Nang makasakay ako at nakaupo na ay agad na pinaandar ni Darius ang bangka. Kumapit ako ng mahigpit nang medyo bumibilis na ang andar nito. Nakalimutan ko pang magdala ng pantali sa buhok kaya napapapikit ako dahil nililipad ng hangin ang buhok ko papunta sa mukha ko. “Lumipat ka dito para hindi lumilipad sa mukha mo ang buhok mo,” utos ni Darius nang makita niyang hindi ako makakita dahil sa buhok ko. Paupo akong lumapit kasi natatakot ako na baka mahulog ako. Paglipat ko ng kabilang dulo ay nililipad na ng hangin ang buhok ko palikod. Wala ng sagabal sa mukha ko kaya kita ko na ang kagandahan ng dagat. Nang ma-steady ang andar ng bangka ay bumaba si Darius at saka hinanda ang lambat na gagamitin namin. “You know, I don't know how to fish. Huwag mo akong sisihin kapag wala tayong mahuli,” banta ko sa kanya. Baka mamaya, sabihan na naman ako ng useless! He just laughed at me. Nang hindi niya pinabulaan ang reklamo ko ay nagreklamo ulit ako. “I'm sure iitim ako dahil sa hangin
Nagu-guilty ako habang ginagamit ko ang binili naming skincare. Yong kada lapag ko sa mukha ko ng cream, maiisip ko ang perang pinambayad niya. Kaya maaga akong natulog. Kasi plano kong maaga rin gumising para pumunta sa bahay niya. Hindi naman kalayuan ang sa kanya. After ng rock formation na inakyat ko, mga ilang lakad mula roon ay makakarating ka sa bahay niya. Kaya alas syete ng umaga nang lumabas ako ng bahay. May coffee maker sa bahay ni Darius kaya roon na lang ako makikikape. Hindi naman siguro siya magdaramot ng kape. Maglilinis naman ako ng bahay niya. Nang nasa pintuan niya ako ay agad akong kumatok. It was cold outside. Malamig ang simoy ng hangin. Lalo pa na tabing dagat itong bahay niya. Kumatok ulit ako ng walang nagbubukas sa akin. Nilakasan ko pa nga para sure na maririnig niya. The only sounds I could hear were the waves of the ocean. Tapos may mga naliliparang ibon sa di kalayuan. “Tulog pa kaya to?” As I was about to knock again, biglang bumukas ang pintuan.
Kasalukuyan akong naghahanap ng pwedeng masuot. Hindi ko namalayan na nasuot ko na pala ang lahat ng damit ko. Kakaunti lang din naman kasi ang damit ko. Napanguso ako nang makitang isang pares nalang ang natitira sa mga damitan ko. Lahat ay nasa labahan na.Kahit wala ako sa mood maglaba ay wala akong choice. Kailangan ko kung ayaw kong maghubad. Matapos kong magbihis ay magsisimula na sana akong maglaba pero naisip kong baka pwede sa bahay ni Darius? May washing machine siya kaya hindi ako nahihirapan.Binalingan ko ang oras at nakitang alas dyes na. Baka nasa bahay pa siya? Kung wala siya, edi babalik ako. Wala namang mawawala. Kaya yon ang ginawa ko. Binalot ko sa isang malaking supot ang mga lalabhan ko at saka lumabas para pumunta kay Darius. Habang palabas ako ay nakita ko sa tapat ng karinderya na may nakatayo roon na mga babae. Mga irita ang mukha nila.“Makilala ko lang kung sino yon. Ilalampaso ko ang nguso niya!” rinig kong galit na sinabi ng isang babae.Umiwas ako ng
Iyak ako ng iyak nang makapasok ako ng kwarto ko. Hindi ako makapaniwala na inaway ako ng mga babae dito dahil lang sa isang lalaki. Balewala rin na naglaba ako kay Darius. Kinailangan ko ulit labhan kasi hindi na makilala ang mga damit ko. Nilagyan ko lang ng benda ang sugat ko at naglaba ulit ako. Pumapatak ang luha habang kinukusot ang mga damit. Gabi na ng matapos ako. Sa bahay ko na din sinampay ang mga yon. Baka kung ano pa ang gawin nila kung ilalabas ko pa. Sa sobrang pagod ko at sa sobrang sama ng loob, paghiga ko ng kama ay agad akong nakatulog. I had a peaceful night. Kinaumagahan, nanatili ako sa loob. Mabuti ay may nabili ako dati na biscuit at mga cookies kaya iyon na ang kinain ko sa buong araw. I refuse to go out. Ganon din ang ginawa ko sa sumunod na araw. The third day, I decided to go out. Medyo magaling na ang sugat ko. Nawala na rin ang puffy ng mata ko kakaiyak. Nang dumaan ako sa karinderya, tinawag ako ni Aling Merna pero nagkunwari akong hindi siya narinig
May kaunting hikbi pa ako habang hinahawakan ko ang ipinapahawak niya sa akin. I'm no longer sad because of what happened. Umiiyak lang ako dahil may nang-aalu sa akin ngayon. Dati naman ay walang pakialam ang mga tao sa akin. They would just pity me and move on with their life. Sino nga ba naman ako? Mahirap lang kami.“Jessica, we are shopping you after this. Stop crying,” medyo seryoso utos ni Darius pero may nang-aalung boses parin. “Oo nga. This is just a pitiful cry. Titigil na ako,” sagot ko. Hindi muna ako huminga para tumigil ang hikbi ko. So much drama, Jessica!Kalaunan ay tumigil din ako sa pag-iyak. Na-distract ako sa paligid kaya hindi ko namalayang ngumingiti na pala ako. “Paano kung wala tayong mahuli?” nakangiti kong tanong. He just mentioned na nakapangisda siya dito kung nasaan kami ngayon pero wala raw siyang nahuli kahit isa.“Then we are not shopping you,” nanunuyang sinabi niya. “Wow ha! After promising me shopping, biglang hindi pala matutuloy,” nakanguso k
Matapos naming lumangoy ay pinasout niya sa akin ang extra niyang damit at ipinalupot niya sa akin ang towel niya. Saka lang siya tumuloy sa pag-ahon sa lambat. Marami kaming nahuli. Tuwang-tuwa ako nang makita ko ang maraming isda sa lambat. “Paano ba yan? Mamimili ako ng mga damit!” tumatawa kong sinabi. He smirked at me. Mabilis niyang nilagay sa dala naming balde ang mga huli namin at saka kami bumalik na. Pinalupot ko ng mabuti sa katawan ko ang towel niya dahil sa hangin na tumatama sa katawan ko. Twenty minutes nang dumating kami sa dalampasigan. Tinulungan ko siyang ibaba ang balde na huli namin pero who am I kidding, wala akong naitulong. Sumasabay lang ako sa kanya habang dala dala niya ang balde. “You should change first. I'll wait for you here,” biglang sinabi niya. Ibinaba niya ang dala niyang balde at saka humarap sa akin. “You'll catch a cold.” Natatanaw namin ang carinderia ni Aling Merna. Kahit ayaw kong magpalit ay ayaw ko namang magkasakit. Mahirap na at m
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama habang nanonood sa cellphone ko. Nakadapa ako habang hawak-hawak ang cellphone. Kanina pa ako dapat bumangon pero tinatamad ako. Wala rin naman akong plano sa araw na ito kaya heto at sa kama na siguro ako mabubulok. Nasa kalagitnaan ako ng pinapanood ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Mabilis akong umupo. Medyo na-conscious sa itsura kasi wala pa akong ligo. Nagkape lang ako kanina at bumalik ulit sa kama. I'm wearing the night dress that Darius bought me. Kumatok ulit ang tao sa labas kaya wala akong choice kundi ang pagbuksan kung sino man yon. Baka si Aling Merna lang. Pero hindi pa ngayon ang singilan ng upa ah! Pinalandas ko ang kamay ko sa buhok ko habang naglalakad palapit sa pintuan. Pagbukas ko ng pintuan, tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Darius. Napasinghap ako. Mabilis bumaba ang mata niya sa katawan ko. I saw him smirk. Isasara ko sana ang pintuan ko pero nauhanahan niya ako. Mabilis niyang itinulak ang pintuan kaya bumukas y
We spend our time admiring the view below. Naglatag ako ng maliit na banig at saka ako umupo roon. Si Darius ay may ginagawa sa may gilid. Gumagawa siya ng apoy dahil may iluluto daw. Hindi ko alam kung bakit niya pa pinapahirapan ang sarili niya sa ganyang bagay. May dala naman siyang mga pagkain na pwede ng kainin pero gusto daw niyang magluto. Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinignan ang marami kong kuhang litrato. Gusto kong mag post pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka malaman pa ni mama kung nasaan ako. The last time I know ay galit na galit siya at gusto niya akong pabalikin.Nakatalikod sa gawi ko si Darius, seryosong seryoso sa ginagawa niya. Ngumiti ako at saka siya kinuhanan ng picture. I bit my lower lips when I saw the photo looks good. Goodness! Kahit nakatalikod ay maganda ang kuha sa kanya! Samantalang nakaharap na ako sa camera pero kailangan pang maraming shot para makapili! Nagawa ngang magluto ni Darius. Akala ko ay imposible yon kasi nasa gubat kami. Masara
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. He is an heir? Bakit hindi niya sinabi? Baka hinayaan pa ako ni mama na manatili sa kanya kung sinabi niya ng maaga!Despite my shock, hindi ko maiwasang hindi magalit. Kakarating ko lang. I suffered from my mother tapos pagdating ko, sasabihin niya sa akin na aalis siya! Aalis sana ako sa kandungan niya pero hindi niya ako hinayaan. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. “Let me go!” inis kong sinabi. Darius sighed. “Listen to me. I have to go, it's an emergency,” paliwanag niya. “Now I'm asking you if you want to go with me, Jessica,” he whispered. Natigilan ako sa paglilikot sa kandungan niya. Tumitig ako sa mata niya at nakita kong seryoso siya. “I don’t have passport,” pag-amin ko. Wala naman kasi akong balak na mangibang bansa. I couldn’t afford it anyways.Darius chuckled. “It’s alright. I’m asking you if you want to go with me. If you want, I can easily get your passport.” Napakurapkurap ako. I can’t believe him. Akala ko ta
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko nakitang nananabik si Darius na makita ako. Ako lang siguro ang may gustong magkita pa kami! Nagpatuloy siya sa pagtanggal ng necktie niya, hindi iniiwas ang mata sa akin. Matapos ng necktie niya ay tinupi niya ang manggas ng sleeves niya sa bandang siko. “Come here,” he said after finishing folding his sleeves. Wala akong makitang reaction sa mukha niya kaya may dumaang sakit sa puso ko.I shouldn't have come here! Bumaling ako sa likod ko, inaaninag kung may bangka pa ba nang biglang may humigit sa akin. Napasinghap nang sumobsob ako sa dibdib ni Darius. Nakapasok na ako sa bahay niya. His arms snake around my waist. Agad nahanap ng labi niya ang tenga ko.“What happened to you? Why do you look like a mess?” seryoso niyang sinabi. I felt his tongue graze my ear. Hindi ako nakasagot pero agad kong nilagay ang dalawang kamay ko sa likod niya para mayakap siya. I didn't feel ashamed. I just missed him so much! He groaned. “Jessica, I
Two days akong hindi nakalabas ng bahay. And that two days, puro iyak lang ang nagagawa ko. Nabubuksan lang ang pintuan kapag binibigyan ako ng pagkain ni mama. Ang sakit ng ulo ko dahil sa pag-iyak. Nakahiga ako ngayon at nakatulala sa kisame. Pagod na ako, physically and mentally. Halos wala na akong planong tumayo pa ngayon. Wala na akong lakas makiusap kay mama na palabasin niya ako sa kwarto ko. Nakatulog ulit ako matapos kong magising. Alam kong matagal akong tulog. Kanina ng gising ako, tirik ang araw sa labas sa maliit kong bintana. Ngayon na gising ulit ako, dumidilim na sa labas. I sighed weakly. Gumilid ako at napahawak sa sentido ko dahil sa sakit ng ulo. Nakita kong may bagong pagkain malapit sa pintuan ko. Wala na ang dati kong pinagkainan. Kanina ay nakaramdam ako ng gutom. Pero ngayon na nakikita ko ang pagkain, wala na akong gana. Pumikit ulit ako, planong matulog ulit. Ilang oras akong nakapikit pero hindi na ako dinalaw ng antok. Nang matagal akong nakapikit at
Naging awkward ang dinner dahil sa sinabi ni Magnus. Sinisi niya ako kaya lahat ng mata ay nasa akin. Mama knows it's true. Alam niya ang tungkol kay Darius kaya kahit kalmado siya habang kumakain, alam kong sa loob loob niya, nag-aapoy na siya.“Mauuna na kami. May pupuntahan pa kami,” nakangiting paalam ni mama. Si Magnus, matapos kumain ay umalis na. Sinabi niyang may emergency siya kaya hindi na niya kami maihahatid. Pero ramdam namin na sinabi lang niya iyon dahil sa ayaw niya talaga kaming ihatid! At alam kong ayaw niya kaming ihatid dahil sa inayawan ko siya! Kahit sinabi niyang may emergency siya, hindi ako naniniwala. Ganon din si mama at Tita. Kaya patong patong na ang kasalanan ko kay mama. “Sige, mag-iingat kayo,” ani Tita Margaux. Mabilis na tumango si mama, eager to leave. Nahalata niya sigurong mabagal ako kaya hinawakan niya ako sa siko. Tahimik kami habang lumalabas ng gate nila. May nakaabang ng taxi sa amin. Pinatawag na ni Tita ng advance dahil nga sa hindi ka
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Magnus! Baliw na ba siya? Natulala ako habang nakatingin sa pinasukan niyang closet. Nakaawang ang labi. Hindi ako bumaba. Uusisain ako ni mama kung gagawin ko iyon at wala akong planong mausisa ngayon! Umupo ulit ako sa kama niya at saka pumikit ng mariin. Bakit niya gustong magpakasal ngayon kung wala rin naman siyang nararamdaman sa akin? He is insane! Mariin ko siyang tinignan nang lumabas siya. Naka white button down shirt at naka itim na slacks. He was folding the sleeves to his elbow. Hindi niya ako binalingan ng tingin pero alam kong alam niyang narito parin ako. “We can't do that, Magnus!” inis kong sabi nang magpatuloy siya sa pag-iignora sa akin. Mas lalo akong nainis nang wala siyang kibo. He just continued folding his sleeves as if I don't exist! “Magnus!” He lazily looked at me. “We are marrying each other. That was your plan before, why not finish it?” panunuya niya. Ayaw ko mang isama si Seraphina sa usapan, wala na akong ch
Natigilan si Magnus nang makita ako. Dederetso sana siya sa walk-in closet niya pero dahil nakita niya akong nakaupo sa kama, sa akin bigla ang tungo niya. Gusto kong tumakbo palabas ng kwarto ngayon papalapit siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Nag-iwas nalang ako ng tingin dahil sa kahubadan niya. “Why are you inside my room?” he asked huskily. “Pinapunta ako ni Tita. Sabay na raw tayong bumaba kapag nakahanda na ang tanghalian.” I swallowed hard when he stopped in front of me. Bumaba ang mata ko sa paa niya, unable to bring my eyes to his upper body.I heard him chuckle. “Jessica.” “What?” gulat at kabado kong tanong. I shifted uncomfortably on his bed.Kahit gustuhin ko man na umalis, hindi ko na magawa dahil nakaharang na siya sa unahan ko. Suminghap ako nang biglang bumaba ang kamay niya sa magkabila ko. Umusog ako sa higaan niya para lang mapalayo ako pero wala ring silbe yon! Hindi ko na napigilan at napatingin ako sa kanya nang bumaba ang katawan niya sa akin, nakatu
Tulala ako habang naliligo sa cr. Wala sana akong plano na lumabas pero inimbita kami ng mama ni Magnus na pumunta sa kanila. “Jessica! Ano na?” tawag ni mama sa labas ng banyo. Napakurap-kurap ako at saka mabilis na nag banlaw. Kapag talaga nasa bahay ako, wala akong oras na mag-isip. Limang minuto lang akong walang kibo, aakusahan na ako ni mama na nag-iisip kung paano babalikan si Darius. Hindi naman siya nagkakamali. I was indeed plotting on how am I be able to return to Leyte. Ang problema ko lang ay pagdating doon, mahahanap din ako dahil expect na ni mama na roon ako kung sakali na tumakas ako. That would be useless!Nakabihis na si mama nang lumabas ako ng banyo. She was wearing her best dress. Strikto niya akong binalingan nang matapos ako. “Bilisan mo na. Hinihintay na tayo ng mama ni Magnus.” I sighed weakly. Pagpasok ko sa kwarto ko, nakita kong may nakalapag na dress sa kama ko. It was a backless red long dress that has slit on the side. Hindi ko alam kung saan ito n
Tahimik kaming kumain ni Magnus. Hindi rin naman siya nagsasalita kaya tahimik sa pagitan namin. Hanggang sa matapos kaming kumain ay walang nangyaring pag-uusap! Umiinom siya ng tubig nang dumapo ang mata ko sa kanya. Doon ko na-realize na nakatitig pala siya sa akin. Mariin ang titig niya. “What happened to you while you were on the run?” biglang tanong niya. Curiosity was all over his face. Tumikhim ako. “Nothing happened.” He shook his head. “I don't believe you! You become silent now that you return.” Tinaas niya ang isang kilay niya. Ibinaba niya ang hawak niyang tubig at saka itinukod ang dalawang kamay sa table para makalapit sa akin. “I will know what happened, Jessica. You are making me curious.” My heart skipped a beat. Biglang kong naalala ang sinabi ni mama. Na kapag umayaw itong lalaking ito ay malalagot ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ni mama kung sakali na umayaw nga si Magnus sa kasal. Is she going to kill me? Or disown me? “I was
Masama ang pakiramdam ko dahil sa ginawa ni mama sa cellphone ko. Iyak ako ng iyak kagabi kaya hindi na ako nagtataka ngayong ginigising ako ni mama at sumasakit ang ulo ko. It didn't help that mama is shaking me forcefully. “Gumising ka, Jessica!” sigaw niya na para bang hindi niya ako kaharap. Napapikit ako ng mariin dahil sa parang sasabog ang ulo ko. Sa bawat pag yogyog sa akin ni mama ay siya rin ang paglala ng sakit ng ulo ko! “Mama, tama na.” Sibubukan kong tanggalin ang pagkakahawak ni mama sa balikat ko pero mas lalo pa siyang nanggigil sa paggising sa akin. “Huwag mo akong masagot sagot! Gumising ka!” isang sigaw niya bago niya ako tinigilan. Mabilis akong umupo at sinubukang tumingin sa kanya para matapos na ang gusto niyang mangyari. “Maligo ka at saka magbihis. Ipagluluto mo ngayon si Magnus,” utos niya. Medyo napaawang ang labi ko sa narinig pero hindi ko ipinahalata sa kanya. Nang makita kong kumunot ang noo niya dahil sa hindi ko agad pagsugod sa utos niya, pin