CareAng tunay na pag-aalaga ay hindi lang nakikita sa salita, kundi sa mga simpleng gawaing nagpaparamdam ng pagmamahal at malasakit sa kapwa👨‍⚕️HIDEO ADONISPasado alas singko ng hapon nang matapos kami, naubos na rin kasi ang dalawang bote ng red wine ay nagpasya na rin si Dok Rat na umuwi. Medyo tinamaan na rin si Athena dahil inaantok na raw siya kaya inalalayan na siya ni Dok Ivo patungo sa kwarto niya. Pagbaling ko ng mga mata ko kay Marikah ay abala siya sa pagliligpit ng mga bote at wine glass na ginamit namin. Kaagad ko siyang nilapitan upang pigilan sa takda niyang pagbitbit sa ginamit na board tray para sa charcuterie. "Hayaan mo na lang 'yan, sila Manang na ang bahala d'yan mamaya." Nakangiti kong sambit sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang ibaba ito. "Samahan mo na lang ako na ihatid hanggang sa gate si Dok Rat." "Sige po, Dok." Nauna muli ako akong naglakad habang nakasunod siya sa akin. Nakita ko si Dok Rat na umasim na naman ang mukha habang nakatingin sa am
DreamsAng mga pangarap ay simula ng tagumpay—huwag kang matakot mangarap nang mataas, dahil sa bawat hakbang, papalapit ka sa katuparan nito.👨‍⚕️HIDEO ADONISHindi ko na sinuguro kung nakapag-park ba ng maayos ang sasakyan ko. Kaagad akong lumabas at nagmamadaling pumasok sa loob ng tahanan namin. Hinubad ko ang nakapatong na white tuxedo sa polo ko dahil para akong nasisikipan dahil sa kaba na nararamdaman ko.Nakita ko si Mang Guido kaya mabilis ko siyang nilapitan. "Nasaan po si Marikah? Ano pong nangyari?" puno ng pag-aalala kong turan. "Dinala po namin siya ni Manang Dona sa Klinika ng inyong Ama, Dok. Bigla na lamang po siyang nawalan ng malay habang nakaupo sa sofa, mabuti na lang at kausap niya kami ni Manang nang mga oras na iyon." Paliwanag niya. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Ang kanyang sinasabi na klinika ay nasa likuran na bahagi ng aming mansyon, kumbaga ay nandito ang third gate. Klinika Canliagn— ito ang pinakaunang klinika ng na siyang itinayo ni
Recollection Ang bawat gunita ay tila bulaklak na muling namumukadkad sa hardin ng ating isipan—bawat isa may sariling kuwento at damdamin.📿 MARIKAH SYCHELLEDahil naramdaman ko ang pamamanhid ng aking binti ay napilitan kong imulat ang aking mga mata. Nakita ko sa wall clock na siyang nakasabit sa itaas ng pader na siyang nakatapat sa akin na mag-a-alas sais na. Nasaan kaya ako? Hospital ba ito? Napatingin ako sa kanang kamay ko kung saan may nakalagay na IV Cannula. Pagtingin ko sa dextrose ay malapit na itong maubos sapagkat sobra ng nakaimpis ito. Ang huli kong pagkakatanda ay umuwi ako kahapon na sobrang sama ng pakiramdam ko. Pero pinilit ko pa rin na makapag-ayos upang makapunta sa foundation night sapagkat unang beses ko rin ito na mararanasan. At isa pa, nakakahiya kay Dok Hideo sapagkat wala siyang makakapareha kapag hindi ako sumipot. Kaso ay hindi talaga kinaya ng katawan ko kahit na kagustuhan man ng utak ko. Kasalanan ko rin naman dahil wala akong tulog. Hindi ak
DeeperAng pinakamatibay na ugnayan ay hindi sa dami ng salitang binitiwan, kundi sa mga tahimik na sandaling nagkaintindihan ang mga kaluluwa. Hanapin ang layunin na hindi lamang sa ibabaw ng mundo, kundi sa kaibuturan ng iyong puso."👨‍⚕️HIDEO ADONIS4 years ago...Nananatili akong nakaluhod sa harap ng pinto kung nasaan ang anak ng dalawang mag-asawang nasawi. Nalaman ko na magtatatlong araw na itong nananatili sa silid kung saan ako nakaluhod ngayon. Labis akong nakadarama ng habag para sa kanya sapagkat nag-iisang anak lamang siya. Pagkatapos ngayon ay wala ni isang magulang ang siyang natira para sa kanya. Kaya labis ang paghingi ng tawad ko sa kanya. Pero kanina pa niya ako pinagtatabuyan. Tila isang punyal na tumutusok sa aking puso ang pagtangis niya ng sobrang sakit.“Wala na pong magagawa ang pagluhod ninyo, hindi po niyan maibabalik ang mga magulang ko... Pakiusap po, umalis na po kayo!” Naramdaman ko muli ang pagkawala ng luha sa aking mga mata. Mas lalo akong napap
FondAng mga alaala ng taong mahalaga sa atin ay parang init ng araw—hindi laging nakikita, pero laging nararamdaman.👨‍⚕️HIDEO ADONISNagbabadya na ang pagbuhos ng ulan nang makarating kami sa Lomihan ni Aling Milings. Kadalasan ay mga hapon o gabi ang dagsa ng tao rito. Nakita ko naman na hindi gaano karami ang mga kumakain kaya makakapili kami ng pwesto na tabi ng bintana na siyang overlooking sa bulkang Taal.Pagka-park ko ay mas lumalakas na ang pag-ambon kaya kinuha ko ang payong at bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ang payong at nagtungo sa gawi niya saka siya pinagbuksan siya ng pinto. Mas dumarami ang pagpatak ng ambon kaya inalalayan ko siya sa pagbaba dahil baka matalisod siya pagbaba lalo na at hindi sementado ang kinatitirikan ng parking area. Nang makababa ay kaagad ko siyang isinukob sa payong upang hindi siya maambunan. Pero mas lumabas ang pagbagsak ng ulan. Nagtinginan kami at natulos sa kinatatayuan namin. Kailangan namin na mas lalong idikit ang isa't-isa upang wa
ElegyAng bawat patak ng ulan ay tila luha ng kalangitan, nagdadalamhati sa pagkawala ng iniibig. Ngunit sa likod ng ulap, may araw na naghihintay, handang magbigay-liwanag sa mga pusong sugatan.📿MARIKAH SYCHELLEHindi ko maiwasan na mapangiti nang ilagay ko sa lababo ang dalawang bowl ng pinagkainan namin ni Dok Hideo. May tatlong araw na rin akong naka sick leave. Ramdam ko naman na nakakabawi ang katawan ko. Isa na rin siguro sa dahilan ay nakakaligtaan ko ang pag-inom ng mga vitamins na siyang libre naman na ini-issue para sa aming mga Health care workers. Minsan kasi pag-uwi ay mas ginugusto ko na lamang na magpahinga. Dala na rin na nag-iba ang shift schedule ko kaya nag-adjust ng sobra ang body clock ko. Pero sa unit pa rin naman ako ni Doctor Hideo nakahanay. Kami pa rin ni Nurse Chrystallene ang magkasama. Pero ang student-Nurse na si Mraxia namin ay nalipat sa ibang unit. Sa labor and delivery, pero napapadaan naman siya sa station at ikinu-kwento kung gaano kasungit si D
HoldAng paghawak ay hindi lamang tungkol sa pagkapit sa isa't isa sa gitna ng bagyo, kundi tungkol sa pananampalataya na ang pag-ibig ninyo ay mas malakas kaysa sa anumang unos. Ito ay pagtitiwala na kahit ang mga sugat ay maghihilom, at ang mga luha ay magpapalalim sa inyong kwento.📿MARIKAH SYCHELLENapaka bilis ng mga araw na nagdaan, ngayon ay dalawang araw na lang ay Disyembre na. Parang kailan lamang nang dumalaw ako puntod ng magulang ko upang gunitain ang kanilang kamatayan. Ang araw din na iyon ay hindi ko malimutan matapos kong makita si Dok Hideo na lumuluha habang nasa Shrine of Our Lady of Caysasay kami. Maging ang mga bagay na naganap nang kami ay tuluyan ng umuwi. Habang nasa pinaka gitna ako ng aisle at nakatingala sa hinahangaan kong fiasco art ng simbahan ay napapikit ako upang damhin an presensya ng Panginoon. Ganito lagi ang aking nadarama sa tuwing magtutungo ako rito. Ang tahimik at napaka gaan na presensya ng buong simbahan na siyang sumimbolo na dito'y tunaz
ExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi
BeaconIn the middle of all my wandering, you became my beacon — a light I never asked for, but you turned out to be the home I'd been searching for all along.👰‍♀️ MARIKAH SYCHELLE Ito pala ang kasagutan sa mga hindi ko maipaliwanag na nararamdaman nitong mga nagdaang araw. Buong akala ko, pagod lamang ang sanhi at normal na kapag sunod-sunod ang shift hours ko. Pero ang pagseselan ko sa matatapang na amoy, na noon ay wala lang sa akin, naging hudyat pala ng isang bagong yugto sa aming buhay.Nakangiti akong napapikit. Napakabuti talaga ng Panginoon. Sa mismong araw ng kaarawan ng aking asawa, ibinigay Niya ang isang napakagandang balita — isang regalo na hindi kayang tapatan ng kahit anong bagay sa mundo.Napatingala ako sa kaharap naming altar, habang pareho kaming nakaluhod ng aking asawa sa loob ng maliit na prayer room. Tahimik naming ipinagpasalamat ang lahat—ang kanyang kaarawan, ang aming pagsasama, at higit sa lahat, ang bagong buhay na ibinigay sa amin.Marahan kong idina
GraceThe arrival of a child is a blessing from God—a reminder that with every new life, He pours out His endless love and grace.👨‍⚕️ HIDEO ADONISA few days later...Simula nang mawala siya, ang mga sumunod na taon ay naging mapurol. Bawat kaarawan ko, hindi ko na naramdaman ang kasabikan o kaligayahan. Sa labis na lungkot na bumalot sa akin, ang tanging hangarin ko tuwing sasapit ang aking kaarawan ay makita siyang muli. Isang simpleng hiling—ang mawala na sa mundo ito.Ngunit sa taon na ito, tila may bagong simula. May mga pagdapo ng kasabikan at kaligayahan na matagal kong nawalang dama. Isang bagay na hindi ko inasahan, pero dumating—siya. Ang babaeng nagbigay liwanag sa madilim kong mundo, ang nagbigay ng pag-asa upang makabangon muli.Siya ang bagong buhay ko.Ang aking asawa—si Marikah.At siya’y tulog pa rin, ang mga labi ay nakangiti habang pinagmamasdan ko siya. Inaasahan ko na mauuna siyang magising, sapagkat sabik na sabik siya para sa aking kaarawan. Nabanggit ko pa ng
TetheredKahit gaano kalayo ang marating natin, mananatili tayong nakatali sa isa't isa ng mga alaala, pangarap, at pagmamahal.👨‍⚕️HIDEO ADONISSinabi ko na nga ba ay maaabutan ko ang traffic. Umalis ako kanina nang dumating na sila Lola, Lolo, at Manang Dona. Ang aking asawa ang siyang mag-aalaga ngayon kay Lolo sapagkat mag-luluto sila Manang pati si Lola, at tutulong si Athena sa mga ito. Kaysa mainis sa traffic ay nilakasan ko ang aircon ng sasakyan dahil mukhang mahaba-habang hintayan ito. Naka-attached ang cellphone ko sa isang holder, nakita ko ang sunod-sunod na notification ni Les. Nakabukas pala ang data ko at nalimutan ko na isara kaninang kinuha ko ang pina-reserve kong lansones at rambutan, naubusan ako ng dalandan kaya maghahanap na lang akk mamaya dito sa Lipa. Ang traffic talaga rito ay hindi na nagbago. Pinindot ko ang video call, kaagad naman niya ito sinagot. “Magpaliwanag ka, bakit ngayon mo lang sinabi na ikinasal ka na? Ni hindi ko nga alam na nagka-girl fri
AwakenLubos na nagising ang mga puso para sa bagong pag-asa at pakikibaka dahil sa mga pagsubok na siyang paparating. Mas magiging matatag na haharapin ito. 👰‍♀️ MARIKAH SYCHELLE “Aba, Ginoong Maria,Napupuno ka ng grasya,Ang Panginoon ay sumasaiyo.Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,At pinagpala namanAng 'yong anak na si Hesus.” Taimtim kong pag-usal, habang patuloy kong iniikot ang hawak kong rosaryo.“Santa Maria, Ina ng Diyos,Ipanalangin mo kaming makasalanan,Ngayon at kung kami'y mamamatay.” Pagpapatuloy ni Nurse Chrystallene.Nagtinginan kami at sabay na sinambit ang salitang 'Amen'.Kasalukuyan kaming nandito sa chapel ng hospital at sabay na nagdasal ng alas tres ng hapon. Nag-sign of the cross kami. “Maayos na pakiramdam mo?” tanong niya habang sabay kaming tumayo at naglakad palabas.“Oo, hindi naman na ako binabagabag,” sagot ko, na ramdam ang kaunting ginhawa mula sa aming pagdarasal.“Kasalanan ito ni Dok Hera, kakairita talaga 'yon,” napairap siya, na tila n
StandSa gitna ng unos at panghuhusga, ang mahalaga ay kung paano ka nanindigan—hindi para sa gusto ng iba, kundi para sa totoo mong paniniwala at pangarap sa buhay.👨‍⚕️HIDEO ADONIS Pagpasok ko pa lang sa private plane, agad na tumama sa paningin ko ang isa sa mga iginagalang kong doktor — si Dr. Mouse Rosswell Velaroza, ama ni Dr. Rat Velaroza.Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit. Nang magtama ang aming mga mata, agad din siyang tumayo para salubungin ako, sabay kamayan."It's nice to see you, Dok Canliagn," bungad niya, may pamilyar na ngiti sa kanyang mukha."So glad na sabay tayong pupunta roon," tugon ko, magaan ang loob habang tinatanggap ang mainit niyang pagbati.Habang nagsisimula na kaming mag-ayos ng aming mga gamit, pasimpleng tumingin ako sa paligid. Hinahanap ko si Dok Rat dahil nabanggit niya noon na sasama siya sa medical conference na ito.“Where’s your son po?” tanong ko, medyo nagtatakang wala siya roon.Napangiti si Dok Mouse, sabay iling.“That big ra
DedicationAng tunay na dedikasyon ay hindi nasusukat sa oras o pagod, kundi sa puso mong handang magsakripisyo para sa layuning pinaniniwalaan mo👰‍♀️ MARIKAH SYCHELLE Kaagad akong mapangiti nang makita si Nurse Chrystallene na abala sa pagsasaayos ng mga supply sa Nurse station. Buong akala ko ay mauuna ako sa kanya, pero mukhang mas maaga pa rin siyang nag-time in. Kahit taga Laguna siya, never siyang nale-late. Kaagad siyang bumaling sa gawi ko at napangiti.“Good morning, Nurse Marikah! Blooming na naman tayo ah!”Ngumiti ako ng bahagya habang nilalagay ang bag ko sa locker.“Ay, alam ko na! Malungkot ka kasi walang bubuklat sa’yo ng three days.” May halong pang-aasar na sambit niya.“Kahit taga Laguna ka, nauuna ka pa rin mag-time in. Maaga ka bang bumibyahe?” tanong ko sa kanya habang naglalakad patungo sa PC at binubuksan ito.“Mga ala una ng madaling araw ay gising na ako, tapos mga alas tres ay bibyahe na. Mga four yata ay nandito na ako tapos matutulog muna ako saglit sa
Intertwined Tila ba ang ating mga tadhana’y magkalapat na sinulid na magkaiba sa simula, ngunit sa bawat hibla ay unti-unting nagtagpo, nag-ugat, at naging iisa.👨‍⚕️HIDEO ADONIS Saktong isinara ko ang maleta nang maramdaman ko ang mga bisig ni Marikah na yumakap mula sa aking likuran. Napangiti ako’t marahang hinaplos ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin. Lumulukso ang puso ko sa tuwing ganito siya ka-clingy sa akin. Ngayong araw ang flight ko papunta sa International Doctor's Conference. Tatlong araw rin akong mawawala. May mahalagang diskusyon tungkol sa bagong banta ng isang posibleng pandemya, at kailangan ng matinding paghahanda ng mga medical experts sa buong mundo.“Baka hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko sa loob ng tatlong araw,” mahina niyang sabi, ramdam ko ang kaunting pangungulila sa tinig niya. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha, pinagmamasdan ang bawat detalye ng babaeng mahal ko. Basa pa ang kanyang buhok habang nakasuot na siya ng puting
‎LurkingSa likod ng katahimikan, may matang laging nagbabantay, pusong laging nagmamasid, at damdaming matagal nang kinikimkim.‎👨‍⚕️ HIDEO ADONIS‎‎Kahit araw ng mga puso ay hindi nagpapahuli ang bawat departamento aa mga dekorasyon nila upang ipadama ang diwa ng araw na ito. Pero mas bida ang Cardiology Department sa mga sandaling ito. My programa sila sa araw na ito na libreng konsulta, at mababang presyo ng ECG at ibang procedure para sa mga may karamdaman sa kanilang puso. Kaninang pagpasok ko dito sa opisina ko ay bumungad sa akin ang mga roses, cards, at chocolates na siyang nasa table ko. ‎‎Nasanay na lamang ako sapagkat taon-taon naman akong binibigyan ng mga staff at Nurses maging ng ibang mga Doctors ng mga Valentine gifts. Mamaya rin ay ako ang magbibigay sa kanila ng greeting cards kapag bumisita ako sa bawat departments. ‎‎Pero sa taong ito, walang makakapantay sa iniregalo sa akin ng Diyos, ito ay ang aking asawang si Marikah. ‎‎Habang umuupo sa swivel chair ko
MarkedMay mga bakas na hindi nakikita ng mata na mga tanda ng sakit, saya, at pagmamahal na iniwan sa puso ng panahon.👰‍♀️ MARIKAH SYCHELLE Pagmulat ng aking mga mata. Ang sinag ng araw ay banayad na sumisilip mula sa mga kurtina, nagbibigay ng gintong liwanag sa paligid ng kwarto. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko. Nakayakap pa rin siya sa akin ng mahigpit na para bang kahit sa tulog ay ayaw niya akong pakawalan.Nakangiti akong napapikit muli.Ilang sandali akong nanatili lang sa ganoong posisyon, nakikinig sa mahinang tibok ng puso niya.Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya. Napakagwapo niya kahit tulog. Ang asawa kong minsan ay nababalot ng lungkot at hinagpis, ngayon ay may kapayapaan na sa kanyang mukha.Nagmulat siya ng mata, bahagyang namungay pa, pero agad akong nginitian."Good morning, mahal..." bulong niya, paos pa ang boses mula sa pagkakatulog. Mas malalim ito kaya tila nagwawala na naman ang sistema kom "Good morning din sa'yo, mahal ko..." sagot ko