W-what?" Natigilan si Esmeralda. "Girlfriend ka ng apo ko?"Ngumiti nang matamis si Cindy. "Yes po lola, girlfriend po ako ng apo–""Grandma, see you tonight..... I have to go to the company." Naputol si Cindy nang biglang dumating si aeros mula sa kuwarto nito. Naka business attire ito dala ang isang document leather bag. Lumapit ito at bumeso ito sa kanyang lola.Biglang kinabahan si Cindy, hindi niya naisip na nasa mansyon nga pala ang binata, bigla niyang ginusto na bawiin ang sinabi. "Teka lang!" Pigil ni Esmeralda, hawak ang bisig ng apo. "Pupunta ka sa kumpanya? But, hindi ba, nilalagnat ka, paano kung mabinat ka? Saka nandito si Cindy...."Tumingin muna sa kanyang wristwatch si aeros. "Ayos na ko 'la, hindi ba sinabi ko naman sayo." Sinulyapan niya ang babae. "Well, mukhang kilala mo na si Cindy, atleast may kausap ka na..... Sige na, I have to go. I love you." Muli niyang hinagkan ang matanda at umalis na.Nakahinga nang maluwag si Cindy nang maka-alis ang binata nan
Maya-maya lang ay maririnig ang mga yabag ng mga nqgdudumali na paparating sa kusina. Lalong inilakas ni Cindy ang kanyang pag-iyak. "Grandma esmie, tulungan n'yo po ako..." Bumungad sila Esmeralda, Fredericko at Ms. Mildred. Katatapos lang ng mga ito mananghalian kasama si Cindy. Naiwan ang tatlo sa mahabang mesa habang nag uusap-usap. "Cindy, Cindy.... What's happened?" Agad itinayo ni Esmeralda ang babae lalo na nang makitang nakasalampak ito sa mga bubog ng mga nabasag ng plato."Lola esmie, itinulak niya po ako..." Sumbong ng babae.Bumaling ang donya sa naguguluhang si Agnes. Hanggang ngayon ay hindi ito makapaniwala sa ginawa ni Cindy. Ngayon ay malinaw na sa kanya na balak siyang i-set up nito. "Agnes, anong ibig sabihin nito? Anong ginawa mo kay Cindy?"Umiling-iling ang dalaga. "W-wala po akong ginawa sa kanya donya esmie, maniwala po kayo. Siya po ang–""Wala kang ginawa? Anong ibig mong sabihin, na ginawa ko ito sa sarili ko?" Iniangat ni Cindy ang kamay na may dugo
Hindi lubos maisip ni Agnes kung ano ang kahihinatnan niya kapag nadikit siya sa pang-kuryenteng hawak ng babae. Lubos ang kanyang pagka-takot at pangamba lalo't basang-basa siya. Sa pananatili niya sa mansyon, ito na ata ang ikalawang beses na nalagay sa panganib ang kanyang buhay, una ay nang gawin siyang target ni Aeros. 'Baliw na ba ang babaeng ito? Hindi ba niya alam na puwede niya akong mapatay gamit yun? Para siyang may sapi....... Aeros.... Sir aeros, dumating ka na sana.... Ms. Mildred...'...Click!Natigilan si Aeros nang biglang mabali ang ginagamit na ballpen habang nasa kasagsagan ng kanyang pagsusulat. 'Ba't nabali to? Sasabihin ko nga kay uncle na ayoko ng mga ganitong substandard na office supplies.' Nag-inat siya't tumingin sa labas ng bintana. Nalalapit na ang paglubog ng araw kaya naisip niyang umuwi na lalo't nasa mansyon ang kanyang lola, nang sa ganu'n ay makasama niya ito nang mahaba-habang oras. Tumayo siya't iniligpit na ang kanyang mga gamit."At saa
Tulala si Cindy habang inihahatid ni Ms. Mildred palabas ng mansyon. Nang makalabas na ay napapailing na lang ang mayordoma. Abala siya kanina kaya wala siyang alam sa mga nangyayari dito at kay Agnes, ngunit laking-gulat niya nang malaman ang ginawa ng babae.Paglabas ng gate ay napasalampak na lang si Cindy sa lupa. Nalalaman niyang mula sa araw na iyon ay ban na siya sa mansyon. Tumulo ang kanyang mga luha. Paano pa siya makakalapit kay aeros gayong kung hindi siya ang magkusang lumapit dito ay tila nakalimutan na siya nito. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bag at tinawagan si Vance.Nakapagpalit na ng basang damit si Agnes. Nakahinga rin siya nang maluwag dahil nakaligtas na siya kay Cindy, nalinis pa siya sa donya. Maya-maya ay biglang may kumatok. Pagbukas ay nagulat ang dalaga nang makita si Esmeralda. Ngumiti nang bahagya ang donya. "Maari ba akong pumasok?" Saka lang naalimpungatan si Agnes sa pagkakatulala at agad pinapasok ang matanda."N-naku donya esmie, sana
Umalis si Cindy sa kama at niyakap si Vance. "Vance, sige na, please~ Ito lang ang naisip kong paraan sa ngayon e, habang hindi pa ko makalapit sa kanila. Di ba nga, ban na ko sa mansyon?""P-pero Cindy.... Kailangan ko ba talagang sikmurain ang pagmumukha ng babaeng yun?" Nangingiwi si Vance nang ma-imagine na pinopormahan niya ang pangit na katulong na nakita niya sa mansyon."Vance... Para sa min ni Aeros, gawin mo. Please?"Bumuntong-hininga na lang ang binata. "Alright...."...Medyo late na at wala pa si Aeros, uminom ito kasama ang ilang kaibigan sa isang bar. Tumawag ito sa mansyon at pinapunta si Agnes sa kinaroronan nito para magpa-alalay dahil naparami ito ng inom.Nagtungo sa bar si Agnes at nakita ang nakatungong si Aeros sa mesa. Ngunit paglapit ay biglang nag-angat ng kanyang ulo ang binata at hinatak siya. Bumagsak si Agnes sa kandungan nito. "Ano bang ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!...... Teka, hindi ka totoong lasing?"Isinubsob ni Aeros ang kanyang ulo sa
Agad inayos ng dalawa ang kani-kanilang damit at pinakiramdaman ang paglapit ng matanda sa pinto ng banyo. Halos tumalon ang kanilang mga puso nang marinig ang pagtunog ng doorknob na tila ba may pumipihit dito kasunod ng boses ng mayordoma:"Bakit hindi mabuksan, may tao kaya?" Napaigtad si Agnes nang tumawag ito: "Agnes, Agnes! Nariyan ka ba sa loob?!"Tinakpan ni Aeros ang bibig ng dalaga at sumenyas dito na huwag itong maingay. Maya-maya ay maririnig ang yabag ng papalayong mayordoma at doon lang tila nakahinga nang maluwag ang dalawa sa loob ng banyo.Maya-maya lang ay nagbalik si Ms. Mildred dala ang susi ng banyo. Nang buksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang pawisang si Agnes na nakaupo sa inidoro. "Agnes? Agnes...." Tinapik-tapik niya ang dalagang tila nakatulog habang nakaupo sa trono. "Ikaw pala ang narito sa loob, bakit hindi ka sumasagot kanina?"Nillamukos ni Agnes ang mga mata na animo'y nanggaling nga ito sa pagkakatulog. "Pasensya na po, nakatulog pala ako.""A
"Anong sinabi mo?"Tiningnan at pinakiramdaman ni Vance ang kaibigan. Pinagmamasdan niya ang magiging reaksyon nito.Lumamig ang mga mata Aeros. "Tama ba ang narinig ko, ha Vance?""Well...." Sinubukan niyang basahin ang reaksyon ni Aeros hanggang sa makita niya ang tila pagdilim ng awra nito."Vance, hindi ko alam kung ano ang biglang pumasok sa utak mo, pero kilala kita...... Anong binabalak mo?"Hindi agad makasagot si Vance, hindi niya naisip na magtatanong nang ganito ang kaibigan. Nagsisisi tuloy siya dahil sinabi pa niya na gusto niyang pormahan si Agnes gayong puwede naman n'yang ilihim iyon. Ngunit dahil naku-curious din siya na malaman kung meron nga bang pagpapahalaga ang kaibigan para sa dalaga katulad ng sinasabi ni Cindy kaya naisip n'yang subukin ito. Bigla siyang tumawa. "Relax dude. Bakit ba ang seryoso mo? Hindi ba 'ko puwedeng mag joke?"Natigilan si Aeros. Ang madilim na awra nito ay biglang nawala. Bigla niyang naisip; oo nga naman, paano nga ba nito magugust
Nagtungo sa likod ng mansyon si Agnes, sa may hardin. Doon ay merong gazebo at doon siya nagtungo para nagmukmok. Inilabas niya ang inis na nararamdaman para sa amo. "Hump! Ganyan ka ba talaga? Hindi mo man lang ako tinanong, basta mo na lang ako inakusahan ng kung anu-ano kahit wala naman akong ginagawa.'Nang pahirin niya ang mga namumuong luha ay nahawakan niya ang sariling mukha. Tumayo siya at nagtungo sa maid's quarters. Dahan-dahan siyang pumasok dahil natutulog na ang lahat pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang makeup kit box at muling lumabas.Nagbalik siya sa hardin, sa may gazebo at sinimulang tanggalin ang makapal niyang make-up. Nang matanggal na ay pinuri-puri ni Agnes ang orihinal na hitsura habang pinagmamasdan ito sa hawak niyang salamin. "Athena" sambit niya. Ito ang naging karakter niya at naging bansag sa kanya nang sumali siya at manalo sa costume contest na kanyang sinalihan noong highschool.Hinawakan niya ang kanyang mukha. Naisip niya: 'Iinsultuhin pa k
Lumabas si Ivan at nagalinga-linga sa paligid ng entrance ng hotel, napakamot ito ng ulo. 'Akala ko ba ay may mga babaeng naka-abang dito sa labas na gustong makapuslit sa bachelor's party niya Aeros, ba't wala naman?' muli siyang naghanap at naglakad-lakad, hanggang sa makita n'ya ang isang kahina-hinalang babae. 'Ayun!' agad niya itong nilapitan.Tila nabulabog ang babae kung kaya't bigla itong lumayo. "Teka miss, sandali!" Pinigilan ito ni Ivan bago pa ito makatakbo . "Huwag kang matakot sa kin, hindi ako masamang tao...." Inilabas n'ya ang kanyang doctor's ID at ipinakita iyon. "Isa akong doktor kaya nakakasiguro kang matino akong tao."Napamaang ang "babae" nang masilayan si Ivan, ngunit tila hindi s'ya nakilala nito. Palihim siyang napa-palatak. 'Matino? May matino ba na bigla na lang lalapit sa hindi n'ya kilala at pipigilan pa itong umalis?'Tinakpan ng "babae" ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok, at gamit ang pinaliit at pinalambot na boses ay sum
Nang ginanap ang bachelor's party ay ilan sa mga babaeng nakakakilala kay aeros sa kanilang social circle ang nagtangkang pumuslit kung saan ito dinadaos, sa pagbabakasakaling maangkin nila ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos kasi ng bachelor's party ay ikakasal na si Aeros kaya ito na lamang ang kanilang pagkakataon. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ay walang kahit na sino ang nagtagumpay na makapasok.Inginuso ng ivan kay vince ang isang matangkad na lalaking nakatayo na naka shades sa isang tabi. "Ano yan? Bakit may ganyan?""A, yan ba? Ano pa ba? edi proteksyon." Nagkaroon ng malaking pagtataka si Ivan. "P-proteksyon?! Tama ba ako ng dinig?" Kinalikot pa nito ang kanyang tenga na wari'y nililinis n'ya iyon.Tila nandiri si Vince, bahagya itong ngumiwi at lumayo nang kaunti sa kaibigan doktor. "Doktor ka diba? Siguro ay dapat mo na'ng check-up-in iyang tenga mo, mukhang mahina na ang pandinig mo e, o kaya baka marami ka na'ng tutuli."Lumapit si Ivan at niyakap ang kaibigan,
Magmula nang hindi na nakakapunta sa kumpanya si Agnes ay dinadalhan na ito ng trabaho ni Gerald, lalo na kapag naiipon na iyon sa opisina nito, at iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Naisip ni Gerald ang kanyang inasta'ng bigla na lamang pagsingit sa pag-uusap ng iba. "Um.... P-pasensya na."Pumalatak si Aeros ngunit ngumisi ito. "Ayos lang. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. Tinatanong mo kung sino ang ikakasal, diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ni Agnes. "Kami ni Agnes ang ikakasal, pumunta ka ha."Kitang-kita ni Gerald ang asta'ng may panunuya ni Aeros sa kanya, naiinis man ay hindi naman n'ya magawang tingnan ito nang masama. Nalalaman din niyang talunan na s'ya nito kaya maaaring totoo ang sinasabi nito. Bumaling siya kay Agnes. "Totoo ba yun Agnes, magpapakasal ka na?"Sumagot si Agnes. "Oo Gerald. Magpapakasal na kami ni Aeros."Hindi nakapagsalita si Gerald ngunit halos malukot na n'ya nang hindi sinasadya ang hawak na document envelope."Bakit nga pala pumunta ka nang gani
"Grandma!" Tawag ng nagmamadaling si Aeros. Nang papunta si Esmeralda kila Agnes ay kasunod ito sa pag-aalala na baka mag take advantage ito kay Agnes at sabihin ang hinanaing nito tungkol kay Aaron. Gustung-gusto na kasi nitong makasama ang bata. Lumapit s'ya at binulungan ito. "What are you doing?""Aeros, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba pupunta sa kumpanya ngayon?" Tanong ni Esmeralda, tila hindi nito inintindi ang tanong ng apo. "Mabuti na rin na nandito ka, nang sa ganun ay mapag-usapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Agnes.""G-grandma?" Napasulyap si Aeros kay Agnes sa pag-aalalang baka nabigla ito.Hindi alam ni Agnes ang magiging reaksiyon, tama nga ang kanyang iniisip, ngunit hindi pa siya makakasagot sa ngayon dahil meron pa siyang dapat ikonsidera."Ano sa tingin mo iha, puwede ka ba ngayon para makapag meeting na tayo ng tungkol sa pag-iisang dibdib n'yo ni Aeros?" Nakangiting tanong ni Esmeralda.Napakamot ng ulo si Agnes "Um.... Ano po kasi e..."Nang
Biglang tumayo si Aeros sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang lola. "Grandma, pupunta na lang uli kami ni Agnes sa ibang araw. Huwag na po kayong sumama sa kanya pagbalik, promise, sa susunod ay dadalhin na namin dito sa Aaron." At hinila na nito patayo ang nagtatakang si Agnes."Ha? Aalis na agad kayo? Kay bilis naman! Dito na lang kayo mananghalian." Ani Esmeralda, sinunggaban nito ang kamay ni Agnes at tumingin dito nang may halong pakikiusap.Bumaling si Agnes kay Aeros. "Oo nga naman Aeros, dito na lang tayo mananghalian para magkasama pa kayo ni don- ni lola Esmie." Aniya nang hindi nauunawaan ang sitwasyon ng pagkakaganito ni Aeros."Um...." Hindi alam ni aeros kung papayag ba sa gusto ng dalawa o hindi, para kasing sinisilihan ang tumbong nito at tila hindi makatagal nang nandoon si Easton.Nahalata ni Easton ang nakaiilang na sitwasyon kaya nagkusa na ito. "Ehem..... Grandma, ang mabuti pa ay babalik na lang ako sa ibang araw. Maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana it
Nang maibigay na ni Gerald ang mga dokumento kay Agnes ay umalis na rin ito. Dahil sa nangyari ay wala siyang balak pang magtagal doon lalo na nang sitahin siya ni Agnes tungkol sa lihim na kumpetisyon na isinagawa nila ni aeros. Alam niyang maaari nga itong magalit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na kagagalitan siya nito nang naroroon si Aeros, nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para tuyain siya, kaya agad na rin siyang nagpaalam.Matapos makapag usap at matapos maging malinaw ang lahat ay doon na nananghalian si Aeros, matapos kumain ay nagtungo naman sila ni agnes sa mansyon ng mga Villacorte."O bakit?" Tanong ni Aeros nang biglang bitiwan ni Agnes ang kanyang kamay, nasa pintuan na sila ngayon. "Nag-aalala ka ba? ako na ang nagsasabi, tanggap ka na ng lola ko kaya wala nang magiging problema.""P-pero...."Hinawakan ni Aeros nang mahigpit ang kamay ni Agnes. "Nandito ako kaya huwag kang mag-alala. Kung sakali mang umatras si grandma sa sinabi niya, sa pagkakataong ito ay
Bagaman nagkakaroon ng udyok si Agnes na lapitan si Aeros ngunit hindi niya magawa dahil sa hiya. Na-misinterpret pala niya ito at mali ang kanyang iniisip tungkol dito.Maya-maya lang ay pinutol na ni Aeros ang pakikipag-usap sa kanyang lola. Nang makita ni Agnes na papalabas na ito ng fire exit ay tumakbo siya palayo, tila wala pa siyang lakas ng loob na harapin ito. Aalis na muna siya para na ring mapag-isipan ang dapat niyang gawin.Tulala si Agnes nang magbalik ito sa kanyang suite. "Kumusta Agnes, nahanap mo ba ang nobyo mo? Nagkausap ba kayo? Nagkaayos na ba kayo?" Agad na tanong ni Marta.Nagbalik sa kanyang wisyo si Agnes at napamaang sa matandang katulong. "Inabutan ko po siya pero hindi po kami nagka-usap...... Saka, nanay Marta, hindi ko na po nobyo si Aeros, hiwalay na po kami at nananatili pa rin pong ganun hanggang ngayon kaya paano naman po kami magkakabalikan?"Hindi inintindi ni Marta ang sinabi ni Agnes. "Doon din naman kayo pupunta, may kutob akong magkakabalikan
Nang sumunod si gerald sa hotel ay nagtaka nang husto si Agnes nang makita ang mukha nito na may mga pasa at band aid. "Ged, napaano ka?" "Nadisgrasya ako pagkuha ko ng document. Natisod ako at nadapa, tapos bumagsak ako, tumama ang mukha ko sa mesa.""G-ganun ba? Pero......" Nagkaroon ng pagdududa si Agnes dahil sa kanyang nakikita ay mukha namang hindi ang pagtama sa lamesa ang dahilan ng pagkakabugbog ng mukha ni Gerald, sa halip, sa kanyang nakikita ay mukhang nakipag away ito.Hindi sinabi ni gerald kay Agnes ang tungkol sa kumpetisyon nila ni Aeros. Sa hotel gagawin ng dalawa ang huli nilang paghaharap at dahil nandoon na rin naman sa hotel ay inayos na ni Gerald ang lahat ng kakailanganin...........Sa araw ng kompetisyon:"Akala ko ay hindi ka na darating e."Pumalatak si aeros. "Ano'ng tingin mo sa kin?""Kung ganun, ihanda mo na ang sarili mo para matalo, dahil hindi kita pagbibigyan." Nilingon ni Gerald ang nakasarang pinto. Naisip n'ya ang kakatwang sitwasyon ni Aeros;
Pag-alis nila aeros at Fredericko ay agad nag-impake ng ilang gamit si Agnes para sa kanila ni Aaron. Dahil madalian ay tinulungan na siya ni Marta sa pag-iimpake. Nagtanong ito. "Bakit biglaan naman yata ang pag-alis mo iha, mag-a-out of town ka ba? Saka bakit pati gamit ni Aaron ay iniimpake mo, isasama mo ba ang bata?""Opo, isasama ko po ang anak ko pero hindi po kami mag-a-out of town, mag -i-stay po muna kami sa hotel."Napamaang si Marta. "Magho-hotel kayo ni Aaron? Ano na naman ang gagawin n'yong mag-ina doon?""Nanay Marta, katulad po ng sinabi ko, doon na muna kami...... nag-aalala po kasi ako na baka bumalik uli ang ama niya at kunin siya nang sapilitan sa kin."Natigilan si Marta. "T-teka..... yung lalaki kahapon, ibig mong sabihin...."Bumuntong-hininga si Agnes. "Opo, tama po kayo. Siya po si Aeros, ang ama ni Aaron.""Aba, e ka-guwapo naman pala ng dati mong nobyo! Pero, bakit ganito na ang sitwasyon n'yo ngayon? Puwede ko bang itanong kung ano ang nangyari sa inyong da