"Sab!"Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Si Erika. Pinsan niya, anak ng kapatid ng papa niya. Kaka-transfer lang nito dito sa St.Catherine dahil na kick out sa dating school na pinapasukan nito. sinapak kasi nito yung kaklaseng lalaki, muntik na daw mabulag dahil nakasuot ng salamin na nabasag ng sinapak ng pinsan niya. Literal na bully at spoiled brat si Erika dahil siguro nag iisang anak ng may ari ng banko at haciendera. Pero mabait naman ito wag mo lang talagang kalalabanin dahil hindi ito mahilig magalit pero mahilig gumanti."Shopping tayo!" nakangiting sabi nito sa kanya "Gaga may klase pa!" lunch break palang nila at mamaya pang alas kwatro ang uwian"Cutting tayo tange!" sakangising sabi nito, may dinukot ito sa bulsa ng palda at nilabas ang kulay itim na card. Nanlaki ang mata niya. "Namo ka. credit card ba yan?!" Tanong niyang m
"Mag hanap kayo ng ka-partner. At pag usapan nyo kung ano ang lulutuin nyo" sabi ni Mam Colonel teacher nila sa TLE bago lumabasNapalingon siya kay Gabin na nakatingin din pala sa kanya parang pareho kame ang iniisip nilang dalawa."Partner tayo" sabi nito na walang boses na lumalabas sa bibig. Tumango siya at ngumiti. Buti nalang ito na ang nag prisinta dahil wala naman siyang ka close sa mga classmate niya, lalo na sa mga babae. karamihan sa mga ito ilag sa kanya dahil siya daw kasi ang blacksheep sa room. yung mas madalas mag cutting at mapaaway kumbaga bad influence ang tingin sa kanya ng mga classmate niya buti nga nag transfer dito si Erika kaya may babae na siyang kaibigan bukod kay Jannah na ngayon ay suspended. puro kc lalake ang barkada niya. mga barkada ng kuya niya na lagi nilang nakakasabay sa pag uwi. Tumayo ito para lumapit sa kanya pero hinarang ito ni Jessica -ang classmate kong talande at isa sa mga hayagang lumalandi kay
MABILIS siyang tumayo mula sa couch ng may mag doorbellNapag buksan niya sina Mateo, Manolo, Arjhay, Gabin at.. si Millet - muse ng school, candidate for valedictorian at napapabalitang nililigawan ni Gab. Akala niya tsismis lang pero sa nakikita niyang pag alalay dito ni Gab mukang totoo ang tsismis. 'puta! Ang sarap manakit!'"H-Hi, pasok!" Sabi niya na may pilit na ngiti at niluwagan ang pintoNag sipasok naman ang mga ungas mga feel at home deretso sa sofa at nag si upo. Naiwan sa pinto si Gabin at Millet"Hi, Sabrina rigth?" Bati sa kanya ni Millet. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Plastic neto samantalang dati kung paringgan siya wagas dahil lang nanligaw sa kanya yung ex nitong mukhang kulugo. Naramdaman niya naman ang marahang pag siko sa kanya ni Gab kaya tinignan niya ito ng masama. Sumisenyas ito na batiin niya naman si Millet. 'M
MAAGA pa lang nagising na siya para mag handa ng sosootin niya para mamaya, ngayon kasi sila mamimili ni Gab para sa rekado ng menudoMiniskirt at red gap backless ang sinuot nya at rubber shoes. Nag lagay siya ng sunscreen saka polbo at lipgloss. Tinali niya pataas ang buhok niya.Nang makonteto kinuha niya ang maliit na sling bag niya na kasya lang ang cellphone at walletLumabas na siya ng kwarto at dumeretso sa kusina andon na ang mama, papa at pati ang kuya niya na nag aalmusal"Good morning" masayang bati niya dahil parang ang tahimik nila"Morning" bati ng kapatid niya"May lakad kaba Sabrina?" Tanong sa kanya ng daddy niya na hindi inaalis ang mata sa binabasang dyaryoNaupo siya sa tabi ng kuya niya "Yup!" sagot niya saka tinusok ang hotdog at nilagay sa plato niya"Saan naman ang punta mo?" Tanong ng mommy niya"Mag kikit
Wala na silangng imikan hangang makarating sila sa bahay nila Gabino.Badtrip talaga siya dahil sa sinabi nitong akala nito insecure siya kay Millet. Si Millet na naging muse lang dahil hindi siya nakasama sa mga pag pipilian dahil sa higher section lang kumukuha ang school nila.Bungalow ang style ng bahay nila Gabino, simple pero makulay dahil pintura ng bahay nila na blue, pink at yellow. Idagdag mo pa ang mga nag gagandahang bulaklak na alaga ng mama ni Gabin.Nakita niya kaagad ang mama ni Gabino na nag didilig ng mga halamangbtanim nito kaya lumapit siya dito at nag mano. Kilala niya na ang mama ni Gab dahil nung second year mag kakaklase sila nila Gab at ng kuya niya, kaya madalas silang mag kapatid dito para gumagawa ng mga project at report. Lagi rin kasing may pamiryenda ang mama ni Gab kaya naman nawili sila dito."Kamusta po tita Grace lalo kayong gumaganda ah" nakangiting bati niya dito.
"Im baaaaaccckkkk!!!!!" Napatingin silang lahat sa babaeng nasa pintuan ng classroom na Nakataas ang dalawang kamay na nakahawak sa mag kabilang hamba ng pinto. hapit ang paha ng uniform na kapag tumaas ang kamay ay lilitaw ang pusod kagaya ngayon litaw ang pusod nito. bukod kasi sa masikip ang paha ginawa rin nitong hipster ang palda nito. Kaya ang mga lalake sa room nila ay luwa nanaman ang mata. Sexy naman kasi ito mestisa pa at parang anghel ang mukha dahil maamo iyon, wag nga lang mag sasalita dahil lalabas ang pag ka taklesa nito."Shiit wala paring pinag bago ako parin ang nag iisang dyosa sa section na to" dagdag pa nito na pakendeng kendeng na nag lakad papunta sa dereksyon niya. tulala naman ang mga kaklase nila pati ang teacher nila sa English na nahinto sa pag susulat sa blackboard ng mag 'grand entrance' si Jannah "Oh hi Mrs.Quinto. go on, go on dont mind me" anito pa na lalong ikinanganga ng teacher nila at ikinatawa naman ng
"Pa-a-sa""Ha?" Takang tanong niya dito."Pa-a-sa mo to!" Inis naman na sabi nito na mas lalong idinuldol sa mukha niya ang test paper kaya inis na tinabig niya yon."San ko papasa yan letse ka? Pahingi lang ako ng isa!" Inis na sabi niya dito. Nag tatanga tangahan nanaman itong gago na to! alam naman nitong siya na ang pinaka dulo sa row nila saan kaya sa tingin nito niya iyon ipapasa? Sa bookshelf na nasa likod niya? humablot lang siya ng isang test paper saka inirapan ito "pasa mo yan sa harap" mataray na sabi niya dito."Tss" narinig niya pang palatak nito.Naiinis na siya dito dahil simula nung nangyari yung sa canteen di na siya pinapansin nito mas madalas na pag sungitan pa siya nito. Akala mo naman inapi niya ito kung makaasta.Nag concentrate nalang siya sa long quiz nila. Hindi siya nag review kaya stock knowledge lang ang gagamitin niyan kung may naka stock man.
"Hoy Jannah!" tawag niya kay Jannah na paakyat na sa hagdan. Mabilis niya itong hinila at hindi na inantay pang makareklamo. Ipinasok niya ito sa loob ng cr. "What?" nakasimangot na tanong nito sa kanya. "Is it true?""Ha?" halatang iritable na ito.Naipaikot niya ang mga mata "Is it true that Gab has a crush on me?" excited na tanong niya dito. Tinitigan siya nito na parang na babaliw na siya. Well nababaliw na nga siya! At kung hindi pa ito mag sasalita baka masakal niya na ito sa sobrang pabitin nito. "Ano?" inis na untag niya dito dahil parang wala itong balak mag salita!Maarteng itinirik nito ang mga mata "Ghaadd! Manhid kaba? Obvious naman na gusto ka niya" inis na anitoIts O to M to G! Gusto niyang mangisay sa kilig! Confirm crush siya ni Gab! Akmang tatalikod na ito ng pigilan niya. "Ano ba Sabrina?" asik
Sabrina's POV"Nay, dali!" malakas na tili ni Leticia. Napabuntong hininga na lang siya sa anak. Hindi niya alam kung bakit ba madaling-madali ito na pumunta sila sa Garden. Dalawang araw na siyang matamlay dahil busy si Gab sa restaurant at hindi nakakadalaw sa kanila. Hindi pa rin kasi sila nito sinusundo may mga inaasikaso pa raw kasi ito."Asan ba ang mga Kuya mo?" tanong niya sa anak dahil hindi pa niya nakikita ang kambal simula pa kanina. "Dahan-dahan, anak," saway niya kay Leticia dahil pababa na sila ng hagdan.Nang malapit na sila sa pintuan palabas ng garden nakarinig siya nang pag-strum ng gitara. Medyo dim ang liwanag dahil alas siyete na rin naman ng gabi. Patay ang ilaw sa pathway na papunta sa garden. Nagtaka siya dahil hindi naman pinapatay ang ilaw pathway.Nang makarating sila sa pinto ay biglang lumiwanag ang paligid. Tumugtog ang drums at piano kasabay ng pag-strum ng gitara. Kasunod niyon ay isang pamilyar na tinig. Malamig at napakagandang tinig.Maluha-luha siy
Gabino's POVNagising siya sa marahang haplos sa noo niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Sabrina na nakatunghay sa kanya."Sab..."Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon nila ni Sabrina."Puwede na ba tayong mag-usap?" malambing ang boses ni Sabrina. Nakangiti din ang mga mata nito.Tumango siya at bumangon. Bumuntong hininga naman si Sabrina at nagsimulang magsalita."Sorry... Dahil iniwan kita no'n ng hindi man lang pinapaalam sa'yo na magkaka-anak na tayo. Magulo ang buhay ko no'n. Umalis si Mommy at Kuya, nagdala ng babae si Daddy sa bahay. Pakiramdam ko hindi na ako parte ng kahit kaninong pamilya. I don't see any future for me that time. I feel lost. Then I found out that the girl my father brings home is my real mother."Napatingin siya kay Sab. Malungkot ang mga mata nito. Ngayon niya lang nalaman na ang bagong asawa ng Daddy nito ang tunay nitong ina."Hindi ako nagdadahilan kaya
Gabino's POVAraw-araw nasa Villa siya para bisitahin ang mag-iina niya simula nang sampalin siya ni Sabrina. Nasaktan siya sa ginawa nito pero hindi naman siya nagalit. Alam niyang ayaw nitong kumakampi siya sa iba pero... hindi naman niya matiis si Maria. Maria is a good friend, ito ang nag-recommend sa kanya kay Don Damian. Bukod pa doon mabait naman at maasahan si Maria, madalas nga lang itong mapaaway dahil sa ugali nito. Iba kasi ang ipinapakita nitong ugali sa ibang tao kaysa sa tunay na ito. Hirap lang talaga itong makibagay sa mga tao lalo na at mababa ang self-esteem nito. At ang mga sinabi dito ni Sabrina ay mas lalo lang magpapababa nang tingin nito sa sarili kaya naman hindi na niya napigilang awatin si Sabrina.Ang kaso siya naman ang na-bad shot kay Sabrina. Ayaw siya nitong kausapin, kahit harapin. Kahit na nga nakikiusap siya sa labas ng pintuan nito ayaw siya nitong pagbuksan. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pumayag pa siya sa Lolo nito na dumito na muna sa Vil
Sabrina's POVParang bumalik sila ten years ago. Naging maasikaso na uli si Gabino sa kanya. Bawat galaw at bawat kibot niya naka-alalay ito. Para siyang babasagin kung ituring nito.Masaya siya na bumabalik na uli sila sa dati. Bumalik na ang Gabino na minahal niya.Agad siyang napangiti nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan niya. Ngayon na ang discharge niya. Ngumiti rin ito sa kanya saka iwinagayway ang mga papel na hawak nito."Uwi na tayo," anito saka nilapitan siya.Agad na niyakap niya ito. Gustong-gusto niya kapag niyayakap niya ito at nararamdaman ang init nito. Gumanti ito ng yakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya."Tara na?" anito ng humiwalay sa kanya.Tiningala niya ito at hinaplos ang pisngi. "I love you, Gab," aniya saka inabot ang labi nito at pinatakan ng halik.Pumikit ito at idinikit ang noo sa noo niya, saglit silang na sa ganoong puwesto hanggang umayos ito ng tayo. Muli nitong hinalikan ang ulo niya saka tumalikod para kuhanin ang wheelchair na nasa
Sabrina's POVPumasok siya sa masters bedroom pero wala doon si Gabin. Nilapitan niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kama. Niyakap niya ito at tahimik na napaiyak.Mali ba siya nang magdesisyon siyang umalis noon? Ang iniisip niya lang naman noon ay ang kapakanan ni Gab pero... Ano nga kaya kung nanatili siya? Anong naging buhay nila Gabin? Siguro'y mas masaya kahit mahirap.Halos manikip na ang dibdib niya sa kakaiyak ng biglang kumirot ang puson niya. Napahawak siya doon dahil namilipit na siya sa sakit, napahigpit tuloy ang yakap niya sa anak kaya ito nagising."Aahhh..." ungol niya dahil mas lalong tumindi ang sakit."Nay... Bakit po?" tanong ni Leticia na nakaupo na sa tabi niya at hinihimas ang buhok niya. "Nay?" kita niya ang takot sa mata ng anak sa nakikitang paghihirap niya.Naramdaman niya ang mainit na likidong gumagapang sa hita niya. Hinawakan niya iyon at halos mawalan siya ng kulay ng makitang dugo ang na sa hita niya."Sugat ka, Nay?" ani ni Leticia saka nag-um
Sabrina's POVHalos araw-araw kasabay ni Gab umuuwi si Maria sa bahay. Laging nag-uusap ang mga ito sa opisina ni Gabin sa ibaba pagkatapos ay sasabay maghapunan sa kanila si Maria bago ihatid ni Gabin.Hindi niya itinago ang inis sa pinsan niya. Harap-harapan kasi nitong nilalandi si Gab at parang okay lang iyon kay Gabin. Nakakapanggigil! Pati mga bituka niya nanggigil sa pinsan niya.Madalas pa siyang ngisihan ni Maria na mas lalong kinaiinis niya. Katulad na lang ngayon na sa kusina siya habang umiinom ng kape. Lihim niyang binabantayan ang dalawa. Ngayon lang kasi inabot ng gabi ang mga iyon na nag-uusap. Na sa taas na ang mga anak niya at tulog na. Hinihintay niya na lang matapos mag-usap ang dalawa dahil gusto niyang makipaglinawan kay Gabin. Hindi uubra na harap-harapan siya nitong binabalewala lalo na sa harap ng pinsan niyang mahadera."Gusto ko ng kape," anito sa kanya. Nag-uutos at hindi nakikiusap."Di magkape ka," inis na aniya kay Maria.Ipinaikot nito ang mga mata sa k
Sabrina's POVAkala niya okay na sila ni Gab pagkatapos nang namagitan sa kanila, pero balik na naman uli ito sa dati. Kibuin-dili siya. Doon na sila natutulog ni Leticia sa masters bedroom pero hindi na uli siya hinawakan ni Gab. Minsan gabing-gabi na ito umuuwi at napaka-aga kung umalis. Kpag naman na sa bahay ito laging kasama ang mga anak nila. Parang gusto niya tuloy mainggit sa mga anak.Katulad na lang ngayon na sa kusina ang mag-aama niya habang tinutulungan si Gab na magluto ng pananghalian nila. Samantalang siya nandito sa sala at nanonood ng talk show sa korean channel kahit di naman niya maintindihan ang mga sinasabi. Hindi niya rin binabasa ang subtitle basta nakatunganga lang siya sa T.V.gusto niya sanang makisali sa mag-aama kaya lang out of place naman siya. Naiinis na siya sa mga anak dahil parang kinalimutan na siya ng mga ito. Dati naman parang Hindi mabubuhay ang mga ito ng wala siya pero ngayon ni hindi na ata siya naaalala.Mga balimbing! - Maktol niya. Tamad na
Sabrina's POVKaya pala parang hindi sure si Gabin kung Mommy niya nga ba o hindi ang na sa ibaba dahil si Tita Clarice ang kasama ng Daddy niya. Ang biological mother niya.Mabilis itong napatayo nang makita silang pababa ng hagdan at sinalubong ng yakap. Gumanti rin siya ng yakap dito. Matagal naman na niyang natanggap na ito ang tunay niyang ina. Base na rin sa kwento ni Mickey, sapilitan daw siyang kinuha ng Lolo Damian niya dito. Siya ang nakuha dahil siya ang hawak noon ni Tita Clarice. Hindi raw alam ng Lolo niya na kambal sila ni Mickey. Nagdamdam siya sa Lolo niya. Lalo na nang malaman kung ano-ano ang mga kinailangan ni Tita Clarice para lang mahanap siya. Napabayaan nito si Mickey. Siya ang nawala pero parang si Mickey ang nawalan. Nawalan si Mickey ng kapatid at Ina."S-Si Mickey?" umiiyak na tanong nito. "Hindi ba siya uuwi?""Susunod sila ni Jude," aniya."Ang mga apo ko kasama ba?" Kita niya ang pananabik nito kay Mickey.Napatingin siya sa Daddy niya na nakamasid lang
Sabrina's POVBumiyahe sila pabalik sa San Ignacio kinabukasan. May bahagi niya na masaya at excited, may bahagi din na malungkot at kinakabahan at the same time.Masaya siya dahil sa wakas may chance na mabuo ang pamilya nila. Inalok siya ng kasal kahit galit sa kanya si Gab. Okay na siya do'n. Sapat na 'yon. Beggars cannot be chooser.Kaya lang malungkot dahil ang lapit ni Gab pero parang ang layo. Nakikita pero di mahawakan. Nakangiti pero hindi para sa kanya.Nakakapanibago.At wala siyang choice kundi magtiis at magpakumbaba dahil siya naman ang may kasalanan. Siya ang nagtago at lumayo e. Siya yung natakot humarap sa problema, sabi nga ni Gab.Pero duwag nga ba siya? Gusto niya lang namang mapabuti ito. Minahal niya lang ito ng sobra. Masama ba yung ginawa niya?Siguro nga masama, kasi nagalit si Gab e. Nanumnumbat, nagtatampo, hindi nang-iimik. Ayaw niya no'n. Kaya gagawa siya ng paraan para mapalapit uli ito sa kanya. Kasehodang maghubad siya sa harapan nito suot at ang bagong