Kinabukasan. . . Bago pumunta si Dwight sa ospital ay pupunta muna siya sa kanyang kumpanya para sa meeting ng mga board members at ni Angelo Ford. Ngayong araw naka-schedule ang presentation at contract signing sa pagitan ng kumpanya nilang dalawa ni Angelo. Approved naman na kay Dwight ang lahat ng gusto ni Angelo pero kailangan rin niyang marinig ang opinyon ng mga board members niya tungkol sa partnership sa kumpanya ni Angelo. Mahigit kumulang dalawang oras ang naging meeting nila na mas mabilis pa kaysa sa ibang meeting na naganap sa kumpanya ni Dwight na halos abutin ng tatlong oras. Sa husay ni Angelo na sumagot sa mga katanungan lahat impress dahil sa bilis ng utak nito. Nang matapos ang meeting at nagsilabasan na ang ibang board member, naiwan si Dwight dahil inaayos pa niya ang mga papel na sinisilid niya sa kanyang attached case. "Gaano mo na lubos na kilala si Sandy?" Napahinto si Dwight sa kanyang ginagawa sa boses na bigla na lang nagtanong sa kanya. Tumingin siya s
Tumingin ang ale sa sinasabi ni Sandy na tao, saka ngumiti. "Iyon ba, tuba iyon anak. Natural na alak." "Alak? Yung nakakalasing po?" inosenteng tanong ni Sandy. "Oo. Puro iyon at walang halo, pero nakakalasing. Matamis naman siya na may konting pait o asim, pero hindi katulad ng ibang mabibili sa tindahan na unang inom pa lang ay lasa mo na ang pait ng alak." "Talaga ho?" "Oo." Tumingin ito kay Sandy. "Gusto mo bang tikman? Bibigyan kita ng isang maliit na bote para matikman mo ang lasa. Nakaka-adik nga lang inumin dahil may halong tamis." "Puwede ho ba? Baka ho magalit ang may-ari." Tumayo ang ale at tinanaw ang mga taong kumuha ng buko at tuba sa puno ng buko na medyo malayo sa kanila. "Hindi siya magagalit, dahi ako ang may-ari ng bukuhang ito anak." Naging letrang O ang bibig ni Sandy. Hindi kasi masasabing ito ang may-ari dahil kung ano ang suot ng mga taong kumukuha ng tuba at buko ay ganun rin ang suot nito. "H-Hindi nga po?" hindi makapaniwalang saad pa rin ni Sandy
Nabuhayan ng dugo si Dwight dahil sigurado siyang si Sandy iyon, kaya may pag-iingat siyang umupo sa kanyang wheelchair at agad na lumabas ng kwarto, pero nadismaya siya nang hindi si Sandy ang sinasabi ng kanilang katulong, si Amara pala iyon. Ngumiti si Dolores kay Dwight. "Ang tagal din nating hindi nagkita, Dwight. Kumusta ka na?" "Okay naman." Hindi na nasundan pa ang tanong ni Dolores, ngumiti lang ito kay Dwight at bumaling ng tingin kay Celeste. "Puwede na siguro tayong mag-usap, narito na si Dwight." Takang-taka naman si Dwight sa sinasabi ni Dolores. Tumingin si Dwight kay Amara, nakangiti naman ito sa kanya pero hindi na nagtagal pa ang tingin ni Dwight kay Amara dahil gusto niyang malaman agad kung bakit narito ang ina at kapatid ni Sandy. Kung dadalaw lang dito ang in ni Sandy dapat si Sandy ang kasama at hindi si Amara. Naupo sila Dolores at maging si Dwight ay tumabi na rin sa sofa kung saan nakaupo ang kanyang ina. "Alam ko na noong una ay si Sandy ang pinakila
Muling hinawakan ni Dwight ang kanyang telepono makalipas ang ilang oras, pero tuluyan ng nawalan ng pag-asa si Dwight ng tunog na lang na hudyat na wala na ang tinatawagan niya o sadyang pinatay na ng tuluyan para hindi na makontak. Sa nanginginig na kamay, hinawi ni Dwight ang mga naka-display na mga bagay s kwarto na abot ni Dwight. Sumisigaw rin ito habang kinakalat ang mga bagay na nasa kwarto niya. Sa oras na iyon nasa labas na ng mansion ng Montemayor sila Dolores para umalis na kaya maging si Celeste ay nasa labas. Kaya habang nasa kwarto niya si Dylan siya lang ang nakarinig sa mga nababasag na bagay sa loob ng kwarto ni Dwight. Lumabaa siya ng kwarto at nagmamadaling kinatok ang pinto ng kwarto ng kanyang kapatid. "K-Kuya!!" May mga tunog na naman na narinig si Dylan sa loob ng kwarto ni Dwight. Maging ang boses ng kuya niya ay naririnig niyang nagwawala sa loob. "Kuya, buksan mo 'to!!" Hinampas ng hinampas ni Dylan ang pinto ng kwarto ni Dwight. Nag-aalala na rin siya
"Pero, Ma—" "Iyon ang gusto ng kuya mo kaya wala rin akong magagawa para doon." Tumulo ang luha ni Celeste. "Ayoko ng bumalik sa dati ang kuya mo, Dylan. Ngayon pa lang parang magsisimula na ulit dahil sa binalita ni Dolores!" Galit ang nagpakita sa mukha ni Dylan. "Sinabi na kasi sayo Ma, noon pa man na hindi na dapat sa pamilya na 'yon ang pinagkasundo mo kay kuya. Matigas rin kasi ang ulo mo kaya ngayon anong gagawin natin kay Kuya Dwight!" "Huwag mo akong masumbatan, Dylan! Kailangan lang ulit makita ni Dwight si Sandy, at ikaw ang gagawa noon. Bukas simulan mo ng hanapin si Sandy!" Tumawa si Dylan na parang baliw. "Seryoso ka ba, Ma? Hindi ko nga alam kung ano ang itsura ng babae na 'yon, tapos ako pa ang naghahanap sa kanya." Napapikit at pilit na pinakakalma ni Celeste ang nararamdaman niya. "Okay maghahanap na lang ako ng tao para hanapin siya, pero ito lang ang paalala ko sayo, Dylan. Sa oras na makita mo si Sandy huwag kang magsasalita ng masama kung ayaw mong makita
Nawala ang ngiti sa labi ni Sandy. "Busy pa kasi ako," tanging nasagot na lang niya. "Ganon ba, kung wala ka ng sasabihin ay maari na ba akong umalis?" Bilib talaga si Sandy sa lalim magsalita ng lalaki. Kung siya na taga-probinsiya hindi niya halos magamit iyon dahil nakikibagay siya sa mga taga-siyudad dahil mas moderno ang ginagamit nilang salita, kumbaga may ibang salita na hindi na mauunawan kung gagamitin pa ang malalim na pananalita. "Sige, maraming salamat sa pagdala mo ng ulam." "Walang anuman." Yumuko pa ito bago umalis ng tuluyan. Napaisip si Sandy habang tinatanaw palayo si Sandro. Naalala niya ang paraan ng pananalita at kilos ni Sandro, para itong totoong prinsipe kung umasta. Napakunot ang noo niya, hindi nga malabo kung ganon man, bagay naman sa lalaki. Kinuha ni Sandy ang container sa ibabaw ng upuan saka pumasok na ng bahay. Bukas kailangan niyang maagang magising dahil hindi niya matatawagan si Dwight para sabihing babalik na siya at siya na muli ang magiging
Nagpasalamat naman si Sandy ng tahimik dahil malapit lang ang ospital sa lugar na iyon kaya agad na napasok sa operating room si Sandro. Mabilis at detalyado ang sinagawang pagpapaliwanag ni Sandy sa nangyari kay Sandro at sa nakaraang nangyari rito, kaya agad na nagsagawa ng operasyon ang mga doctor doon. Pagod na napasandal si Sandy sa pader sa labas ng operating room. Naubos ang lakas niya dahil masyadong maaga at halos wala pa sa kondisyon ang katawan niya para sa malalang aksidente. Samantala, lumakad ang oras na hindi nakarating si Sandy sa ospital ni Samantha. Halos malapit ng magtanghalian ay naghihintay pa rin si Dwight sa pasilyo ng ospital. Habang si Samantha ay nakabantay at laging tinitingnan si Dwight na hindi na umalis ng puwesto nito. Lumapit si Samantha kay Dwight. "Dwight, mukhang hindi na siya makakarating ngayon." "Puwede mo ba siyang tawagan?" Agad namang kinuha ni Samantha ang telepono niya sa kanyang bulsa. Nag-dial siya at nilapit sa kanyang tenga ang te
"Nahihiya lang po siguro, pero sa operasyon na nangyari, hindi na po siya makakabalik sa ginagawa niyang pag-akyat-baba sa buko, ale." "Mukhang ganon na nga." Humarap muli si Sandy kay Sandro na mahimbing pa rin nag tulog. Mahaba-habang pagpapahinga ang kailangan nito dahil hindi pa ito maaring tumayo o tumihaya ng higa. Baka abutin ng buwan na narito si Sandro sa ospital. "Ako na lamang po ang bahala sa billing niya." Ani Sandy. Umiling ang ale. "Hindi. Ako ang bahala doon anak, wala akong asawa at anak kaya tinuring ko na ring anak si Sandro sa mahabang panahon na nasa poder ko siya, makakabangon muli ako kung sakali na malaking gastos ang kakaharapin namin." Malungkot na napangiti si Sandy, kailan kaya siya magkakaroon ng ganon. Ang kadugo nga niyang ina ay hindi siya maturing na sariling anak, kaya ang suwerte ni Sandro dahil kahit hindi kadugo ay talagang paglalaanan ng pansin at yaman para lang sa kaligtasan nito.Napabuntong-hininga si Sandy. "Kailangan ko na pong umuwi.
Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na
"Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k
"Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s
Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par
Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal
Sinunod ni Dwight ang sinabi ni Sandy, sinukat niya ang bigas at ang tubig bago iyon takpan. Si Sandy na ang naglagay sa rice cooker at pinindot iyon para maluto. Mga ilang minuto rin ang itatagal kaya maliligo muna si Sandy. "Dito ka muna. Maliligo lang ako." "Sige." Umalis si Sandy at naiwan sa kusina si Dwight. Lumapit siya sa ref, pero wala pa pa palang frozen food doon. Ang alam niya merong dalang grocery si Sandy kaya hinanap niya iyon sa mga cabinet na abot niya, pero wala doon. Mukhang nasa itaas, bumalik na lang siya sa dati niyang puwesto para hintayin si Sandy. Habang nakatitig si Dwight sa telepono niya ay naglalakad na si Sandy sa likuran niya para tanungin, "Dwight kumakain ka ba ng sardinas?" "Oo naman." "Iyon nalang ang lulutiin ko para dumami. Wala naman kong ibang maluluto kun'di 'yon lang at noodles, pero gusto ko sardinas ngayon kaya teka lang." Naghiwa ng sibuyas at bawang si Sandy at nilagay sa kawali na mainit. Habang ginigisa iyon ni Sandy ay naaamoy na
Mahimbing na natutulog si Sandy, Hindi nito naramdaman na may nakapasok sa kanyang kwarto. Ngumiti si Dwight nang makita na tulog pa ang dalaga. Palihim talaga siyang pumasok dahil nasa kanya naman ang mga susi at lalo na ng mga hidden fingerprint sensor sa bahay na ito kaya kahit hindi niya tawagan si Sandy na bukas ang pinto ng bahay ay makakapasok pa rin siya. Lumapit siya kay Sandy na nakalilis pa ang damit hanggang sa ibabaw ng pusod. Inayos iyon ni Dwight at mas lalong lumapit kung nasaan ang ulo ni Sandy. Titingnan niya ang mukha ni Sandy na walang makikita kahit isang pimple, pero may napansin siya sa ilalim ng ilong nito, may manipis na bigote. Pinatong ni Dwight ang dalawang kamay niya sa gilid ng kama ni Sandy upang makapagnakaw ng halik sa labi nito, at nang nagtagumpay siya habang inaalis ang labi niya ay malapad siyang ngumiti dahil hindi pa rin nagising si Sandy. "Sandy, gising na." Bahagyang kumunot ang noo ni Sandy habang nakapikit ang mata, pero pamaya-maya ay n
Kinuha ni Dwight ang telepono niya dahil balak niyang tawagan si Sandy at makipag-video call, pero napahinto siya sa wallpaper ng kanyang telepono. Si Sandy na bagong gising habang nakatulala at nakahawak sa ulo. Pinagmasdan muna niya iyon bago tumawag kay Sandy. Taranta naman si Sandy na sagutin ang tumatawag dahill kalalabas lang niya ng banyo at nakatuwalya lang, wala na siyang nagawa nang napindot na niya ang green na button at bumungad na sa screen ang mukha ni Dwight. "Sandy, hindi kita makita." Tinapat na lang ni Sandy sa kanya mismong mukha ang screen ng telepono para hindi makita ni Dwight na nakatuwalya lang siya. "Ang lapit naman masyado ng mukha mo. Hindi ko makita ng maayos." Wala ng nagawa si Sandy, kaya nilayo ng konti ang telepono sa kanya, kaya maging ang kalahati ng katawan niya na may tuwalya ay kita ni Dwight. Napalunok si Dwight at bahagyang umiwas ng tingin nmhabang nagsasalita, "Bakit hindi mo naman sinabi agad? Magbihis ka na muna." Agad namang sumunod
"Hindi kita kilala para magpunta rito, pero dahil hindi naman ako busy ay pinagbigyan kitang makausap ako. Ngayon, ano ang kailangan mo sa akin?" "Pasensya na kung nabigla ka sa pagpunta ko rito, pero hihingi sana ako ng tulong mula sayo." "Tulong?" "Oo, para sana sa negosyo namin. Kailangan kasi namin ng malaking pera para muling makausad." Ngumisi si Raul. "Hindi ako ang tamang tao para hiraman mo ng pera, misis." "Utang na loob na lang Mr. Raul. Iyon na lamang po para magpahiram lang po kayo ng pera o makipagsosyo sa amin." Kumunot ang noo ni Raul. "Utang na loob? Hindi nga kita kilala, bakit magkakaroon ako ng utang na loob sayo." Ngumiti si Dolores kahit kinakabahan na siya sa sinasabi niya, "Tanda mo pa ba ang doctor na nakapagpagaling sayo noong na mild stroke ka at hindi mo malakad ang iyong mga paa, ako ang ina ng dalaga na iyon. Na kwento niya rin na kung sakaling may problema ay puwede siyang manghingi ng tulong mula sayo. Kaya ako narito." "Si Doctor Rivera?" "Oo,