Napatayo si Agnes. Tila hindi nito matanggap ang katotohanan. "A-ano po? Wala na ang matandang Villacorte?....... H-hindi..."Nagtaka si Ms. Mildred sa malaking reaksyon ng dalaga. "Agnes, ano ba ang nangyayari sayo? Matagal nang namayapa si señor Miguelito, labing dalawang taon na siyang patay."Napasalampak ng upo si Agnes, natulala ito. "Hindi.... p-aano?" Tila gumuho ang kanyang pag-asa. Ang huling pag-asa nila mag-ama ay tuluyan nang nawala, paano niya ito matatanggap?Dali-daling nagpa-alam si Agnes at nagkulong sa maid's quarter. Nang may katulong na papasok ay hindi ito nakapasok dahil nakalock ang pinto sa loob. Hindi pinansin ni Agnes ang pagtawag nito sa labas, patuloy lang itong umiiyak sa kanyang higaan. Wala na siyang magagawa pa para matulungan ang ama, higit sa lahat, nawala ng ganu'n na ganu'n na lang ang v***inity n'ya.Buhat nang may nangyari sa kanila ay hindi na makatingin nang maayos at diretso si Agnes kay Aeros, habang ang binata naman ay normal la
"Oh my god! She's out of her mind!""Dali, tulungan n'yo si Jasper, he's bleeding!"Nagkaroon bigla ng komosyon na nagpalabas kay Ms. Mildred na noo'y abalang naghahanda ng ipupulutan ng mga bisita. "Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo?""Ms. Mildred..... S-si Agnes po kasi...."Napamaang si Agnes sa nagawa ngunit hindi niya iyon pinagsisisihan. Katunayan ay nasiyahan siya dahil nagawa nyang lumaban at ipagtanggol ang sarili. Kahit nakita niyang dumugo ang ulo ni Jasper, hindi siya natakot dahil alam niyang hindi naman ikamamatay ng lalaki iyon.Sumama ang tingin ng mga kaibigan ni Aeros kay Agnes. Nalalaman nilang si Jasper ang nagsimula ngunit para sa kanila ay hindi dapat iyon ginawa ng dalaga. Malinaw na anuman ang ginawa ni Jasper, dito pa rin sila kakampi.Lumapit si Aeros at hinatak sa braso si Agnes. "What do you think you're doing? Do you want to murder my friend? Paano kung mabasag ang bungo niya? Agnes.... Your cruel."Ito ang kauna-unahang tinawag siya ng binata
Magbuhat nang bumalik si Agnes sa villa ng mga Dela Fuentes ay palagi nang maasim ang mukha ni marina. Ang tanging masaya lang sa kanyang pagbabalik ay ang kanyang ama at si Alfie. Ngunit hindi mababakas sa mukha ng ama ang kasiyahan dahil natatakpan iyon ng malamlam na aura nito. Nabagbag ang loob ni Agnes nang makita ang hitsura ng ama dahil tila mas tumanda pa ito kaysa sa huli niya itong makita. Ang mga uban nito ay nadagdagan. Magbuhat nang huli nitong pakikipag-usap kay Agnes sa telepono ay nanatili na lang ito sa bahay dahil na rin na-ban ito sa kagagawan ng nag-traydor dito sa negosyo. Nasabi na ni Agnes ang malungkot na balita na namayapa na pala ang Don ng mga Villacorte na nangako noon ng isang daang milyon kay Marina. Ngayon ay nakaupo ang apat sa kanilang sala at pinag-uusapan ang susunod nilang gagawin:"May kumare ako, nagta-trabaho ang anak niyang lalaki sa casino. Puwede si Agnes doon bilang cocktail waitress." Mungkahi ni marina.Pasimpleng umirap si Ag
"Kumusta ka na Agnes, hindi ko akalaing makikita uli kita at sa ganitong pagkakaton pa." Wika ng lalaki habang hawak pa rin ang kamay ng lalaki, namimilipit ito.Gustong matawa ng dalaga, nakikipag-kamustahan ang lalaki habang may pinipilipit ito. "Ayos lang ako, mabuti't dumating ka.""Binitiwan mo ko! Hindi mo ba alam kung ano ako dito! Ipapasisante kita!" Sigaw ng interviewer habang pilit hinihila ang kanyang kamay ngunit wala siyang laban sa lakas ng matangkad na sumusupil sa kanya.Doon lang napukaw ang atensyon ng lalaki, malamig niyang tiningnan ang interviewer. "Hump! Wala akong pakialam kung ano ang posisyon mo dito o kahit Ikaw pa ang may-ari nitong kumpanya, akala mo ba natatakot ako sayo? Sinong may sabi sayong bastusin mo siya?""Ged..." Tawag ni Agnes sa lalaki. "Bitiwan mo na siya."Nang binitiwan na ni ged ang lalaki ay nagsisigaw ito. "Humanda kayo, sisiguraduhin kong hindi kayo matatanggap dito!" Dinuro-duro nito si ged. "At ikaw! Sisiguraduhin kong mata
Nang malalim na ang gabi ay humahangos na umuwi si Mylene. Kinatok nito nang kinatok ang ina sa kuwarto nito at hinila palabas. "Ano ba? Gabing-gabi na a, paano kung magising ang tito Edward mo?" Iritadang tanong ni Marina."Sorry mommy, importante lang....." Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Mylene at kaagad na sinabi ang pakay na tila urgent ito. "Ma, pahiram muna ako ng 63,000 ibabalik ko na lang.""ANO? 63,000?" Sa gulat ay hindi nakontrol ni Marina ang pagtaas ng boses.Agad namang tinakpan ni Mylene ang bibig ng ina. "Shhh.... Ano ka ba ma, baka magising si tito Edward. Hinaan mo lang ang boses mo.""Magsabi ka nang totoo, aanhin mo ang 63,000? Saan mo balak dalhin ang gano'ng kalaking pera? Huwag kang magsisinungaling sa kin!""K-kasi mommy...." Napagkiskis ni Mylene ang mga kamay. Ang branded bag na kanyang nabili sa mas murang halaga ay utang pala sa kapwa niya modelo. Hindi naunawaan ni Mylene ang naging pag-uusap nila na kailangan pala niya agad bayaran iyon sa
Natulala si Mylene sa matangkad at makisig na lalaki sa kanyang harapan. Inakala pa niyang night and shining armor niya ito at tangka sanang hahawakan ang guwapong mukha nito. Ngunit bigla siyang binitiwan ng lalaki.Magtatanong sana ang lalaki kay Mylene kung doon nakatira si Agnes sa villa'ng iyon, ngunit kagaya ng mga babaeng unang nakasilay ng kanyang kakisigan ay tulala ito. Nasuya siya kaya kaagad niyang binitiwan ang babae. "Tara kuya, nandoon ang ate ko sa loob." Paanyaya ni Alfie sa lalaki habang hinihila ang laylayan ng polo shirt nito. Inakay ng bata ang lalaki hanggang sa sala at iniwanan ito para tawagin si Agnes.Nang makarating sa kusina ang bata ay narinig nito ang pagtatalo ng ama at ng madrasta. "Ate...." Tawag niya. "Alfie, doon ka muna sa kuwarto mo, may importante kaming pinag uusapan dito." Kunot-noong wika ni Eduardo sa bunsong anak. Sa ayos ng ama ay natakot ang bata kaya kaagad itong umalis at bumalik sa sala. Nagpaumanhin ito sa naghihintay na bis
"A-ano? T-totoo ba ang sinasabi mo?" Tanong ng hindi makapaniwalang si Eduardo. Ito na ata ang sagot sa matagal na niyang dinadasal."Yes po, I mean it. Si pa- si agnes na lang po ang bahalang makipag-negotiate sa kin as for the other matters."Tuwang-tuwa si Marina at excited ito habang inaalog-alog ang asawa. "Narinig mo yun, honey? Solve na ang problema natin!"Natulala si Eduardo, hindi ito makapaniwala. Kinurot-kurot pa niya ang sarili sa pag-aakalang baka panaginip lang ang nangyayari. Sa huli, ang mga villacorte pa rin pala ang tutulong sa kanya. "S-salamat..... Maraming salamat iho." Maluha-luha niyang wika.Nang makita ang ayos ng ama ay naantig ang kalooban ni Agnes. Kahit na inis pa siya kay aeros dahil sa huli nilang pagtatalo at kahit ayaw na n'ya sanang bumalik pa sa mansyon, ay ayaw naman niyang sirain ang pag-asa ng ama. Sa huli ay pumayag na rin si Agnes. Nung araw na yun ay kasama na ni Aeros ang dalaga pabalik ng mansyon.Nagulat at nagtaka si Julius nan
"Aeros!..... What do you think you're doing?!" Si Cindy ang unang nag-react sa ginawa ng binata. "How can a maid eat with her master? Have you gone mad?"Napamaang saglit si Agnes bago mahimasmasan. "S-sir Aeros, tama po si Ms. Cindy, hindi po ako dapat sumabay sa inyo sa pagkain." Tumayo siya at akmang aalis na nang sunggaban ng binata ang kanyang pala-pulsuhan.Binalingan ng tingin ni Aeros si Cindy. "Puwede ba Cindy, huwag mo kong pinakikialaman. And as what you had said, I am the master of this house, so I will decide whoever I wanted to eat with. Got it?"Nakagat ng babae ang kanyang labi. "P-pero aeros....""You can go if you're not fine with it, walang pipigil sayo." Bumaling siya sa natulalang si Agnes, at nang hindi ito kumikilos ay kinuha niya ang bakanteng plato at inilapag iyon sa harapan ng dalaga. "Suit yourself, o baka gusto mong ako pa ang mag-serve sayo." Wika niya dito."H-hindi sir.... Pero, hindi talaga ako dapat umupo ditong kasama n'yo e.""Mabuti nama
Lumabas si Ivan at nagalinga-linga sa paligid ng entrance ng hotel, napakamot ito ng ulo. 'Akala ko ba ay may mga babaeng naka-abang dito sa labas na gustong makapuslit sa bachelor's party niya Aeros, ba't wala naman?' muli siyang naghanap at naglakad-lakad, hanggang sa makita n'ya ang isang kahina-hinalang babae. 'Ayun!' agad niya itong nilapitan.Tila nabulabog ang babae kung kaya't bigla itong lumayo. "Teka miss, sandali!" Pinigilan ito ni Ivan bago pa ito makatakbo . "Huwag kang matakot sa kin, hindi ako masamang tao...." Inilabas n'ya ang kanyang doctor's ID at ipinakita iyon. "Isa akong doktor kaya nakakasiguro kang matino akong tao."Napamaang ang "babae" nang masilayan si Ivan, ngunit tila hindi s'ya nakilala nito. Palihim siyang napa-palatak. 'Matino? May matino ba na bigla na lang lalapit sa hindi n'ya kilala at pipigilan pa itong umalis?'Tinakpan ng "babae" ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok, at gamit ang pinaliit at pinalambot na boses ay sum
Nang ginanap ang bachelor's party ay ilan sa mga babaeng nakakakilala kay aeros sa kanilang social circle ang nagtangkang pumuslit kung saan ito dinadaos, sa pagbabakasakaling maangkin nila ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos kasi ng bachelor's party ay ikakasal na si Aeros kaya ito na lamang ang kanilang pagkakataon. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ay walang kahit na sino ang nagtagumpay na makapasok.Inginuso ng ivan kay vince ang isang matangkad na lalaking nakatayo na naka shades sa isang tabi. "Ano yan? Bakit may ganyan?""A, yan ba? Ano pa ba? edi proteksyon." Nagkaroon ng malaking pagtataka si Ivan. "P-proteksyon?! Tama ba ako ng dinig?" Kinalikot pa nito ang kanyang tenga na wari'y nililinis n'ya iyon.Tila nandiri si Vince, bahagya itong ngumiwi at lumayo nang kaunti sa kaibigan doktor. "Doktor ka diba? Siguro ay dapat mo na'ng check-up-in iyang tenga mo, mukhang mahina na ang pandinig mo e, o kaya baka marami ka na'ng tutuli."Lumapit si Ivan at niyakap ang kaibigan,
Magmula nang hindi na nakakapunta sa kumpanya si Agnes ay dinadalhan na ito ng trabaho ni Gerald, lalo na kapag naiipon na iyon sa opisina nito, at iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Naisip ni Gerald ang kanyang inasta'ng bigla na lamang pagsingit sa pag-uusap ng iba. "Um.... P-pasensya na."Pumalatak si Aeros ngunit ngumisi ito. "Ayos lang. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. Tinatanong mo kung sino ang ikakasal, diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ni Agnes. "Kami ni Agnes ang ikakasal, pumunta ka ha."Kitang-kita ni Gerald ang asta'ng may panunuya ni Aeros sa kanya, naiinis man ay hindi naman n'ya magawang tingnan ito nang masama. Nalalaman din niyang talunan na s'ya nito kaya maaaring totoo ang sinasabi nito. Bumaling siya kay Agnes. "Totoo ba yun Agnes, magpapakasal ka na?"Sumagot si Agnes. "Oo Gerald. Magpapakasal na kami ni Aeros."Hindi nakapagsalita si Gerald ngunit halos malukot na n'ya nang hindi sinasadya ang hawak na document envelope."Bakit nga pala pumunta ka nang gani
"Grandma!" Tawag ng nagmamadaling si Aeros. Nang papunta si Esmeralda kila Agnes ay kasunod ito sa pag-aalala na baka mag take advantage ito kay Agnes at sabihin ang hinanaing nito tungkol kay Aaron. Gustung-gusto na kasi nitong makasama ang bata. Lumapit s'ya at binulungan ito. "What are you doing?""Aeros, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba pupunta sa kumpanya ngayon?" Tanong ni Esmeralda, tila hindi nito inintindi ang tanong ng apo. "Mabuti na rin na nandito ka, nang sa ganun ay mapag-usapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Agnes.""G-grandma?" Napasulyap si Aeros kay Agnes sa pag-aalalang baka nabigla ito.Hindi alam ni Agnes ang magiging reaksiyon, tama nga ang kanyang iniisip, ngunit hindi pa siya makakasagot sa ngayon dahil meron pa siyang dapat ikonsidera."Ano sa tingin mo iha, puwede ka ba ngayon para makapag meeting na tayo ng tungkol sa pag-iisang dibdib n'yo ni Aeros?" Nakangiting tanong ni Esmeralda.Napakamot ng ulo si Agnes "Um.... Ano po kasi e..."Nang
Biglang tumayo si Aeros sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang lola. "Grandma, pupunta na lang uli kami ni Agnes sa ibang araw. Huwag na po kayong sumama sa kanya pagbalik, promise, sa susunod ay dadalhin na namin dito sa Aaron." At hinila na nito patayo ang nagtatakang si Agnes."Ha? Aalis na agad kayo? Kay bilis naman! Dito na lang kayo mananghalian." Ani Esmeralda, sinunggaban nito ang kamay ni Agnes at tumingin dito nang may halong pakikiusap.Bumaling si Agnes kay Aeros. "Oo nga naman Aeros, dito na lang tayo mananghalian para magkasama pa kayo ni don- ni lola Esmie." Aniya nang hindi nauunawaan ang sitwasyon ng pagkakaganito ni Aeros."Um...." Hindi alam ni aeros kung papayag ba sa gusto ng dalawa o hindi, para kasing sinisilihan ang tumbong nito at tila hindi makatagal nang nandoon si Easton.Nahalata ni Easton ang nakaiilang na sitwasyon kaya nagkusa na ito. "Ehem..... Grandma, ang mabuti pa ay babalik na lang ako sa ibang araw. Maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana it
Nang maibigay na ni Gerald ang mga dokumento kay Agnes ay umalis na rin ito. Dahil sa nangyari ay wala siyang balak pang magtagal doon lalo na nang sitahin siya ni Agnes tungkol sa lihim na kumpetisyon na isinagawa nila ni aeros. Alam niyang maaari nga itong magalit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na kagagalitan siya nito nang naroroon si Aeros, nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para tuyain siya, kaya agad na rin siyang nagpaalam.Matapos makapag usap at matapos maging malinaw ang lahat ay doon na nananghalian si Aeros, matapos kumain ay nagtungo naman sila ni agnes sa mansyon ng mga Villacorte."O bakit?" Tanong ni Aeros nang biglang bitiwan ni Agnes ang kanyang kamay, nasa pintuan na sila ngayon. "Nag-aalala ka ba? ako na ang nagsasabi, tanggap ka na ng lola ko kaya wala nang magiging problema.""P-pero...."Hinawakan ni Aeros nang mahigpit ang kamay ni Agnes. "Nandito ako kaya huwag kang mag-alala. Kung sakali mang umatras si grandma sa sinabi niya, sa pagkakataong ito ay
Bagaman nagkakaroon ng udyok si Agnes na lapitan si Aeros ngunit hindi niya magawa dahil sa hiya. Na-misinterpret pala niya ito at mali ang kanyang iniisip tungkol dito.Maya-maya lang ay pinutol na ni Aeros ang pakikipag-usap sa kanyang lola. Nang makita ni Agnes na papalabas na ito ng fire exit ay tumakbo siya palayo, tila wala pa siyang lakas ng loob na harapin ito. Aalis na muna siya para na ring mapag-isipan ang dapat niyang gawin.Tulala si Agnes nang magbalik ito sa kanyang suite. "Kumusta Agnes, nahanap mo ba ang nobyo mo? Nagkausap ba kayo? Nagkaayos na ba kayo?" Agad na tanong ni Marta.Nagbalik sa kanyang wisyo si Agnes at napamaang sa matandang katulong. "Inabutan ko po siya pero hindi po kami nagka-usap...... Saka, nanay Marta, hindi ko na po nobyo si Aeros, hiwalay na po kami at nananatili pa rin pong ganun hanggang ngayon kaya paano naman po kami magkakabalikan?"Hindi inintindi ni Marta ang sinabi ni Agnes. "Doon din naman kayo pupunta, may kutob akong magkakabalikan
Nang sumunod si gerald sa hotel ay nagtaka nang husto si Agnes nang makita ang mukha nito na may mga pasa at band aid. "Ged, napaano ka?" "Nadisgrasya ako pagkuha ko ng document. Natisod ako at nadapa, tapos bumagsak ako, tumama ang mukha ko sa mesa.""G-ganun ba? Pero......" Nagkaroon ng pagdududa si Agnes dahil sa kanyang nakikita ay mukha namang hindi ang pagtama sa lamesa ang dahilan ng pagkakabugbog ng mukha ni Gerald, sa halip, sa kanyang nakikita ay mukhang nakipag away ito.Hindi sinabi ni gerald kay Agnes ang tungkol sa kumpetisyon nila ni Aeros. Sa hotel gagawin ng dalawa ang huli nilang paghaharap at dahil nandoon na rin naman sa hotel ay inayos na ni Gerald ang lahat ng kakailanganin...........Sa araw ng kompetisyon:"Akala ko ay hindi ka na darating e."Pumalatak si aeros. "Ano'ng tingin mo sa kin?""Kung ganun, ihanda mo na ang sarili mo para matalo, dahil hindi kita pagbibigyan." Nilingon ni Gerald ang nakasarang pinto. Naisip n'ya ang kakatwang sitwasyon ni Aeros;
Pag-alis nila aeros at Fredericko ay agad nag-impake ng ilang gamit si Agnes para sa kanila ni Aaron. Dahil madalian ay tinulungan na siya ni Marta sa pag-iimpake. Nagtanong ito. "Bakit biglaan naman yata ang pag-alis mo iha, mag-a-out of town ka ba? Saka bakit pati gamit ni Aaron ay iniimpake mo, isasama mo ba ang bata?""Opo, isasama ko po ang anak ko pero hindi po kami mag-a-out of town, mag -i-stay po muna kami sa hotel."Napamaang si Marta. "Magho-hotel kayo ni Aaron? Ano na naman ang gagawin n'yong mag-ina doon?""Nanay Marta, katulad po ng sinabi ko, doon na muna kami...... nag-aalala po kasi ako na baka bumalik uli ang ama niya at kunin siya nang sapilitan sa kin."Natigilan si Marta. "T-teka..... yung lalaki kahapon, ibig mong sabihin...."Bumuntong-hininga si Agnes. "Opo, tama po kayo. Siya po si Aeros, ang ama ni Aaron.""Aba, e ka-guwapo naman pala ng dati mong nobyo! Pero, bakit ganito na ang sitwasyon n'yo ngayon? Puwede ko bang itanong kung ano ang nangyari sa inyong da