CourageAng pagbibigay ng tulong ng taos sa puso ay isa sa mga magandang katangian na dapat ipakita habang tayo ay nabubuhay. Ang lahat ng ginagawa ay mayroong balik sa atin, maging ito man ay mabuti o masama.👨‍⚕️DR. HIDEO ADONIS CANLIAGNKatatapos lamang ng duty ko at pauwi na ako habang lulan ng aking sasakyan. Hindi ko maiwasang mapangiti sapagkat successful ang mga naging operation ko kanina. May buhay na naman na muling nadugtungan. Hindi ko na nga mabilang ang mga naoperahan ko pero lahat ng iyon ay naging matagumpay. Pero minsan kung sakali man na mayroong hindi palarin na mailigtas ay kailangan na lamang iyon tanggapin kahit sobrang hirap.Napakahirap mawalan ng mga mahal sa buhay kaya kailangan lagi na patibayin ang loob dahil sa mundong ito ay mayroon talagang dumarating at siyang lilisan rin. Napatingin ako sa panyo na siyang ibinigay sa akin ng isang babae walong taon na ang nakalilipas. Magkaparehas pa sila ng pangalan ni Nurse Marikah. What a coincidence.Sayang lang k
ACCEPTANCELiving a happy life means learning to embrace the circumstances that come your way. Challenges will always be present, but they vary with each situation.👨‍⚕️HIDEO ADONISQuarter to six in the morning ay nagising na ako sa tunog ng alarm clock ko dahil may duty at operation ako ng eight o'clock. Bumangon na ako at dumeretso sa restroom. Natutuwa ako na nitong mga nakaraang buwan at araw ay nagiging maganda na ang tulog ko at sana ay magtuloy-tuloy na. Pagkalabas ko sa restroom, I wear my usual hospital uniform at kumuha ng isang white long coat saka ko kinuha ang square bag ko na regalo sa akin ng hindi ko na maalala kung sino. Makakalimutin din kasi ako. Lumabas na ako ng kwarto ko. Habang naglalakad sa pasilyo ay napahinto at napalingon. Gayon na lamang ang gulat ko nang may makitang babae na nakamahabang puting damit at nakabelo na siyang nakatabon sa buong mukha niya. "Ay Diyos ko po!" Hindi ko naiwasang napasigaw sa gulat at napasandal pa ako sa pader, napahawak
ACTIONSSa ating mga kilos kung minsan naipapakita natin ang ating karakter na kung sino o ano ang ating natutuhan habang nabubuhay sa mundong ito.---👨‍⚕️ HIDEO ADONISPakasuot ko muli ng white coat ko after the six hours of surgery that I performed. Nangalay ang balikat at braso. Kaya inikot-ikot ko muna ang kaliwang balikat ko habang patungo sa clinic office ko. Habang palakad ay nakatuon ang mga mata ko sa Nurse station na katapat lamang ng clinic office ko. Napansin ko na wala si nurse Marikah doon, kundi ang kasama niya sa shift na si Nurse Chrystallene.Pagkatapat ko sa pinto at tinanong ko siya. "Where's Nurse Marikah?"Napatingin siya sa akin at magiliw na nginitian ako. Parang gusto ko rin na mag sign of the cross kapag nakikita ko siya. Sobrang kahawig niya ang birheng Maria. Kahit na nabibilang siya sa mayamang pamilya ay nag-pursue siya na makapasok dito at maging independent na tao."Nag-rounds po si veil girl Marikah, Dok."Tumango-tango ako. "Paki sabi sa kanya pagba
CompassionSa mundong nababalot ng mga taong hindi nakakaramdam ng awa sa kanilang kapwa, piliin palagi na maging mabuting tao, totoo man ang hindi ang langit para sa pabuya ng Diyos, ang mahalaga ay namuhay ka ng walang pag-iimbot.📿MARIKAH SYCHELLEEarlier...May isang linggo na ako rito sa kila Dok Hideo. Tama si Nurse Harmony na mas madalas ay hindi siya umuuwi. Siguro sa loob ng isang linggo ay dalawang beses ko lamang siya naabutan sa napakalaking tahanan nila. Kaya buong linggo ay si Nurse harmony lamang ang nakasama ko. Kung umuuwi man siya ay maaga siya ay nagkukulong siya sa kanyang silid o hindi naman kaya ay maaga siyang umaalis. Pero nung linggo ay nagkasama-sama naman kami na magsimba sa Sto. Domingo church. Pagkatapos non ay kumain kami sa isang chinese restaurant—iyon ang unang pagkakataon na makakain ako ng authentic na chinese food. Napag-alaman ko na purong Chinese ang kanilang Mama kaya ang middle name nila at 'Teh' hindi nakapagtataka na kaya magaling sila sa ne
PurityAng purong kalooban na hindi dapat nawawala kahit pa sa paglipas ng panahon. 👨‍⚕️HIDEO ADONISNaka-monitor ako ngayon sa bawat cctv footages na siyang nasa appear sa tatlong Apple brand monitor ko. Konektado ito sa security team ng Hospital, pero ginusto ko na rin na magmonitor lalo na kung walang naka schedule na surgery. Nalilibang akong mag-monitor at mag-record ng ginagawang kakaiba ng bawat station. Sinisigurado ko rin ang kaligtasan ng bawat pasyente. Maging ang mga taong lumalabas pasok ng Hospital. Itinuturing kong tahanan ang Hospital na ito at pamilya ko ang mga Nurses at Doctors na siyang naglilingkod rito. Para kung mayroong man na mangyari na hindi inaasahan ay may kopya ako na records. Nakita ko ang ward kung nasaan ngayon si nurse Marikah. Ginalaw kong cursur at pinindot ang box kung nasaan siya at nag-expand ito sa monitor. Siya lang naman ang laging nakasuot ng veil kaya madali ko lamang siyang makita o mahanap parati sa cctv footages. Kasalukuyan siyang ma
Trigger warning ⚠️Depression and self harm.SolaceGustuhin man natin na makaalis kaagad sa madilim na parte ng ating buhay, subalit ito'y nakatakda nating lakaran hanggang sa matanaw natin ang kaliwanagan.👨‍⚕️HIDEO ADONISNapapikit ako habang dinaraman ang malamig na hangin na siyang nagmumula sa dagat. Napagtanto ko mabuti nalang at dito ang suhestiyon ni Dok Rat na mag-celebrate ng promotion ni Nurse Cat. Dahil mukhang hinahanap-hanap na rin ng aking paningin ang dagat, maging ang makalanghap ng sariwang hangin na siyang nagmumula rito.Naramdaman ko isang kamay na siyang tumapik sa balikat ko. Muli kong iminulat ang aking mga mata at bumaling sa kung sino ito."Salamat sa buong araw na pag-aasikaso, Dok Hideo." Nakangiting sambit niya, iniabot niya sa akin ang isang champagne glass.Tinanggap ko naman ito at idinikit sa hawak niya rin na champagne glass."Tumulong ka rin, kaya mas napadali."Parehas na kaming tumanaw sa pag-alon ng dagat. Mabuti at hindi naging masungit ang pan
Trigger warning ⚠️anxiety, depression, panic attack, and hyperventilation.TrustMatapos suwain ni Eva at Adan ang utos ng Diyos, nagtiwala man muli ito sa kanila ay may kaakibat ng kaparusahan. Ngunit ang Diyos ay patuloy lamang na nagbibigay ng tiwala para sa mga nilikha at itinalaga niya.📿 MARIKAH SYCHELLEPinaunlakan ko ang pakiusap ni Dok Hideo na siya na lamang ang magdala ng bag na bitbit ko. Nasabi ko na rin sa kanya ang mensaheng pinapa-abot sa kanya ni Mang Guido.Pagkabungad sa akin ng dagat ay napangiti ako ng matamis. Napakapayapa nito at kalmado. Sumasabay pa ang ganda ng dapit hapon. Sabay lamang kaming naglalakad ni Dok Hideo at patungo kami ngayon sa kinaroroonan nila. Masaya akong kinawayan ni Harmony at Nurse Mice.Paglapit namin sa kanila ay kaagad akong nakipagbeso kay Headnurse Cat. Pagkatapos ang dalawa naman ayi sabay akong niyakap. Napakasarap sa pakiramdam na matrato ng tama ng mga tunay na kaibigan.Mabuti at hindi ako hinahanap ni Clarina sa HC Medical C
GratitudeKatulad ng tiwala ay ibinibigay lamang din ito sa taong nararapat.👨‍⚕️HIDEO ADONISEarlier..."Alam mo ba Marikah, kanina kasi ano—" napahinto nang bumaling ako sa kanya. Nakita ko siya na tuluyang nakatulog sa kama. Napangiti ako at nailing at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit niya na dinala ko kanina. Napansin ko na naka-slant lamang siya sa kama at nakalaylay pa rin ang mga paa niya. Nilapitan ko siya at inayos ang pagkakahiga niya. Siguro nga ay masyado siyang napagod sa biyahe. Kanina kasing natapos kami sa preparation ni Dok Rat ng maaga ay nakatulog din ako ng mahigit isang oras sa cottage room ko na katabi lang nitong kay Marikah, at katapat ng kay Harmony. Kahit sino naman ay talagang mapapagod, lalo na at galing pa siyang duty. Natungo ako sa may bintana upang isara ito ng mabuti dahil may sumisilip pa rin na liwanag mula sa labas. Gustuhin ko man lumabas muna pero na drained na ako sa pakikipag socialized simula kanina. Gusto ko munang mag-regained ng so
DevotionAng tunay na pag-ibig ay hindi lamang matatamis na salita o panandaliang saya. Ito ay isang banal na pangako—isang pusong handang umunawa kahit masakit, isang kaluluwang nagpapatawad kahit hindi humihingi ng tawad, at isang diwang nananatili kahit walang katiyakan. Ang pag-ibig ay hindi makasarili; ito ay isang sakripisyong kusang loob, isang tiwalang hindi nagdududa, at isang alay na walang hinihinging kapalit. Sapagkat ang tunay na pagmamahal ay hindi natitinag ng panahon, hindi sinusukat ng layo, at hindi kailanman nagwawakas.👨‍⚕️HIDEO ADONIS 3 weeks ago..."What if? Ulitin mo ang confession mo kay Nurse Marikah? Ang sagwa talaga ng November 1 eh..." Napatingin ako kay Dok Rat habang nagbabasa muli ng mga papeles sa isang folder. Narito na kami sa opisina ko. Kanina pa ako tapos mag-rounds at hindi ko na naman alam kung bakit nandirito siya. "Huh? Paano?" Gusto ko na nga makalimutan muna kahit paano ang kapalpakan ko na nag-confess sa araw mismo ng mga patay. Tapos,
ChristmasAng tunay na kahulugan ng Pasko ay hindi makikita sa makislap na ilaw o magagarang handa, kundi sa pusong handang umunawa, magpatawad, at magmahal nang walang hinihintay na kapalit. Sapagkat ang Pasko ay pag-ibig—isang pagmamahal na nagbibigay, nagsasakripisyo, at nagpapala.📿 MARIKAH SYCHELLEUnang araw ng Simbang gabi. Ako'y nalulumbay pa rin sapagkat hindi na talaga umuuwi ng mansion si Dok Hideo. Kapag nakikita ko naman siya rito ay sobrang abala niya sa kanyang mga surgical procedures lalo na maraming naho-hospital ngayong holiday season. Mabuti na lamang at nasabihan ko si Mang Guido na sunduin ako ng maaga pagtapos ng duty ko dahil magsisimbang gabi ako sa Sto. Domingo Church.Ito ang unang pagkakataon na magsisimbang gabi ako sa ibang simbahan sa taon na ito. Kailangan kong kumpletuhin ang siyam na gabi sapagkat kinasanayan ko na rin ito lalo na at kaarawan ko mismo ang araw ng pasko.Nagulat ako na hindi natuloy ang pagkawala ng duty ni Dok Philip. Pero nakiusap si
Jealousy Ang panibugho ay hindi tanda ng pagmamahal kundi ng takot—takot na mawalan, takot na hindi sapat, at takot na may ibang mas karapat-dapat.📿MARIKAH SYCHELLE Hinawi ko ng marahan ang kamay ni Dok Philip nang akma nitong pupunasan ng tissue ang luha ko. "Ako na po, Dok..." Kinuha ko sa kanya ang tissue at ako na ang nagdampi sa pisngi ko. "Kanina mo pa ako hindi sinasagot, Nurse Marikah. Bakit ka umiiyak? At sino'ng nagpa-iyak sa 'yo?" tanong niya at muling ibinulsa ang kanyang mga kamay sa bulsa ng white coat niya. "Wala po Dok, may kinimkim lamang po ako na sama ng loob at hindi ko na kinaya kaya napahagulgol na lamang ako." Paliwanag ko, sapagkat iyon naman ang katotohanan. Masyado kong niloloko ang sarili ko na isipin na ayos lamang ako matapos kong malaman ang patungkol sa namayapang kasintahan ni Dok Hideo. Hindi ko rin mawari ang aking sarili kung bakit ako labis na nasasaktan. Dahil ba sinasabi niya lang na mahal niya ako, na gusto niya ako dahil lang kapanga
MissingSa bawat pintig ng puso ko, pangalan mo ang sigaw. Sa bawat saglit na lumilipas, ikaw ang hinahanap.👨‍⚕️HIDEO ADONIS"Ano kamo?! Nag-confess ka kay Marikah noong araw ng mga patay?!" Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Dok Rat matapos ko itong sabihin sa kanya. "Anak ka talaga ng tatay mong—pogi! Bakit naman sa dami ng petsa ay November 1 mismo?!" Naihilamos niya muli ang palad niya sa mukha niya. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na sabihin sa kanya ang ginawa ko ng gabing iyon. Pero iyon ay hindi lamang bugso ng damdamin ko kundi tunay na nadarama ko para kay Marikah. 'Di ko nga lang naisip ang petsa nang oras na iyon. Kaya mukhang ayaw din maniwala ni Marikah. Wala akong narinig na na sagot sa kanya, sa makatuwid ay nagpaalam lamang siya na gusto na niyang matulog at magpahinga. Tila doon lamang ako nagising sa kung ano ang aking nasabi. Iniisip ko tuloy kung labis siyang hindi nagingkomportable sa aking mga pinagsasabi. "Ang mahalaga, nasabi ko na
ExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi
ExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi
HoldAng paghawak ay hindi lamang tungkol sa pagkapit sa isa't isa sa gitna ng bagyo, kundi tungkol sa pananampalataya na ang pag-ibig ninyo ay mas malakas kaysa sa anumang unos. Ito ay pagtitiwala na kahit ang mga sugat ay maghihilom, at ang mga luha ay magpapalalim sa inyong kwento.đź“żMARIKAH SYCHELLENapaka bilis ng mga araw na nagdaan, ngayon ay dalawang araw na lang ay Disyembre na. Parang kailan lamang nang dumalaw ako puntod ng magulang ko upang gunitain ang kanilang kamatayan. Ang araw din na iyon ay hindi ko malimutan matapos kong makita si Dok Hideo na lumuluha habang nasa Shrine of Our Lady of Caysasay kami. Maging ang mga bagay na naganap nang kami ay tuluyan ng umuwi. Habang nasa pinaka gitna ako ng aisle at nakatingala sa hinahangaan kong fiasco art ng simbahan ay napapikit ako upang damhin an presensya ng Panginoon. Ganito lagi ang aking nadarama sa tuwing magtutungo ako rito. Ang tahimik at napaka gaan na presensya ng buong simbahan na siyang sumimbolo na dito'y tunaz
ElegyAng bawat patak ng ulan ay tila luha ng kalangitan, nagdadalamhati sa pagkawala ng iniibig. Ngunit sa likod ng ulap, may araw na naghihintay, handang magbigay-liwanag sa mga pusong sugatan.đź“żMARIKAH SYCHELLEHindi ko maiwasan na mapangiti nang ilagay ko sa lababo ang dalawang bowl ng pinagkainan namin ni Dok Hideo. May tatlong araw na rin akong naka sick leave. Ramdam ko naman na nakakabawi ang katawan ko. Isa na rin siguro sa dahilan ay nakakaligtaan ko ang pag-inom ng mga vitamins na siyang libre naman na ini-issue para sa aming mga Health care workers. Minsan kasi pag-uwi ay mas ginugusto ko na lamang na magpahinga. Dala na rin na nag-iba ang shift schedule ko kaya nag-adjust ng sobra ang body clock ko. Pero sa unit pa rin naman ako ni Doctor Hideo nakahanay. Kami pa rin ni Nurse Chrystallene ang magkasama. Pero ang student-Nurse na si Mraxia namin ay nalipat sa ibang unit. Sa labor and delivery, pero napapadaan naman siya sa station at ikinu-kwento kung gaano kasungit si D
FondAng mga alaala ng taong mahalaga sa atin ay parang init ng araw—hindi laging nakikita, pero laging nararamdaman.👨‍⚕️HIDEO ADONISNagbabadya na ang pagbuhos ng ulan nang makarating kami sa Lomihan ni Aling Milings. Kadalasan ay mga hapon o gabi ang dagsa ng tao rito. Nakita ko naman na hindi gaano karami ang mga kumakain kaya makakapili kami ng pwesto na tabi ng bintana na siyang overlooking sa bulkang Taal.Pagka-park ko ay mas lumalakas na ang pag-ambon kaya kinuha ko ang payong at bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ang payong at nagtungo sa gawi niya saka siya pinagbuksan siya ng pinto. Mas dumarami ang pagpatak ng ambon kaya inalalayan ko siya sa pagbaba dahil baka matalisod siya pagbaba lalo na at hindi sementado ang kinatitirikan ng parking area. Nang makababa ay kaagad ko siyang isinukob sa payong upang hindi siya maambunan. Pero mas lumabas ang pagbagsak ng ulan. Nagtinginan kami at natulos sa kinatatayuan namin. Kailangan namin na mas lalong idikit ang isa't-isa upang wa