"Im baaaaaccckkkk!!!!!"
Napatingin silang lahat sa babaeng nasa pintuan ng classroom na Nakataas ang dalawang kamay na nakahawak sa mag kabilang hamba ng pinto. hapit ang paha ng uniform na kapag tumaas ang kamay ay lilitaw ang pusod kagaya ngayon litaw ang pusod nito. bukod kasi sa masikip ang paha ginawa rin nitong hipster ang palda nito. Kaya ang mga lalake sa room nila ay luwa nanaman ang mata. Sexy naman kasi ito mestisa pa at parang anghel ang mukha dahil maamo iyon, wag nga lang mag sasalita dahil lalabas ang pag ka taklesa nito.
"Shiit wala paring pinag bago ako parin ang nag iisang dyosa sa section na to" dagdag pa nito na pakendeng kendeng na nag lakad papunta sa dereksyon niya. tulala naman ang mga kaklase nila pati ang teacher nila sa English na nahinto sa pag susulat sa blackboard ng mag 'grand entrance' si Jannah "Oh hi Mrs.Quinto. go on, go on dont mind me" anito pa na lalong ikinanganga ng teacher nila at ikinatawa naman ng mga kaklase nila.
Tumikhim lang si Mrs.Quintos saka tumalikod na at ipinag patuloy ang pag susulat.
Natawa nalang siya, hindi na siya nagulat kung bakit hindi ito pinatulan ng teacher nila. Anak lang naman ito ng isang business tycoon slash chief justice si Jannah Benitez the spoiled rotten brat slash the queen bitch of this school. Para kang bumangga sa pader pag kinalaban mo ito bukod kasi sa maimpluwensya ang ama, isa rin sa pinaka malaki mag donate ang daddy nito sa St. Catherene na medyo Hindi naman saint dahil ang daming corrupt.
Sinasamantala naman ni Jannah iyon, nagagawa nito ang lahat ng naisin. Nitong huli nga lang ito na suspend ng sampalin nito ang dating teacher nila sa science na ngayon sa hindi malamang dahilan ay nag resign pero malakas ang kutob niya na dahil iyon sa daddy ni Jannah. Nag petisyon kasi ang teacher nila na ipa kick-out si Jannah. Pero hundinnangyari ang gusto nito. Ang pinaka mabigat na naging pasusa ni Jannah ay ang mga suspend ng isang araw.
"Hi Jannah" Salubong dito ni Jessica na napaka laki ng pag kakangiti kay Jannah pero nilampasan Lang ito ni Jannah at Hindi man Lang sinyapan ng tingin. Lumapit ito at naupo sa tabi niya saka nakipag beso beso sa kanya.
"Musta?" Tanong niya dito. Close sila nito dahil bata palang mag kakilala na sila. Ninong ng daddy ni to sa kasal ang Lolo niya bukod Pa sa close talaga ang mga Arcega sa Benitez.
"May jetlag" maarteng sabi nito na itinirik pa ang mata "Gosh bitin ang vacay ko mukhang kailangan ko nanamang manampal ng teacher" sabi nito na ikinatawa niya
"Gaga ka talaga, pasalubong ko?" Nilahad niya pa ang kamay niya dito.
"Nasa car eh. Hi baby Gab" baling nito kay Gab na nasa harap nila nakaupo
"Hi, lalo kang gumaganda ah" ganting bati nito kay Jannah.
"Tss maliit na bagay" sabi nito na itinirik pa ang mga mata at bahagyang hinawi ang buhok at iniipit sa tenga nito.
Natawa naman si Gab at napailing dahil sa kayabangan ni Jannah.
"Hey Gab, di ka pa ba sinasagot ni ano..?" Tanong ni Jannah kay Gab sabay sulyap sa kanya napakunot naman ang noo niya lalo na ng sumulyap din sa kanya si Gab.
"Shut up J kung ayaw mong kalimutan kita bilang kaibigan" tatawa tawa namang sabi ni Gab na namumula ang mukha.
'Ano bang pinag uusapan ng mga toh? Si Millet ba? Langyang Jannah toh traydor mukang binubugaw pa si Gab kay Millet'
Hindi siya umimik at hinayaang mag patuloy sa pag bubulungan ang dalawa. Ang sarap pag untugin ng mga ito.
"If i were you bibilisan ko na, i heard Manolo will also wanted to court her" Dinig pa niyang sabi ni Jannah na ikinagulat niya naman. Hindi niya kasi alam na may gusto rin pala si Manolo kay Millet. Kaya siguro parang badtrip si Gabino kay Manolo may oinag huhugutan pala.
"Shit sabi ko na eh" sabi naman ni Gab sabay sulyap nanaman sa kanya kaya tinaasan niya na ito ng kilay. Mas lalong nakakainis para pa itong nang iinsulto. bwiset!
Hindi na niya pinansin ang mga ito at pilit nalang nakinig sa teacher nila.
SABAY-SABAY SILANG tatlo na pumunta sa canteen ng mag lunch. Mag kakasama din silang pumila para bumili ng pag kain
Naupo sila sa spot nila sa canteen. Nakauoo na roon sila kuya, Arjay , Mateo at Manolo. Nag uumpisa ng kumain ang mga ito.
"Nasaan si Erika?" Tanong niya ng mapansing wala si Erika dahil kadalasan naman nauuna na yon dito sa canteen.
"Hindi siya pumasok" si kuya ang sumagot
"Bakit daw?" Tanong niya dito. Walang binanggit kagabi si Erika sa kanha na Hindi ito papasok ng mag katext sila. 'Tinamad na naman siguro.. '
"Ewan ko" kibit balikat na sabi ni kuya.
Tumayo naman si Manolo para pag hila siya ng upuan na agad namang inupuan ni Gab.
"Thanks bro" nakakalokong sabi pa nito saka hinila ang katabing upuan at tinapik tapik iyon habang nakatingin sa kanya. Pinauupo siya nito doon.
"Langya ka pre" natatawang sabi ni Manolo na hinila na lang ang isa pang upuan para kay Jannah
"Thanks Manolo your so gentlemen talaga" malambing na sabi ni Jannah dito.
Naupo narin siya sa tabi ni Gab. Ganito ba nito kagusto si Millet at kahit sa maliliit na bagay nakikipag kompetensya kay Manolo? Masyado naman itong isip bata at hindi ito ganoon. sa kanilang mag babarkada ito ang pinaka matured at hindi pasaway, marami nga ang nag tataka kung bakit napasama ito sa grupo nila na suki sa principals office. Si Gabin kahit kailan hindi pa narereklamo, matataas din ang grade nito at laging kasama sa top.
Dumukwang siya dito at bumulong sa tenga nito. "Problema mo Gabino?" Tanong niya dito.
Bigla naman itong lumingon sa kanya kaya napaatras ang leeg niya. half inch nalang ata mag didikit na ang mga labi nila.
Tinaasan niya lang siya nito ng kilay saka pinitik sa noo niya "Kumain kana nga" tatawa tawang sabi nito pero halatang biglang nailang
"Aray naman, di pa nga nagiging tayo nanakit kana ha" nakalabing sabi niya ditona tinawanan naman nito.
"Hindi kita sasaktan pag naging tayo" sabi nito na tinaas taas pa ang mag kabilang kilay sa kanya.
Napamaang naman siya dito, inaantay niya mag dugtong ito ng 'joke' pero wala, mukang seryoso sa sinabi ang tinamaan ng magaling na lalaki
"W-weh di nga" nakataas ang kilay na sabi niya dito. Di biya alam kung anong irereact niya sa sinabi nito. Nag babackfire na ata sa kanya ang mga pinag gagawa niya dito. Gumaganti ito sa kanya?. 'Kalma lang girl, kalma' pigil niya sa sarili dahil nag uumoisa na siyang umasa.
"Di sagutin mo 'ko para masubukan mo" nakangiting sabi nito sabay kindat
"Oy manligaw ka muna!" Mataray na tugon niya dito at pinilit lakapan ng biro ang tono.
"Sus sagutin mo muna ko saka kita liligawan para sure"
"Ayus ka rin eh noh masyado kang segurista"
Natawa ito "ano na? Sagutin mo na ko" kulit pa nito sabay tusok sa tagiliran niya.
"O-ok" kibit balikat ko saka sumubo na ng pagkain
"Walang bawian ah" seryosong sabi nito
Tumawa lang siya.
"Anong pinag bubulungan nyo dyan ha?" Nang iintriga na tanong ni Arjay
"Oo nga kanina pa kayo bulungan ng bulungan dyan" ani naman ni kuya
Tumikhim si Gab at umupo ng tuwid saka tinignan ang mga kasama nila sa lamesa.
Umakbay ito sa kanya kaya napalingon siya dito na ngayon ay deretso ng nakatingin sa kuya niya
"Kame na ni Sab" walang kagatol gatol na anunsyo nito.
Naibuga niya ang kinakain niya sa mukha ni Mateo na nakaupo sa harap niya "Sab naman!" Angal ni mateo pero di niya ito pinansin. agad naman siyang inabutan ng tubig ni Gab.
Gulat ang naka rehistro sa mukha ng mga kasama nila maliban kay Manolo na naka tiim bagang at kay Jannah na parang enjoy lang sa pag kain at walang pakialam sa paligid.
Maya maya nagtawanan sina kuya , Mateo at Arjhay at nag patuloy na uli sa pag kain
"Totoo ba yon Sab?" Tanong ni Manolo na seryosong nakatingin sa kanya.
Napakunot ang noo niya dahil sa reaksyon ni Manolo. Bakit parang galit ito?
"Problemo mo Manolo?" Natatawang tanong niya dito. Teka ano bang nangyayari dito at seryosong seryoso naman ata?
"Just answer me! P-please..." Malungkot na wika nito bahagya pang nabasag ang boses.
"Nag.. Nag bibiruan lang kame ni Gab" mahinang sabi niya, naramdaman niya naman ang pag higpit ng hawak ni Gab sa balikat niya sabay bitaw doon.
Nag angat ng tingin si Manolo malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya
"Gosh haba ng hair mo girl" maarteng sabi ni Jannah.
Ano ba to bakit ganito ang nangyayari?
Biglang tumayo si Gab at dere-deretso ng lumabas ng canteen
"Nangyari don?" ani Mateo
"Talk to him Sab" seryosong sabi ng kuya niya.
Wait! What the fuck? Kanina lang ang saya lang nilang nag bibiruan ah! Bakit ang aarte naman ng mga ito?
"Pa-a-sa""Ha?" Takang tanong niya dito."Pa-a-sa mo to!" Inis naman na sabi nito na mas lalong idinuldol sa mukha niya ang test paper kaya inis na tinabig niya yon."San ko papasa yan letse ka? Pahingi lang ako ng isa!" Inis na sabi niya dito. Nag tatanga tangahan nanaman itong gago na to! alam naman nitong siya na ang pinaka dulo sa row nila saan kaya sa tingin nito niya iyon ipapasa? Sa bookshelf na nasa likod niya? humablot lang siya ng isang test paper saka inirapan ito "pasa mo yan sa harap" mataray na sabi niya dito."Tss" narinig niya pang palatak nito.Naiinis na siya dito dahil simula nung nangyari yung sa canteen di na siya pinapansin nito mas madalas na pag sungitan pa siya nito. Akala mo naman inapi niya ito kung makaasta.Nag concentrate nalang siya sa long quiz nila. Hindi siya nag review kaya stock knowledge lang ang gagamitin niyan kung may naka stock man.
"Hoy Jannah!" tawag niya kay Jannah na paakyat na sa hagdan. Mabilis niya itong hinila at hindi na inantay pang makareklamo. Ipinasok niya ito sa loob ng cr. "What?" nakasimangot na tanong nito sa kanya. "Is it true?""Ha?" halatang iritable na ito.Naipaikot niya ang mga mata "Is it true that Gab has a crush on me?" excited na tanong niya dito. Tinitigan siya nito na parang na babaliw na siya. Well nababaliw na nga siya! At kung hindi pa ito mag sasalita baka masakal niya na ito sa sobrang pabitin nito. "Ano?" inis na untag niya dito dahil parang wala itong balak mag salita!Maarteng itinirik nito ang mga mata "Ghaadd! Manhid kaba? Obvious naman na gusto ka niya" inis na anitoIts O to M to G! Gusto niyang mangisay sa kilig! Confirm crush siya ni Gab! Akmang tatalikod na ito ng pigilan niya. "Ano ba Sabrina?" asik
Hinatid siya ni Gab hanggang sa bahay nila kahit tumatanggi siya dahil mapapalayo ito ng daan pauwi pero makulit ito at nag pumilit. Obligasyon daw nitong masigurong safe siyang makakauwi lalo na at girlfriend na daw siya nito. Ang OA diba pero hindi naman niya maiwasang kiligin, deym!"Oh pano pasok na ko" sabi niya dito nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Nanatiling nakahawak parin ito sa kamay niya at parang ayaw siyang pakawalan. Kinilig na naman siya. Feeling niya napaka haba ng buhok niya! "Walang kiss?" Anito na malaki ang pag kakangi. Pinanlakihan naman niya ito ng mata at nag pa linga linga sa paligid kung may ibang tao. "Enekebe!" Kunwa'y galit na aniya dito saka ito mahinang pinalo sa balikat "Baka mamaya may makarinig satin" Aniya Pa dito saka ito inirapan, pero sa totoo lang gusto na niyang tumili sa sobrang kilig. Naiihi na nga siya dahil kanina pa siya pinakikilig ng pinakikilig nito. Lahat
FRIDAY at nag kataong walang pasok dahil nag karoon ng biglaang meeting ang mga school teacher and administration para sa magiging graduation sa march. Naisipan niyang pumunta sa bayan para mamili ng ibang damit na susuotin papuntang San Ignacio. Papasok na sana siya sa banyo para maligo ng tumunog ang cellphone niya. Agad niya yung dinampot at nag dive sa kama. Galing kay Gab ang message. Gab [ Morning babe! ]Gab [ Breakfast kana ba ? ]Napakagat labi siya habang binabasa ang message nito sa kanya. Dali dali siyang nag reply. Me [ Morning din. Babe? Hmm yan ba magiging call sign natin? ]Gab [ ayaw mo? ]Me [ k lng nmn.. Pnta pla ko bayan. Sama ka
SA BAHAY NGA nila Gab sila nag pahatid ng tricycle. Wala ang mommy at kapatid niya ng dumating sila. Sabi nito nag punta daw sa kabilang bayan dahil may pinsang siyang ikinasal baka bukas pa raw ang uwi ng mga yon. 2pm palang ng hapon pero parang mag aalas singko na ng gabi dahil makulimlim gawa ng malakas ang ulan."Oh mag gugo ka muna ng ulo saka mag palit ng damit baka sipunin ka" sabi ni Gab saka inabot sa kanya ang tuwalya at Tshirt nito at isang cotton short na pang bahay nito. Mabilis naman siyang pumunta sa banyo saka nag palit ng damit at nag banlaw din ng ulo gaya ng utos nito. Ipinulupot niya sa buhok ang tuwalya saka lumabas. Wala si Gab pag labas niya ng banyo kaya pumunta muna siya sa sala at sumungaw sa bintana. Malakas parin ang buhos ng ulan at parang walang balak tumigil. Ang malas naman ng first date nila as mag jowa. "May bagyo talaga siguro" sabi niya kay Gab ng makita niya itong kakalabas lang sa kwarto nit
Nagising si Sabrina na may malamig na hangin na humahampas sa mukha niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya na nakabukas pala ang bintana. Malakas ang ulan na sinasabayan ng malakas na hangin. Tatayo sana siya pero may kamay na nakadagan sa baywang niya. Marahan niya 'yong inalis pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap no'n sa kanya at ayaw siyang pakawalan."Gab, uuwi na ko..." bulong niya dito dahil parang walang balak ito na bitawan siya. Umungol lang ito saka isinubsob ang mukha sa leeg niya. Nakaramdam siya ng kiliti sa ginawa nito. "Late na baka hinahanap na ko sa bahay."Hindi niya alam kung ilang oras ba silang nakatulog pero madilim na madilim na sa labas. Tinignan niya ang alarm clock na nasa bedside table. Nanlaki ang mata niya nang makitang alas onse na. Paniguradong na sa bahay na sina daddy at baka tumatawag na sa kanya. Agad niyang inalis ang kamay ni Gab kahit pa tumututol ito. Dinampot niya ang damit at underwear niya saka nagmamadaling nagbihis. Hinanap niya
Marahang katok ang nagpagising kay Sabrina. Hindi siya nag-abalang bumangon man lang sa pagkakahiga sa kama. Gusto niyang mapag-isa at sana maintindihan 'yon ng kung sino mang kumakatatok sa pintuan ng kwarto niya. Mayamaya pa huminto na ang kumakatok, siguro na pagod na. Dumapa siya at isinubsob niya na lang ang mukha niya sa unan.Nag-ring ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa side table at tinignan ang caller. Si Gab. Nagtatalo ang kalooban niya kung ia-acept niya ba ang tawag o ide-decline. Wala siyang ganang makipag-usap ngayon kahit kanino, kahit nga ang tumayo sa kama niya ayaw niyang gawin. Ang gusto niya mapag-isa. Kung pwede nga lang na maglaho na lang siyang bigla gagawin niya. Inilagay niya ang cellphone sa ilalim ng unan niya saka tumihaya at tumitig sa kisame sinusubukan niyang bilangin ang mga nakapilang langgam na naglalakad pababa sa pader. Napabuntong-hininga siya.She feel lost. Hindi niya alam kung saan tamang mag-umpisa. Parang biglang nawalan ng direksyon ang
Akala niya makakapaglandian talaga sila. Pero hindi puwede dahil n asa bahay din ang kapatid at mama ni Gabino."Hi, Jas," bati niya sa kapatid ni Gabin na nasa sala at nanonood habang nagtutupi ng damit."Hi po, Ate Sab," nakangiting bati din nito saka nagpatuloy sa ginagawa.Ang mama naman ni Gabin ay na sa kusina at nagluluto. Kinawayan niya lang ito bago dumiretso sila sa kwarto ni Gabin. Hinayaan lang ni Gabin na bukas ang pinto na ikinataas ng kilay niya.Napatingin siya sa kama ni Gabin. Naalala niya yung nangyari sa kanila. Hindi pa nga pala nila napag-uusapan ang tungkol do'n. Pero kailangan pa bang pag-usapan 'yon? Parang ang awkward kasi kung io-open niya ang topic na 'yon. Hindi niya pa rin napag-iisipan kung dapat bang pagdiskusyunan nila 'yon o dedmahin na lang. Hindi niya kasi alam kung ano ang mga dapat gawin. Bata pa siya, sila. Pero nagawa na nila 'yon. Hindi naman siya conservative at alam naman niya sa sarili niya na ginusto niya 'yon. Hindi rin naman siya nagsisis
Sabrina's POV"Nay, dali!" malakas na tili ni Leticia. Napabuntong hininga na lang siya sa anak. Hindi niya alam kung bakit ba madaling-madali ito na pumunta sila sa Garden. Dalawang araw na siyang matamlay dahil busy si Gab sa restaurant at hindi nakakadalaw sa kanila. Hindi pa rin kasi sila nito sinusundo may mga inaasikaso pa raw kasi ito."Asan ba ang mga Kuya mo?" tanong niya sa anak dahil hindi pa niya nakikita ang kambal simula pa kanina. "Dahan-dahan, anak," saway niya kay Leticia dahil pababa na sila ng hagdan.Nang malapit na sila sa pintuan palabas ng garden nakarinig siya nang pag-strum ng gitara. Medyo dim ang liwanag dahil alas siyete na rin naman ng gabi. Patay ang ilaw sa pathway na papunta sa garden. Nagtaka siya dahil hindi naman pinapatay ang ilaw pathway.Nang makarating sila sa pinto ay biglang lumiwanag ang paligid. Tumugtog ang drums at piano kasabay ng pag-strum ng gitara. Kasunod niyon ay isang pamilyar na tinig. Malamig at napakagandang tinig.Maluha-luha siy
Gabino's POVNagising siya sa marahang haplos sa noo niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Sabrina na nakatunghay sa kanya."Sab..."Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon nila ni Sabrina."Puwede na ba tayong mag-usap?" malambing ang boses ni Sabrina. Nakangiti din ang mga mata nito.Tumango siya at bumangon. Bumuntong hininga naman si Sabrina at nagsimulang magsalita."Sorry... Dahil iniwan kita no'n ng hindi man lang pinapaalam sa'yo na magkaka-anak na tayo. Magulo ang buhay ko no'n. Umalis si Mommy at Kuya, nagdala ng babae si Daddy sa bahay. Pakiramdam ko hindi na ako parte ng kahit kaninong pamilya. I don't see any future for me that time. I feel lost. Then I found out that the girl my father brings home is my real mother."Napatingin siya kay Sab. Malungkot ang mga mata nito. Ngayon niya lang nalaman na ang bagong asawa ng Daddy nito ang tunay nitong ina."Hindi ako nagdadahilan kaya
Gabino's POVAraw-araw nasa Villa siya para bisitahin ang mag-iina niya simula nang sampalin siya ni Sabrina. Nasaktan siya sa ginawa nito pero hindi naman siya nagalit. Alam niyang ayaw nitong kumakampi siya sa iba pero... hindi naman niya matiis si Maria. Maria is a good friend, ito ang nag-recommend sa kanya kay Don Damian. Bukod pa doon mabait naman at maasahan si Maria, madalas nga lang itong mapaaway dahil sa ugali nito. Iba kasi ang ipinapakita nitong ugali sa ibang tao kaysa sa tunay na ito. Hirap lang talaga itong makibagay sa mga tao lalo na at mababa ang self-esteem nito. At ang mga sinabi dito ni Sabrina ay mas lalo lang magpapababa nang tingin nito sa sarili kaya naman hindi na niya napigilang awatin si Sabrina.Ang kaso siya naman ang na-bad shot kay Sabrina. Ayaw siya nitong kausapin, kahit harapin. Kahit na nga nakikiusap siya sa labas ng pintuan nito ayaw siya nitong pagbuksan. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pumayag pa siya sa Lolo nito na dumito na muna sa Vil
Sabrina's POVParang bumalik sila ten years ago. Naging maasikaso na uli si Gabino sa kanya. Bawat galaw at bawat kibot niya naka-alalay ito. Para siyang babasagin kung ituring nito.Masaya siya na bumabalik na uli sila sa dati. Bumalik na ang Gabino na minahal niya.Agad siyang napangiti nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan niya. Ngayon na ang discharge niya. Ngumiti rin ito sa kanya saka iwinagayway ang mga papel na hawak nito."Uwi na tayo," anito saka nilapitan siya.Agad na niyakap niya ito. Gustong-gusto niya kapag niyayakap niya ito at nararamdaman ang init nito. Gumanti ito ng yakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya."Tara na?" anito ng humiwalay sa kanya.Tiningala niya ito at hinaplos ang pisngi. "I love you, Gab," aniya saka inabot ang labi nito at pinatakan ng halik.Pumikit ito at idinikit ang noo sa noo niya, saglit silang na sa ganoong puwesto hanggang umayos ito ng tayo. Muli nitong hinalikan ang ulo niya saka tumalikod para kuhanin ang wheelchair na nasa
Sabrina's POVPumasok siya sa masters bedroom pero wala doon si Gabin. Nilapitan niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kama. Niyakap niya ito at tahimik na napaiyak.Mali ba siya nang magdesisyon siyang umalis noon? Ang iniisip niya lang naman noon ay ang kapakanan ni Gab pero... Ano nga kaya kung nanatili siya? Anong naging buhay nila Gabin? Siguro'y mas masaya kahit mahirap.Halos manikip na ang dibdib niya sa kakaiyak ng biglang kumirot ang puson niya. Napahawak siya doon dahil namilipit na siya sa sakit, napahigpit tuloy ang yakap niya sa anak kaya ito nagising."Aahhh..." ungol niya dahil mas lalong tumindi ang sakit."Nay... Bakit po?" tanong ni Leticia na nakaupo na sa tabi niya at hinihimas ang buhok niya. "Nay?" kita niya ang takot sa mata ng anak sa nakikitang paghihirap niya.Naramdaman niya ang mainit na likidong gumagapang sa hita niya. Hinawakan niya iyon at halos mawalan siya ng kulay ng makitang dugo ang na sa hita niya."Sugat ka, Nay?" ani ni Leticia saka nag-um
Sabrina's POVHalos araw-araw kasabay ni Gab umuuwi si Maria sa bahay. Laging nag-uusap ang mga ito sa opisina ni Gabin sa ibaba pagkatapos ay sasabay maghapunan sa kanila si Maria bago ihatid ni Gabin.Hindi niya itinago ang inis sa pinsan niya. Harap-harapan kasi nitong nilalandi si Gab at parang okay lang iyon kay Gabin. Nakakapanggigil! Pati mga bituka niya nanggigil sa pinsan niya.Madalas pa siyang ngisihan ni Maria na mas lalong kinaiinis niya. Katulad na lang ngayon na sa kusina siya habang umiinom ng kape. Lihim niyang binabantayan ang dalawa. Ngayon lang kasi inabot ng gabi ang mga iyon na nag-uusap. Na sa taas na ang mga anak niya at tulog na. Hinihintay niya na lang matapos mag-usap ang dalawa dahil gusto niyang makipaglinawan kay Gabin. Hindi uubra na harap-harapan siya nitong binabalewala lalo na sa harap ng pinsan niyang mahadera."Gusto ko ng kape," anito sa kanya. Nag-uutos at hindi nakikiusap."Di magkape ka," inis na aniya kay Maria.Ipinaikot nito ang mga mata sa k
Sabrina's POVAkala niya okay na sila ni Gab pagkatapos nang namagitan sa kanila, pero balik na naman uli ito sa dati. Kibuin-dili siya. Doon na sila natutulog ni Leticia sa masters bedroom pero hindi na uli siya hinawakan ni Gab. Minsan gabing-gabi na ito umuuwi at napaka-aga kung umalis. Kpag naman na sa bahay ito laging kasama ang mga anak nila. Parang gusto niya tuloy mainggit sa mga anak.Katulad na lang ngayon na sa kusina ang mag-aama niya habang tinutulungan si Gab na magluto ng pananghalian nila. Samantalang siya nandito sa sala at nanonood ng talk show sa korean channel kahit di naman niya maintindihan ang mga sinasabi. Hindi niya rin binabasa ang subtitle basta nakatunganga lang siya sa T.V.gusto niya sanang makisali sa mag-aama kaya lang out of place naman siya. Naiinis na siya sa mga anak dahil parang kinalimutan na siya ng mga ito. Dati naman parang Hindi mabubuhay ang mga ito ng wala siya pero ngayon ni hindi na ata siya naaalala.Mga balimbing! - Maktol niya. Tamad na
Sabrina's POVKaya pala parang hindi sure si Gabin kung Mommy niya nga ba o hindi ang na sa ibaba dahil si Tita Clarice ang kasama ng Daddy niya. Ang biological mother niya.Mabilis itong napatayo nang makita silang pababa ng hagdan at sinalubong ng yakap. Gumanti rin siya ng yakap dito. Matagal naman na niyang natanggap na ito ang tunay niyang ina. Base na rin sa kwento ni Mickey, sapilitan daw siyang kinuha ng Lolo Damian niya dito. Siya ang nakuha dahil siya ang hawak noon ni Tita Clarice. Hindi raw alam ng Lolo niya na kambal sila ni Mickey. Nagdamdam siya sa Lolo niya. Lalo na nang malaman kung ano-ano ang mga kinailangan ni Tita Clarice para lang mahanap siya. Napabayaan nito si Mickey. Siya ang nawala pero parang si Mickey ang nawalan. Nawalan si Mickey ng kapatid at Ina."S-Si Mickey?" umiiyak na tanong nito. "Hindi ba siya uuwi?""Susunod sila ni Jude," aniya."Ang mga apo ko kasama ba?" Kita niya ang pananabik nito kay Mickey.Napatingin siya sa Daddy niya na nakamasid lang
Sabrina's POVBumiyahe sila pabalik sa San Ignacio kinabukasan. May bahagi niya na masaya at excited, may bahagi din na malungkot at kinakabahan at the same time.Masaya siya dahil sa wakas may chance na mabuo ang pamilya nila. Inalok siya ng kasal kahit galit sa kanya si Gab. Okay na siya do'n. Sapat na 'yon. Beggars cannot be chooser.Kaya lang malungkot dahil ang lapit ni Gab pero parang ang layo. Nakikita pero di mahawakan. Nakangiti pero hindi para sa kanya.Nakakapanibago.At wala siyang choice kundi magtiis at magpakumbaba dahil siya naman ang may kasalanan. Siya ang nagtago at lumayo e. Siya yung natakot humarap sa problema, sabi nga ni Gab.Pero duwag nga ba siya? Gusto niya lang namang mapabuti ito. Minahal niya lang ito ng sobra. Masama ba yung ginawa niya?Siguro nga masama, kasi nagalit si Gab e. Nanumnumbat, nagtatampo, hindi nang-iimik. Ayaw niya no'n. Kaya gagawa siya ng paraan para mapalapit uli ito sa kanya. Kasehodang maghubad siya sa harapan nito suot at ang bagong