Masarap ang tulog ko. Ramdam na ramdam ko ang kaginhawaan ng hinihigaan ko. The temperature is just right for you to sleep well and have your rest well taken care of. Kaya lang, naalimpungatan ako nang maramdaman kong may naglalaro sa buhok ko. Bigla akong nagising. Hindi muna ako dumilat. Inaalala ko pa kung nasaan ako. I then realized I was hugging someone! My breath hitched. Unti unti ay kunwari akong tumihaya para matanggal ko ang kamay ko sa brasong yakap ko kanina! Nakakahiya ka, Jessica! Ilang minuto ang lumipas ay tumalikod ako kay Darius para maiwas ko ang mukha kong nag-iinit na sa kahihiyan. Kaya lang, parang alam niya na nagising ako! I heard him chuckle. “Good morning,” he said in his bedroom voice! Ano? Magsasalita ba ako o papanindigan kong tulog ako? Bakit kasi dito niya ako pinatulog? Ayan tuloy at nayakap ko siya! “Good morning,” kalaunan ay bati ko. Nagtago ako sa kumot dahil sa kahihiyan. “Let's go and have our breakfast. Kailangan nating mangisda ngayon. W
Kanina pa ako gising ng mga alas otso pero hindi ako bumabangon. My mind is busy playing the memory of how Darius kissed me. Umuulan ng malakas at basang basa kami pareho. Nanginginig ako sa lamig pero ng hapitin niya ako palapit sa kanya at patakan ng halik ang labi ko, nakalimutan kong nilalamig ako. I was so stunned that I forgot the cold. Feel ko, kahit umuulan noon ay pinamulhan ang pisngi ko! Tanggap ko naman na attracted ako kay Darius. Who wouldn't? Pero dahil sa halik niya, hindi ko maiwasang mag-expect na baka attracted din siya? Not that it's true! Pero bakit niya ako hinalikan? Nang bumaling ako sa orasan sa gilid ko ay agad akong mahinang sumigaw. “Jessica! Isang oras mo ng iniisip ang halik na yan!” Umupo ako dahil sa frustration. Wala akong matatapos ngayon kung uulit ulitin kong iisipin ang nangyari kahapon! Kumuha ako ng isang notebook at ballpen. Writing was one of my ways to let out something in my head. Hindi kasi ako open kay mama at sinasarili ko palagi ang
Hiyang hiya ako nang makita kong nakay Darius ang sulat ko. Mabilis kong inagaw sa kanya ang sulat pero sa nakikita kong ngisi sa labi niya at nanunuyang mata, alam ko na nabasa niya! Tumakbo ako palabas. Tumatawa siyang tinawag ako pero hindi ako bumaling sa kanya. Tuloy tuloy akong lumabas at tinakbo ang bahay ko. Nang makapasok ako sa loob at naisara ang pintuan ko, pumikit ako ng mariin habang nakasandal sa pintuan. Nabasa niya! Nakakahiya! Ano kaya ang tingin niya sa akin ngayon? I was panting heavily because of running. Hindi pa tumutulong ang kahihiyang bumabalot sa katawan ko. I feel my cheeks hot! Bakit pa ako nagsulat? Paano ko siya haharapin ngayon? Goodness! Alam na niyang may gusto ako sa kanya!Ginulo ko ang buhok ko sa inis sa sarili. Bahagya pa akong sumisigaw. Nakakahiya talaga!Buong araw akong hindi na lumabas. Bumili ako sa karinderya ng ulam at mabilis lang din na bumalik sa kwarto ko. “Jessica, hindi ka na kumakain dito. Nakakatampo kana,” kunwari nagtatamp
I was too disappointed when I went inside my room. Hindi ako makapaniwala na hinayaan ko ang sarili ko na mag-antay sa labas. Na bantayan ang pintuan ni Darius kung kailan sila lalabas. Jessica, hinayaan mo pang gumabi bago ka umuwi? That's too much! Pero kasi, wala akong nakitang pagka-ayaw sa mukha niya nang malaman niya ang tungkol sa sulat ko. Nahiya lang ako dahil nanunukso ang mukha niya. Kung sinabi lang niya na may girlfriend siya, sana hindi ako umasa! Sana hindi ko hinayaan ang sarili kong magdamag na nakaupo sa rock formation habang binabantayan ang pintuan niya! Hindi ko rin matanggap na nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko. Kung hindi sana niya nalaman, hindi ganito kalala ang disappointment na nararamdaman ko. At least if he didn't know about my feelings, pwede ko pang e deny na wala naman akong gusto sa kanya. Na pwede ko pang kumbinsihin ang sarili ko na tigilan siya dahil hinding hindi rin naman siya magugustuhan ni mama. Pero ngayon na alam niya, kahit e d
Ang laki ng disappointment ko sa sarili ko matapos kong amin sa sarili ko na nami-miss ko si Darius! Kaya nga ako umalis sa Manila dahil broken hearted ako tapos uulitin ko lang dito? Seriously? Wala na akong nagawang matinong desisyon sa buhay ko! Inis kong pinalis ang mababaw na luha ko. Hindi naman kami pero ito at iniiyakan ko. How shallow of me! Pinilit ko ang sarili kong matulog. Pero ilang pikit ang ginawa ko, hindi ako makatulog! Gabing gabi na! Siya pa rin ang iniisip ko. Kung ano na kaya ang ginagawa nila nong babae. Did they sleep together? Ginulo ko ang buhok ko sa mga iniisip. Nang hindi ko na nakaya, bumangon ako. I sighed heavily when I saw my bagpack. Naroon ang shavings ko. Gusto kong makalimutan itong kahibangan ko. Obvious naman na wala namang gusto sa akin si Darius! Kung bakit pa kasi nanghahalik! Umasa tuloy ako! Mabilis akong nag-impake ng ilang pares ng damit. I made sure I brought swimwear. Nang matapos ako ay kinuha ko ang savings ko. Lumabas ako ng kw
Kumalabog ang puso ko nang makita ko ang iritadong mukha ni Darius habang papalapit sa akin. Mabilis ang bawat apak niya kaya ilang segundo lang at nasa tapat ko na siya. “Who is he?” tanong sa akin ni Lance. Bumaling ako kay Lance at saka umiling. I'm here to forget about him. Why is he here? Matapos niyang manatili sa kwarto niya ng ilang araw, ngayon pa siya magpaparamdam? Ang galing naman!“I don't know. Hindi ko siya kilala,” sagot ko kay Lance. Rinig ko ang mabilis na angal ni Darius. Nakakunot ang noo kong bumaling sa kanya. “Really? Jessica? Hindi mo ako kilala?” hamon niya. Kita kong tumaas ang gilid ng labi niya. The kind of evil smirk. I shifted on my seat. Bigla akong kinabahan sa nakikita kong reaction niya. Umigting ang panga niya at nagpipigil ng inis. “Matapos mong mangutang ng malaking halaga? Dito mo ginamit ang inutang mo?” akusa niya. Agad napaawang ang labi ko. Malakas ang pagkakasabi niya non kaya may napabaling sa amin. “Wala akong utang sayo!” depensa k
“Walang nakakatawa dito!” inis kong sabi kay Darius. Hindi ko maintindihan kung bakit siya tumatawa ngayong kita niyang galit ako! Aalis na sana ako sa harap niya dahil nakakairita na siya nang higitin niya ako. Pinabalik niya ako sa kinatatayuan ko kanina! “Bitawan mo ako!” sigaw ko.“You're jealous of Devina?” panunuya niya. Hindi ko alam kung bakit may nakikita akong pamamangha sa mukha niya. So Devina pala ang pangalan niya? Ang pangit! I rolled my eyes at him. “Why would I be jealous? Ano ba kita?” sarcastic kong sinabi. He chuckled. “Tunog selos ka, Jessica. And you seemed to forgot I read your diary.” Tumaas ang kilay niya sa akin, nanghahamon. Gusto kong e deny! Pero wala akong maisip na sasabihin! Kung bakit pa kasi ako nag-diary!Wala akong masabi. Kaya inis kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Kaya lang, masyadong mahigpit ang hawak niya, walang balak na pakawalan ako. “Bitawan mo ako!” Ngimiwi ako sa kanya. He chuckled even more. Lalo niya akong nilapi
Napamaang nalang ako sa pinagsasabi ni Darius. Matapos niya akong ipahiya kanina sa mga tao dahil sa mga pinagsasabi niya, siya rin pala ang magwawaldas ng pera? Saan niya kinuha ang pera na ginamit niya para makabayad dito? Tapos kapag wala siyang pera ako ang sisisihin niya? Iniwan ko siya para makababa na at para makakain. Kaya lang ay sumunod siya sa akin. May plano pa sigurong sumabay sa aking kumain. Mas binilisan ko ang paglalakad nang maisip na baka nga sumabay siya. Baka may makakilala pa sa akin sa mga tao kanina at sabihing kinakawawa ko siya pag nakita nilang kasama ko siya. I heard him chickle. “Jessica, kahit magmadali kang lumakad, mahahanap din kita. You're just tiring yourself.” Napahinto ako at mabilis na lumingon sa kanya. “Hindi dahil nagmamadali ako ay ikaw na ang dahilan. Pwede naman na nagmamadali ako dahil gutom ako!” Kita kong tumaas ang gilid ng labi niya. “You’re still upset? I told you, Devina is my sister. Hindi ko alam na kahit pala ang kapatid ko ay
I've never been to this kind of place. Ni hindi ko naisip kahit minsan na makakapunta pa ako sa mga mamahaling hotel. Kaya manghang mangha ako sa nakikita ko. Bumaling ako kay Darius nang marinig kong lumalapit siya sa akin. He was staring at me with smile on his face. “How do you like it?” he asked with amusement on his face. Ngumuso ako. “It’s so big. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar.” He chuckled. Mas lalo siyang lumapit sa akin. He then held my waist when he was in front. Hinigit niya ako sa kanya. “What you like most, this one or my house in San Pedro?” nakangisi niyang tanong. Bahagya akong natawa. I already know the answer to that. “Sempre, doon sa San Pedro. Kahit naman simple ang bahay mo na yon, it is cozy and I find it peaceful kahit na ganun lang iyon.” Matapos kong sumagot ay naramdaman ko ang labi niya na dumapo sa labi ko. It was just a peck. Nang lumayo siya, hindi ko mapigilang mangiti. Kaya lang ay may tumawag bigla sa cellphone niya kaya siya na
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. He is an heir? Bakit hindi niya sinabi? Baka hinayaan pa ako ni mama na manatili sa kanya kung sinabi niya ng maaga!Despite my shock, hindi ko maiwasang hindi magalit. Kakarating ko lang. I suffered from my mother tapos pagdating ko, sasabihin niya sa akin na aalis siya! Aalis sana ako sa kandungan niya pero hindi niya ako hinayaan. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. “Let me go!” inis kong sinabi. Darius sighed. “Listen to me. I have to go, it's an emergency,” paliwanag niya. “Now I'm asking you if you want to go with me, Jessica,” he whispered. Natigilan ako sa paglilikot sa kandungan niya. Tumitig ako sa mata niya at nakita kong seryoso siya. “I don’t have passport,” pag-amin ko. Wala naman kasi akong balak na mangibang bansa. I couldn’t afford it anyways.Darius chuckled. “It’s alright. I’m asking you if you want to go with me. If you want, I can easily get your passport.” Napakurapkurap ako. I can’t believe him. Akala ko ta
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko nakitang nananabik si Darius na makita ako. Ako lang siguro ang may gustong magkita pa kami! Nagpatuloy siya sa pagtanggal ng necktie niya, hindi iniiwas ang mata sa akin. Matapos ng necktie niya ay tinupi niya ang manggas ng sleeves niya sa bandang siko. “Come here,” he said after finishing folding his sleeves. Wala akong makitang reaction sa mukha niya kaya may dumaang sakit sa puso ko.I shouldn't have come here! Bumaling ako sa likod ko, inaaninag kung may bangka pa ba nang biglang may humigit sa akin. Napasinghap nang sumobsob ako sa dibdib ni Darius. Nakapasok na ako sa bahay niya. His arms snake around my waist. Agad nahanap ng labi niya ang tenga ko.“What happened to you? Why do you look like a mess?” seryoso niyang sinabi. I felt his tongue graze my ear. Hindi ako nakasagot pero agad kong nilagay ang dalawang kamay ko sa likod niya para mayakap siya. I didn't feel ashamed. I just missed him so much! He groaned. “Jessica, I
Two days akong hindi nakalabas ng bahay. And that two days, puro iyak lang ang nagagawa ko. Nabubuksan lang ang pintuan kapag binibigyan ako ng pagkain ni mama. Ang sakit ng ulo ko dahil sa pag-iyak. Nakahiga ako ngayon at nakatulala sa kisame. Pagod na ako, physically and mentally. Halos wala na akong planong tumayo pa ngayon. Wala na akong lakas makiusap kay mama na palabasin niya ako sa kwarto ko. Nakatulog ulit ako matapos kong magising. Alam kong matagal akong tulog. Kanina ng gising ako, tirik ang araw sa labas sa maliit kong bintana. Ngayon na gising ulit ako, dumidilim na sa labas. I sighed weakly. Gumilid ako at napahawak sa sentido ko dahil sa sakit ng ulo. Nakita kong may bagong pagkain malapit sa pintuan ko. Wala na ang dati kong pinagkainan. Kanina ay nakaramdam ako ng gutom. Pero ngayon na nakikita ko ang pagkain, wala na akong gana. Pumikit ulit ako, planong matulog ulit. Ilang oras akong nakapikit pero hindi na ako dinalaw ng antok. Nang matagal akong nakapikit at
Naging awkward ang dinner dahil sa sinabi ni Magnus. Sinisi niya ako kaya lahat ng mata ay nasa akin. Mama knows it's true. Alam niya ang tungkol kay Darius kaya kahit kalmado siya habang kumakain, alam kong sa loob loob niya, nag-aapoy na siya.“Mauuna na kami. May pupuntahan pa kami,” nakangiting paalam ni mama. Si Magnus, matapos kumain ay umalis na. Sinabi niyang may emergency siya kaya hindi na niya kami maihahatid. Pero ramdam namin na sinabi lang niya iyon dahil sa ayaw niya talaga kaming ihatid! At alam kong ayaw niya kaming ihatid dahil sa inayawan ko siya! Kahit sinabi niyang may emergency siya, hindi ako naniniwala. Ganon din si mama at Tita. Kaya patong patong na ang kasalanan ko kay mama. “Sige, mag-iingat kayo,” ani Tita Margaux. Mabilis na tumango si mama, eager to leave. Nahalata niya sigurong mabagal ako kaya hinawakan niya ako sa siko. Tahimik kami habang lumalabas ng gate nila. May nakaabang ng taxi sa amin. Pinatawag na ni Tita ng advance dahil nga sa hindi ka
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Magnus! Baliw na ba siya? Natulala ako habang nakatingin sa pinasukan niyang closet. Nakaawang ang labi. Hindi ako bumaba. Uusisain ako ni mama kung gagawin ko iyon at wala akong planong mausisa ngayon! Umupo ulit ako sa kama niya at saka pumikit ng mariin. Bakit niya gustong magpakasal ngayon kung wala rin naman siyang nararamdaman sa akin? He is insane! Mariin ko siyang tinignan nang lumabas siya. Naka white button down shirt at naka itim na slacks. He was folding the sleeves to his elbow. Hindi niya ako binalingan ng tingin pero alam kong alam niyang narito parin ako. “We can't do that, Magnus!” inis kong sabi nang magpatuloy siya sa pag-iignora sa akin. Mas lalo akong nainis nang wala siyang kibo. He just continued folding his sleeves as if I don't exist! “Magnus!” He lazily looked at me. “We are marrying each other. That was your plan before, why not finish it?” panunuya niya. Ayaw ko mang isama si Seraphina sa usapan, wala na akong ch
Natigilan si Magnus nang makita ako. Dederetso sana siya sa walk-in closet niya pero dahil nakita niya akong nakaupo sa kama, sa akin bigla ang tungo niya. Gusto kong tumakbo palabas ng kwarto ngayon papalapit siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Nag-iwas nalang ako ng tingin dahil sa kahubadan niya. “Why are you inside my room?” he asked huskily. “Pinapunta ako ni Tita. Sabay na raw tayong bumaba kapag nakahanda na ang tanghalian.” I swallowed hard when he stopped in front of me. Bumaba ang mata ko sa paa niya, unable to bring my eyes to his upper body.I heard him chuckle. “Jessica.” “What?” gulat at kabado kong tanong. I shifted uncomfortably on his bed.Kahit gustuhin ko man na umalis, hindi ko na magawa dahil nakaharang na siya sa unahan ko. Suminghap ako nang biglang bumaba ang kamay niya sa magkabila ko. Umusog ako sa higaan niya para lang mapalayo ako pero wala ring silbe yon! Hindi ko na napigilan at napatingin ako sa kanya nang bumaba ang katawan niya sa akin, nakatu
Tulala ako habang naliligo sa cr. Wala sana akong plano na lumabas pero inimbita kami ng mama ni Magnus na pumunta sa kanila. “Jessica! Ano na?” tawag ni mama sa labas ng banyo. Napakurap-kurap ako at saka mabilis na nag banlaw. Kapag talaga nasa bahay ako, wala akong oras na mag-isip. Limang minuto lang akong walang kibo, aakusahan na ako ni mama na nag-iisip kung paano babalikan si Darius. Hindi naman siya nagkakamali. I was indeed plotting on how am I be able to return to Leyte. Ang problema ko lang ay pagdating doon, mahahanap din ako dahil expect na ni mama na roon ako kung sakali na tumakas ako. That would be useless!Nakabihis na si mama nang lumabas ako ng banyo. She was wearing her best dress. Strikto niya akong binalingan nang matapos ako. “Bilisan mo na. Hinihintay na tayo ng mama ni Magnus.” I sighed weakly. Pagpasok ko sa kwarto ko, nakita kong may nakalapag na dress sa kama ko. It was a backless red long dress that has slit on the side. Hindi ko alam kung saan ito n
Tahimik kaming kumain ni Magnus. Hindi rin naman siya nagsasalita kaya tahimik sa pagitan namin. Hanggang sa matapos kaming kumain ay walang nangyaring pag-uusap! Umiinom siya ng tubig nang dumapo ang mata ko sa kanya. Doon ko na-realize na nakatitig pala siya sa akin. Mariin ang titig niya. “What happened to you while you were on the run?” biglang tanong niya. Curiosity was all over his face. Tumikhim ako. “Nothing happened.” He shook his head. “I don't believe you! You become silent now that you return.” Tinaas niya ang isang kilay niya. Ibinaba niya ang hawak niyang tubig at saka itinukod ang dalawang kamay sa table para makalapit sa akin. “I will know what happened, Jessica. You are making me curious.” My heart skipped a beat. Biglang kong naalala ang sinabi ni mama. Na kapag umayaw itong lalaking ito ay malalagot ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ni mama kung sakali na umayaw nga si Magnus sa kasal. Is she going to kill me? Or disown me? “I was