ElegyAng bawat patak ng ulan ay tila luha ng kalangitan, nagdadalamhati sa pagkawala ng iniibig. Ngunit sa likod ng ulap, may araw na naghihintay, handang magbigay-liwanag sa mga pusong sugatan.📿MARIKAH SYCHELLEHindi ko maiwasan na mapangiti nang ilagay ko sa lababo ang dalawang bowl ng pinagkainan namin ni Dok Hideo. May tatlong araw na rin akong naka sick leave. Ramdam ko naman na nakakabawi ang katawan ko. Isa na rin siguro sa dahilan ay nakakaligtaan ko ang pag-inom ng mga vitamins na siyang libre naman na ini-issue para sa aming mga Health care workers. Minsan kasi pag-uwi ay mas ginugusto ko na lamang na magpahinga. Dala na rin na nag-iba ang shift schedule ko kaya nag-adjust ng sobra ang body clock ko. Pero sa unit pa rin naman ako ni Doctor Hideo nakahanay. Kami pa rin ni Nurse Chrystallene ang magkasama. Pero ang student-Nurse na si Mraxia namin ay nalipat sa ibang unit. Sa labor and delivery, pero napapadaan naman siya sa station at ikinu-kwento kung gaano kasungit si D
HoldAng paghawak ay hindi lamang tungkol sa pagkapit sa isa't isa sa gitna ng bagyo, kundi tungkol sa pananampalataya na ang pag-ibig ninyo ay mas malakas kaysa sa anumang unos. Ito ay pagtitiwala na kahit ang mga sugat ay maghihilom, at ang mga luha ay magpapalalim sa inyong kwento.📿MARIKAH SYCHELLENapaka bilis ng mga araw na nagdaan, ngayon ay dalawang araw na lang ay Disyembre na. Parang kailan lamang nang dumalaw ako puntod ng magulang ko upang gunitain ang kanilang kamatayan. Ang araw din na iyon ay hindi ko malimutan matapos kong makita si Dok Hideo na lumuluha habang nasa Shrine of Our Lady of Caysasay kami. Maging ang mga bagay na naganap nang kami ay tuluyan ng umuwi. Habang nasa pinaka gitna ako ng aisle at nakatingala sa hinahangaan kong fiasco art ng simbahan ay napapikit ako upang damhin an presensya ng Panginoon. Ganito lagi ang aking nadarama sa tuwing magtutungo ako rito. Ang tahimik at napaka gaan na presensya ng buong simbahan na siyang sumimbolo na dito'y tunaz
ExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi
ExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi
MissingSa bawat pintig ng puso ko, pangalan mo ang sigaw. Sa bawat saglit na lumilipas, ikaw ang hinahanap.👨⚕️HIDEO ADONIS"Ano kamo?! Nag-confess ka kay Marikah noong araw ng mga patay?!" Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Dok Rat matapos ko itong sabihin sa kanya. "Anak ka talaga ng tatay mong—pogi! Bakit naman sa dami ng petsa ay November 1 mismo?!" Naihilamos niya muli ang palad niya sa mukha niya. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na sabihin sa kanya ang ginawa ko ng gabing iyon. Pero iyon ay hindi lamang bugso ng damdamin ko kundi tunay na nadarama ko para kay Marikah. 'Di ko nga lang naisip ang petsa nang oras na iyon. Kaya mukhang ayaw din maniwala ni Marikah. Wala akong narinig na na sagot sa kanya, sa makatuwid ay nagpaalam lamang siya na gusto na niyang matulog at magpahinga. Tila doon lamang ako nagising sa kung ano ang aking nasabi. Iniisip ko tuloy kung labis siyang hindi nagingkomportable sa aking mga pinagsasabi. "Ang mahalaga, nasabi ko na
Jealousy Ang panibugho ay hindi tanda ng pagmamahal kundi ng takot—takot na mawalan, takot na hindi sapat, at takot na may ibang mas karapat-dapat.📿MARIKAH SYCHELLE Hinawi ko ng marahan ang kamay ni Dok Philip nang akma nitong pupunasan ng tissue ang luha ko. "Ako na po, Dok..." Kinuha ko sa kanya ang tissue at ako na ang nagdampi sa pisngi ko. "Kanina mo pa ako hindi sinasagot, Nurse Marikah. Bakit ka umiiyak? At sino'ng nagpa-iyak sa 'yo?" tanong niya at muling ibinulsa ang kanyang mga kamay sa bulsa ng white coat niya. "Wala po Dok, may kinimkim lamang po ako na sama ng loob at hindi ko na kinaya kaya napahagulgol na lamang ako." Paliwanag ko, sapagkat iyon naman ang katotohanan. Masyado kong niloloko ang sarili ko na isipin na ayos lamang ako matapos kong malaman ang patungkol sa namayapang kasintahan ni Dok Hideo. Hindi ko rin mawari ang aking sarili kung bakit ako labis na nasasaktan. Dahil ba sinasabi niya lang na mahal niya ako, na gusto niya ako dahil lang kapanga
ChristmasAng tunay na kahulugan ng Pasko ay hindi makikita sa makislap na ilaw o magagarang handa, kundi sa pusong handang umunawa, magpatawad, at magmahal nang walang hinihintay na kapalit. Sapagkat ang Pasko ay pag-ibig—isang pagmamahal na nagbibigay, nagsasakripisyo, at nagpapala.📿 MARIKAH SYCHELLEUnang araw ng Simbang gabi. Ako'y nalulumbay pa rin sapagkat hindi na talaga umuuwi ng mansion si Dok Hideo. Kapag nakikita ko naman siya rito ay sobrang abala niya sa kanyang mga surgical procedures lalo na maraming naho-hospital ngayong holiday season. Mabuti na lamang at nasabihan ko si Mang Guido na sunduin ako ng maaga pagtapos ng duty ko dahil magsisimbang gabi ako sa Sto. Domingo Church.Ito ang unang pagkakataon na magsisimbang gabi ako sa ibang simbahan sa taon na ito. Kailangan kong kumpletuhin ang siyam na gabi sapagkat kinasanayan ko na rin ito lalo na at kaarawan ko mismo ang araw ng pasko.Nagulat ako na hindi natuloy ang pagkawala ng duty ni Dok Philip. Pero nakiusap si
DevotionAng tunay na pag-ibig ay hindi lamang matatamis na salita o panandaliang saya. Ito ay isang banal na pangako—isang pusong handang umunawa kahit masakit, isang kaluluwang nagpapatawad kahit hindi humihingi ng tawad, at isang diwang nananatili kahit walang katiyakan. Ang pag-ibig ay hindi makasarili; ito ay isang sakripisyong kusang loob, isang tiwalang hindi nagdududa, at isang alay na walang hinihinging kapalit. Sapagkat ang tunay na pagmamahal ay hindi natitinag ng panahon, hindi sinusukat ng layo, at hindi kailanman nagwawakas.👨⚕️HIDEO ADONIS 3 weeks ago..."What if? Ulitin mo ang confession mo kay Nurse Marikah? Ang sagwa talaga ng November 1 eh..." Napatingin ako kay Dok Rat habang nagbabasa muli ng mga papeles sa isang folder. Narito na kami sa opisina ko. Kanina pa ako tapos mag-rounds at hindi ko na naman alam kung bakit nandirito siya. "Huh? Paano?" Gusto ko na nga makalimutan muna kahit paano ang kapalpakan ko na nag-confess sa araw mismo ng mga patay. Tapos,
Trigger Warning: Gun Violence & DeathThis story contains depictions of gun violence and death, which may be distressing to some readers. Please proceed with caution. Reader discretion is advised.PainParang apoy sa pandayan na sinusubok ka, tinutunaw ang iyong kahinaan, at hinuhubog kang muli upang maging mas matatag at matibay.👨⚕️HIDEO ADONIS Eight years ago... Tahimik kong tinitigan ang lalaking nasa kabilang panig ng hukuman. Si Ponce— na siyang pinagkakatiwalaan na personal driver ng pamilya Fernandez. Ang taong dahilan ngayon ng lahat ng sakit na aking nadaraman.Pinagmasdan ko siya—nakayuko, parang basang-sisiw sa harap ng batas. Ang dating anino lamang sa aking alaala, ngayon ay isang totoong tao sa harapan ko, humihinga at nabubuhay sa paningin ko habang si Sychelle... wala na.Ang pangalan niya ay binanggit ng piskal, at narinig ko ulit ang kanyang tinig. Sychelle Dayle Fernandez. Para bang kutsilyong hinati ang puso ko.“Akusado, paano mo ipapaliwanag ang iyong gin
TruthAng katotohanan sa pag-ibig ay parang isang ilog, maaari mong pigilan ang agos nito. Ngunit hindi mo kailanman mapipigil ang dagat na kanyang patutunguhan.👨⚕️HIDEO ADONISNasa SCTEX na kami at patuloy pa rin ako na nakikinig sa mga baon niyang kwento sa loob ng sampung araw. Hanggang ngayon ay hanga pa rin ako sa way of living nila sa kanilang tahanan. Kahit walanh telebisyon o cellphone na siyang hindi rin magagamit sapagkat walang signal sa mismong compound nila.Pero sa mga karatig naman ay nakakasagap kahit papaano. Hindi pa raw kasi napapatayuan ng satellite tower ang ilang bahagi ng kanilang Isla. Mas pabor na raw sila rito sapagkat gusto nila na ang mga turistang magtutungo sa naturang lugar ay hindi muna maranasan na humawak ng cellphone upang mas maappreciate ang bawat bahagi ng beach at ang mga tourist spots nito lalo na ang simbahan. Pagbabasa ng libro ang kanyang naging libangan. Kahit halos lahat ng tao ngayon ay may gadgets na o mga social media upang maging li
HeartbeatsAng tibok ng puso ay parang alon sa dagat—minsan banayad, minsan rumaragasa. Pero sa bawat pintig, may dahilan, may kwento, at may patutunguhan.📿 MARIKAH SYCHELLE Kay bilis lumipas ng araw. Ngayon ay nag-iimpake na ako ng mga dadalhin kong gamit pauwi ng Maynila—kila Hideo. Madaling araw palang at nais kong bumyahe ng maaga upang hindi maabutan ang traffic sa Lipa. Isinara ko ang maleta paglagay ko ng mga prayer book at journal book ko. Hindi ko alam kung kailan muli ako makakabalik dito pero alam ko na matatagalan muli. Kaya naman sinulit ko ang mga araw na kasama si Lolo at Lola. Tumutulong din ako sa pag-aasikaso sa bahay kalinga. Mas natuwa ako sa malaking pagbabago ni Clarina. Nakita ko naman na sobrang saya niya sa kanyang ginagawang pag-aalaga sa mga matatandang Madre. Lalo na kapag kasama nito si Dominador.Walanh araw din na hindi ko naiisip ang aking Irog. Kapag binubuksan ko ang aking cellphone ay pinupuno ko lamang ito ang mensahe para sa kanya kahit na al
⚠️ Trigger Warning: Death, Grief, and LossThis part contains themes of death, grief, and loss, which may be distressing to some readers. It explores emotional hardships, mourning, and the impact of loss. Just so that you know, you should use the reader discretion.GriefAng pagdadalamhati ay parang alon sa dagat. Minsan banayad at rumaragasa. Maaari kang malunod sa sakit, ngunit sa paglipas ng panahon, matututunan mong lumangoy kasabay nito.👨⚕️HIDEO ADONISParis, FrancePagtapos mag-breakfast ay nagpasya ako na makapagpahinga na muna sapagkat hinihila talaga ako ng anak. Gawa na rin na iba ang time zone ng Paris. Nang makapagpaalam sa kanila ay ako na ang mag-isang umakyat. Sabi kasi ni Tita Synchia naipahanda ang silid na gagamitin ko. Habang paakyat ay hindi ko muli maiwasan na iikot ang aking paningin muli sa kabuuan nitong mansion. Humahanga ako sa Interior design nito maging Architectural structures. French Grand Duke and Duchess ng Victorian Era ang ancestors nila Sychelle
ZealTulad ng isang ilawan sa dilim, ito'y maaaring magbigay-liwanag sa landas ng nangangapa, ngunit kung hindi alagaang mabuti, maaari itong mamatay sa sariling abo. Ang tunay na sigasig ay hindi lamang nag-aalab sa simula kundi patuloy na nagliliyab, pinapanday ng pagsubok at pinapatibay ng layunin.👨⚕️HIDEO ADONISShanghai, ChinaNandito ako ngayon sa Shanghai Airport. Natapos na ako sa Immigration kaya hinihintay mo na lamang ang oras ng flight ko. Nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ay kaagad kong kinuha ito at sinagot nang makita na si Dominador ang tumatawag. Nagtungo ako sa isang bench at umupo at itinabi ang dala kong maleta. Nasa Lipa City siguro siya kaya nagkasignal na siya. "Happy new year, Kumusta?" bungad kong tanong."Boss Dok! Happy new year! Finally, nakatikim din ako ng signal. At yes, okay na okay po Boss Dok! Nagustuhan ni Sisteret ang rose field mo. Kalerkey!"Napangiti ako sa tinuran niya, hawak ng isang kamay ko ang maleta na siyang nasa
FateAng kapalaran ay parang isang ilog na bumabaybay sa gitna ng kabundukan at sa bawat liko, may mga hadlang at agos na susubok sa iyong lakas. Minsan, aakalain mong hindi ka na makakausad dahil sa mga batong humaharang sa iyong landas, ngunit ang tubig ay hindi natitinag at patuloy itong dumadaloy, humuhubog sa bawat batong kanyang nadadaanan, hanggang sa ito'y maging makinis. Ganyan din ang buhay at ang bawat pagsubok ay humuhubog sa iyong pagkatao. At kung magpapatuloy ka, darating ka rin sa dagat ng iyong mga pangarap, kung saan ang kalayaan at kapayapaan ay naghihintay.📿MARIKAH SYCHELLEPagtapos kong tumulong sa paghihiwa ng mga sangkap para sa pagluluto ng mga ihahanda sa pagsalubong ng bagong taon. Umakyat na muna ako rito sa aking silid. Kinuha ko sa drawer ko ang mga diyaryo kung saan may mga tula at mensahe ng aking Irog mula sa Business page. Binuklat ko ang journal notebook ko. Inipon ko muna sila, balak ko na gupitin ang parte na may mga tula at mensahe niya para id
Reconciliation Ang pagpapatawad ay tulad ng isang sugatang lupain—maaaring tumagal bago ito muling mamulaklak, ngunit sa tamang panahon at pag-aalaga, muling sisibol ang pag-ibig at kapayapaan.👨⚕️ HIDEO ADONISNagpapahangin ako ngayon dito sa roof top ng HC Medical City. Nakatangila ako sa bilog na buwan at napakaraming mga bitwin sa kaulapan. Kung nandirito lang siguro si Marikah ay matutuwa iyon kapag nakita niya ang tinitingala ko ngayon. Tumanggap ako ng ilang surgery procedure ngayong araw upang mag mga Surgeons na makapag holiday break. Bukas kasi ay maghahanda naman ako sapagkat lilipad na kami nila Athena patungo sa China para sa kasal nila ni Dok Ivo. Bale nasa China ako mula bukas hanggang pagkatapos ng kasal nila sa Nee Year. Gusto kong umuwi kaagad upang masundo si Marikah sa Batangas. Lahat ng mga tula at mensahe na ipadadala ko sa kanya ng sampung araw ay naayos ko na rin. Gusto kong iparamdam sa kanya na araw-araw ko siyang naaalala at nami-miss. Kaagad akong lum
MineAng totoong para sa'yo, kahit pakawalan mo, babalik at mananatili ito. Pero ang hindi kailanman naging iyo, kahit ipaglaban mo, lalayo at mawawala.👨⚕️HIDEO ADONISNasa HC Medical City ako ngayon na lubos na kinagulat ng mga Doctor, Nurses, and Staff dahil nakasanayan na nilang hindi ako nakikita sa buong Disyembre. Ang mga reaksyon nila kanina ay alam mo, nakakita ng isang patay na muling nabuhay mula sa hukay. Next year nga ay palalagyan ko na ng Christmas decorations ang buong Surgery Department. Buong akala ko kapag nandito ako at nagpaka busy sa pag-rounds ng mga pasyente sa ICU ay mababawasan ang pagka-miss ko sa kanya. Pero hindi, dahil nasanay na pala akong lagi siyang chini-check sa Nurse station.Kahapon kasi pag-uwi ko mula sa paghatid sa kanya sa terminal ay natulog lamang ako hanggang gabi. Umalis sila Athena at Dok Ivo dahil may dadaluhan daw silang Christmas party. Alam ko naman na tahimik na talaga sa mansyon kahit na nandoon si Marikah pero iba ang katahimik s
CharityAng kawang-gawa ay parang ilog na hindi nauubos-kapag patuloy mong ipinagkakaloob ang iyong tubig sa nangangailangan, mas lalo kang pinagmumulan ng dalisay na biyaya📿 MARIKAH SYCHELLEHindi ko maiwasan na sipatin ang sarili kong mukha sa aking pocket mirror. Mugto pa rin ang aking mga mata dala ng pagiging emosyonal namin kanina ni Dok Hideo. Baka mapansin pa ito ng mga Madre pati na maging mga bata sa ampunan.Napatingin ako kay Dok Hideo nang maramdaman ko ang marahan niyang paghahawak sa kaliwang kamay ko. Nakatingin lamang siya ng diretso sa kalsada. Hinayaan ko lamang siya, bagkus ay mas lalo kong pinagsalikop ang aming mga kamay.Mamaya kasi pagkatapos ng aming pagpapasaya sa ampunan ay uuwi na ako sa Marikavan. Sa wakas ay makikita ko na muli si Lolo at Lola, maging ang aming tahanan.Nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit noong una ay muntikan akong mapahamak dito sa Siyudad ay iningatan pa rin niya ako. At ito ay sa pamamahigitan ni Dok Hideo. Base sa pagkakahawak niy