Share

6- Courage

Author: ArishaBlissa
last update Huling Na-update: 2024-11-28 21:06:25

Courage

Ang pagbibigay ng tulong ng taos sa puso ay isa sa mga magandang katangian na dapat ipakita habang tayo ay nabubuhay. Ang lahat ng ginagawa ay mayroong balik sa atin, maging ito man ay mabuti o masama.

👨‍⚕️DR. HIDEO ADONIS CANLIAGN

Katatapos lamang ng duty ko at pauwi na ako habang lulan ng aking sasakyan. Hindi ko maiwasang mapangiti sapagkat successful ang mga naging operation ko kanina. May buhay na naman na muling nadugtungan. Hindi ko na nga mabilang ang mga naoperahan ko pero lahat ng iyon ay naging matagumpay. Pero minsan kung sakali man na mayroong hindi palarin na mailigtas ay kailangan na lamang iyon tanggapin kahit sobrang hirap.

Napakahirap mawalan ng mga mahal sa buhay kaya kailangan lagi na patibayin ang loob dahil sa mundong ito ay mayroon talagang dumarating at siyang lilisan rin. Napatingin ako sa panyo na siyang ibinigay sa akin ng isang babae walong taon na ang nakalilipas. Magkaparehas pa sila ng pangalan ni Nurse Marikah. What a coincidence.

Sayang lang kanina at matagal akong natapos sa operating room kaya hindi ko siya naabutan mag off duty. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan na madalas siyang sumagi sa isipan ko, nakikita ko siya lagi kapag duty pero hindi ko maiwasang mailang lalo pa at kapangalan niya si Sychelle.

Patuloy kong binabagtas ang kalsada. Hanggang sa may mamataan akong isang babae na nagpupumiglas sa isang lalaki. Madilim ang parte na iyon kaya siguro walang makatulong sa babae. Kaagad kong inihinto ang sasakyan at bumaba.

"Bitawan mo siya!" sigaw ko sa lalaki. Kinuha ko ang cellphone ko at at inilagay sa tainga ko. "Hello, Police Officers? Parating na kayo? Yes, nandito na ako sa location." Kunwari na katawagan ko ang mga pulis kaya hindi na nakahuma ang lalaki at nagtatakbo na lamang ito.

Napalumo ang babae sa aspalto dahil sa panghihina at takot. Mabilis ko siyang naalalayan. Tuluyan siyang umiyak.

Pinakatitigan ko siya.

"Nurse Marikah?"

Hindi ako maaaring magkamali.

"D...Dok?" Nanginginig pa rin na sambit niya.

Bigla ay kumulog at tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Pareho na kaming nababasa. Tuluyan siyang nawalan ng malay kaya mabilis ko siyang binuhat at dinala sa loob ng sasakyan. At pinaharurot iyon.

Napagpasyahan ko na dalhin na lamang siya sa mansyon. Mabilis kaming binigyan ng towel ni Manang Dina. Inihiga ko siya couch at binalutan ng towel. Inutos ko kay Manang Dina na siya ang magpalit ng bagong damit sa kanya.

"Magpapalit muna ako sa kwarto ko Manang, paki-asikaso muna siya. Tawagin mo ako kung ayos na." Pakiusap ko sa kanya.

Tumango naman siya at sinimulang kumilos.

Umakyat na ako patungo sa kwarto ko. Napapaisip ako sa kung ano ang nangyari sa kanya at kung bakit siya nasa ganoong sitwasyon kanina. Mabuti nalang at nakita ko siya kundi baka ano na ang nangyari sa kanya. Nagtungo na ako sa restroom ng kwarto ko at sinimulang mag shower.

Saktong tapos na ako magbihis nang kumatok si Manang sa pinto ng kwarto ko at sinabi na tapos na niyang mapalitan ng bagong damit si Marikah. Binuksan ko ang pinto at tinanguan siya. Tuluyan akong lumabas at bumaba.

Unti-unti siyang nagkamalay at napatingin siya sa akin.

"Dok?!" Bumalikwas siya ng bangon at napatingin sa paligid. "Nasaan po ako? Ano pong ginagawa ko rito?" tanong niya na puno ng pag-aalala.

"Nandito ka sa aming tahanan, nawalan ka ng malay kanina sa kalsada."

Napaisip siya at inaalala ang lahat.

"Pasensya na po, Dok. Naabala ko po yata kayo..." hinging paumanhin niya.

"No worries, kaysa pabayaan kita kanina sa kalsada. Ano ba'ng nangyari at naroon ka?" tanong ko naman. Saktong dumating si Manang Dina dala ang hot tea para sa aming dalawa ni Marikah. Naupo ako sa katapat niyang single couch. Sinimulan kong higupin ang tea cup ko.

Napayuko siya. At bumugtong hininga.

"Pinalayas po kasi ako ng kaibigan ko Condo niya, nakikitira lang po kasi ako sa kanya habang nandirito po ako sa Maynila." Simulang kwento niya habang nakatingin siya sa tea cup niya habang hawak iyon.

Nakaramdam ako ng habag. "Bakit ka naman niya pinalayas?" tanong ko muli.

"Ganito po kasi ang nangyari Dok..."

Sinimulan na niyang magkwento simula sa pinag-ugatan. Nakikinig lamang ako ng maigi sa kanya. Hanggang sa matapos ang kwento niya na naglalakad-lakad na siya sa kalsada na hindi alam ang patutunguhan.

"Hindi pa rin tama na palayasin ka niya. Grabe ang kaibigan mo." Wika ko at humuling higop sa tea. "Bakit hindi mo tinawagan ang mga co-Nurses mo? O kahit si Harmony?"

"Eh...Dok, nakakahiya naman po. Bagong ka-trabaho pa lang po nila ako..." sagot niya habang nakayuko pa rin.

"Don't be hesitate if you need help from us. Part ka na ng HC, pamilya ang turing namin sa inyong mga Health care professionals namin."

Napatingin siya sa akin at tipid na napangiti.

"I offer you to stay here."

"Dok? Nakaka—"

"Hep! Bawal akong tanggihan, magtatampo ako." Pabirong sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang nakayuko.

"Don't be shy, remember bawal tanggihan ang utos ng Doktor." Pabiro kong sabi uli.

Pinag-iisipan pa rin niya. Baka naiilang siya.

"Don't worry, nandito si Harmony."

Saktong narinig ko mula sa garahe ang pagka-park ng sasakyan ni Manong na siyang Driver niya. Takot siya siya humawak ng manibela dahil traumatized pa rin siya noon aksidente nila ng late parents namin.

"And speaking of her...She's home." Nakangiti kong sabi kay Marikah.

Wait, bago ito ah. Masaya na akong ngumingiti? At masaya ako dahil sa kanya? Kay Marikah?

Nakita na kami ni Harmony matapos niya mag-body disinfect sa disinfectant machine na malapit sa main door. Matagal na iyong naka install doon para sa aming nandito sa loob ng bahay o mga bumibisita lalo na kung galing sa labas.

"What's goin' on here?" napatingin siya kay Marikah. "Nurse Marikah?" Natuwa siya nang makita ito at kaagad na tumakbo palapit sa kanya.

Napangiti si Marikah sa kanya. Niyakap siya ni Harmony.

"What's happened?" kaagad na tanong niya.

Tumikhim ako at ako na ang nagkwento kay Harmony nang mga nangyari. Umusok ang ilong at taenga niya mga sa narinig.

"Sino 'yang kaibigan mo na yan?! Sarap niyang i-biopsy! Hmp!" nag-crossed arms siya sa inis.

Natawa naman ako ng bahagya dahil sa reaksyon niya.

"But by the way, masaya ako na mag-stay ka rito Marikah! Nakaka-excite! I wanna tour her na ba Kuya sa room niya?" masayang sabi ni Harmony.

"Sure, tour her now." Nakangiting sabi ko.

Kaagad siyang hinila ni Harmony patayo. Napatingin ako sa kanya at napangiti ng bahagya.

--

📿 MARIKAH SYCHELLE

Hindi pa rin ako makapaniwala. Buong akala ko kaninang pinaalis ako sa ni Clarina ay wala na akong mapupuntahan. Akala ko ay sa kalsada na ako pupulutin.

Kaya wala akong ginawa kanina kundi ang lakarin lamang ang kahabaan ng kalsada hanggang sa tuluyang gumabi ay wala pa rin akong mahanap na matutuluyan dahil una sa lahat ay hindi ko kabisado ang Maynila. Buong akala ko ay walang tutulong sa akin kaninang may lumapit sa aking lalaki at pilit akong hinihila. Nagdasal na lamang ako non sa isipan ko habang patuloy na nagpupumiglas sa kanya.

Buti nalang at dumating si Dok Hideo.

At nandirito na ako ngayon.

Binuksan ni Nurse Harmony ang isang kwarto.

"Ito ang magiging room mo. Yey!" Niluwagan niya ang pagkakabukas.

Ang ganda ng disenyo ng kwarto na para siguro sa mga bumibisita sa kanila. Nagtungo siya sa kama at tumalon talon doon. Nakakatuwa talaga siya kahit kailan.

"Oh diba? Ang lambot! Halika i-try mo!" masayang sabi niya sa akin.

Nagtungo ako sa kanya at naupo sa kama. Tama siya,napakalambot nga niyon.

"Oo, malambot siya." Nakangiti kong sabi.

"Basta minsan doon tayo sa room ko ha? Ang saya ko kasi mayroon na akong kasama at ka-kwentuhan ng madalas dito."

"Talaga?" wika ko at sinimulan kong ilabas ang mga damit ko sa maleta. Mabuti na lang at walang nabasa sa mga ito.

"Yes! Si Kuya kasi minsan sa Hospital na natutulog o kaya naman hindi magkatulad ang shift namin." Naka-pout na sabi niya.

Ngumiti lang ako. Hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng hiya dahil sa kanila na nga ako nagtatrabaho bilang Nurse. Pagkatapos ngayon ay dito pa ako mag-stay pansamantala sa kanila.

Kapag talaga ako ay nakaipon at nakahanap ng uupahan o malilipatan ay sasabihin ko sa kanila kaagad. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos at kay Dok na may matutuluyan ako sa ngayon.

Tunay nga na hindi pa rin tayo pinababayaan ng Diyos. Anuman ang pagsubok na ating pagdaanan.

Manalig lamang sa kanya.

--

Kaugnay na kabanata

  • The Doctor Series 1: My New Life is You    1- Life

    LifeNoong bata ako, lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit may mga taong kailangang lisanin ang mundong ito. Bakit sobrang ikli lang ng buhay at sa isang iglap lang ay maaari ka ng maglaho sa mundong ito...👨‍⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGN8 years ago...Intership ko ngayon dito sa sarili naming Hospital. Ang HC Medical City. Ang HC ay base sa pangalan ng Ama kong si 'Henry Canliagn'. Nasa tatlong taon na itong Hospital namin pero isa na ito sa the best Hospital dito sa bansa.Actually, two days ago nang umuwi ako rito sa bansa. Galing akong London dahil doon ako gum-raduate ng Medical School.Kinuha ko sa loob ng white coat ko ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang picture namin together ng fiancè ko.Kinausap ko ang litrato namin, "Hi! Mahal, promise bukas I will surprise you okay?"Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na nakauwi na ako ng Pilipinas. Gusto kong sorpresahin siya. Few months from now ay magpapakasal na kami. I will marry Sychelle Dayle Fernandez.

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • The Doctor Series 1: My New Life is You    2- Hope

    HopeAng pagtatapos ng isang araw ay kaakibat ng bagong kinabukasan. Alam kong darating ang panahon na tuluyang maghihilom ang masasakit na ala-ala. Lalo na ang pagkawala na siyang nagsisilbing buhay mo.👨‍⚕️HIDEO ADONIS CANLIAGNNapatingin ako sa altar at nag sign of the cross. Napatayo ako mula sa pagkakaluhod. Huminga ako ng malalim. After a month ay muli ko siyang dadalawin sa kanyang puntod. Napatingin ako sa gawing kanang and I saw a woman. Nakabelo siya at taimtim na nagdarasal, inalis ko ang pagkakatingin sa kanya saka tumalikod at naglakad palabas ng Cathedral.Napahinto ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko ito inasahan sapagkat wala naman sinabi sa news na bubuhos ang ulan ngayong araw.Kailangan ko mabalik ng HC after kong dalawin saglit si Sychelle.Tumingin akong sa wrist watch ko. Mayroon nalang akong two hours upang makabalik. Grabe pa naman traffic sa Manila. Hahakbang na sana ako ngunit biglang humihip ang hangin."Oh my..."Nadaplisan ng basa ng ul

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • The Doctor Series 1: My New Life is You    4- Patience

    PatienceNapakahalaga na parte ng ating buhay ang pasensya. Para sa kapayapaan ng ating damdamin. Hindi dapat tayo nagmamadali sa mga bagay na gusto nating mangyari. Kumbaga, may nakalaan na para sa'tin kaya dapat ay matiyaga natin itong hintayin na may kalakip na pasensya.👨‍⚕️ HIDEO ADONISKasalukuyan akong nagra-rounds sa pasilyo ng 8th floor. Ito ang ward para ss mgs senior citizens. Ang Hospital namin ay by order ang mga pasyente. Mayroong ward na para lamang sa mga bata, expectant mothers, may malalalang kondisyon sa respiratory system upang maiwasan ang hawaan, ward para mga babies, mga nasa middle ages, teenagers, at ito nang senior citizen ward.Mayroon akong pasyente na siyang dumaan ng surgery sa akin. Nakakatuwa, he's survive that critical surgery na ginawa namin. Abo't-abot ang dasal namin ng team ko na magtagumpay kami.At nagtagumpay nga kami sa operasyon. Nagre-recover na siya ngayon.Pagkatapat ko sa private room kung saan siya naka admit ay kumatok muna ako. May nag

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • The Doctor Series 1: My New Life is You   3-Faith

    FaithHangga't naniniwala ka. Malalagpasan mo ang lahat ng mga dagok na siyang darating sa buhay mo. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundong it. Nakadepende sa'yo o sa tatahakin mong daan.👨‍⚕️HIDEO ADONISIsa na yata ito sa pinakamasayang pasko ng buhay ko habang ako'y nandito sa Barcelona. Hindi ko inaasahan na darating ang aking pinakamamahal na si Sychelle. Nakangiti ako habang hawak niya ang kamay ko. Nilingon niya ako habang tumatakbo siya at hila-hila ako."Mahaaaal! Dali! Baka mahuli tayo sa fountain show!" hiyaw niya habang patuloy akong hinihila.Ngumiti ako ng matamis at sinunod ang hiling niya.Natatanaw ko ang napakagandang Sagrada Cathedral na siyang paborito naming spot dito sa Barcelona ni Sychelle. Malapit na kami sa may fountain na sinasabi niya sapagkat malapit lang naman iyon doon.Napakaraming tao dahil Christmas eve. Napakasayang pamasko ito sa akin dahil nakasama ko ang aking pinamamahal.Napahinto kami. Nagtinginan kami at napangiti muli sa isa't-isa.S

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • The Doctor Series 1: My New Life is You    5- Happiness

    HappinessKailan nga ba tayo huling naging tunay na masaya? Kailan natin nasabi sa ating sarili na masaya pala ang mabuhay? Kailan natin nadama ang maging masaya sa piling ng iba? Kailan ba natin naisip na dapat na tayong maging masaya? Kailan mo pipiliin na tuluyang sumaya?👨‍⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGNKadalasan.Hinihiling ko na sana ay hindi na ako nagigising sa tuwing nakakasama ko siya sa mga panaginip ko. Kasi wala namang ibang ikasasaya ang puso ko kundi ang muli siyang mayakap, mahawakan, at makausap.Dito lagi sa panaginip. Natatanaw ko siya, nalalapitan at kung minsan ay masaya naming binabalikan ang aming mga magagandang ala-ala.Ginawa nga ba ang panaginip para sa mga taong nangangarap o para rin ito sa mga taong nangungulila, kagaya ko?Siya at ako lamang.Siya na kasiyahan ko.Siya na lagi kong hinihiling na muli kong makapiling.Sapagkat sobra ko na siyang sabik na makasama.Napakaraming bagay at pangarap na nais ko pang tuparin na kasama siya.Dito na lang ba sa pan

    Huling Na-update : 2024-11-28

Pinakabagong kabanata

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   6- Courage

    CourageAng pagbibigay ng tulong ng taos sa puso ay isa sa mga magandang katangian na dapat ipakita habang tayo ay nabubuhay. Ang lahat ng ginagawa ay mayroong balik sa atin, maging ito man ay mabuti o masama.👨‍⚕️DR. HIDEO ADONIS CANLIAGNKatatapos lamang ng duty ko at pauwi na ako habang lulan ng aking sasakyan. Hindi ko maiwasang mapangiti sapagkat successful ang mga naging operation ko kanina. May buhay na naman na muling nadugtungan. Hindi ko na nga mabilang ang mga naoperahan ko pero lahat ng iyon ay naging matagumpay. Pero minsan kung sakali man na mayroong hindi palarin na mailigtas ay kailangan na lamang iyon tanggapin kahit sobrang hirap.Napakahirap mawalan ng mga mahal sa buhay kaya kailangan lagi na patibayin ang loob dahil sa mundong ito ay mayroon talagang dumarating at siyang lilisan rin. Napatingin ako sa panyo na siyang ibinigay sa akin ng isang babae walong taon na ang nakalilipas. Magkaparehas pa sila ng pangalan ni Nurse Marikah. What a coincidence.Sayang lang k

  • The Doctor Series 1: My New Life is You    5- Happiness

    HappinessKailan nga ba tayo huling naging tunay na masaya? Kailan natin nasabi sa ating sarili na masaya pala ang mabuhay? Kailan natin nadama ang maging masaya sa piling ng iba? Kailan ba natin naisip na dapat na tayong maging masaya? Kailan mo pipiliin na tuluyang sumaya?👨‍⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGNKadalasan.Hinihiling ko na sana ay hindi na ako nagigising sa tuwing nakakasama ko siya sa mga panaginip ko. Kasi wala namang ibang ikasasaya ang puso ko kundi ang muli siyang mayakap, mahawakan, at makausap.Dito lagi sa panaginip. Natatanaw ko siya, nalalapitan at kung minsan ay masaya naming binabalikan ang aming mga magagandang ala-ala.Ginawa nga ba ang panaginip para sa mga taong nangangarap o para rin ito sa mga taong nangungulila, kagaya ko?Siya at ako lamang.Siya na kasiyahan ko.Siya na lagi kong hinihiling na muli kong makapiling.Sapagkat sobra ko na siyang sabik na makasama.Napakaraming bagay at pangarap na nais ko pang tuparin na kasama siya.Dito na lang ba sa pan

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   3-Faith

    FaithHangga't naniniwala ka. Malalagpasan mo ang lahat ng mga dagok na siyang darating sa buhay mo. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundong it. Nakadepende sa'yo o sa tatahakin mong daan.👨‍⚕️HIDEO ADONISIsa na yata ito sa pinakamasayang pasko ng buhay ko habang ako'y nandito sa Barcelona. Hindi ko inaasahan na darating ang aking pinakamamahal na si Sychelle. Nakangiti ako habang hawak niya ang kamay ko. Nilingon niya ako habang tumatakbo siya at hila-hila ako."Mahaaaal! Dali! Baka mahuli tayo sa fountain show!" hiyaw niya habang patuloy akong hinihila.Ngumiti ako ng matamis at sinunod ang hiling niya.Natatanaw ko ang napakagandang Sagrada Cathedral na siyang paborito naming spot dito sa Barcelona ni Sychelle. Malapit na kami sa may fountain na sinasabi niya sapagkat malapit lang naman iyon doon.Napakaraming tao dahil Christmas eve. Napakasayang pamasko ito sa akin dahil nakasama ko ang aking pinamamahal.Napahinto kami. Nagtinginan kami at napangiti muli sa isa't-isa.S

  • The Doctor Series 1: My New Life is You    4- Patience

    PatienceNapakahalaga na parte ng ating buhay ang pasensya. Para sa kapayapaan ng ating damdamin. Hindi dapat tayo nagmamadali sa mga bagay na gusto nating mangyari. Kumbaga, may nakalaan na para sa'tin kaya dapat ay matiyaga natin itong hintayin na may kalakip na pasensya.👨‍⚕️ HIDEO ADONISKasalukuyan akong nagra-rounds sa pasilyo ng 8th floor. Ito ang ward para ss mgs senior citizens. Ang Hospital namin ay by order ang mga pasyente. Mayroong ward na para lamang sa mga bata, expectant mothers, may malalalang kondisyon sa respiratory system upang maiwasan ang hawaan, ward para mga babies, mga nasa middle ages, teenagers, at ito nang senior citizen ward.Mayroon akong pasyente na siyang dumaan ng surgery sa akin. Nakakatuwa, he's survive that critical surgery na ginawa namin. Abo't-abot ang dasal namin ng team ko na magtagumpay kami.At nagtagumpay nga kami sa operasyon. Nagre-recover na siya ngayon.Pagkatapat ko sa private room kung saan siya naka admit ay kumatok muna ako. May nag

  • The Doctor Series 1: My New Life is You    2- Hope

    HopeAng pagtatapos ng isang araw ay kaakibat ng bagong kinabukasan. Alam kong darating ang panahon na tuluyang maghihilom ang masasakit na ala-ala. Lalo na ang pagkawala na siyang nagsisilbing buhay mo.👨‍⚕️HIDEO ADONIS CANLIAGNNapatingin ako sa altar at nag sign of the cross. Napatayo ako mula sa pagkakaluhod. Huminga ako ng malalim. After a month ay muli ko siyang dadalawin sa kanyang puntod. Napatingin ako sa gawing kanang and I saw a woman. Nakabelo siya at taimtim na nagdarasal, inalis ko ang pagkakatingin sa kanya saka tumalikod at naglakad palabas ng Cathedral.Napahinto ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko ito inasahan sapagkat wala naman sinabi sa news na bubuhos ang ulan ngayong araw.Kailangan ko mabalik ng HC after kong dalawin saglit si Sychelle.Tumingin akong sa wrist watch ko. Mayroon nalang akong two hours upang makabalik. Grabe pa naman traffic sa Manila. Hahakbang na sana ako ngunit biglang humihip ang hangin."Oh my..."Nadaplisan ng basa ng ul

  • The Doctor Series 1: My New Life is You    1- Life

    LifeNoong bata ako, lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit may mga taong kailangang lisanin ang mundong ito. Bakit sobrang ikli lang ng buhay at sa isang iglap lang ay maaari ka ng maglaho sa mundong ito...👨‍⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGN8 years ago...Intership ko ngayon dito sa sarili naming Hospital. Ang HC Medical City. Ang HC ay base sa pangalan ng Ama kong si 'Henry Canliagn'. Nasa tatlong taon na itong Hospital namin pero isa na ito sa the best Hospital dito sa bansa.Actually, two days ago nang umuwi ako rito sa bansa. Galing akong London dahil doon ako gum-raduate ng Medical School.Kinuha ko sa loob ng white coat ko ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang picture namin together ng fiancè ko.Kinausap ko ang litrato namin, "Hi! Mahal, promise bukas I will surprise you okay?"Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na nakauwi na ako ng Pilipinas. Gusto kong sorpresahin siya. Few months from now ay magpapakasal na kami. I will marry Sychelle Dayle Fernandez.

DMCA.com Protection Status