Nakasandal siya sa office chair niya, ng dumaan sa harapan niya si Harvy. Napatingin ang lalaki sa kanya."Okay ka lang ba?" tanong nito."Okay lang ako, masama ang pakiramdam ko, kanina pa" wika niya habang nakapikit. Ramdam niya ang paglapit ni Harvy at pagdampi ng balat nito sa kanyang noo at leeg."May lagnat ka. Ipapahatid na kita sa condo," doon na sila sa unit nito umuuwi simula nung ikasal sila. Minsan umuuwi siya sa condo niya.Balak na niyang paupahan ang kanyang unit, dahil hindi naman matitirahan ang condo na yun. Ganoon din kasi ang ginawa ni Ami sa unit nito. Madaling humanap ng uuupa dahil malapit sila sa lahat. Madalas mga estudyante ang umuupa sa mga unit doon.Sa unit naman ng lalaki, tig isa sila ng kwarto. Hindi namam natutulog ang mga biyenan niya doon, kundi dumadalaw lang. Pero kapag aalis si Harvy papunta kay Audrey, gagamitin muna siya nito. Wala itong pinipiling lugar sa condo nito. Madalas, pinapasok na lang siya nito sa kwarto, oh kaya, basta na lang ito sa
"Okay naman siya Harvy, marahil napagod lang si Dahlia. Siguro maraming trabaho sa opisina na ginagawa ngayon kaya nagkaganyan siya," nakangiting sabi ng doctor sa kanya."Buti naman doc, nag aalala talaga ako, hindi kasi siya madalas magkasakit. Malakas ang resistensiya niya," sagot niya."Magiging okay na siya, ngayong araw o kaya bukas. Painumin mo lang ng gamot, saka pakuhanin mo ng off. Baka naman masyado ng nag oovertime ang asawa mo.""Masipag talaga siya doc, lalo na kapag Biyernes na, kasi gusto niya wala na kaming gagawin sa bahay kapag week ends.""Napakaswerte mo naman sa asawa, hindi na maluho, masipag pa. Nabanggit nga sakin ng lolo mo na hindi na siya masyadong nakikialam sa pagpapalakad mo ng opisina. May tiwala daw siya sa inyo ni Dahlia," kwento ni doc sa kanya."Kaya nga ganyan na lang magtrabaho si Dahlia doc, nahihiya siya kay lolo.""Sa bagay, mabuting bata naman siya, Saka kilala ko naman si Dahlia simula noong bata pa siya kaya alam kong malaking bagay ang maga
Hindi niya magawang paalisin si Audrey. Nagkasundo na sila ni Harvy tungkol sa babae, at kung magdidate man sila, kasama siya. Kaya siguro naisipan ng babaeng ito na bigyan siya ng lalaking makakasama.Si Richmond, ayon dito, ay isang modelo. Patuloy pa rin ang karir nito abroad. Ang pamilya daw ng lalaki ay may factory ng chocolate. Ang pangahan nitong mukha ay bagay sa tangos ng ilong at makikipot nitong bibig. Thirty years old na pala ito.Mataas ang sense of humor ng lalaki. Natatawa siya sa mga simoleng hirit nito. Parang nababawasan na ang sakit ng kanyang ulo. Pakiramdam niya ay nagrelease siya ng maraming stress thru sweat. "Kumain na kayo," yaya sa kanila ni Harvy. Ramdam niya sa tinig at kilos nito na masama ang loob nito.Hindi naman tumanggi sina Audrey at Richmond sa paanyaya ni Harvy. Pinaunlakan nila ang imbitasyon nito ng pagkain.Nagkasabay pa sila ni Richmond humawak sa plato ng kanin, upang lagyan ang kanyang plato."Salamat, ako na," siya na ang sumandok ng kanin
Nakahinga siya ng maluwag pag alis ng dalawa. Isinuot niya ang kanyang apron at nag umpisang maghugas ng mga hugasin. Madalas, si Dahlia ang gumagawa sa bahay, siya lang ang nagluluto. Madalang naman silang kumain dito dahil lagi silang nasa labas.Kumuha siya ng vacuum saka naglinis muna ng salas. Inayos niya ang mga throw pillow na nagulo nung umupo sila doon. Pinunasan niya ang malesang bubog na center table.Ng makatapos na sa labas, pinuntahan niya si Dahlia, saka pinainom ng gamot. Hinubaran niya ito ng suot na damit at panloob. Walang halong malisya ang ginawa niya, dagli niya itong dinala sa banyo at inupo sa bath tub. Mataas pa rin ang lagnat nito kaya dapat, mapababa ang init. Limang minuto lang ang ligong ginawa niya dito, saka niya kinuha ang towel, at tinuyo ang katawan ng babae. Inabutan niya ito ng tooth brush na may toothpaste. Pagkatapos magtooth brush ni Dahlia, binuhat niya ulit ito pabalik sa kama. Isinaksak niya ang blower para pahanginan ang buhok niyo. Sinusukla
Nagulat siya habang may binabasang papeles, ng maramdaman niyang may nakatayo sa harapan niya. Nanlaki ang mata niya ng makilala ito."Ri--Richmond!" hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ang lalaki, "a--anong ginagawa mo dito?""Kasama ko si Audrey, naroon na siya sa loob. Abala ka kasi kaya hindi mo kami napansin," ngumiti ito sa kanya. Nakasuot ito ng corporate attire."Saan kayo galing!" tanong niya dito saka tumingin siya sa paligid. Nagbubulungan ang mga tao sa labas. "Halika nga sa loob," hinila niya ito sa opisina ni Harvy.Nakaupo si Audrey sa lamesa habang nakayuko ito sa harap ng asawa niya. Nagulat siya dahil naka corporate attire din ito."Hi Dahlia, busy ka kanina, kaya hindi mo kami napansin ni Richmond," ngumiti ito sa kanya. Halata niya ang kaplastikan sa hitsura nito."Oras ng trabaho ngayon hindi ba?" tanong niya sa babae, saka niya ginantihan ang ngiti nitong nakakabadtrip."Mag aapply sana ako dito eh. Secretary sana ni Harvy," wika nito."May secretary na ak
Nabubwesit siya kay Dahlia. Binigyan nga siya ng trabaho, ngunit associates lang siya. Malayo ang opisina niya sa opisina ni Harvy. Nakatoka siya sa pag iintertain ng mga bisita. Kung hindi nga lang siya natatakot na baka mapalayo ang loob ni Harvy sa kanya, hindi na siya magtatrabaho. Tutal binibigyan naman siya ng allowance ng lalaki. Ngunit noong nakaraan, ay nagtataka siya. Wala na siyang natanggap buhat sa lalaki, at kailangan niyang malaman kung bakit. Pinuntahan niya ito ng maaga sa opisina. Wala si Dahlia sa labas, pati lamesa nito ay wala na doon. Napangiti siya. "Sinabi ko naman sa kanya, na kaya ko siyang ipatanggal kay Harvy. hahahaha" Kinakausap niya ang sarili. Nakita niya ang isang assistant doon. "Nasaan na si Dahlia?" "Ah, ma--ma'am.." "Okay lang. Alam kong aalis na siya dito. Nakapag usap na naman kami nun. Oh siya, umalis ka na dyan at ang pangit mo!" pagtataboy niya sa babaeng kausap. Lumayo itong bubulong bulong. Nagmamaganda pa siya at nag ayos ng damit. Ibi
Nasa gitna siya ng meeting, ng tawagan siya ng unfamiliar na number. Nag excuse siya sa mga kausap upang masagot ang nasabing tawag. Bigla siyang kinabahan, kahit si Dahlia ay hindi siya napigilan pag alis. Tinakbo niya ang kanyang kotse at kulang na lang kanyang paliparin.'Harvy, nasa hospital kami ngayon. Natagpuan ng kasambahay namin, na naglaslas ng pulso si Audrey. Nasa kritikal na lagay pa siya ngayon. Masyado na siyang depress nitong mga nakaraang araw. Ayaw naman niyang magsabi ng problema niya sa amin. Sana mapuntahan mo siya.' boses ng ama ni Audrey.Ito ang umaalingawngaw na tinig sa kanyang utak. Sa pangalawang pagkakataon, napahamak ang babae, dahil na naman sa kanya. Gugustihin niya bang mawala ang babaeng tatlong taon na niyang minamahal? minamahal ba o minahal? naguguluhan na rin siya. Pero ang alam niya, sa ngayon ay kailangan siya ni Audrey.Hindi niya alam sa sarili niya, kung bakit biglang nahati ang puso niya. Alam niya, ang responsibilidad niya kay Audrey, pero
"Saan kaya pumunta ang lalaking yun?" tanong niya sa sarili. Bigla na lang iniwan ng asawa niya ang meeting with investors, buti na lang napag aralan niya ang plot ng proposal. Natapos ang meeting ng smooth. Nagdahilan na lamang siya sa mga bisita na may emergency sa bahay. Sinubukan niya ring tawagan ang lalaki, hindi ito sumasagot. At sunod na tawag niya, nakapatay na ang phone ng lalaki. Ayaw niyang hanapin ito sa mansiyon, dahil alam na niya kung nasaan ito. 'Ano na naman kayang kagagahan ang ginawa ng jowa nito?' Matindi rin ang saltik sa ulo ni Audrey. Malamang ay may ginawa na naman itong kabalbalan. Nagpapalakad lakad siya sa loob ng opisina. Bumukas ang pinto, assistant ni Harvy ang dumungaw dito. "Ma'am, si sir Richmond Torre po," sabi nito. "Sige, lalabas ako," sa lobby ng opisina niya ito pinuntahan. Ayaw niyang magkakaroon ng issue na pinapasok niya ito sa loob ng opisina kung saan dalawa lang sila sa loob. "Hi!" bati nito sa kanya. May dala itong supot na sa tingin
Nakita na ni Harvy ang papalapit na sasakyan, malamang, si Richmond iyon."Medic!!! get ready," ibinaba agad nila ang stretcher. Ang bilis ng takbo nito, na halos sa harapan na nila magpreno.Tumalon na ito sa drivers seat at nagmamadling pumunta sa likod ng pick up."Dito ko siya inilagay para mabilis.. Apat na minuto na simula nung saksakan namin siya ng gamot," sabi nito.Agad inasikaso ng mga Medic ang lolo niya. "Dadalhin na namin sa ospital si lolo, Harvy," paalam ni Arvin "mag iingat kayo.""Salamat pare.." paalam niya kay Arvin. "bahala ka na kay lolo.."Pag alis ni Arvin, agad niyang binalingan si Richmond. "Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sayo o ano.""Wag ka munang magpasalamat, wala pa si Dahlia." awat nito sa kanya."Bakit mo kinuha si Dahlia?" tanong niya."Tumawag sakin si Audrey na nalocate niyo na sila. Papatayin na daw nila si lolo, kaya inoffer ko ang bahay namin dito. Nakita ko ang kalunos lunos na kalagayan ng matanda. Hindi ako pwedeng magsabi kahit kanino,
Sinagot agad niya ang tawag ni Richmond. Gakit na galit siya sa lalaki."Mahal.." tinig iyon ng asawa niya."Mahal!! kumusta ka na? okay ka lang ba? hindi ka ba sinaktan ni.. Richmond?" tanong niya kay Dahlia."Hi--hindi. Si lolo talaga ang gusto niyang tulungan.. kaya niya ako kinuha.." sabi nito."Ka--kasama mo si lolo?" tanong niya."Oo mahal.. malaki na ang ipinag iba niya ngayon. kumpara noong bago pa lang kami nagkita. Nabibihisan at napapakain ko siya ng maayos..""Sana sinabi niya na...""Mahal, please. Natatakot siyang patayin nina Audrey si lolo. Siya ang nagligtas kay lolo kung tutuusin.""Kasabwat siya nina Audrey!""Hindi.. pinangalagaan niya lang si lolo. Malaki ang utang na loob natin sa kanya Harvy. Wag mo siyang pagsalitaan ng hindi maganda, dahil hindi mo alam ang sakripisyo niya maprotektahan lang kami ni lolo Harry.""Nasaan kayo?" hindi na siya nakipagtalo dito."Bubuksan ko ang gps ng phone niya, itrace niyo na lang. Plano na niya kaming itakas ngayon.. kasi-- ma
"Hoy Richmond!", Tawag ni Audrey sa lalaki, "Anong kalokohan ang ginagawa mo ha? papatayin ko na yang Dahlia na yan, alam mo namang kating kati na ang kamay ko para sakalin siya!""Gusto mo, para patas, one on one kayo?" tanong ni Richmond sa kanya.Napatda si Audrey sa sinabi nito. Wala siyang panama sa babaeng iyon, dahil black belter iyon sa karate. "Ba-bakit one on one""Ang yabang mo kasi, akala mo naman kung makapagsabi ka dyan, kayang kaya mo yung tao!""Gusto mo, patayin ko siya, ngayon din?" masama ang tingin niya dito."Subukan mo lang!" hinawakan ni Richmond ang panga niya, "wag na wag mong kakantiin ni dulo ng buhok ni Dahlia! kung ayaw mong mamatay kayo ng tatay mong kakantutan mo gabi gabi!"Nagulantang siya sa sinabi ni Richmond.. "Pa--paano mo nalaman?""Ang lakas mong humalinghing! Di ka ba nadidiri na ginagang bang ka ng tropa ng tatay mo? Aoat silang pinapaligaya mo ng sabay sabay! napakagaling mo Audrey!" Saka siya iniwanan ng lalaki.Naalala niya, nag inuman sila
Iminulat niya ang kanyang mga mata. Wala na siya sa sasakyan. Nasa kwarto siya. Bigla aiyang tumayo, at napansing iba ang suot niyang damit. Pati panloob niya ay iba.Bigla siyang nagpanic, at naalala ang pambababoy ng lalaking iyon sa kanya. Tumayo siya para puntahan ang pinto. Doon lang niya napansin ang kadena sa kanyang paa.Sumilip siya sa bintana, madilim na, mataas ang pader. Napaluha siya sa isiping iyon. Marahil ay hinahanap na siya ng asawa niya. Ngayon, binaboy pa siya ng lalaking ito.Nagmamadali siyang bumalik sa kama, ng marinig ang mga yabag na nanggagaling sa labas. Palakas iyon ng palakas. Nakita pa niya ang anino sa siwang ng pintuan.Bumukas iyon, at iniluwa ang lalaking nakangiti, may dalang tray. Binato niya ito ng unan."Hayup ka!! pinagkatiwalaan kita! Ganito lang ang gagawin mo sakin!" iyak siya ng iyak. Balewala naman ito sa lalaki. Ngumiti pa rin ito sa kanya."Kumain ka na. Mahaba haba ang biyahe kanina," inilapag nito sa lamesa ang dalang pagkain."Pakawala
Nakasalubong niya sa hallway ng condo si Arvin, nagulat pa ito at naroroon siya. Agad niya itong sinugod at sinuntok ng isa, na ikinabigla nito. "Ba--bakit?" agad pumagitna ang mga naroroon "anong problema mo par? bakit ka basta mananakit?" tanong nito sa kanya at poporma na susugod, "gago ka ba?" "Ilabas mo ang asawa ko, hayup ka!" sigaw niya dito. "Mas hayup ka! bakit ko naman itatago ang asawa mo? Tigilan mo ko sa kapraningan mo Harvy ha! ganitong nabubwesit ako at nawawala ang phone ko, wag kang patanga tanag dyan!? bulyaw nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabi nito, "mna--nawawala din ang- phone mo?" parang natauhan siya sa sinabi nito. "Oo! saka bakit mo hahanapin ang asawa mo sakin? eh wala naman akong gusto dun? putang ina mo, ang sakit ha!" saka ito gumanti sa kanya. Hindi na siya lumaban pa. "Pa--pasensiya ka na pare.. may sumundo kasi sa asawa ko eh. Akala ko, ikaw.. Kasi, sumagot naman si Richmond sakin kanina, ikaw ang hindi." "Baka siya ang kumuha sa asawa mo. Pa
Kakalabas niya lang ng building ng mamataan niyang parating ang isang sasakyan at tumigil sa harapan niya. Nagbaba ito ng bintana at binati siya."Ipinapasundo ka ni Harvy, hindi ka daw kasi niya makontak, nakita na daw nila si lolo." anito sa kanya."Talaga?" gulat na gulat siya, maaari ngang natagpuan na si lolo."Oo, pinapasunod ka sa lugar, buhay daw siya.""Salamat," bubuksan na sana niya ang passenger seat sa harap, pero pinigilan siya nito."May mga prutas kasi dito at box," nasilip niyang meron nga, " sa likuran ka na lang. Makakapag usap din naman tayo kahit nandun ka.""Ah, sige, gusto ko nga doon at makakapagpahinga ako." nakangiti niyang sagot dito. " bakit ka nakamask?""Inatake ako ng allergic rhynitis. Oh, handa ka na ba?" tanong nito."Sige, tara na" nginitian niya pa ito, "tatawagan ko lang ang asawa ko."Dial siya ng dial, hindi man lang magring ang phone ni Harvy, kaya nagtataka siya. "Wag ka ng magtaka, baka nawalan ng signal dun, ang alam ko, ipinaputol muna ang
Wala pa ring progress sa pagkawala ni Lolo Harry. Si Dahlia ang bumalik sa opisina, at siya ay naiwan sa bahay kasama ng mga magulang.Hindi niya rin kayang magfocus sa pagtatrabaho, mabuti na lang at maaasahan ang asawa niya. Ito ang sumasalo ng lahat para sa kanya. Kalahati ng buhay niya ay nakasalalay sa babaeNag uusap silang mag anak, ng dumating sina Richmond at Arvin. Bumati sila sa kanila saka naupo."May progress na ba sa pagkawala ni lolo?" tanong ni Arvin."Wala pa nga eh. Ang hirap kausap nina Audrey." sagot niya."Richmond, ilabas mo na ang envelope," sabi ni Arvin kay Richmond."Anong envelope?" tanong niya sa mga ito."Ito ang---" biglang tumigil sa oagsasalita su Richmond, saka tumayo, "ano to?" kinuha ang isang bagay na nakasaksak sa outlet, "camera!""Patingin nga?" inagaw niya kay Richmond ang hawak nito, "oo nga no! kaya pala alam niya ang mga ginagawa namin.""Masyado ng matalino si Audrey," sabi ni John, "sir, pakihanap ng sa buong bahay kung saan pa may ganito."
"Takot na takot ka ah!" tawa ngbtawa ang nasa kabilang linya."Audrey, nasaan si lolo?" tanong niya. Naglapitan sina Harvy sa kanya."Relax lang, ikaw naman, nagmamadali ka agad," napataltak pa ito."Ibalik mo na siya! may sakit naman siya, maawa ka sa kanya!" umiiyak niyang sabi, "wag na si lolo, sana ako na lang, kung galit ka sakin.""Galit? hindi ako galit sayo Dahlia, muhing muhi ako sayo!" bulyaw nito sa kabilang linya. "kasalanan mo ang lahat! masaya sana kami ngayon, kung hindi dahil sayo!""Alam kong kasalanan ko, kaya ako na lang.. pabayaan mo na si lolo.""Ano ako? baliw? eh ito ngang matandang ito ang may kagagawan ng lahat eh.""Ibibigay naman namin ang gusto mo, pakawalan mo lang siya.""Kailangang ibigay niyo! kaya nga kidnap for ransom ito hindi ba? Ikaw, ginagawa mo na naman akong tanga!""Audrey please...""Audrey please!" panggagaya nito sa kanya, "matapang ka hindi ba? mayabang ka pa! asan na ang tapang at yabang mo ngayon? uuuh.. wala na.. kawawa naman." nawala na
"Tama, sinasabi na nga ba, at sina Audrey ang may pakana nito!" inis na inis si Dahlia habang nakaupo sa loob ng kotse. "Unang kita ko pa lang sa babaeng iyon, iba na ang kutob ko.""Sana nga, naniwala na lang ako sayo," sabi ni Harvy sa kanya."Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Dapat talaga, mapuntahan ang bahay ng mga yan. Kakalbuhin ko talaga yan kapag nakita ko."Pero ramdam niya ang guilt sa kanyang puso. Parang hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa kanyang lolo. Hindi niya ata kakayanin yun, na mapahamak ito dahil sa kapabayaan niya."Ako man, ganyan din ang iniisip ko," malungkot na sabi ni John, "hindi maaaring mapahamak si daddy. Talagang hindi ko kakayanin. Siya lang ang mag isang nagpalaki sa akin.""Honey, makikita din natin si daddy, magpray lang tayo," alo ni Alma kay John "wag kang mag isip ng masama.""Sorry honey, pinagtatawanan pa kita, yun pala, tama ka." sabi ng daddy niya sa kanyang mommy."Sssh, okay lang yan. Wag mong sisihin ang sarili mo." awat ng