita ko. The last thing I remembered ay umiiyak ako dahil sa pagsisisi, dahil sa aksidente ko siyang napatay. Siya lang ang namatay, kaya naguguluhan ako kung bakit nandito rin ako sa kawalan, masakit sa mata ang kulay puting surroundings namin, mas masakit pa sa kulay ng loob ng hospital.I gaped my lips and was about to utter a word ng bigla niyang tinapat ang kanyang palad sa mga mata ko, for a moment everything went dark. Pero hindi rin nagtagal nang makakita ako nang

  • The End Of Us (Taglish)   Chapter Four : Marriage Announcement

    PILIPINAS 2022 (ALTERNATE WORLD)[ CALISTA | JANUARY ]Maraming pasikot-sikot ang mansion na ito or what they called 'kaharian', but I can see some aspects na mahahalintulad talaga sa bahay namin. Katulad na lamang ng wallpapers, at ang iilang artworks na naka-paskil sa second floor. Pero hindi mapapag-kaila na mas malaki ito, parang triple ang laki sa bahay namin, hindi lang iyon, punong-puno nang mga mahahalin at nagkikislapang mga bato, pillars, artworks and furnitures, mas lumaki at humaba ang hallway, dumami ang kwarto, at parang nasa isang maze ako, dahil every bukas ng mga servants ng pintuan sa'min ay panibagong hallway at mga pintuan na naman ang sumasalubong sa'min.Ito na siguro ang dream house ng bawat tao sa mundo; ngayon ko lang na-realize na kapag sobrang dami mo ng pera hindi mo na alam kung saan mo pa gagamitin ang mga ito. Leading you to buy nonsense things, katulad na lamang ng mga statues dito, kulang na lang maging isang museum ang kaharian

  • The End Of Us (Taglish)   Chapter Five : Take My Hand

    PILIPINAS (ALTERNATE WORLD)[ CALISTA | ENERO ]Humahangos akong tumatakbo sa isang mahabang hallway, hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan papunta ang daanan na ito, litong-lito ako sa sarili kong bahay. Ilang beses pa akong natapilok dahil sa mataas na takong ng sapatos ko, dahilan para itapon ko na lamang ito kung saan. Bawat bukas ko ng pintuan ay panibagong pintuan na naman ang sumasalubong sa'kin, hanggang sa mapunta ako sa hallway na ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko but then I abruptly stopped when I saw my face hanging on the wall. Sobrang laki ng painting na ito, nakasuot ako ng isang medieval emerald green ball dress with golden designs, my hair is tied into a half pony tail at sobrang haba ng kulot na buhok ko. I am sitting in an elegant chair at napansin ko ang isang napaka-gandang korona na nakapatong sa ulo ko. I wasn't smiling on the painting, seryoso at walang emosyon ang mga mata ko. Habang tinititigan ko ito nang matagal,

  • The End Of Us (Taglish)   Chapter Six : First Date

    PILIPINAS (ALTERNATE WORLD)[ CALISTA | ENERO ]Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot na queen size bed nang biglang tumunog nang pagkalakas-lakas ang grandfather clock sa corner ng kwarto ko nang pumatak ang alas sais. There's a huge wide body mirror sa harapan ko, kitang-kita ko ang reflection ko; kung gaano kagulo ang buhok ko at kung gaano kalalim ang mga mata ko. Muli kong inuntog ang ulo ko sa headboard ng kama nang paulit-ulit dahil sa inis. Hindi ako nakatulog at mas lalong hindi pa rin ako nakakabalik sa totoong mundo ko. Nandito pa rin ako sa kaharian ng mga Castillo, at kaunti na lang ay nararamdaman kong any moment from now ay mawawala na ako sa sarili.Napatigil ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok ang apat na katulong, bakas ang gulat sa mga mukha nila nang makita ako sa ganitong posisyon, siguro dahil na rin sa hitsura ko pero imbes na husgahan ako katulad nang palaging ginagawa ni Althea ay bigla sil

  • The End Of Us (Taglish)   Chapter Seven : I Was Wrong About Him

    PILIPINAS 2022 (ALTERNATE WORLD)[ CALISTA | ENERO ]"Ganito ba talaga rito? Pare-parehas ng mga damit ang mga tao? Tsaka bakit parang hindi sila masayang makita tayo? I mean, sinalubong nga nila tayo ng palakpakan pero hindi naman sila mukhang masaya." Tanong ko kay Thedore bago ako sumandal pabalik sa upuan at tinuon ang atensyon sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa, kaya naman ang mga balikat namin ay nagtatama na. Naaliw ako kakatingin sa kapaligiran, napakalinis at maraming infrastructures, parang pinagsama ang modern and old times dahil sa mga styles ng mga ito. Marami ring mga bahay na magkakamukha o parehas lang ng disenyo, sa tingin ko'y mga pabahay sila. Marami rin naman kaming nadadaanan na malalaki at mararangyang bahay. Napansin ko rin na kahit sikat na sikat ang araw ay hindi naman ito masakit sa balat. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pare-parehas ng damit ang mga tao. Simpleng yellow dress na hanggang talampakan

Latest chapter

  • The End Of Us (Taglish)   Chapter One : The Start

    PILIPINAS YEAR 2022ENERO"Hey! Wake up!" Nagulat at nasanggi ni Calista ang kanyang notebook sa desk nang bigla siyang sigawan ng kaklase at kaibigan niyang si Serene, lalo na nang patunugin pa nito ang dalawang daliri upang kuhanin ang kanyang atensyon.Napasandal si Calista sa kanyang upuan at kunot-noong napatingin kay Serene. "Dilat ang mga mata mo pero para kang tulog dahil sa lalim nang iniisip mo." Napabuntong hininga na lamang si Calista at iniwas ang tingin sa kaibigan, habang iniisip kung sasabihin niya ba kay Serene ang gumugulo sa isipan niya o mananatili na lamang tahimik dahil baka pagtawanan lamang siya nito kapag sinabi niya ang dahilan kung bakit lumilipad ang isip niya.Napailing na lamang si Serene, sanay na siya sa katahimikan ni Calista, pero ang hindi siya sanay ay sa kinikilos nito ngayon na parang may pino-problema. Nasa loob sila ngayon ng classroom, break time na at sila na lang ang naiwan sa loob. Hindi niya maiwanan si Calista

DMCA.com Protection Status