"Help me to release......"Nanindig ang mga balahibo ni Agnes ngunit hindi sa sinabi ng binata, kundi sa ginawa nito. Ramdam na ramdam ng dalaga ang naghuhumindig at matigas na bagay sa kanyang kamay. Napabalikwas siya at pilit na muling binawi ang kanyang kamay. "Aeros Villacorte, b-bitiwan mo ko...... Pangha-haras itong ginagawa mo!"Binitiwan ni Aeros ang dalaga na sinamantala naman ng huli. Agad nagtungo si Agnes sa pinto at handa na sanang lumabas nang:"Remember our cooperation....."Natigilan si Agnes sa tapat ng pinto, ngunit pinihit pa rin niya ang doorknob."Remember about the 35 Million na hinihiling mo sa kin para sa business ng dad mo..."Hindi na naituloy ni Agnes ang pag-alis, dahan-dahan itong lumingon sa binata na noo'y nakatayo na sa harap ng mesa. "A-anong ibig mong sabihin?"Nag-cross arms si Aeros at sumandal sa mesa. "Simple...... If you want that 35 Million; serve me." At itinuro niya ang nakatindig niyang pagka**laki.Nang magawi ang kanyang panin
Nagulat si Agnes at tiningala ang amo na noo'y bahagyang nakangiti sa kanya. Saka nilingon ng dalaga sila Ms. Mildred at Dina. Naalimpungatan si Agnes at hindi sinasadyang siniko ang amo'ng naka-akbay sa kanya sa sikmura."Ugh!" Nasapo na lang ni aeros ang kanyang tiyan habang kaagad namang dumistansya ang dalaga sa kanya."Tsk..." Palatak ng binata. Hinatak niya si Agnes palapit sa kanya at muling ipinatong ang kanyang bisig sa balikat nito. Pumiglas ang dalaga ngunit hindi niya ito hinayaang makalayo. Bumaling si Aeros sa tatlo. "Ngayong alam n'yo na, huwag na sanang maging issue 'to. Ayoko nang maririnig na kinukwestiyon n'yo itong personal maid ko, maliwanag?" sabay pisil ng kanyang kamao sa pisngi ng dalaga. Pagkatapos ang inakay na niya ito palayo.Hanggang sa maka-alis ang dalawa ay tila tulala pa rin si dina at Ms. Mildred, habang si Lucy naman ay halos punitin na ang kanyang palda sa pagkabigo at inggit."D-dina..... Totoo ba yung nakita ko? si Agnes at si ser Aeros
"Señorito?..... Ano pong ginawa n'yo dun sa basement?" Napatingin si Ms. Mildred kay Agnes. "T-teka, magkasama ba kayo ni Agnes?""Oo. Magkasama nga kami." Nanlaki ang mga mata ni Agnes sa guwapong amo. Huli na para senyasan niya ito. Nataranta ang dalaga, habang si aeros naman ay ipinagkibit-balikat lang ang kanyang sinabi at tila wala lamang ito sa kanya. Ang hinala naman ni Ms. Mildred ay lalong nadagdagan. Pinagmasdan niyang mabuti ang nakayuko nang si Agnes."Meron akong ipinahanap kay panget, kaya magkasama kami dito sa basement...... Bakit, may problema ba doon?" Biglang wika ni Aeros."May ipinahanap kayo?" Dudang-tanong ng mayordoma. "Ano naman po yun, puwede bang malaman, señorito?" Nangunot ang noo ng binata. "Isa yun'g painting na iniregalo ng kung sino sa lola ko, paborito niya yun kaya gusto ko sanang ipalagay doon sa makikita niya. Saka...... Bakit ba nagtatanong pa kayo, para n'yo akong pinaghihinalaan a!""N-naku! Huwag po kayong magalit señorito, nagta
Sinulyapan ni Fredericko ang pamangkin nang magbalik ito mula sa restroom, ngunit nagtaka siya nang makita ang tila lugmok at malungkot na hitsura nito. Batid niyang ang dahilan ng pagtayo ni Aeros kanina ay para 'makipagkilala' sa ilang babaeng ini-spot-an nito at gawin iyon sa restroom, batid rin niya na dapat pagkatapos ay masaya't kuntento na ang palikerong pamangkin kaya nagtataka siya kung bakit ganito ang ayos nito. "May problema ba?" Hindi maiwasan niyang tanong. Dahil sa pag iisip sa pamangkin ay nakaligtaan ni Fredericko ang nagdi-discuss na busines partner sa mesa.Tanging pag-iling lang ang isinagot ni Aeros. Tulala ito habang tila may iniisip. Samantala sa di-kalayuan ay tinatanaw ni Cindy ang binata. Dito siya nakapuwesto kanina, hindi nga lang nakilala ni Aeros. Maging si Cindy ay tila dismayado at malungkot rin.Kanina sa restroom, ramdam na ni Aeros ang pagnanasa sa kanya ngunit nang sisimulan na niya ang pag-angkin kay Cindy ay hindi nakisama ang kanyang 'gagami
Kinabukasan ay mainit na sinalubong nila Ms. Mildred at ng mga katulong ang pagdating ni donya esmie, masaya namang bumati pabalik ang matanda. Pagkatapos ay nakipag kamustahan ito sa mayordoma na animo'y magkaibigan lang ang mga ito at namangha ang mga katulong nang makita ito. Nilibot nang tingin ni Esmeralda ang buong Mansyon at tila kuntento naman ito at pinuri-puri pa ang kalinisan ng bawat matamaan ng kanyang paningin. Ang mga katulong na nag-aabang sa opinyon ng donya ay nakahinga nang maluwag nang marinig ang papuri nito. Inilibot ni Ms. Mildred kasunod ng mga katulong si donya esmie hanggang sa magtanong ito sa mga nakatira doon."Si sir Fredericko ay hindi umuwi kagabi, kasi naging successful daw ang kooperasyon nila ng bagong business partner niya kaya ayun, naimbitahan siya sa isang resort. Biglaan nga e." Sagot ni Ms. Mildred."Hmm.... E ang apo ko? Nasaan si Aeros?"Natahimik ang mayordoma pagkatapos ay bumaling ito sa mga katulong. "Si ser Aeros ba, ginising n'
Natulala ang lahat sa kanilang narinig at halos mga nakanganga rin ang mga ito, habang nahampas naman ni Agnes ang sarili noo. Ito na nga ba ang kanyang sinasabi, kung minsan ay hindi niya alam kung sinasadya ba ng binata ang gawin ito para ipahamak siya."A-ano raw? Anong sabi ni ser Aeros?" Tanong ni Preciosa sa tulala ring si Dina."Ewan..... Hindi rin ako sigurado e.""S-señorito.....a-ano po ang sinabi niyo?" Tanong nang tila hindi makapaniwalang mayordoma."Um...." Magsasalita sana si Agnes para ipabulaanan ang sinabi ng amo nang magsalita uli ito."I said, sa kwarto ko natulog si panget....." Tiningnan ni aeros ang mga taong lalong nagulat nang ulitin niya ang kanyang sinabi, lalo ring lumaki ang pagkaka-nganga ng mga ito. "What? I got sick all of a sudden and I needed someone to take care of me, and since she's my personal maid, she must be there, hindi ba?""A................." Mahabang nawika na lang ng lahat matapos marinig ang katwiran ng binata. Sapat na ang dahilan
W-what?" Natigilan si Esmeralda. "Girlfriend ka ng apo ko?"Ngumiti nang matamis si Cindy. "Yes po lola, girlfriend po ako ng apo–""Grandma, see you tonight..... I have to go to the company." Naputol si Cindy nang biglang dumating si aeros mula sa kuwarto nito. Naka business attire ito dala ang isang document leather bag. Lumapit ito at bumeso ito sa kanyang lola.Biglang kinabahan si Cindy, hindi niya naisip na nasa mansyon nga pala ang binata, bigla niyang ginusto na bawiin ang sinabi. "Teka lang!" Pigil ni Esmeralda, hawak ang bisig ng apo. "Pupunta ka sa kumpanya? But, hindi ba, nilalagnat ka, paano kung mabinat ka? Saka nandito si Cindy...."Tumingin muna sa kanyang wristwatch si aeros. "Ayos na ko 'la, hindi ba sinabi ko naman sayo." Sinulyapan niya ang babae. "Well, mukhang kilala mo na si Cindy, atleast may kausap ka na..... Sige na, I have to go. I love you." Muli niyang hinagkan ang matanda at umalis na.Nakahinga nang maluwag si Cindy nang maka-alis ang binata nan
Maya-maya lang ay maririnig ang mga yabag ng mga nqgdudumali na paparating sa kusina. Lalong inilakas ni Cindy ang kanyang pag-iyak. "Grandma esmie, tulungan n'yo po ako..." Bumungad sila Esmeralda, Fredericko at Ms. Mildred. Katatapos lang ng mga ito mananghalian kasama si Cindy. Naiwan ang tatlo sa mahabang mesa habang nag uusap-usap. "Cindy, Cindy.... What's happened?" Agad itinayo ni Esmeralda ang babae lalo na nang makitang nakasalampak ito sa mga bubog ng mga nabasag ng plato."Lola esmie, itinulak niya po ako..." Sumbong ng babae.Bumaling ang donya sa naguguluhang si Agnes. Hanggang ngayon ay hindi ito makapaniwala sa ginawa ni Cindy. Ngayon ay malinaw na sa kanya na balak siyang i-set up nito. "Agnes, anong ibig sabihin nito? Anong ginawa mo kay Cindy?"Umiling-iling ang dalaga. "W-wala po akong ginawa sa kanya donya esmie, maniwala po kayo. Siya po ang–""Wala kang ginawa? Anong ibig mong sabihin, na ginawa ko ito sa sarili ko?" Iniangat ni Cindy ang kamay na may dugo
Dahil matagal nang kilala nila Agnes si Gerald kung kaya ay palagay na ang loob nila dito at ganun din naman ang huli. Nagpunta ito sa villa para maghatid ng ilang files kay Agnes dahil hindi na ito nakakapunta sa kumpanya gawa ng abala ito sa pag-aalaga sa kanyang anak.Pagdating ni Gerald ay pinagsilbihan ito ni marta at binigyan ng isang tasa ng kape. Ilang saglit lang ay may biglang nag-doorbell sa labas kaya kinailangang lumabas ni Marta. Pagbalik ay kasama na nito sila aeros at Fredericko. Nang makita si Aeros ay agad tumayo si Gerald para hinarangan ito. Sa kanyang senyas ay iniwanan sila ni Marta, pagbaling sa hindi inaaasahang bisita ay marahas n'ya itong tinanong: "Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?" Matapos magpalitan ng ilang pangungusap ay ngumisi si gerald sa katanungan ni aeros: "Anong ibig kong sabihin? Hindi mo pa rin ba makuha? Ano ba ang pagkakaintindi mo?""Puwede ba, ayokong makipaglaro ng pala-isipan sa'yo, ano bang malay ko kung nag-aasume ka lang? D
Pag-alis ni Esmeralda ay hindi na mapakali si Aeros, paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang huling kataga ng kanyang lola na meron silang anak ni Agnes. Naupo s'ya sa gilid ng kama at nakagat ang kanyang hinlalaki, pagkatapos ay muli siyang tumayo at nagpalakad-lakad.Kung ibang tao ang nagsabi niyon sa kanya ay tiyak na magkakaroon siya ng malaking pagdududa, ngunit iba kung ang kanyang lola ang nagsabi. Ngunit naiisip din n'ya na maaaring nag-iilusyon lang ang matanda dahil sa kagustuhan nitong magkaroon na ng apo sa tuhod. Dahil nga dito kung kaya ay kamuntikan na itong mapaglalangan ni Cindy noon.Ganun pa man ay meron'g parte ng kanyang utak ang nagsasabi sa kanya na maaaring posible nga iyon. 'M-magiging ama na ko?' aniya sa kanyang loob, bigla niyang nadagukan ang sarili. 'Mali, hindi pala..... ama na pala ako pero ngayon ko lang nalaman.' Mababakas kay Aeros ang excitement at tila gusto nitong mag selebra. Nagbabadya din ang pag-ngiti ng kanyang labi ngunit pilit n'ya
Mabilis na nakahanap ng magaling na hacker ang assistant ni Esmeralda nang utusan niya itong alamin ang kinaroroonan ni Agnes dahil na rin sa kuneksyon ng pamilya Villacorte. Nang gabing iyon ay nabuksan ng inupahang hacker ang naka lock na F@cebook account ni Agnes at doon tumambad sa kanya ang malaking impormasyon na agad niyang ipinadala sa kanyang amo kasama ang impormasyon kung saan ito nakatira.Nagitla si Esmeralda sa nalaman lalo na nang ipadala sa kanya ng kanyang assistant ang larawan ng isang buwan'g gulang pa lang na si Aaron. Doon niya biglang naalala ang isang buwang gulang din na sanggol na kanilang nakita ng caregiver sa mall. Nang kanyang paghambingin ay nakumpirma niyang malaki ang pagkakatulad ng dalawa.Napahawak sa kanyang dibdib si Esmeralda, ngayon niya natiyak kung bakit ganu'n ang kanyang naramdaman nang makita ang bata, kung bakit siya nakakaramdam ng koneksyon para dito. Malakas ang kanyang kutob na ang sanggol na iyon at ang anak ni Agnes sa larawan na i
Gabi na nang umalis si easton dahil marami silang napag-usapan ng kaniyang lola. Pag-alis ni Easton ay naroon pa rin sa malaking sala si Esmeralda, tila malalim ang iniisip nito.Maya-maya ay lumapit si Ms. Mildred. "Donya Esmie, nakahanda na po ang hapunan. Nasaan na po si ser Easton, hindi po ba siya dito maghahapunan?""Umalis na, meron daw siyang kailangang imi-meet." Ani ng tulalang si Esmeralda."Donya esmie, ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip n'yo a.""Naisip ko lang ang mga napag-usapan namin ni Easton. Alam mo, tama yung sinabi niya sa kin: kaming tatlo lang ang tunay na nagmamalasakit kay Aeros pero kaming dalawa lang ni Fredericko ang pinaka pinagkakatiwalaan n'ya, pero...... anong ginawa ko? Binigo ko siya. Ayun, umalis tuloy siya at nagpaka layo-layo."Nang maramdaman ng mayordoma na tila sinsisi na naman ng donya ang sarili ay inalo-alo n'ya ito. Hindi muna kumain ng hapunan si Esmeralda dahil wala pa itong gana. Nang maka-alis si Ms. Mildred ay kinuha ni Esm
"M-ma'am!.... K-kanina pa ba kayo nakabalik? Ba't ang aga n'yo naman ata'ang umuwi, diba dapat mamaya pang hapon ang uwi n'yo?" Tanong ng isang nagulat at kararating lang na yaya nang datnan ang kanyang among babae na nakaupo sa sala. "Analyn, mukhang nakakalimutan mo yata kung ano ang papel mo sa pamamahay na ito para tanungin ako nang ganyan." Sagot ng magandang babae na tinawag na "ma'am" ng kararating lang na yaya.Naging awkward ang kanilang pag-uusap, napayuko sa pagkapahiya ang nagngangalang Analyn at hindi nakasagot. Mabuti na lamang ay bigla niyang naalala ang kanyang alaga kaya nagkaroon ito ng excuse para hindi pansinin ang sinabi ng amo. Hinila niya ang dalang stroller papasok ng villa. "Ipinasyal ko po si Aaron, kasi nag-iiyak siya kanina e." Bahagyang umangat ang kilay ng magandang babae sa sofa nang marinig iyon. "Nag-iiyak? Paanong nag-iiyak, e hindi naman iyakin si Aaron?" Tumayo siya at nilapitan ang sanggol sa stroller na noo'y mahimbing na'ng natutulog. May pag
"Señora, mukhang bagay na bagay po ito sa inyo o. Ang elegante ng disenyo at ang ganda ng kulay, bakit hindi n'yo po ito subukan?" Wika ng isang caregiver sa kanyang amo habang itinuturo ang isang magandang blouse. Naroon sila sa isang mamahaling boutique ng isang mall. "Señora?" Tawag niya nang hindi siya pansinin nito. Nakatingin lang ito sa isang stroller na naroon sa isang tabi sa labas. Lumapit siya sa matanda. "Señora, may problema po ba?""Ludy, tingnan mo nga yun, yung stroller na yun....." Turo ng señora sa stroller. "Tingnan mo nga kung may bata doon, kanina ko pa kasi napapansin yun doon e."Nilapitan ng caregiver ang naturang stroller at agad bumalik sa kanyang amo. "Meron pong baby sa loob, at ang cute cute n'ya. Ngumiti agad siya sa kin nang makita ako." Aniya na tila nagigiliwan sa sanggol, ni hindi n'ya napansin ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang amo.Biglang lumabas ng boutique ang Señora at tinungo ang kinaroroonan ng sanggol kasunod ang kanyang caregiver. Nang
"Mukhang malalim ang iniisip mo dad a." Ani Agnes sa ama habang nakadungaw ito sa veranda. "May problema ba?"Nagpakawala ng buntong-hininga si Eduardo, pagkatapos ay inakbayan ang anak. "Wala naman. Ano ang tingin mo dito sa villa'ng nabili natin, mas malaki 'to kaysa sa dati.""Bakit nga pala mas malaki pa sa dati nating tinitirhan ang binili mo dad, e tatatlo lang naman tayo?""Ayos na rin ito para kung sakaling bumuo na ng pamilya si Alfie sa hinaharap, hindi siya mapapahiya kapag iniuwi na n'ya dito ang mapapangasawa niya."Napapalatak si Agnes. "Dad, ang layo at ang tagal pa nun a, ang bata-bata pa ng kapatid ko no.""Alam ko naman yun, pero ayos na rin siguro kung paghandaan natin yun nang maaga."Maya-maya lang ay biglang may sumingit sa gitna ng dalawa. Isiniksik nito ang sarili at yumakap sa magkabilang bewang nila."Bakit Alfie, may kailangan ka ba?" Tanong ni Eduardo sa kanyang bunso."Wala po, narinig ko kasi ang pangalan ko e, tinatawag n'yo po ako?" Sagot ng bata.Nagta
Mula sa condo ni Aeros ay nagtungo naman si Vance sa condo ni Cindy para kumpirmahin dito ang hinala ngunit nakakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas. Tinawagan n'ya ito ngunit hindi din nito sinasagot. Dumilim ang mukha ni Vance, tila pinagtataguan siya ng babae. Hindi siya tumigil sa pag-contact dito. Maya-maya lang ay may sumagot na sa kabilang linya: "O Vance, napatawag ka? Akala ko ba ay dapat magkanya kanya na–""Nasa labas ako ng Condo mo, buksan mo ang pinto." Putol ni Vance."At ano naman ang kailangan mo, wala ako diyan.""Nasaan ka?""Nandito ako kila Aeros..... Dito na kasi ako titira magmula ngayon hanggang sa maikasal kami...." May pagmamalaking sagot ni Cindy. "Huwag mong sabihing pupuntahan mo ko dito." Hindi siya sinagot ng lalaki dahil pinutol na nito ang linya. Ipinagkibit-balikat lang ni Cindy ang pagtawag ni Vance, subalit hindi nito akalaing pupuntahan nga siya nito sa mansyon."Ano, hinahanap ako ni Vance? Bakit daw?" Tanong ni Cindy kay Ms Mil
"My goodness dude, what a big scoop!..... No way! You and Cindy...... were having a baby?" Usisa ni Vince paglabas ng mansyon, nakasunod ito kay aeros."Don't believe her bullsh*t, you know what kind of manipulative bi*ch she is...... Kailanman ay hindi ko kikilalanin ang bata sa tiyan n'ya.""But dude.... let's say that Cindy is indeed having an affair with a lot of men, but what if at the end of the day ay napatunayan na sayo nga yung bata, anong gagawin mo?"Pumasok sa sasakyan si Aeros. "Hindi ko magiging problema yun, atleast not for now...""What?" Tanong ni Vince habang inilalagay ang kanyang seatbelt. "Anong ibig mong sabihin?""Never mind. Basta I'm a hundred percent na hindi ako magkaka-anak sa ibang babae maliban kay agnes." Nang maisip ang dalaga ay tila nahawi ang karimlan kay aeros, ang pagkagalit niya dahil sa ginawa ni Cindy ay nawala. Hindi lang n'ya masabi kay Vince na hindi siya "tinatayuan" sa ibang babae kundi tanging sa kasintahan lang, kaya kumpiyansa siyang hin