Faith
Hangga't naniniwala ka. Malalagpasan mo ang lahat ng mga dagok na siyang darating sa buhay mo. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundong it. Nakadepende sa'yo o sa tatahakin mong daan.
👨⚕️HIDEO ADONIS
Isa na yata ito sa pinakamasayang pasko ng buhay ko habang ako'y nandito sa Barcelona. Hindi ko inaasahan na darating ang aking pinakamamahal na si Sychelle. Nakangiti ako habang hawak niya ang kamay ko. Nilingon niya ako habang tumatakbo siya at hila-hila ako.
"Mahaaaal! Dali! Baka mahuli tayo sa fountain show!" hiyaw niya habang patuloy akong hinihila.
Ngumiti ako ng matamis at sinunod ang hiling niya.
Natatanaw ko ang napakagandang Sagrada Cathedral na siyang paborito naming spot dito sa Barcelona ni Sychelle. Malapit na kami sa may fountain na sinasabi niya sapagkat malapit lang naman iyon doon.
Napakaraming tao dahil Christmas eve. Napakasayang pamasko ito sa akin dahil nakasama ko ang aking pinamamahal.
Napahinto kami. Nagtinginan kami at napangiti muli sa isa't-isa.
Saktong nagsimula na ang fountain show kasabay ng pagsapit ng pasko.
"Woooohhh Merry Christmas!" sabay naming sigaw.
Hinila ko siya paharap sa akin. Patuloy lang sa pagtaas ang fountain.
Tinitigan ko siya.
"Mahal na mahal kita." I said then, I kissed her forehead.
"Pinakamamahal din kita..."
May kinuha ako sa bulsa ko. Alam ko, ito na ang oras.
Hawak ko ang isang maliit na kahon. Muli akong napatingin sa kanya sabay lumuhod.
"Mahal, We've been together since our highschool days. At sa paglipas ng panahon, lalo tayong tumitibay at pinakamamahal ang isa't-isa. I think this the time upang mag settle tayo... Mahal, Sychelle Dayle Fernandez...will you marry me?" wika ko ng taos puso habang nakatingala sa kanya. Hindi ko na rin naiwasan na tumulo ang luha ko.
Napatitig siya sa akin habang napatakip niya ang kamay niya sa kanyang bibig.
"Yes! Hideo! I will marry you! Yes! Yes!" tuluyan akong naluha. Pagkasuot ko ng singsing sa kanya ay niyakap ko siya sabay binuhat at inikot -ikot.
Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin. Saktong nagpaputok na ng fireworks sa kalulapan na siyang lalong nagpaganda sa paskong ito.
Muli kaming nangkatitigan. Ngunit habang inilalapat ko ang aking labi sa kanya ay siyang unti-unti niyang...paglaho...
"SYCHELLE!"
Napabalikwas ako ng bangon. Napatingin ako sa paligid ko. I'm still here at my room. Nakita ko ang oras sa wallclock. It's already five in a morning.
I felt my chest crumpled. Napahawak ako doon. Hindi ko ito pwedeng sobrang kimkimin.
My tears is started to fell. "Sychelle...miss na miss na kita...mahal...miss na miss na kita..."
Tumayo ako at nagtungo sa isang painting na siya mismo ang gumawa. Napanaginipan ko siya.
Sana hindi na lang ako nagising sa isang magandang panaginip na ''yon.
Kinuha ko ang painting at niyakap. Patuloy lang ako sa pag-iyak.
Napakatagal na nung mawala siya. But still it's feels like yesterday. Iyong hindi ko inaasahan na ang magiging pasyente sa emergency room ay ang babaeng mahal ko. And worst...nasaksihan ko kung paano siya binawian ng buhay.
I think that was the scar in my heart that would never heal.
"Sana nandito ka pa Synch...mahal...sana nayayakap pa kita..."
Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa painting.
The Christmas day is coming again. Nung pag-uwi ko nga kanina ay naka decorate na ang buong mansyon.
Nung nawala si Synchelle ay never na akong nag celebrate ng pasko. And for this year ay request ni Harmony. At para sa mga Doctor at Nurses na gustong dito sa mansyon ganapin ang christmas party.
Wala naman akong ibang naaalala sa araw ng pasko kundi ang araw na nag-propose ako ng kasal kay Sychelle.
Minsan nga gusto ko humanga sa sarili ko. Paano ko nga ba kinakaya ang lahat? Paano ko nasusuot ang maskara upang ipakita sa lahat na ayos at masaya ako.
Pero sa loob-loob ko ay para na akong patay. Ni hindi ko na nga alam ang patutunguhan ng lahat.
Ang iniisip ko lang ay para na ito sa kapatid ko at sa HC pati ba rin sa mga negosyong pinaghirapan ng mga magulang ko.
Kay Harmony ako humuhugot ng lakas upang magpatuloy. Dahil kung sumuko ako. Paano siya? Maiiwan siyang mag-isa. Ayokong maranasan niyang maging mag-isa dahil sobrang sakit iwanan ng mga taong pinakamamahal mo.
Marami pa akong mga buhay na dapat iligtas. Marami pa akong dapat gamutin sapagkat iyon ang tungkuling sinumpaan ko.
Pangarap ko ito na siyang pangarap din sa akin ni Sychelle. Hindi man niya naabutan na naging ganap akong Doctor. Alam ko...masaya siya na naabot ko ang pangarap naming dalawa.
Napatayo ako at muling isinabit ang painting.
Panibagong umaga. Panibagong buhay muli na ililigtas. Panibagong araw ng buhay ko na siyang dapat kong kayanin.
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nagtungo na ako sa dining area. Nandoon na si Harmony.
"Good morning Kuya Adonis!" masiglang bati niya.
"Wow! Mukhang good mood ka ah. Good morning!" pabalik na bati ko, saka umupo sa upuan ko.
May mga breakfast nang nakahain. Usually ay madami talaga kaming kinakain ni Harmony every morning. Kinasanayan na at dapat naman talaga.
"Ofcourse Kuya, nalipat kasi ako ng shift sa Nursery. And I'm really excited about it."
Napakahilig niya talaga sa mga babies. Hindi naman ako ang nag-aayos ng mga shifting schedules nila even if na kami ang may-ari ng HC. Gusto ko pa rin na fair ang tingin sa lahat.
"Good for you, how about your medical school entrance exam? Naasikaso mo na ba?" tanong ko.
Biglang nawala ang ngiti niya.
It's been a 4 years simula nung gum-raduate siya ng nursing. And then naaksidente sila ni Mom at Dad. Hindi lamang ako ang may pangarap na maging Doctor din siya.
"Ah... Kuya, yes. Nakapagpasa na ako ng application. Exam day nalang ang waiting ko."
Napangiti ako.
"That's good. Don't worry tutulungan naman kita sa board exam."
Tumango-tango siya at pinagpatuloy ang pagkain.
Sobrang kampante na ako ngayon para sa kanya. Alam ko naman na hindi niya ako bibiguin. Pati si Mom at Dad.
--
Marikah
Sychelle Morales"Ay putang-"
Hindi ako lumingon dahil alam kong si Clarina iyon. Kay aga-aga, napaka makasalanan ng kanyang salita.
Nagpatuloy lamang ako sa pagno-novena. Hindi ko pwedeng alisin ang siyang kinasanayan ko na sa probinsya.
Matapos kong maghuling mystery ay nag sign of the cross ako at saka tumayo.
Itinaas ko ang belo ko saka nilingon na si Clarina.
"Aatakihin ako sayo Marikah!"
"Ikaw naman, para namang hindi ka sanay mag novena at rosaryo."
Parang noon ay siya pa ang nag-aaya sa akin na magnovena.
"Syempre noon 'yon! At kasi naman! Pakahaba ng suot mong puti akala ko may multo na kanina. Nakakaloka ka!"
Nailing na lamang ako. Tuluyan na yata talaga niyang kinalimutan kung ano siya dati.
Ganito yata talaga ang nagagawa ng Maynila sa isang tao. Napapabago hindi lang ang gawi kundi pati ang ugali.
Na siyang hindi ko dapat pamarisan habang nandito ako. Kay ganda pa naman ng mga simbahan dito kaya bakit pugad ang siyudad ng mga makasalanan?
"Aalis pala ako, ngayon ako may interview at magpapasa ng requirements sa HC Medical City." Paalam ko sa kanya.
Hinagod niya ang paningin niya sa kabuuan ko.
"Seryoso ka ba suot mo Marikah? Sobrang haba baka mapagkamalan ka rin multo roon."
"Wala naman akong nakikitang masama sa suot ko. Sila naman ang magkakasala kung huhusgahan nila ako."
Napairap lang siya.
"Okay fine, ingat ka. Text ka kung ano oras ka uuwi upang makapagluto ako bago ako pumasok sa work." Paalala niya.
Nginitian ko siya. Kada gabi siya kung pumasok sa trabaho. Isa siyang modelo pagkatapos ay CCA sa mga high class na hotels.
Nang makita ko ang mga sinusuot niya doon ay napa sign of the cross na lang ako. Paano niya kinakaya ang magsuot ng gano'n?
Pero masama ang manghusga. Kaya sana pagdating ng araw ay maging mulat na siya.
Lumabas na ako sa unit ni Clarina. Dahil nakatira na rin ako sa Condo niya ay kailangan ko na magbigay sa kanya ng pang-upa.
Sumakay ako ng jeep patungo sa HC Medical City. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Lalo pa't nalimutan kong alisin ang belo ko.
Pero nasanay na akong naka belo kahit lumalabas kaya bahala na.
Nagtungo ako sa nurse station.
"Excuse po, tanungin ko lang po sana if saan po ang admin office?" tanong ko sa magandang nurse na kaharap ko. Napatingin ako sa nameplate niya. 'Mice' ang nakalagay.
Ang cute naman ng name niya.
"Hi, sakay ka elevator tas pindutin mo ang eleventh floor pakalabas mo roon, liko ka sa kanan. Makikita mo na ang Admin office." Buong giliw niyang sambit.
Napangiti ako. Ang bait ng mga nurse dito. Hindi sila nakaka intimidate kausapin. Sa general hospital kasi kung saan ako nag OJT noon at laging nakasimangot ang mga Nurses. Akala mo ay laging pinaparusahan. Tapos iyong iba ay ang susungit sa aming mga Intern.
"Maraming salamat po." Nakangiti ko ring sabi.
"Walang anuman. Kung bagong Nurse ka. Welcome dito!"
Lalo akong ngumiti ng matamis. Mukhang tama lang talaga na dito ako nagtrabaho.
Napakaganda nitong HC Medical City. Ang high-tech ng mga facilities.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang eleventh floor. Ako lamang ang nakasakay kaya isinara ko na.
Napakataas din ng Hospital na ito. Nasa 20th floor yata.
Nang nasa 5th floor na ay huminto ang elevator at bumukas iyon.
Napatingin ako sa Doctor. May hawak siyang chart. Nagtama ang aming mga mata.
Parang pamilyar siya...
Nakakunot noo lamang siyang pumasok sa loob. Pinindot niya ang 15th floor.
Umusog ako. Lalo kong ibinaba ang belo ko. Inaaalala ko kung kailan o saan ko siya nakita.
O baka, akala ko lang?
Nagtuloy-tuloy lamang ang pagtaas ng elevator. Nang huminto sa eleventh floor ay lumabas na ako. Nang nilingon ko siya muli ay sumara na ang pinto ng elevator.
Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit tila interasado ako na maalala kung saan ko siya nakita?
Hay nako. Makapagnovena nga ng mahaba mamaya.
Nagtungo ako sa admin office. Pagkapasok ko sa loob ay maganda rin ang approach sa akin ng nandoon.
Matapos akong i-final interview ay ibinigay ko ang mga requirements ko. Sinabi na rin sa akin kung ano ang schedules ng trainings ko. Ang uniforms ay ibibigay sa mismong training day.
Kaya hindi mawala ang ngiti ko. Hanggang sa madaanan ko mini chapel ng hospital na ito.
Sakto dahil lubos akong magpapasalamat sapagkat opisyal na akong maglilingkod sa hospital na ito. Nang papasok ako ng chapel ay napahinto ako.
Naalala ko na!
Ang lalaking nakasabay ko kanina sa elevator! Siya yung lalaki sa Cathedral na pinahiram ko ng payong ko.
Ang liit nga naman ng mundo.
Nakakatuwa naman.
--
Patience Napakahalaga na parte ng ating buhay ang pasensya. Para sa kapayapaan ng ating damdamin. Hindi dapat tayo nagmamadali sa mga bagay na gusto nating mangyari. Kumbaga, may nakalaan na para sa'tin kaya dapat ay matiyaga natin itong hintayin na may kalakip na pasensya.👨⚕️ HIDEO ADONISKasalukuyan akong nagra-rounds sa pasilyo ng 8th floor. Ito ang ward para ss mgs senior citizens. Ang Hospital namin ay by order ang mga pasyente. Mayroong ward na para lamang sa mga bata, expectant mothers, may malalalang kondisyon sa respiratory system upang maiwasan ang hawaan, ward para mga babies, mga nasa middle ages, teenagers, at ito nang senior citizen ward.Mayroon akong pasyente na siyang dumaan ng surgery sa akin. Nakakatuwa, he's survive that critical surgery na ginawa namin. Abo't-abot ang dasal namin ng team ko na magtagumpay kami.At nagtagumpay nga kami sa operasyon. Nagre-recover na siya ngayon.Pagkatapat ko sa private room kung saan siya naka admit ay kumatok muna ako. May nag
HappinessKailan nga ba tayo huling naging tunay na masaya? Kailan natin nasabi sa ating sarili na masaya pala ang mabuhay? Kailan natin nadama ang maging masaya sa piling ng iba? Kailan ba natin naisip na dapat na tayong maging masaya? Kailan mo pipiliin na tuluyang sumaya?👨⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGNKadalasan.Hinihiling ko na sana ay hindi na ako nagigising sa tuwing nakakasama ko siya sa mga panaginip ko. Kasi wala namang ibang ikasasaya ang puso ko kundi ang muli siyang mayakap, mahawakan, at makausap.Dito lagi sa panaginip. Natatanaw ko siya, nalalapitan at kung minsan ay masaya naming binabalikan ang aming mga magagandang ala-ala.Ginawa nga ba ang panaginip para sa mga taong nangangarap o para rin ito sa mga taong nangungulila, kagaya ko?Siya at ako lamang.Siya na kasiyahan ko.Siya na lagi kong hinihiling na muli kong makapiling.Sapagkat sobra ko na siyang sabik na makasama.Napakaraming bagay at pangarap na nais ko pang tuparin na kasama siya.Dito na lang ba sa pan
CourageAng pagbibigay ng tulong ng taos sa puso ay isa sa mga magandang katangian na dapat ipakita habang tayo ay nabubuhay. Ang lahat ng ginagawa ay mayroong balik sa atin, maging ito man ay mabuti o masama.👨⚕️DR. HIDEO ADONIS CANLIAGNKatatapos lamang ng duty ko at pauwi na ako habang lulan ng aking sasakyan. Hindi ko maiwasang mapangiti sapagkat successful ang mga naging operation ko kanina. May buhay na naman na muling nadugtungan. Hindi ko na nga mabilang ang mga naoperahan ko pero lahat ng iyon ay naging matagumpay. Pero minsan kung sakali man na mayroong hindi palarin na mailigtas ay kailangan na lamang iyon tanggapin kahit sobrang hirap.Napakahirap mawalan ng mga mahal sa buhay kaya kailangan lagi na patibayin ang loob dahil sa mundong ito ay mayroon talagang dumarating at siyang lilisan rin. Napatingin ako sa panyo na siyang ibinigay sa akin ng isang babae walong taon na ang nakalilipas. Magkaparehas pa sila ng pangalan ni Nurse Marikah. What a coincidence.Sayang lang k
ACCEPTANCELiving a happy life means learning to embrace the circumstances that come your way. Challenges will always be present, but they vary with each situation.👨⚕️HIDEO ADONISQuarter to six in the morning ay nagising na ako sa tunog ng alarm clock ko dahil may duty at operation ako ng eight o'clock. Bumangon na ako at dumeretso sa restroom. Natutuwa ako na nitong mga nakaraang buwan at araw ay nagiging maganda na ang tulog ko at sana ay magtuloy-tuloy na. Pagkalabas ko sa restroom, I wear my usual hospital uniform at kumuha ng isang white long coat saka ko kinuha ang square bag ko na regalo sa akin ng hindi ko na maalala kung sino. Makakalimutin din kasi ako. Lumabas na ako ng kwarto ko. Habang naglalakad sa pasilyo ay napahinto at napalingon. Gayon na lamang ang gulat ko nang may makitang babae na nakamahabang puting damit at nakabelo na siyang nakatabon sa buong mukha niya. "Ay Diyos ko po!" Hindi ko naiwasang napasigaw sa gulat at napasandal pa ako sa pader, napahawak
ACTIONSSa ating mga kilos kung minsan naipapakita natin ang ating karakter na kung sino o ano ang ating natutuhan habang nabubuhay sa mundong ito.---👨⚕️ HIDEO ADONISPakasuot ko muli ng white coat ko after the six hours of surgery that I performed. Nangalay ang balikat at braso. Kaya inikot-ikot ko muna ang kaliwang balikat ko habang patungo sa clinic office ko. Habang palakad ay nakatuon ang mga mata ko sa Nurse station na katapat lamang ng clinic office ko. Napansin ko na wala si nurse Marikah doon, kundi ang kasama niya sa shift na si Nurse Chrystallene.Pagkatapat ko sa pinto at tinanong ko siya. "Where's Nurse Marikah?"Napatingin siya sa akin at magiliw na nginitian ako. Parang gusto ko rin na mag sign of the cross kapag nakikita ko siya. Sobrang kahawig niya ang birheng Maria. Kahit na nabibilang siya sa mayamang pamilya ay nag-pursue siya na makapasok dito at maging independent na tao."Nag-rounds po si veil girl Marikah, Dok."Tumango-tango ako. "Paki sabi sa kanya pagba
CompassionSa mundong nababalot ng mga taong hindi nakakaramdam ng awa sa kanilang kapwa, piliin palagi na maging mabuting tao, totoo man ang hindi ang langit para sa pabuya ng Diyos, ang mahalaga ay namuhay ka ng walang pag-iimbot.📿MARIKAH SYCHELLEEarlier...May isang linggo na ako rito sa kila Dok Hideo. Tama si Nurse Harmony na mas madalas ay hindi siya umuuwi. Siguro sa loob ng isang linggo ay dalawang beses ko lamang siya naabutan sa napakalaking tahanan nila. Kaya buong linggo ay si Nurse harmony lamang ang nakasama ko. Kung umuuwi man siya ay maaga siya ay nagkukulong siya sa kanyang silid o hindi naman kaya ay maaga siyang umaalis. Pero nung linggo ay nagkasama-sama naman kami na magsimba sa Sto. Domingo church. Pagkatapos non ay kumain kami sa isang chinese restaurant—iyon ang unang pagkakataon na makakain ako ng authentic na chinese food. Napag-alaman ko na purong Chinese ang kanilang Mama kaya ang middle name nila at 'Teh' hindi nakapagtataka na kaya magaling sila sa ne
PurityAng purong kalooban na hindi dapat nawawala kahit pa sa paglipas ng panahon. 👨⚕️HIDEO ADONISNaka-monitor ako ngayon sa bawat cctv footages na siyang nasa appear sa tatlong Apple brand monitor ko. Konektado ito sa security team ng Hospital, pero ginusto ko na rin na magmonitor lalo na kung walang naka schedule na surgery. Nalilibang akong mag-monitor at mag-record ng ginagawang kakaiba ng bawat station. Sinisigurado ko rin ang kaligtasan ng bawat pasyente. Maging ang mga taong lumalabas pasok ng Hospital. Itinuturing kong tahanan ang Hospital na ito at pamilya ko ang mga Nurses at Doctors na siyang naglilingkod rito. Para kung mayroong man na mangyari na hindi inaasahan ay may kopya ako na records. Nakita ko ang ward kung nasaan ngayon si nurse Marikah. Ginalaw kong cursur at pinindot ang box kung nasaan siya at nag-expand ito sa monitor. Siya lang naman ang laging nakasuot ng veil kaya madali ko lamang siyang makita o mahanap parati sa cctv footages. Kasalukuyan siyang ma
Trigger warning ⚠️Depression and self harm.SolaceGustuhin man natin na makaalis kaagad sa madilim na parte ng ating buhay, subalit ito'y nakatakda nating lakaran hanggang sa matanaw natin ang kaliwanagan.👨⚕️HIDEO ADONISNapapikit ako habang dinaraman ang malamig na hangin na siyang nagmumula sa dagat. Napagtanto ko mabuti nalang at dito ang suhestiyon ni Dok Rat na mag-celebrate ng promotion ni Nurse Cat. Dahil mukhang hinahanap-hanap na rin ng aking paningin ang dagat, maging ang makalanghap ng sariwang hangin na siyang nagmumula rito.Naramdaman ko isang kamay na siyang tumapik sa balikat ko. Muli kong iminulat ang aking mga mata at bumaling sa kung sino ito."Salamat sa buong araw na pag-aasikaso, Dok Hideo." Nakangiting sambit niya, iniabot niya sa akin ang isang champagne glass.Tinanggap ko naman ito at idinikit sa hawak niya rin na champagne glass."Tumulong ka rin, kaya mas napadali."Parehas na kaming tumanaw sa pag-alon ng dagat. Mabuti at hindi naging masungit ang pan
DevotionAng tunay na pag-ibig ay hindi lamang matatamis na salita o panandaliang saya. Ito ay isang banal na pangako—isang pusong handang umunawa kahit masakit, isang kaluluwang nagpapatawad kahit hindi humihingi ng tawad, at isang diwang nananatili kahit walang katiyakan. Ang pag-ibig ay hindi makasarili; ito ay isang sakripisyong kusang loob, isang tiwalang hindi nagdududa, at isang alay na walang hinihinging kapalit. Sapagkat ang tunay na pagmamahal ay hindi natitinag ng panahon, hindi sinusukat ng layo, at hindi kailanman nagwawakas.👨⚕️HIDEO ADONIS 3 weeks ago..."What if? Ulitin mo ang confession mo kay Nurse Marikah? Ang sagwa talaga ng November 1 eh..." Napatingin ako kay Dok Rat habang nagbabasa muli ng mga papeles sa isang folder. Narito na kami sa opisina ko. Kanina pa ako tapos mag-rounds at hindi ko na naman alam kung bakit nandirito siya. "Huh? Paano?" Gusto ko na nga makalimutan muna kahit paano ang kapalpakan ko na nag-confess sa araw mismo ng mga patay. Tapos,
ChristmasAng tunay na kahulugan ng Pasko ay hindi makikita sa makislap na ilaw o magagarang handa, kundi sa pusong handang umunawa, magpatawad, at magmahal nang walang hinihintay na kapalit. Sapagkat ang Pasko ay pag-ibig—isang pagmamahal na nagbibigay, nagsasakripisyo, at nagpapala.📿 MARIKAH SYCHELLEUnang araw ng Simbang gabi. Ako'y nalulumbay pa rin sapagkat hindi na talaga umuuwi ng mansion si Dok Hideo. Kapag nakikita ko naman siya rito ay sobrang abala niya sa kanyang mga surgical procedures lalo na maraming naho-hospital ngayong holiday season. Mabuti na lamang at nasabihan ko si Mang Guido na sunduin ako ng maaga pagtapos ng duty ko dahil magsisimbang gabi ako sa Sto. Domingo Church.Ito ang unang pagkakataon na magsisimbang gabi ako sa ibang simbahan sa taon na ito. Kailangan kong kumpletuhin ang siyam na gabi sapagkat kinasanayan ko na rin ito lalo na at kaarawan ko mismo ang araw ng pasko.Nagulat ako na hindi natuloy ang pagkawala ng duty ni Dok Philip. Pero nakiusap si
Jealousy Ang panibugho ay hindi tanda ng pagmamahal kundi ng takot—takot na mawalan, takot na hindi sapat, at takot na may ibang mas karapat-dapat.📿MARIKAH SYCHELLE Hinawi ko ng marahan ang kamay ni Dok Philip nang akma nitong pupunasan ng tissue ang luha ko. "Ako na po, Dok..." Kinuha ko sa kanya ang tissue at ako na ang nagdampi sa pisngi ko. "Kanina mo pa ako hindi sinasagot, Nurse Marikah. Bakit ka umiiyak? At sino'ng nagpa-iyak sa 'yo?" tanong niya at muling ibinulsa ang kanyang mga kamay sa bulsa ng white coat niya. "Wala po Dok, may kinimkim lamang po ako na sama ng loob at hindi ko na kinaya kaya napahagulgol na lamang ako." Paliwanag ko, sapagkat iyon naman ang katotohanan. Masyado kong niloloko ang sarili ko na isipin na ayos lamang ako matapos kong malaman ang patungkol sa namayapang kasintahan ni Dok Hideo. Hindi ko rin mawari ang aking sarili kung bakit ako labis na nasasaktan. Dahil ba sinasabi niya lang na mahal niya ako, na gusto niya ako dahil lang kapanga
MissingSa bawat pintig ng puso ko, pangalan mo ang sigaw. Sa bawat saglit na lumilipas, ikaw ang hinahanap.👨⚕️HIDEO ADONIS"Ano kamo?! Nag-confess ka kay Marikah noong araw ng mga patay?!" Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Dok Rat matapos ko itong sabihin sa kanya. "Anak ka talaga ng tatay mong—pogi! Bakit naman sa dami ng petsa ay November 1 mismo?!" Naihilamos niya muli ang palad niya sa mukha niya. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na sabihin sa kanya ang ginawa ko ng gabing iyon. Pero iyon ay hindi lamang bugso ng damdamin ko kundi tunay na nadarama ko para kay Marikah. 'Di ko nga lang naisip ang petsa nang oras na iyon. Kaya mukhang ayaw din maniwala ni Marikah. Wala akong narinig na na sagot sa kanya, sa makatuwid ay nagpaalam lamang siya na gusto na niyang matulog at magpahinga. Tila doon lamang ako nagising sa kung ano ang aking nasabi. Iniisip ko tuloy kung labis siyang hindi nagingkomportable sa aking mga pinagsasabi. "Ang mahalaga, nasabi ko na
ExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi
ExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi
HoldAng paghawak ay hindi lamang tungkol sa pagkapit sa isa't isa sa gitna ng bagyo, kundi tungkol sa pananampalataya na ang pag-ibig ninyo ay mas malakas kaysa sa anumang unos. Ito ay pagtitiwala na kahit ang mga sugat ay maghihilom, at ang mga luha ay magpapalalim sa inyong kwento.📿MARIKAH SYCHELLENapaka bilis ng mga araw na nagdaan, ngayon ay dalawang araw na lang ay Disyembre na. Parang kailan lamang nang dumalaw ako puntod ng magulang ko upang gunitain ang kanilang kamatayan. Ang araw din na iyon ay hindi ko malimutan matapos kong makita si Dok Hideo na lumuluha habang nasa Shrine of Our Lady of Caysasay kami. Maging ang mga bagay na naganap nang kami ay tuluyan ng umuwi. Habang nasa pinaka gitna ako ng aisle at nakatingala sa hinahangaan kong fiasco art ng simbahan ay napapikit ako upang damhin an presensya ng Panginoon. Ganito lagi ang aking nadarama sa tuwing magtutungo ako rito. Ang tahimik at napaka gaan na presensya ng buong simbahan na siyang sumimbolo na dito'y tunaz
ElegyAng bawat patak ng ulan ay tila luha ng kalangitan, nagdadalamhati sa pagkawala ng iniibig. Ngunit sa likod ng ulap, may araw na naghihintay, handang magbigay-liwanag sa mga pusong sugatan.📿MARIKAH SYCHELLEHindi ko maiwasan na mapangiti nang ilagay ko sa lababo ang dalawang bowl ng pinagkainan namin ni Dok Hideo. May tatlong araw na rin akong naka sick leave. Ramdam ko naman na nakakabawi ang katawan ko. Isa na rin siguro sa dahilan ay nakakaligtaan ko ang pag-inom ng mga vitamins na siyang libre naman na ini-issue para sa aming mga Health care workers. Minsan kasi pag-uwi ay mas ginugusto ko na lamang na magpahinga. Dala na rin na nag-iba ang shift schedule ko kaya nag-adjust ng sobra ang body clock ko. Pero sa unit pa rin naman ako ni Doctor Hideo nakahanay. Kami pa rin ni Nurse Chrystallene ang magkasama. Pero ang student-Nurse na si Mraxia namin ay nalipat sa ibang unit. Sa labor and delivery, pero napapadaan naman siya sa station at ikinu-kwento kung gaano kasungit si D
FondAng mga alaala ng taong mahalaga sa atin ay parang init ng araw—hindi laging nakikita, pero laging nararamdaman.👨⚕️HIDEO ADONISNagbabadya na ang pagbuhos ng ulan nang makarating kami sa Lomihan ni Aling Milings. Kadalasan ay mga hapon o gabi ang dagsa ng tao rito. Nakita ko naman na hindi gaano karami ang mga kumakain kaya makakapili kami ng pwesto na tabi ng bintana na siyang overlooking sa bulkang Taal.Pagka-park ko ay mas lumalakas na ang pag-ambon kaya kinuha ko ang payong at bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ang payong at nagtungo sa gawi niya saka siya pinagbuksan siya ng pinto. Mas dumarami ang pagpatak ng ambon kaya inalalayan ko siya sa pagbaba dahil baka matalisod siya pagbaba lalo na at hindi sementado ang kinatitirikan ng parking area. Nang makababa ay kaagad ko siyang isinukob sa payong upang hindi siya maambunan. Pero mas lumabas ang pagbagsak ng ulan. Nagtinginan kami at natulos sa kinatatayuan namin. Kailangan namin na mas lalong idikit ang isa't-isa upang wa