Chapter: 38-DevotionDevotionAng tunay na pag-ibig ay hindi lamang matatamis na salita o panandaliang saya. Ito ay isang banal na pangako—isang pusong handang umunawa kahit masakit, isang kaluluwang nagpapatawad kahit hindi humihingi ng tawad, at isang diwang nananatili kahit walang katiyakan. Ang pag-ibig ay hindi makasarili; ito ay isang sakripisyong kusang loob, isang tiwalang hindi nagdududa, at isang alay na walang hinihinging kapalit. Sapagkat ang tunay na pagmamahal ay hindi natitinag ng panahon, hindi sinusukat ng layo, at hindi kailanman nagwawakas.👨⚕️HIDEO ADONIS 3 weeks ago..."What if? Ulitin mo ang confession mo kay Nurse Marikah? Ang sagwa talaga ng November 1 eh..." Napatingin ako kay Dok Rat habang nagbabasa muli ng mga papeles sa isang folder. Narito na kami sa opisina ko. Kanina pa ako tapos mag-rounds at hindi ko na naman alam kung bakit nandirito siya. "Huh? Paano?" Gusto ko na nga makalimutan muna kahit paano ang kapalpakan ko na nag-confess sa araw mismo ng mga patay. Tapos,
Last Updated: 2025-02-05
Chapter: 37- ChristmasChristmasAng tunay na kahulugan ng Pasko ay hindi makikita sa makislap na ilaw o magagarang handa, kundi sa pusong handang umunawa, magpatawad, at magmahal nang walang hinihintay na kapalit. Sapagkat ang Pasko ay pag-ibig—isang pagmamahal na nagbibigay, nagsasakripisyo, at nagpapala.📿 MARIKAH SYCHELLEUnang araw ng Simbang gabi. Ako'y nalulumbay pa rin sapagkat hindi na talaga umuuwi ng mansion si Dok Hideo. Kapag nakikita ko naman siya rito ay sobrang abala niya sa kanyang mga surgical procedures lalo na maraming naho-hospital ngayong holiday season. Mabuti na lamang at nasabihan ko si Mang Guido na sunduin ako ng maaga pagtapos ng duty ko dahil magsisimbang gabi ako sa Sto. Domingo Church.Ito ang unang pagkakataon na magsisimbang gabi ako sa ibang simbahan sa taon na ito. Kailangan kong kumpletuhin ang siyam na gabi sapagkat kinasanayan ko na rin ito lalo na at kaarawan ko mismo ang araw ng pasko.Nagulat ako na hindi natuloy ang pagkawala ng duty ni Dok Philip. Pero nakiusap si
Last Updated: 2025-02-02
Chapter: 36- Jealousy Jealousy Ang panibugho ay hindi tanda ng pagmamahal kundi ng takot—takot na mawalan, takot na hindi sapat, at takot na may ibang mas karapat-dapat.📿MARIKAH SYCHELLE Hinawi ko ng marahan ang kamay ni Dok Philip nang akma nitong pupunasan ng tissue ang luha ko. "Ako na po, Dok..." Kinuha ko sa kanya ang tissue at ako na ang nagdampi sa pisngi ko. "Kanina mo pa ako hindi sinasagot, Nurse Marikah. Bakit ka umiiyak? At sino'ng nagpa-iyak sa 'yo?" tanong niya at muling ibinulsa ang kanyang mga kamay sa bulsa ng white coat niya. "Wala po Dok, may kinimkim lamang po ako na sama ng loob at hindi ko na kinaya kaya napahagulgol na lamang ako." Paliwanag ko, sapagkat iyon naman ang katotohanan. Masyado kong niloloko ang sarili ko na isipin na ayos lamang ako matapos kong malaman ang patungkol sa namayapang kasintahan ni Dok Hideo. Hindi ko rin mawari ang aking sarili kung bakit ako labis na nasasaktan. Dahil ba sinasabi niya lang na mahal niya ako, na gusto niya ako dahil lang kapanga
Last Updated: 2025-01-31
Chapter: 35-MissingMissingSa bawat pintig ng puso ko, pangalan mo ang sigaw. Sa bawat saglit na lumilipas, ikaw ang hinahanap.👨⚕️HIDEO ADONIS"Ano kamo?! Nag-confess ka kay Marikah noong araw ng mga patay?!" Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Dok Rat matapos ko itong sabihin sa kanya. "Anak ka talaga ng tatay mong—pogi! Bakit naman sa dami ng petsa ay November 1 mismo?!" Naihilamos niya muli ang palad niya sa mukha niya. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na sabihin sa kanya ang ginawa ko ng gabing iyon. Pero iyon ay hindi lamang bugso ng damdamin ko kundi tunay na nadarama ko para kay Marikah. 'Di ko nga lang naisip ang petsa nang oras na iyon. Kaya mukhang ayaw din maniwala ni Marikah. Wala akong narinig na na sagot sa kanya, sa makatuwid ay nagpaalam lamang siya na gusto na niyang matulog at magpahinga. Tila doon lamang ako nagising sa kung ano ang aking nasabi. Iniisip ko tuloy kung labis siyang hindi nagingkomportable sa aking mga pinagsasabi. "Ang mahalaga, nasabi ko na
Last Updated: 2025-01-29
Chapter: 34- ExpectationExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi

Last Updated: 2025-01-28