Kasalukuyan akong nakahiga sa kama habang nanonood sa cellphone ko. Nakadapa ako habang hawak-hawak ang cellphone. Kanina pa ako dapat bumangon pero tinatamad ako. Wala rin naman akong plano sa araw na ito kaya heto at sa kama na siguro ako mabubulok. Nasa kalagitnaan ako ng pinapanood ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Mabilis akong umupo. Medyo na-conscious sa itsura kasi wala pa akong ligo. Nagkape lang ako kanina at bumalik ulit sa kama. I'm wearing the night dress that Darius bought me. Kumatok ulit ang tao sa labas kaya wala akong choice kundi ang pagbuksan kung sino man yon. Baka si Aling Merna lang. Pero hindi pa ngayon ang singilan ng upa ah! Pinalandas ko ang kamay ko sa buhok ko habang naglalakad palapit sa pintuan. Pagbukas ko ng pintuan, tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Darius. Napasinghap ako. Mabilis bumaba ang mata niya sa katawan ko. I saw him smirk. Isasara ko sana ang pintuan ko pero nauhanahan niya ako. Mabilis niyang itinulak ang pintuan kaya bumukas y
We spend our time admiring the view below. Naglatag ako ng maliit na banig at saka ako umupo roon. Si Darius ay may ginagawa sa may gilid. Gumagawa siya ng apoy dahil may iluluto daw. Hindi ko alam kung bakit niya pa pinapahirapan ang sarili niya sa ganyang bagay. May dala naman siyang mga pagkain na pwede ng kainin pero gusto daw niyang magluto. Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinignan ang marami kong kuhang litrato. Gusto kong mag post pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka malaman pa ni mama kung nasaan ako. The last time I know ay galit na galit siya at gusto niya akong pabalikin.Nakatalikod sa gawi ko si Darius, seryosong seryoso sa ginagawa niya. Ngumiti ako at saka siya kinuhanan ng picture. I bit my lower lips when I saw the photo looks good. Goodness! Kahit nakatalikod ay maganda ang kuha sa kanya! Samantalang nakaharap na ako sa camera pero kailangan pang maraming shot para makapili! Nagawa ngang magluto ni Darius. Akala ko ay imposible yon kasi nasa gubat kami. Masara
Masarap ang tulog ko. Ramdam na ramdam ko ang kaginhawaan ng hinihigaan ko. The temperature is just right for you to sleep well and have your rest well taken care of. Kaya lang, naalimpungatan ako nang maramdaman kong may naglalaro sa buhok ko. Bigla akong nagising. Hindi muna ako dumilat. Inaalala ko pa kung nasaan ako. I then realized I was hugging someone! My breath hitched. Unti unti ay kunwari akong tumihaya para matanggal ko ang kamay ko sa brasong yakap ko kanina! Nakakahiya ka, Jessica! Ilang minuto ang lumipas ay tumalikod ako kay Darius para maiwas ko ang mukha kong nag-iinit na sa kahihiyan. Kaya lang, parang alam niya na nagising ako! I heard him chuckle. “Good morning,” he said in his bedroom voice! Ano? Magsasalita ba ako o papanindigan kong tulog ako? Bakit kasi dito niya ako pinatulog? Ayan tuloy at nayakap ko siya! “Good morning,” kalaunan ay bati ko. Nagtago ako sa kumot dahil sa kahihiyan. “Let's go and have our breakfast. Kailangan nating mangisda ngayon. W
Kanina pa ako gising ng mga alas otso pero hindi ako bumabangon. My mind is busy playing the memory of how Darius kissed me. Umuulan ng malakas at basang basa kami pareho. Nanginginig ako sa lamig pero ng hapitin niya ako palapit sa kanya at patakan ng halik ang labi ko, nakalimutan kong nilalamig ako. I was so stunned that I forgot the cold. Feel ko, kahit umuulan noon ay pinamulhan ang pisngi ko! Tanggap ko naman na attracted ako kay Darius. Who wouldn't? Pero dahil sa halik niya, hindi ko maiwasang mag-expect na baka attracted din siya? Not that it's true! Pero bakit niya ako hinalikan? Nang bumaling ako sa orasan sa gilid ko ay agad akong mahinang sumigaw. “Jessica! Isang oras mo ng iniisip ang halik na yan!” Umupo ako dahil sa frustration. Wala akong matatapos ngayon kung uulit ulitin kong iisipin ang nangyari kahapon! Kumuha ako ng isang notebook at ballpen. Writing was one of my ways to let out something in my head. Hindi kasi ako open kay mama at sinasarili ko palagi ang
Hiyang hiya ako nang makita kong nakay Darius ang sulat ko. Mabilis kong inagaw sa kanya ang sulat pero sa nakikita kong ngisi sa labi niya at nanunuyang mata, alam ko na nabasa niya! Tumakbo ako palabas. Tumatawa siyang tinawag ako pero hindi ako bumaling sa kanya. Tuloy tuloy akong lumabas at tinakbo ang bahay ko. Nang makapasok ako sa loob at naisara ang pintuan ko, pumikit ako ng mariin habang nakasandal sa pintuan. Nabasa niya! Nakakahiya! Ano kaya ang tingin niya sa akin ngayon? I was panting heavily because of running. Hindi pa tumutulong ang kahihiyang bumabalot sa katawan ko. I feel my cheeks hot! Bakit pa ako nagsulat? Paano ko siya haharapin ngayon? Goodness! Alam na niyang may gusto ako sa kanya!Ginulo ko ang buhok ko sa inis sa sarili. Bahagya pa akong sumisigaw. Nakakahiya talaga!Buong araw akong hindi na lumabas. Bumili ako sa karinderya ng ulam at mabilis lang din na bumalik sa kwarto ko. “Jessica, hindi ka na kumakain dito. Nakakatampo kana,” kunwari nagtatamp
I was too disappointed when I went inside my room. Hindi ako makapaniwala na hinayaan ko ang sarili ko na mag-antay sa labas. Na bantayan ang pintuan ni Darius kung kailan sila lalabas. Jessica, hinayaan mo pang gumabi bago ka umuwi? That's too much! Pero kasi, wala akong nakitang pagka-ayaw sa mukha niya nang malaman niya ang tungkol sa sulat ko. Nahiya lang ako dahil nanunukso ang mukha niya. Kung sinabi lang niya na may girlfriend siya, sana hindi ako umasa! Sana hindi ko hinayaan ang sarili kong magdamag na nakaupo sa rock formation habang binabantayan ang pintuan niya! Hindi ko rin matanggap na nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko. Kung hindi sana niya nalaman, hindi ganito kalala ang disappointment na nararamdaman ko. At least if he didn't know about my feelings, pwede ko pang e deny na wala naman akong gusto sa kanya. Na pwede ko pang kumbinsihin ang sarili ko na tigilan siya dahil hinding hindi rin naman siya magugustuhan ni mama. Pero ngayon na alam niya, kahit e d
Ang laki ng disappointment ko sa sarili ko matapos kong amin sa sarili ko na nami-miss ko si Darius! Kaya nga ako umalis sa Manila dahil broken hearted ako tapos uulitin ko lang dito? Seriously? Wala na akong nagawang matinong desisyon sa buhay ko! Inis kong pinalis ang mababaw na luha ko. Hindi naman kami pero ito at iniiyakan ko. How shallow of me! Pinilit ko ang sarili kong matulog. Pero ilang pikit ang ginawa ko, hindi ako makatulog! Gabing gabi na! Siya pa rin ang iniisip ko. Kung ano na kaya ang ginagawa nila nong babae. Did they sleep together? Ginulo ko ang buhok ko sa mga iniisip. Nang hindi ko na nakaya, bumangon ako. I sighed heavily when I saw my bagpack. Naroon ang shavings ko. Gusto kong makalimutan itong kahibangan ko. Obvious naman na wala namang gusto sa akin si Darius! Kung bakit pa kasi nanghahalik! Umasa tuloy ako! Mabilis akong nag-impake ng ilang pares ng damit. I made sure I brought swimwear. Nang matapos ako ay kinuha ko ang savings ko. Lumabas ako ng kw
Kumalabog ang puso ko nang makita ko ang iritadong mukha ni Darius habang papalapit sa akin. Mabilis ang bawat apak niya kaya ilang segundo lang at nasa tapat ko na siya. “Who is he?” tanong sa akin ni Lance. Bumaling ako kay Lance at saka umiling. I'm here to forget about him. Why is he here? Matapos niyang manatili sa kwarto niya ng ilang araw, ngayon pa siya magpaparamdam? Ang galing naman!“I don't know. Hindi ko siya kilala,” sagot ko kay Lance. Rinig ko ang mabilis na angal ni Darius. Nakakunot ang noo kong bumaling sa kanya. “Really? Jessica? Hindi mo ako kilala?” hamon niya. Kita kong tumaas ang gilid ng labi niya. The kind of evil smirk. I shifted on my seat. Bigla akong kinabahan sa nakikita kong reaction niya. Umigting ang panga niya at nagpipigil ng inis. “Matapos mong mangutang ng malaking halaga? Dito mo ginamit ang inutang mo?” akusa niya. Agad napaawang ang labi ko. Malakas ang pagkakasabi niya non kaya may napabaling sa amin. “Wala akong utang sayo!” depensa k
Iyak ako ng iyak nang marating ko ang kwarto ko. Kanina, habang panay ang talak ni mama, pinipigilan kong umiyak kahit mahirap. Kaya ngayong mag-isa ako, hindi na ako nagpigil pa. Basang basa ang unan ko dahil sa mga luha ko. Hindi ko na alam kung ilang oras akong umiiyak. Basta nakatulog na lang ako bigla. Paggising ko, kinabukasan, ang sama ng pakiramdam ko. Sumasakit ang ulo ko at namamaga ang mata ko. Binalingan ko ang orasan at nakita kong alas otso ng umaga. I immediately felt sad and miserable. Ganitong oras, tulog pa ako sa San Pedro. Darius would kiss me before waking up to make our breakfast. Gigisingin niya lang ako kapag luto na ang almusal. Tapos ako ang pagtitimpla ng kape niya. That simple life is all I want right now! Pumikit ako ng mariin. I bent my knees near to my chest and tried to forget everything. Sinubukan kong matulog ulit. The only thing that makes me a little bit happy now is the fact that mama isn't home. Nasa kay Tita sila dahil may problema kay Seraph
Halos wala ako sa sarili habang pauwi kami. Panay ang iyak ko habang iniinda ang mga paratang ni mama kay Darius. Hindi ko na pinapakinggan ang mga sinasabi niya dahil mas lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng tingin niya kay Darius eh hindi naman niya ito nakasama! I don’t know how can she judge a person based on their status. Na basta mahirap, masama na ang intention.Ni hindi ko na namalayan noong dumating kami sa kabilang bayan. I was too out of myself. Hindi kami sumakay ng bus. Pumunta kami sa airport ng Takloban at saka nag-book si mama ng flight pa Manila. Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao dahil da namumugto kong mata. Hindi pa sana ako titigil sa pag-iyak pero mama forced me to stop crying. “Tumahimik ka, Jessica!” sigaw niya sa akin nang dumating kami sa kabilang bayan. Kita kong naawa sa akin ang bangkero simula pa noong igapos ako ni mama sa bangka pero wala siyang nagawa. Napapailing nalang siya at nag-iiwas ng tingin. I tried to sto
Habang hinihila ako ni mama patungo sa resort na pinag-stay-an niya, siya rin ang pag-agos ng luha ko. Halos hindi ako makahinga ng mabuti. I tried not to make a sound, which is the reason why it's making me breathless. Kapag may tumutulong luha sa mata ko, agad kong pinupunas para hindi na makita ni mama kung paano ako umiiyak ngayon. Binitawan lang ako ni mama nang nasa tapat na kami ng resort. Nanliit ang mata niya nang makita niyang namumula ang mata ko. Imbes sa papasok na siya sa loob para kunin ang mga gamit niya, hinarap niya ako. Her gaze became cruel. “Are you crying because of that man?” Umiling ako. Ayoko na siyang manlait. Kung malalaman niyang iniiyakan ko si Darius ay mas lalo lang niya siyang mamaliitin. And I can't let her do that. Wala namang ginawa sa akin si Darius to be this belittled by my mother. “No. I'm just… I'm just scared because you found me,” alibi ko. May naramdaman akong nambabadyang tutulo na luha kaya nag-iwas ako ng tingin at kunwaring pinalis i
“Mama!” tawag ko. I looked at my mother with tearful eyes. “Tama na. Hindi masamang tao si Darius.” Kita ko ang pagkamaang niya…hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Nanlisik ang mga mata niya kay Darius, na nakatayo sa tabi ko.“Hindi masamang tao? If he isn't a bad guy, hindi ka sana niya ibinahay!” Napatungo ako sa mga naririnig ko kay mama. Alam ko na kahit anong sabihin ko ay hindi na niya ako pakikinggan. She already judged Darius. For her, Darius is a poor guy and no matter if he's kind or has pure intentions, masama pa rin siya kay mama. Umiling ako. “Mama, ninakawan ako sa kwartong inuupahan ko. Ninakaw lahat ng pera ko. Pinatira niya ako sa bahay niya dahil wala akong matutuluyan,” malungkot kong sinabi. I can't accept her judgement of Darius. It's unacceptable in any ways. Wala siyang kasalanan dito. Alam ko naman sa umpisa pa lang, hindi na siya matatanggap ni mama dahil sa trabaho niya. I tried to ignore my feelings for him pero hindi ko nakaya. This is all my fault
Kasalukuyan akong nagwawalis ng sahig habang si Darius ay naliligo. Tapos na kaming mag-almusal at mangingisda kami mamayang hapon. For some reason, we always go fishing during the afternoon. Akala ko ay ganun talaga siya nangingisda kahit noong hindi pa ako sumasama sa kanya, pero hindi pala! Tinanong ko kasi kung bakit sa hapon pa, baka maulit ‘yong inabot kami ng ulan. Hindi naman kami napahamak pero that day, I saw how he got worried that something might happen to us. He smirked. “I fish anytime I want. It's just that I bring you along, and I don't want your skin to get burned by the sun. We will wait until it's not too hot and sunny,” sagot niya kung bakit sa hapon kami palagi. I didn't know he was concerned about my skin? Pero mabuti na rin ‘yon! Ayaw ko rin namang umitim! Pinipigilan ko ang ngiti ko habang nagwawalis. Pero nahinto rin ako nang biglang may marahas na kumatok sa pintuan. Iyong mga iniisip ko ay nawala ng parang bula at napalitan ng kaba. Nanlalaki ang mata
Tulala ako nang pumasok ako sa bahay ni Darius. Mabibilis ang hininga ko. Kita kong nasa likod ng bahay si Darius kaya mabilis akong pumasok sa kwarto. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at mabilis na nagtaklob ng kumot. Hindi naman siguro sasabihin nong babae sa mama ko na nandito ako? I gritted my teeth when I remembered her face. Hindi ako mapakali! May koneksyon siya sa mga Zarceno kaya pwedeng sabihin niya sa kanila! Tapos ang mga Zarceno na ang magsasabi kay mama kung nasaan ako! Humawak ako sa buhok ko at medyo napasabunot sa sarili! Hindi pa ako handa na bumalik! Ayoko pang bumalik! Hindi ko alam kung ilang minuto akong nababaliw sa kama ni Darius. Natauhan lang ako nang marinig ko ang yapak niya. Kunwari akong nagtulog-tulugan para hindi niya ako guluhin. I closed my eyes tightly when I felt him come near me. Naramdaman kong tinanggal niya ang pagkakataklob ko. Nang nakita niyang nakapikit ako, inayos niya ang kumot sa katawan ko. Kalaunan ay lumabas siya para ipagpatuloy
It's been two days since the last time I went outside. Ang huling araw ay yoong nangisda kami. Bigla akong pinamulhan nang maalala ang nangyari sa araw na iyon. Goodness! Nagtaklob ako ng kumot nang maalala ‘yon. Nakakahiya! Sa bangka pa talaga? Buti na lang at wala namang nakakakita sa kapusukan namin! Ilang beses akong pumipikit ng mariin para iwala ang mga naiisip! Naputol lang ‘yon nang marinig kong pumasok si Darius sa loob ng kwarto. Maglalaba siya ngayon kaya kinukuha niya ang mga labahan namin. Yes, namin, kasi kasama iyong mga damit ko! Hindi naman niya kukusutin iyon. May washing machine naman siya kaya pwedeng ang washing ang maglalaba non. Siya lang ang maglalagay non sa washing machine. “Jessica, wake up. Let's eat our braakfast” yaya niya sa akin ng palabas na siya ng kwarto. Nang marinig kong nakalabas siya, tinanggal ko ang pagkakatakip ng kumot sa ulo ko. I bit my lower lip before I decided to stand up. Nag-unat ako bago ko inayos ang kama. Dumiretso ako sa banyo
Napaliyad ako nang maramdaman kong pumasok ang kamay ni Darius sa loob ng t-shirt ko. Tinanggal niya ang hook ng bra ko. I moaned when I felt him massage my peak. Nakahawak ako sa leeg niya habang hinahalikan niya ang leeg ko. “Riase your hand,” he commanded. I bit my lower lip. Naliliyo kong sinunod ang utos niya. In just a snap, pinahubad niya sa akin ang t-shirt kasama ang bra ko. Suminghap ako. Mabilis kong iginala ang mata sa paligid pero wala namang bangka na malapit sa amin. We are alone in this part of the ocean!Napaigtad ako nang biglang dumapo ang labi ni Darius sa isang boobs ko habang minamasahe ang isa. I slightly pull his hair when I felt him suck on my boobs. “Ugh…” I moaned. Mas kumapit pa ako sa kanya nang maramdaman kong medyo umalog ang bangka dahil sa mga alon. I heard the crashing of waves onto our boat. Malabo naman na tumaob ito dahil lang sa ginagawa namin dito. Nakaupo ako sa upuan dito sa bangka habang nakaluhod si Darius sa harap ko. Nakaparte ang dala
Kasalukuyang kaming kumakain ni Darius. Kung hindi pa ako nagutom ay hindi pa kami lalabas ng kwarto. Nawili ako sa paggawa ko sa kanya ng social media. I just made one for him at hindi pa nag-iisang oras ay ang dami ng nag-add sa kanya! Wala pang profile ‘yon, just his name, pero ang daming nagre-request sa kanya! Kaya kumakain ako ngayon habang tinitignan din ang cellphone ko dahil panay ang tunog ng notification ko. “Paano ka kaya nahahanap nitong mga taong ‘to?” curious kong tanong. May mga ni-stalk ako at taga ibang bansa ang iba! Like how come na nakarating sa kanila ang account niya? Lalo pa’t bagong gawa lang? “You shouldn’t have use my name. Baka may kapareho akong kilalang tao at inaakala nilang ako ang taong ‘yon,” he said casually. Napatango ako. Baka nga! Kasi nandito kami sa liblib na lugar tapos may mga nagre-requesto na mga foreigner? Iyon lang din ang pwedeng rason. “Sige palitan ko nalang kasi ang daming nagre-request. Taga ibang bansa pa ang iba!” mangha kong